A Kidnapper's Mistake (Watty'...

By UndeniablyGorgeous

3.9M 133K 42.6K

Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plan... More

Mistake 1
Mistake 3
Mistake 4
Mistake 5
Mistake 6
Mistake 7
Mistake 8
Mistake 9
Mistake 10
Mistake 11
Mistake 12
Mistake 13
Mistake 14
Mistake 15
Mistake 16
Mistake 17
Mistake 18
Mistake 19
Mistake 20
Mistake 21
Mistake 22
Mistake 23
Mistake 24
Mistake 25
Epilogue
Other Stories

Mistake 2

242K 7.4K 1.8K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 2]

"Mabuti na lang marami pang mabubuting loob, sa panahon ngayon nagkalat na ang mga kawatan kaya wag ka magsusuot ng alahas lalo na kapag gabi na" sermon ni Denise habang naghuhugas ng pinggan sa kanilang maliit na lababo, tinitipid niya pa ang tubig dahil mahirap makakuha ng malinis na tubig sa lugar nila.

Magkasing-edad lang sila ni Audrey ngunit may tatlo na siyang anak na magkakasunod. Nakasuot siya ng kulay pulang daster habang magulong nakapusod ang kaniyang buhok. Magkrabaho sila ni Audrey sa isang fast food restaurant noong high school pa lamang sila ngunit maaga siyang nag-asawa kung kaya't hindi siya nakatapos ng High School.

"Hindi ko kakayanin kapag nawala ang kuwintas na 'to, bigay pa ito ni papa bago sila maaksidente noon ni Lola" wika ni Audrey habang tulalang nakatitig sa baso ng tubig na nakalagay sa mesa. Masikip ang loob ng bahay ng kaibigan niyang si Denise. Halos limang hakbang lang ay malilibot mo na an loob.

Masarap na rin ang tulog ng tatlo nitong anak na puro lalaki, nakahiga pa sa duyan ang pinaka-bunso dahil wala nang espasyo sa sahig habang ang asawa naman ni Denise ay isang security guard na naka-duty ngayon.

Puno ng mga kaldendaryo ang nakasabit sa loob ng dingding ng bahay upang takpan ang mga butas nito. "Nasaan na pala ang lalaking tumulong sayo? Hindi mo man lang siya nilibre ng pagkain" saad pa ni Denise habang pinupunasan ang kaniyang kamay gamit ang dulo ng kaniyang daster dahil tapos na siya maghugas ng mga pinggan.

Napasandal naman si Audrey sa upuan sabay lingon sa kaibigan "Iyon nga e, ang weird niya, isang beses lang siya nagsalita tapos wala na, nakatakip pa ang mukha niya tapos kinilabutan talaga ako sa sinabi niya" sagot ni Audrey sabay hawak sa magkabilang balikat niya nang maramdaman niya muli ang kakaibang pagdaloy ng kuryente sa buo niyang katawan.

"Ha?"

Tumayo na si Audrey sabay sandal sa dingding malapit sa lababo kung saan abala pa rin ang kaibigan niya sa pagpunas ng mga hinugasang pinggan. "Tinanong ko nga kung anong pangalan niya pero sinabi niya sa'kin na mamamatay daw ako kapag nalaman ko" dagdag pa ni Audrey sabay halukipkip. Napatulala naman sa kaniya si Denise, kitang-kita na ang malaking eyebags nito dulot ng puyat at pagod sa pag-aalaga sa tatlong anak.

"Seryoso? Baka naman hindi ka niya type kaya binantaan ka niya ng ganon" tawa ni Denise dahilan para kurutin siya ni Audrey sa tagiliran. "Kung hindi niya ako type hindi naman niya sana ako sinabihan ng 'ganon, nakakakilabot kaya... Hindi ko rin naman siya type kaya bakit siya nag-iinarte" wika ni Audrey, agad naman umiwas sa kaniya si Denise dahil baka makurot na naman siya ng kaibigan.

"Edi kung 'ganon, hayaan mo na, bakit parang iniisip mo pa siya?"

"Hindi ko siya iniisip ah, curious lang ako kasi bakit nakatakip ang mukha niya tapos tinulungan niya ako tapos sasabihan niya ako na mamamatay ako kapag nalaman ko ang pangalan niya, hindi ba parang ang weird?"

Tumango-tango na lang si Denise, sanay na siya sa malawak na pag-iisip ni Audrey na ultimo lahat ng bagay pinaghihinalaan. "Matutulog na kami, di na tayo kasya dito kaya 'dyan ka na lang sa kusina" saad ni Denise sabay hagis ng isang unan at kumot kay Audrey na nasalo naman nito agad.

"Sige, good night" wika ni Audrey at pinagdugtong na niya ang dalawang mahabang upuan sa kusina at nahiga roon. Nang patayin niya ang ilaw ay napatulala siya pa siya ng ilang minuto sa kisame habang hawak-hawak ang kuwintas na suot niya sa leeg bago siya tuluyang dalawin ng antok.

***

Presyo ng pandesal at ilang tinapay sa merkado ay magmamahal dahil sa pagtaas ng presyo ng asukal at harina na pangunahing sangkap ng mga nasabing produkto. Asahan ang pagtaas ng presyo sa susunod na linggo ngunit maaari pa rin itong bumaba sa oras na maging maayos na ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa mga susunod na buwan. Audrey Medina, CMZ News.

"Okay... Cut!" saad ni Sir Migs sabay senyas kay Audrey na nakatayo sa harapan ng isang malaking bakery. Alas-sais pa lang ng umaga at marami na ang nakapila sa bakery na iyon na upang bumili ng pandesal para sa agahan.

"Almusal muna tayo" wika ni Kuya Rex sabay lapag ng binili niyang mga pandesal at tatlong mainit na kape. Naupo sila sa likod ng van at sabay-sabay na nag-almusal. "Pumila talaga ako kanina sa bakery para mahagip ako ng camera" tawa ni Kuya Rex sabay inom ng kape, natawa na lang si Sir Migs at Audrey dahil hindi nila napansin na naroon pala si Kuya Rex habang nagshoshoot sila ng live report para sa pang-umagang balita ng CMZ News.

"Kapag masyado ka na-expose sa camera, hindi ka na tatangkad. Kaya tingnan mo 'to si Audrey, wala ng pag-asa tumangkad 'yan" pang-asar pa ni Sir Migs, sinamaan naman sila ng tingin ni Audrey ngunit natawa na lang din ito.

"Kaya pala walang nangangahas na manligaw kay Audrey" buwelta pa ni Kuya Rex, dire-diretso namang sinubo ni Audrey ang isang pandesal. "Mag-asawa ka na para naman may bahay ka na matutuluyan" tawa pa ni Sir Migs, palagi nilang inuungkat ang palipat-lipat ng tirahan ni Audrey at ngayon ay mukhang mapapalayas na naman ito dahil hindi siya nakakabayad sa kasalukuyang tinitirhan.

Halos kalahati ng kaniyang sinusweldo ay pinapadala niya sa kaniyang tiyahin na nasa probinsya na kumukupkop sa kaniya noon dahil may sakit na ito. Marami rin siyang bayarin na inutang niya noon nang ma-diagnose ang tiya niya na may cancer.

"Kaya ko naman mabuhay mag-isa, mas okay nga 'yun para wala na akong iintindihin pang iba" buwelta naman ni Audrey, hindi naman nakapagsalita ang dalawa dahil mas stress nga sila sa mga asawa nilang nagiging dragon kapag wala na silang panggastos.

"Humingi ka na ng tulong sa mayaman mong Lolo, sa dami ng pera niya siguradong hindi naman 'yun magdadamot para sayo" hirit pa ni Kuya Rex dahilan upang makalikha na naman ng nakakailang na sitwasyon dahil sa sinabi niya.

Pinadilatan naman siya ng mata ni Sir Migs pero nagulat sila ng biglang tumawa si Audrey, "Kung gusto niya talaga akong tulungan, ginawa na niya dapat iyon dati pa" saad ni Audrey, hindi naman niya masabi sa mga katrabaho na dalawang beses na siya lumapit sa kaniyang Lolo noon nang magkasakit ang mama niya at nang mamatay ito ngunit ni isang kusing ay wala itong inabot.

"Natiis niya ako ng ilang taon, kaya ko ring tiisin ang buhay na 'to" dagdag pa ni Audrey habang nakatitig sa kape. Pinagmasdan niya itong mabuti na parang Lolo niya na bigla na lang nanlamig at hindi man lang siya kinumusta hanggang ngayon.

***

Alas-nuwebe na ng gabi nang matapos ang pagbabalita nila para sa panggabing balita ng CMZ News. Ibinaba na siya ng service van malapit sa inuupahan niyang bahay. Napansin niya ang isang maganda at mamahaling kotse na naka-park sa gilid ng kalsada at sa tabi nito ay may isang maliit na truck. Halos ilang metro pa ang lalakarin niya at dadaanan siya muli sa masikip na eskinita bago marating ang maliit niyang tirahan.

Ilang sandali pa ay biglang bumuhos ang ulan kung kaya't dali-dali siyang tumakbo, nakakasalubong niya ang ilang mga ale at mga bata na nagtatakbuhan na rin papasok sa kani-kanilang mga bahay. Napapatingkayad na lang si Audrey habang tumatakbo sa maliliit na eskinita sa kanilang lugar dahil iniingatan niyang huwag maputikan ang kaniyang black closed shoes na 2 inches ang taas ng heels. Nakasuot siya ng kulay red na dress na medyo pormal dahil isang formal movie launch ang cinover nilang balita kanina na ginanap sa isang hotel.

Napatigil si Audrey nang mapansin niya ang ilang kalalakihan na may buhat-buhat na mga upuan, mesa, TV at cabinet. Nanlaki ang mga mata niyang makilala na mga gamit niya iyon. "Manong, mga gamit ko po 'yan!" sita niya pero nagpatuloy lang ang dalawang lalaki sa paglalakad habang buhat-buhat sa balikat nito ang maliit niyag cabinet na Orocan.

Dali-dali niyang hinabol ang mga iyon at nang maabutan niya ay hinawakan niya ang balikat ng isa sa kanila upang pigilan ito. "Manong, saan niyo po dadalhin ang-----" hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang mapansin niya mula sa di-kalayuan na nilalagay ng mga lalaking iyon ang mga gamit niya sa truck na naka-park kanina sa labasan.

"Gabi-gabi na lang ba ako makakaengkwentro ng mga magnanakaw" inis na wika ni Audrey sa kaniyang sarili at agad siyang naglakad pabalik sa kalsada. Doon ay naabutan niyang kinakarga nga ng mga ito ang lahat ng gamit niya, naroon na ang mga gamit niya sa kusina, banyo at maging ang malaki niyang kutson.

Magsasalita pa sana si Audrey ngunit nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng mamahaling kotse na naka-park sa tabi nito, lumabas ang driver na lalaki na nakasuot ng barong at pinayungan nito ang babaeng nakasakay sa backseat ng kotse.

Nanlaki ang mga mata ni Audrey nang makilala kung sino ang babaeng bumaba sa mamahaling kotseng iyon. "Ate Audrey, can we talk?" mahinhin na wika ni Chelsea Medina na siyang sikat at ginagalang ng lahat na apo ng kaniyang Lolo sa ikalawa nitong asawa.

***

Nasa loob na sila ng kotse ngayon, basang-basa na si Audrey dahil sa malakas na ulan kanina. Nang bumaba si Chelsea at nakiusap kanina na makausap siya ay pinagbigyan niya naman ito. Ngayon ay umaandar na ang kotse at hindi man lang nagtanong si Audrey kung saan sila pupunta.

Wala siyang gana magsalita at alam niyang kahit saan naman siya mapunta kakayanin niyang mabuhay. "Mag-bibirthday na po si Lolo sa Sunday, sana makapunta ka" panimula ni Chelsea, magkatabi sila sa backseat ngunit dahil pang-VIP ang kotseng kanilang sinasakyan ay malawak at komportable ang upuan.

"Hindi naman ako invited" normal na wika ni Audrey habang nakalingon sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan. Amoy strawberry ang loob ng kotse bagay na nagpapagaan sa loob ni Audrey kahit papaano dahil paborito ng mama niya ang strawberry.

"Siguradong matutuwa po si Lolo kapag nakita ka niya... May sakit na siya" saad ni Chelsea dahilan upang biglang mapalingon sa kaniya si Audrey. Sa loob ng maraming taon ay inakala niyang malusog at maganda naman ang kalusugan ng matanda dahil sagana ito sa salapi at nakakain nito ang lahat ng masustansiyang pagkain.

"Lumalala na po ang ubo ni Lolo at kung minsan ay namamanhid na ang mga kamay niya" patuloy pa ni Chelsea, pinagmasdan niyang mabuti ang mayamang dalaga. Kung titingnang mabuti ay magkahawig sila, pareho nilang namana ang maputing balat at matangos na ilong ng kanilang Lolo.

Kahit papaano ay magkadugo rin silang dalawa. Si Chelsea ay anak ng ikalawang asawa ng kaniyang Lolo. Ang ina nito ay anak ng sikat na mayor sa isang probinsya at siyang dahilan kung bakit umaangat sa pwesto ang kanilang Lolo.

"Bakit tatakbo pa siya sa pagka-presidente? Mas mahihirapan siya kapag tinuloy niya iyon" wika ni Audrey, napahinga naman ng malalim si Chelsea, nakasuot ito ng pulang dress na pinatungan niya ng mamahaling white coat. Kompleto rin ang suot nitong alahas, magmula sa dyamaneng kuwintas, dyamanteng pares ng hikaw at pilak na bracelet.

"Alam mo naman pong mahirap baguhin ang desisyon ni Lolo... Kaya nga nagbabakasakali po ako na baka makinig siya sayo" saad ni Chelsea sabay tingin sa kaniya, napahawak naman si Audrey sa balikat niya dahil bigla siyang nakaramdam ng lamig lalo na dahil malakas ang aircondition sa loob ng kotse.

Ilang sandali pa ay nagulat siya nang biglang hinubad ni Chelsea ang suot nitong white coat at pinatong sa balikat niya. "Sorry, matagal ko na pong gustong sabihin sayo ang salitang iyon, alam ko pong nasasaktan ka kung bakit biglang nabaon sa limot ang pamilya niyo na unang naging pamilya ni Lolo. Hindi ko man po alam ang buong istorya pero ako na ang humihingi ng sorry sa paglimot ni ginawa ni Lolo" wika ni Chelsea, sa pagkakataong iyon ay nararamdaman ni Audrey na totoo ang sinasabi ni Chelsea at wala itong halong kaplastikan.

Sa loob ng ilang taong nagdaan, si Chelsea lang ang nag-iisang kadugo niya sa side ng Lolo niya na nangungumusta sa kaniya kahit pa hindi niya ito pinapansin dahil ayaw niya nang masangkot pa sa bagong pamilya ng Lolo niya. Ngunit iba si Chelsea, ito lang ang nag-iisang nakakaalala sa kaniya.

"Sinabi po noon sa akin ni mommy na kasabay ng pagkamatay ng papa at lola mo, pinalabas na rin sa lahat na patay ka na rin at ang mama mo para hindi iyon maging sagabal sa patuloy na pag-angat ng kapangyarihan ni Lolo" patuloy pa ni Chelsea, napahinga naman ng malalim si Audrey at napaiwas ng tingin, muli na namang sumakit ang puso niya sa alaalang wala na ang buo niyang pamilya.

"Ang aksidente at trahedyang nangyari sa buong pamilya niyo ay labis di pong dinamdam ni Lolo, ngunit sa kabila nito ay may magandang bagay din itong naidulot para sa adhikain niya sa pulitika, hinahangaan at tinitingala na siya ngayon ng karamihan dahil nalagpasan niya ang lahat ng pagsubok na iyon" saad ni Chelsea, sa pagkakataong iyon ay kumawala na ang luha sa mga mata ni Audrey.

"Sapat na dahilan ba 'yun para kalimutan na niya ako? Para sa kapangyarihan nagawa niya akong isantabi para lang hindi siya lumabas na sinunggaling nang sabihin niya sa mundo na pinatay ang buong pamilya niya ng mga kalaban niya sa pulitika! Tayo-tayo lang ang nakakaalam ng totoong nangyari! Namatay si papa at lola sa aksidente! Tinago niya kami ni mama at pinatira sa malayo, nung umpisa ay sinusuportahan niya kami pero nang magkasakit si mama ay para na kaming basura na tinapon niya sa kawalan!"

"A-ate Audrey..."

"Alam kong alam mo na ngayon na hindi Audrey ang totoong pangalan ko, kinailangan ko pang palitan ang pangalan ko para hindi maugnay sa kaniya. Mabuti na lang tinulungan ako ni Sir Migs at Kuya Rex para magkaroon ng pagkakakilanlan" saad ni Audrey, si Sir Migs at Kuya Rex ay nagtatrabaho na noon sa CMZ News nang lumapit si Audrey sa opisina upang sabihin ang totoo na buhay pa siya.

Ngunit alam ni Sir Migs ang pasikot-sikot at galawan ng Lolo niya, siguradong hindi nito hahayaan na lumabas sa madla na nagsinunggaling siya kung kaya't personal na kinausap ni Sir Migs ang Lolo niya at sinabing itatago nila ang bata sa iba pangalan. Ang Lolo niya ang gumawa ng paraan upang mapalitan ang pangalan at pagkakakilanlan nito, hindi naman sila nahirapan dahil makapangyarihang tao at abogado ang Lolo niya kung kaya't magmula noong mag-aral siya ng High School ay Audrey na ang ginamit niyang pangalan.

Sa bahay ng tiya ni Audrey siya naniharan magmula High School hanggang sa makatapos siya sa pag-aaral. At ngayon ay may maayos siyang trabaho sa CMZ News. "Dadalhin po kita ngayon sa bago mong bahay, binayaran ko na po ang renta sa loob ng limang taon, malapit lang din ito sa opisina niyo kaya hindi ka mahihirapan" pag-iiba ng usapan ni Chelsea, mas bata siya kay Audrey, high school pa lamang siya ngunit nasanay na siya sa mundo ng negosyo at pulitika.

"Kuya, pakitigil po ang sasakyan" seryosong wika ni Audrey, "No! Ate Audrey, please" utos naman ni Chelsea, bumabagal naman ang takbo ng kotse at hindi malaman ng driver kung sino ang susundin niya. Kasalukuyan nilang tinatahak ang mahabang kalsada na halos walang katao-tao at puno ng matataas na talahiban sa paligid.

"Babasagin ko ang bintanang 'to" pagbabanta ni Audrey dahilan upang mapapreno sa gulat ang driver. Agad na binuksan ni Audrey ang pinto at nagmamadali siyang lumabas sa kotse. Nakasunod sa kanila ang truck na pinaglalagyan ng mga gamit niya. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at nakakailang hakbang pa lamang siya ay nagulat sila nang biglang may humaharurot na isang puting van at biglang tumigil sa harapan, kasabay nito ay lumabas ang tatlong armadong lalaki na naka-itim at nakatakip ang mukha.

Nanlaki ang mga mata ni Audrey nang makita niyang tumatakbo na ang mga ito papalapit sa kaniya, dali-dali siyang tumakbo pabalik sa kotse ngunit huli na ang lahat dahil naabutan na siya ng isa sa kanila at dali-daling tinakpan ng panyo ang ilong niya dahilan upang maamoy niya ang matapang na kemikal na nasa panyo at mawalan siya ng malay.

Lalabas sana si Chelsea upang tulungan si Audrey ngunit pinaharurot na ng driver ang kotse dahilan upang paputakan ito ng dalawa pang armadong lalaki ngunit bullet proof ang kotse kung kaya't hindi ito tinablan. Samantala, ang truck driver at pahinante naman ng truck ay nanginginig na sa takot habang nakataas ang kamay.

"Balik na sa sasakyan!" sigaw ng lider nila at agad nilang binuhat si Audrey papasok sa puting van. Sa isang kisap mata ay nakaharurot na ang van papalayo na ikinatulala sa takot ng truck driver at pahinante nito.

***

Naalimpungatan si Audrey at nang subukan niyang imulat ang kaniyang mga mata ay naramdaman niya ang mahigpit na pagkakatali sa katawan niya, nakaupo siya ngayon sa isang upuan habang nakatli ang kamay niya sa likod at maging ang paa niya.

May makapal na tape rin na nakabalot sa bibig niya at kahit subukan niyang sumigaw ay hindi ito sapat. Napalingon siya sa paligid at may isang pundidong bumbilya lang sa itaas niya ang nagbibigay liwanag sa buong paligid. Nasa loob siya ng isang marumi at masikip na silid sa isang abandonadong building na dating factory noong 80's.

Maraming mga upos ng sigarilyo sa sahig at napakarumi rin tingnan ng mga vandalism sa bawat dingding. Sira-sirang mga upuan at mesa ang nakakalat sa isang sulok at amoy bulok na lupa at sigarilyo ang buong paligid.

Sa kaliwa ay matatagpuan ang malaking pinto na gawa sa kinakalawang na metal. Ilang sandali pa ay narinig ni Audrey ang yapak ng mga paa at mahihinang boses na nag-uusap at nagtatawanan. Kasunod nito ay ang pagkalansing ng kandado. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang pagpasok ng tatlong kalalakihan suot ang itim na leather jacket, itim na pantalon at itim na cap.

Wala ng takip ang mga mukha nito at sandaling napatulala si Audrey sa lalaking nasa gitna na naglalakad na ngayon papalapit sa kaniya. May hawak itong baril sa kanang kamay dahilan upang bigla siyang makaramdam ng biglaang pagtindig ng kaniyang mga balahibo dahil sa takot.

Nang makalapit sa kaniya ang tatlo ay agad siyang napayuko, ito ang kauna-unahang beses na makaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. "Boss, tawagan na po ba natin si Boss Leon" wika ng isa, sabay upo sa pinakamalapit na upuan at hinugot nito ang cellphone na dala.

"Mamaya na, wag mo muna bubuksan 'yan para di tayo malocate ni boss Leon" sagot ng isa sabay agaw ng cellphone. Habang ang lider naman nila ay nanatiling nakatayo lang sa tapat ni Audrey at pinagmamasdan siyang mabuti.

"Sandali... parang may mali" wika nito, napatigil si Audrey habang nakayuko pa rin nang mapansin niyang pamilyar ang boses ng lalaking iyon na nakatayo sa harapan niya. "Anong mali boss?" tanong ng isa at naglakad ito papalapit sa kanila.

"Bakit parang ang haba ng buhok ng apo ni Feliciano?" wika nito sabay hawak sa buhok ni Audrey na basang-basa pa rin. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakayuko pa rin ito.

"Boss Nightmare, si Chelsea 'yan, diba bago siya pumasok sa kotse kanina suot niya ang white coat na 'to" sagot ng isa sabay turo sa white coat na suot ni Audrey. Nanlaki ang mga mata ni Audrey sa gulat nang marealize niya na napagkamalan siyang si Chelsea.

Agad hinawakan ni Nightmare ang mukha ng dalaga at laking gulat nila nang mapagtanto na hindi nga si Chelsea Medina ang nakuha nila kanina. "T*ngina! Sino 'yan?" sabat ng isa na nakaupo kanina sa upuan at napatakbo ito papalapit din sa kanila.

"G*ago! Bakit nasa kaniya ang damit ni Chelsea?!" buwelta naman ng isa at napahilamos ito sa mukha. "Boss Nightmare! Siguradong malalagot tayo nito kay Boss Leon!" kinakabahang wika ng dalawa na hindi na ngayon mapakali.

"Kaya pala dali-daling pinaharurot ng driver ang kotse ni Chelsea kanina kasi hindi naman si Chelsea ang nakuha natin! P*tragis 'yan!" inis na wika ng isa sabay sipa sa upuan dahilan para masindak sa takot si Audrey. Dahan-dahan siyang napatingala at nagulat siya nang makitang nakatayo lang sa tapat niya si Nightmare habang nakatitig sa kaniya.

Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ni Audrey na parang pamilyar ang binatang iyon lalo na ang kilay, ang mata at ang boses nito kanina. "Boss! Ano nang gagawin natin sa babaeng 'yan?"

Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata ni Audrey nang dahan-dahang itinapat ni Nightamare sa noo niya ang baril na hawak nito. "Tama Boss! Iligpit na natin ang babaeng 'yan bago pa tayo mapahamak" pagsang-ayon ng isa.

Nanginginig na napatingin si Audrey sa baril na nakatutok ngayon sa kaniyang noo. Ang malamig na dulo ng bakal ng baril ay nakadikit na ngayon sa noo niya dahilan upang dumaloy ang kakaibang lamig at pamamanhid sa kaniyang buong katawan. Kasabay nito ay ang samu't-saring mga bagay na sumasabog na ngayon sa kaniyang isipan. Isang kalabit lang sa gatilyo ng baril ay siguradong tapos ang buhay niya.

"Sige na boss! Tapusin na natin 'to!" sabat pa ng dalawa, biglang rumindi ang tainga ni Audrey dahil parang wala lang sa kanila ang pumatay ng tao. Tinanggal ni Nightmare ang tape na nakabalot sa bibig ng dalaga.

"Any last word?" wika nito habang nakatutok pa rin ang baril sa noo ng dalaga. Sa pagkakataong iyon ay nagulat silang tatlo dahil bigla silang tiningnan ng matalim ni Audrey bagay na first time mangyari sa kanila dahil karamihan sa mga pinapatay nila ay halos humalik na sa lupa at magmakaawa na buhayin sila, ngunit iba ang dalagang ito.

"P*tcha! Kasalanan niyo kung bakit ako nandito tapos papatayin niyo ako?! Kasalanan ko ba na nagkamali kayo ng taong kinidnap! P*&@#^!!!" sigaw ni Audrey at pinaulanan sila ng mura dahilan upang mapaatras silang tatlo lalo na si Nightmare dahil hindi niya akalaing masusumpa sila ng ganoon ng babaeng tinulungan niya kagabi na maibalik ang kuwintas nito ngunit sa tingin niya ay hindi siya nito nakilala.


************************

Note: Paumanhin sa mga hindi kaaya-ayang salita sa istoryang ito. Nais ko lamang ibagay ang kwentong ito sa tema kung kaya't ngayon pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin sa mga hindi kaaya-ayang salita na inyong mababasa. Maraming Salamat!

And yes, dedicated ang istoryang ito kay Kim Taehyung ng BTS na aking ultimate crush way back 2014 noong sinimulan kong isulat ito at ngayon ay ipinapangako ko na tatapusin ko na siya after 4 years haha! Abangan ang susunod na Kabanata! Huwag kayo mag-alala ang genre nito ay Action-Comedy-Romance.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 50.3K 82
"A girl who's trying to be strong because she ended up CRYING ALONE ." [PUBLISHED]
118K 5.5K 11
Ito ay istorya ni Luna, ang magandang babaeng paborito ang salitang 'punyeta'. At ni Chance, ang pinakamalaking punyeta sa buhay niya.
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
20.3K 374 200
Masarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega a...