He Doesn't Share

بواسطة JFstories

21.7M 705K 179K

Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. Howev... المزيد

Prologue
Alamid Wolfgang
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
THE LAST CHAPTER
EPILOGUE
AKI

Chapter 36

373K 13.7K 5.6K
بواسطة JFstories

Chapter 36

"ARE YOU OKAY NOW?"

How can I be okay?

Ang daming nangyari sa isang iglap. Ang simpleng buhay ko, biglang nagulo noong magmahal ako at mabaliw ng dahil sa pag-ibig na 'yan.       

Niyakap ako ni Abraham at hinalikan ang aking noo. "You'll be fine. Everything will be okay soon."

Talaga? Bakit parang hindi?

Bakit parang napakadali sa mga tao na magpayo at magsabi na magiging okay rin ang lahat gayong hindi naman sila ang nakakaranas ng sakit at pait?

"You'll forget about him, too," aniya. "Eventually..."  

Umalis na si Alamid at kaming dalawa na lang ni Abraham. Ilang minuto rin bago niya ako tinanong. Hinayaan niya muna akong tahimik na umiyak. Si Abraham na ang nagpahid ng mga luha ko.   

Noong tahimik na tumalikod at umalis si Alamid ay parang mas lalong lumala ang lahat. Ang puso kong nabasag sa pagkawala ni Aki ay parang nadurog kanina ng talikuran niya ako.

I was expecting more from him. Dahil kilala ko siya. Alam ko na hindi niya ako basta iiwan kay Abraham. Nakakagulat lang dahil mabilis niyang tinanggap ang lahat. Tahimik niya akong tinalikuran na para bang isinuko niya na sa isang iglap kanina ang lahat ng ipinaglalaban niya. Gago talaga. 

Ang gago-gago!

Ang gago naming dalawa. Ako naman, pinaalis ko siya pero nasasaktan ako ngayon.

Nagagalit ako sa sarili ko dahil napakarupok ko. Napakagaga ko. Bakit ako umiiyak na umalis na iyong taong dahilan kaya ako umiiyak?   

Ginusto ko naman na umalis na si Alamid, pero heto at pakiramdam ko ay namatayan ako sa pangalawang pagkakataon. Naguguluhan na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ang gusto ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat na gawin ko. Baliw na rin ako simula pa noong una.

"Ingrid, I know masyado pang maaga for this." Tumikhim si Abraham. "But I am thinking na mas makakabuti siguro if sa akin ka na titira."

Napaangat ang tingin ko kay Abraham. 

"We're married now. You're now my wife in law and in God's eyes."

Napalunok ako. Hindi pa pala namin napag-uusapan ang tungkol sa set up naming dalawa. Pero hindi ba malinaw kay Abraham na iba ang sitwasyon namin kaysa sa ibang mag-asawa?

"Tama lang na sa akin ka na tumira. And besides, mas makakabuti siguro na sa akin ka na talaga mag-stay para hindi ka na magulo ng lalaking iyon."

"Abraham, hindi ko pwedeng iwan itong apartment," mariin kong wika. Iniisip ko palang na aalis ako dito ay para na akong mamamatay.

"I know na mahirap dahil ang mga memories niyo ni Aki ay naririto. Pero sooner or later, kailangan mo na ring magmove on para makalaya na kayo pareho. Hindi rin matatahimik si Kulet kapag araw-araw kang nagmumukmok dito."

Umiling ako. "H-hindi pa ako handa."

"Gusto ko na rin kasi sanang sabihin sa parents ko na kasal na tayong dalawa. Pero sige, ikaw ang bahala. Ikaw ang masusunod." Ngumiti siya. "I can wait for you, Ingrid."

"Sorry, Abraham. Gusto ko na sana munang mapag-isa." Ang dami kong pinagdaanan at kahit masakit ang kinahinatnan ko, hindi ko pa rin kayang talikuran at kalimutan ang lahat.

Tumango siya bagamat may dissappointment ang mga mata niya.

"Mag-usap tayo sa ibang araw, Abraham. Give me more time to think..."

"All right." Hinalikan niya muli ang noo ko. "'You take care here."

"Oo..."

"Kapag kailangan mo ako, I'm just a call away, okay? Kapag ginulo ka ulit ng lalaking iyon, tawagan mo lang ako at dadating agad ako. Basta kahit ano man ang maging problema mo rito, 'wag kang mahihiyang magsabi sa akin at—"

Pinisil ko ang kamay niya. "Salamat."

Ngumiti muli siya. "You're always welcome, Ingrid."

"Kaya ko na ang sarili ko, Abraham."

Tumayo na siya ngunit ang kamay ko ay hawak niya pa rin. Parang ayaw niya pang bumitaw at panay ang sulyap niya sa akin. Ayaw niya pa akong iwan dahil nag-aalala siya. Pero ayaw ko nang masyado pa siyang abalahin.

"Sige na, Abraham," taboy ko sa kanya.

Muli niya pa akong niyakap at hinalikan sa noo bago siya tuluyang magpaalam. Nang wala na siya ay balik na naman ako sa dati. Nabibingi na naman ako sa sobrang katahimikan at nalulunod na naman sa labis na kalungkutan.

Dagdag pa na ginugulo ni Alamid ang sistema ko. Bakit ba kasi kailangan niya pang magpakita ulit? Talaga bang dumarating siya sa mga panahong nagiging okay na ako? Ayaw niya siguro na maging masaya ako. Mapait akong napangiti.

He can never love me right.

Papasok na ako sa bahay ng makita ko si Ate Helen na nakatayo sa pinto nila at matamang nakatingin sa akin. "Ingrid, alam kong naguguluhan at nasasaktan ka pa."

"Ate..."

"Pero sana," malungkot siyang umiling sa akin. "Wag mong hayaang itulak ka ng kalungkutan sa taong hindi mo naman mahal." 

...

Ten days. Ten freaking ten days.

Habang tulala ako, ang dami na palang nangyari kay Alamid. He got hospitalized for seven days. The first hospitalization was because of a car accident, and the second one was drug overdosed.

Namuti na siguro ang lahat ng buhok sa katawan ni Acid dahil sa konsumisyon sa kaibigan.

Ang sabi ni Ate Helen noong isang araw ay nakabalik na sa condo niya si Alamid. And he's okay now. May kumakausap na naman sa kanyang bagong psychiatrist. 

At hindi na siya muling nagparamdam sa akin.

...  

"PWEDE BANG MAKIRAMAY?"

Walang lakas na tumingala ako. Pumasok na nang kusa ang matandang babae sa pinto. Nasa harapan ko na siya ngunit hindi ko pa rin magawang magsalita. Pinagmamasdan ko lamang siya. May bitbit siyang basket na puno ng ibat-ibang prutas at may malungkot siyang ngiti sa kanyang mga labi.

"Pasensiya ka na, hija, dahil ngayon lang ako." Naupo siya sa katapat kong silya. "Hindi ko na tatanungin kung kumusta ka." Inilibot niya ang paningin sa paligid, at bakas sa mga mata niya ang lungkot dahil sa kaguluhang kanyang nakikita.

Huminto ang mga mata ni Manang Tess sa urn na nakalagay sa aparador. Sa palibot ng urn ay may maliliit na laruan na paborito ni Aki.

"Ingrid..." Kinuha niya ang mga palad ko at marahang pinisil.

Bigla na lamang humagulhol si Manang Tess. Hinayaan ko siyang umiyak ng ilang minuto. Nang matapos siya ay niyakap niya ako nang mahigpit.

"Patawarin mo ako kasi wala akong nagawa..."

Hinagod ko ang likuran ng matanda. "Ako ho ang patawarin niyo dahil hindi ako nakinig sa inyo..."

Kumalas siya at tinitigan ako. "Hindi ito kasalanan ni Alamid."

Napamata ako sa kanya.

"Hindi naman niya ito kasalanan. Hindi niya ito ginusto, alam ko." Pumatak ang mga luha niya. "Katulad noon, biktima lang siya ng sitwasyon. Biktima na naman siya ng sobrang pagmamahal. At napakawalang kwenta ko dahil kinapos ako ng pagtitiwala sa kanya. Akala ko kasi hindi niya kayong alagaan. Akala ko kasi hindi niya kayo kayang panagutan."

Naguguluhan akong tumingin sa naghihinagpis na mukha ng matanda.

"Bakit ganito?" himutok niya. "Bakit hindi hinahayaan ng langit na lumigaya ang alaga ko?"

"Manang Tess..."

Pinisil ni Manang Tess ang mga kamay ko na hawak-hawak niya. "Alam ko na malaki ang pagbabayarang kapalit ni Alamid dahil sa nagawa niya sa anak niyo. Hindi na matapos-tapos ang pagbabayad niya. Hindi na... walang awa ang langit sa alaga ko..."

"Manang, si Benilde po ang dahilan kaya binaril ni Alamid si Aki. He was zoned out that night, he was under under hypnosis."

"Alam ko." Bumangis ang mata ng matanda. "At ito ang kinatatakutan ko... ito ang kinatatakutan ko, Ingrid, kaya pinapalayo ko kayo. Dahil kahit gaano kayo kamahal ni Alamid ay may mga kahinaan siya na hindi niya kayang takasan."

"K-kapalit ko ho, isinakripisyo niya ang anak namin." Pumiyok ako. "Sinamantala ni Benilde ang kalagayan ni Alamid. Naging mahina ho siya... at naging kapalit non si Aki..." At dahil don, sirang-sira na kami.

At mahirap nang ayusin ang mga bagay na nasira na.

"Dahil mahal ka niya." Suminok siya. 

Pero hindi niya ako kayang mahalin nang tama.

"Mahal ka niya, Ingrid. Tutol ako noong una, dahil alam kong masasaktan lang kayong dalawa. Patawarin niyo ako kung kinulang ako sa tiwala."

"Manang, sabihin niyo sa akin, ano ang puno't dulo kung bakit nagkaganito siya?"

"Mula ng mawala ang mga magulang niya, nawalan na ng saysay ang buhay niya. Pero dahil sa 'yo, nagka-direksyon muli ang mga plano ni Alamid. Dahil sa 'yo, unti-unti siyang nagbago."

"Nawala ang mga magulang niya? Pero ang sabi niyo ho ay nasa ibang bansa ang mga ito?" naguguluhang tanong ko. Natatandaan ko na nasabi niya sa akin noon na nasa ibang bansa ang pamilya ni Alamid.

Umiling ang matanda. "Patay na ang mga magulang niya."

Natigagal ako.

"Ayaw niya itong pinag-uusapan. At mas lalong ayaw niya itong malaman mo."

Pero gusto kong malaman. Mula pa noon ay gusto ko ng matapos ang misteryo ni Alamid sa akin. Dati ko pa siyang gustong makilala nang buo.

"Hija, pinatay ang mga magulang niya noong disi-siete anyos pa lamang siya. Wala siyang nagawa dahil itinali siya ng mga masasamang tao na nanloob sa mansiyon nila, at mas lalong wala siyang nagawa ng halayin ng mga taong iyon ang nag-iisa niyang kapatid na dalagita sa mismong harapan niya."

Napahumindig ako. "S-si Aletta ba ang kapatid niya?"

Tumango si Manang Tess. "Sila lang ng kapatid niyang si Aletta ang naiwang buhay matapos ang panloloob. Pero halos lantang gulay na si Aletta matapos ang insidenteng iyon. Tulala na ito at palaging nagtatangkang magpakamatay. Ilang beses na silang sumailalim sa mga magagaling psychiatrists, pero walang nangyayari. Mas lumalala ang kalagayan ni Aletta."

Kumabog nang husto ang dibdib ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. "K-kaya tinapos ni Alamid ang paghihirap ng kapatid niya? Kaya niya ito binaril dahil... dahil g-gusto niya ng palayain ang k-kapatid niya?"

Lumuluhang tumango ang matanda. "Si Aletta ang may gusto na tapusin na ang paghihirap niya."

Kumuyom ang mga palad ko. Hindi ko magawang isipin ang sitwasyong kinalagyan ni Alamid noon. Kahit sino ay mawawasak kung mapagdadaanan ang napagdaanan niya. "Sinong walang kaluluwa ang responsable sa mga nangyari sa pamilya niya?"

"Kalaban sa negosyo ng daddy ni Alamid. Pero wala na ang mga iyon ngayon. Patay na lahat."

"Diyos ko..." Hindi ko na itinanong kung sino ang pumatay at ano ang ikinamatay. Nanghihina akong sumandal sa sandalan ng sofa.

Paanong nakaya ni Alamid ang lahat ng dagok na dumaan sa buhay niya?

Nang ipikit ko ang mga mata ko ay agad kong nakita ang disi-siete anyos na si Alamid habang yakap niya sa kanyang mga braso ang nag-aagaw buhay niyang kapatid at mga magulang. Ramdam ko ang sakit, galit at hinagpis na naramdaman niya noon. Hindi ko namalayan na ang pagluha ko ay nauwi na sa paghagulhol.

Kulang pa ang lahat ng naranasan ko sa mga paghihirap na patuloy niyang dinadanas. Kulang na kulang pa ang lahat ng sakit na nararamdaman ko kumpara sa patong-patong na sakit na pilit niyang iniindang mag-isa.

"Hindi siya masama, Ingrid." Niyakap ako ni Manang Tess. "Nagmahal lang siya. Minahal niya lang kayo. Minahal ka lang niya."

Iyak ako nang iyak habang nasa balintataw ko ang paghihirap na pinagdaanan niya nang nag-iisa.

"Mula noong makalabas siya ng assylum sa Europa, hindi na siya kumikibo. Akala ko okay na siya dahil muli na siyang bumalik sa pag-aaral. Pero mali pala ako. Dahil sa likuran ko ay may mga bagay siyang ginagawa. Gumanti siya sa sumira sa pamilya nila. At pagkatapos ay isinubsob niya ang sarili sa negosyo na iniwan ng daddy niya sa kanya."

"Bakit niya dinanas ang mga iyon, Manang? Bakit kailangan niyang masaktan nang paulit-ulit?" umiiyak na tanong ko.

"Nagpatuloy ang buhay ni Alamid. Maraming babae ang dumaan sa buhay niya, pero si Benilde ang hindi na humiwalay pa."

"Alam ko po ang nangyari. Hiniwalayan niya si Benilde pero hindi iyon natanggap ni Benilde. Sinubukang gumanti ni Benilde, pero nagback fire sa babaeng iyon ang paganti niya. Dahil imbes na masira niya si Alamid, nagkaroon ng direksyon ang buhay nito sa halip." Dahil nakilala niya ako. At minahal niya ako.

At dahil sa paganti na iyon ni Benilde, nabuo si Aki. Pero dahil din sa paganti ni Benilde, nawala si Aki.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Napangiti ako nang mapait dahil sa pagdagsa ng reyalisasyon.

Alam ko na kung bakit maraming gumagawa ng mali dahil sa pag-ibig. Alam ko na kung bakit nakakabobo ito, kung bakit maraming tanga at maraming sawi. 

Kung bakit tama si Benilde na mas lalo kang nasisira at nadudurog, mas lalo kang tumatapang. 

Kahit ano pala ang nangyari, at kahit ano ang mangyari, mahal ko si Alamid. Kahit masakit, kahit nakakatakot na sumugal, mahal ko siya. Mahal na mahal ko ang tatay ng anak ko.

Kahit pa sabihing may problema siya sa pag-iisip, kahit posibleng dumating ang panahon na mas gumulo ang sitwasyon, kaya ko pa rin pala siyang mahalin. Lalo na ngayon na si Alamid na lang ang meron ako.

"Manang." Sinalubong ko ang luhaang mga mata ni Manang Tess. "Kahit ano pa siya, tanggap ko po si Alamid. Tanggap ko po siya. Tatangapin ko po siya."

Ngumiti siya sa akin. "May kailangan akong linawin sa 'yo, hija."

"Ano ho?"

"Ang mga pictures pala na nakita mo sa kuwarto niya, ako ang kumuha ng lahat ng iyon."

Ang mga pictures na sinasabi niya ay ang mga pictures na nakaframe sa kuwarto ni Alamid. Ang mga stolen pictures na iyon namin ni Aki ang dahilan kaya natakot ako. Doon ko inisip na isa siyang psycho stalker na palihim na kumukuha ng mga pictures namin.

"Alam ko kung gaano kaimportante kay Ala na malaman ang bawat detalye ng buhay mo, lalo na ng anak ninyo, kaya ako na ang gumawa ng paraan para makakalap ng mga litrato na maari niyang tingnan at balikan."

"Hindi ko ho kayo maintindihan. Nasaan ba siya ng mga panahong lumalaki si Aki? Bakit kailangang kayo ang kumuha ng mga pictures?"

Nangilid ang mga luha ni Manang Tess. "Dahil kinailangan niya muna noong mawala."

Kinabahan ako ng tumulo na ang luha ng matanda.

"Kinailangang mawala ni Alamid noon dahil wala siyang pagpipilian. Ayaw niya sanang malaman mo ito, hindi niya gusto na iwan kayo, pero kailangan niya noong mawala. At hindi pa sigurado noon kung makakaya niya kayong balikan."

"A-ano ho bang nangyari sa kanya noon?" Bigla kong naalala ang pagkawala ni Alamid matapos ang insidente sa bahay namin.

Mula kasi noong nilooban kami noong high school ako, mula noong pinagbababaril niya ang mga akyat-bahay ay hindi ko na siya ulit naramdaman. Doon na siya biglang naglaho.

"Isang gabi, dumating na lang siya na duguan at may tama ng bala. Nakaligtas siya pero..."

"Pero ano ho?" Abut-abot ang kaba ko.

"Na-comatose siya, hija." Mapait na ngumiti si Manang Tess. "Ilang taon siyang naratay sa kama at halos makina na lamang ang bumubuhay sa kanya."

Kung gaanoon, hindi niya pala talaga kami totoong iniwan!

"Umuwi ho muna kayo, Manang. Salamat ho pero saka na lang ho tayo ulit mag-usap." Tumayo ako.

Nagtatakang napatingala sa akin si Manang Tess.

Kasabay ng pagluha ko ay ang pagngiti ko sa kanya. "Pupuntahan ko si Alamid."

"A-anong gagawin mo, hija?"

"Babawi ho ako. Siya naman ho ngayon ang ipaglalaban ko. Siya naman ang aalagaan, poprotektahan at pakamamahalin ko. Siya naman."

JF

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...
72.3K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...