VAN's POV
Trust is such a big word. At sobrang hirap ibigay nun sa kahit na sino. Pero ngayon si Ero parang lahat ng tiwala niya binigay niya sakin, He opened up to me about his family na broken din pala just like Blake and me. May pinagdadaanan siya pero parang hindi halata di ba? Ang kulit niya tas parang ang saya-saya niya araw-araw lalo na kapag inaasar ako. Pero ngayon habang kausap ko siya habang nag-oopen siya sakin parang ibang tao siya, parang lumabas yung tunay na Ero. Yung malungkot at yung may pinagdadaanan.
After namin mag-dinner inayos ko na yung dining room at naghugas na ng mga pinagkainan. After ko magayos sa kitchen at dining area. I closed all my windows and locked my doors, inayos ko din ng onti yung living room. Wala na si Ero paglabas ko ng kitchen e, siguro umuwi na. Ayos e no? Eat and Run. Well okay lang. Umakyat na ako sa kwarto ko at nag-ayos ng onti medyo makalat na kasi yung kwarto ko. Hindi ko na naaayos. Kalat-kalat yung mga libro, handouts at ibang school supplies ko. Busy ako sa pagaayos ng may magsalita sa may pinto ko.
"Nice room"
"Oh god" Napaharap ako sa may pinto ko at napahawak pa sa dibdib ko. Si Ero. Tumayo ako at lumapit sakanya, tapos siya basta pasok na sa kwarto ko. Well, wala naman ako magagawa e. Makulit to di ba?
"You're still here. Akala ko umuwi ka na." Tanong ko habang nakapamewang pa.
"Hindi ah. NagCR lang ako. Akala ko nga ayaw mo na ako pauwiin e. You locked all the doors and windows." He teased
"Sira. Ano pa ginagawa mo dito?" I asked as I picked my books
"Wala. Ayoko pa umuwi e. Wow dami libro niyan ah." Sabay kuha sa mga libro na inaayos ko. Halo-halo na kasi tong mga libro ko may textbooks, dictionary, novels meron ding cook books at magazine.
"Ah, mahilig kasi ako magbasa."
"Hindi nga halata e."
Nagpatuloy ako sa pagaayos ng maramdaman kong umupo siya sa kama ko. Narinig ko kasi yung pagbounce nung bed. "So, Van."
"Hmm?"
"Ikaw naman mag-kwento."
Humarap ako sakanya with a frown "What?"
"About your parents. Engaged ulit ang mommy mo." Sabi niya sabay ayos ng upo sa kama ko
Umupo na din ako at I lick my lips. Dapat ko na ba talaga iopen sakanya? Sige na nga tutal nagopen na din naman siya sakin e. I sigh "Yes. My parents are divorced."
"Wow. Pare-parehas talaga tayo. Okay, san daddy mo?"
"He's in Canada, with his new family."
"Oh.. Is it okay with you?" Nagiba yung facial expression niya nung tinanong niya yun. Parang nalungkot siya.
I smiled na pilit "Oo. Basta masaya silang dalawa okay na ako dun. At saka wala naman ako magagawa e. Desisyon nila yun"
"Hindi ka ba nalulungkot? And about Jessi you're not so close to him."
Napatingin ako sakanya "Nalulungkot ako syempre. Daddy's girl ako simula bata. And about Jessi." I paused
"You don't like him for your mom."
"No. its not that I don't like him for my mom. Hindi pa lang siguro ako komportable na tawagin siyang uncle or dad."
"Why?"
Yumuko ako at tumingin lang sa kamay ko I took a deep breath and faced him "Kasi siguro hindi ko pa din natatanggap na... Hiwalay na sila ni dad and they have their own happiness with other people."
"We really think alike."
"What?"
"Parehas tayong hindi maka move-on sa nangyare sa pamilya natin. Hindi tulad ng parents natin na masaya at naka get-over na." He said with a smile
"Yeah. Maybe you're right." I smiled at him too.
"Anyway, Thanks for sharing."
Tumayo ako at lumapit sa bed side table ko at umupo ulit sa kama ko. "Yeah sure" Binukas ko yung drawer ng bedside table ko at nilabas ang maliit na box. Sumandal ako sa headboard ng bed ko at pinatong ang legs ko sa kama at naglabas ng weeds sa mini box ko nilabas ko na din yung lighter ko. I put the weed on my mouth and light it using my lighter. I puffed at bumuga ng usok I closed my eyes and smiled. Pagdilat ko tumingin ako kay Ero at yung itchura niya di ko maexplain parang taka-takang na hindi makapaniwala. I smiled then chuckled
"What? You think a good girl can't smoke?" I asked as I puffed again
He smiled "No. Akala ko....."
"Here, Have some." Inabot ko sakanya yung box at lighter kumuha naman siya at nagsindi. Kaya nag jamming kami sa pagwe-weeds. Nakasandal na din siya sa tabi ko.
"Nagsmoke ka talaga?"
"No. Nagsmoke lang ako kapag nalulungkot ako. Mom and Dad didn't know about this." I took another puff
Ero slowly nod his head and puffed his smoke "Van, about dun sa sinabi ko sa mom mo nung dinner."
"Ano dun? Ang dami mong sinabi e."
"About sa panliligaw."
"Oh."
Panliligaw? Is he serious about it? Totoo talaga yung sinabi niya kay mom? Pinatay ko na yung smoke sa ashtray na tinago ko sa ilalim ng kama ko at tumayo. Pumunta ako sa may study table ko at nagayos ulit ng mga libro ko. Hindi na ako makatingin sakanya ang awkward dito. I was waiting for him to speak again I gulped "What about it?" Tuloy pa din ako sa pagaayos ng mga gamit ko. Narinig kong gumalaw yung kama ko. At feeling ko andito na siya sa likod ko.
"Seryoso ako sa sinabi ko. Well, hindi pa naman kita natatanong ng personal talaga. So....."
Nakatalikod pa din ako. I was biting my bottom lip onti nalang dudugo na siguro to. Nakatayo na lang ako sa pwesto ko, Pakiramdam ko ang lapit na talaga niya.
"Van, Look at me." hinawakan niya yung braso ko at hinarap sakanya. Ang seryoso ng itchura niya. Seryoso ba talaga siya? O pinagtitripan nanaman ako nito? "Can I court you?" He asked
Nakatingin lang ako sakanya, especially sa mga mata niya, hawak pa din niya yung braso ko. Ang init ng kamay niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tas naalala ko pa yung sinabi sakin ni mom. 'I like him... for you' Great! Thanks mom! Sumingit ka pa talaga sa mga ganitong sitwasyon. Ano sasabihin ko. He lick his lips and smiled a little. Please Ero wag ngayon, "Okay, Kahit naman hindi ka sumagot, manliligaw pa din ako." Then he showed me his perfect smile "I like you Van, I really do" He added
What did he just say? He.Likes.Me? Seriously??? I was speechless wala ako masabi. He chuckled "I know its still processing in your head. Seryoso ako. Gusto kita at liligawan kita."
Wala pa din akong say then he laughed hindi ko na alam kung ano na itchura ko pabigla-bigla siya e "Sige na matulog ka na, Uuwi na ako. Good night." Tas pumunta na siya sa pinto ng kwarto ko. Ganun pa din yung pwesto ko. Tulala.
"Van" Tawag niya lumingon naman ako sakanya "Lock the doors okay? Good night." then he smiled before he left
Ero ano ba?? Seryoso ba yun? Manliligaw siya? Gusto niya ako? Weh?? Napaupo na lang ako sa kama ko at tulala pa din. Di nga? Kasi naman e. Baka pinagtitripan nanaman ako ng mokong na yun e. Tulala pa din ako at nagiisip ng magbeep yung phone ko. I pulled my phone in my pocket and read the message.
Ero: Don't think too much okay? Pero pwede mo ko isipin haha. See you tomorrow. Good night. :)
Napangiti ako sa message niya sira-ulo talaga. I bit my bottom lip and typed
Me: Sira! Good night. :)
Then I pressed send. Hayy nako. Ano nanaman kaya binabalak nito? Seryoso kaya talaga to? Well, tignan natin.
*****
The days followed after his confession was nothing short of bliss. I finally knew that he's really serious I feel so protected, Hindi siya ganun ka-gentleman but he respected my boundaries. Inaasar niya pa din ako minsan nagaaway kami pero most of the time sweet siya, sa ibang paraan nga lang. Like kapag galing kaming school hindi niya ako didiretcho ng uwi dadalhin niya ulit ako dun sa arena na siraan at bungguan ng kotche ang nagaganap. Date daw namin yun. At minsan naman sa canteen ililibre na niya ako ng food. Take note, baked mac na ang kinakain ko everyday sa school. At tuwing gabi naman before I go to sleep lagi siya nagttxt at tatawag just to tell me na dumungaw ako sa bintana ko na katapat ng bintana niya hindi talaga niya ako titigilan hanggat' hindi ako dumudungaw. Tapos maggo-good night lang naman siya sakin. Tapos after that magttxt nanaman siya saying 'I like you, always remember that. Good night.' Then kinabukasan siya na gumigising sakin minsan dinadalhan niya din ako ng breakfast. Ang sipag na din niya pumasok. One time, sumama pa siya sakin magreview. Ewan ko ba biglang nagbago si Ero.
"Hay nako. Van naiinggit ako sayo." - Natalie
"Naiinggit? Naiinggit san?" tanong ko. Naglalakad kami papunta sa locker namin tapos na kasi klase
"Sayo nga. Kasi ang sweet-sweet ni Ero sayo. Well, sweet din naman si Blake.. pero hindi siya nanligaw like Ero. Ang sweet talaga."
I snorted and opened my locker pero nakatingin pa din ako sakanya "Anong sweet dun? sweet ba yung dadalhin ka sa isang arena na puro siraan lang ng kotche ang nagaganap?" I asked
"Kahit na! effort yun no. Chaka magkatabi lang kayo ng bahay. Dun ako naiinggit. Hmmm... Can I move to your house?"
"What? Hindi pwede!"
"Ano kaba nagbibiro lang ako. Hmmp! Nakakaingget talaga." She opened her locker and she put her things inside
Ako naman I just shook my head at nilagay na yung mga libro ko. Pero may napansin akong iba sa loob. Kinuha ko yung box then I closed my locker.
"Wow! Ferrero! Ang sweet talaga niya!" biglang singit ni Natalie
"Tss.. halika na nga."
"Sungit." Tas naglakad na kami papunta ng parking lot. Andun na si Ero same spot lang yung pinagpaparking-an niya kaya alam kong siya na yun. I bid Natalie goodbye and pumunta na din siya sa slot kung san naka park si Blake. Pagdating ko sa tapat ni Ero naka smirk pa siya sakin.
"What?" I asked
"Wala, buti natanggap mo. Akala ko kinain na nila Tom e"
Napatingin ako sa hawak ko. "Sayo galing to?" Sabay turo sa Ferrero na hawak ko
"Tss. Kanino pa ba? Syempre sakin." Tumalikod na siya at pinagbukasan ako ng pinto "May pangalan ko na nga di mo pa din gets."
I furrowed "What? may sinasabi ka?"
Humarap siya sakin at hinawakan lang yung pinto "Wala, sabi ko sumakay ka na." I shruged at sumakay na sinara na niya yung pinto at sumakay na sa driver's seat. He start the car and we got off.
Pagdating namin sa tapat ng bahay ko pingbuksan niya ulit ako at siya pa nagdala ng gamit ko pati na yung Ferrero at hinatid pa niya ako sa pinto ng bahay ko. "Sige na umuwi ka na. Akin na yan." Sabay kuha ng gamit at ferrero ko. "Thanks dito ah." refering to ferrero chocolates. I pushed my key to the knob at napansin kong andun pa din siya.
"Oh? Bakit andito ka pa? Don't worry Ilo-lock ko yung pinto." Nakatayo pa din siya at yung itchura niya parang may gusto siyang sabihin. I sigh and crossed my arms in my chest "Okay, ano sasabihin mo?" I asked and I raised my brows
He cleared his throut "Ahmm.. Let's go on a date."
"Date? Ero I'm not going back to that arena again."
"No. Ahmm.. This time sa iba naman. I promise."
Nakatingin ako sa mukha niya. Yung itchura niya parang batang nagmamakaawa "Fine. Okay." I smiled
He smiled and nodded "Great. I'll pick you up at 6 this saturday."
"Okay. This Saturday then."
"I'll go now. Lock the door huh?"
"Yes."
Pagkabukas ko ng pinto sinara ko kagad without looking kung nakaalis na ba siya o hindi pa. Sumandal ako sa pinto at napangiti. Date huh? San naman niya kaya ako dadalhin this time?