Just Today

By CamsAnn

7.9K 266 79

I saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier." More

Note
Simula
Kabanata 1: Ngayon
Kabanata 2: Itim at Puti
Kabanata 3: Balang Araw
Kabanata 4: Maririnig
Kabanata 5: Noon Pa
Kabanata 6: Malapit
Kabanata 7: Kanta
Kabanata 8: Hiling
Kabanata 9: Kahinaan
Kabanata 10: Iiwan
Kabanata 11: Babalik
Kabanata 12: Huminto
Kabanata 13: Nakakahanga
Kabanata 14: Mapapasaya
Kabanata 15: Manliligaw
Kabanata 17: Sarili
Kabanata 18: Matapang
Kabanata 19: Kaibigan
Kabanata 20: Makikinig
Kabanata 21: Dumating Na
Kabanata 22: Tanong
Kabanata 23: Nagbabago
Kabanata 24: Litrato
Kabanata 25: Hustisya
Kabanata 26: Kahawig

Kabanata 16: Pananaw

184 8 1
By CamsAnn

Kabanata 16: Pananaw

Taylor Swift - Crazier

///

I almost thought it was just a dream... But then, sometimes, dreams can turn into reality, right?

     Nang araw na 'yon, inasar kami nang inasar ng mga kaibigang lalaki. Pero kalaunan, hinayaan nila kaming makapag-usap na dalawa. Nagkwentuhan kami saglit sa isang coffee shop sa mall. Pero umuwi rin agad para hindi gabihin nang sobra.

     Natapos ang Finals week. Akala ko madi-distract ako sa pag-aaral sa mga sumunod na subjects pero habang tumagal, ramdam kong mas na-inspire at mas nag-effort ako sa school.

'Sana nakakakain ka nang maayos kahit mag-isa ka sa inyo... Eat healthy foods...'

     Hindi gaya noong high school pa, hindi na gano'n karami 'yung usapan namin. Pero naa-appreciate ko na kahit hindi gano'n kadalas, laging may concern sa mga sinasabi niya.

Nag-reply ako. 'Oo. Minsan bumibili lang ako ng pagkain, pero nakakapagluto rin. Tinuruan ako ni Lola ng mga may sabaw saka gulay.'

'That's good. Dalan kita ng prutas minsan. Kapag nadaan ako sa inyo?'

''Wag na. Bumibili naman ako minsan. Gagastos ka pa.'

'Galing lang sa 'min sana, marami naman kaya ayos lang. Nang huminto kasi si Papa sa trabaho dati, nag-focus siya sa pagtatanim ng mga gulay at prutas sa lupain namin dito... Payag naman si Papa...'

     Naalala ko tuloy 'yung naging phone conversation namin noong matagal bago siya nagparamdam dati. Sa tanda ko, nag-away sila ng Papa niya noon. Sinigawan siya, pinagalitan na mukhang related sa mga kaibigan ni Chase.

'Ayos na kayo ng Papa mo? Kumusta ang pamilya mo?' tanong ko.

     Bigla namang nag-ring 'yung phone ko. Tumatawag siya.

     "Hey..." bati ko.

     "Ayos na kami... Hindi naging madali, lalo na nung namatay si Mama. Hindi agad-agad, pero isang araw nagbago na lang. Nagkaintindihan kami ni Papa. Pinagpatuloy niya 'yung hilig ni Mama sa pagtatanim. Naging business na rin kalaunan."

     Napangiti ako. "Gano'n siguro talaga 'no? 'Pag hindi ka nawalan ng pag-asa sa kabila ng lahat, may magbabago..."

     Sa paglipas ng mga araw, simple lang naman 'yung mga ginagawa niya pero masaya ko sa mga maliliit na bagay na napapansin at naaalala niya tungkol sa 'kin.

     Dinalan niya 'ko minsan ng iba't ibang prutas. At nakapagkwentuhan kami sa labas ng gate, sa mahabang upuang kahoy ro'n.

     He asked about my favorite songs, bands and such. Nagkwento naman siya ng mga kantang nahihirapan siyang kantahin dahil hindi raw akma sa boses niya, pati mga engineering subjects na hirap siya. He shared his weaknesses, not only his strengths.

     Umalis din siya agad at alam niyang kailangan ko pang mag-focus sa review para sa paparating pang bagong tests.

***

Sa sumunod na linggo, nagsimula ang qualifying exam. Tatlong araw 'yon at do'n nakasalalay kung mag-i-stay pa kami sa kursong 'yon. Bukod pa sa maintaing grade.

     "Crisel, pa'no nga ulit 'to. Putek nakalimutan ko na," sabi ni Fernando at ipinakita sa 'kin ang isang problem sa book.

     Binasa ko muna at inalala 'yung lesson saka ko itinuro kung pa'no.

     Ilang sandali, nakaupo na kami sa kanya-kanyang designated na upuan. Naghihintay na lang kami ng pagdating ng proctor na magbabantay sa pag-e-exam namin.

     Tinignan ko si Jun na nasa bandang unahan. Wala na siyang hawak na libro. Hindi ko alam kung saan siya nakatingin pero nakatulala siguro.

     Si Era naman, nagse-cellphone.

     Nasa bandang likod naman sina Edward at Fernando. Ang una, nakadukdok at mukhang natutulog pero nag-iisip lang siguro 'yon nang malalim. Ang isa naman, nagbabasa pa ng libro gaya ng iba naming kaklase.

     Tumingin na 'ko sa harap at mula sa loob ng blouse ko, inilabas ko 'yung kwintas na nakatago.

     Huminga ako nang malalim.

     'Pa. Kaya ko 'to. Idol na idol mo 'ko 'di ba?'

     Wala namang madaling kurso. Pero kung gusto mo o natutunan mo nang magustuhan 'yung napili mo, at kung nagsisikap ka, kakayanin mo.

     Nagsimula na 'yung exam at gaya ng dati, mahirap pa rin. Kaya naman sinusulit ko 'yung oras sa pagsasagot. Madalas, bawat letra o sagot na pagpipilian, pwede mong ma-compute, pwedeng mapalabas. Kaya nakakalito.

     Sa huling araw ng qualifying exam, maaga kaming dumating nina Jun at Era habang sabay naman sila Edward at Fernando.

     "Laban pare," dinig kong sabi ni Jun kay Fernando na mukhang problemado.

     "Muntik na kayo ma-late a," sabi ko naman nang naupo sila 'di kalayuan sa likod ko.

     "Dumaan sa chapel," mahinang sabi ni Edward at nginuso ang katabi.

     Napangiti naman ako. "E ikaw?"

     "Sumama na rin ako," sagot niya.

     "Umiyak 'yan," hirit naman ni Fernando at tinutukoy ang katabi.

     "Gago ka ba. Ikaw 'yon."

     "Ingay," saway ni Era na katabi ko. May space sa pagitan namin para hiwahiwalay pa rin.

     "Tama na, kagagaling niyo lang sa chapel," sabi ko naman sa dalawa.

     Pagkatapos ng natitirang mahihirap na exam, nag-stay muna kami sa garden ng university, tumambay. Hindi kami nag-iingay o ano. Tahimik lang. Nagpahinga mula sa pagod sa mga nagdaang araw.

     Ilang sandali lang, nagkayayaan nang umuwi. "Tara na, gusto ko nang matulog," sabi ni Era.

     "Inom. Tara Jun, Fernando," aya naman ni Edward.

     "Pass pare," tanggi ni Jun.

     "Wow Jun, anyare? Joke ba 'yan?" biglang tanong ni Fernando, hindi makapaniwala.

     Jun smirked. "Healthy living muna."

     "Nice Juno," sabi ko at tinapik ang kaibigan.

     "O siya mabuti 'yan, uwi na tayo." Si Era.

     Pagkalabas namin ng gate, nagulat pa 'ko nang makita 'yung motor ni Chase sa malapit. Nakita ko naman siya agad. Nandoon siya sa isang tindahan ng mga merienda, nakaupo, mukhang nakikipagkwentuhan sa lalaking tindero.

     Nagkumustahan sila nina Jun pero umuwi rin agad ang mga kaibigan ko at talagang gusto nang magpahinga. Lumapit ako at umupo sa kaharap niyang pwesto.

     "Siya na ba 'yung hinihintay mo?" masayang tanong ng may katandaan ng tindero.

     Tumango lang si Chase at ngumiti.

     Bumili kami ng merienda at kumain saglit. Pinilit kong bayaran 'yung binili ko kahit gusto niyang siya. Pumayag naman siya pero nakita ko na lang na bumili pa siya ng ilang pagkain na ipinabaon naman niya sa 'kin pauwi. Napailing na lang ako at natawa.

     Hinatid niya 'ko pauwi gamit 'yung motor niya.

     "Tuwing kailan umuuwi ang pamilya mo?" tanong niya.

     "Bakit?" kunot-noo ko namang tanong.

     "Magpapakilala," simpleng sagot niya. "Okay lang ba sa 'yo?"

     Umihip ang malakas na hangin. Ilang sandali pa bago mag-sink in 'yung sinabi niya. "Mukhang matatagalan ang uwi nila. Busy si Mama sa trabaho. Si Ate naghahanda para sa kasal niya. Si Kuya naman mapo-promote kaya ang daming inaasikaso. Pero si Lola... Pwede natin siyang puntahan."

     Umupo ako sa wooden chair at gano'n din ang ginawa niya. Tila nag-iisip siya. "Ayos lang sa 'kin lumuwas para makilala na 'ko ng Mama mo pero okay lang din maghintay kung kailan uuwi. Pwede rin tayong bumisita sa Lola mo," seryoso niyang sabi.

     Tinitigan ko siya at hindi ko napigilang tumawa.

     "Don't worry. Sasabihan ko sila na may ipakikilala akong manliligaw. Para sabay-sabay na sila," sabi ko.

     Napahawak naman siya sa batok. "Okay," sagot niya. Napangiti ako. Kanina ako 'yung kinabahan sa sinabi niya pero ngayon siya 'yung mukhang hindi mapakali.

     "Kinakabahan ka ba?" tanong ko.

     Ngumiti siya. "Medyo. Pero gusto ko pa rin silang makilala. Lalo pa at dumadalas 'yung pagbisita ko sa 'yo, kahit nasa labas lang ako, gusto ko pa ring malaman nila na maayos 'yung intensyon ko."

     Napatango ako nang kusa. Napatingin ako sa nagdadaang mga sasakyan. Gano'n din siya. Kumpara noong buhay pa si Papa, mas marami na ngayong mga sasakyan na makikita sa lugar na 'to. Ang dami nang nagbago.

     Napatingin ulit ako sa kanya. Kitang-kita ko kung paano gumalaw 'yung may kahabaan na niyang buhok kasabay ng ihip ng hangin. Ang simple lang niya, pero habang tinititigan, habang tumatagal, mas lalo siyang nakakahanga. Sa pisikal at sa bawat galaw niya.

     May naramdaman akong kirot sa puso ko. Hindi ako makapaniwala... na nandito siya, na naging malapit kami sa isa't isa.

     Bigla siyang lumingon sa 'kin. Pero ako naman ang umiwas ng tingin.

     Nag-isip ako ng mapag-uusapan. "Ano'ng pinagkukwentuhan niyo ng tindero kanina?" tanong ko.

     "Hmm... 'Yung babaeng mahal niya. Naalala niya raw dati, hinihintay niya madalas 'pag uwian para maihatid."

     Tumango ako. "Kumusta naman, naging mag-asawa sila?"

     "Oo... Kaso maagang namatay 'yung asawa niya."

     "What?" That's... sad.

     "Kaya dapat 'wag na tayong magsayang ng oras..."

     Gulat naman akong napatingin sa kanya at natawa. "So ano'ng gusto mo, magpakasal na tayo?"

     Ilang segundo rin bago ko na-realize kung ano 'yung nasabi ko.

     Humalakhak naman siya. Sobrang saya niya. Nahiya ako bigla, napalayo ng tingin.

     "Ang ibig kong sabihin, sana sagutin mo na 'ko. Pero..." Tumigil na siya sa pagtawa. "Naiisip ko rin ang kasal, balang araw."

     Hindi na 'ko makatingin sa kanya.

     "Umuwi ka na..." sabi ko at tumayo na. Naglakad na 'ko papasok sa gate.

     "Hey, hindi kita pine-pressure a. Sorry..."

     Napalingon naman ako sa kanya at napangisi na. "Hindi naman ako pressured, nahiya lang ako sa mga pinagsasabi ko," sabi ko at bahagyang natawa sa pag-amin.

     Napahinga naman siya nang malalim. "Alright. Alis na 'ko. 'Wag mong kalimutan i-lock 'yung mga pinto. Mag-ingat ka lagi, please..."

     Tumango ako. Ramdam kong may nagbago na sa 'kin. Gusto ko siyang sundin, kahit na napaka-independent kong tao.

***

Sa mga sumunod na araw halos wala na munang pasok dahil tapos na ang semester. Nag-aayos lang ng clearance at naghihintay ng resulta.

     Sa umagang 'to, nagdilig ako ng mga halaman saka naglinis ng bakuran. Naglaba rin ako. Naipon kasi 'yung maduduming damit, lalo na at puro aral ang ginawa sa mga nagdaang araw.

     Nang matapos, nagsaing ako at bumili na lang muna ng lutong ulam sa malapit na karinderya. Sa may garden ako kumain at sinubukan din 'yung mga dalang prutas ni Chase.

     Nagpahinga ako sa kwarto pagkatapos. Pero ilang sandali, napatingin ako sa may bintana.

     Unti-unti akong lumapit do'n saka hinawi 'yung kurtina. Mas pumasok 'yung sinag ng araw pero mahangin pa rin naman, marami kasing puno sa malapit. Binuksan ko naman 'yung bintana at lalong naramdaman sa balat 'yung mataas na sikat ng araw.

     Hinayaan ko 'yong nakabukas... taliwas sa karaniwan na nakasara.

     It's a nice day to draw.

     Nagpatugtog ako mula sa cellphone ko at saka inilabas 'yung makapal kong sketchpad na luma na. Nakatago lang nang matagal sa may ilalim ng study table.

     Naka-shuffle lang ang playlist ko at tumugtog 'yung kanta ni Taylor Swift.

You lift my feet off the ground you spin me around

You make me crazier crazier

Feels like I'm falling and I'm lost in your eyes

     Halos hindi ako makapaniwala na ako 'yung gumawa ng mga drawing nang binuklat ko 'yon. Ang tagal ko na talagang tumigil. Inalala ko 'yung mga panahon na ginawa ko 'yung mga 'yon. I created these. I can't help but to be proud of myself. Nakita ko kung paano unti-unti akong nag-improve sa pagguhit. Priceless.

     Sa mga lalagyan ko ng libro, may kinuha akong isa na paborito ko at mula do'n, hinanap ko 'yung itinago kong litrato.

     Black and white na picture... na noon ko pa nalagyan ng grid lines.

     Umupo ako at humarap sa study table. Sa sketchpad, naglagay din ako ng grid lines at nagsimulang mag-sketch. Buhay na buhay 'yung puso ko.

***

"Hay I love sem break! Kapagod 'yung sem na natapos," bungad ni Elaine pagkarating sa coffee shop kung saan namin naisip magkita-kita.

     Maganda ang ambiance ng lugar. More of brown and white 'yung mga kulay at hindi sobrang liwanag ng mga ilaw, tama lang. Apatan ang upuan namin.

     Ngayon lang nakapagkita-kita ulit dahil sobra rin silang naging busy sa school.

     "Ngayong nag-aaral pa lang ang hirap na, lalo na siguro 'pag nagtrabaho na 'no?" nasabi ko. Hindi man siguro maia-apply lahat ng natutunan sa school, pero mas mahirap siguro dahil sa responsibilities at accountability sa trabaho.

     Umupo na siya sa katabi kong upuan. "Oo siguro nga. Malapit na tayong magtrabaho grabe. Dati, nung high school, puro kalokohan lang. Ngayon gusto ko na lang matulog ng sapat na oras. Kung makakapag-time travel ako, sasabihan ko 'yung high school self ko na matulog nang matulog, 'wag na magpuyat. 'Wag masyadong mag-focus sa love life." Halatang stressed siya.

     "Kumusta ba kayo ng long time boyfriend mo?" tanong ko.

     Huminga siya nang malalim. "Nag-break na kami. Ewan. Nagkasawaan? Tagal din namin. Pero baka hindi lang talaga kami tinadhana. Ang corny," sabi niya.

     Tadhana... Sino nga kaya talaga ang gumagawa ng kapalaran, 'yung tadhana o 'yung mga desisyon ng tao? Depende. Pwedeng pareho, pero siguro, mas nakasalalay sa pinipiling choices ng tao.

     Um-order na kami ng makakain kahit wala pa si Jackson.

     "Nga pala. 'Yung ex mo 'di ba may banda? Mukhang nagkakalabuan sila ng mga kasama niya," pagkukwento niya pa.

     Sa mas malayong university nag-aaral si Elaine at schoolmate niya si Adrian.

     "Bakit?" tanong ko, concern. Naging kaibigan din kasi namin 'yung mga member ng banda na 'yon.

     "Na-issue kasi sila. Nag-away-away sa loob ng campus. 'Di ko alam 'yung ibang detalye."

     May nabuo namang tanong sa isip ko. Dating magkaibigan sina Chase at Adrian. May mas naunang banda si Chase pero kumalas siya kasi naramdaman niyang napalayo sa kanya 'yung mga miyembro.

     "Si Adrian ba 'yung original vocalist ng banda nila o may pinalitan siya?" tanong ko.

     Nag-isip din si Elaine. "Hindi ko sigurado..."

     "Ang kuya ko 'yung original na vocalist nila... Si kuya 'yung bumuo ng banda na 'yon, pero dahil siniraan siya, umalis siya."

     Napalingon kami sa biglang nagsalita at nakita ang isang magandang babae. 'Yung nililigawan ni Jackson... at kapatid ni Chase.

     "Kumusta mga kaibigan," bati ni Jack. "Eto na siya, si Shena."

     Nag-greet kami sa isa't isa at naupo na sila sa tapat namin. Kaharap ko si Shena.

     "Congrats Jack. Naging maganda na ang choice mo sa babae," mahinang sabi ni Elaine. Naalala ko tuloy 'yung kwento niya dati, kung ga'no kabaliw si Jackson kay Georgina na bully at laging naga-guidance noon. Pero iba na ngayon.

     "Itatapon ko siya sa dagat 'pag ipinagpalit niya 'ko hindi ko pa man din siya sinasagot," seryosong sabi ni Shena.

     Natawa naman kami ni Elaine. Napangisi naman si Jackson at halatang masaya. A girl with that admiration and confidence is good for him. "That's your girl Jackson. Proud ako sa 'yo. Pero pa'no pala kayo nagkakilala?" pag-uusisa ko.

     "Same university kami Ate. Medyo layo nga lang na building kasi Grade 11 ako. Pero dalawang taon lang talaga ang pagitan namin. Naabutan lang talaga 'ko ng K-12."

     "Edi bantay sarado ka ni Chase niyan Jack. Do'n din siya nag-aaral 'di ba?" tanong ni Elaine.

     Tumango si Jackson. "Oo. Pero ayos lang. Nirerespeto ko si Shena, alam kong bata pa siya. Buti nga hinayaan ako ng Papa nila na manligaw na."

     "Naging maluwag na kasi si Papa sa 'min mula nang naka-recover na siya sa pagkamatay ni Mama. Saka nakilala ka niya nang lubos. Ang gusto lang naman niya, 'yung mga taong good influence para sa 'min ni Kuya."

     Ngumiti ako. "That's nice..."

     Bigla naman niyang hinawakan 'yung kamay ko. "Ang nene ko pa Ate nung unang nagkita tayo... high school days, kaya siguro hindi mo agad ako nakilala noong birthday ni Jack. Ako 'yung batang humanap sa 'yo noon sa school mo gamit 'yung picture mo. At naisip kong Prinsesa ang name mo kasi 'yun 'yung nakalagay sa phone ni Kuya."

     "Wow. Teka what is this? Si Chase?" gulat na tanong ni Elaine.

     "Ako na magsasabi sa 'yo. Ilang beses nang naikwento sa 'kin ni Shena," singit ni Jackson.

     That cute little girl back then, I still remember. So it was her.

     Hinawakan ko rin 'yung kamay ni Shena. "Dalagang-dalaga ka na ngayon. Ang tagal na rin... Pero naaalala ko 'yon," sabi ko.

     Memories suddenly came back... The past full of mistakes, regrets and immaturity. Yung mga panahon na sobra 'kong natuto at nagbago.

     Biglang nag-ring 'yung cellphone ko. May text galing kay Juno.

     'Mga mahal kong nilalang, may resulta na 'yung exam natin.'

     Napatitig ako sa message na 'yon at nag-sink in sa 'kin na ibang-iba na 'yung mga pananaw ko sa buhay. 'Yung mga pinoproblema ko dati, sobrang layo na sa mga inaalala ko ngayon. Growing up, I guess... But I learned a lot from those times.

///

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...