PINAGTINGINAN agad si Timothy ng mga babae habang paupo ito sa isang upuan sa harap ng classroom.
“Alam niyo, sa halos isang linggo na tayong magkakasama, never ko pang narinig magsalita si Timothy,” bulong ni Cathy kina Mona at Pamela.
“Oo nga raw ‘eh. Pati mga kaklase natin alam ko ayun ang masasabi tungkol kay Timothy. Sadyang napakatahimik raw nito,” puna rin ni Mona.
“Sabi ko nga kasi sa inyo, suplado ‘yan,” ani Pamela.
“Naku hindi rin. Paminsan-minsan naman daw ay ngumingiti ito pag nakasalubong mo siya. Tulad kahapon, nagkasalubong kami. Nginitian ko siya, and he smiled back. Hay naku, kung baril lang ang ngiti niya malamang patay na ko... pamatay ang ngiti niya! Labas pa dimples niya,” kinikilig na kuwento ni Mona.
Nakaramdam ng inggit si Pamela. Nakasalubong niya rin si Timothy kahapon pero hindi siya nito nginitian. Ni hindi nga yata siya nito tiningnan. Naisip tuloy niya na asiwa malamang sa kanya si Timothy. Nalungkot siya nang masaisip na baka ganun nga. Bakit naman ayaw sa akin ni Timothy?
“Hay naku, kung ayaw niya sa akin, mas lalong ayaw ko sa kanya!”
“Pam, ok ka lang ba?” tanong agad ni Cathy.
“Oo naman, bakit?”
At doon napansin ni Pamela na nakatingin na sa kanya ang lahat ng mga kaklase niya. Doon niya napagtanto na nasabi niya ang nasasaisip. Batid niya na namula ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan. Ngumiti na lamang siya para pagtakpan ang kahihiyan.
Pero napansin niya na hindi nakatingin si Timothy sa kanya bagkus ay para itong walang pakialam sa nangyari. Natigil lang ang pag-uusap nila nang dumating na ang propesor ng Social Science.
Napansin nina Mona at Cathy na nakatulala si Pamela at hindi nakikinig sa sinasabi ng propesor nila. Kaya, itinabi ni Cathy ang mukha nito sa mukha ni Pamela at sinundan nito ng tingin kung saan nakapukol ang mga mata niya.
“Ayun! Kaya pala tulala si ateng! Tinitingnan si Papa Timothy!” mahinang sambit ni Cathy dahilan para bumalik sa ulirat si Pamela.
“Sabi ko na nga ba at type mo rin siya ‘eh!” susog ni Mona.
“Hindi ko nga siya type! Nagtataka lang ako kung bakit di niya ko pinapansin, kung inis ba siya sa akin o ano.”
“Alam mo, Pam, hindi naman kita masisisi kung type mo si Timothy. Yung pagiging tahimik niya, most girls find it attractive sa isang lalaki. Para kasi siyang big mystery na gusto mong ma-unravel. Yung bang napakalalim niya at gusto mong arukin ang lalim niya... like Papa Timothy,” sabi ni Cathy.
“Ano ba?! Hindi ko nga siya type, okay?!” napalakas na sabi ni Pamela dahilan para pagtinginan ulit siya ng mga kaklase niya at mapatigil sa pagsasalita ang kanilang propesor.
Kagyat na nagsalita ang propesor nila. “Sabi ko nga sa class rules ko nung first meeting natin, puwede kayong mag-text or magdaldalan kahit habang nagkaklase ako. Alam ko namang love life ang madalas ninyong pag-usapan na mga kabataan. Love ‘yan ‘eh, lesson lang ‘to. Alin ba ang mas importante sa dalawa?” nakangiting wika ng propesor kina Pamela dahilan para matawa ang klase.
Napansin naman ni Pamela na nakatingin din si Timothy sa kanila pero hindi ito nakikitawa at sa ekspresyon ng mukha nito ay parang di nito naiintindihan ang nangyayari. Nakitawa na lang din sina Pamela, Mona, at Cathy.
TUWANG-TUWA sina Cathy at Mona sa nalibreng damit ng mga ito sa mall nina Pamela noong nakaraang linggo na nag-shopping sila roon. Kaya habang nasa restroom silang tatlo ay walang tigil sa pagsasalamin ang dalawa para masdan kung bagay at maganda ba para sa mga ito ang mga damit na suot. Paikot-ikot pa si Mona sa harap ng salamin habang hawak ang suot na palda sa magkabilang dulo nito.
“Prom mo ba?” uyam ni Cathy kay Mona.
Natatawa naman si Pamela sa inaasal ng mga kaibigan.
“O siya, mauna na ko sa inyo sa classroom at baka ma-late ako. Kung makapag-make up naman ‘tong mga to akala ‘eh debut,” wika naman ni Pamela. May klase sila sa Accounting at magsisimula na ito in five minutes kaya naisip na ni Pamela na mauna nang umalis.
Palabas na siya ng restroom nang makita niya si Timothy kasama ang ibang mga kaklase nito na papasok ng katabing room kung saan siya magkakaklase ng Accounting.
Napaatras bigla si Pamela at bahagyang tinulak sina Cathy at Mona palayo ng salamin upang siya naman ang makapagsalamin.
“Girls... how do I look? Maganda ba ako? Hindi ba ako mukhang bagong gising? Hindi ba ako mukhang haggard?” sunod-sunod na tanong niya habang madaliang kinukuha ang kanyang make-up kit sa pouch bag. Nang makuha ito ay mabilis na nag-retouch siya ng kanyang make-up.
Hindi na hinintay pa ni Pamela ang sagot ng mga kaibigan. Natigilan kasi ang mga ito sa inaasal naman niya ngayon. Muling nagpaalam si Pamela sa mga ito habang nagmamadaling maglakad.
“Ayun ang mas malala... runaway bride ang drama,” narinig pa niyang bulalas ni Mona bago siya makalabas ng restroom. Ang suot niya kasi ngayon ay isang puting blouse at white skirt.
Dahan-dahang naglakad ng pasilyo si Pamela. Nang matapat siya sa pinto ng classroom na pinasukan ni Timothy ay siya’y tumigil sa paglalakad at pinagmasdan si Timothy. Nakaupo ito malapit sa pinto.
She can’t take her eyes off of Timothy. Wari ang mga mata niya ay nagmistulang binoculars na nakatutok lang kay Timothy at ito’y palapit nang palapit sa kanyang paningin.
Next thing she knew, naramdaman niyang may tumutulak sa kanyang likod papasok ng classroom nina Timothy. Nang lingunin niya ito, sure enough na nasa likod niya ang mga kaibigang sina Cathy at Mona at tinutulak siya ng mga ito.
Pinigilan niya ang kanyang katawan upang hindi makapasok sa classroom nina Timothy ngunit mas malakas ang puwersa ng dalawa.
Sakto naman nang nagtagumpay ang dalawa na maitulak siya paloob ng classroom ay tumayo si Timothy at papunta sa harap marahil ay tinawag ito ng propesor para isulat sa board ang solution ng Math problem na pinapagawa ng propesor. Pagkatayo ni Timothy ay nasalo nito si Pamela na nawalan ng balanse nang itulak siya ng mga kaibigan.
Kumabog nang malakas ang kanyang puso. He could feel the strength of Timothy’s arms when he catched her when she almost fell. It’s as if time stood still habang yakap siya nito. She tried to avoid to gaze up to Timothy’s face because of embarrassment but it was hard not to. Well, from that moment, Pamela admitted that Timothy is undoubtedly handsome. At sino ba namang babae ang hindi mapapatitig sa ganoong kaguwapong mukha?
“Catch me I’m falling... falling.... falling fast again,” narinig niyang kinakanta nina Cathy at Mona sa labas ng classroom. “Why do I always take a fall when I fall in love?”
Doon lang siya bumalik sa ulirat. Napabalikwas siya mula sa pagkakasalo ni Timothy sa kanya.
“Sorry, Sir. I’ve entered the wrong room,” madaling paumanhin ni Pamela sa propesor sabay labas. Bago siya lumabas, narinig niya pang nagtawanan ang mga kaklase ni Timothy at kinantyawan ng mga ito ang lalaki.
Nainis siya sa mga kaibigan dahil sa ginawa ng mga ito. Pinagagalitan niya ang mga ito habang naglalakad sila papunta ng classroom nila.
“Pero aminin mo, deep inside masaya ka,” kantiyaw ni Cathy.
“Hindi nuh!” agad na sagot ni Pamela.
“Aray, natusok ata ako,” wika ni Mona sabay hawak sa pisngi nitong “natusok” daw.
“Anong nakatusok sa’yo?” takang tanong ni Pamela.
“Yung ilong mo, Pam. Humahaba na dahil sa pagsisinungaling mo. Sa sobrang haba na, natusok na ko.”
Napangiti si Pamela. Tama nga ang mga kaibigan. Kahit na naiinis siya sa ginawa ng mga ito at sa kahihiyang inabot niya, lihim siyang natutuwa dahil nasalo siya ni Timothy at napagmasdan ang mukha nito nang matagalan.
Ngunit habang inaalala ang sandaling iyon ay bahagya ulit siyang nakaramdam ng inis. Nung sinalo siya ni Timothy ay di man lang siya nito nginitian. Sa halip ay parang gulat ang mukha nito, at kung tama man ang palagay niya, ay mukhang iritable ito.
“Guwapo nga suplado naman!” bulalas ni Pamela. Kinantiyawan na naman siya ng dalawa dahil sa iniusal niyang iyon.
Nang mga sumunod na araw ay napag-alaman niyang pinagtsi-tsismisan na siya ng mga kaklase ni Timothy na nakasaksi ng pagkakasalo ng lalaki sa kanya sa classroom. Pag nakakasalubong niya ang mga ito ay nginingitian siya ng mga ito na parang nang-aasar.
Well, bahala sila kung anong isipin nila. They thought I am in love with that suplado guy?! Never! galit na nasaisip niya.
Pero mukhang may maliit na pagtutol na nadama siya sa kanyang puso. Hindi lang niya ito pinansin.
“CATHY, Mona, gusto niyo bang mag-nature tripping?” suhestiyon ni Pamela sa dalawa. Limang oras ang break nila bago ang susunod nilang subject and they are dead bored waiting sa library ng unibersidad. Ayaw naman nilang mag-shopping na naman dahil kakagaling lang nila ng mall kahapon. To do something different ay ito ang sinuhestiyon ni Pamela sa mga kaibigan. Pumayag naman ang dalawa.
Pamela drove them to Lily Hill sa loob din mismo ng Clark. Nang makaakyat sila mismo sa tuktok ng bundok na ito ay kita sa mga mukha nina Cathy at Mona ang pagkamangha sa nakita.
Lily Hill has a luscious green grass na puwedeng higaan at pagpiknikan. Sa paligid-ligid ay meron ding mga rebulto ng mga sundalo, kanyon at iba pang war memorials.
“Wow, Pam. Ang ganda pala rito! Ang presko!” Mona exclaimed.
“‘Tanaw yata ang buong Clark at Angeles dito,” manghang sabi naman ni Cathy habang minamasid ang paligid. Palakad-lakad ito.
Naalala ni Pamela nang una siyang dalhin ng kanyang Papa sa bundok na iyon. She was seven years old then. They are overlooking the whole city of Angeles.
“Do you see the whole city of Angeles, my dear?” wika ng Papa niya.
“Yes, Papa. I can see them,” sagot niya.
“Our business empire covers almost the whole city of Angeles. It is my city. Someday, it will be your city, too,” proud na wika ng Papa niya.
Siya’y napapangiti sa tuwing naaalala iyon.
Ngunit minsan ay natatakot siyang pumunta sa Lily Hill. Nakuwento sa kanila ng kanilang Philippine History professor ang mga urban legend na may mga nagmumultong mga sundalo na namatay noong World War II sa naturang bundok. Ginamit kasi ang bundok na ito na vantage point ng mga sundalo noong giyera dahil nga tanaw ang buong kalunsuran dito.
“Aaaaaaahhhh!!!! May multooooo!!!!” malakas na tili ni Cathy mula sa kung saan.
Natakot si Pamela. Kahit na natatakot ay patakbo pa rin siyang lumapit kay Cathy. Ganun din si Mona. Takot na takot at nanginginig ang kamay ni Cathy habang may itinuturo ito sa di-kalayuan.
Sinundan ni Pamela ng tingin ang itinuturo ni Cathy. Isang lalaking puting-puti ang pantaas na T-shirt at pambabang pantalon ang nakahiga sa damuhan at nakapikit. Ang mga kamay nito ay nasa likuran ng ulunan nito. Wari ito’y natutulog. Ngunit may mali rito... hindi ito mukhang multo. He looked so solid.
Nilapitan ito ni Pamela. At nang malapitan ito ay napanganga siya sa pagkagulat.
Ang lalaking ito ay si Timothy.
“Cat, Mon. Hindi siya multo. Si Timothy ito...” wika ni Pamela.
Agad na lumapit din ang dalawa. Pinakatitigan nila itong mabuti at nasigurong si Timothy nga ang lalaki. Mukha itong natutulog. Mabuti na lang at hindi ito nagising sa lakas ng tili ni Cathy kanina.
“Ang guwapong multo pala ng nakita ko. Maswerte pa rin ako,” birong sambit ni Cathy.
Hindi nga maikakaila ni Pamela na kahit natutulog si Timothy ay guwapo pa rin ito. His face looked so peaceful while he is asleep. Kung puwede nga lang hawakan ang makinis nitong mukha. Nakakatukso rin ang mapupula nitong labi.
Nagtataka si Pamela kung ano ang ginagawa ni Timothy sa bundok na iyon. Marahil ay ito rin ang naisip tambayan nito gaya nila.
Nagulat si Pamela nang biglang kinuha ni Cathy ang cellphone nito, inilapit ang mukha nito sa mukha ni Timothy sabay kuha ng picture. Ganun din ang ginawa ni Mona nang mainggit sa kaibigan. Wala pa ring kamalay-malay si Timothy sa nangyayari.
“Ayaw mong gumaya sa amin, Pam?” tanong ni Cathy sa tonong nang-iinggit. “Pang-Instagram din ito. Tapos may hashtag na Selfie Selfie Pag May Time.”
“No!” mariing pagtanggi niya. “He’s not my type!” dagdag pa niya.
“Huuuu! Not your type! Humahaba na naman ilong mo!” sabi ni Mona.
“Eh hindi naman talaga!”
“Sige nga, kung hindi mo siya type... kiss mo siya sa lips!”
Nagulat si Pamela. “Ha?! Excuse me, ba’t ko siya hahalikan eh hindi ko nga siya type!”
“Wala namang malisya ‘eh. Kiss lang. Saka tulog naman ‘yan,” ani Mona.
“Saka ba’t parang kabado ka naman? Kung sa pagba-bar hopping nga natin ‘eh ilang beses ka nang nakahalik ng lalaki. Tapos ngayon kay Timothy lang kakabahan ka?” may tonong paghahamon na wika ni Cathy.
Napaisip si Pamela. He was a certified pro when it comes to kissing. He kissed random guys just for fun at the bars they are hanging out. In fact, a lot of guys he kissed said she was a good kisser. Ngunit ngayon, kay Timothy kinakabahan siya? Bakit kaya? Kaya upang mapanindigan ang kanyang pagiging good kisser... she gave in to her friends’ dare.
“Ako? Kay Timothy? Papakabog? Sige, I’ll kiss him... pero walang malisya ito,” matapang na wika ni Pamela.
Napa-OK na lang sina Cathy at Mona at pinagmasdan siya. Unti-unting nilapit ni Pamela ang kanyang mukha sa mukha ni Timothy. Hindi mawari ni Pamela kung bakit nanginginig siya habang papalapit nang papalapit ang kanyang mukha sa mukha ng lalaki. Kumakabog din ang puso sa kaba. Hindi naman siya kinakabahan nang ganito pag nakikipaghalikan sa mga lalaking nakilala niya sa bar... ngunit bakit ngayon?
She focused her eyes on his red lips. Malaman ang mga iyon. Konti na lang ang pagitan ng mga labi nila... malapit na at maglalapat na ang kanilang mga labi.
Biglang dumilat si Timothy. Nanlaki ang mga mata ni Pamela sa pagkabigla. Nagkatinginan muna saglit sina Pamela at Timothy bago biglang tumayo si Pamela sabay takbo palayo kasunod nina Cathy at Mona.
“Mga baliw kayo! Sa susunod hindi na ko susunod sa mga dare niyo! Ilang beses niyo na akong ipinahamak kay Timothy!” hinihingal pang sabi ni Pamela sa dalawang kaibigan nang makabalik sila ng kotse.
“Eh kasi ba’t mo ginawa ‘yung dare na iyon? Kaya mo ginawa dahil gusto mo rin naman,” sagot ni Mona.
Hindi na lang sumagot si Pamela. Ayaw na lang niyang sagutin ang mga kaibigan. Pagod na siya sa pagtakbo. Pagod na siyang pasinungalingan pa ang tunay na nilalaman ng kanyang puso.