The Lady in Shining Armor: Mo...

By imbethqui

138K 3.5K 1.1K

Akala ko ligtas na ako nang lumipat ako sa Monte Carlo High School. Hindi pala. NOTE: Not a paranormal story... More

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo High
Author's note
Prologue
I. The New Kid
II. The Roommate
IV. The News
V. Suspecting Dawn
VI. Guilty Conscience
VII. Transformation
VIII. Let the Games Begin
IX. The Unexpected Hero
X. Challenged
XI. Escape part 1
XII. Escape part 2
XIII. Truth, Lies, Secrets and Weirdness
XIV. Let Me Give You A Heart Attack
XV. Cloudy
XVI. Switch Part 1
XVII. Switch Part 2
XVIII. Help
XIX. Problems
XX. Solutions
XXI. JS Prom Part 1
XXII. JS Prom Part 2
XXIII. JS Prom Part 3
A Note From Me To You
XXIV. Monday Mourning
XXV. A Helping Hand
XXVI. Missing Victims
XXVII. Lost and Found
XXVIII. Two Is Better Than One Part 1
XXIX. Two Is Better Than One Part 2
XXX. So Little Time
XXXI. Heart, Heart!
XXXII.The Smart Mouth and The Ice Queen
XXXIII. On The Move
XXXIV. Hesitations
XXXV. Fact or Bluff?
XXXVI. Campaign
XXXVII. Distance
XXXVIII. Miss Monte Carlo High 2015
XXXIX. One More Chance?
XL. The Tributes
XLI. Broken Hearts Part 1
XLII. Broken Hearts Part 2
XLIII. Surprise
XLIV. Espada
XLV. Level Up
XLVI. Last Dance
XLVII. Too Late
XLVIII. Divert
XLIX. The Sacrifice
L. Ice and Blood
Epilogue
What's Next?
Notice To All
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 1
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 2
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 3
The Lady in Shining Armor: Reed University
A Sad Note
not a sad note :)
Cast revamp

III. Black Day Friday

3.7K 101 19
By imbethqui

Media Box: Red Domingo

Music: Humanda ka by Sandwich! (OPM rock really rocks!) 


***Red's POV***

Themed-day Friday ngayon. Tradisyon na ito dito sa Monte Carlo na tuwing huling Biyernes ng buwan ay may tema kaming sinusunod. Pakulo ito ng Student Council para naman daw kahit papaano ay maiba ang gawain ng mga estudyante. At in fairness sa idea nila, maganda naman. Maraming estudyante ang nag-aabang sa araw na ito.

Ang tema ngayon ay Black Friday-- magsuot lang ng kahit anong itim. Simple lang ngayon, hindi namin alam kung paano iniisip ng SC ang magiging tema kada buwan. Minsan sobrang simple lang, gaya ngayon, pero minsan medyo mahirap, gaya noong Cosplay Friday dalawang buwan na ang nakalipas. Personally, gusto ko ang Themed-day Friday, in a way, may bagay na iba naman sa amin dito.


Palakad na ako papuntang Cafeteria para mag-almusal-- tatlumpong minuto bago ang first bell. Light meals lang ang kinukuha ko sa agahan, hindi ako sanay na maraming laman ang tiyan ko sa umaga. Mas gusto kong mas maraming laman ang utak ko, kaysa sa tiyan.

Malapit na ako sa fence na nag-hi-hiwalay sa Girls at Boys Dorms nang makita ko si Rachel Reyes-- ang dating Student Council President, kasabay ang bago kong kaklaseng si Dawn Dominguez. Magkakilala sila?

Nagkasabay kami sa gate at pinauna ko na sila. "Mauna na kayo, Miss Rachel." Ngumiti ako sa kanya at hindi pinansin ang kasama niya. Kung pwede lang silang paghiwalayin.

"Red? OMG, kamusta ka na?" Masaya siyang ngumiti sa akin. Ang ganda niya talaga.

Dumaan na kami sa gate at dumiretso ng lakad papunta sa Cafeteria.

"O-okay lang, Miss Rachel. Nakabalik na po pala kayo." Ano ba 'to, nauutal ako!

"Yup! Actually, kahapon pa." Binuksan ko ang pintuan ng Cafeteria at pumasok na kami papuntang counter. Tinanong niya kung ano'ng kakainin ng kasama at iyon na rin ang in-order niya. Paanong nangyari na magkakilala sila ng babaeng 'yon?


"Pancakes at hot choco po, please." Magalang kong sabi sa lalaki sa counter.

"Red, sumabay ka na sa amin. Dito tayo, oh." Magkatapat silang nakaupo sa mesa at nakatayo lang ako habang nag-iisip kung saan ako uupo. Umusog si Miss Rachel at inaya akong maupo sa tabi niya. Tinignan ko ng masama ang baguhang estudyante. Wala talagang manners.

"Salamat." Ang ganda naman ng simula ng araw ko!

"Oh, by the way, Red. This is Dawn, my roommate." Muntik ko nang mabitawan ang kutsilyong hawak ko sa sinabi niya. Roommate? Bakit ba itong babaeng ito laging nailalagay sa maling lugar? Nilagay sa maling section, tapos ngayon, sa maling dorm room. She doesn't deserve Section 3-1 and she definitely doesn't deserve to share a room with Miss Rachel. Hainaku!

"Uhm. Actually, Miss Rachel, kaklase ko siya." Hindi ito ang topic na inaasahan kong pag-uusapan namin. Pwede bang iba na lang, huwag lang itong baguhan na ito?

"Really? Wow, that's great! At least pala, may ka-section siyang matino. Unlike those bullies, Peter, Baste and their group!" Bumaling siya sa kasama. "By the way, Dawn, Red was the Sophomore Representative last year. I don't know why hindi na siya tumakbo sa Student Council this year?" Tumingin siya sa akin para sa sagot.

Kasi wala ka na sa Student Council. "E kasi... Mas gusto ko nang mag-focus pa sa studies ko. I'm aiming to be top of the class." Phew! Quick thinking, Red!


"Top of the Class? Wow, grabe yung goal mo, ha! Well, I wish you luck on that." Uminom siya ng juice at iniba ang usapan. "I was actually telling Dawn about the Themed-day Friday thingy that we have here in Monte Carlo."

"It was her idea." Hindi ko balak kausapin ang baguhan, pero gusto ko lang i-emphasize na maraming magagandang ideya si Miss Rachel noong SC President pa siya. Nakakalungkot lang kasi kailangan niyang matanggal sa posisyon na 'yon. If only that accident didn't happen...

"Naku, it was one of my crazy ideas then. Buti nga tinuloy pa rin nila kahit iba na ang nagpapatakbo ng SC."

"It only shows that you're ideas are worth keeping." Sabay kaming napatingin sa baguhan. Unang beses niyang magsalita simula pa kanina. At may punto ang sinabi niya, gusto ko 'yon. Tumunog na ang first bell.

"Wow. Ang bilis ng oras! Tara, punta na tayo sa Main Building. Alam kong itong si Red, hates lates." Tumawa siya ng mahina at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.


Magandang maganda ang pakiramdam ko nang pumasok ako sa klase. Breakfast with Rachel Reyes-- something worth marking on your calendar.

"Laway mo, tumutulo." Naputol ang pag-iisip ko nang may marinig akong bumulong sa tenga ko. Wala na talaga siyang ginawa kundi sirain ang araw ko. Lumingon ako at tinitigan siya.

"Excuse me?!" Ngumisi siya at sabay kibit-balikat. Nag-iwas siya ng tingin at dumungaw sa bintana. What an annoying girl! Tumunog na ang second bell at siya ring pagpasok sa classroom ni Mr. Fernandez.

***


Galing ako sa banyo at pabalik na sa klase nang mapansin ko si Dawn na dahan-dahang naglalakad at nakahawak sa pader para makakuha ng suporta. Hawak niya ang ulo niya, mukhang sumakit yata sa klase kanina sa English. Tsk! If I know, wala pa sa kalati ng IQ ko ang IQ niya, kaya hindi niya kinaya 'yong lesson kanina. Nilampasan ko siya at pumasok na sa loob ng klase.

Nakaupo naman siya sa pwesto niya bago tumunog ang bell. Pumasok na ang teacher at nag-check agad siya ng attendance.

"Dominador."

"Present!"

"Domingo."

"Present!' Pagsagot ko sabay taas ng kanang kamay.

"Dominguez."

"Dominguez?"


Lumingon ako at tumingin sa likuran ko. Alam ko nandito siya, eh. Nang makita ko siya, nakasandal siya sa upuan at nakapikit ang mga mata niya. Mukha siyang natutulog, pero napansin kong maputla siya at pawisan. May bote ng mineral water sa mesa niya katabi ang isang maliit na plastic bottle-- parang gamot.

"Are you okay, Miss Dominguez?" Dahan dahan niyang itinaas ang kamay niya at sumenyas ng 'okay' sa teacher namin.

"I think she's sick, Sir." Sabi ng isang kaklase namin.

"I'mokaaay." Sabi niya habang sarado pa rin ang mga mata niya. Sinubukan niyang umupo at idinilat ang mga mata niya. 

"You sure you're okay? Just tell me para maipadala kita agad sa Clinic." Tumango siya at nagpatuloy sa pag-check ng attendance ang teacher. 


"And to start our class today, let's have a  pop quiz!" Iba't-ibang reaksyon ang narinig sa klase. Karamihan sa kanila, ayaw ng pop quizz, pero hindi ako. Lagi akong handa sa mga ganitong sitwasyon. 

Wala nang nagawa ang klase nang magsimula na ang pagtatanong ni Sir. Ika-limang tanong pa lang ay nangangamote na ang ibang kaklase ko. 

Natapos na ang pop quiz at kasalukuyan nang chi-ni-check ni Sir ang aming mga papel. Kampante ako na ako ang pinakamataas sa pop quiz na ito. Who else will it be, right?

"And the highest scorer for the pop quiz, with a perfect score..." Alam ko na 'to, tatawagin na niya ako.

"Dominguez!" Tumahimik ang kwarto. Nawala ang ngiti sa mukha ko nang hindi ako ang natawag. At ang mas masama pa noon, siya ang nag-top sa pop quiz at perfect score pa! "Wala ba kayong mga kamay?" Pumalakpak kami at ibinalik na isa isa ang mga papel namin. I got 13/15. Damn it!

*** 


Palabas na ako ng Main Building pabalik sa dorm nang may humablot sa braso ko. Sa sobrang bilis, hindi ko nakita kung sino ang humatak sa akin. Naramdaman ko na lang na itinulak ako sa pader ng Main Building at may brasong nakadiin sa leeg ko. Nahulog ang salamin ko kaya hindi ko maaninag ang mukha ng tao sa harapan ko. 

"A-ano'ng kailangan mo sa akin?" Nahihirapan na akong huminga.

"Ano'ng kailangan? Alam mo kung ano'ng kailangan namin sa 'yo, Domingo!" At may biglang sumuntok na lang sa sikmura ko. Kilala ko na 'tong mga 'to. Ito 'yong mga Seniors na nagpapagawa sa akin ng finals report nila. 

"Nagbago na ba ang isip mo? Malapit na matapos ang taon, nauubos na ang oras namin." Sabi ng isa pang estudyante.

"H-hindi ko gagawin 'yon! Third year lang ako, ano'ng malay ko sa report niyo?" Isang suntok sa mukha naman ang natanggap ko. Nabitawan na ako ng lalaking nakasakal sa leeg ko kanina, pero napadapa na ako sa lupa dahil sa mga suntok na natanggap ko. Ito ang downside kapag hindi ka sporty na tao-- mahina ang resistance mo sa mga physical attacks. 

"Genius ka, di ba? Gawin mo na ang pinapagawa namin sa 'yo kung ayaw mong masaktan pa! Ibibigay naman namin sa 'yo lahat ng notes na kailangan mo, eh!" 

"Hin-di." At doon ko na naramdaman ang sunod sunod na suntok at sipa. Mamamatay na ba ako?


"Oy, kayo diyan." Tumigil ang mga Seniors sa pagbugbog sa akin nang makarinig sila ng isang boses ng babae. Isang pamilyar na boses.

"Ano'ng problema mo, Miss? Kung ako  sa'yo, aalis na lang ako at tatahimik sa kung ano'ng nakita mo dito, para hindi ka madamay."

Narinig ko ang mga yabag ng paa at huminto ito malapit sa akin. 

"Ang lalaki niyong tao, pinagtutulungan niyo ang isang lampayatot na tulad niya? Tsk! Nakakahiya kayo." Ano daw? Lampayatot?

"Miss, masyado ka naman yatang mapang-insulto magsalita. Hindi mo ba kami kilala?"

"Wala akong pakialam kung sino kayo o kung ano kayo sa eskwelahang ito. Ang problema ko, na-ingayan ako sa ginagawa niyo noong pababa ako dito, kaya ako tumingin. Hay naku! Kung alam ko lang na ito lang ang dadatnan ko, hindi na sana ako tumingin."

"Aba't sobra ka na, ha!" Narinig kong sumugod ang isang Senior papunta sa bagong dating at dumilim na lang ang aking paligid.


 ---edited 03.29.15

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
18.2K 672 38
Season 1 In the world of mafias, Tyler Tetsuo and Ace Villegas stand fierce as wolves, but not when it comes to Jenna Del Valle; they transform into...
36.6K 1.1K 39
Nabago ang mga pahina. Naging kumplikado ang bawat alaala. Ano nga ba ang nakatakda? Nakatakda na dapat hindi mabago ng anumang mahika. Book 2 of EA:...
306K 14.1K 44
At Royal International High School, where luxury and extravagance reign supreme, section 1-A is the envy of all. Comprised of 19 dashing, brilliant...