Dayo

By helliza

995K 43.9K 9.1K

Dayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masak... More

Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
kabanta 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas

Kabanata 2

28.7K 1K 70
By helliza




2

Masakit na ulo.

Iyan ang gumising sa akin. Naitaas ko ang isang kamay ko papunta doon para mabawasan ang sakit.

Nabasa iyon at ng tignan ko ay nababalot na ng dugo ang mga daliri ko.

Anong--?

Napabangon ako. Napaungol dahil sa sakit ng katawan. Saka ko lang napansin na sa gilid ako ng ilog nakahiga. Basang-basa ang suot kong damit at pantalon.

Anong nangyari?

Napalingon ako sa paligid papadilim na.

Asan ako?

Dahan-dahan ako tumayo . Hindi pa man ako nakakalakad natigilan ako.

Bakit parang may kulang?

Pinakiramamdaman ko ang katawan ko.

Para talaga may kulang pero hindi ko malaman kung ano.

Dahan-dahan ako naglakad. Napatingin sa paligid. Nasa gubat ako, base narin sa mga puno nagkalat at mga ligaw na bulaklak. Dinig ko din ang mga tunog na likha ng mga insekto at hayop gubat.

Medyo nahihilo pa ako. Bumuway ang tayo ko at napasandal sa isang puno. Noon ako nakarinig ng kaluskos kasunod ng mga tinig.

"Sigurado ako na dito sya bumagsak, Drigo." Tinig iyon ng isang lalaki.

Napasiksik ako sa puno. Ayoko makita nila ako. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung may pagkakatiwalaan ba ako rito.

Dahan-dahan ako umatras bago tumakbo palayo kung saan nanggagaling ang mga tinig.

"Ayun!"

Shit.

Mas binilisan ko ang pagtakbo. Kaso muli ako napahinto ng makasalubong ko naman ang grupo ng mga sundalo.

Nang ituro ako ng isa kumaripas ulit ako ng takbo pabalik sa direksyon na pinanggalingan ko kanina.

Bakit ba nila ako hinahabol?

Lalong tumindi ang sakit ng ulo ko. Lumalabo narin ang paningin ko.

Malas. Malas. Malas.

Hanggang sa sumabit ang mga paa ko sa isang batong nakausli. Nakaramdam ako ng sakit sa kaliwa kong sakong na mahapdi na kanina. Tuluyan na sana ako babagsak kung hindi lang sa mga braso pumulupot sa bewang ko.

Suminghap ako at sinalubong ng isang pares na itim na itim na mga mata ang mga mata ko.

"Sino-- ump!" Mabilis nya tinakpan ang bibig ko bago pakaladkad na hinila sa kung saan.

Nagtago kami sa isang kweba na natatakpan ng makakapal na baging at halaman.

"Nasaan na?"

"Nawala bigla Kapitan."

"Hindi pwede mawala iyon. Nakita sya ni Komander kailangan maiharap natin sa kanya ang kakaiba babaeng iyon. "

Sabi ng mga sundalo nakatayo kung saan kami nakapwesto kanina.

Sinubukan ko gumalaw pero nakapulupot parin sa akin ang braso ng lalaki. Mas humigpit pa nga pagkahawak nya sa akin.

"Ump... "

Nag-iba ang tibok ng puso ko habang nagtitigan kami. Saka rin ako naging aware sa kakaibang pakiramdam na dulot ng pagkakadikit ng aming mga balat.

Sobra lapit pa ng mga mukha namin.

Hindi ko alam kung ilang sedundo kami magkatitigan kung hindi lang may nagsalita hindi pa maghihiwalay ang mga mata namin.

"Wala na sila Drigo "

Napapunta ang tingin ko sa nagsalita. May mga kasama pala sya. Tatlo lalaki.

"Tahimik kung ayaw mo makuha ng mga tagapagparusa." Sabi ng lalaki may hawak sa akin. His voice is thick and manly. I shivered hindi ko alam pero may kung ano tumulay sa katawan ko ng marinig ko ang boses nya. Parang nagtayuan pa ang mga balahibo ko.

Tumango ako.

Dahan-dahan naman nya tinanggal ang kamay sa bibig ko. Umatras palayo sa akin. Pero ang mga titig nya para binabasa ang lahat-lahat sa akin.

Bakit parang nagkatitigan na kami dati?

Namiss ko kaagad ang init ng katawan nya. My flirty side kicked me, gusto nito bumalik sa loob ng bisig ng binata.

"Sino kayo?" gumaralgal ang boses ko dahil sa lamig.

Umatras pa ang binata na kanina ay halos nakayakap na sa akin.

"Ikaw ang dapat namin tanongin Binibini. Sino ka? Dayo ka ba rito? At bakit ganyan ang kasuotan mo?" Tanong ng isa sa mga lalaki kasama ng binata itim ang mga mata.

"Ako si--.' Natigilan ako. "Ako si..." napahawak ako sa ulo ko ng kumirot iyon. "Ako si..." napatigil ako sa pagsasalita. "H-hindi ko alam kung ano ang p-pangalan ko." after I said that isang matinding sakit ng ulo ang tuluyan nagpadilim ang mundo ko.

*****

Muli ako nagising, sa pagkakataong iyon huni naman ng mga ibon ang gumising sa akin. At hindi na ako nakahiga sa gilid ng ilog kundi sa isang papag.

Napabalikwas ako ng bangon. Nalaglag ang basang tela na nasa noo ko. Pati narin ang halaman na nakatapal doon. Napapikit ako ng kumirot ang sugat ko.

Hindi ko narin suot ang basa ko damit. Isang mahaba at longsleeve na bestida na ang suot ko.

Asan ako?

Mali ka yata ng tanong hindi ba dapat itanong mo kung sino ka. Bago ka mawalan ng malay hindi mo kilala ang sarili mo diba. Sikmat ng sensible side ko.

Natigilan ako. Napasuklay sa aking buhok gamit ang akin mga daliri.

Ang naaalala ko tinanong ako ng isa sa mga lalaki iyon kung sino ako. Pero hindi ko nasagot. Hindi ko matandaan ang pangalan ko.

May amnesia ba ako?

Bumukas pinto ng kwarto kung nasaan ako. Isang bata babae ang nakita ko pumasok.

Namilog ang mga mata nya ng makita gising na ako.

"Gising na ang binibini. Inay, kuya gising na ang binibini."

"T-teka." Bago ko pa sya napigilan nagtatakbo na sya palabas.
Sinubukan ko sya habulin pero sa pagbaba ko pa lang sa papag nahirapan na ako dahil sa suot ko.

Shit ano bang klase damit 'to.

Nagawa ko rin makatayo. Susundan ko na sana ang bata babae ng bumukas ulit ang pinto. Muli pumasok ang bata kasunod ang may edad na na babae.

Sa tantiya ko nasa 40 or 45 na sya . May kapayatan. Tulad ko nakabestida mahaba din sya ang sa akin lang ay puti samantalang sa kanya ay kulay gray. May mga kasunod din ang babae.

At muli nagtagpo ang mga mata namin ng lalaki itim na itim ang mga mata.

If I remember Drigo ang tawag sa kanya.

Wow babae iyong pangalan nya natandaan mo pero your name hindi mo maalala. Aba matinde.

Ganon parin ang epekto sa akin ng magtama ang mga mata namin. Katulad pa din ng pakiramdam ko kagabi habang yakap nya ako. Sa lito ko naiiwas ko tuloy ang tingin ko sa kanya.

Naandon din ang tatlo lalaki kasama niya. At tatlo pa babae. Lahat sila nakatingin sa akin ng kakaiba.

Ano ang problema nila? Bakit para tatlo ang ulo ko kung tignan nila ako.

"Gising ka na pala Ineng." Nang lumapit sa akin ang nakakatanda babae awtomatiko napaatras ako. Napatapat ako sa bintana bahagya nakabukas at pinapasukan ng pang-umaga sinag ng araw.

"Sino kayo? Asan ako?" tanong ko.

"Hindi ba dapat ikaw ang tanongin namin isa ka dayo dito dapat ikaw ang magpakilala." Napatingin ako sa babae katabi ni Drigo. Maganda sya may katarayan ang mukha at nakasuot ng kulay pink na bestida.

Lahat kami babae nakabestida kahit iyong bata. Pareho ng style magkakaiba lang sa kulay. Naka uniform ba kami?

"Oo nga sino ka?" tanong din ng isa pa babae.

"Hindi kaya isa sya espiya na pinadala ng pamahalan. Siya ang magdadala ng mensahe at mag-uulat para madakip tayo ng mga Tagapagparusa?" sabi pa din ng isa.

What?

"Huwag nyo takutin ang panauhin." Saway ng nakakatanda babae. Ngumiti sya sa akin.

"Ineng ako si Geneva Maraok. Sya si Rodrigo." Tinuro nya ang ang lalaki itim ang mga mata. Saka ko napansin na long hair din pala ang binata. Hanggang balikat ang buhok nya. "Si Sena, si Winona at Trina." Tukoy ni aling Geneva sa tatlo pa babae.

Sunod nya itinuro ang tatlo pa lalaki.
"Sya si Ejercito. Si Benito at Pedro. Naandito ka sa aming kubo sa bayan ng Liwayway sa mundo ng Dapit-Hapon."

The heck? Anong mundo ng Dapit-Hapon. Saan panig ito ng Pilipinas?

"Pilipinas? Anong Pilipinas Ineng?"

Hindi ko napansin na nasabi ko iyon ng malakas.

"P-pilipinas saan panig ng Pilipinas ang Liwayway and saan parte ng Earth ang Dapit-Hapon?" Nang tignan nila ako na para tinubuan ako ng isang ulo napahawak na ako sa akin noo.

Shit kailangan ko na matandaan kung sino ako. Kung anong nangyari sa akin. Nanghihina napasandal ako sa bintana.

"Sino ka?" napatingin ako kay Rodrigo na nagtanong. "Kilala mo na kami Binibini. Siguro dapat lang na malaman namin kung sino ka at anong ginagawa mo rito sa bayan namin?"

Deretso ako napatingin sa mga mata nya. Natatakot ako. Pero bakit pakiramdam ko na kapag niyakap nya ako mapapanatag ako.

Kalandian iyan. Sabi ni sensible side ko.

Hindi ah inaa-appreciate lang natin ang kagwapuhan at kamacho-han nya. Katwiran naman ni flirty side.

"Sumagot ka. Tinatanong ka ni Drigo." Sikmat ni Sena sa akin.

Girl kung alam ko lang kanina ko pa sinagot.

"Hindi ko alam . H-hindi ko matandaan."
Kung hindi ako nakasandal malamang natumba ako. Shit nanghihina ako sa mga pangyayari.

Muli ako napatingin kay Drigo. Nabasa nya ang takot sa mga mata ko. Humakbang sya papalapit kaya napaunat ako ng tayo.

Kung sasaktan nya ako wala ako laban. Idagdag pa madami sila.

Huminto sya sa tapat ko. Nang tumaas ang isang kamay nya hindi ko maiwasan na mapapikit. Hinintay ang pagtama ng kamay nya sa mukha ko.

Ilang segundo ang lumipas na hindi ko naramdaman ang kamay nya kaya nagmulat ako ng mga mata.

Black to brown. Kaagad na nagtagpo ang mga mata namin.

"Huwag ka matakot binibini. Hindi ka namin sasaktan." He whisphered.

Wala man ako maalala. Hindi ko man alam kung sino ako, isa lang ang sigurado ko. Hindi pa tumibok ng ganito kabilis ang puso ko.

...itutuloy.

*****

H/n

Salamat 🤓🤓🤓

Helliza Sabida



Continue Reading

You'll Also Like

204K 1.6K 5
[COMPLETE] Read full chapters on Dreame App! Grimoire Academy: The Harem of the Fallen Princess (FILIPINO-ENGLISH) Hyacinth Silva was a goddess rein...
302K 13.3K 30
[Reincarnation Series 3: COMPLETED] When an unfinished mysterious book lands in front of Serene Elodia Flores, she envied the main lead of that story...
2.1K 575 47
Will you be able to stay in a school where murder is legal? Alysson Stewart, accompanied by her friends, unexpectedly discovered a school they never...
46.6K 127 2
Queen Series 3 Poseidon, the King of Seas. Read at your own risk! STARTED: MARCH 2021 FINISHED: OCTOBER 2021