Baekhyun, ang Baklang Ama (ON...

Por Scriblerus

13.8K 729 399

I'm gay, and having a child is not my style. -- BABALA: Pawang mga kabaklaan lamang ang laman. Wa... Mais

Baekhyun, ang Baklang Ama
Chapter 2: Trian
Chapter 3: Special Delivery
Chapter 4: Baekhyun's baby
Chapter 5: Vaughn Kimzen
Chapter 6: Saturdate
Chapter 7: Extra
Chapter 8: Mini bonding
Chapter 9.1: Happy Family DAW (Part 1)
Chapter 9.2: Happy Family DAW (Part 2)
Chapter 11: Horoscope
Chapter 12: Dean and Five Fingers
Chapter 13: The Lost Boy in Neverland
Chapter 15: Who knows who?
Chapter 16: Yuno
Chapter 17: Triggered thoughts

Chapter 1: Baekhyun x Shannie

1.9K 97 92
Por Scriblerus

BAEKHYUN


Siguro kung sa ibang nanay ako napunta malamang itinakwil na din ako. Matagal din pinangarap ni Mama na magkaroon ng anak na lalaki pero sa kasamaan palad, baluktot yung ibinigay sa kanya. Pero nung inamin ko sa kanya na may pagka-binabae ako, tinawanan lang niya ako.

"Ma."

"Yes?"

May pagka-terrorista minsan ang nanay ko kaya mas takot pa ako sa kanya kaysa kay kamatayan. Pero actually minsan nasa mukha niya mismo si kamatayan. Pero minsan lang naman, mabait pa din naman siya pero mahirap lang talaga gasahin ang ugali niya. Hindi ako halos makakakibo ng mga panahong magtatapat na ako sa kanya. Malakas naman yung aircon pero init na init ako sa upuan ko. Namamaso ang katawan ko at mababali na siguro yung kutsara't tinidor na hawak ko nung gabing yun.

"M-may.. kailangan akong.. sabihin sa'yo."

"What is that? You failed in school?"

"No."

I failed to be a man. Chos.

Binigyan niya ako ng matalim na tingin. "Stop beating around the bush, spill the beans right now."

Butil-butil na ng pawis yung namumuo sa leeg ko nun. "Promise me you will relax after this."

"I will."

"Promise me you will just calm down while listening to my explanation."

"Ok ok, fine."

"Promise me you won't get mad— "

"Magagalit na talaga ako kapag ikaw hindi mo pa sabihin 'yang tinatago mo!"

"Bakla ako!"

Napatakip ako agad ng bibig nun. Ang bobo mo Bakehyun, bakit ba binigla mo! Tiningnan ko si Mama na gulat na gulat. Pero mas tinitingnan ko yung kutsilyong hawak niya kasi baka ilang segundo lang nakabaon na yan sa ulo ko. Medyo kumalma na ang mukha ni Mama pero sobrang nakatutok pa rin sa mga mata ko na parang pinapatay niya sa tingin. Napapikit nalang ako at ready na sa mala-armalite niyang bibig at sermon na mas mahaba pa sa Great Wall of China.

Pero hindi insulto at pangmamaliit ang natanggap ko sa kanya, isang tawa. Tawa siya ng tawa habang hinahampas pa yung mesa at tinuturo-turo pa ako. "Ngayon mo lang na-realize, anak?"

"Ma, baliw ka na."

"Shut up!" biglang seryoso siya. "Haay, mukhang hindi talaga dininig ni Lord ang prayers ko. Paano kaya kung mag-anak ulit ako, no?" Ngumiti nalang siya nang mapait. "Sabihan mo ako ha kapag ikaw magkaka-boyfriend na?"

Well that was a fast reaction from my strict mom but masaya akong tanggap niya ako. Akala ko ok na, ok lang na ipagsigawan ko pa sa buong mundo na I'm partly feminine. Ok na ako kay Mama, suportado siya. Akala ko matatanggap ako ng mga tao, pero hindi. Lalo na si Papa.

Tanggap ko pa kung iinsultuhin ako ng mga tao. Pero kung harap-harapang yurakan ang pagkatao ko? Na tipong dinuduraan na at isinusuka ako dahil sa ganito ako? Masakit. Masakit lang na hindi ka tanggap ng taong akala mo sandalan mo sa lahat ng oras. Pero hindi, mas pinili niyang mawala pa ata ako kaysa magkaroon ng anak na bakla.

"Lumayas ka at ayoko na makita ang pagmumukha mo! Wala akong anak na bakla!"

Yan ang huli niyang sinabi sa akin.



"Bakehyun! Baekhyun! Nandiyan na naman ang fans mo!"

Niyugyog ako ng malakas ng isa kong kaklase pero ayaw kong magpadala kasi gusto ko pang namnamin ang bakanteng oras sa pagtulog.

"Huy gumising ka nga! Patahimikin mo sila please huhuhu."

"Kayo nalang, matutulog muna ako..."

Ilang beses pa akong niyugyog at pinaghahampas kaya napilitan akong bumangon sa upuan at dumiretso ng pintuan ng room. Pagbukas nanahimik bigla yung mga babae tapos nagsisigaw ulit.

"Omaygad bedroom aura si Baek!"

"Ano... please lang naman huwag na kayong mangdistorbo. Kay aga-aga pa oh" sabi ko.

"Bedroom voice siya! OMG record natin omg!"

"Magpatulog naman kayo, puyat ako­— "

"Ang hot mo po kuya, how to be you po!"

"Bumalik na kayo— "

"Papicture naman po!"

"UMALIS NA KAYO KASI HINDI TAYO TALO! KUNG LALAKI ANG HANAP NIYO, PWES AKO RIN!" tapos sinara ko na ang pinto!

Padabog akong bumalik ng upuan pero hindi na ako makatulog ulit dahil sa inis. May isa pa kasing sumigaw sa bintana na ang hot ko daw magalit. Nakakaimbyerna ang sarap sabunutan.

"Ayaw ka talagang tantanan no? Higit isang taon na rin silang nakasubaybay sa'yo," sabi ng kaklase ko.

"Hayaan mo na sila, mapapagod din yang mga yan."

"Lakas ng tama sa'yo ng mga yun. Pagod ka nang ulit-ulitin na bakla ka pero hindi sila nawawalan ng pag-asang magiging lalaki ka pa. Hahaha!"

Well umasa sila hanggang sa kabilang buhay nila dahil kailanman hinding-hindi yun mangyayari.

Isa-isa ng nagsidatingan na rin ang mga iba kong kaklase at umayos na kaming lahat pagkadating ng professor.

"Good morning, class!"

"Good morning, sir Leo."

Dahil nakalimutan daw niya ang mg index cards namin para sa attendance, pinakuha nalang muna kami ng papel at pinasulat ang mga pangalan namin. Pagkaabot ng mga papel, the usual na nag roll call si sir at yung iba ginu-goodtime pa niya.

"Baekhyun Montederamos?" Nagtaas ako ng kamay. "Oh. Nagkita pala kami sa Palawan para sa isang conference. Kumusta na pala siya?"

Hindi ako nakapagsalita saglit at ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. May ibang nakakaalam ng nangyari sa akin at nirerespeto nila ang buhay ko kaya hindi namin iyon masyadong pinag-uusapan sa eskwelahan.

"Sir..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ano ba yan sir, chinichismis mo na naman ang tatay ni Baek. May ipapalakad ka sa kanyang pabor ano?" Nagtawanan ang klase sa sinabi ni Shannie. I looked at her and mouthed "Salamat." Nag-thumbs up lang siya at kinindatan ako.


"Baks, tara lunch tayo!" aya ni Shannie.

Yeah, yan ang tawag niya sa akin dahil feeling girl kasi ako. Hehe.

"Kailan sunod mong pasok?" tanong ko. Nagc-crave kasi ako ng sundae kaya gusto kong lumabas.

"Mamaya pang 4, katamad nga eh."

"Sakto. Tara McDo!"

Pumunta kaming Robinson's na malapit sa school dahil may maliit na McDo naman dun. Sakto lang na mainit din ang panahon ang panahon kaya punuan din ang mga mall kahit weekdays.

Umorder na kami at ninamnam ang aircon at pagkain. Si Shannie panay ang daldal sa mga papabels niya tapos tinatawanan ko lang kasi sawi ang gaga sa buhay niya. Kung aalis kami ni Shannie, hindi yan maiiwasan na gagala ang mga mata namin at maghu-hunt ng mga pogi tapos pagpapantasyahan naman minsan.

"Uy uy uy bakla tingnan mo may pogi!" tinuro-turo pa niya ng kutsara! Gaga talaga!

Sinunod ko yung tinuturo niya at nakakita ng lalaking pumila sa counter at mag oorder. Wow! Side view pa lang mapapa extra rice ka na!

"Baks, ulam!"

Kilig na kilig naman kaming dalawa ng bruha dahil sa kapogian ni kuya. Tapos maya-maya may isang lalaki na inakbayan siya tapos nagngitian sila. Ang gwapo mga ate mainggit kayo sa nakikita ko! Tapos si kuya na nauna sa pila pinadausdos yung kamay niya at... at hinawakan si kuya sa bewang at...

 at nag holding hands sila ni kuyang kadadating palang.

Leche.


Nakalabas na kami ng Mcdo, naglibot na at lahat-lahat yung dalawang pogi pa rin ang laman ng usapan namin ni Shannie. Nakakahurt naman kasi!

"Ruler nalang talaga ang straight sa mundo! Huhuhu." sambit ni Shannie.

"Tama!"

"Kung sino pa ang pogi, pogi rin ang hanap!"

"Tama!"

"Parang ikaw!"

"Tama!— Gaga ka!" hinampas ko nga! Tapos siya syempre hindi nagpatalo, sampung beses na hampas ang ibinalik sa akin. Kasama na dun ang hinanakit niya sa dalawang papa na nagholding hands kanina.

Mga 3:30pm na din at nagdesisyon kaming bumalik ng school. Daming mga time teh, sinusulit kasi kalaunan wala na naman kaming mga tulog nito dahil sa tambak na plates. Etong si Shannie mukhang ayaw talaga mag move on sa mga baklang yun.

"Eh ikaw ba Baek, may chance ka pa ba?"

"Ay napunta sa akin ang usapan? Ganern teh? Chance na ano?"

"Chance na maging lalaki malamang." Inirapan pa ako.

"Bakla neto! Huy girl, ilang taon na ba tayong magkasama? Ika-apat na 'tong taon ngayon diba? Tapos tatanungin mo ako niyan? Gusto mo bang mabaog diyan?" tanong ko.

"Nagtatanong lang naman eh. Kasi tingnan mo oh, kasali ka sa populasyon ng mga pogi na pogi din ang hanap. Sayang ang genes."

"Edi magbibigay nalang ako ng genes ko sa mga may kailangan. Bahala na sila kung ano ang gagawin nila sa sperm ko, magdodonate ako kahit ilan pa basta wala akong pananagutan."

"Kadiri ka!"

"Oh bakit iniimagine mo bang nag-aano ako?"

"Nag-aano?"

"Pano ba ilabas ang sperm, te?"

"BAEKHYUN WALANGHIYA KA!" tapos pinaghahampas ako ng binder niya. Tumakbo na ako papuntang room habang tinatawanan siya. Pulang-pula ang mukha niya habang nanggagalaiti sa akin haha! Eh bruha kasi siya magbubukas ng topic na yun tapos siya magagalit. Aba'y abnormal si ati.

Nagpaalam na akong umuwi pagkatapos ng klase. Siguro sa eskwelahan akala ng karamihan masaya talaga ako. Nang mabuksan ko ang pintuan ng bahay na inuupahan ko, katahimikan ang bumungad sa akin. Kung kanina sa labas maliwanag, ngayon parang black and white nalang nakikita ko.

Inilapag ko ang bag ko saka nagbihis para maligo. Tuwing uuwi ako, parang malungkot ako. Nagpatuyo na ako katapos maligo at naglinis para lang may gawin. Nakakamiss din pala ang umuwi sa sariling bahay.

Pagkahiga ko para magpahinga nag-ingay itong cellphone ko, si Shannie tumatawag.

"Oh baks bakit?"

"Baekhyun nakakainis ka! Karmahin sana yang 'sperm' mo! Buysit ka!" tapos binaba niya agad ang tawag.

Tinext ko siya ng maraming 'hahahahahahaha' kasi naman imbyerna talaga ang bakla kanina.

Joke lang naman yung kanina, pero totoo pala talagang mabilis ang karma sa akin. Hindi lang karma, may bonus pang kasama.


 — —

Note: (Pasensya sa sobrang tagal, mahal ko kayo.) AYAN NA, NAGBABALIK NA ULIT SI BAEKHYUN! :D

Continuar a ler

Também vai Gostar

4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
45M 758K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
191K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...