That's My Husband Next Door ✔

By iamnyldechan

146K 3K 121

That's Mr Sungit Next Door Part II https://www.wattpad.com/story/105478237?utm_source=ios&utm_content=story_i... More

O n e
T w o
T h r e e
F o u r
F i v e
S i x
S e v e n
E i g h t
N i n e
T e n
E l e v e n
T w e l v e
T h i r t e e n
F o u r t e e n
F i f t h t e e n
S i x t e e n
S e v e n t e e n
E i g h t e e n
N i n e t e e n
T w e n t y
T w e n t y O n e
T w e n t y T w o
T w e n t y T h r e e
T w e n t y F i v e
T w e n t y S i x
T w e n t y S e v e n
T w e n t y E i g h t
T w e n t y N i n e
T h i r t y
T h i r t y O n e
E n d i n g C h a p t e r T h i r t y T w o
E p i l o g u e
Extra Chapter : Christmas Special

T w e n t y F o u r

3.2K 82 3
By iamnyldechan





Mag 3 weeks na simula ng atakihin si Tito Andro. Stable na ang kalagayan nya. Kagigising lang nya nung huli ko syang makita pero need pa din nyang maconfine sa Divine Heart.

Si Zander naman, palagi pa din on and off sa ospital. Lumalabas na sya sa tv para sa mga presscons sa mga nangyaring pagwewelga sa harap ng ospital. At biglaan pagkawala ng mga investors. Hindi ko alam paano ako magkakatulong. Palagi lang ako sa condo. At hindi nagpupunta ng Divine para makaiwas sa gulo.

DINNGGGGGG!!

Nagulat ako sa nagdoorbell. Nasa sala ako at nanonood ng tv. Hindi ko alam kung sino ang pupunta sa condo ng ganito kaaga.

"Hi." nagulat ako. Nakita ko si Lev pagbukas ko ng pintuan.

"Napadalaw ka?" he grabbed my hand.

"Aalis tayo.!"

"HA!" hinatak nya ako palabas. Naka shorts lang ako at tshirt. Hindi na ako nakapagpalit dahil hinatak na ako ni Lev paalis ng condo.



---

"Saan ba tayo pupunta?" asked ko kay Lev na nagdadrive. Hindi pa nya sinasabi saan nya ako dadalhin.

"Alexa asked me na dalhan si Tito Andro ng mga damit eh. Nasa work kasi sya. At si Jasper lang ang kasama ni Tito." nagulat ako sa sinabi nya.

"So you mean? Pupunta tayo sa bahay nila?" tumangong nakangiti si Lev. Nagtaka ako.

"Ah sige. First time ko makarating dun."

"That's why naisip kita isama." natawa ako. Simula ng ikasal kami ni Zander, never pa ako nakarating sa mismong bahay na kinalakihan ni Zander at Alexa. Hindi dahil sa di ako pwede magpunta dun kaya lang after ng kasal, bumukod na kami. At palagi kami dinadalaw ni Tito Andro sa bahay kaya di na kami nag aabala pa na pumunta dun. Pero minsan nacucurious ako na anong klaseng bahay ba ang kinalakihan ni Zander? Malaki kaya? May pool? Garden? Malaking garage? O yun parang sa telenovela na isang kilometro ang layo ng gate sa bahay. Mayaman kasi sila kaya di ko maimagine ang itsura ng bahay nila. Pero kuntento na din ako na di kami tumira dun. Sabi ni Alexa mapapagod ako maghanap kay Zander para tawagin kumain kung duon kami nakatira dahil sa lawak ng bahay at sa dami ng kwarto na pwede pagtaguan ng asawa ko para tumakas sa gawain bahay. Naiimagine ko nga ang hirap..

Huminto ang kotse sa isang malaking gate. Napadungaw ako sa bintana. Para nga syang bahay sa mga telenovela na pinapanood ko. Hindi ko matanaw sa gate ang bahay. Wow..

"Yaman nila Tito Andro." sabi ko habang dahan dahan nagdadrive si Lev. May minimum speed tractor kasi sa daanan na yun pagpasok ng gate. Once na lumagpas sa speed limit.. Papatamaan yun gulong ng kotse ng mga parang karayom. Kakaiba ito . For security daw.

"Oo.. Sobra. Lalo nung buhay pa ang Mama ni Zander. Kaya lang kasi noon simpleng buhay lang gusto ni Tita Rosetta.."

"Napansin ko na yun nung nakita ko yun lumang bahay nila noon."

"Oo pero, Zander spent most of his childhood here kasi dito pa ako nakatira nun and we shared rooms." nagulat ako.

"Talaga!

"Yeah. And I wanna show you our hide out." napangiti ako. Oo wala ako alam paano lumaki si Zander. Ngayon magkakaroon na ako ng chance alamin yun.

Huminto ang kotse sa isang malapalasyo ng salamin. Paano ba naman lahat ng ding ding at pader ay gawa sa high class na salamin. Pero tinted sya sa labas. Pagpasok sa loob kita mo ang labas. May mga sumalubong sa amin maids.

"Sir Martin." Bati kay Lev ng isang maid na medyo may edad na. Napatingin sya sa kin. Ngayon lang kasi nila ako nakita.

"Asawa ni Zander." nagulat sila ng sabihin ni Lev yun. Parang di pa sila makapaniwala na sa ganitong itsura nabaliw ang alaga nila. Well. Who knows..

Pumasok kami sa loob and the house never fails to amazed me. Grabe ang mga mwebles ng paligid. Sabi ni Lev, more than a million dollars ang nagastos sa bahay na yun. Gusto daw ni Tito Andro na lahat ng Alejo na uuwi may matitirahan bahay na ma ooccupy lahat ng Alejo. Well, tamang tama ang bahay. Sa second floor, may 20 rooms habang sa 3rd floor may 20 rooms at may pool sa 4th floor. Grabe ang laki.. Ang garden nila parang maze. Ang sasakyan sa garage nila aabot ng 100. May sariling golf course si Tito Andro sa loob ng lugar na pag aari ng Alejo. Hindi ko pa nga daw nakikita ang isa pang mansyon sa France. Baka himatayin na ako pag nakita ko.

"Dito ka muna. Kukunin ko lang ang mga susi." said Lev at sandaling nawala. Nakaupo ako sa mamahalin couch na sabi eh galing pa yun sa Germany at yun tinatapakan kong carpet galing pa ng Saudi. Palingon lingon ako sa paligid. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang life size painting ng pamilya ni Zander. Wala pa si Alexa sa painting. Tanging si Zander na nasa age of 7 lang siguro. Si Tito Andro at Tita Rosetta. Sa ngiti ni Zander sa picture hindi ko aakalain na sya ang asawa ko ngayon.

Nakita ko ang isang mahabang table sa baba ng painting. May mga picture frames dun. Nakita ko sina Zander at Alexa kasama ang Papa nila. Picture ni Mama at Tito Andro. Then may picture din kami ni Zander na kasama namin si Tito Andro at Alexa.

Nakaramdam ako ng insecurity. Dahil gusto ko na magkaroon kami ni Zander ng family picture. Yun karga nya ang anak namin. Napahawak ako sa puson ko. Dinatnan na ba ako?

"SAM!" nagulat ako sa sigaw ni Lev. Nasa hagdan na sya at inaaya ako umakyat. Sumunod na ako.


---

Inakyat namin ang 2nd floor. Tahimik sa hallway. Sabi ni Lev ang kwarto ni Tito Andro at Alexa nandito sa second floor.

"Here." nagtaka ako ng huminto kami. Huminto kami sa gitna ng hallway.

"Anong pinto?" I asked him dahil ang dami namin kaharap na pinto. Saan dun?

"Thats why we need this." hawak nya ang isang mahabang bakal na parang panungkit. May sinungkit sya sa dingding at biglang bumukas. May hagdan lumabas mula sa pintong yun.

"Dyan?" tanong ko sa kanyang patawa tawa. Di ko naman akalain na magkakapinto at hagdan dun. Hidden door?

"Akyat na." Tinulak nya ako paakyat sa improvised na kahoy na hagdan. Madilim sa inakyat namin. Then maalikabok pa. Tinakpan ko ang ilong ko.

"Nasaan kaya ang switch?" narinig kong sinabi ni Lev. Madilim kasi at wala ako makita. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

CLICK!

Nagbukas ang mga ilaw. Nagulat ako.

"Welcome to our hide out." Namangha ako. Hide out nga. Isang buong kwarto pala yun na may dalawang kama sa magkabilang side. Nakatabi ang mga gamit sa kahon. Pero yun mga posters, at handwritings nila Zander kitang kita pa din sa pader na para bang hindi natanggal.

Hinatak ni Lev ang kurtinang nakatakip sa bintana. Saka ko lang nakita ang sinag ng araw. Mas lalong tumambad sa harapan namin ang kwarto. Naupo ako sa kama.

"Kama ni Zander yan. Magaling ka talaga pumili." nagulat ako at napatayo sabay tingin sa inupuan kong kama. Hindi ko akalain kay Zander yun. Malay ko ba?

"So anong gagawin natin dito?"

"Well, nabasa mo na ba yun binigay ko sayo.." naalala ko ang envelope na binigay nya na galing France. Dahan dahan akong umiling dahil di ko pa talaga sya nabubuksan.

"Sorry.. Di ko pa nabubuksan." natawa si Lev. Grabe to.

"Okay lang. Pictures lang naman yun."

"Ha? Picture nino?"

"You and Zander." mas lalo akong naconfused sa sinabi nya.

"Paano ka nagkaroon ng mga pictures namin ni Zander?

"Baka ako dapat ang magtanong sayo nyan.. Paano kayo nagkaroon ng pictures ni Zander?" tinuro ko ang sarili ko.

"Ako?" he nodded sabay tawa. Wala akong kaalam alam sa pinagsasabi nya.

"Loko ka. Ano ba yun?" pangungulit ko. Nalilito na talaga ako.

Lumapit sya sa mga boxes na nakatabi sa gilid ng kama ni Zander. Binuksan nya ang isa at parang may hinahanap. Nakatingin lang ako sa ginagawa nya.

"Found it." he said sabay inabot sa akin ang isang lumang photo album. Nakalagay sa harapan ng cover.. "2nd  year Camp"

"Open it." said Lev. Nagtaka ako. Binuksan ko ang photo album. At nakita ko ang isang lumang picture ng mga bata na nasa isang camp site. May mga nakatayong matatangkad na bata at may mga babae na nakaupo. Kung titignan, nasa age of 12-14 ang mga lalakeng nakatayo at yun mga babaeng bata naman nasa 9-7 years old .

"Anong meron dito?" asked ko kay Lev at binuklat nya ang hawak kong photo album.

"Sino yan?" he asked ng ituro ang isang batang babae sa picture. May katabi syang matangkad na batang lalake na nasa highschool na. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Kilala ko ang batang yun..

AKO YUN EH.



---

iamnyldechan ❤️

Sorry for typo errors.
Fresh pa kasi sya so no edits pa sya. Hehehe!

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 28.8K 49
"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me...
2.8M 36.6K 54
Highest rank achieved #1 in ROMANCE A night with full of lust. A night that changed my life. A night with a stranger. A HOT NIGHT WITH MR. BARTENDER...
603K 8.6K 48
(Warning: Rated SPG. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk.) How much pain is she willing to take for him to notice her...
179K 4.8K 42
[Published under Materica Bookstore] HR #11 in Twist --- My room mate, My landlord.. And possibly my lover too.. Who is he? That Mr.Sungit Next Doo...