Huling Sandali

By ginoongjoselito

3.8K 704 116

"Behind your smile, there is an untold story." -Via (BOOK 2) Date Started: March 2018 Date Finished: June 25... More

Untold Story
PROLOGO
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
EPILOGO: HULING SANDALI
Author's Note

Kabanata XIII

84 19 0
By ginoongjoselito

#UntoldStory

Via's POV

Sabi nila kapag nakita mo ang isang tao unexpectedly it's just a coincidence. But when you see him again and again, it's not just a coincidence, destiny na tawag don besh!!

Ayan agad ang tumakbo sa utak ko ngayon habang magkatitigan kami ng lalaking kaharap ko ngayon. Halatang gulat na gulat sya dahil hanggang dito ba naman magkikita kami. Syempre nashookt din ako never pumasok sa isipan ko na makikita ko sya AT!! makakasam ko sya sa ganitong klaseng event.

"Ginagawa mo dito!?"

"Ginagawa mo dito!?"

naknang!! Is he imitating me?

Naningkit ang mata ko habang sya naman kumunot ang noo nya.

"Ginagaya mo ba ako!?"

"Ginagaya mo ba ako!?"

I sighed.

Tumawa naman sya ng bahagya. Kinuha na nya ang mga gamit sya saka tumayo. Pero bago umalis tumingin muna sya sa akin na may ngiti. "Nice to see you again, see you around." Sabi nya sabay kindat atsaka umalis na.

Wow yun na yon? Parang ibang Jaye yun ah? Sya ba talaga yon? Tsk. Binitbit ko na din ang mga gamit ko saka lumabas ng bus. Paglabas ko nakita ko kaagad ang kagandahan ng kagubatan. May isang parang hotel lang sa lugar na ito siguro dyan kami tutuloy. Pinapila muna kami saka isa isang pumasok, syempre kailangan munang ibigay yung ticket bago pumasok.

Dumeretso kami lahat sa isang Hall. Nang kumpleto na ang lahat may isang lalaking umakyat sa stage na may na mic.

"Good Afternoon everyone!! Before we start our agenda here. I will introduce myself first, My name is Sebastian Dela Cruz and one of the organizer of this event." Masigla nyang sabi.

Tumahimik bigla ang paligid at nakinig mabuti sa sinasabi ng speaker. "Ginawa namin itong event na ito just to have fun. Yes!  At dahil summer na we all know that most of you haven't plan yet for their vacation. We organized this event para na din sa mga single and broken hearted dyan!!" At syempre usapang lovelife na naman kaya naghiyawan ang mga taong nandito sa Hall.

"Most importantly this event is for the people who feel alone and depressed. Gusto naming iparamdam sa inyo/ sa kanila na nandito kami/tayo para damayan sila at tulungan maovercome ang lahat ng kanilang pinagdadaan. We hope na sana maenjoy nyo ang pagstay dito at syempre mamayang gabi meron tayong party party!!! Whooo!!"

Ayan na naman sila sa hiyawan pero infairness naeexcite din ako hihi. After his speech dumeretso na kami sa mga dorm namin para ayusin ang mga gamit. Hiwalay ang dorm ng boys at girls, sa 1st floor and boys samantalang sa 2nd floor naman sa girls.

"Huy Ate mag-isa ka lang?" Biglang tanong sa akin ng babaeng sumulpot kung saan.

"Oo eh." Sagot ko.

Papaakyat na kami ngayon sa dorm namin. "Gusto mo sama ka na lang sa amin?" Tanong nya.

Napansin kong may kasama pala syang tatlong babae at isang beki. Tumigil sya sa paglalakad saka inilahad ang kamay nya. "Ako si Samantha pero Sam na lang ang itawag mo." Ngumiti naman ako saka nakipagkamay sa kanya.

"I'm Via, nice to meet you"

"Sya naman si Ella best friend ko..." Turo nya sa babaeng maikli ang buhok na may nunal sa ilong.  Kinawayan nya ako kaya ngumiti ako sa kanya.

"... Ito naman si Abby, dito lang namin sya nakilala. Kasama nya si Lara at iyong namang bakla yan hahaha si Lance kapatid ni Lara." Pagpapakilala ni Sam sa mga kasama nya.

"Hi Bes!! Nice to meet you!" Malanding bati sa akin beki este Lance pala hehe.

"So ano? Join ka na sa amin?" Tanong ng babaeng nakabraid ang buhok with matching Hello Kitty na headband. Ang cute. Teka Sino nga ba ito? Abigail? Abi.. Abby. Oo tama Abby.

"Sure why not." Sagot ko

"Yeheyyyy!!" Hiyaw nilang Lima. Naglakad na muli kami saka dumeretso sa dorm. Tabi tabi din kami ng mga higaan.

Natawa naman ako dahil nagpupumilit si Lance na sa girls room sya matutulog pero syempre bawal kaya padabog syang bumaba hahahaha.

Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit at magbihis dumeretso na agad kami sa canteen para mananghalian. Kasama ko ngayon ang mga bagong friends ko. Yes, sila yung mga nagpakilala sa akin kanina and so far okay naman sila kasama masasaya silang kasama.

"Ayun dun tayo pumwesto sa dulo dali!" Turo ni Sam sa dulong pwesto dito sa canteen. Di na kami umangal kaya dun na kami pumwesto.

"Seriously girls, excited na talaga ako sa mga mangyayari today and for tomorrow!!" Excited na sabi ni Abby pagkaupo namin.

Magkakatabi kami ni Sam at Ella samantalang sa kaharap na upuan naman sila Abby, Lara at Lance. Habang hinahanda pa ang mga pagkain nagkwentuhan muna kami.

"Haynako kanina ko pa nililibot ang mata ko pero wala pa din akong nakikitang gwapo dito tsk." Masungit na sabi ni Ella.

"Girl, kanina may nakita akong gwapo!! Heartthrob ang datingan mga bes! Naka shades sya tapos ang angas nya maglakad!! Huhuhu crush ko na talaga sya!!" Kilig na kilig na kwento ni Lara sa amin halatang inggit na inggit naman sila Sam, Ella at Abby pfft.

Ako? Tsk wala akong interest sa mga boys. Actually sila nga ang may interest sa akin eh, well hindi naman sa pagmamayabang pero maganda kasi ako hmmm medyo kagawig ko si Kim Chui hahaha.

Medyo nilapit ni Lance ang mukha nya sa amin. Halatang may chika na naman si girly. "Wala kayo sa akin girls, bukod sa may nakita akong gwapo... Magkatabi pa ang higaan namin!!" Sigaw ni Lance.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano naman itsura nung guy na sinasabi mo?" I asked. Na curious ako eh bakit ba hahaha.

He rolled his eyes. "Speaking of an angel.. Gwapong anghel." Nilayo nya ang mukha nya saka tumingin sa kung saan.

Kaya sinundan namin tingin ni Lance. Mabilis na nagreact ang mga girls. Totoo nga ang sinasabi ni Lance, isa nga syang anghel. Seryoso syang nakatingin sa paligid habang nakapamulsa, naghahanap siguro sya ng mauupuan. Yung mata nya ang pupungay, bumagay sa kanya an kulay ng balat. Maputi sya at kahit sa malayo kitang kita pa rin kung gaano katangos ang ilong nya. Gosh! Bakit ang gwapo ng lalaki na ito!?

"Girls feeling ko mas gwapo ito kaysa sa lalaking nakita ko kanina!!" Titig na titig pa din sya sa lalaking nakatayo.

"Kahit siguro titigan ko sya ng buong araw di ako magsasawa hays." Nakangalumbabang sabi ni Abby.

"Grabe no? Ang inosente nyang tignan para talaga syang anghel. Mukhang simpleng lalaki lang sya, hindi babaero, mukhang di manloloko... Jusko Ang perfect nya!" Puri naman ni Sam.

"Ano kayang pangalan nya? Tanungin kaya natin?" Tanong ni Ella sa amin. Napatingin naman kaming lima sa kanya.

Hindi na nila kailangang itanong pa dahil kilala ko naman sya. "Jaye.." Bigla silang napatingin dahil sa sinabi ko. ".. Jaye ang pangalan nya." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Kilala mo sya!?" Nakakagulat naman mga babaeng ito. Kailangan sabay sabay talaga magtanong?

"Ah eh kilala ko lang sya pero—"

"Jaye!!" Nanlaki ang mata ko dahil tinawag ni Lance si Jaye. Napatingin ako kay Jaye na halatang nagulat din. At sa minalas malas ka nga naman nakatingin din pala sya sa akin. Seryoso lang syang nakatingin sa akin kaya mabilis akong umiwas. Nako naman nakakahiya bakit parang hindi si Jaye yon? Ang seryoso masyado ng mukha nya.

"Si Via? Tawag ka ni Via! Halika dali!" Sigaw ni Lance kay Jaye habang nakaturo sa akin.

Hinampas ko naman ang kamay nya na nakaturo sa akin. "Huy ano ka ba nakakahiya!! Kilala ko lang pero di ko sya close ano ba naman kayo!" Naiinis kong sabi.

"Sus girl nahiya ka pa! Di mo man lang sinabi sa amin na may gwapo ka pa lang kakilala dito" Sabi ni Ella.

"Uhh—"

Magsasalita pa sana ako kaso naramdaman kong may tumabi sa akin. Pagtingin ko, si Jaye. Kumunot ang noo ko samantalang sya nagpout. Tsk nagpapacute ba sya sa akin?

"Tsk wag mong isiping nagpapacute ako sayo kasi cute naman na talaga ako matagal na" Sabi nya saka ngumiti sa mga kasama ko.

I-is he a mind reader? Oh my God.

"Hello sa inyo, uhh sorry ah wala kasi akong kakilala dito mabuti na lang nandito si Via." He said.

"Wala yon mabuti nga nandito ka eh para naman may gwapo kaming kasama." Pabebeng sabi naman ni Lara  -_-

Tinignan ko yung itsura ni Jaye. Seriously I can't determine his facial expression right now. Ewan ko ba kung nagpapabebe lang sya o talagang nahihiya lang sya. Pero bago pa lumandi ang mga kasama ko because I'm sure crush na crush na nila ngayon si Jaye, dumating na yung magseserve ng pagkain namin.

Habang kumakain kami ini-interview na nila si Jaye. Tinatanong ng kung ano ano ako naman taga kinig lang. Ayoko nga magtanong isipin pa nya interesado ako sa kanya hmp.

"So saan ka magaaral ngayon?" Tanong ni Abby.

"Hmmm if I passed the entrance exam in UP then dun na ako magaaral" Nakangiting sagot ni Jaye.

"Are you still single?" Lara asked.

"Baliw! ano ka ba nililigawan nya ngayon si Via." Biglang singit ni Lance.

Napaangat ako ng ulo saka seryosong tumingin sa kanila. "Hoy anong pinagsasabi nyo?"

Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Jaye. "Magkaibigan lang kami nito." Kunot noo akong tumingin sa kanya pero di ko ineexpect na magkalapit lang pala ang mukha namin. Imbis na kiligin ako nainis pa ako dahil ayan na naman yung ngiti nya. Yung ngiting labas gilagid -_-

Inalis ko kaagad ang kamay nya sa balikat ko saka nagpatuloy sa pagkain. Hays sana na talaga magenjoy ako dito.



'4:28pm'

Pagkatapos naming kumain dumeretso agad kami sa mga kwarto namin. Sabi kasi ni kuya CJ mamayang gabi pa daw magsisimula ang party party. Kaya may free time kami to do whatever we want. Yung ibang girls napagplanuhan na mag swimming sa dagat habang ang iba naman nagtampisaw lang sa tabing dagat.

Tutal wala naman akong ginagawa dito sa kwarto saka hapon na naman so I decided to go out. "Oh! Via san ka pupunta?" Tanong ni Sam ng papalabas na ako ng kwarto.

"Sa labas lang magpapahangin" Sagot ko.

"Pahangin? Gusto mo lakasan natin yung aircon para di ka na lumabas?" Natatawang tanong ni Lance.

Yes, nakapasok sya sa kwarto namin kahit lalaki sya. Sumbong ko kaya sya para mapalabas sya dito? Tsk. I rolled my eyes di ko na lang sila pinansin binuksan ko ang pintuan saka lumabas. Di ko alam kung bakit pumayag akong sumama sa kanila hmp.

Pagkababa ko nakita kong may lumabas sa kwarto ng mga lalaki. Sino pa ba edi si Jaye. Nakalong sleeves sya na kulay puti saka black short. Tatawagin ko na sya kaso wag na lang kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Via!" Narinig kong tawag nya kaya nilingon ko sya.

I smile.

"Finally nalaman ko din pangalan mo, ang tagal na nating nagtatagpo pero ngayon ko lang nalaman name ko hahahaha" Natatawa nyang sabi habang papalapit sa akin.

Hindi pa ba nya alam pangalan ko? Hindi ba ako nagpakilala sa kanya?

"Oh by the way saan ka pupunta?" He asked.

"Hmmm dyan lang sa tabing dagat magpapahangin." I answered.

"Can I come with you?" He asked... Again.

Ano pa bang magagawa ko, gusto ko pa naman mapagisa hays nakakahiya naman kung tatanggihan ko sya. "Sure, why not."

Hinawakan nya ang kamay ko saka naglakad. "Let's go"

Napatigil sya sa paglalakad dahil napansin nyang di ako sumunod. "What?"

"Kailangan talaga magkahawak ng kamay?" I asked sarcastically.

Mabilis nyang binitawan ang kamay ko saka ngumiti ng pilit. "Hehehehehe." Nagpeace sign sya.

Ngumiti naman ako bago nagpatuloy sa paglalakad baka kasi isipin nya masungit ako. Pagdating namin don kakaunti na lang ang mga naliligo sa dagat at puro lovers ang nakikita naming naglalakad lakad. Napasimangot naman ako naisip ko dapat pala di na lang ako lumabas.

"Oh bakit ka nakasimangot?" Tanong ni Jaye habang naglalakad kami.

"Wala ka na don." Masungit kong sagot.

Tumingin naman ako sa kanya para tignan kung anong magiging reaction nya sa sagot ko. Ngumiti lang sya saka tumango tango. Infairness ah ang gwapo nya sa suot nya ngayon.

Literal na naglakad lang talaga kami. Hindi kami naguusap, nagtatanong sya pero di ko sinasagot. Yung iba sinasagot ko naman pero pasungit hehe.

"Pwede ba mamaya sumama ako sa inyo para sa event mamayang gabi?" Tanong nya saka tumigil sa paglalakad.

Kaya tumigil din ako at tumingin sa kanya. "Bahala ka." Maglalakad na sana ako ulit pero nagulat ako ng bigla syang maglakad pabalik sa pinanggalingan namin.

"Hoy saan ka pupunta?" Pasigaw na tanong ko sa kanya. Lumingon sya sa akin na may ngiti.

"Babalik na ako sa dorm. Alam kong gusto mong mapag-isa sorry kung naabala kita. Bye." Kumaway sya saka naglakad na papalayo.

And I was left dumbfounded. Hala baka napansin nya na wala ako sa mood. Baka isipin din nya na ayaw ko sya kasama. Hala lagot nakakahiya!!! Napahilamos bigla ako ng mukha. Jusko Via anong ginawa mo!? Huhuhu. Kasi naman eh bakit puro lovers ang nandito ngayong oras!? Tsk.

Nawalan na tuloy ako ng gana maglakad lakad kaya bumalik na rin ako ng dorm. Habang pabalik ako naiisip ko si Jaye. Naalala ko yung mga araw na nagshare si Jaye sa akin about sa girl na nafriendzone sya. Baka kaya sya nandito para makamove-on. Napahilamos muli ako ng mukha ano bang ginagawa mo, Via? Huhuhu. Are you forget? Si Jaye yung nandyan nung araw na tuluyan ka ng iniwan ni Ian, si Jaye yung nandyan at nagbigay ng motivation sayo. Si Jaye yung nagbigay ng payong sayo nung araw na umiiyak ka habang umuulan.

Bago ako pumasok sa dorm bumuntong hininga ako. Sa tingin ko kailangan kong bumawi kay Jaye. Mag-isa lang sya dito kaya kailangan nya kahit isa lang na makakausap at makakasama. Tama!! Babawi ako sa kanya.

OPLAN 101: MAKE HIM FALL IN LOVE WITH ME. charot!!



A/N: Enjoy Reading!!

Continue Reading

You'll Also Like

9.7K 345 11
Safe Girl meets Troublemaker Boy. Marga was a safe girl. Kaya nang ligawan siya ng trouble-maker na si Kris, nakipag-compromise na lang siya dito. Sa...
170K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
280K 15.3K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.