My Naughty Bratinella (Comple...

By twinklingberyl

151K 2.5K 151

KONTRABIDA? Okay Fine at least may bida pa rin. GORGEOUS? Oh well, hindi naman maikakaila, right? MAYAMAN? i... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
For Special Chapter
Special Chapter
Author's Note

Chapter 1

7.1K 87 3
By twinklingberyl

Amethyst's POV

"Dad?" I uttered sweetly as I sat down beside my dad who's reading a newspaper.

"Magkano?" Dad asked.

BWAHAHAHA kilalang kilala na talaga ako ni dad.

"Mga twelve thousand lang po," I answered.

"Amethyst! Kakabigay lang ng Dad mo ng allowance mo for this week 'di ba?" singit ni Mommy.

"Pero mom... kulang e."

"Kulang? Kulang pa ba sa'yo ang twenty thousand per week?"

"Unfortunately mom," I answered pouting.

"Ilalagay ko na lang sa account mo mamaya. Sige na at pumasok ka na dahil baka ma-late ka pa sa klase mo," ani daddy.

"Hay nako,Albert! Kaya nagiging spoiled yang anak mo e," mom complained kaya natawa na lang dahil parang hindi pa siya nasanay sa napakaganda niyang anak.

"Bye Mom. I love you," sabi ko sabay kiss sa kanya.

"Pasaway ka talagang bata ka," bulong niya ng umiiling.

"Bye Dad.I love you," sabi ko naman kay dad at hinalikan din siya sa pisngi bago ako umalis at pumunta ng school.

After half an hour of biyahe going to school... here I am again, studying the course that I don't like -- the business management. Pinilit lang naman ako ng parents ko e. They told me that they will follow everything I want as long as I'll take and finish the said course. No choice kaya ayun, pinagbigyan ko na lang sila.

"Amethyst!" Trish shouted. Ang best friend kong semi-abnormal at paranoid dahil sa walang freedom.

"Ui! Shopping tayo after class. Treat ko," salubong ko sa kanya. Bigla naman siyang sumimangot.

"As if naman papayagan ako 'di ba?" she crossed her arms and pouted her lips.

"As usual." nasabi ko na lang.

"Sorry."

"It's okay, I'm already used to it. Ako na nga lang mag-isa! Tara pasok na tayo," Niyaya ko na lang siya pumasok sa room since wala rin namang patutunguhan 'tong pag-uusap namin. Tinry ko lang siyang yayain. Yes, she'sTrish Alcantra ang best friend kong baliw. Preso. Walang freedom e. School at bahay lang. Walang gimmick, walang gala. Puro aral. OMG! Hindi ko siguro kakayanin 'yung gano'ng buhay. Ang bored e.

Classroom.

Business Statistics ang tina-tackle ng aming professor na lesson at inaatake na naman ako ng boredom.

"Ms. Amethyst, is there any problem?" biglang tanong ng prof. Napansin atang hindi ako mapakali sa upuan ko. The heck, anong idadahilan ko? Walang modo naman ata kung sasabihin kong inaantok ako?

"Uhm...U-umatake po 'yung migraine--tama! Umatake po 'yung migraine ko," I said. Nag-inarte pa ko na kunwari talagang masakit ang ulo ko. Where on earth did I get that lame excuse?

"Gusto mo bang magpahinga sa clinic?" nabigla naman ako sa tanong ni prof. Clinic? As if naman may migraine talaga ako.

"Ah, ma'am? Is it okay if I'll go home na lang? I'll be more comfortable po kasi kung sa bahay ako magpapahinga."

Tama! Uuwi na lang ako sa bahay para makapagpalit at para makag-shopping. Ang talino ko talaga.

"Okay, you may go home now. Get well soon Ms. Tuazon para makahabol ka sa lesson natin ngayon," she answered.

Effective! Agad kong kinuha 'yung gamit ko at palihim kong kininditan si Trish. Magalang akong nagpaalam sa aming professor bago ako tuluyang lumabas ng room.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay at dumeretso agad ako sa walk in closet ko para mamili ng isusuot. Napili kong isuot ang pink short ko, pink sandals with matching something kaek-ekan on my top. Oha, ang ganda ko talaga! Siguro babawi na lang ako bukas sa subject ko. Sa ngayon mukhang kailangan kong mag-shopping. Hehe konting retouch pa then go na ko!

Ipinag-drive ako ni manong driver papuntang mall. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob, halos lahat ng mata sa akin nakatingin. Oooops! Ganyan na ba talaga ako kaganda?

I went straightly to demartment store. Nasa girl's corner ako at namimili ng mga trendy clothes ng paglingon ko... isang lalaking... damn! Paano ko ba siya ide-describe? He's looks so cool kasi and so handsome! He's also busy looking for some clothes at the boy's corner kaya siyempre... sino ba naman ako para magpahuli?

Pumunta ako sa boy's corner siyempre para magpa-cute! Kunwari mamimili din ako ng damit at pumwesto ako sa tabi niya. Meron akong nakita do'n na isang damit na nag-iisa na lang ang design at bigla kong naisip 'yung pinsan kong lalake na nasa Hongkong. Wala lang, may maidahilan lang. Bibilhin ko 'yun para naman hindi obvious. Pero nung kukunin ko na 'yung damit na 'yun, biglang may isang kamay ang humawak din do'n and guess who? Si baby boy na cool at gwapo!

"Uhm...miss, ako ang nauna dito," seryosong sabi niya.

"Pero kanina pa ko dito," nagpapa-cute naman na sagot ko.

"Yeah, I know. Pero tinititigan mo lang siya 'di ba?"

"Pero ako nga po ang unang nakakuha," I answered as I am trying my best to keep calm. Aba, don't tell me makikipagtalo 'to?

"Ibigay mo na lang sa akin 'to para wala ng gulo. Dahil ako naman talaga ang nauna dito," he uttered. Aba! Nakipagtalo nga ang loko. Sino ba siya huh? Well, siya lang naman 'yung cool handsome guy na pinapakyutan ko. Pero dahil sa ginagawa niya, nakaka-turn off. Tss.

"So kelangan ako ang magbigay, GANO'N?" I asked irritated. Kung tarayan lang pala, kala niya uurungan ko siya. Kaso mukhang hindi rin siya magpapatalo. Gano'n ba siya ka-desperado sa damit na 'yun?

"Ikaw nga ang nauna dito pero ako naman ang nakakuha.GETS?"

"Ang gentleman mo rin no?"

"Thanks," narinig ko pang sabi niya habang naglalakad siya patungo sa counter.

Talagang hinahamon niya ko ah. Although wala naman akong pakialam sa damit na 'yun in the first place. Ayoko lang talaga sa lahat 'yung nakikipagtalo sa akin at ayaw ibigay ang gusto ko.

"Fuck," I whispered. "HOY IKAW!" sigaw ko at dinuro ko pa siya. And take note, wala man lang karea-reaksiyon ang kanyang mukha ng balingan niya 'ko. Abnormal ba 'to? "ALAM MO BANG WALA PANG GUMAGAWA SA AKIN NITO?!" oo napasigaw na 'ko sa sobrang inis na siyang nakakuha ng atensiyon ng ibang customers.

"Then?" tanging sagot niya ng blangko pa rin ang ekspresiyon kaya naman hindi ako agad nakapagsalita."Kung wala ka ng sasabihin, umalis ka na harap ko," patuloy niya. Aba, at pinaalis pa talaga ako. Gosh, very unbelievable!

"HOW DARE YOU!" this time, badtrip na talaga ako.

"Bakit mo ba pinag aaksayahan ng oras 'tong damit na 'to?" pagsusungit niya. "Oh, sige sa'yo na lang!" sabay hagis niya sa mukha ko. Buwisit! Hindi porke gwapo siya puwede na niya 'kong astahan ng gano'n.

Hinagis ko naman sa kanya pabalik 'yung damit. "No need! Bibili na lang ako ng mas mahal diyan!" I boasted arching an eyebrow. 'Yung doble pa sa presyo niyan.

"Iyon naman pala e. E 'di umalis ka na sa dadaanan ko," aniya sabay tulak sakin at dire-diretsong pumunta sa counter.

That guy... how dare him! Napahiya ako at siya lang ang gumawa sa akin no'n! Does he even know how to be gentle with girls?

Maktol akong lumabas ng mall. Nawala 'yung fire ko sa pagsa-shopping because of that evil guy! Nasa biyahe na 'ko pauwi sa bahay when my phone suddenly rang.

"Yes, dad?" sagot ko sa taong nasa kabilang linya.

[Are you still in school?] dad asked.

"Uhm, kaka-out ko pa lang po." I lied. "Why, Dad?" tanong ko para hindi na humaba pa.

[Come to my office now.]

"As in, ngayon na po?"

[Yeah. Hurry up. Ingat sa byahe.] sabi pa niya bago pinatay ang tawag.

Bihira lang akong papuntahin ni dad sa company kaya naman nagtaka ako kung para saan 'yun. Ah, bahala na nga. Kalahating oras lang naman ang byahe ko kaya agad akong nakarating sa company at dumeretso sa office ni Dad.

"Oh, mom? You're here also?" salubong ko ng makapasok ako sa office ni Dad dahil nakita ko si Mommy na nakaupo sa may couch. "I hope it's not about the business Dad," usal ko ng mabaling kay Dad 'yung atensiyon ko.

"No anak," Dad answered.

"So bakit niyo po ako pinatawag?"

"It's about you're marriage." it's mom who answered.

"Ah... marriage lang pala—ANO PO? MARRIAGE? AS IN KASAL? WHAT THE—SERYOSO PO KAYO?"

"Yes, anak. But don't worry. After graduation pa naman ang kasal mo. As of now, imi-meet mo lang 'yung future husband mo." Mom said explained.

"Future husband? Mom, why? Dad, what's this? Is this an arranged marriage?" I asked in disbelief.

"Exactly." matipid na sagot ni Dad.

"Dad? Are you kidding? Magpapakasal ako sa taong hindi ko naman gusto? Atsaka gosh... ayoko pa pong magpakasal!"

"Hija anak... gaya ngang sabi ng mommy mo, after graduation pa ang kasal. Sa ngayon, ipapakilala ka muna namin sa future husband mo. So may time kayo for getting to know each other," paliwanag ni dad pero hindi ko pa rin maintindihan.

Oo nga, after graduation pero duh? I'm still young that time at ayoko pang malosyang! Shit. I think I have no choice because they already made a decision.

Pumayag ako sa kagustuhan ng parents ko na makipag-meet daw do'n sa pesteng future husband ko. Mahirap na kasi makipagtalo sa kanila dahil ako lang din ang mauubusan ng sasabihin. Gosh, hindi puwede 'to! Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi matuloy ang pagmi-meet namin.

**************

Cloud's POV

Kararating ko lang kaninang umaga galing Australia. I went straightly to the mall for pasalubong. Lecheng Cullen kasi 'yun, pasalubong pasalubong pa kasing nalalaman. Tss. Anyway, I'm Cloud Montero and for you to have an idea about me, I'll tell you a short introduction. They told me I'm handsome, I'm intelligent, cool, talented and I'm a son of a business tycoon.

Okay, back to the mall earlier... Since I didn't able to bring pasalubong for Cullen, I've decided to buy him a clothe. Kunwari na lang galing Australia, tss. I didn't expect na may makakasagupa akong isang babaeng hindi ko alam kung saang planeta nanggaling. Napakamaldita. Hindi ko ugali ang makipag agawan pero wala na 'kong oras para mamili pa ng iba dahil minamadali na 'ko ni dad na magpunta sa office niya.

Dad's office.

"So 'yun ang rason kaya niyo 'ko pinauwi dito?" inis na tanong ko sa kanila ng malaman ko ang dahilan ng biglaang pagpapauwi nila sa akin. Gano'n na ba sila ka-desperado na makapag-asawa ako ng mayaman? "Mom naman e. Hindi ba puwedeng ako na lang ang pipili ng mapapangasawa ko?" napasandal ako sa pader ng office ni dad as I crossed my arms out of annoyance.

"Anak, she's a good girl from a good family and I'm sure you'll like her. At regarding sa pag-aaral mo, ipina-enroll ka na namin dito," ani daddy kaya nabigla ako.

"WHAT? YOU MADE A DECISION WITHOUT ASKING ME?" halos pasigaw ng tanong ko sa kanila. Nakakainis na talaga!

"Anak, kung dito ka mag-aaral, mas may time kayo para makilala ang isa't isa," mom explained.

"Whatever." I said as I turned my back on them.

"Where are you going? Parating na ang future wife mo at ang parents niya." I heard mom said.

Aba, at ngayon pa pala kami magkikita ng future wife ko kuno. No, I don't like her and I don't want to meet her!

"I'm going to the comforrt room," I answered without looking at them before I left.

"Bumalik ka agad!" pahabol ni mommy.

Of course, I'll be back. I'll be back after 10 years! Ano 'ko tanga?

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 53.8K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.8M 75.6K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
560K 14.8K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...