He Doesn't Share

By JFstories

21.6M 703K 179K

Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. Howev... More

Prologue
Alamid Wolfgang
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
THE LAST CHAPTER
EPILOGUE
AKI

Chapter 32

333K 12.7K 1.4K
By JFstories

Chapter 32

"COME WITH ME."


"Nasaan si Aki? Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Gusto ko siyang makita!" Halos magkandatali-talisod ako sa pagsunod sa mabilis niyang paglalakad patungo sa gate ng apartment.


"You'll see him later." Basta na lang niya binuksan ang pinto ng passenger's seat ng dala niyang blue na BMW.


Hindi na ako nag-isip pa, pumasok na ako. Kung baliw man si Benilde, at may balak siyang gawin sa akin ay wala na akong pakialam. Kahit kay Satanas, makikipag-deal ako, makita ko lang ulit si Aki!


Hindi ako naniniwala na patay na si Aki. Hindi ako maniniwala hanggat hindi ko nakikita. At malakas ang kutob ko na buhay pa ang anak ko!


Isang oras ang itinagal ng biyahe namin kahit na walang traffic. Sa isang lumang bungalow niya ako dinala. Sa loob ito ng isang private subdivision na magkakalayo ang mga bahay. Walang katao-tao sa paligid ngunit may itim na SUV sa garahe ng bungalow.


"Si Aki? Nandiyan siya?" tanong ko sa kanya habang nakasunod ako sa paglalakad niya.


"Chill, okay?"


"Nasaan nga siya? Nandiyan ba siya?!"


"I said, chill." Mahinhing tumawa si Benilde. "Chill lang." Sa back door kami dumaan. May dalawang lalaki ron na sa tingin ko ay mga tauhan niya.


"Good evening, Ma'am."


"Good evening, gentlemen. I'm with someone." Itinuro niya ako. "Her name is Ingrid Uytengsu. Remember her?"


Nagkatinginan ang mga lalaki.


"She's the high school student before na kinidnap niyo noong pinapakidnap ko sa inyo ang apo ng presidente."


Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako kay Benilde.


Siya ang nagpakidnap sa akin noong sixteen years old ako?! Pero bakit?!


Napapalatak ang matabang lalaki na may makakapal na kilay. "Si Roy iyong kumidnap diyan, Ma'am. Sinibak niyo na 'yon nong malaman niyong pumalpak siya."


"Oh!" sambit ni Benilde, pagkuwan ay ngumiti. "Oo nga pala, I fired Roy the day na malaman kong hindi pala ang apo ng presidente ang nakidnap niya."


Ang apo ng presidente ng Pilipinas ay si Macey Ela Sandoval, my friend in high school na sobrang kadikit ko. Halos palagi kaming magkasama noon. At magkasama kami ng hapon na nakidnap ako. Hindi pala ako ang tunay na target nila! Napagkamalan lang pala ako!


"Lasing kasi si Roy," anang lalaki.


"Past naman na 'yon. Ang importante, okay na kami ni Alamid."


"Kayo na ulit, Ma'am B?"


"Malapit na." Tumingin sa akin si Benilde at ngumiti. "Shall we go inside, Ingrid?"


Napapitlag ako. "Nasa loob ba si Aki?"


"Let's go." Hinawakan niya ako sa braso. "What do you like? Cofee or juice—"


"Benilde, gusto ko na ngang makita si Aki!" nauubusan na ng pasensiyang singhal ko sa kanya.


"Patay naman na siya, so no need na magmadali."


Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, punyeta ka!"


Tumalim ang mga mata niya. "Hindi rin ako nakikipagbiruan sa 'yo."


"Nasaan ang anak ko?!"


Pagud na pagod na ako. Hindi ko na kayang maghintay, parang masisiraan na ako ng bait anumang oras. Hindi na gumagana nang maayos ang isip ko sa lahat ng nangyayari.


Bago pumasok sa pinto ay may kung anong itinurok sa balikat ko ang isa sa mga tauhan niya. Sandaling nanlabo ang paningin ko.


Hinaplos ni Benile ang aking pisngi. "That drug will make you feel better later," aniya at tumalim ang kanyang mga mata.


"Sinabi ko na sa'yong hindi ako nakikipagbiruan! Punyeta ka!" singhal ko sa kanya. 


Lalong tumalim ang mga mata niya. "I'm not into pranks and jokes, Inggy, darling. I'm tired of all that!" Binuksan niya ang isang nakasaradong pinto. "I am happy with my life when I was in New York. Pero bumalik ako dahil nandito pa rin pala sa country ang tunay na kailangan ko." Nauna siyang pumasok sa loob.


Walang kagamit-gamit sa loob ng bungalow. Wala rin si Aki sa kahit saang sulok ng sala.


"I am broken beyond repair, Ingrid. And I need someone who's broken like me, too." Nilingon niya ako. "Nakukuha mo ba ang sinasabi ko? I'm pertaining to Wolfie. We are so compatible, right?"


Nakarinig ako ng mahinang ungol mula sa pinto ng nag-iisang kuwarto na malapit sa kusina.


"Aki!" Agad akong nanakbo ron.


Bukas ang pinto ng pihitin ko ang doorknob.


"Aki!" Napahagulhol ako ng makita ko si Aki na nakahiga sa lapag.


Diyos ko!


Walang sapin ang bata. Basta lang itong nakahiga sa malamig na tiles. Nakapikit ang mga mata at pawisan ang noo. Wala itong suot na tsinelas at marumi ang suot na sando at jersey shorts.


Halos liparin ko ang distansiya namin. Agad ko siyang niyakap at kinalong sa kandungan ko.


"Aki!" Sobrang init niya. Inaapoy sa lagnat ang bata. Pero buhay pa siya! Napaiyak ako sa awa sa kanya. "Anong ginagawa nila sa 'yo, baby ko?!"


"He's good as dead." Nakatayo sa pinto si Benilde at nakatingin sa amin.


"Buhay pa siya!" sigaw ko sa kanya. "Hayup ka! Anong ginawa niyo sa kanya?!"


"A-Ate..." maliit at maaligasgas na boses ang pumiga sa puso ko.


"Aki, si Mommy 'to!" Hinaplos ko ang pisngi ni Aki. Nakadilat siya at nakatingin sa akin ang kulay abo niyang mga mata.


Marahang ngumiti ang namumutla niyang mga labi. "M-mommy pala..."


Napaiyak ako sa kalagayan niya. "Baby, aalis tayo dito. Dadalhin kita sa doctor, baby, ha? Sorry. Sorry, Aki."


Umubo ang bata at pilit na nagsalita. "M-miss kita..."


"Mas miss kita, baby... mas miss kita..." Parang gripo ang mga luha ko. "Miss na miss." Hayup. Hayup sila! Anong ginawa nila sa anak ko!


"L-Labyu..." Pumikit na siya ulit.


Niyakap ko siya nang mahigpit. "Aalis tayo rito. Aalis tayo, promise. Promise. I love you. I love you, Aki. I love you."


...


ILANG MINUTO akong nag-iisip kung paano ko iaalis si Aki rito. Nong sinubukan kong lumabas kanina ay nakalock na ang pinto. Pero kailangan na talaga naming makaalis dito dahil lumalala ang kalagayan ni Aki. Kailangan na siyang magamot.


Ang itinurok sa akin ng tauhan ni Benilde ay hindi ko alam kung ano bang uri ng droga, pero nagsisimula nang manlabo ang mga mata ko.


Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Benilde at ang dalawa niyang tauhan.


Itinuro niya ako. "Get her."


Mabilis namang lumapit sa akin ang dalawang lalaki. "S-saan niyo ako dadalhin?!"


"Palalayain na kita, Ingrid, ayaw mo?"


"Isasama ko si Aki!" Naghysteria ako. Patayin muna nila ako bago nila ako malayo sa anak ko!


Sinenyasan ni Benilde ang dalawa niyang tauhan na layuan ako. "This is your chance, Ingrid. Don't waste it, dear."


"Baliw ka! Sa tingin mo ba aalis ako dito na hindi kasama ang anak ko?!"


"Nakita mo naman na siya, ano pa?"


"Hindi sapat iyon! Isasama ko siya sa pag-alis ko!"


"Wag mong sayangin ang generosity ko, Ingrid."


"Ayokong iwan si Aki rito!" Bumulwak muli ang mga luha ko. "Isasama ko ang anak ko! Paalisin mo na kami parang awa mo na!"


Umismid siya. "Mamamatay na rin naman iyan, so why bother?!"


"Sinasabi mo na pareho tayo? Hindi tayo pareho, Benilde! Kasi ako, may puso ako! Ikaw, wala!"


Isang sampal ang tumama sa kaliwang pisngi ko.


"Bitch!" Sinakal niya ako.


"P-parang awa mo na, paalisin mo na kami... m-may sakit siya, kailangan niyang madala sa ospital... magkaron ka naman ng puso, Benilde. Maawa ka sa bata..."


Hinila niya ang buhok ko habang sakal-sakal ako ng kanang kamay niya. "May puso ako! Pero kinuha sa akin ng tatay ng batang 'yan! Akala mo ba hindi ko alam na anak niyo ni Alamid ang batang 'yan? Syempre alam ko! Alam ko dahil may puso ako. Lahat ng tungkol sa lalaking mahal ko, alam ko!"


Kahit nanghihina ay itinulak ko siya. "Wala kang puso! Kahit kailan, wala kang puso!"


"Alamid Wolfgang took my heart!" sigaw niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata. "And I'll take his, too! I will kill that child! I will kill his child! We will be forever broken!"


"Hindi mo masasaktan ang anak ko!"


Nanlilisik ang mga matang sumugod siya sa akin. "Believe me I can!"


"Dadaan ka muna sa akin! Hindi mo masasaktan si Aki!"


"Then I will kill you first, bitch!""


"Don't you dare!" Bago pa ako malapitan ni Benilde ay may matigas na boses na nagpahinto sa kanya


Natigilan siya at sabay kaming napalingon. Napanganga ako nang makita ang isang matangkad na lalaki na may hawak na .45 caliber pistol.


"You hurt my family, I will never fucking forgive you." Nanlilisik ang mga mata ni Alamid habang palapit siya sa amin.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
6.8M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
13.5M 386K 41
Macario Karangalan Sandoval