HELL UNIVERSITY

By BigMacSandWitch

62.7K 680 110

WARNING : Don't open the book. Don't do such things you'll regret soon. You've been warned. Top #5 in ranking... More

BigMacSandWitch
✎ ENROLLIES FORM~
👭 CHARACTERS 👬
Hell University
CHAPTER 2 : WELCOME TO HELL UNIVERSITY
CHAPTER 3 : START OF NEW BEGINNING
CHAPTER 4 : BLOODY NIGHT
CHAPTER 5 : BLACK BLOOD GANG
CHAPTER 6 : ANNOUNCEMENT
🩷SPECIAL UPDATE🩷

CHAPTER 1 : REBORN

11.7K 116 7
By BigMacSandWitch

Chapter 1 : Reborn

Kaith Pov


"Good day, antiquers! Welcome to Antiquus Library! Mga librong swak sa panlasa handog namin para sa mga mahilig magbasa! May kalumaan na nga lang sila, pero sabi nga nila, Old books has it's own hidden paradise." Bungad ng nakangiting babae sa amin na sa tingin ko mga nasa 20's. Siya siguro ang librarian dito. Mukhang hindi pa uso ang observed silence dito dahil sa lakas ng pagkakasabi niya.

"Grabe ang energy te! Ginulat mo naman ako," ani Cindy na napakapit pa sa akin. May pahawak hawak pa nga siyang nalalaman sa dibdib niya na kunwari ee nagulat.

Napakaganda pala nitong library. Mas malawak 'to sa inaasahan ko. Nagmumukha kasi s'yang maliit sa labas.

Maglilibot na sana kami ng bigla niya kaming pigilan.

" Saglit lang! Bago lang kayo dito 'di ba? Ngayon ko lang kayo nakita, teka lang." Saka sya tumalikod at may kinuha sa loob ng cabinet. Humarap siya hawak ang malaking notebook at inilapag sa harapan namin."Here mag sign in kayo." Saka niya iniabot ang ballpen. Ahh isa pala itong logbook.

Naunang nag-sign in si Lorraine na kanina pa atat na atat na magtingin ng mga libro. Siya kasi ang nag-aya sa amin dito. Obviously, yes she like books. Sumunod si Cindy na siningitan pa kami sa linya. Ng matapos na kaming mag sign in agad naman niya itong kinuha at mukhang binasa pa niya talaga ang mga pangalan namin. Pagkatapos nyang titigan o ano man ang ginawa niya, muli s'yang tumalikod at ibinalik ito sa cabinet.

"I only have one rule." Nahinto kami sa pagsisikuan ng muli ulit siyang nagsalita. Humarap siya suot ang napaka seryosong aura that makes the situation uncomfortable.

"You can do everything you want, you can shout, you can even play music, you can touch and borrow everything of my books just DONT OPEN A BOOK, UNLESS IT SAYS IT SHOULD."Nagkatinginan kami. Bakit naman kaya? Bakit hindi na lang itago yung libro kung may rule na pala na ganoon di ba?

"Thats because its my rule and its the rule of this library," sabi niya while staring at me that makes her more creepier. Mukha bang kabasa basa ang nasa isip ko?

"Mukhang masaya to," bulong naman ni Cindy sa amin na agad nakakuha ng batok galing kay Lovely. Itong dalawang 'to kanina pa talaga, ang gulo gulo."Maliwanag ba?" Tanong ulit niya.  Tumango nalang kami bilang tugon.

"Good. Mabuti't nagkakaintindihan tayo. Dont do such things you'll regret soon. You've been warned." Huminto siya ng mga 3 seconds saka muling nagsalita. "Enjoy reading," saad niya suot ang ngiting bungad niya sa amin kanina. Ang bilis niyang magbago ng emosyon, gan'to ba ang dulot pag isa kang librarian?

Pagkasabi niya nun, umalis na kami para maglibot sa loob. Wala naman dapat kami rito kung hindi lang kami niyaya ni Lorr na pumunta dito. Sa aming lima si Lorraine lang talaga ang mahilig magpunta sa mga gan'to.  Napatingin ako kila Cindy at Lovely na kahit kailan ee parang mga uod na galaw ng galaw. Samantalang si Rhen naman ay bored na sumusunod sa tatlo habang busy sa kapipindot sa cellphone niya.

Napahinto ako at kumuha ng isang libro. Halata mong alaga ang mga libro dito dahil ni wala man lang bahid ng alikabok. Saludo ako sa mga opisers na nagbabantay rito, pati sahig makintab. Kaya siguro bentang benta sa mga bookworms tong library na to. At isa pa kakaiba siya kasi pwede mo nga raw gawin lahat.

"Guys, tingnan niyo to dali!" Tawag sa amin ni Lovely na nakakuha ng atensyon namin. Napaka talaga ng babaeng 'to, sumigaw ba naman. Ibinalik ko ang libro at agad na sumunod sa iba papunta sa kinaroroonan niya. May isang libro kasi doon na nakalagay sa isang lectern na nakabalot pa ng puting tela. Tapos may nakalagay na,

"Warning: Dont open the book "

"Mukhang 'yan na yung sinasabi ni Ma'am librarian sa atin. Wag mo ng galawin yan," sabi ni Lorraine.

"Ano bang meron dito ha? Parang libro lang naman ito." Usisa ni Lovely na hinawakan na ito. Kusa namang gumalaw ang kamay ko para tapikin ang magalawgaw niyang kamay. "Wag raw galawin, Lovely! Mamaya mapagalitan tayo n'yan ee." Pero aba ang bruha hindi natinag at tuluyan na niyang kinuha ang libro na sinundan naman ng dalawa. Nagkatinginan kami ni Lorr at wala ng nagawa kundi ang sumunod sa tatlo.

Umupo kami sa available na table na walang masyadong tao.

"Dali na buksan mo na yan!" Excited namang saad ni Cindy na nakahalumbaba sa harapan namin. Tinanggal na ni Lovely ang tela at bumungad sa amin ang lumang libro at may nakasulat na,

"Hell University?" Chorus na saad namin. Agad ko 'tong hinawakan at ganoon din ang ginawa nila. Itim ang kulay niya while yung Hell University na title ay nakasulat sa kulay pulang tinta na lalong nagbigay ng angas sa libro. Kung hahawakan mo ito magaspang siya at malalim ang pagkakaukit sa title nito.

Bubuksan na sana niya ito ng bigla s'yang pigilan ni Lorr.

"Mukhang masamang idea yan, Lovely . Sa tingin ko kailangan na natin 'yang ibalik." Mabuti pa nga. Hindi natin alam kung anong meron d'yan. "Hindi naman niya malalaman ee. Atsaka gusto niyo rin naman malaman kung ano meron dito di ba?" Saka niya tuluyang binuklat. Ganoon na lang ang pagkataka namin ng wala man lang nakasulat dito.

"Teka, ee wala namang laman to ee. Blangko lahat ng pages niya." Binuklat niya pa ang ibang pahina ng makasigurado pero wala talaga. Pare parehas lang ito na walang sulat.  Hanggang sa may nahagip akong nakasulat sa pinakaharap dala ng paglipat lipat niya ng page.

"Teka sa pinaka unang page may nakasulat." Agad naman niya 'tong pinunta doon. Maikli lang siya pero matalinhaga siya. Agad naman namin itong binasa. Except nga lang kay Rhen na hanggang ngayon nakatutok pa rin sa kanyang cellphone.


" Isang tagong paaralan
Na hindi saklaw ng kung sino man

Sa muling pagbukas ng libro
Uukit ang bagong kabata sa mga palad mo

Ito ang paaralan kung saan legal ang ano man

Ito ang paaralan kung saan hindi mo kailangan ng kaibigan

Paligid mo ay puno ng karahasan
Tibay ng depensa ang kailangan

Sa isang patak ng dugo
Muling mabubuksan ang bawat pahinang puno ng maling kwento

Two world will collide, both started one hell of an inferno.

Welcome to Hell University."

"Ouch!" Nagulat kami ng biglang siyang nasugat na sanhi ng pagtulo ng dugo sa pahina. "Hala oks ka lang, bes?" Tanong ni Cindy. Tumango lang naman sya at agad sinipsip ang daliri niyang may sugat. Kadiri!

"Guys, tingnan niyo!" Napatingin kami sa libro. Ang kanina kasing itim na tinta na pagkakasulat sa libro ay naging pula. Ang mas nakakatakot pa ee para na itong dugo na nag uunahang tumulo.

Agad naman na isinara ni Lovely ang libro.

"Patay! Patay tayo kay Ma'am Librarian." Nag-aalalang sabi niya."Ayan na nga ba sinasabi ko ee. Ikaw kasi e!"
Ayan na nagsisisihan na. Bago pa kami mahuli ni Ma'am Librarian ee, sinenyasan ko na si Lorraine.

"Guys tara na, tama na yang sisihan na yan." Aya ko na pilit pinapakalma ang sitwayson.

Pilit ko ring kinakalma ang sarili ko kahit na sobra na ang pangangatog ng tuhod ko. Lalo na ng makita ko si Rhen. Agad akong napaatras ng makita siya na unti unting naglalaho. Busy pa rin ito sa kakapindot sa cellphone niya at mukhang hindi aware sa nangyayari.

"Guys...." Tawag ko kila Lorr sabay turo kay Rhen na ngayon ay nakatingin na sa amin.

"What?" Iritado niyang sabi. Hanggang sa siya na ata ang nakaramdam. Nabitawan niya ang cellphone niya sa pagkagulat at tinitigan ang unti unting paglaho ng kamay niya.

Fuck! Anong nangyayari!!

Lalo tuloy kaming nagpapanik kung ano ang dapat naming gawin.

"Kasalanan mo to Lovely e! Sabing wag ng galawin!" Duro ni Lorraine na nagpapanik na rin."Wow! Excuse me, kung hindi mo kami niyaya dito edi hindi sana ganito." Depensa naman niya. Pilit namang gumigitna si Cindy na balak na atang magsabunutan ang dalawa. Jusq naman may balak pa atang mag-away tong dalawa.

"Ano ba?! Kamusta naman kalagayan ko rito ano?" Singit naman ni Rhen na umabot na sa katawan niya.

"Ano ba tama na yan! Wala ng sisihan pwede? Nangyari na e." Singit ko naman.

Nagulat na lang kami sa biglang pagbukas ng librong iniwan naming nakasara na nakakuha ng atensyon namin. Gumalaw ang bawat pahina at tuloy tuloy lang ito sa paglipat. Ang mga blakong papel kanina ay unti unti na ring nagkakaroon ng sulat. Naglabas ito ng nakakasilaw na liwanag. Liwanag na unti unting bumabalot sa silid. Bago lamunin ang buong paligid nakita ko pa ang librarian na patakbo sa kinaroroonan namin. Pagkatapos nun nakaramdam ako ng kakaibang feeling at mabigat na enerhiya na sanhi ng bigla kung pagpikit.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 191 32
Matanong nga kita?Nafall ka na ba o pafall ka? Ang hirap atang magkagusto sa isang babaeng hindi mo maintindihan ang ugali nito. Maganda nga kaso pan...
164K 6.9K 84
A girl whom I thought as my best friend standing before me with a knife to kill me. She stabbed the knife onto my chest and told me "He will not like...
153K 31.7K 98
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...