IN JUST ONE NIGHT

By KimVerly

29.3K 617 90

kwento nang isang babaeng nabago ang buhay nang dahil sa isang pangyayari.isang pangyayaring magtutulak sa ka... More

IN JUST ONE NIGHT
IJON-CHAPTER-1
IJON-CHAPTER-2
IJON-3-
IJON-CHAPTER-4
IJON-CHAPTER-5-
IJON-CHAPTER-6
IJON-CHAPTER 7-
IJON-CHAPTER-8-
IJON-CHAPTER-9-
IJON-CHAPTER-10-
IJON-CHAPTER-11-
IJON-CHAPTER-12-
IJON-CHAPTER-13
IJON-CHAPTER-14
IJON-CHAPTER-15-
IJON-CHAPTER-16-
IJON-CHAPTER-17-
IJON-CHAPTER-18

IJON-CHAPTER 19-

850 25 9
By KimVerly

IJON-CHAPTET-19

Mababaw lang naman daw yung natamo nitong sugat mula sa kutsilyong sinaksak sa tagiliran ni Brion.Mabuti nalang at ganun lang yung sinapit niya sa pag tulong sakin,Dahil kung hindi!Malamang hindi ko mapapatawad yung sarili ko

Pangalawang araw na nito sa ospital.atat na atat na nga itong umuwi,Kulang nalang batuhin ako nito ng unan dahil sa sobrang inis dahil hindi pa ito makauwi,Pero ang nakakagulat ang pag punta ni Irish sa ospital para bisitahin ito

Nagulat nga kaming dalawa ni Brion at nagulat din ito ng makita ako doon.Napatingin naman ako kay Brion na nakatingin narin pala sakin.Alam ko yung tingin na iyon kaya lumabas ako ng kwarto nito sa ospital para mapag solo silang dalawa.

Bago nga tuluyang sumara yung pinto nakita kong niyakap ito ni Irish na siyang kinaliwanag ng mukha ni Brion.Hindi ko tuloy maiwasang mapahawak sa noo ko.siguro lang si Irish lang talaga ang siyang makakapag pasaya dito at wala ng iba.

Kung may magic nga lang ako,nag magic na ako na makuntento nalang si Irish kay Brion pero wala eh,kaya..bahala na si Brion sa nararamdaman niya,Bahala siyang magpakatanga,nakakabadtrip siyang gago siya..

Eh,bakit ba ako naiinis?peste naman..makatambay na nga lang sa garden ng ospital,Babalik nalang ako doon pag wala na si irish.nilibang ko nalang yung sarili ko doon,may mga nakakwentuhan akong kamag-anak ng pasyente na naospital din

Nalibang nga ako sa pakikipag-usap kaya alasiete na nang gabi ng mapagpasyahan kong puntahan na si brion sa kwarto niya,siguro naman wala na doon si Irish kasi 4:30 pa ng hapon yun nakatambay doon.

Nang makarating ako hindi na ako kumatok,tuloy-tuloy kong binuksan yung pinto na pinag-sisihan ko sa bandang huli.pag bukas ko kasi si brion at irish naghahalikan.mabilis ko ngang sinaraduhan yung pinto.

Ang lakas nga nang kaba ko.nakakahiya naman kasi kung makita nila ako,baka sabihin nila hindi manlang ako kumatok.Pinasya ko na nga lang umuwi sa condo.Mukha naman hindi na ako kailangan ni Brion kaya ayos lang

Nung gabing iyon hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko,masaya ako para kay Brion dahil mukhang ok na sila ni Irish,Pero yung nararamdaman kong lungkot hindi ko alam kung para saan.itinulog ko na nga lang baka sakaling mawala.

Kinabukasan,maaga akong pumasok sa school,nasa lubong ko pa nga si zaldy..kinilig na naman tuloy ako.nginitian niya kasi ako at sumabay pa sa paglalakad ko with matching akbay pa.

Kung ikaw tatanungin ko,hindi kaba kikiligin kung gawin iyon saiyo ng crush mo?syempre oo yung sagot mo diba!.oh well,nagwawala na talaga yung puso ko,badtrip kasi itong lalaking ito hindi manlang maramdaman na gusto niya rin ako..choz..

"Nabalitaan mo naba?"

"ang alin?"balik tanong ko dito

"Grand festival ng school natin sa susunod na linggo,limang araw yun gaganapin at sa ikalimang araw kung meron kang gustong tao pwede mo iyong ipagtapat sa pamamagitan ng pag bibigay ng chocolate"

"Talaga?"na excite naman ako sa balitang iyon

"Oo,kaya medyo busy nga ako ngayon dahil may labanan din ng banda,kasali yung banda ko dun!"

"wow naman!galingan mo hah!"

"oo naman!basta ba nandun ka at panonoorin ako"

"syempre naman!mag pa fan girl ako saiyo"

"salamat!kaya love na love kita eh..sige,una kana sa klase may pupuntahan pa kasi ako.."

"sige!"tanging yun nalang ang nasabi ko kahit gusto kong sabihing love ko din siya

Buong maghapon na nakakulitan ko si zaldy kaya heaven yung feeling ko pag uwi ng condo.nadatnan ko naman na nandoon na si Brion,nakaupo sa sala set at nanonood ng basketball sa tv.

"ok kana ba?"

"yeah!"tipid nitong sagot na hindi tumitingin sakin

Hindi na nga rin ako sumagot at nag tuloy na sa kwarto para makapag palit ng pambahay.Mukhang ok na ok na nga siya,nakasama niya si Irish at take note naghalikan pa.Nagulo ko tuloy yung buhok ko,nakakaramdam na naman kasi ako ng inis.paglabas ko naman ng kwarto nandun parin ito sa salas bigla nga itong nag salita na kinatigil ko

"May pagkain sa ref,iinit mo nalang,nag dala nang pagkain si Irish kanina marami naman kaya pinagtabi na kita"hindi parin ito tumitingin habang sinasabi nito iyon

"ok,thanks."

Nagtuloy na akong kusina at tinignan sa ref yung pagkain na sinasabi ni Brion.Marami nga kung tutuusin at iba-iba pang putahe ng ulam pero wala naman akong gana pag naiisip kong si Irish yung nagbigay nun.

In the end nga,pinasya ko nalang uminom ng tubig at pumasok na sa kwarto.Ano bang nangyayari sakin?pag sa tuwing nakakaharap ko si Brion may kakaiba akong nararamdam.Hindi ko na maintindihan yung sarili ko.kainis!

Nakatulugan ko na nga yung pag-iisip ko at nagising ako ng alas kwatro ng madaling araw.hindi na ako makatulog kaya pinasya ko nalang na lumabas ng kwarto at mag tambay sa balkoni ng bahay.

Ang lamig,kasi malakas ang hangin at madaling araw nga kasi.umupo ako sa bakal na silya na nakataas yung dalawang paa.niyakap ko yung dalawang tuhod ko at pinatong yung chin ko.pinag masdan ko lang yung langit

Naisip ko naman bigla yung mga magulang ko nung time na iyon.kamusta na kaya sila?kahit naman kasi iniwan at pinagbenta nila ako hindi parin maalis sa isip ko na magulang ko sila at namimiss ko sila.iniisip ko ngang pumunta sa amin pero parang may pumipigil naman sakin

Ano naman gagawin ko dun?para mag emot?ayoko nang mag emot nakakasawa na kaya.bigla naman akong napapitlag ng biglang may mag salita sa gilid ko.hindi ko pa naman binuksan yung ilaw doon kaya kinabahan ako

"anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?"hindi ko ito nilingon,naramdaman ko naman na umupo ito sa katabi kong silya

"wala naman,masama ba?"

"may sinabi ba akong masama?"ito yung nakaka miss dito yung pambabara nito sakin,hindi ako umimik ng ilang minuto,tahimik lang din naman ito

"Anong meron kay Irish at minahal mo siya ng sobra?"ramdam kong napatingin ito sakin pero hindi ko ito nilingon

"hindi ko alam.minsan tinatanong ko rin yan sa sarili ko"kahit papano naman na satisfied ako sa sagot niya

"ok naba kayo?"Gusto kong makita yung reaksyon niya kaya tumingin na ako sakanya

"uhmm,hindi ko masasabing ok na,pero masaya na ako sa kung anong meron kami ngayon."mahal niya sigurong talaga si Irish,wala na akong masabi,halata kasi sa saya ng mukha niya

"Mabuti naman kung ganun!"bigla akong tumayo at nag-unat-unat,ewan ko ba parang naninikip kasi yung dibdib ko

"ikaw,anong balak mo?"

"balak saan?"kunot noong tanong ko dito

"malapit na yung grand festival ng school,pwede mo nang ipagtapat yung nararamdaman mo sa mayabang mong crush na si zaldy"tinaasan ko naman ito ng kilay

"pano mo naman nasabi na gusto ko si zaldy at wag na wag mong matatawag na mayabang iyon,mas mayabang ka dun!"natawa naman ito sa sinabi ko

"Hindi nga halatang gusto mo siya,kung ipagtanggol mo wagas."

"eh,ano naman saiyo!"

"wala naman,naisip ko lang kung magtatapat ka sakanya sa last day ng grand festival ng school dapat galingan mo ng hindi ka mabasted"sinabayan pa nito ng pagtawa yung sinabi na kinasimangot ko

"excuse me!sisiguraduhin ko saiyong hindi ako mababasted!"naiiling lang naman ito na hinamon pa ako

"well,let see!"

"wag mo akong hamunin brion at papatunayan ko saiyong magiging kami ni zaldy at gagawan ko siya ng chocolate na hahanap-hanapin niya araw-araw."

"ok,Gudluck!"

Sinimangutan ko lang ito at iniwan na itong mag-isa doon,ako pa yung hinamon niya.pero,urrgg.pano ako magtatapat kay zaldy eh diba nga kapatid zone ako sakanya?hay!badtrip kasi si Brion eh,wala naman akong balak magtapat hinamon pa ako.

Bahala na nga mag-aaral nga akong mag gawa ng chocolate,may pitong araw pa ako para pag handaan yung pagtatapat na gagawin ko,Lord!sana hindi ako mabasted..malaking kahihiyan yun kung sakali..

>>>>>to be continued<<<<<<<<

Continue Reading