The Bad Boy's Love (Published...

By blue_maiden

88.2M 2.1M 751K

[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo... More

Prologue
Chapter 1: City of love
Chapter 2: Dream or love?
Chapter 3: J's Graduation
Chapter 5: Long time no see
Chapter 6: Papa Jeydon
Chapter 7: Inuman session
Chapter 8: Going back
Chapter 9: The party
Chapter 10: Hello wedding bells
Chapter 11: Under the moon
Chapter 12: Job hunting
Chapter 13: First Night
Chapter 14: If only
Chapter 15: For a change
Chapter 16: Bridal Shower
Chapter 17: Dark past
Chapter 18: One step closer
Chaptet 19: Stag Party
Chapter 20: Changes
Chapter 21: Hold on
Chapter 22: Day to Forever
Chapter 23: The Wedding
Chapter 24: Secret House
Chapter 25: Premonition
Chapter 26: Best Friends
Chapter 27: Sayang
Chapter 28: Hindi itinadhana
Chapter 29: Welcome
Chapter 30: Bye Jeydon
Chapter 31: Durian
Chapter 32: In laws
Chapter 33: Hongkong Part 1
Chapter 34: Hongkong Part 2
Chapter 35: My boo
Chapter 36: Come back home
Chapter 37: Welcome home
Chapter 38: Someone like you (Part 1)
Chapter 39: Someone like you (Part 2)
Chapter 40: He's coming
Chapter 41: Being a daddy
Chapter 42: The Player's wedding
Chapter 43: The Fighter's battle
Chapter 44: Rest in Peace.
Chapter 45: Goodbye and Hello
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note
TFBBAM BOX SET PRE-ORDER

Chapter 4: And she's back

1.8M 43.9K 12.1K
By blue_maiden

ALAM KONG DARATING 'yong araw na 'to, 'yong araw na babalik siya at maghihiganti sa 'min. Hinanda ko na 'yong sarili ko para dito at hindi ko hahayaan na masaktan pa niya kami lalong-lalo na si Candice.

"Going strong, huh?" Ngumiti siya nang napakalapad, parang nang-aasar pa siya. "Balita ko magpapakasal na kayo?" Paano niya nalaman 'yon? Hinigpitan ko lang 'yong hawak ko sa kamay ni Candice. "Congratulations."

"Kung ano man 'yang binabalak mong masama, itigil mo na kasi hindi ko na hahayaan na masaktan mo kami."

"Oh, really? Do you think I'm scared?" Unti-unti siyang lumapit sa 'min ni Candice. Unti-unti rin kaming umatras ni Candice palayo sa kaniya. Alam kong anytime puwede niya kaming saktan and even patayin. Ganoon siya kasama. "Sa tagal kong naghintay na makaganti sa inyo, sa lahat ng hirap na pinagdaanan ko para lang sa araw na 'to, tingin mo ba may takot pa akong nararamdaman ngayon?" Tumawa siya nang malakas at parang nababaliw na siya. Mali pala, baliw na pala talaga siya.

"Stella, tumigil ka na! Dalawang taon na ang lumipas kaya itigil mo na kung anuman 'yang binabalak mo!" sigaw ni Candice.

"Ikaw ang tumigil! Dahil sa 'yo namatay si Juan Paulo. Ang laki ng atraso n'yo sa 'king dalawa, kaya hindi ako papayag na mabuhay pa kayo pagkatapos nito." May binunot siya sa bulsa niya at nagulat kami nang nakita namin 'yong baril na hawak niya. Lahat ng tao sa paligid namin nagsigawan at nagtakbuhan. Naiwan kaming tatlo dito. "Mamatay kayong dalawa ngayon!"

"Diyan ka lang sa likod ko, Candice. Huwag mong gawin 'yong ginawa mo no'n dahil hindi ako papayag na mapahamak ka ulit," sabi ko. Hawak-hawak ko lang si Candice sa likod ko.

"Jeydon, hindi ko rin hahayaan na mapahamak ka," sabi Candice.

"Wow, ang sweet n'yo talaga. Huwag na kayong magtalo na dalawa dahil pareho naman kayong mamamatay eh." Tumawa na naman si Stella tapos tinutok niya sa 'kin 'yong baril niya. "Sinong gustong mauna, ha?"

"Jeydon!" sigaw ni Candice. Hindi ko binitawan 'yong pagkakahawak ko sa kaniya. Hindi na kami makakaalis ngayon dahil nakatutok na sa 'min 'yong baril niya. Kung may masasaktan man, ako na lang, 'wag na si Candice.

"Kapag nabaril na niya ako, tumakbo ka na agad, naiintindihan mo?" sabi ko.

"Baliw ka na ba? Hindi kita iiwan!" Nararamdaman ko 'yong pag-iyak ni Candice. "Dito lang ako sa tabi mo."

"Huwag ka na ngang pasaway diyan, baby girl. Just go, okay?" Hinigpitan lang niya 'yong paghawak sa kamay ko. "Pusa ako, hindi ako mamatay agad."

"Stupid cat," aniya. "That's a gun!"

"So what?" Ngumiti na lang ako pangpawala ng kaba dahil sa totoo lang kinakabahan ako. Kahit gaano ako katapang, natatakot pa rin naman ako lalo na't may nakatutok sa 'king baril ngayon. "Asan na ba kasi 'yong mga pulis?"

"Ano, nakapag-decide na ba kayo? Who'll go first, huh?" Sa itusra pa lang ni Stella, para na siyang nababaliw. "Okay ako na lang ang mag-dedecide, ikaw na lang muna, Jeydon!"

Tinutok niya nang maigi sa 'kin 'yong baril niya. Tanggap kong anytime mababaril niya ako. Nag-aalala lang ako para kay Candice. Sana hindi siya mapahamak.

"Humanda ka, Jeydon!" sigaw ni Stella. Paghawak niya sa gatilyo, napasigaw ulit si Candice at akala ko matataman niya ako pero hindi dahil may ibang sumalo ng bala para sa 'kin.

"Mom!" sigaw ni Jayshin. Kasabay ng sigaw niya 'yong pagdating ng mga pulis at ang pagbagsak ni Mom sa harap ko. Parang tumigil 'yong mundo ko.

"Mom!" sigaw ko tapos lumuhod ako para yakapin siya. May tama siya sa tiyan niya at puno ng dugo 'yong katawan niya. Kusa na lang tumulo 'yong mga luha ko at nanginginig na 'yong buong katawan ko. Hindi ko kaya na makitang ganito si Mom. Para akong nanghihina. "Huwag kang bibitiw, Mom, dadalhin ka namin sa ospital." Hinawakan lang niya 'yong mukha ko na mas lalong nagpaiyak sa 'kin.

"Jeydon, dalhin na natin si Mommy sa ospital," sabi ni Jayshin.

"Jeydon, ikaw na ang bahala sa pamilya natin." Pagkasabi no'n ni Mom, bigla na lang bumuhos 'yong mga luha ko, para na siyang nagpapaalam sa 'min.

"Mom, don't say that! Mabubuhay ka pa, you can't die." Binuhat ko kaagad si Mom tapos nagmadali akong dalhin siya sa kotse ko. Nag-volunteer si Ate sa pag-drive dahil nanginginig pa rin 'yong katawan ko.

Hindi ko mapapatawad 'yong sarili ko kapag may nangyaring masama kay Mommy. Hindi siya dapat nabaril kung hindi lang dahil sa 'kin. Hindi dapat siya 'yong nabaril, ako dapat 'yon.

Pagdating namin sa ospital, dinala ko agad si Mom sa emergency room. Naghintay lang kami nina Ate sa labas ng ER.

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa mangyayari.

Naramdaman ko na lang 'yong kamay ni Candice sa balikat ko. "Maging matatag ka, Jeydon. Nandito lang ako para sa 'yo. Kakayanin ni Tita Janice 'yon." Hindi ko na napigilan 'yong damdamin ko. Umiyak ako at niyakap ko si Candice.

Mahal ko si Mom at hindi ko kakayanin kapag nawala siya nang gano'n na lang.

"Tatawagan ko lang si Dad para ipaalam 'yong nangyari," pagpapaalam ni Ate Jaycee.

Tiningnan ko si Jayshin, nasa sulok lang siya tahimik na naghihintay. Nilapitan ko siya tapos hinawakan ko 'yong balikat niya.

"Sorry, bro." Nilingon niya ako at nagtataka siya. "Sorry kasi nang dahil sa 'kin napahamak si Mom."

"Hyung, kung ikaw 'yon alam kong gano'n din ang gagawin mo, sasaluhin mo rin 'yong bala na 'yon para kay Mommy. Don't be sorry, walang may gusto nito." Niyakap ko si Jayshin. Kahit ganito 'yong sitwasyon namin ngayon natutuwa ako kasi mature na siya mag-isip. "Kung anumang mangyari, ang gusto lang ni Mom mapabuti tayo kasi mahal na mahal niya tayo."

"Tama ka," sabi ko. "Mom loves us so much." Naalala ko tuloy lahat ng sakripisyo ni Mom para sa 'kin at sa pamilya namin. There is no better Mom than her.

Dalawang oras din kaming tahimik na naghintay sa labas ng emergency room. Yumuko ako at pinikit ko 'yong mga mata ko.

"Lord, alam ko hindi ako mabait na tao. Alam ko rin na hindi ako perperktong anak pero sana naman pakinggan mo 'yong hiling ko ngayon. Lord, sana iligtas n'yo po 'yong Mommy ko. She doesn't deserve this. Kung may dapat man mabaril ako 'yon, so please I'm begging you, make her live," dasal ko.

"Family of the patient?"

Tumayo agad ako at gano'n din sina Candice para lapitan 'yong doktor. Hindi ko gusto 'yong ekspresyon sa mukha niya, para bang may masamang balita akong maririnig.

"I'm her son, how is she?" Napuno ng katahimikan ang paligid na mas lalong nagpakaba sa 'kin. "Tell me, how is she?" Napasigaw na ako sa init ng ulo ko.

"She lost too much blood. She's in critical condition right now and we need type AB blood. But, unfortunately, we don't have that blood type here," sagot niya.

"I'm type AB. I'm going to give my blood," sabi ko.

"Good, the nurse will assist in getting your blood. Just wait here." Medyo nakahinga ako nang maluwag doon.

Hindi na 'ko nagdalawang-isip pa. Pumunta ako sa kuwarto kung saan nila kukunin 'yong dugo ko. Pagkatapos no'n, naghintay ulit kami sa labas ng emergency room. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Isang oras ulit kaming naghintay sa labas ng ER. Noong lumabas 'yong doktor, lumapit agad ako.

"She's stable now, but we still need to run some tests." Pare-pareho kaming nakahinga nang maluwag.

Dinala na si Mom sa room niya at sa itsura niya mukhang okay na siya.

Tumunog 'yong phone ko. Tumawag 'yong mga pulis sa 'kin. Hindi pa raw nila nahahanap si Stella pero sa tingin nila nasa N Seoul Tower pa rin siya. Hindi ko dapat hayaan na makatakas pa siya dahil alam kong babalikan niya ulit kami at ayoko ng may masaktan pa ulit sa mga taong mahal ko.

"Bantayan n'yo si Mom, may kailangan akong puntahan," paalam ko.

"Saan ka pupunta, Jeydon?" tanong ni Ate Jaycee. "Kakakuha pa lang ng dugo sa 'yo, mahina ka pa kaya dumito ka na lang."

"Noona, I'm okay. I need to go, just tell me when Mom's awake." Nagtinginan silang dalawa ni Jayshin, unsure kung papayagan ba nila akong umalis. "I'll be fine," I assured them.

"Mag-ingat ka, hyung."

Sinamahan ako ni Candice sa labas ng kwarto. Nakita ko sa mata niya 'yong pag-aalala. Hinawakan niya 'yong kamay ko at tumingin siya sa mga mata ko.

"Sabihin mong mali ako. Hindi ka naman babalik do'n para sundan si Stella hindi ba?" tanong niya.

Hinawakan ko 'yong mukha niya. "I'll be fine. Babalik pa ako rito. Papakasalan pa kita, 'di ba? Kailangan ko lang siyang mahuli, she needs to be in jail." Kitang-kita ko pa rin sa mata niya 'yong pagtutol niya sa gagawin ko. Hinila ko siya palapit sa 'kin at niyakap ko siya. "Promise, babalik ako. Babalikan kita."

"Mag-ingat ka. Hihintayin kita," sabi niya. Lumapit ako sa kaniya para halikan siya. Ngumiti rin ako bago ako umalis para kahit papaano mapanatag siya.

Nag-drive ako pabalik sa N Seoul Tower. Nag-text ako kay Jayshin at sa tatlo.

Hindi ko alam kung anong mangyayari pero ingatan n'yo si Candice. Huwag na 'wag n'yo siyang hahayaan na masaktan ni Stella. Kayo na sana ang bahala sa kaniya kung sakaling may mangyaring masama sa 'kin.

Pagdating ko doon, lumapit agad ako sa mga pulis.

"She's still here but we don't know her exact location," bungad sa 'kin ng mga pulis. "She's dangerous, so we advise that you stay away from this case."

Hindi ko sila pinakinggan. Ako mismo ang dapat makahuli sa kaniya. Tingin ko may diperensya na talaga sa pag-iisip niya kaya niya nagagawa lahat ng 'to.

Naglibot-libot ako sa N Seoul Tower. Halos malibot ko na 'yong buong lugar. Halos mawalan na ako ng pag-asa na makita siya, pero sa dulo ng bangin kung saan walang tao, nakita ko si Stella na nakatalikod sa 'kin. Hawak-hawak niya pa rin 'yong baril niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at sa paglapit ako, hinawakan ko agad 'yong kamay niya pagkatapos kinuha ko 'yong baril sa kamay niya.

"Makukulong ka na!" sabi ko tapos tinapon ko sa malayo 'yong baril niya.

"Hindi 'yon mangyayari!" May kinuha siya sa bulsa niya at isa 'yong kutsilyo. "Mamatay muna kayo ni Candice!" Muntik na niya akong masaksak sa dibdib pero nakailag ako kaya braso ko lang 'yong natamaan.

Napaluhod ako sa kirot ng saksak sa braso ko. Napahawak na lang ako do'n sa sakit. Tiningnan ko si Stella; tumakbo siya papunta sa baril niya. Kinuha niya 'yon tapos tinutok niya ulit 'yon sa 'kin.

"Tanga ka talaga, Jeydon. Ngayon mamamatay ka na. Huwag kang mag-alala kay Candice, susunod siya sa 'yo sa impyerno, dahil pagkatapos mo, isusunod ko na siya."

"Huwag na 'wag mo siyang sasaktan. Kung mamamatay ako ngayon, sisiguraduhin kong isasama kita," sabi ko.

Tumawa siya nang malakas at dahil do'n nawala 'yong atensyon niya sa akin nang panandalian kaya tumakbo ako papunta sa kaniya.

Hinawakan ko agad 'yong baril niya. Malakas din si Stella kaya nakaya niyang makipag-agawan ng baril sa 'kin. Sinipa niya ako sa maselan na parte ng katawan ko kaya napaluhod ako sa sakit.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, hindi ba? Hindi ka magtatagumpay at mamamatay ka na," aniya.

Hindi na ako makagalaw dahil sa sakit ng pagkakasipa niya sa 'kin at sa sakit ng saksak sa braso ko.

Tiningnan niya 'yong mata ko at sa tingin niyang 'yon, determinado talaga siyang patayin ako.

Hinawakan niya 'yong gatilyo ng baril niya tapos tinutok niya 'yon sa ulo ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ipikit 'yong mga mata ko dahil alam kong wala na akong magagawa. Katapusan ko na.

"Goodbye, Jeydon," sabi niya.

Patawarin mo ako Candice kung hindi ko na matutupad 'yong pangako ko. Sinubukan kong mabuhay, pero talagang katapusan ko na ata. Sana maging maayos ka lang, alam kong hindi ka papabayaan nila Jayshin at Marky. Mahal na mahal kita.

Maya-maya lang, narinig ko na 'yong pagputok ng baril niya...


Continue Reading

You'll Also Like

531K 16.1K 24
JULIAN ELIJAH HO(GSB-6)->Ang tinaguriang mangungutong ng magkakaibigan na GSB. Pero kahit na lagi niyang kinukutungan ang mga kaibigan niya ay lagi p...
67.3K 4K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
97.6M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
52.7K 3K 15
Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano...