Aquarius (PUBLISHED UNDER IMM...

By allileya

396K 16K 2.4K

✨PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE✨ - Genevieve Hutton's life is almost perfect. She couldn... More

Surprise! Surprise!
Update
Aquarius
Book Covers
Dedication
Prologue
Chapter 1: Preparation
Chapter 2: Incipient
Chapter 3: Signs
Chapter 5: Crying in the Rain
Chapter 6: Binx Cristobal
Chapter 7: Discover and Save
Chapter 8: Fact-Finding
Chapter 9: Solicitude towards Eve
Chapter 10: Nemesis
Chapter 11: A Life-and-Death Correlation
Chapter 12: Drops of Fluid
Chapter 13: Colloquy on AU
Chapter 14: Therapy
Chapter 15: The Dawn
Chapter 16: Rainbows and Sunshine
Chapter 17: Happiness in Disguise
Chapter 18: Graduation Day
Chapter 19: Mixed Emotions
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: Nervous Breakdown
Chapter 22: Her Decision
Chapter 23: Home
Chapter 24: Bombarded by Crowd
Chapter 25: Difficulties
Chapter 26: Press Conference
Chapter 27: Emotionally Distress
Chapter 28: Reanna Aguillard
Chapter 29: Overheard
Chapter 30: A Beginning to an End
Epilogue
Note
Announcement

Chapter 4: The Booth and Stranger

10K 539 48
By allileya

GENEVIEVE

Pababa na sana ako ng hagdan nang mahagip ng paningin ko sila mommy at daddy na nag-uusap sa may sala.

"Aalis ka?" Tinignan ako ni mommy mula ulo hanggang paa.

"Hmm, school," I answered quickly as I continue to walk towards them.

"Napag-usapan na natin ito, 'di ba? Hangga't hindi ka pa–"

"Magaling na po ako!" taranta kong sabi. Nagulat naman sila sa bigla kong pagsagot kaya napakapit ako ng mahigpit sa strap ng bag ko. "Una na po ako..." I stuttered as I kissed them goodbye on the cheeks before leaving the house.

"Eve! Come–" Bago pa man matapos ni mommy ang sasabihin niya ay nakalabas na ako ng bahay.

Bumuntong hininga ako at napapikit ng mariin. Ngayon ko lang ito nagawa. Ngayon ko lang sila hindi pinakinggan. But, what's wrong with going to school? I need to study, anyway. That's the purpose of our life.

Nagsimula akong maglakad palabas ng subdivision pero mayamaya lang din ay may tumigil na sasakyan sa harapan ko. I rolled my eyes when I realized that it's our car and my driver is smiling weird at me. Geez. Hanggang ngayon ba ay wala pa rin silang tiwala sa 'kin? I can take care of myself! Hello? I'm already eighteen for pete's sake! I'm in legal age!

Wala akong nagawa kaya padabog na lang akong pumasok sa loob ng sasakyan.

"Tara na po," napilitan kong sabi kay Mang Ben.

I buckled up my seatbelt as soon as I fixed my jacket. Baka makita pa ni Mang Ben ang kamay at braso ko, isumbong pa ako sa parents ko. Mahirap na. And yup, naka-civillian ako ngayon. Kitang-kita pa rin kasi ang pamumula ng buo kong katawan pero magaling na ako. Really. Hindi na naman siya makati at masakit, eh. Kailangan ko na ring pumasok kasi marami na akong na-mi-miss.

Habang naglalakad sa may hallway ay nakita ko agad si Reanna na papalapit sa direksyon ko habang may ngiti sa kanyang mga labi. Speaking of mga na-mi-miss ko, Reanna is one of them. Nang makalapit na siya ay agad kaming nagyakapan. Oh my, I missed my best friend!

"I missed you! What happened to you, beast?" she said, looking intently at me.

"Uhm, I'm sick," I stuttered.

"Oh. Fever? That long?"

I don't know what to say to her so I just nodded my head. Ayoko na rin kasing pag-usapan pa 'yong mga nangyari. It's been two weeks and I suffered a lot because of such an allergy. Sa loob ng linggong iyon ay wala man lang akong ibang ginawa kundi ang magpagaling at uminom ng gamot. Yes, I stayed in our house and not in the hospital. Nakakasawa. Nakakabagot. Pero hindi naman ako puwedeng basta sumuko na lang, hindi ba? It's just an allergy, after all. It has a cure or treatment para mawala siya. So, I don't need to worry that much. I can survive it. I just need to–

"Hey! Snap out of it!"

Napabalik ako sa reyalidad nang makita ko sa harapan ko si Reanna na kumakaway-kaway. Kumurap-kurap ako saka umiling-iling.

"May sinasabi ka?" lutang na tanong ko sa kanya.

"Malamang meron pero ayan oh, lutang ang kinakausap ko. Tss. What's wrong with you, Genevieve?" she said while pointing her finger at me.

What's wrong with me? Well, uhm, my allergy. Oo nga't hindi na ako inatake ng dalawang araw bago ako pumasok pero kailangan ko pa ring mag-ingat sa mga bagay na mahahawakan, maiinom o malalanghap ko. We still don't know what my allergy really is. My dad never allowed me to go to the hospital during my sufferings. And I understand him. I know that he's just concern at me and I can't blame him for that. It's just that I–

"Hoy! Ano ba! Kanina ka pa!"

I was taken aback once again by Reanna's lament. Nakita ko siya na nakabusangot at parang gusto na akong sakalin.

I laughed. "Oh, I'm sorry. May iniisip lang ako."

"At ano naman iyon, aber?!" Tumaas ang isa niyang kilay as she crossed her arms over her chest kaya lalo lang akong natawa. Galit na siya. Sus! Mawawala rin naman iyan.

"Iniisip ko lang kung bakit ba ang ganda-ganda ko talaga. Nakaka-stress na masyado, eh." I was just joking but I guess she took it seriously.

"Ay, hindi rin. Ako lang naman ang maganda sa atin. Always remember that. Tara na nga!" Padabog siyang naglakad kaya na-carried away naman ako habang nakahawak sa braso niya.

Mayamaya lang ay nakarating na kami sa classroom namin. And as usual, kanya-kanya sila ng business. Walang pakialamanan.

"Guys, may announcement!"

Naagaw ang atensyon namin dahil sa sigaw ng isa naming kaklase.

"Good day! We will be having an event for St. Valentine. This morning, magkakaroon tayo ng iba't ibang games and booths, while on the afternoon there will be a program at the open field. Please cooperate, guys. Attendance is a must. That's all, thank you."

Pagkatapos naming marinig ang announcement galing sa P.I.O ng student council ay binalot agad ng sari-saring reaksiyon ang buong room namin.

"St. Valentine? Who's that?" I asked out of nowhere, but Reanna reacted to it.

"Hello, Genevieve? Where on earth did you come from? Hindi mo kilala si St. Valentine? My goodness! Okay ka lang? O baka naman kailangan mo pa magpahinga?"

Jusko. Nagtanong lang naman ako kung sino si St. Valentine, ang dami niya na agad sinabi, ah. And obviously, wala roon 'yong sagot.

"Well, it's Valentine's Day, Eve. Si St. Valentine ang dahilan kung bakit natin sine-celebrate ang Valentine's Day kada taon. Kaya nga Valentine, hindi ba? The purpose of it is to honor him."

Oh? Really? Hindi ko man lang iyan alam. Ngayon ko lang din nalaman na February fourteen na pala. Time flies so fast.

I sighed. "Okay." Handa na sana akong umalis nang pigilan niya ako.

"Hep! Saan ka pupunta? 'Di ba kakasabi lang na may mga games tayo ngayong umaga? So, let's try it. I saw some booths near at the open field. Ano, tara?"

Hindi ko na nagawang makapagprotesta pa nang hilahin na ako ni Reanna palabas ng room. I just rolled my eyes in annoyance. This is not a good idea. Dapat pala talaga hindi na muna ako pumasok, wala naman palang lesson. Ang wrong timing ko naman.

Nang makarating na kami sa may open field ay sinubukan namin ang iba't ibang booths at isa na lang ang hindi namin nasusubukan. Ang 'Balloon Booth'. Cool. Maglalaro kami ng balloons. I miss doing this.

"Five balloons, cute guy!" sabi ni Reanna sa lalaking nakabantay sa booth saka kinindatan ito. Nakita ko namang nag-blush iyong guy kaya napa-poker face na lang ako. Oh, God! Ito talagang babaeng ito! "Thanks!" Kinuha niya ang balloons sa lalaki saka niya ito sinenyasan ng isang halik.

"Can you please stop that, Reanna?" Natatawa ko namang saad nang hindi ko na sila makayanan pero sure akong naramdaman niya ang kaunting pagkairita sa boses ko. Like duh, balloon booth ito hindi landian booth.

"What? I'm just enjoying! We're just enjoying! Right, cutie?" She laughed.

"Whatever, beast!" Tinalikuran ko nga habang natatawa na rin ako. Ang landi ng bruha, eh!

I was about to take a step forward when I felt something on my head.

"What the?" Hinawakan ko ito at naramdaman kong basa ito. "Reanna!" I shouted in shocked.

"What?" painosenteng sabi niya habang nangingiti saka tumalikod para sana tumakbo pero may nabunggo siya. Ha! Buti nga!

"Kuya, sampu!" sabi ko sa lalaking nasa booth habang nakatingin pa rin kay Reanna. Baka kasi mawala siya sa paningin ko, mahirap na.

Kumuha ako ng isang balloon saka ibinato agad kay Reanna na nakatalikod. Narinig ko naman ang paimpit niyang sigaw kaya tumawa ako pero ramdam ko ang pagtama ng isa pang balloon sa mukha ko.

Damn! It's so cold! At ang sakit 'non ah? Sa mukha ko pa talaga. Ang bilis naman niya yatang gumanti.

Binato ko rin siya at ilang beses kaming nagsalitan ng pagbabatohan ng balloon na may lamang tubig hanggang sa mapagod na kami.

"Teka lang, ayoko na." Hingal na sabi ni Reanna saka humiga sa may ground. Ginaya ko nga.

Mabuti na lang talaga pala at may dala akong extra shirt and pants. And of course, bra and undies. Nasa locker lang namin iyon in case of emergency kagaya nito.

Ilang segundo kaming naging tahimik bago namin narinig ang tawa ng bawat isa.

"That was fun!" Natatawa niyang sabi.

"Yeah."

Ang sarap din naman palang bumalik mula sa pagkabata. Talagang mag-eenjoy ka.

Mayamaya lang ay naisipan na naming bumangon. Pinagtitinginan na rin kasi kami ng ibang mga estudyante. Sigurado akong kung ano-ano na namang panghuhusga ang laman ng utak ng mga niyan. Well, we don't care. Like what Reanna said earlier, we're just enjoying. That's life. YOLO!

"CR lang ako," paalam ko sa kanya. Ang lamig na kasi sa katawan, kailangan ko nang magpalit ng panibagong damit. Baka magkasakit pa ako nito.

Akala ko sasama siya pero nagpaiwan siya roon sa may booth. Naku! Alam ko na ang mga ganyang galawan. Umiling-iling na lang ako habang natatawa pa rin saka na dumiretso sa CR. Pagkapasok ko palang sa loob ng banyo ay bigla na lang akong nakaramdam ng pangangati sa may bandang likod ko. Kinamot ko ito pero hindi naman naalis ang pangangati. Sunod ko namang kinamot ay ang ulo ko. Teka, don't tell me kinukuto na ako? Nahawaan ba ako ni Reanna? Pero habang tumatagal ay parang kumakalat yata ang pangangati sa buo kong katawan. Paunti-unti na rin itong sumasakit.

Kumunot ang noo ko at unti-unti na naman akong kinakabahan. Sana naman hindi. Huwag ngayon please. Huwag ngayon.

May nadaanan akong salamin at napatigil ako sa paglalakad saka binalikan ito. I gasped. Hindi ko magawang makagalaw at para akong nabingi ng panandalian. Kahit ilang beses ko nang nakita ang itsura kong ganito, hindi ko pa rin maiwasang magulat sa tuwing nakikita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Sa tuwing nangyayari ito sa akin, it's like I don't know myself anymore because of the hives enveloping my whole body. Nag-iiba rin ang ugali ko sa tuwing nangyayari ito sa 'kin. Like seriously? Bakit ako pa?

Kumurap ako at huminga ng malalim. Kailangan kong makauwi but I need to change my clothes first. Pero paano ako lalabas ng banyong ito kung ganito ang itsura ko? Siguradong pandidirihan at pagtatawanan nila ako. Pero poproblemahin ko pa ba iyon? It's my heath over their judgements. At hindi ko naman ikakamatay ang mga mapanghusga nilang titig at salita.

Palabas na sana ako ng CR nang bigla akong makarinig ng pagbukas ng pinto sa pinakahuling cubicle. Tiningnan ko ito at hinintay na lumabas ang kung sino mang tao na nandoon pero wala. Oh, my God! Don't tell me may multo–

"Ah!"

Nagulat ako sa bigla niyang pagsalita. Jusko. Akala ko may multo na talaga.

Narinig ko ang pag-flush ng bowl at kalaunan ay lumabas na ang taong nasa loob ng panghuling cubicle. Bigla ko ulit naramdaman ang pangangati ng buo kong katawan kaya hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya at sobrang lapit niya na sa akin habang ako ay parang tanga na kumakamot ng katawan. Gosh, what a shame!

"Sino ka?" medyo pasigaw kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon. Yup, he's a guy! Anong ginagawa niyang milagro sa girl's CR?! My goodness! Bakla ba ito? Pero napakaguwapo niya namang lalaki para maging bakla. I mean, ano, uhm... okay, never mind.

Naramdaman ko ulit ang pangangati ng buong katawan ko kaya sinubukan ko na lang na umalis sa harap niya pero pinigilan niya ako. Crap. Hindi ako puwedeng magtagal dito. Masyado nang makati at masakit. Baka mag-break down na naman ako at ayokong makita niya akong ganoon. I don't know him so might as well ignore him.

"You need to go to the hospital," malamig na tugon niya sa akin habang nakahawak sa kaliwa kong kamay saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Tinitigan ko lang din siya saka kumurap-kurap. Seriously? I feel so ashamed right now in front of this stranger.

His face is so plain and boring. No emotions or expressions at all, but his eyes says it all. Okay, binabawi ko na kanina iyong sinabi kong bakla siya. Napakalayo naman ng personality ng bakla sa isang lalaking kaharap ko ngayon.

"Uhm, no need. I can take care of myself. Thanks," nauutal ko namang sabi.

What the hell? Why am I stuttering? Bakit ba kasi nag-aaksaya pa ito ng oras na tanungin ako tungkol sa kondisyon ko?

"Let go," I added. Hindi niya pa rin kasi binibitawan ang kamay ko at nakatitig lang siya ng diretso sa 'kin. This is so awkward for me. Pakiramdam ko unti-unti niya akong hinihigop.

"I said, you need to go to the hospital," ulit niya.

"I said, no need. Kaya ko na ang sarili ko. Mawawala rin naman ito. Now, can you please let go of my hand? It's very itchy and painful, you know."

Sino ba kasi itong nilalang na ito? Bakit ba kasi siya nakikialam pa sa ibang tao na may buhay?

Tumalikod ako sa kanya at handa na sanang umalis nang bigla niya akong higitin pabalik sa kanya. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko magawang makapalag. Napahawak ako sa dibdib niya at ramdam na ramdam ko ang mabango niyang hininga at ang pagtibok ng puso niya. Wait, did I just say that his breath smells so good? Oh, God! What is happening to me? umayos ka nga, Genevieve!

"Ano ba!" protesta ko nang matauhan ako. Sinubukan kong kumalas mula sa pagkakahawak niya pero nawalan ako ng balanse. Napasigaw ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ko sa matigas na sahig. Naging suporta ko pa ang kanang kamay ko kaya nasa kanya lahat ng puwersa ng katawan ko dahil sa pagbagsak.

Packing tape! Ang sakit!

Napapikit ako ng mariin at napakagat ng labi.

"Hoy!" tawag ko sa kanya nang makita kong palabas na siya ng CR na para bang walang ginawang masama sa 'kin. Wow! What a responsible, gentleman!

Tumigil naman siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon. Ano ito bastusan? Tatakasan niya ako pagkatapos niya akong saktan? Aba! Hindi naman yata puwede iyon! I need justice!

"Kasalanan mo ito! Ano tatakas ka?! Sino ka ba kasi?! Bakit ka ba kasi nakikialam?! Ha?! Pakitang-tao, ganoon?! Hindi bagay sa 'yo! You're such a heartless jerk! You bastard! Panagutan mo ko!"

It's his fault, anyway. Ang sakit kaya. Ang kati at sakit na nga ng buo kong katawan, dadagdagan pa ng kamay kong ito. Hindi iyon fair. Masyado na akong nahihirapan. Huwag naman ganoon. Kayo kaya rito sa posisyon ko ngayon, ano?

Handa na sana akong tumayo nang maramdaman ko ang pagbuhat niya sa 'kin.

What the packing hell?

"Hoy!" sigaw ko habang ginagalaw-galaw ang katawan ko at sinusuntok ang likod niya para makawala sa kanya pero wala iyon silbi. Buwisit na lalaking ito! Lalo lang akong pinapahirapan! "Ano ba! Saan mo ako dadalhin? Bitawan mo nga ako!" Napansin ko sa nilalakaran niya na nakalabas na kami ng CR at rinig na rinig ko na ang ingay ng mga estudyante. Oh, crap! This is so fucking embarrassing!

My body is covered with itchy and painful hives. I have a broken hand. My whole body is still wet and this stranger is carrying me on his shoulder.

Wow, what a torturous scene!

Continue Reading

You'll Also Like

134K 6.1K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
47.8K 435 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
242K 7.1K 79
English and Tagalog Compilation | #3 IN POETRY | The Fiction Awards 2016 Winner © 2016 kyeriella all rights reserved book cover made by @OhWanderlust_
197K 13.4K 47
Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th year highschool, things have changed. St...