Making Love - Published by PHR

By FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... More

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Seven

298K 5K 531
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-SEVEN

TAPOS na ang kasalan. Pati ang reception. Kaya naman madaling araw na nang makapagsarili sina Lana at Dylan.

            Kasalukuyan silang nakasakay ngayon sa isang limousine—na pagmamay-ari ni Bari. Magkatabi sila sa likuran at magkahawak ang mga kamay. The driver will drop them to their honeymoon place na mismong mga pinsan din ni Dylan ang naghanda para sa kanila. The place was a little bit outside Manila. Pupunta daw sila sa maliit na probinsiya ng Amora kung saan ang pinsan ni Dylan na si Gideon ang vice-mayor ng lugar.

            Nang makarating sila sa isang pribadong lugar sa Amora, may isang babaeng gumiya sa kanila papunta sa tutuluyan nila. Naglalakad sila sa isang mahabang pathway na napakaraming bulaklak sa mga gilid.

            "Wow. What is this place?" tanong niya kay Dylan habang naglalakad sila. Kahit saan luminga si Lana ay may iba't-ibang bulaklak siyang nakikita na nasisinagan lang ng lamp posts. Mas maganda siguro iyon kapag umaga.

            "If I remember it right, nasa Florella tayo."

            "Florella?" Inangat niya nang kaunti ang laylayan ng puting wedding gown na suot upang mas makalakad at makagalaw ng maayos.

            "Kuya Bari owns this place. Pinagawa niya six to seven years ago. We don't know his reason. Kami-kami lang ang puwedeng makapasok dito pero hindi niya kailanman pinagamit."

            "So we're lucky now, huh? Pinahiram na niya tayo ng limousine at hinayaan niya pa tayong dito mag-honeymoon."

            Hinapit siya ni Dylan sa baywang. "Indeed."

            Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating na sila sa isang malaking kahoy na gate. Binuksan lang iyon ng babae at pagkuwa'y iniwan na sila nito.

            Pagkapasok nila sa loob ay may isang maliit na bungalow house. It was like a mini-dome—rounded shape-styled kasi iyon.

            Magkahawak kamay na pumasok sila ni Dylan sa loob niyon. Unang bumungad sa kanila ay ang napakalaking four-poster bed na kama na nasa gitna mismo ng bahay. Hindi masasabing kuwarto lang iyon dahil nakapalibot sa malaking kama ang sala, kitchen, dining area, at comfort room. Ngayon lang nakakita si Lana nang ganoong bahay. It was more like a mini-house in a fairy tale o children's story.

            Medyo dim ang ilaw sa loob. Imbes na puti ay dilaw ang ilaw at mapusyaw ang lighting. Iyon siguro ang nakapagbigay ng romantic ambiance sa midget na bahay na iyon. Nakasimple at strategic ang puwesto ng basic house areas. Halatang high-end pa ang mga kagamitan.

            "This is... wonderful," aniya habang nililibot ang tingin sa buong lugar.

            "And so are you."

            Napalingon siya kay Dylan na matamang nakatitig sa kanya habang nakasandal ito sa may pintuan.

            She naughtily smiled at him. "Want to have a roleplay?"

            Napangisi ito at napailing-iling. "Ayoko. Na-trauma na ata ako."

            She chuckled while removing her heels. "Oh, come on. Preparing the surprise for you was the best roleplay ever."

            "It got me crazy, Allana."

            Medyo napangiwi siya. "But... the surprise wedding, you liked it, right?"

            Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang-baywang at sinalubong ang mga tingin niya. "Pasalamat ka, mahal kita."

            Itinaas niya ang mga kamay sa pisngi nito. Matagal niyang tinitigan ang kaguwapuhan nito. Mas nahalata na niya ngayon ang malaking eyebags nito. Oh, her poor Dylan. Hindi siguro makatulog sa mga nakaraang araw.

            "I'll make it up to you," she whispered.

            Mas hinapit siya nito at nagsimulang umangat ang isa nitong kamay sa zipper ng kanyang wedding gown. Dahan-dahan nitong binuksan iyon. Maya-maya'y nasa paanan niya na ang buong gown at tanging underwear na lang ang suot. Inalis din ni Dylan sa pagkakatali ang lagpas-balikat niyang buhok. Magulong bumagsak ang buhok niya na sinuklay-suklay ni Dylan gamit ang kamay nito. Then, he caressed her face.

            "Do you know how much desirable you are, honey?" he murmured with a rasping voice.

            Kinuha niya ang kamay nito sa kanyang pisngi at marahang ibinaba iyon sa hubad niyang dibdib. "Make me feel it."

            Umangat ang gilid ng labi ito at mas pinadulas ang mainit at malaking kamay sa gitna ng kanyang dibdib sabay kabig sa kanyang baywang at binihag ang kanyang mga labi.

            When making love, it's not just their bodies being satisfied, but their intertwined souls, as well. This was not just about the burning passion that their bodies can give and take anymore. Lana and Dylan were completely satisfied with the warmth of a deeper love their hearts shared together.

***

Seven years later...

"ARE WE there yet?" naiinip na tanong ng anim na taong gulang na si Achilles or "Aki".

            "I'm hungry, Mommy!" ungot naman ng limang taong gulang na si Benjamin o "Bench".

            "Daddy, daddy, is that a kangaroo?" excited na turo ng apat na taong gulang na si Calvin sa labas ng bintana ng kotse.

            Nilingon ni Lana ang tatlong anak sa backseat. "Aki, be patient, okay? Malapit na tayo sa bahay nila grandma Daisy," aniya sa panganay na anak na kamukhang-kamuka ni Dylan.

            "How near?"

            "Ten minutes more."

            Tumango ito. "Okay, Mommy."

            "Good boy." Bumaling naman siya kay Bench na nakalabi at nakahawak sa tiyan nito. "Gutom ka na naman, baby? You just ate a large burger and fries a while ago, ah?"

            "Eh, gutom 'ko ulit. Gusto ko pa fries."

            "Later na lang, baby, ha? Maraming food kanila grandma. May ice cream pa," sabay kindat sa anak na mahilig kumain. Kamukha niya ito pero nakuha ang mga mata kay Dylan.

            Nagningning ang mga mata nito. "Really? Okay!" Napapalakpak pa ito. "Ice cream! Yes!"

            Natawa na lang si Lana at saka naman binalingan ang pangatlo niyang anak na engrossed na engrossed sa pagtingin ng labas ng bintana. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa labas.

            "Ang damingkangaroooooo!" masayang sabi pa nito. Ito ang pinaghalong version nila ni Dylan. Ang hugis ng mukha at ang mata ay sa kanya mana, habang ang ilong at ang mga ngiti nito ay Dylan na Dylan ang dating.

            His husband chuckled. Ito ang nagmamaneho ng kotse. "Calvin, baby, it's not a kangaroo, okay? It's a cow."

            "Cow? Ba't mukhang kangaroo, Daddy?"

            Natawa silang buong pamilya sa loob ng kotse. Hindi alam ni Lana kung ano bang meron sa paningin ng anak niya at napagkamalan nitong kangaroo ang baka na napakalayo naman ng itsura.

            Tawa rin ng tawa si Dylan. "It's really a cow, baby. Walang kangaroo dito sa Pilipinas."

            Calvin chuckled. "Okay po. 'Kala ko, kangaroo, eh. Pero, hindi talaga siya kangaroo, Daddy? Sayang," pangungulit pa nito.

            Lalo silang natawa ni Dylan. Sa sobrang tawa ni Lana ay napahawak siya sa malaking tiyan niya. Yes, she's pregnant again with their fourth child. Apat na taon nang huli siyang magbuntis kay Calvin. Sinadya nilang lakihan ng gap ni Dylan ang edad ng magiging bunso nila dahil nahirapan sila noon sa pag-aalaga kanina Aki, Bench, at Calvin dahil magkaka-sunod ang mga edad nito. Taon-taon ba naman kasi siyang magbuntis noon?

            Pero natuto na sila ni Dylan ng "family-planning". Sinuko na rin nito ang pangako na magkaroon ng sixteen na anak dahil ubos na ubos ang energy nito kanina Aki, Bench, at Calvin pa lang. Pero alam niyang mahal na mahal ni Dylan ang mga anak nila.

            Nang unang beses siyang manganak kay Aki, ay kitang-kita niya kung gaano kasaya si Dylan at napaiyak na naman ito nang unang beses na kargahin ang panganay nila. He's really a proud father, no doubt. They named Aki, "Achilles Benedict". No particular reason. Nagustuhan ni Dylan ang pangalang Achilles habang siya naman ay gusto ng Benedict nang malaman nilang lalaki ang magiging baby nila.

            At muli niyang nakitang umiyak na naman sa saya si Dylan nang ipanganak niya si Bench. "Benjamin Christian" ang tunay na pangalan ng pangalawang anak.

            Si Calvin naman ay pinaglihi niya sa Calvin Klein na briefs ni Dylan. Basta habang buntis siya kay Calvin, tuwang-tuwa siya kapag nakikitang suot ni Dylan ang Calvin Klein na briefs nito. "Calvin Darius" ang naging pangalan ng anak. Ang "Darius" ay galing naman kanina Mommy Venus at Daddy Angelo. Hindi umiyak si Dylan nang ipanganak si Calvin. Bagkus ay tawa ito ng tawa dahil sa tuwa at dahil alam nito kung saan pinaglihi ang pangatlong anak nila.

            "Tapos na ba ang ten minutes?" tanong na ulit ni Aki.

            "Gusto ko na ng ice cream!" himutok naman ni Bench.

            "May kangaroo—Ay, cow pala ulit," ani Calvin.

            "Ang kulit ng mga anak mo," natatawang sabi niya kay Dylan.

            Napasulyap ito sa kanya at saka natawa bago iliko ang kotse sa isang village. "Kapag makulit, anak 'ko' lang. Kapag mabait, anak 'mo' na."

            She chuckled. "Sige, ang kulit ng mga anak 'natin'. Inip na si Aki. Gutom na ulit si Bench. Nagha-hallucinate na ng kangaroo si Calvin."

Nasa Pangasinan sila ngayon. Mahigit limang oras na ang naging biyahe nila kaya inip na inip na ang mga anak nila. Papunta kasi sila ngayon sa bagong tinitirhan ng Mama Daisy at Papa Robert niya.

            Three years ago ay nagbalik bansa ang mga kinilala niyang magulang. Nagulat si Lana nang ang mga ito mismo ang bumisita sa kanya isang araw at nanghingi ng tawad para sa mga pagkukulang nito sa kanya noong bata pa siya.

            Matagal niya naman nang napatawad ang mga ito. Isa pa, kamag-anak niyang tunay si Mama Daisy dahil ito ang kapatid ng totoo niyang ina. Mahal niya ang mga ito at nasabik pa nga siya na muling nakita ang Mama at Papa niya na nagbalik pa galing sa ibang bansa.

            "Kids, sandali na lang tayo, alright?" sabi ni Dylan sa mga anak nila. "O, ayan na ang bahay nina Grandma Daisy. See? Chill lang, Aki. Bench, you'll get your ice cream after we eat lunch. And Calvin, there's no kangaroo here, really."

            Birthday ngayon ng Mama Daisy niya at naglambing na pumunta silang mag-anak doon. Wala naman na kasing ibang pamilya si Mama Daisy kundi siya. At gusto rin nitong makita ulit ang mga apo sa kanya.

            "Nandito na tayo," anunsiyo niya nang mag-park si Dylan sa tapat ng isang malaking bahay sa village na iyon.

            "At last!"

            "Yehey!"

            "No more kangaroos!"

Pinatay ni Dylan ang makina ng kotse at saka bumaba. Sumunod na rin si Lana. She placed her hand below her big tummy. Kapag nakatayo siya ay ramdam na ramdam niya na talaga ang bigat ng baby girl niya. Kabuwanan niya na ngayong buwan at two month ago nang malaman nila na magkakaron na sila ng baby girl ni Dylan.

Binuksan niya ang pinto sa back seat at isa-isang lumabas doon ang mga anak. Hinawakan niya ang kamay ni Aki habang binuhat ni Dylan si Calvin at hinawakan sa kamay si Bench. Halatang excited ang mga anak habang papasok sila ng malaking bahay. Nagkakatawanan na lang sila ni Dylan dahil sa pagka-bibo ng mga ito.

"Lana! Dylan!" nakangiting salubong ng Mama Daisy niya sa kanilang mag-anak. Halata sa mukha nito ang sobrang kasiyahan ng makita sila. Lalo na ng mapadako ang tingin nito sa mga anak nila.

"Happy birthday, Mama."

"Hi, Grandma! Happy birthday!" bati ni Aki rito at saka kusang nagmano rito. Ganoon din ang ginawa nina Bench at Calvin.

Maya-maya'y sinalubong na rin sila ng Papa Robert niya. Niyakap siya ng ama at binati nito si Dylan bago inaya ang tatlo niyang anak na maglaro.

"Nako, Papa. Baka mapagod ka sa mga iyan. Baka atakihin ka ng athritis mo," aniya rito.

Tumawa ito. "Masayang makipaglaro sa mga bata. Ayos lang ako, Lana. Magiging maingat ako at susubukan kong di magpatalo sa kakulitan ng mga ito."  Bumaling ito sa mga bata. "So, come on, kids? Naghanda si Grandpa ng mga laruan sa taas."

Agad namang nagtanguan ang tatlo niyang anak at sumama kay Papa Robert sa itaas.

"Papa, pakitignan na lang po ang likod nila kapag nabasa po ng pawis, ah?" bilin niya sa kinilalang ama.

"Akong bahala, Lana."

Nang makaakyat na ang mga ito ay inaya muna sila ng Mama Daisy niya na mag-stay sa sala. Magkatabi silang umupo ni Dylan at inakbayan siya nito.

"Are you okay?" masuyong tanong sa kanya ng asawa at saka hinawakan ang tiyan niya. "Ang laki na nito. Hindi pa ba lalabas ang baby natin?"

Napangiti siya. Seven years and counting, Dylan is still Dylan. Hindi nagbago kahit kailan ang pag-aalaga nito sa kanya at dumagdag pa ang pagkalinga sa mga anak nila. They shared a couple of ups and downs but they made it through. Mas naging mature sila sa paglipas ng mga panahon. Lalo na sa pagpapalaki ng mga anak nila. She can say that, mas naging matatag ang pagmamahalan nila.

"Oo nga naman. Masyado nang malaki ang tiyan mo, hija," segunda ng Mama Daisy niya. "This month is your due month, right?"

            May lumapit sa kanilang maid at naghain ng dalawang platito ng sliced-chocolate cake at dalawang baso ng chocolate juice. Agad na inabot ni Dylan ang cake para sa kanya dahil alam na alam nitong nasabik siya ng makita ang paboritong cake.

            "Yes, Mama. Kahit ano pong araw ngayong buwan ay puwedeng lumabas na si Deina."

            "Deina? Iyon ang ipapangalan niyo sa baby niyo?" nakangiting tanong ng nito

            Tumango siya. "Yes, Mama. Iyon po kasi ang totoong pangalan ni Mommy Lily, di'ba?" aniya na tinutukoy ang totoong ina na sa pictures niya lang nakilala. But she still loved her. Hindi naman kasi kasalanan ng ina niya na mamatay pagkatapos siyang ipanganak. Actually, her mother sacrificed her life just for Lana to be alive. Doon pa lang, alam niyang mahal siya ng totoong ina and Mama Daisy made sure of that ayon sa mga kuwento nito.

            "That's pretty, Lana. Sa tingin ko ay natutuwa si Lily na ipapangalan mo sa kanya ang magiging apo niya kung nasaan man siya ngayon."           

            Pagkatapos pa ng ilang kuwentuhan ay sinabi na ng maid na handa na ang tanghalian. Dumulog na silang lahat sa malaking mesa. Nasa kanan ni Lana si Calvin dahil kailangan niya pa itong subuan ng pagkain. Nasa kaliwa naman niya si Aki na kaya nang mag-isang kumain. At sa isang tabi nito ay si Dylan na katabi rin si Bench para naman alalayan ito sa pagkain.

            Puno ng kuwentuhan at tawanan ang tanghaliang iyon. Her three kids were very entertaining and full of energy. Lalo na si Calvin na naghahanap pa rin ng kangaroo. Si Bench naman ay nagtatatalon sa tuwa nang ilabas ang ice cream at cake.

            "Mommy?" ani Aki at saka yumakap sa kanya.

            "Yes, baby?" malambing niyang tugon rito at saka niyakap ito pabalik. Sa tatlo ay si Aki ang tahimik lang at medyo seryoso ang dating. Mainipin rin. Ngunit, ang panganay niya ang pinakamalambing sa lahat. Mahilig itong yumakap at humalik sa kanila ni Dylan.

            Tinapat nito ang tainga sa malaki niyang tiyan. "Kailan lalabas si baby Deina?"

            "Malapit na. Are you excited?"

            Tingala siya nito at tumangu-tango. "I'm excited! Super excited! Kaso ang tagal talaga."

            She chuckled and patted his head. "Ikaw talaga, Aki. Napakamainipin mong bata." Pinanggigilan niya ang mga pisngi nito. Para siyang nakikipag-usap sa mini-version ni Dylan kapag kaharap niya ang anak. "Malapit na talaga lumabas si baby Deina. Before you knew it, you can kiss your little sister na."

            Ngumiti ito. "Really?"

            "Yes. Really. Kiss mo nga si Mommy," lambing niya rito.

            Hinalikan naman siya nito sa pisngi na nagpangiti kay Lana. "I love you, Mommy."

            "I love you more, Aki."

Napansin pala sila ni Calvin kaya naman gumaya ito. "Ako din, Mommy! Kiss kita!" anito at saka tumayo sa ibabaw ng upuan at hinalikan siya sa pisngi. "Love you, Mommy!"

"Love you more, Calvin."

            "Me, too!" sabi naman ni Bench na busy kanina sa pagkain ng ice cream nito. Mabilis itong lumapit sa kanya at pumatong rin sa upuan ni Calvin. Hinalikan rin siya nito sa pisngi at wala nang pakialam si Lana kahit pa napakalagkit ng mga labi nito dahil sa ice cream. "Love kita, Mommy!"

            "Mas love kita, Bench."

            Maya-maya'y sabay sabay pa siyang niyakap ng tatlong anak. Her heart was just so overwhelmed with her sons' love and sweetness. This is the perks of not taking a yaya for her children. Hands on siya sa mga ito at nagawa niyang iwan ang trabaho sa Big Hopes para personal na alagaan ang mga ito. Buti na lang at walang problema sa Mom niya at sang-ayon pa ito sa naging desisyon niya na maging full-time mom and wife.

            Ngingiti-ngiti sina Mama Daisy at Papa Robert sa kanilang apat.

            "Nako, mga apo, parang nagseselos ang Daddy niyo," biro ni Mama Daisy.

            Umarte namang parang naiinggit nga si Dylan. May nalalaman pa itong pagtayo at pagwo-walk out. Hinabol tuloy ito ng mga bata at nilambing.

            "Daddy, love din kita. Kahit matagal kang umuwi sa house from work."

            "I love you, Daddy! I love you kaysa foods!"

            "Daddy, Daddy! Love you! Love kita kaysa kangaroos!"

Napuno nang tawanan lalo nang humarap si Dylan at sabay-sabay na binuhat ang tatlo na tuwang-tuwa naman. Lagi kasi iyong ginagawa ni Dylan—ang buhatin ang mga ito ng sabay-sabay.

At the age of 39, Dylan remained his fit and well-toned body. Kaya naman napakalakas nito para magawang buhatin ang tatlo nilang anak. Hindi na ito vice-president ng Anderson-Monteverde Hotel. Sa mga nagdaang taon ay nagawa nitong palakihin ang gym at maraming bigating sponsors ang nagdatingan. Dahil doon ay sumikat ang gym ni Dylan na pinalitan nito ang pangalan na "ABCD Fitness Center and Gym.". Obviously, acronyms iyon nang pangalang ng mga anak nila. Sa ngayon ay may tatlo na silang branches sa Luzon, at tig-isa sa Visayas at Mindanao. Now, Dylan is the boss of his own rising business.

            Habang pinapanood ni Lana ang mag-a-ama niya ay alam niyang wala nang mas sasaya pa sa biyayang nakikita niya ngayon sa harap niya. Meron pang parating na isa na namang supling. She can't ask for more.

            Biglang natutop ni Lana ang tiyan nang biglang humilab iyon. Napangiwi siya sa sakit nang umulit iyon.

            "Lana? Lana, are you okay?" sabay lapit sa kanya ni Mama Daisy.

            "M-Mama..." Napapikit siya at bumilang ng sampu. Pero nasa lima pa lang siya ay sumakit na naman ang tiyan niya at parang lalong bumigat iyon at tila hinahatak palabas ang baby niya. "Ahhh!"

            Natigil sa pagkukulitan sina Dylan at ang mga bata dahil sa pagsigaw niya. Mabilis na ibinaba ni Dylan ang mga anak at dinaluhan siya.

            "Allana, honey? Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong nito.

            Huminga siya ng malalim. Tatlong beses niya na itong pinagdaanan kaya alam na niya ang gagawin. "Ma-Manganganak na ata a-ako..." malumanay niyang sabi.

            Nanlaki ang mga mata ni Dylan.

            Matataranta na naman 'to. naisip ni Lana.

            "M-Manganganak ka na? Oh, damn! You're giving birth already? Wait, wait! Tatawag ako ng ambulansiya," sabay hugot ng cellphone nito pero hindi naman nagda-dial. "Hindi, ako na lang ang magdadala sa'yo sa ospital. Sandali, sandali, ihahanda ko iyong kotse. T-Teka, nasaan na ang susi ko? Kids, where are my keys? Where are my keys? I'll start the car. You're going to give birth! Damn it! Gotta call the ambulance! No, no, ako pala magdadala sa'yo sa ospital." Dylan panicked.

            Gusto sanang pagtawanan ni Lana ang asawa pero nagko-concentrate siya sa breathing exercises na alam niya. May naramdaman siyang likido sa hita at binti. Pumutok na ang water bag niya! Manganganak na talaga siya.

            "Kumalma ka, hijo," ani Papa Robert rito. "Madadala natin ng maayos si Lana sa ospital. Huwag kang mataranta at simulan mo nang dalhin si Lana sa kotse."

            "O-Opo—shit! Your water bag broke!"

            Napapikit siya at tinuloy ang breathing exercises. "Dylan, dalhin mo na 'ko sa ospital," kalmado pa ring sabi niya.

            Mabilis naman siya nitong binuhat at nilabas. Kasunod nila si Papa Robert.

            "Ako nang bahala sa mga bata. Huwag kayong mag-alala," narinig niyang sabi ni Mama Daisy.

            "Saan po pupunta si Daddy at Mommy, Grandma?"

            "Your Mommy's going to have your little sister already."

            "Lalabas na si baby?"

            "Yes. Kaya dito muna kayo, okay? Mamaya na lang natin sasamahan si Mommy at Daddy niyo, okay?"

            "Yes! Yes!"

            "Yehey! Lalabas na si baby!"

            Bahagyang dinilat ni Lana ang mga mata at nakita ang masasayang mukha ng anak. Hanggang sa mawala ang mga ito sa paningin niya dahil nailabas na siya ni Dylan sa bahay at naisakay na sa kotse.

            Si Papa Robert na ang nagmaneho sa kanila papuntang ospital dahil mas alam nito ang lugar. Kasama niya si Dylan sa backseat at tarantang-taranta pa rin habang siya ay kalmadong-kalmado.

            "Huminahon ka nga, Dylan. Huwag mo 'kong patawanin at masakit na ang tiyan ko," saway niya rito.

            "Hindi ako nagpapatawa! Damn, I'm worried, Allana!" Halatang-halata nga sa guwapo nitong mukha ang labis na pag-aalala. Pinagpapawisan na rin ang noo nito at nanlalamig na ang mga kamay. Parang ito ang manganganak kaysa siya.

            "I'm fine. Pang-apat na 'to, hindi ka pa sanay?"

            "I'll never get used to this." His foot started thumping. "Papa, matagal pa po ba?"

            "Two more minutes," kalmado namang sagot ng Papa Robert niya.

            "Tignan mo si Papa, kalmado. Kasi nakikita niyang kalmado lang rin ako. Kaya, Dylan---ahh!" daing niya nang mas sumakit pa ang tiyan.

            Napamura na si Dylan at mas nataranta. Mabuti na lang at malapit na sila sa ospital dahil sa tingin ni Lana ay lalabas na talaga ang sanggol sa sinapupunan niya.

            Pagkahinto pa lang sa tapat ng emergency ay mabilis na siyang naibaba ni Dylan. Dinaluhan naman agad silang ng mga nurse at naihiga na siya sa stretcher.

            "Allana, honey, I'm here, okay?"

            "I know," nakangiting sabi niya. "I know you won't leave me."

            Agad na tinignan si Lana nang OB ng ospital at kinumpirma na manganganak na nga siya. Agad siyang dinala sa delivery room ng ospital. Sumama sa loob si Dylan na mahigpit na nakahawak sa kamay niya at kasabay na nakikisigaw sa kanya sa loob ng limang oras na pagle-labor. Paulit-ulit rin ito sa pagbubulong ng dasal para sa kanya at sa baby.

            "Just one more push, Misis. One, two, three."

            Isang malakas at huling pag-ire ang ginawa niya. Then, a cry filled the whole room.

            "And, here's your pretty baby girl. Congratulations!"

            Nanghihinang napangiti si Lana at mapungay na mapungay na ang mga mata nang makita niyang pinasa ng doktor si baby Deina kay Dylan.

            "Don't cry..." paalala niya sa asawa.

            Pero pumatak na ang luha sa mga mata ni Dylan habang nakatingin sa bagong baby nila. Masuyong hinalikan ni Dylan ang noo ng baby at saka nilapit sa kanya.

            "She got your nose, honey. And your lips."

            "Hi, Deina, darling..." nanghihinang bati niya sa anak. Napaiyak na rin si Lana dahil sa sobrang emosyon sa dibdib. It's the same feeling she felt when she gave birth to Aki, Bench, and Calvin.

            "Take a rest, Allana. Ako nang bahala," masuyong sabi sa kanya ni Dylan at saka siya hinalikan sa noo.

            Marahan siyang tumango at kahit gusto niyan pang tignan si baby Deina ay mas nanaig ang pagkahapo niya at antok. So, she gave in.

            Sumunod na umaga na nagising si Lana. Nasorpresa siya nang makitang nandoon si Mom, Dad, at ang kapatid na si Prince kasama ang  asawa nitong si Trisha at ang kambal na anak ng mga ito. Nandoon rin ang Mama Daisy at Papa Robert, siyempre.

            Then, her sons Aki, Bench, and Calvin gave her roses. Kahit nanghihina pa ay masayang niyakap niya ang mga anak.

            "Get well soon, Mommy!"

            "I will, kids. Aalagaan muna kayo nila Lola. Huwag kayo masyado makulit, ah?"

            Nagtanguan ang mga ito at saka nagbabaan ng higaan niya

            "Congrats, Lana!" bati ng kapatid sa kanya habang buhat ang anak nitong lalaki na isa sa kambal. "Apat na! Ang tindi talaga ni Dylan!"

            "I saw the baby, already," ani naman ni Trisha na buhat ang babae nitong anak.. "She's so pretty!"

            "Thank you. Thank you for being here." Humalik muna sa kanya ang mga pamangkin bago nagpaalam sina Prince at Trisha na lalabas muna.

            Pinagpahinga na siya ulit ng mga magulang. Gabi na ulit siya nagising at nabungaran si Dylan na nakatitig sa kanya.

            "Hey," nakangiting bati niya rito.

            Sinuklian nito ang ngiti niya nang matamis at mabilis na halik sa mga labi. "How are you, honey?"

            "I'm doing fine. Can I have water?"

            Mabilis itong kumha ng baso ng tubig at pinainom sa kanya. Pagkuwa'y masuyo siya nitong niyakap. "We reached another milestone, Allana," he softly said. "Thank you for Deina. She's wonderful. So wonderful like Calvin, Aki, and Bench."

            Ngunit sa mga yakap ni Dylan ay may iba pa siyang nararamdaman. Tiningala niya ito at saka tinignan ito sa mga mata. May iba pang damdamin doon na hindi siguro mahahalata ng iba, pero siya ay alam niya. "Something's bothering you?"

            Tila nagulat ito sa tinanong niya. Dylan sighed later on. "Tumawag sa'kin kanina ang private investigator na kinuha natin months ago."

            Tumango siya. "Then?" They got a private investigator five months ago upang mapaimbestigahan kung saang pamilya posibleng galing si Dylan.

            Hinaplos nito ang mukha niya. "He got a lead. And, he said that..." Humugot ito ng malalim na hininga. "...that there's a possibility that my real parents are still alive."

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

4M 72.6K 28
Dear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2...
1.6M 26.3K 40
When you thought you had the best night of your life but then the reality wakes you up. He doesn't love you. "I love you." She said. "I'm sorry" He r...
943K 19.4K 43
| COMPLETED | 30 March 2017 - 27 June 2019 | Stonehearts Series #5 | Just like how her birthstone is coveted by royalty, Emerald Charisma Vinluan is...
221K 14.5K 33
3rd Book of Valleroso Series. Archimedes Valleroso.