Ang Huling Regla

peachxvision által

81.6K 4K 2K

Kailan ka huling dinatnan ng feelings mo? Több

Ang Huling Regla

81.6K 4K 2K
peachxvision által

Bumili kami sa panaderya ni Li, 'yong crush ko ever since nalaman ko ang salitang crush. Nga lang, hindi niya alam na crush ko siya kasi nga . . . takot ako masira ang pagkakaibigan namin. The usual story.

Gano'n naman talaga 'yon, di ba? Maraming takot mag-take ng risk, at isa na ako doon.

"Manang, limang nga po nito," sabi ko, sabay turo sa favorite kong tinapay. "At saka napkin po, yung Modess. Lima rin po." 

"Ako rin, manang, lima," sabi ni Li. "Hindi po 'yong napkin, 'yong tinapay lang. Hiwalay po kami ng plastic, ha."

Hanggang ganito na nga lang kami talaga, ano? Wala. Walang asenso.

"Oy, Reg, tulala ka diyan?"

That time, nakaisa na akong kain ng tinapay. "Malapit na yata akong magkaroon, e." 

"So kung malapit ka na mag-mens, tumutulala ka?" 

"Tanga, hindi. Binibilang ko sa utak ko. Regular kasi ako sa twenty-eight, twenty-nine days. Iniisip ko kung kailan ako susunod na magkakaroon." 

"Daming kawirdohan na nangyayari sa mga babae." 

"Oo. Tulad ng may lalabas na dugo at tao sa keplerets namin. Pasalamat kayo! Pero pag kumidlat at maghimala na sa maliit na butas ng tootsie roll n'yo lalabas ang dugo at ang bata—" 

"Malamang walang tao sa mundo!" sabat niya. "Mamamatay kami pag may lumabas na bata sa—putek, Reg! Tigil-tigilan mo 'yan. Kumain ka na!"

Naniniwala ako sa kasabihan na "studies first before love life." Kaya nga naging cum laude pa ako, di ba? Hindi naman nauubos ang lalaki—

Weh, sinong niloko ko?! Nauubos na nga ang mga lalaking nagmamahal ng babae! 'Yong mga lalaking nagmamahal pa kaya ng tunay? Natural, nagkakaubusan na!

Whatever. Kung gusto ni Lord na maging dalaga ako forever, so be it. Pero, Lord, wag naman po sana. Kahit si Li lang po.

"Joke lang," sabi ko. "Graduation na kasi bukas." At sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba masaya o malungkot ako na sa araw bago ang graduation ay si Li ang kasama ko.

"O, ano naman?" 

"Wala lang."

Tigang ba siya? Natural! Matatapos na ang college tapos di ko pa rin masabi na gusto ko siya! Pagkatapos kong mag-feeling close sa kanya since first year high school—wala. Ituturing lang niya akong best friend.

Isang malupit na friend, at best pa.

Although ako lang naman ang nag-assume na best friend nga niya ako. See! Pati sa pagiging best friend, assumera na rin ako.

E, anong tawag sa amin? Laging magkasama mag-jamming, gumawa ng project, mag -omputer para maglaro, umuwi . . . nagsasabihan ng "Labyu!" sa text . . .

Friends?!

Friends niya mukha niya! Kahit man lang puwesto sa best friend angkinin ko na, 'no!

"Paano nga ba ulit tayo naging close?" tanong ko sa kanya.

"Di ko na alam. Oo nga, 'no? Ba't nga kaya?"

See! Hindi nga niya maalala na naging close kami dahil groupmates kami sa general science no'ng first year high school tapos ako lagi ang nagpapahiram ng notebook sa kanya para may notes!

Paraparaan ang pagkakataon. La la la. High school blues.

"Basta, alam kong di tayo naging magkaklase no'ng second at third year," sagot niya. "Pero sa 'yo pa rin ako humihiram ng notebook." 

"Oo, napakaresponsable mo kasi, e, 'no?"

Tumawa siya, tapos tumulala ulit ako. Dahil sa pagiging tulala ko, di ko narealize na dalawa't kalahating tinapay na lang ang natitira.

Ang sarap kasi, e. Parang siya. Chos. Sana lang matikman ko talaga siya.

"Uy, kanina ka pa tahimik." 

"Ewan!" sigaw ko. "Parang di pa ako ready magtrabaho. Ayoko pa iwan ang pag-aaral!" 

"Ilang taon na tayo nag-aaral. Ako, okey lang. Sana lang may mga taong makakausap pa rin." 

"O, see! Di pa tayo guma-graduate, ipagpapalit mo na ako!" 

"Halika nga!" sabi niya sabay akbay sa 'kin.

Naku, kinikilig na naman ang kili-kili ko! Best actress ka naman Reg, e. Kaya mo 'yan!

"Hindi naman tayo mamamatay!" dugtong niya. "Ga-graduate lang tayo ng college!" 

"Alam ko, alam ko. Pero alam mo 'yon? Ba't mo kasi tinanggap 'yong internship sa Singapore?!" 

"O, tapos?" 

"Paano kung makakita ka ng girlfriend? 'Yon ang nangyari sa pinsan ko, e. Nakakita ng girlfriend tapos boom! Waley na! Friendship over!" 

"Mukha ba akong gano'n?" 

"Well, oo." 

"Grabe 'to! Isa pa, tingin ko nga ikaw diyan ang unang magkakarelasyon."

Ako?! Ha! Kung alam mo lang.

"Ako pa raw ang unang magkakarelasyon," sagot ko. "Alam mo naman kung gaano ako kaseryoso sa buhay! No boyfriend hangga't hindi ako regular employee!"

Except siguro kung ikaw.

"Kawawa naman ang boyfriend mo. Magkaka-inferiority complex 'yon."

Well, kung ikaw, hindi. Kaya please, ikaw na lang?

"Nye, inferiority complex niya neknek niya. Hindi ko kailangan ng kasing level ko o 'yong mataas sa 'kin. Kailangan ko, 'yong magmamahal sa 'kin." 

"Agh! Agh! Mamamatay na ako! Dinudugo 'yong ilong ko!" Umakting siya na kunwari mamamatay dahil sa lalim daw kuno ng sinabi ko.

"Corny mo," sabi ko sabay kagat sa tinapay. "Pero seryoso kasi. Feeling ko mafe-fade away 'yong friendship natin." 

"Ha?!" Tumawa siya habang pinapalo ang dibdib niya kasi nabubulunan siya. Buti nga sa 'yo. Manhid ka kasi. "Ano 'yon, jump shot? Fume-fade away?" 

"Pilosopo ka naman, e! Siguro di mo naman alintana na di na tayo masyado magkikita." 

"Yes, 'alintana'! Makagamit lang ng malalim na salita 'to." 

"Seryoso naman kasi ako, Li! Wala ka namang kuwenta kausap, e."

Tumayo ako at naglakad. Nakakainis. Palibhasa, di niya gets kung gaano kasakit sa akin ang hindi kami magkasama.

Di niya gets na hindi ko maisip ang buhay na walang nangungulit at nagpapakilig sa 'kin.

Di niya gets na hindi ko maisip ang buhay na wala siya.

Well, ako lang naman kasi ang mawawalan, di ba? Ako lang naman ang magngangangawa kapag nagka-girlfriend siya doon sa papasukan niya. Mamamatay lang naman ako kasama ng mga limot kong nararamdaman sa kanya.

Tapos maglalaho na lang kami na parang bula sa buhay ng isa't isa.

"O, tingnan mo 'to!" 

"Ayaw ko! Umalis ka nga!" Ang totoo, naiiyak na ako, pero todo pigil lang kasi maraming tao.

Oo na, oo na. Kahit pa sabihin ng mga taong nakakaalam na kung di niya ako gusto, e di, let it go. Palibhasa 'yong mga nakakaalam mismo, kung walang pakialam sa love life, sila mismo ang may love life.

Anong alam nila sa nararamdaman ko?

"Ay pu—ayan tuloy! Nalaglag 'yong tinapay! Magbabayad ka! Kumalma ka nga!" Pinulot niya ang nalaglag na tinapay tapos tinapon sa basurahan. 'Yong iba, nilagay niya muna sa bag niya. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at inupo sa pinakamalapit na sidewalk na mauupuan namin. "Ano ka ba? Two years lang 'yon." 

"Nila-lang mo lang ang two years?! It's two freakin' years!" 

"E di . . . Email, email . . ."

Nagbuntonghininga ako.

"Hindi mo naman kasi maiintindihan." 

"Alin ang hindi ko maiintindihan?" 

"Na . . ." Na gusto kita, at ayaw kong mawalay sa 'yo. "Wala, wala. Never mind." 

"Grabe naman 'to. Magkakalayo na nga tayo, ngayon ka pa may hindi sasabihin sa 'kin."

Oo, natural. Ba't ko sasabihin sa kanya lahat? Sasabihin ko ba na halos mamatay ako sa kilig nang sinayaw niya ako sa prom? Noong hinawakan niya ang kamay ko habang nanonood kami ng fireworks sa Enchanted Kingdom no'ng fieldtrip namin dati? No'ng bumalik siya from Bicol to Manila nang nalaman niyang naaksidente ako? Noong sinorpresa niya ako sa twenty-first birthday ko?

Utang na loob, di ba? Ba't ko sasabihin sa kanya lahat?!

"Sige, sasabihin ko na sa 'yo pero sa isang kondisyon." 

"Alin?" tanong niya.

"Gutom pa ako." 

"Ha?! Takaw mo talaga kahit kailan." 

"Isang kagat na lang 'to, o." 

"E di, ubusin mo na—Oy, Reg, 'yang mga tingin mo sa tinapay ko, ha. Ayus-ayusin mo."

Natawa ako bigla nang napansin niya kung gaano ako tumingin sa tinapay niya. "Li . . . alam mo na ang ibig sabihin ng mga tingin ko." 

"Kinikilabutan ako, Reg. Tigilan mo yan. Ayaw ko nga. Save the best for last. Ayoko—"

Dinaganan ko siya at nakipag-wrestling sa kanya para agawin ang kahuli-hulihan niyang tinapay. "Akin na lang 'yan!" pangungulit ko. "Sasabihin ko, promise!" 

"May isang kagat ka pa, o! Lamunin mo na 'yan! Uy, ano ba, Reg! Nakakahiya sa iba! Baka isipin kung anong ginagawa natin sa sidewalk!" 

"E di, isipin nila! May nag-che-cheber ba nang nakadamit?! Akin na 'yan!" 

"Dami mong alam!" 

"Talaga!" 

"Ayaw ko! Ibaon mo na lang sa lupa ang gusto mong sabihin!"

A, so gano'n pala.

"Fine!" Humiwalay ako sa kanya habang hingal na hingal. Hinga . . . buga. Game ka na ba, Reg? "Alam mo kasi—" 

"Time first!" bigla niyang sinabi. "Hiningal ako do'n!" 

"So bibigyan talaga kita ng time first?"

Okey, so pareho muna kaming kumalma bago ko sabihin ang gusto kong sabihin.

"Game," sabi niya nang nahabol na niya ang paghinga niya. "Siguraduhin mong worth it 'yang sasabihin mo." 

"Malay ko kung worth it sa 'yo. Sa akin, oo." 

"Alin nga 'yon?" 

"Alam mo, Li, ang sabi nila kapag mahal mo raw ang isang tao, tipong ayaw mo siya mawala sa buhay mo, kaya mong gawin ang kahit ano," seryoso kong sinabi habang nagduduling-dulingan na nakatingin sa huling kagat ng tinapay ko.

"Ha? Anong konek? Pagkatapos mong makipag-wrestling sa akin, 'yan lang ang sasabihin—" 

"Katulad ng mga simpleng bagay . . . tulad ng pagtira ng huling piraso ng paborito mong pagkain."

Fudge. Sabi na nga ba.

"Narinig mo ba? Pag mahal mo ang isang tao, kaya mo ibigay ang huling piraso ng paborito mong pagkain . . ."

Ito rin ang kahihinatnan nito, e.

"Ang huling piraso . . . Pag mahal mo . . ."

Aamin din ako.

"O, so anong gusto mong palabasin?" sabat niya. "Na ibibigay ko 'to sa 'yo para patunayang—" 

"Hindi." Tiningnan ko ang huling kagat ko dapat sa tinapay saka ako ngumiti . . 

At sinaksak sa bibig niya.

"O, para sa 'yo 'yan. Gago."

Tumayo ako, ngumiti, at napaluha. Pero pinunasan ko rin agad. Ayaw ko ng drama, e.

'Yon. 'Yon na!

Shit na malupit! Ang sarap sa pakiramdam na nasabi ko na ang nararamdaman ko para sa isang tao! Goodbye, friendship! Goodbye, Philippines—

"Ba't mo ginawa 'yon?!" 

Ay, ang tanga. "Ulit-ulitin ko? Pag mahal mo ang isang tao . . . Pag di mo kayang mawala . . . Pag mahal mo ang isang tao! Ugh!" 

Siete, walo, siyam! Hanggang sa pag-amin ko, di pa rin niya gets?! Letsugas naman! Sayang ang effort ko sa pagdadrama! 

"Bahala ka nga!" 

Aalis na sana ako, tipong dramatic walkout na matagal ko na gustong gawin sa buhay ko, nang bigla siyang tumayo at tinanong, "Kailan pa?"

Ewan. Simula nang na-realize ko na ang guwapo niya pala. Simula nang na-realize ko na walang dull moments pag kasama ko siya. Simula nang nabubuo ang araw ko pag magkasama kaming dalawa . . .

Simula nang na-realize ko na masaya ako kapag kasama kita.

"High school? 'Ata." 

"Woah, tagal na pala." 

"Oo, gano'n mo 'ko katagal pinaasa. Walong taon. Eight years!" 

"Pito lang. Di ka talaga magaling sa math, ano?" 

"Sino raw kaya ang fourth honorable mention at cum laude? Belat."

Tumawa ako para hindi awkward. Gusto ko na umalis, humiga sa kama, manood ng TV, at kalimutan na inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko.

At dahil ubos na rin ang tinapay ko, aalis na lang ako. "Sige, alis na ako." 

"Saan ka pupunta? Di ba tayo sabay?" 

"Sa lupalop kung saan di mo ko makikita. Alam mo ba kung anong kahihiyan ang hinaharap ng mga umaamin tapos walang react ang inaminan? So, shoo, uuwi na ako!"

"Teka." Tumayo siya tapos nilabas niya ang huling piraso ng— "Ano nga ulit ang pangalan nitong tinapay na 'to?" 

"Regla." 

"Ba't ang sagwa?" 

"'Ba, malay ko. O, last na pala 'yan. Kainin mo na. Imudmod mo sa sarili mo dahil hindi mo naman gets—" 

"Kagat lang pala kaya mong ibigay. Sa 'kin, buong piraso." 

"Ha?"

Tapos . . .

Binato niya sa 'kin ang huling Regla na hawak niya.

Napangiti ako tapos bigla niyang sinabi . . .

"Gusto mong pumuntang bahay?"

Olvasás folytatása

You'll Also Like

2M 32.7K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
1.2M 28.3K 12
(COMPLETED) Bago mo bitawan ang isang bagay, siguraduhin mo munang kaya mong makitang hawak hawak yun ng iba. ~Bob Ong
118K 2.1K 16
"I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU!" Bakit naman nya mamahalin ang babaeng gumulo at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng taong mahal nya...
13.7M 479K 42
Book 2 of She Who Stole Cupid's Arrow