The Lady in Shining Armor: Mo...

Af imbethqui

138K 3.5K 1.1K

Akala ko ligtas na ako nang lumipat ako sa Monte Carlo High School. Hindi pala. NOTE: Not a paranormal story... Mere

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo High
Author's note
Prologue
I. The New Kid
III. Black Day Friday
IV. The News
V. Suspecting Dawn
VI. Guilty Conscience
VII. Transformation
VIII. Let the Games Begin
IX. The Unexpected Hero
X. Challenged
XI. Escape part 1
XII. Escape part 2
XIII. Truth, Lies, Secrets and Weirdness
XIV. Let Me Give You A Heart Attack
XV. Cloudy
XVI. Switch Part 1
XVII. Switch Part 2
XVIII. Help
XIX. Problems
XX. Solutions
XXI. JS Prom Part 1
XXII. JS Prom Part 2
XXIII. JS Prom Part 3
A Note From Me To You
XXIV. Monday Mourning
XXV. A Helping Hand
XXVI. Missing Victims
XXVII. Lost and Found
XXVIII. Two Is Better Than One Part 1
XXIX. Two Is Better Than One Part 2
XXX. So Little Time
XXXI. Heart, Heart!
XXXII.The Smart Mouth and The Ice Queen
XXXIII. On The Move
XXXIV. Hesitations
XXXV. Fact or Bluff?
XXXVI. Campaign
XXXVII. Distance
XXXVIII. Miss Monte Carlo High 2015
XXXIX. One More Chance?
XL. The Tributes
XLI. Broken Hearts Part 1
XLII. Broken Hearts Part 2
XLIII. Surprise
XLIV. Espada
XLV. Level Up
XLVI. Last Dance
XLVII. Too Late
XLVIII. Divert
XLIX. The Sacrifice
L. Ice and Blood
Epilogue
What's Next?
Notice To All
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 1
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 2
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 3
The Lady in Shining Armor: Reed University
A Sad Note
not a sad note :)
Cast revamp

II. The Roommate

4.7K 107 32
Af imbethqui

A new character here, guys! She'll be with the story for a long time, so I decided on having a good intro for her. 

Media Box: Ignorance by Paramore!

***Dawn's POV***

Ang unang araw talaga ang pinaka-nakamamatay sa lahat ng araw kapag bagong-lipat ka. Nandiyan 'yong mga sobrang matulungin na estudyante, mga curious na estudyante at 'yong mga pasikat na estudyante. Para sa mga tulad ko, first days will make or break you. Ito ang araw na bibigyan ka nila ng label, depende sa ipinakita mo at sa response mo sa iba't ibang klase ng pag-we-welcome. Ano ang sa akin? Ewan. At wala akong pakialam. Basta gagawin ko ang gusto ko at walang makakapigil sa akin.

"Hi! You must be Princess Dawn. I'm Rachel. Rachel Reyes." Dire-diretsong sabi sa akin ng isang magandang babae pagbukas ko ng pinto ng kwarto. Umatras ako ng isang hakbang at tinignan ang room number-- 26 naman. So hindi ako nagkamali ng binuksang kwarto. 

"Dawn." Tumingin muli ako sa babae at dumiretso ng lakad papunta sa kaliwang bahagi ng kwarto. Tinanggal ko ang bag ko at ibinagsak ito sa kama. Tinignan ko ang mga kahon ng gamit ko na hindi ko pa naaayos simula kahapon nang dumating ako dito sa Monte Carlo High.


Nilingon ko ang kanang bahagi ng kwarto-- ang bahagi niya ng kwarto. Asul ang kulay ng pader, kakulay ng kalangitan. May mga ulap at mga ibong lumilipad na nakaguhit dito. Kulay rosas naman ang buong kama niya-- mula sa kumot hanggang sa mga unan. Pati 'yong mga stuffed toys na nakalagay sa kama niya e kulay rosas. Sobrang ayos ng study table niya at may lampshade pa ito sa gilid katabi ng mga libro. 'Yong aparador niya na kapareho ng kulay ng sa akin, ay puno ng iba't ibang klase ng stickers. May full-sized mirror sa tabi nito at isang rack para sa mga sapatos. Paano niya nagawa yun sa loob lang ng isang araw?

"Need help unpacking?" Muli siyang nagsalita habang inaayos ang mga damit niya sa aparador. Parang galing siya sa bakasyon dahil ang dami niyang bag at nakabihis pa siya ng maganda. Mukha siyang sosyalin at nakumpirma ko ito nang makita ko ang mamahaling brand ng mga bag na nakalapag sa kama niya. 

Umiling ako at hinatak ang isang kahon. Binuksan ko ito at isa isang inilabas ang mga damit ko at inilagay ito sa loob ng aparador. Kararating lang kaya niya?


"I heard you're from Sisters of Mary School for Girls. Bakit ka umalis doon?" 

"I got bored." Malapit nang magasgas ang sagot na 'yon. Ilang beses ko nang nasabi 'yon ngayong araw na ito.

She nodded and said, "Mukha ngang boring doon. Ang daming madre, puro babae ang estudyante at dahil doon...walang boys!" Tumawa siya ng mahina at nagpatuloy sa paglalabas ng mga damit mula sa maleta niya. Hindi ba mauubos ang damit niya? "Kaya siguro umalis ka doon kasi walang boys, no?" Pagbiro niya.

Hindi. Hindi 'yon ang dahilan. The hell with boys. Ayoko munang isipin ang nangyari sa akin sa paaralang iyon. Pero kahit ano'ng pigil ko, unti-unting nanumbalik ang mga alalala sa isip ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagbilang hanggang sampu. Inhale, exhale. 'Yon ang sabi sa akin ng psychiatrist ko. Umupo ako sa kama ko at isinandal ang likod ko sa headboard. Hinawakan ko ang ulo ko ng dalawa kong kamay at sinubukang alisin sa isip ko ang mga bagay na iyon.


"OMG! Dawn are you okay?" Narinig ko ang pagkahulog ng hanger sa sahig at agad kong itinaas ang kamay ko para pigilan siya sa pagtulong sa akin. Narinig kong tumigil nga ang tunog ng heels niya at nag-concentrate na ako sa pagpapakalma sa aking sarili. Hindi ako pwedeng atakihin ngayon. Iminulat ko ang aking mga mata at kinuha ko ang aking bag. Hinanap ko ang maliit na bote ng gamot at kumuha ng isang piraso mula rito. Isinubo ko ang gamot at kinuha ang bote ng mineral water sa bag ko at uminom. 

Sumandal ulit ako sa headboard at pumikit. "Tell me about Monte Carlo High School." Mukhang nawala na ang panic ng kasama ko at lumakad na muli siya pabalik sa ginagawa niya kanina.

"It's the best high school in the country, I must say. Hindi naman ako ipapasok dito ni Daddy kung cheap dito. And so far in my more than three years of stay here, I could testify na maganda talaga ang palakad sa school."


"Senior ka na?" Tanong ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. I need a diversion. Any kind of diversion.

"Yup! I just went out this weekend with my Daddy. Ngayon lang kasi siya ulit nakauwi after five years. He made a letter for the Admin at pinayagan nila akong makalabas to go out of town with my him." May yabang sa tono ng pananalita niya. Eh ano kung mayaman ka?

"Kung matagal ka na dito, bakit ngayon ka lang nag-aayos ng gamit? Kung weekend ka lang nawala hindi ba dapat nandito lang iyang mga gamit mo? Pagdating ko kasi kahapon walang gamit dito."

Itinigil niya ang kung anumang ginagawa niya at biglang tumahimik ang kwarto. Sinilip ko siya at nakita kong nakatitig lang siya sa kamay niya habang hawak ang isang blouse. Ano'ng masama sa tanong ko? Bigla siyang nag-angat ng mukha at tumingin sa akin. Sa isang saglit, natakot ako sa titig niyang 'yon. Pinikit-pikit ko pa ang mga mata ko at baka namalik-mata lang ako. Nang buksan kong muli ang mga mata ko, abala na siya ulit sa pag-aayos ng mga damit niya.


"I transferred rooms." Hinintay ko pa ang susunod niyang sasabihin, gaya ng madalas niyang pag-ku-kwento pero wala nang sumunod doon. Hindi ko na inusisa pa ang bagay na iyon. Malay ko ba kung mabaho iyong roommate niya kaya siya lumipat.

"Sa tingin ko, pinangangalagaan talaga nila ang mga estudyante nila dito. Isipin mo, may curfew sa loob ng campus." Naisipan kong sabihin para mabasag ang katahimikan sa pagitan namin.

"Ah, oo. If there's one thing the school is perfect at, 'yon ay ang pangangalaga sa mga estudyante nila. Guards are roaming around kapag curfew na at lagot ka kapag nahuli ka nila sa labas at those times."

"Ano'ng ginagawa nila kapag nakakahuli sila ng lumalabag sa curfew hours?"

"Detention for three days."

Woah. "Hindi ba sobra naman yata iyon?"

"I wouldn't dare if I were you. Labagin mo na lahat, huwag lang ang curfew."

"Are you always this law-abiding?" Mamamatay yata ako sa boredom kapag ganito ang roommate ko. 


"I was the Student Council President. I should abide the law." 

Iyon ang nakakuha ng atensyon ko. Iminulat ko ang mga mata ko at naupo paharap sa kanya. "Was?"

"Yup! I was Student Council President for three straight years."

"What happened? Bakit ngayon, kung kailan Senior ka na, saka ka pa natanggal?" The diversion worked. Kalmado na ako at wala na iyong panginginig ng katawan ko at ang sakit ng ulo ko.

Sumama naman bigla ang mukha ni Rachel. Mukhang mali na naman 'yong naitanong ko. 

"Uhm. Gutom na ako. Tara, mag-dinner na tayo." Pag-aya ko sa kanya. Lumiwanag naman ang mukha niya at sabay na kaming bumaba papunta sa Cafeteria.

***


Habang papunta kami sa Cafeteria, ang daming bumabating estudyante kay Rachel. Siya nga talaga ang dating Student Council President. If the student body loved her so much, kahit na hindi na siya ang president, paano nangyari na natanggal siya sa posisyong hinawakan niya ng tatlong taon? 

Pumila na kami sa counter para kumuha ng pagkain at kahit ang mga tauhan ng Cafeteria ay bumati sa kanya. Umupo kami sa malapit na table at nagsimula nang kumain. 

"Rachel!" Pareho kaming napalingon sa direksyong pinagmulan ng boses. 

Kilala ko 'to, ah. Nawala ang abot-tengang ngiti niya nang mapansin niyang kasama ako ni Rachel sa mesa. Nakalapit na siya sa amin at ngumiti muli kay Rachel. 


"Nakabalik ka na pala. Tama nga ang balitang kumakalat." Hindi siya tumingin sa akin. "Dawn."

"Magkakilala kayo ni Baste?" Tanong sa akin ni Rachel nang hindi tinitignan ang bagong dating. 

Oo, kilala ko siya. Ka-tropa siya ni Peter Castillo, iyong bully sa klase namin.

Tumango lang ako at patuloy na kinain ang aking lasagna. 

"C-classmates kami, Rachel." Narinig ko ang panginginig ng boses niya. Kinailangan pa niyang alisin ang bara sa lalamunan niya para makapagsalita ng tuwid at malinaw. Baka naalala niya kung paano ko inupakan yung Castillo na 'yon kanina. 'Yon ang dapat sa mga pasikat na estudyante! Feeling mga hari ng klase, wala namang binatbat!

"Naku, Dawn, you should beware of this guy at pati iyong grupo nila. They're campus bullies at--"

"Hindi naman, Rachel." Kamot-ulong sabi niya sabay nguso. Hindi cute tignan. "Uhm. Mauna na muna ako, bumili lang kasi ako ng candy."

"Quit smoking, pwede? Ang babata niyo pa, sinusunog niyo na mga baga niyo. Tell that to Peter and the rest of your guys." Sumaludo ito sa kanya at tumakbo palabas ng Cafeteria.


"You seem close." 

"He was a suitor." Sinabi niya 'yon na parang normal na bagay lang. Oo nga naman. Kung kasing-ganda ka ng babaeng ito, tiyak lahat ng lalaki sa iba't ibang baitang magkaka-gusto sa 'yo. 

"So, nakabalik ka na pala talaga. How's your short vacation?" Napa-buntong-hininga na lang ako. Kailan ba mauubos ang kakausap kay Rachel? 

"It's none of your business. If I know, mas gusto mong huwag na akong bumalik. Well sorry to disappoint you, that'll never happen." 

Tinignan ko ang babaeng kumakausap kay Rachel. Kilala ko 'to, eh. Ah, tama! Siya 'yong kasama ng Principal kahapon sa orientation ko. Iyong Student Council President.

"Huwag kang masyadong mayabang. Gusto mo magpasikat dito sa transferee? Bakit hindi mo i-kwento sa kanya kung ano'ng nangyari last year? Isama mo na rin iyong nangyari just last month."


Napatingin ako kay Rachel. Sumama na naman ang mukha niya at sobrang higpit ng hawak niya sa kutsara't tinidor niya. Tumayo siya at hinarap ang SC President.

"Wala akong ginawang masama, Jade. Everybody knows that."

"Everybody's just believing the story that you made, Rachel, because you're their precious SC President. Pero between you and me, alam natin pareho kung ano talaga ang nangyari." Hinawakan ni Jade ang kwelyo ng blouse ni Rachel at inayos ang brooch na nakakabit dito. Tinapik ni Rachel ang kamay ni Jade at sinamaan niya ito ng tingin. 

"I'm not scared of you."

"Of course! I know what you're scared at, my dear." Lumapit ito kay Rachel at bumulong sa tenga niya. "The truth."



---edited 03.28.15 

Fortsรฆt med at lรฆse

You'll Also Like

10.6K 571 44
The woman raised in violence. The woman that's trained to kill. But what if she lost her memories? What if she ended up in a class where she could s...
7.4M 376K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
36.6K 1.1K 39
Nabago ang mga pahina. Naging kumplikado ang bawat alaala. Ano nga ba ang nakatakda? Nakatakda na dapat hindi mabago ng anumang mahika. Book 2 of EA:...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book ๏ผƒ1 || Not your ordinary detective story.