Tracy's POV
Let's just see what I can do this time.
Tracy: Hon, sorry ha. Dahil sakin nagkagulo kayo ng mga anak mo.
Mr. Montemayor: Hindi mo naman kasalanan eh. Kasalanan ko kasi hindi ako naging mabuti ama sa kanila.
Tracy: No!! You're really are a great father. Sila lang talaga ang matigas ang ulo. Nakita mo kung paano sila sumagot? Kailangan lang diyan disiplina.
Mr. Montemayor: No, alam kong mababait silang bata.
Tracy: Talaga? Huwag ka ng ma stress. Huwag mo na silang isipin. Ako na ang bahala sa kanila.
Ako na ang bahala sa kanila. Sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay nila. Lalo na at mawawala ka na.
Tracy: Ipinagtimpla pala kita ng gatas. Ito, inumin mo.
Sige. Inumin mo. Tingnan ko lang kung ano ang mangyayari sayo?
Mr. Montemayor: Ang sweet mo talaga.I am such a lucky guy. Thank you.
Dahan, dahan lang. Inumin mo ng dahan dahan.
Mr. Montemayor: (naubos ang gatas) Teka, bigla yatang sumama ang pakiramdam ko? Hon, tumawag ka ng doctor.
Tracy: Dahil sa lason. Sweet ko diba?? (may kinkuhang papeles) Permahan mo. Permahan mo. Hindi kita tutulungan hangga't hindi ka pumiperma. Kung mawala ka man, ako na ang bahala sa mga pasaway mong mga anak. Tandaan mo, Mahal Kita!!
Mr. Montemayor: (hindi na makapagsalita, umuungol) (shook his head)
Tracy: Ayaw mo ha!! (pinipilit si Charles na pumirma)
Mr. Montemayor: (took his last breath)
Tracy: Natandaan mo ba? Mahal kita.
NO!!!! Walang kwenta!! Ano na ang gagawin ko? Patay na siya, pero hindi pa nakakaperma. Sh*t!!!! As in sh*t talaga!!
Tracy: Tulong!! Tulong!! Ang Sir niyo!! Tulong.
And the best actress award goes to.... TRACY MONTEMAYOR! (devil laugh)
Joyce's POV
Matutulog na sana kami nang marinig namin si Tita Tracy na sumisigaw.
Joyce: Lex, bangon. Si Tita Tracy sumisigaw.
Lexi: Hayaan mo siya. Naloloka lang yan.
Lumabas ako ng kwarto ko. Nakita ko si Tita Tracy na umiiyak at parang natataranta. Ano na naman ang nangyari sa kaniya?
Tracy: Tulong!! (nakita si Joyce) Hoy ikaw!!! Yung Daddy niyo!....
Joyce: Po?? Ano po ang nangyari kay Tatay??
Tracy: Tumawag kayo ng ambulansiya. Bilisan niyo.
Joyce: O.. opo.
Sinunod ko siya at tinawag si Lexi. Pumunta kami sa kwarto ni Tatay. Naabutan namin siyang nakahimlay sa kama niya na wala ng buhay.
Lexi: Oh my.... DADDY!!!!!!!!!!!!!!! (umiiyak)
Joyce: (crying) Tay???
Hindi kami makapaniwala. Kanina lang nag-aaway pa kami. Ngayon?? Ano na ang mangyayari samin.
Lexi: (sob) Dad? Gumising ka na. Hindi pa nga namin nasasabi sayo kung gaano ka namin ka mahal.
Joyce: Lex.
Lexi: Sabi mo dati, we will travel around the world. (sob) Mangyayari pa naman yun diba?
Joyce: Lex, tama na.
Lexi: Dad??? (pasigaw) Sabi ng gumising ka na eh!!!
Joyce: Lex (tapped Lexi's Shoulder)
Lexi: Bakit ganiyan ka? Hindi ka ba nasasaktan? Hindi ka ba nalulungkot? Kung sa bagay.... Ngayon mo lang naman siya nakilala. Hindi mo siya mahal! Hindi mo siya mahal!!!
Joyce: (sinampal si Lexi) Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Hindi mo alam kung paano ko hinanap hanap ang tatay ko. At ngayon na tanggap na niya ako, ngayon pa siya nawala? Lex, Pareho tayong nasasaktan. Pero ano ang magagawa natin?
Lexi: (humagulgol)
Joyce: (niyakap si Lexi)
Biglang dumating si Tita Tracy, at naririnig ko na din ang ambulansiya.
Tracy: Ayun po.(turo sa bangkay) Bilisan niyo po, dalhin niyo po siya agad sa hospotal.
Lexi: Ikaw ang may kasalanan nito!
Bigla na lang inatake ni Lexi si Tita Tracy. Parang gustong gusto ko na ring sumali pero alam ko na ayaw ni Tatay na mag-away away kami.
Joyce: Tama na yan. Tara na, sumama tayo kay Tatay.
Lexi: Humanda ka!! Babalikan kita!!
LINTIK LANG ANG WALANG GANTI!!!
Tracy: (lumapit kay Lexi at bumulong) Talaga lang ha?? Kaya NIYO ba? (Mood shifted) Ang Daddy niyo. Huwag kayong mag-alala. Ako na ang bahala sa inyo. Mamahalin ko kayo. Charles!! (crying) Oh no! Don't leave me Charles! Please????