Aquarius (PUBLISHED UNDER IMM...

By allileya

396K 16K 2.4K

✨PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE✨ - Genevieve Hutton's life is almost perfect. She couldn... More

Surprise! Surprise!
Update
Aquarius
Book Covers
Dedication
Prologue
Chapter 1: Preparation
Chapter 2: Incipient
Chapter 3: Signs
Chapter 4: The Booth and Stranger
Chapter 6: Binx Cristobal
Chapter 7: Discover and Save
Chapter 8: Fact-Finding
Chapter 9: Solicitude towards Eve
Chapter 10: Nemesis
Chapter 11: A Life-and-Death Correlation
Chapter 12: Drops of Fluid
Chapter 13: Colloquy on AU
Chapter 14: Therapy
Chapter 15: The Dawn
Chapter 16: Rainbows and Sunshine
Chapter 17: Happiness in Disguise
Chapter 18: Graduation Day
Chapter 19: Mixed Emotions
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: Nervous Breakdown
Chapter 22: Her Decision
Chapter 23: Home
Chapter 24: Bombarded by Crowd
Chapter 25: Difficulties
Chapter 26: Press Conference
Chapter 27: Emotionally Distress
Chapter 28: Reanna Aguillard
Chapter 29: Overheard
Chapter 30: A Beginning to an End
Epilogue
Note
Announcement

Chapter 5: Crying in the Rain

9.7K 550 47
By allileya

GENEVIEVE

Nagising akong masakit ang ulo kaya agad ko itong hinawakan at dahan-dahang bumangon. Pumikit ako at hinilot ang sentido ko. Ano bang nangyari?

"Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin? Ibaba mo nga ako! Nakakahiya!" nanggigigil kong bulong sa kanya dahil kahit anong gawin ko ay wala talaga siyang balak na ibaba ako. Hanggang ngayon ay nasa hallway pa rin kami. Ramdam ko rin ang titig ng mga estudyante sa amin. Damn this guy! What is his problem?!

"Just shut the fuck up, bumpy girl. Ikaw lang naman ang gumagawa ng sarili mong kahihiyan. Tsk."

What did he just say to me? Bumpy girl?

"Hoy! Huwag mo akong ma-fuck fuck diyan! Hindi ikaw ang nagluwal sa akin! At anong bumpy girl? Nakagawa ka pa talaga ng nickname sa 'kin sa mga oras na ito, ano? You're impossible! Tapos ako pa ngayon ang sinisisi mo?! Puwede ba? Ibaba mo na lang kasi ako! Kailangan ko pang magpalit ng damit! Kailangan ko pang–"

Aray!

Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong tumama ito sa isang matigas na bagay. Dang! It hurts! Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang pagkahilo bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.

Napamulat ako bigla dahil sa alaalang bumalik sa isipan ko. Napakuyom na lang ako ng dalawang kamao dahil sa panggigigil sa lalaking iyon. Wait 'til we meet again, jerk!

"That guy..." I mumbled as I gritted my teeth.

Masyado niyang pinapainit ang ulo ko. I hate him! I really really hate him! I swear!

Nagulat naman ako sa biglaang pagbukas ng pinto kaya agad akong napalingon doon.

"Gising na po pala kayo, Ma'am," ang nars saka lumapit sa may monitor ko. Tinanguan ko na lang siya at hinintay na matapos.

"Uh, nars, nasaan na pala 'yong lalaking nagdala sa akin dito? Uhm, gusto ko lang sanang magpasalamat," I stuttered. Parang may nabara yata sa lalamunan ko. Geez, ako magpapasalamat sa lalaking iyon? No way! Isa siya sa dahilan kung bakit ako nandito ngayon kaya... NO. It's a big no for me.

"Ah, iyong boyfriend niyo ho? Umalis na po kani-kanina lang." Nakangiti ang nars na para bang kinikilig.

"Boyfriend? He's not my boyfriend!" I tried to defend myself.

"Ay, ganoon po ba? Pasensiya na po. Iyon po kasi ang pakilala niya sa amin."

I cleared my throat. "Bakit niya naman sinabi iyon? We just met before we came here. That's not true, Miss. I swear. He's lying to you. Uhm, uhm, totoo talaga, Miss. Hindi ko talaga..." Napatigil ako sa pagsasalita nang may mapagtanto ako. Why am I even explaining to this nurse? She doesn't need to know the truth. That's not her concern anymore.

"Napaghahalataan po kayong defensive, Ma'am."

"Ako? Defensive? Sa kanya? No way!"

Damn it! Bakit ko pa ba kasi kinakausap ang nars na ito? Ano ba naman iyan! Ito tuloy ang napala ko sa pagtatanong ko sa babaeng ito! I feel so harassed! Help me!

Natigil lang ako sa pag-iisip nang magsalita ulit siya.

"Uhm, una na po ako, Ma'am. Pagaling po kayo agad para po makasama mo na po ulit iyong BOYFRIEND mo," paalam ng nars sa 'kin habang pinagtatawanan niya pa rin ako. Aba nakuha pang mang-iwan ng insulto! Che! Huwag ka nang bumalik dito! I will request another nurse, pero alam ko namang hindi ako magtatagal dito.

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok saka ginulo-gulo ito nang makalabas na siya sa kuwartong kinaroroonan ko. Jusko! Nakakahiya ang inasal ko sa harap ng nars na iyon! My goodness!

I grimaced. "Ako? Boyfriend ko iyong lalaking iyon? Seriously? That guy?" sarkastiko akong napatawa dahil sa sinabi ko. Dang! It's so funny! He's not even close on my standard!

"Oh well, puwede na rin naman. Ang guwapo niya, eh. Ay hindi! Kahit guwapo siya, hindi tamang magsinungaling siya sa ibang tao na girlfriend niya ako! That's very very wro–" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto. Ano ba naman iyan! Panira ng momentum!

"Mom! Dad!" bulalas ko habang ngumingiti ng peke sa kanila. Joke lang naman pala 'yong sinabi kong panira ng momentum ko. Nagulat naman kasi ako sa kanila. Hindi man lang sumignal na papasok sila. Well, hindi naman sapat iyong pagbukas ng pinto basta-basta. Wait what? Shems, nababaliw na ako. Kung ano-ano na naiisip kong kabobohan dahil sa lalaking iyon.

But then... I pouted as I remember him meeting me at the CR. What a very spontaneous place and time to meet that guy. Love story na ba ito? Funny. I think I'm gonna throw up?

"Sweetie, are you okay now?" alalang tanong ni mommy sa 'kin nang makalapit na sila sa 'kin. Ito na naman po tayo.

I smiled. "Mom, I'm always okay. Don't worry. This is just an allergy."

"Don't say that!"

"Aray!" Napanguso ako nang hampasin niya ang balikat ko. Totoo naman kasi, eh. Normal lang naman magkaroon ng allergy.

"Ang tigas kasi ng ulo mo. Sinabi ko naman sa 'yo huwag ka na munang pumasok dahil hindi ka pa tuluyang magaling. Look what happened to you today. Mabuti na lang at may mabuting tao ang nagdala sa 'yo rito. Naku, Eve! Palagi mo na lang kaming pinag-aalala."

Habang nagsasalita siya ay patuloy lang din ako sa pagtango sa kanya. May paturo-turo pa siya ng daliri sa 'kin. But something caught my attention on what she's saying to me.

"Mabuting tao? Sino po?" Tumaas ang kanang kilay ko sa kanila. Don't tell me it's that guy? The jerk one?

"Oo. Ano nga ulit pangalan niya? Bink? Bins? Bi... hon, what's his name again?" tanong ni mommy kay daddy nang hindi niya maalala kung sino ba talaga iyong 'mabuting' tao na iyon. Hmm. Let's see...

"Binx Cristobal. Siya rin ang tumawag sa amin para pumunta kami rito. Sayang lang at hindi na namin siya naabutan pa," si Daddy.

Ha! Binx! Binx pala ang pangalan ng lalaking iyon, ah? Ang pangit naman, kasing pangit lang ng muk – pag-uugali niya! Tsk. Makikita niya kapag nagkita ulit kami. Gagantihan ko talaga siya. Pero ano naman mapapala ko? Naman oh! Huwag na nga lang! Bahala na kung ano ang mangyari.

"Tsk. Pakitang-tao," I mumbled.

"Ano iyon, sweetie?" Nabalik ang tingin ko sa kanila at agad naman akong umiling-iling saka ngumiti. Oh, my. Napaka-plastik ko. "Ang sabi ko po, mahal na mahal ko po kayo..." I gave them my sweetest smile as I open my arms wide to give them a hug.

That was close!

"Oh, sweetie. You're so sweet. We love you too," my mom said as they both hug me too. Naramdaman ko rin ang paghalik nila sa ulo ko. Pumikit na lang ako at dinama ang yakap nila. Ang sarap lang sa pakiramdam ng ganito.

Sana ganito na lang palagi...

"Next time, don't do something reckless again, okay? Hindi namin kakayanin na mawala ka sa amin."

Napangiti naman ako sa sinabi ni daddy. Kumalas na kami sa yakap pagkasabi niya 'non.

"Sus, Dad! Ang OA mo po! Hindi naman agad ako mawawala sainyo! Hello? I'm a strong woman kaya! I can easily get through this," sabi ko naman sabay flip hair at taas-noo akong tumingin sa kanila.

"You're still our baby no matter what. So, don't do it again, alright?" si dad ulit.

I sighed.

"Alright. Sorry po." Saka ko sila nginitian at ganoon din sila. I guess they're right. Hindi na talaga ako uulit sa pagsuway sa kanila. Sa tuwing ginagawa ko iyon, may nangyayari talaga sa 'kin, eh. Tama rin ang mga katagang sinasabi nila na, 'parents are always right.' So don't just ignore our parents when it comes to the things like this, they're just trying to protect us.

"By the way, are you hungry? Do you want something to eat? We brought some food."

Nabalik ang atensyon ko sa kanila nang alokin ako ni mommy. Tumango-tango naman agad ako habang may ngiti sa mga labi ko. Ngayon na sinabi nila iyon sa akin ay saka ko naman naramdaman ang gutom.

"Okay. Okay. I'll get you some." Kinuha ni mommy ang bag niya sa may sofa at may kinuha roon na pagkain.

"Ahhh..." Ngumanga ako at hinintay ko na subuan niya ako. Narinig ko naman agad ang pagtawa niya pati na rin si daddy kaya sinara ko na lang ulit ang bibig ko.

"Still the old you, Genevieve."

Natawa naman ako sa sinabi ni Daddy kaya naningkit naman ang mga mata ko nang tingnan ko siya na nakaupo na sa sofa at may hawak na dyaryo sa kamay.

"Hmm, how 'bout you, Dad? Baka gusto mo ring magpasubo kay mommy? Hindi ka man lang ba nagseselos? Mas mahal ako ni mommy, oh!" tukso ko sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka. Hindi naman nahihigitan ang pagmamahal mo sa isang tao. Sakto lang," aniya habang umiiling-iling. Sus! Pabagets din itong si daddy, eh! Don't tell me may mga experience ito noon? Nah, my Mom's still the best.

"Ewan ko sa 'yo, Dad!" Sinimulan ko na ang pag-kain ko.

"By the way, Mom, did Reanna texted you? Alam niya bang nasa ospital ako ngayon? May gagawin po sana kasi kami," sabi ko sa pagitan ng pagkain ko.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni mommy saka bahagyang umiling.

"No. Besides, I will not let you."

"But, Mom–"

"No more buts. Just eat your food."

***

"Mom, I'm going to see Reanna. I need to ask her something. Can I?" I said as I saw my mom in the kitchen, baking my favorite Peanut Cookie.

Lumapit ako sa ref at agad kumuha ng malamig na tubig saka ito ininom.

"Sure, sweetie. Don't go home late or else–"

"You're grounded! Tatanungin ko lang naman po siya about sa homework namin sa Biology. At... magpapatulong na rin po ako sa kanya." Ngumiti ako ng malapad sa kanya habang itinataas-baba ang dalawa kong kilay pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Alright. Alright. Does your dad already know?"

"Hmm." I nodded.

"Okay."

Lumapit ako sa kanya saka siya binigyan ng isang matamis na halik at napakahigpit na yakap. Wala lang, feel ko lang na gawin iyon. Ang sweet ko, 'no?

"Bye." I smiled widely as I waved my hand to her. She just laughed at me.

"Wait! Kaya mo na ba? Baka atakihin ka na naman ng allergy mo sa daan. Gusto mong magpasama?" My mom is worrying for nothing again.

"I can handle, Mom. I promise. You don't need to worry, okay?" I just gave her an assuring smile para hindi na siya mag-alala pa.

She let out a low suspire. "Fine. I love you. Take care of yourself," huling sabi niya bago ako tuluyang umalis ng bahay. Baka magbago pa ang isip niya, eh.

Habang naglalakad ay isinilid ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket na suot ko. Tumingin ako sa langit at agad kong napansin na ang dilim pala ng panahon ngayon. Shoot! Mukhang uulan pa. 'Di bale, mabilis lang naman ako. Ilang lakad lang at makakarating na ako sa apartment ni Reanna. Sa may labas lang naman iyon ng subdivision na tinitirahan namin.

Lumipas ang ilang minuto ay naramdaman ko na parang may pumapatak na sa ulo ko hanggang sa paunti-unit na itong lumalakas kaya sinimulan ko na ring tumakbo. Kapag minamalas ka nga naman.

May nakita akong convenience store kaya napagdesisyunan ko na munang sumilong doon. Umulan nga. Hindi man lang ako hinintay na makarating sa apartment ni Reanna.

Papasok na sana ako nang bigla akong may mabunggo.

"Sorry po!" paghingi ko naman agad ng paumanhin nang hindi tinitingnan ang mukha niya saka na ako pumasok.

Naupo agad ako sa nakita kong bakanteng upuan at nilabas ko ang panyong dala ko para magpunas.

"Ano ba naman iyan. Ang malas ko talaga..." I mumbled. Nagmumukha na naman akong basang sisiw. Buwisit.

Pagkatapos makapagpunas ay nilabas ko ang cell phone ko at sinimulang tawagan si Reanna para sana sunduin na lang ako rito pero hindi niya naman sinasagot. Ano na naman kayang ginagawa ng babaeng iyon?

To: Reanna

Hey, what are you doing? I'm at the convenience store. Such a lucky day for me to come over to your apartment today. Call me back, please. I'm–

"What the–" Agad akong napatayo dahil sa sobrang pagkagulat nang bigla na lang may bumuhos na malamig na tubig sa ulo ko. Nabitawan ko ang cell phone na hawak ko at nakita ko na lang itong nasa sahig na. Oh, crap!

Hinarap ko ang taong may gawa 'non at lalo lang akong nagulat at nagalit nang makita ko ang pagmumukha niya.

"You?!" bulalas ko pero as usual wala na namang mababakas na reaksiyon sa pagmumukha niya. Really, huh? Alien ba ito o sadyang hindi lang talaga marunong makiramdam? "Seriously, dude?! What is your problem?!" sarkastikong dagdag ko pa saka ko ulit sinubukang punasan ang nabasang damit ko. Damn it! As if naman na maaalis pa ito! Padabog ko na lang kinuha iyong cell phone ko na nasa sahig na at agad itong sinuri kung buhay pa.

"Are you sick?"

I stopped from what I am doing when I heard his cold voice.

"What?" kunot-noong sagot ko.

"Tsk. Are you deaf?"

"What?!" Namilog ang mga mata ko.

"Stupid," sabi niya saka ako tinalikuran.

My jaw dropped as I watched him walk away. Umiling-iling ako nang matauhan ako. Padabog ko siyang sinundan.

"Hoy!" sigaw ko na siyang nakapagpatigil naman sa paglalakad niya. "Ano bang problema mo?! Talagang ginagalit mo ako, ano? Sinira mo pa ang araw ko! Sino ka ba sa inaakala mo?!" Nakakuyom na ang kamao ko habang habol-habol ko ang hininga ko. Pansin ko rin na pinagtitinginan na kami ng ibang mga taong nasa loob at labas ng convenience store. At pansin ko rin, ha? Sa tuwing nakikita ko siya, kumukulo talaga ang dugo ko at wala akong ibang maramdaman sa kanya bukod ang inis at galit. Darn! Nagmumukha akong gorilla kapag ganito.

I hate this day! I hate this convenience store! I hate what I'm feeling today! I hate this epic scene! I hate him! I hate what he did to me! I hate everything about him! Screw him!

Dahan-dahan siyang lumingon at tiningnan lang ako na parang wala lang. Napangiti naman ako ng mapakla dahil sa inasal niya. Wow. This guy is getting into my nerves. This guy is really something. How can he act so cool in this situation?

"Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang talaga?"

Napakurap-kurap ako saka ngumiti ng peke sa kanya bago tuluyang tumakbo palabas ng convenience store. Those words were like a trigger.

"Damn you..." I whispered as I ran away. Nakalimutan ko ring umuulan pa pala at huli na para bumalik ako sa convenience store na iyon. Sinira na niya ang lahat.

Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng gilid ng mga mata ko at mayamaya lang ay tuluyan na akong naiyak. Natigil ako sa pagtakbo saka tumawa ng mapakla at marahas na pinunasan ang nabasa kong mukha dahil sa luha at ulan. Hindi ako makapaniwalang iniiyakan ko ngayon ang lalaking iyon. Hindi ko inakalang masasaktan ako sa ginawa at sa mga sinabi niya. Like seriously? That guy just made me cry? I can't believe it! And do you think I'm just overreacting? No. Masakit lang talaga ang ginawa niya sa akin.

Pumikit ako at tumingala habang dinadama ang bawat patak ng ulan sa mukha at katawan ko para hindi mapansin ng ibang tao na umiiyak ako. Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyang tumigil ang ulan. Dinilat ko ang mga mata ko at panibagong luha na naman ang kumawala. Shit! This is insane! Bakit ba ako umiiyak? Ang babaw ko naman masyado!

Napabuntong-hininga ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa apartment ni Reanna. Nanghihina man, sinubukan ko pa ring katokin ang pinto ng apartment niya. Nakailang ulit akong katok pero walang sumasagot o bumubukas ng pinto. Nasaan ba kasi iyong babaeng iyon? Alam niya na naman na pupunta ako rito ngayon, eh. Kainis naman! Ni hindi man lang naisip mag-text o tumawag.

Nilabas ko ang cell phone sa bulsa ko para sana tawagan siya pero hindi ko na mabuksan pa ang ito. Pansin ko rin na parang may namuong tubig sa loob nito at may kaunting crack sa gilid.

"Damn!" Nasira nga...

Naupo na lang muna ako sa may pinto at naisipan ko na lang na hintayin siya. Baka may binili lang o dinaanan.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin siya dumadating. Tumayo na ako at aalis na sana nang marinig ko ang pangalan niya.

"Reanna!"

"I told you, I'm not going back to that freaking house again! Kahit anong pilit pa ang gawin mo! So, stop getting involved in my life!"

Boses iyon ni Reanna. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko siyang naglalakad ng mabilis patungo sa direksiyon ko. Mukhang hindi niya pa ako nakikita. Napansin ko rin na may isang katandaang lalaki ang nakasunod sa kanya.

Wait, who is he? Do I know him?

"Please, anak–"

Anak?

"Don't fucking call me that! I'm not your daughter anymore!"

Namilog ang mga mata ko dahil sa mga narinig ko kaya sinubukan kong magtago sa isang malaking halamanan. I didn't mean to eavesdrop but it's just that... I... I'm curious, okay? Hindi ko naman kasi in-expect na sasabihin iyon ng matandang lalaking kausap niya.

"Reanna, please... I'm so sorry. Please give me another chance to be your fa–"

"Stop!"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Reanna kaya hindi ko maiwasang kabahan. Lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko nang bigla siyang magsalita ulit.

"Leave. I don't want to see you anymore."

Hindi nagtagal ay nagulat na lang ako sa bigla niyang pagsulpot sa harap ko. Packing tape! Muntik pa akong atakihin sa puso!

"You don't need to hide. I already saw you," she said, coldly.

Shit?

"Sorry..." I stuttered.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at dumiretso na lang siya sa pinto saka ito binuksan gamit ang dala niyang susi.

I'm so speechless. I don't know what to say. Bakit pa kasi ako nakinig sa kanila? Ang sama ko namang kaibigan. Hindi ko man lang sila binigyan ng privacy. Baka siya naman ang magalit sa 'kin nito.

"Uhm, Rea–"

"Sshh! I know. You don't – Oh, my God? What happened to your face?"

Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What about my face?" Kinakabahan man ay dahan-dahan ko itong hinawakan. It's hot. Pero bukod doon ay wala na akong ibang maramdaman. Ngayon ko lang din ulit naramdaman na basang-basa ako dahil sa ulan. Shoot! Kung ganoon, naging manhid ako ng ilang minuto o sadyang wala lang talaga akong naramdaman?

"It's uhm... uh, it's... I mean, your face is full of... hives? Uhm, 'yon bang mapula na parang pantal? Uh, what do we call that?..." nauutal na sabi niya habang nag-iisip ng kasunod na sasabihin.

My heart skipped a beat as my hand started to shake. Inaatake na naman ba ako ng allergy ko? Pero for what reason?

"Is that... true?" I hesitated. "Beast, salamin! Salamin, bilis!" Nataranta na ako.

"Here!" Agad niya naman akong inabutan ng salamin at bumuntong-hininga pa ako bago ko tiningnan ang sarili kong mukha.

Naramdaman ko agad ang panghihina ng buo kong katawan. Napaluhod ako sa malamig at basang sahig. Unti-unti ring kumurba ang isang ngisi sa labi ko hanggang sa tuluyan na itong maging halakhak.

"Shit! This is... oh, my God... This is insane! Wait..." Patuloy pa rin ako sa pagtawa na naiiyak na at nang tingnan ko si Reanna ay ganoon na lamang kawalang emosyon ang mukha niya. She finds me crazy, I know.

Nang tuluyang naproseso ng utak ko ang nangyayari ay unti-unti naman akong natigil sa pagtawa ko hanggang sa mapalitan na nga ito ng pag-iyak at paghagulhol. Mayamaya lang ay naramdaman ko na lang ang marahang pagyapos niya sa akin at dahil sa ginawa niya ay lalo lang akong napahagulhol. Nakakatuwa lang isipin na nakikisabay ang agos ng panahon sa sitwasyon at nararamdaman ko.

Continue Reading

You'll Also Like

993K 7.8K 62
Paano nga ba maglaro ang Tadhana? Gaano ba ito kapatas? Gaano ba ito kabait, at gaano ba ito kasama? Tungkol ito sa tatlong tao na napili ng tadhana...
197K 13.4K 47
Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th year highschool, things have changed. St...
1M 28.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
2.9M 14.9K 72
Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong...