Can't Get Over You

By janekhuletz007

131K 5.4K 739

My 5th story for JaThea. ? Hope you enjoy it since some of you requested for this. Mabuhay kayong lahat!! ❤❤❤ More

See You Again
Here I am
Feelings for you
Love me like you do
First date with her
Can't Help It
New Day
Jelly Ace
More Than Words
Torete
Sweet Revelation
The Naughtiness
The First Time
We belong
Lovely Day
Beautiful You
One More Day
Between Love & Trust
Fear of Losing Someone
Devastated
Jealousy
Caught Off Guard
Bela & Kim
Sorrow & Loneliness
The Little Man
Dreams Never End

Agustin Siblings

3.6K 153 8
By janekhuletz007

Jade's POV

Isang umaga pagkatapos kong maisipan na mag-jogging sa loob lang din ng subdivision ay may napansin akong isang sasakyan sa labas ng bakuran namin. Hmm.. May bisita siguro sina Dada.

Saturday kaya nasa bahay lang sila ngayon. Samantalang ako naman ay may work pero 10am pa ako aalis. After lunch pa kasi ang appointment ko today.

Nagpupunas ako ng pawis sa mukha, leeg at braso gamit ang face towel na nakapatong sa balikat ko nang maramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin. Paglingon ko rito ay mabilis itong nag-iwas ng tingin na waring biglang nahiya. May hawak itong yosi na tila kakasindi pa lamang.

"Uhm.. Hi! Ikaw ba ang may-ari nung sasakyan sa labas ng gate?"

"H-huh? Ah.. H-hi.. Hello po Ms. Jade."

Bahagya akong napatawa dahil halatang natetense siya. Well siguro ay talagang mahiyain lang talaga siya. "Hey! Ayos ka lang ba? Tawagin mo lang akong Jade. Magiging sister in law ko na rin naman ang kapatid mo."

"O-okay sabi mo eh. Oh! Sorry.." Itinapon muna nito sa paanan ang hawak na yosi at inapakan para mawala ang sindi saka ulit pinulot at pagkatapos ay itinapon sa katabing basurahan. "Uhm.. I'm Nathan pala. Brother ni Sussy."

Nathan Agustin

Susan "Sussy" Agustin

Ehem! Medyo natulala ako sa kapogian ng lalaking ito. Napaka-aliwalas ng mukha. Hindi ko tuloy alam na naka-aro na pala ang kamay nito para makipagkamay sa akin. "Jade?"

"Huh? Oh sorry.. Yes hello Nathan." Bukal sa pusong tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. Mas pogi ito sa malapitan. Tiyak na maraming babae ang napapatili kapag dumadaan or nakikita ito. Hindi lang kasi siya pogi ang lakas rin ng dating niya.

"Inihatid ko lang ang kapatid ko. Gusto niya kasing makasama ang Kuya mo. Babalikan ko na lang siya bukas ng hapon para sunduin ulit siya."

"Teka bakit kailangang ikaw ang maghatid-sundo? Kung pwede naman siyang sunduin at ihatid ng Kuya ko sa inyo."

Napangiti siya sa tinuran ko. "I have two reasons Jade kaya ko ito ginagawa." Aniyang may pagmustra pa ng dalawang daliri.

"Two reasons?"

Tumango siya na hindi pa rin napapawi ang mga ngiti sa labi. "Hmm.. One is gusto kong makabawi sa lahat ng mga pagkukulang ko sa kapatid ko bilang Kuya niya."

"Hmm.. Owkei."

"Second reason is.." Pabitin niyang sabi na tila nag-iisip kung itutuloy.

"Is what?" Kuno't ang noo namang tanong ko sa kanya.

"Para.. I mean nagbabaka sakaling you know.. Uhm! Nagbabaka sakaling makita ulit ang matagal ko nang crush." Aniyang biglang nag-iwas ng tingin. Pansin ko rin ang bahagyang pamumula ng pinge niya. Natatawa ako kasi para siyang binatilyo na nahihiya sa crush niya. Super cute niya.

Bagaman hindi niya direktang sinabing ako ay alam kong ako ang tinutukoy niyang crush. Well may konting kilig dahil pogi siya. Pero siyempre hanggang kilig lang siya para sa akin. Dahil 💯% ay si Althea pa rin ang gusto ko.

"Ganon ba? So napagtagumpayan mo ba namang makita siya?" Natatawa kong biro sa kanya.

"Oo naman. Ang ganda-ganda nga niya eh kahit walang make up." Ganadong wika niya sabay sulyap ulit sa mukha ko at pagkatapos ay tinitigan ako. Medyo nakaramdam tuloy ako ng pagkailang sa kanya.

"Kuya Nate nandiyan ka pala. Akala ko umalis ka na eh."

Sabay kaming napalingon sa babaeng nagsalita. Nakangiting lumapit siya sa amin.

"Hi po!!" Bati nito sa akin sa masiglang tinig. Pasensya na po kayo kay Kuya Nate. Medyo may kakulitan po kasi yan."

"Grabe ka naman Ne! Nakikipag-usap lang makulit na?" Natatawang maktol ng binata sa kapatid niya. Ang sweet nilang tingnan parang kami lang ng Kuya Den ko. Ginulo pa nito ng bahagya ang buhok ng nakababatang kapatid.

"Okay lang Sussy at pwede ba! Huwag mo akong popoin kasi halos magkaedad lang naman tayo."

Nakakapanibagong hindi na si Ate Jen ang girlfriend ni Kuya. Kamusta na kaya siya ngayon? Napatawad na kaya niya si Kuya? Nalulungkot pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang masaya nilang relasyon noon ng kapatid ko. Kahit papaano ay napamahal na rin siya sa akin dahil napakabait niyang ate sa akin.

"Guys!! Breakfast na tayo. Naghihintay sina Mama at Dada." Saad ng humahangos na si Kuya Den. "Oh! Tamang-tama nandito na rin pala si bunso."

"Naku! Nakakahiya man pero hindi ako makakasabay sa inyo. Nanlalagkit ako sa pawis. Maaga rin kasi akong aalis today."

Pagsulyap ko kay Nathan ay tila bigla itong nalungkot. Halata sa facial expression nito eh.

"Isusumbong kita kay Pards! Ayaw mong magbreakfast muna. Tingnan ko lang kung hindi iyon mapasugod dito." Si Kuya Den na parang loko-lokong tumawa.

"Sira! Don't you dare." Sabay hampas ko sa kapatid kong loko-loko. Tinawanan lang naman ako nito. Alam kasi naming pareho na kapag nagsumbong nga ito ay parang kaboteng susulpot nga dito ang magaling kong nobya.

Hindi ko na lang pinansin ang nakasimangot na lalaki sa isang tabi. Waring nahimigan nito na meron na akong karelasyon. Kaya ito nagkakaganito ngayon.

Naunang pumasok sa loob sina Kuya at Sussy. Kaya naiwan kaming dalawa sa labas.

"Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?" Takang tanong ko rito.

"May.. May boyfriend ka na pala?" Medyo disappointed na tanong niya sa akin.

"Eh ano naman sayo kung meron na?" Patay malisya kong tugon sa kanya habang natatawa."Tara na nga! Pasok na tayo sa loob." Nauna akong humakbang sa kanya. Ngunit hindi pa pala siya kumikibo sa kinatatayuan niya.

"Jade.."

"Hmm?" Muli ko siyang nilingon.

"I still like you kahit may boyfriend ka na."

Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya ang ginawa ko ay humakbang akong pabalik sa kanya. "Correction Nathan, girlfriend hindi boyfriend." Nakangiti kong sabi sa kanya sabay tapik ko sa chin niya.

Literal namang nanlaki ang mga mata niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Seryoso ba yan? Or baka pinaprank mo lang ako?

"Babae ang bestfriend ni Kuya Den na tinawag niyang pards at iyon ang girlfriend ko."

"No way! Hindi ka lesbian."

"Akala ko rin noon Nathan."

"Paano natanggap ng Kuya mo? I mean alam ba ito ng parents mo?"

Pff! Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagtirik ng aking mga mata. Like duh! Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa kanya.

"Nagiging tsismoso ka na Nathan. Pasok na sa loob baka hinahanap ka na nila."

Tinalikuran ko na siya at nagmadali na akong pumasok sa loob. Narinig kong tinawag ako ni Mama ngunit hindi ako tumugon. Diretso lang ako sa pag-akyat ng hagdanan patungo sa kwarto ko para makapag-shower na.








Althea's POV

Sa restaurant ako tumatambay kapag off ko sa opisina or kapag wala akong lakad. Alam kong gagabihin na naman si Jade sa work niya. Kaya full time ako ngayon sa restaurant.

Kung minsan ay ako ang gumagawa ng coffee, tea or juices. Minsan naman ay kumukuha ng order sa mga customers.

Nag-eenjoy ako sa mga ginagawa ko kaya wala akong pakialam kahit medyo nakakapagod minsan yong ganong trabaho.

Nahihiya ang ibang mga tauhan sa akin dahil boss raw ako ay panay raw ang kilos ko.

"Ma'am Althea baka gusto nyo pong magpahinga muna. Hayaan nyo ang mga tauhang nyong gumawa niyan." Sita sa akin ni Batchi na isa sa mga Chef ng restaurant.

"Tss! Ayos lang ako Chef. Marami tayong customer ngayon." Naka-jeans lang ako at fitted na polo shirt na binagayan ng white sneakers. Nang sa ganon ay madali akong makakilos.

"Ang simple ng suot mo ngayon Ma'am pero head turner pa rin. Lakas ng dating eh. Maganda na nga ay pogi pa. LODI ka talaga!"

Napatawa ako sa sinabi niya. "Sira! Ikaw naman ay pogi rin eh. Pero pogi nga lang siyempre." Gupit lalaki kasi ito at palaging nakabihis na panlalaki.

"Talaga ba Ma'am? Astig! Kinilig ako don ah."

"Batchi tumigil ka nga sa kilig kilig mo diyan!" Sita rito ni Wila. "Hindi pumapatol si Thea sa mga maton na katulad mo."

"Aba! Saan nang-galing yon Ma'am Wila? Wala akong gusto kay Ma'am Thea. Kinilig lang ako kasi idol ko siya. Sobra ka!" Anitong napatawa ng malakas.

"Ewan ko sa inyo! Bahala kayo diyan. Magtatrabaho muna ako." Naiiling kong sabi sa kanila habang natatawa rin.

May nakita kasi akong customer na kapapasok lang kaya nilapitan ko ito agad. "Good afternoon Sir! Table for how many person po?"

"I'm alone pero kung sasamahan mo ako ay magiging dalawa tayo." Anitong kumindat at ngumiti ng matamis sa akin.

Ayos bumanat itong si Kuya. Pasalamat na nga lang at pogi siya. Kundi ay masisipa ko siyang palabas ng restaurant. Hehe.. Biro lang. Sa halip ay napatawa na lang ako sa kanya. "Maupo na nga lang po kayo Sir." Binalingan ko si Gio isa sa mga waiter. "Gio asikasuhin mo si Sir bigyan mo siya ng menu."

"Right away Ma'am! Dito po kayo Sir."

Nang makaupo ang lalaki ay ramdam ko na panay ang sulyap nito sa akin. "Thea mukhang type ka oh! Tingin ng tingin sayo."

"Pssh! Hayaan mo siya Wila. Baka nagagandahan lang yan sa akin."

"Ang hindi niya alam ay maganda rin ang hanap mo." Anitong napatawa ng mahina. "Well sorry na lang siya."

"Ang pogi naman niya." Narinig kong sabi ni Marjorie na isa naman sa mga waitress. "Kuya Gio ako na lang ang mag-aasikaso sa kanya." Pakiusap nito sa lalaki.

"Okay sige kuhanan mo ng order. Eto ang menu."

Nagkatinginan kami ni Wila at parehong napatawa. "Landi ng bruha!" Naiiling na sambit ni Wila. Nakaupo ito sa may counter at busy sa pagsusulat ng mga expenses sa record book hawak ang napakaraming resibo.

Naupo muna ako sa bar stool at nagcheck ng celpon ko. Baka kasi nagmessage na si Jade. Ngunit laking dismaya ko nang wala man lang akong nabungaran na text or miscall from her.

"Anyare sayo? Bakit sambakol yang mukha mo?" Usisa sa akin ni Wila nang masulyapan ako.

"Tsk! Hindi man lang nakakaalalang magmessage. Wila pano kung nagsasawa na siya sa akin?"

Napatawa siya sa sinabi ko. "Kapag ganyan kang ka-nega mag-isip palagi malamang na magsawa na yon sayo." Binatukan ko ito. Wala kasing kwentang kausap. "Aray! Pikon?"

"Ewan sayo! Ang panget mo."

Mas lalo lang itong napatawa sa akin. "Lahat naman para sayo panget maliban lang kay Jade."

"Aba siyempre noh! Mahal ko yon eh."

Napaingos ito sa akin sabay tirik ng mga mata. "Haist! Itali mo na nga yang si Jade sa bewang mo. Mamaya makawala pa yan ikabaliw mo pa."

"Sira! Sana ganon lang kadali."

"Asus! Sobrang ganda pa naman ni Jade tapos na-eexpose minsan ang beauty sa tv. Kaya huwag ka na magtaka kung may mga umaaligid na iba sa kanya."

"Tumigil ka nga diyan Wila! Mas lalo mo akong pinag-iisip eh."

Naiiling na nagtirik na naman ito ng kanyang mga mata. "Bahala ka sa buhay mo. Basta kapag umatungal ka ng iyak. Nandito lang kaming mga kaibigan mo."

"Oo at isasama ko rin kayo sa hukay. Para may kasama akong humarap kay San Pedro."

Nanlaki ang mga mata nitong napatutok sa akin. Kaya hindi ko napigilan na mapatawa. "Langya ka Thea! May anak ako. Huwag mo akong isasama sa katangahan mo."

"Aba! Sinong tanga?" Natatawang angil ko sa kanya.

"Malaking katangahan ang magpakamatay dahil lang sa pag-ibig."

"I know right! Puso ko lang siguro yong mamamatay kapag iniwan niya ako. Pero yong katawan ko ay mananatili pa ring buhay para sa mga taong nagmamahal sa akin."

"Ano namang kadrahamahan yan?" Sabat ni Sally na hindi namin namalayan ang paglapit. May dala itong tray na may mga plate ng foods na ipinatong nito sa ibabaw ng counter. "Marj sa table ni Sir Pogi!!"

"Thanks Chef Sally, akin na po."

"Huwag mo masyado harutin. Baka maalibadbaran yan sayo at hindi na bumalik dito." Birong sabi rito ni Sally.

"Ewts!! Chef naman eh. May iba naman siyang tinitingnan." Nakabusangot nitong sagot.

Na-curious ako kaya napasulyap ulit ako don sa lalaki. Saktong nakatingin ito sa akin kaya nagkasalubong ang aming mga tingin.

Sa halip ay nag-smile pa ito sa akin. Kaya kitang-kita ang napakalalim nitong dimple sa magkabilang pisnge.

"Punyeta! Ang lakas ng tama sayo Thea!" Si Wila na napatuwid ng upo.

"Sandali matawagan nga si Jadey." Natatawang biro ni Sally na akmang maglalabas na ng celpon.

"Huwag nga kayong OA! Marj dalhin mo na yang order niya."

"Yes Ma'am!"

"Ikaw Sally bumalik ka na sa Kitchen."

Nagtirik ito ng mga mata na medyo natatawa pa rin. "Hmp! Sunget.. Sige na nga!

Si Wila ay busy na ulit sa ginagawa kaya hindi ko na ito sinita.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik na si Marj sa counter at kinulbit ako. "Oh! Ano na naman?"

"Ma'am tawag ka po ni Pogi."

Napaangat ng tingin sa akin si Wila. "Puntahan mo na Thea. Tutal ay customer naman natin yan."

Oo nga naman. Pero.. Okay sige na nga. "Fine!" Tumayo na ako at nagtungo sa kinaroroonan nito. "Hello sir, is there anything I can do for you?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Ayan na naman ang mga ngiti niyang pa-cute jusko! 🙄 Akala naman niya natutuwa ako sa kanya. Duh! 😏

Bilang pag-galang sa isang babae ay tumayo siya. "Uhm.. Would you like to join me? Ang dami nito hindi ko kayang ubusin."

"Naku! Maraming salamat Sir pero tapos na akong maglunch. Anyway, pwede mo namang itake out kung sakaling hindi mo naubos."

"Hmm.. Okay! Pero pwede ka bang makakwentuhang sandali?" Gusto ko sanang sabihin na hindi dahil busy ako. Ngunit nagpaawa effect siya ng mukha sa akin. "Gusto ko lang ng kausap kasi broken hearted ako ngayon."

Naawa naman ako kaya pinagbigyan ko na. "Sige ba! Kwentuhan lang pala eh."

"Talaga? Thanks." Umikot siya at ipinaghila ako ng silya. Bago ulit bumalik sa pwesto niya.

"So ano bang maitutulong ko sayo para gumaan ang mabigat na dinadala mo?"

"Hmm.. Are you married?" Walang paligoy-giloy na tanong nito.

Ipinakita ko naman sa kanya ang dalawa kong kamay. "Bukod sa college ring may nakikita ka pa bang ibang singsing?"

"Oh that's great! So single ka?" Tila na-excite nitong tanong sa akin.

"Yes single but I'm in a relationship right now."

Napapitik ito sa hangin. "Tsk! Sayang naman!"

"Kaen ka na habang mainit pa.." Sabi ko rito. Baka kasi mawalan pa siya ng ganang kumain.

"Aw! Okay. Buti na lang gutom ako at mukhang masarap din ang food."

Hindi ako masyadong tumitingin sa kanya para makakain siya ng maayos. Napansin ko naman na mukhang nag-eenjoy siya. "Masarap ba Sir?" Puno ng pagkain ang bibig niya kaya nakangiting tumango lang siya sa akin. "Ayos ka lang ba? Heto Sir ang tubig."

Ang cute naman ng lalaking ito. Sa itsura ay parang marami nang babae ang napaluha.

"Ehim! Thanks. By the way, ano pala name mo?" Aniyang sumubo ulit ng pagkain sa bibig.

"Hmm? Hindi mo na kailangang alamin." Walang gana kong sagot sa kanya.

Uminom muna siya ng tubig at pagkatapos ay nagpunas ng napkin sa labi. "Kailangan ko siyempreng alamin para next time maka-discount na ako. Sabi nung babaeng staff kanina. Ikaw raw ang boss nila at may ari nitong restaurant."

"Hindi ako madalas magpunta dito at isa pa ay hindi tayo close."

Muli siyang napatawa. "Siguro seloso ang boyfriend mo noh? Sige okay lang naiintindihan ko. Ako na lang ang magpapakilala sayo."

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.

"I'm Nathan Agustin.." Sabay lahad ng isang kamay sa akin. Tiningnan ko muna iyon saka ko tinanggap. "Isa akong inhenyero at dating OFW."

"Talaga? Saan namang bansa?"

"Sa London pero na-assigned na rin ako sa middle east."

"Hmm.. Great! Ayaw mo nang bumalik don?"

Nakangiting umiling siya sa akin. "Nag-start na ako ng sarili kong construction business. Well sana maging successful para hindi na ulit ako mangibang bansa."

"Nothing is impossible basta masipag ka lang at matiyaga."

Dumaan ang sandaling katahimikan nang magsimula ulit itong kumain.

"Totoo nga sigurong digital na ang karma noh?" Bigla ay sabi nito.

"Bakit mo nasabi?"

"Eh kasi never pa ako nagseryoso sa babae. Ginagawang past time ko lang ang mga nakakarelasyon ko noon."

"So kaya ngayon ikaw naman yong ginawang past time?"

Binitiwan niya ang hawak na kubyertos at pagkatapos ay uminom ng tubig. "Sana nga ganon na lang yong naging karma ko." Malungkot niyang sagot sa sinabi ko. "Ang nagtamo ng karma ko ay yong nag-iisa kong kapatid na babae. Nabuntis siya ng isang lalaking may ibang minamahal."

"Oh! I'm sorry to hear that."

"No! It's okay. Mabuti na nga lang at pinanagutan siya. Maganda naman ang kapatid ko at sobrang sweet kaya sure ako na mapapamahal rin ang lalaking iyon sa kanya."

"Paano kung hindi? Baka maging miserable lang ang buhay ng kapatid mo."

"Subukan lang niyang saktan ang kapatid ko. Kundi ay gugulpihin ko siya. Wala akong pakialam kahit makulong pa ako."

"Ang sabi mo kanina ay broken hearted ka. Isa ba yon sa mga naging karma mo?"

Naiiling na napatawa siya. "Iyon ba? Ganito kasi yon." Tumingin siya sa akin and then biglang napatawa ulit. "Maganda rin siyang katulad mo medyo hmm.. angat nga lang ng konti yong ganda niya sayo."

Siraulong lalaki ito. Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa sinabi niya pero okay lang naman. Baka nga sobrang ganda lang ng babaeng sinasabi niya. "Oh tapos?"

"Well nakikita ko na sadya siya sa tv or magazine. Kaya sobrang crush na crush ko na siya noon pa."

Sus! Kaya naman pala. Artista pala itong sinasabi niya. "So she's an actress?"

"Hindi siya artista pero nakikita siya sa tv minsan. Ano yata siya fashion designer ba yon?"

"Oo ganon nga! Fashion designer or stylist." Parang yong girlfriend ko stylist din. Gusto ko sanang idugtong. Pero di bale na lang. Hindi ko naman siya totally kakilala at customer lang naman siya sa restaurant.

"Oo yon nga tama. Alam mo bang sobrang ganda niya pero lesbian pala siya?" Sabay palatak nito ng tawa. "Ibang klase crush na crush ko pa naman talaga siya."

"Althea!!" Tawag sa akin ng isang familiar na tinig. Sabay pa kaming napasulyap rito.

"Bibi!!"

"Jade?!"

Teka, magkakilala sila?



















To be continued... 🙊🙊🙊











Now lang ulit nakapag-UD. 😂😂😂

Thanks ulit po sa mga nag-aabang. 😊😘

Mention ulit kita nixmatsunaga 😜 Pinasaya mo ako sa tagalog comment mo last time. 😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

322K 12.1K 36
An arranged marriage between a spoiled brat daughter and an obedient granddaughter. Produkto po ito ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa iba...
79.2K 3.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...