Red Moon (Published Book unde...

By Azulan10

153K 2.4K 456

RED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2)... More

Darkness no.01: The Bloody Case
Darkness no.02: No Cuts, No Glory
Darkness no.03: Hospital Panic
Darkness no.04: Princess and I
Darkness no.05: Second Fear
Darkness no.06: Bite and Blood
Darkness no.07: My own New World
Darkness no.08: The New Beginning
Darkness no.09: The Night Job
Darkness no.10: Beyond the Red Light
Darkness no.11: Longing for Blood
Darkness no.12: Blood Crisis
Darkness no.13: Verity and Envy
Darkness no.14: The True Liar
Darkness no.15: Man in the Shadow
Darkness no.16: Night on the Bus Stop
Darkness no.17: The Perfect Two
Darkness no.18: A Man with many Secrets
Darkness no.19: Midnight Secret
Darkness no.20: Little House
Darkness no.22: The Ex - Vampire
Darkness no.23: The Black Parade
Darkness no.24: The Missing Link
Darkness no.25: Emilio Guilatorre
Darkness no.26: The Code
Darkness no.27: The Flute Master
Darkness no.28: Musicians Final Wish
Darkness no.29: Tears of the Vampire
Darkness no.30: My Decision
Darkness no.31: Dr. Vargas
Darkness no.32: Mice and Kitten
Darkness no.33: The Plan

Darkness no.21: The Lonely Heart

3.1K 54 6
By Azulan10

Dahan dahang lumabas si Mang Roger mula sa kanyang kinalulugaran. Ang konting liwanag  na nagmumula sa buwan ay marahang kinubabawan ang kanyang kalahating mukha. Normal lang ang reaksiyon ni Mang Roger pagkakita nito sa amin. Wala akong nababanaag na kung ano mang pagkukunyari o anumang di kanais nais na gagawin nito.

"Mang Roger?" Bulalas ko.

"Bakit Patrick nagulat ka?" Patanong nitong wika.

Nagulat din si Benedict sa aking likuran. Tila hindi niya rin alam ang ginawang set up nito sa amin. Ngayon ang pareho siguro naming katanungan sa mga oras nato ay kung BAKIT? Bakit niya kami dinala sa lugar na ito? Ilang sandali nalang ba ay may darating na mga pulis at ipapahuli ako? O kaya eh handa na niya akong patayin sa mga oras nato? 

"Wag kayong mag alala dahil walang nag bago ako parin to." Wika ni Mang Roger sa normal nitong tinig.

Biglang napanatang ang aking kalooban sa sinabing yun ni Mang Roger. Itatanong ko pa sana kay sa kanya kung bakit niya nagawa ang lahat ng ito. Ngunit bigla siyang naglakad. Nag punta siya sa may basag na bintana at saka tinignan ang bilog na buwan.

Mahiwagang nilalang parin sa mga pagkakataong ito si Mang Roger base narin sa mga nakalap naming ebidensiya na hindi namin maipaliwanag buhat narin sa mga gamit nito. Ngunit pano namin malalaman ang mga sagot sa aming katanungan kung palagi nalang siyang umiiwas?

"Mang Roger...? Wika ko ngunit bigla nalang niya itong sinapawan ng kanyang alok.

Mula sa pagkakatingin parin sa may basag na bintana ay agad na nagsalita si Mang Roger. Maninahon lang ang kanyang tinig na tila pinapahiwatig nito na handa na niyang sabihin ang lahat ng kanyang lihim.

"Gusto ninyong marinig ang istorya ko?" Biglang tanong nito sabay tingin saming dalaw ni Benedict.

-------√v^√v^√v^  Darkness no.21: The Lonely Heart  √v^√v^√v^-------

Inanyayahan kami ni Mang Roger na umupo sandali. Tinuro niya ang dalawang upuan na yari sa kahoy. Agad naman kaming umupo kaaagad ni Benedict na tila eh mga bata na sabik sa kanyang ikekwento.

Huminga naman ng malalim si Mang Roger. Hindi paman niya binubuka ang kanyang bibig ngunit kitang kita mula sa mukha nito ang labis na pagkalungkot. Ang dalawang kamay nito ay nakalagay lang mula sa kanyang harapan. Habang ang kalahati naman ng kanyang mukha ay naliliwanagan ng liwanag ng buwan.

Pinikit ng marahan ng matanda ang kanyang mga mata. Tila isinasariwa niya ang mga pangyayari sa kanyang buhay na gusto nitong ilahad sa amin. Bahagya niyang minulat ulit iyon at agad na niyang sinimulan ang kanyang kwento. 

X~X~X

Taong 1800. Nababanaag ko pa mula sa aking isipan ang panahon nayon. Ang panahon ng mga pangarap. Ang panahon ng aking unang pag ibig. At ang panahon ng kalungkutan.

Simple lang ang aming pamilya. Apat kaming mag kakapatid. Bata palang ako ng namatay na ang aming ama buhat sa pakikipag laban sa mga kastila kaya ako na ang naging tatay sa mga maliliit ko pang mga kapatid.

Naglalakad ako nun sa kalye ng alaminos. Gabi noon. Malakas ang simoy ng hangin. Mula sa paligid ay naririnig ko pa ang mga lagaslas ng mga dahon sa mga malalaking puno sa tabi ng kalsada. Wala ng tao sa kapaligiran. Hatinggabi na kasi. Ginabi ako ng uwi dahil inutusan pa ako ng aking amo na mag hatid ng aming tinitindang banig sa may bayan.

Sa aking paglalakad patungong bahay ay biglang may narinig akong isang malakas na ugong. Tila nanggagaling ito sa itaas na hindi ko mapaliwanag. Uso narin sa mga panahon nayon ang kwento tungkol sa mga bampira ngunit mas maraming hindi naniniwala. Sabi kasi nila ay ginagawang panakot lang daw ito ng mg kastila upang hindi namin magawang lumaban sa kanila. 

Tinuloy ko lang ang aking pag lalakad. Pero bigla nalang akong nakaramdama ng takot. Takot na ngayon ko lang ulit naramdaman. Malakas ang tibok ng puso ko. Para itong bulkan na kahit anong sandali ay sasabog.

"Bakit ganto ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan." Wika ko sa aking sarili habang napatigil ako sa aking paglalakad.

Mula naman sa aking harapan ay bigla nalang may lumitaw na isang babae. Nakasaya ito at nakabalunbon ang kanyang buhok.

"Binibini saan ka patutungo?" Tanong ko rito ngunit tila hindi niya ako naririnig.

Bagkus ay bigla siyang lumapit sa akin. Sa paglapit niya na iyon ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan din ako ng malutong lutong. Tila may kakaiba sa babaeng nasa harapan ko na hindi ko maintindihan.

Nung nasa harapan na niya ako ay unti unti niyang binaba ang kanyang abaniko na kasalukuyang pinangtatabing niya sa kanyang bibig. 

"Tapos Mang Roger???" Atat naman na singit ni Benedict.

Nakita ko nalang na may pangil ang naturang dalaga yun. Mahaba ang mga pangil nito. Tila eh sabik na sabik ito sa aking dugo. Agad akong tumakbo. Ngunit mabilis siya. Kahit na anong angking kong bilis ay nahabol niya parin ako.

Buti nalang ay dumating na isang lalaki para akoy tulungan. Bigla niyang inihanda ang isang malaking pana. At inasinta sa puso ang naturang babaeng bampira.

Simula noon ay nagpaturo ako sa kanya ko kung paano lumaban. Tinuruan niya rin ako kung pano humawak ng pana upang dagdag proteksiyon kung mangyayari ulit yun sa akin.

"Ahh kaya pala." Sabat naman ni Benedict na patango tango pa.

"Bakit Benedict ano yung kaya pala?" Tanong ni Mang Roger naman dito.

"Ahh wala po yung Mang Roger yung kasing pumasok kami sa kwarto ninyo eh may nakita kaming picture ninyo na may hawak kayong pana." Sa pagdudulas nito.

Biglang napatigil sa pagsasalita si Benedict. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at sanabi ang katagang " Patay kang bata ka!" HIndi niya tinanggal ang kanyang kamay dahil sa kung anong reaksiyon ang makikita niya mula sa mukha ni Mang Roger ngunit pinagtawanan lang siya nito.

"Bakit Mang Roger. Alam nyo na?" Tanong ko habang nagulat din.

"OO naman ako pa!" Wika ni Mang Roger sabay tawa.

"Pasensya na ho mang Roger pero hindi ho namin sinasadya ang nangyari." Pagpapaumanhin ni Ben na nakatungo lang.

Hinawakan ni Mang Roger si Ben sa balikat nito at sinabi.

"Nako wala yun. Darating din naman sa puntong ipagtatapat ko sa inyo ang lahat eh kaya wag ka ng mag alala. Saka isa pa eh wala ka namang sigurong kinuha sa mga gamit ko diba?" 

"Nako wala po!" Defensive na sagot naman ni Ben.

Sa panandaliang pagtawa ni Mang Roger ay tila nawala ang pagkalungkot ng mukha nito kanina. Ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay nagbalik muli ito dahil sa isang katanungan.

"Eh Mang Roger sino naman ho yung nasa litratong nasa sala ninyo." Sa pag iiba ko ng topic.

Pagkatanog ko noon ay halata kong nalungkot ulit ang mukha ng matanda. Biglang nanlamlam ang mga mata nito na tila eh may naisip na nakakalungkot na eksena.

"Mang Roger?'' Tanong ko rito na may kasamamg pagaalala.

"Kasintaha ko siya dati." 

"Really!!! Eh parang anak nyo lang ahhhh!" Gulat naman ni Ben na mukang hindi makapaniwala sa narinig.

Dinagukan ko si Ben sabay sabing. "Slow ka talaga. Taong 1800 nga eh.'' Pagdidiin ko rito.

"Oo nga no pasensya pasensya!" Bawi naman nito.

 Tumingin nanaman si Mang roger sa may Bintana. At muli nanaman siyang nagkwento.

Ang pangalan niya ay Esmeralda. Napaka ganda niya. Tanghaling tapat ng kamiy magkakilala sa tindahan na pinagtatrabahuhan ko. 

kasalukuyan siyang namimili doon ng akoy dumating. Nakatingin lang ako sa kanyan ng mga tagpong yon. Talagang nakakaakit ang angking niyang kagandahan. May dala siyang payong na terno rin ng kanyang kasuotan.

Nang nakapili na siya ng bibilihing banig ay agad akong lumapit. Binigay niya ang bayad sa aking mga palad ngunit sa sobrang nerbiyos ko ay naihulog ko ang mga barya sa lupa.

Ang mga pera ay nagkalat sa may lupa. Nagkalansingan ito. Agad naman siyang nagulat at bigla akong tinulungan. kahit na mukha siyang mayaman at supistikada ay talagang nagpunta siya sa aking pwesto at tinulungan akong magpulot ng mga barya. Sa kanyang pagpupulot ay napagmasdan ko rin ang kanyang mga kamay. Napaka ganda ng mga ito. Parang gatas sa puti.

"Binibining Esmeralda Bakit ninyo dinudungisan ang inyong kamay." Wika ng kanyang kasamang dama.

"Ayos lamang ako. Konti lang to." Wika ni Esmeralda sabay ngiti nito sa akin.

Agad na kaming tumayong dalawa. Ang amoy ng kanyang buhok ay tila sumama sa hampas ng hangin sa paligid. Talagang namang napaka halimuyak ng amoy na iyon.

"Esmeralda pala ang iyong ngalan. Wika ko habang nakatungo lang.

"Oo tama at ikaw ginoo?" Tanong naman nito sa akin.

"Ahh ako nga pala si Roberto binibini." Wika ko sabay tingin ko sa mukha niya.

Dun na nagsimula ang aming pag iibigan. Pag katapos ng tagpung yon ay nasundan payon ng ilan pang pagkikita.

"Tapos po eh anong nangyari kay Esmeralda?" Tanong ko.

"Oo nga Mang Roger!" Ulit ni Ben na halatang intertain na intertain sa pagkekwento ni Mang Roger.

Tumungo si Mang Roger. Sa pagkakatungo niya nayon ay tila eh may hindi kaaya ayang pangyayari ang naganap. 

Nung gabing yun. Pagpaptuloy ni Mang Roger. Nag usap kami ni Esmeralda na mag kikita kami sa may plaza. Medyo nahuli ako ng dating dahil sa konting gawain sa bahay pero gumawa ako ng paraan para makapunta kahit papano.

Masaya ang gabi nayon para sa akin dahil halos isang linggo rin kaming hindi nag kikita ni Esmeralda. Sabik na sabik ako sa kanyang pagmamahal, Sa kanyang mga ngiti, Sa kanyang mga mayuyuming tawa. Nag ayos talaga ako ng aking sarili. Bumili ng mamahaling mga pulang rosas simbulo ng aking pag mamahal sa kanya.

Marahan akong nag lalakad patungong plaza ng bigla akong may naaninag na itim na pigura. 

Ang pigurang yon ay biglang lumipad sa may ere. Sa kanyang pag lipad ay sinabayan naman yung nag isang malakas na ihip ng hangin. 

Nakatanga lang ako sa itaas ng kalangitan na tila kinakarkula ko kung ano ang lumilipad nayon. Hanggnag bigla kong naisip ang tungkol sa mga bampira. 

Agad akong tumakbo. Sa aking pagtakbo ay aking pinapanalangin na sana ay hindi magkatotoo ang aking sipantaha na kusang pumapasok sa aking isipan. 

Pagdating ko sa plaza ay agad kong hinanap si Esmeralda. Nilibot ko muna ang kabilang bahagi ng plaza ngunit hindi ko siya makita.

Hanggang may sumigaw na babae mula sa di kalayuan.

"Esmeralda!" Tanging nasabi ko.

Bigla kong tumakbo. Tila alam ko na at nakikinita ko na ang mga pangyayari.

Pagkapunta ko sa lugar ay nakita ko ang isang babae na nakasalumpak sa lupa. Ang buhok nito ay naka buhaghag sa kanyang kinalulugdan habang tila napunit ang ibang bahagi ng damit nito.

Agad akong lumapit rito. Pagkatapos ay tinignan ang kanyang mukha. Si Esmeralda nga! Bigla kong kinayag si Esmeralda mula sa aking mga bisig. Hinang hina na si Esmeralda. Malamlam na ang mga mata nito at namumutla narin ang kanyang balat. Sa kanyang leeg ay may tila dalawang kagat na galing sa pangil ng bampira. Habang nagkalat naman sa kabilang bahagi ng kanyang damit ang mapulang dugo nito.

Umiiyak na ko. Hindi ko mapigilan ang pag patak ng aking luha habang nakatingin ako sa mukha ng aking minamahal. Hinahaplos haplos ko pa ang kanyang mukha sa mga oras nayon. Binubulong sa kanyang tenga na. "Wag kang mawawala."  

Dahan dahan namang inangat ni Esmeralda ang kanyang kamay sa mukha ko. Pinunasan niya ang aking mga luha na wala paring tigil sa pag agos. Sabay sabing. "Mahal na mahal kita." Wika niya.

Kasabay nun ay bigla nalang siyang huminga ng malalim at segundo lang ang lumipas ay nawalan na siya ng hininga.

Bigla namang humagulgol ng iyak si Benedict mula sa kinauupuan nito. Para tong bata na inagawan ng candy habang panay rin ang punas nito sa kanyang luha. Para pa siyang tanga habang paminsan minsan ay suminga singa pa.

"Eh Mang Roger. Nalaman niyo ho ba kung sinong bampira ang pumatay kay Esmeralada." Tanong ko rito.

"Oo." Sa maikling sagot naman ni Mang Roger.

Tumingin si Mang Roger sa mga mata ko at mula sa normal na boses ay sinabi nito  ang pangalan ng bampirang iyon.

"Voltaire! Voltaire ang ngalan niya.'' Pagpapatuloy ni Mang Roger habang naka tikom pa ang kanyang mga kamao.

Continue Reading

You'll Also Like

397K 13.7K 53
(FORMERLY: The Perfect Prince and the Wild Princess) She used to be the sweet little princess. He used to be the snobbish and proud prince. Pero umii...
345K 8.1K 26
Highest rank: #1 in Paranormal. 🌸 Book cover credits to Coverymyst.
197K 8.4K 34
Paano ko lalabanan ang fate kung hindi naman ako kasama sa tadhanan niya? How can I unlove him? How? Paano? How to chase your dream kung nakasulat n...
49.4K 2.4K 23
Isang babaeng binansagang 'Witch' ng Serafine University at palaging iniiwasan ng tao dahil isa nga daw siyang mangkukulam. Paano na lang kung isang...