He Doesn't Share

By JFstories

21.6M 703K 179K

Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. Howev... More

Prologue
Alamid Wolfgang
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
THE LAST CHAPTER
EPILOGUE
AKI

Chapter 31

336K 12K 3.7K
By JFstories


Chapter 31

"NASAAN NA SIYA?"

Nasa pinto lang si Alamid, wala siyang kakilos-kilos don. Magulo ang buhok niya, nangingitim ang ilalim ng mga mata niya, gusot ang suot niyang polo at halata ang pagod na hindi niya iniinda. Sa labas ng apartment ay may mga private men siya na kasama.

"Nasaan si Aki? Nakita niyo na ba siya? Nasaan siya?"

Walang imik na nakatingin lang sa akin si Alamid. Kung hindi pa rin siya kumakain o nagpapahinga ay hindi ko alam. Wala akong pakialam.

"Saka bakit ka nandito? Di ba dapat naghahanap pa kayo?" Nangingilid ang mga luhang tanong ko. "Dapat hinahanap mo pa si Aki!"

"Ingrid, kumain ka muna." Boses ni Ate Helen. Galing siya sa kusina. Kagabi pa siya nandito sa bahay. Hindi niya ako iniwan gaya ng bilin ni Alamid sa kanya. Palagi siyang nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta.

Panay tunog ang cell phone ko. Lahat yata ng teachers, parents ng kaklase ni Aki sa school at mga kapitbahay namin ay kino-contact ako para makibalita. Kahit si Abraham ay panay ang tawag at text sa akin. Hindi ko sila maharap lahat. Mabaliw-baliw ako sa pagpopost sa Facebook, sa pagtawag at pagpunta sa mga ospital, ampunan at sa mga lugar na pwedeng kapuntahan ni Aki. Sa buong maghapon ay iyon ang ginawa ko.

Ang kukupad ng mga pulis. Ang kukupad ng mga imbestigador. Ang kukupad ng mga private men ni Alamid. Ayokong umasa lang sa kanilang lahat!

Mamaya lang kaunti, lalabas ulit ako para maghanap. Iikutin ko ang buong Rizal at buong Maynila para hanapin si Aki.

"Wolf, pagsabihan mo 'yan. Baka bigla na lang bumulagta 'yan sa gutom at pagod. At ikaw rin, magpahinga ka rin naman kahit kaunti. Marami naman nang naghahanap kay Aki."

Dalawang araw nang wala si Aki. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito nakikita. At wala pa ring lead kung nasaan ang bata.

"Maghapon tayo sa labas, Ingrid, at ni hindi ka pa nag-aalmusal. Kung ako nga, pagod na, ano ka pa? Wala ka pang tulog kahit sandali, ah."

Hindi. Hindi pwedeng hindi rin ako maghahanap. Baka kasi nandiyan lang si Aki at nagtatago. Baka ako lang pala talaga ang hinihintay niya para magpakita siya.

"Ano ba kayong dalawa, ha? Papatayin niyo ba mga sarili niyo? Ni wala pa yata kayong tulog na dalawa, ah!"

Para na akong mamamatay sa pag-aalala. Takot na takot ako sa mga posibleng mangyari sa anak ko.

"Sampung milyong piso ang reward!" Natutop ni Ate Helen ang bibig. Hawak-hawak niya ang remote ng TV.

Napatingin ako sa nakabukas na TV. Nasa screen ang picture ni Aki na sa tingin ko ay sa cell phone ni Alamid kinuhanan. Nakangiti ang bata sa picture, kumikislap sa tuwa ang mga mata habang may hawak na icecream ang isang kamay.

"I'm going to raise the reward to one-hundred million."

Napalingon naman ako kay Alamid. Nasa TV na rin nakatingin ang malungkot niyang mga mata.

Inilipat ni Ate Helen sa ibang channel ang TV. Halos sa lahat ng news, ang pagkawala ni Aki ang ibinabalita. Sisiw lang iyon kay Alamid sa dami ng pera niya. Pero bakit marami siyang pera ay hindi niya pa rin mahanap si Aki?!

"Alas sais na pala. Sige na, kumain ka na, Ingrid. May pagkain sa mesa, sisilipin ko lang mga anak ko sa kabila."

Naiwan kaming dalawa ni Alamid.

"Gusto ko nang makita si Aki." Hindi niya ako pinansin.

Lumapit siya sa switch ng ilaw at pinatay ang ilaw sa sala.

"Narinig mo ba ako? Ang sabi ko, gusto ko nang makita si Aki."

"You should rest, Ingrid."

"Baka gutom na iyon, e. Baka hindi pa iyon naliligo. Baka miss niya na iyong mga laruan niya. Baka miss niya na ako..." Napaiyak ako sa mga palad ko. "Hanapin mo na si Aki, Ala, please... Ibalik mo siya sa akin... baka miss niya na ako kasi miss na miss ko na si Aki..."

Naramdaman ko ang pagyakap ng mainit na katawan sa akin.

"Hindi ko na kayang maghintay... hindi ko na kaya..." Napahagulhol na ako. "Hanapin mo na siya... please..."

"Hush... I'll find him." Hinalikan niya ang noo ko. "I'll find him. I promise you, I will find him."

Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Alamid, ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Hindi ko man nakikita ang pag-iyak niya, matatag man ang ipinapakita niyang emosyon ay dama ko na nag-aalala at natatakot din siya. Pero hindi niya kayang tumbasan o kahit nino ang pag-aalala ko. Ang pag-aalala ng isang ina.

Matalim ang tinging ipinukol ko kay Alamid. "Hanapin mo siya. Dapat makita mo si Aki. Ikaw ang dahilan kaya nagulo ang buhay ko. Ang buhay namin ng anak ko. Mula ng dumating ka, nagkaletse-letse na ang buhay naming dalawa."

Gumuhit ang kirot sa kulay abo niyang mga mata, pero wala akong pakialam ngayon sa nararamdaman niya.

"Tandaan mo, 'pag may nangyaring masama sa anak ko, hindi kita mapapatawad."

...

Nasa kabilang bahay si Alamid, kausap ni Ate Helen ng pumasok si Abraham sa apartment ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Paano ako magiging maayos, Abraham?"

Hinila niya ako ikinulong sa mga braso niya. "Hindi tayo titigil hanggang hindi nakikita si Kulet."

"Abraham, hindi ko kaya..." sumiksik ako sa dibdib niya. "Hindi ko kaya kapag hindi ko na makita si Aki..."

"Don't say that. Makikita mo pa siya. Makakasama mo pa siya. Natin."

Hindi ko namalayan na nakaidlip na ako sa loob ng yakap ni Abraham. Lahat ng pagod at puyat ko sa magdamag at maghapong pag-aalala at paghahanap kay Aki ay bigla kong naramdaman.

Mainit na halik sa noo at bulong ni Abraham ang narinig ko bago ako tuluyang kinain ng antok. "Rest well, mahal..."

...

"AKI?!"

Naalimpungatan ako na mag-isa na lang sa sala ng apartment ko. Lahat ng lungkot at pag-aalala ay bumalik sa akin nang mabingi ako sa sobrang katahimikan ng paligid.

Walang batang nag-iingay. Walang nanggugulo sa paligid. Walang bukas na TV at maiingay na boses ng cartoon characters. Wala lahat.

Kasi wala pa rin si Aki.

Bumangon ako at nagkusot ng mga mata. Kahit pigilan ko, kusa talagang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero bukas na ang ilaw sa kusina. Naaamoy ko rin ang mabangong ulam na mukhang bagong luto lang. Pero wala pa rin akong gana.

"Abraham?" tawag ko.

Walang sagot.

Umuwi na yata siya. Saka ko napansin ang suot kong T-shirt. Ni hindi ko namalayan na may nagpalit ng suot kong damit. Ang pinagpawisan kong blouse ay nakasampay sa kabilang upuan.

Umiyak na naman ako. Ilang minuto akong nakabaluktot habang mahinang umiiyak nang tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko iyon ay halos sabog na ang inbox ko. Sa dami ng nagti-text at tumatawag sa akin, wala naman ni isa ron ang may hatid ng magandang balita.

"Ingrid?" Bumukas ang screen door.

Hindi ko pinansin si Ate Helen. Tulala lang ako habang hawak ang cell phone ko.

"Kumain ka naman muna, Ingrid. Naabutan ko kanina rito si Abraham na ipinagluluto ka. Lamanan mo naman muna ang tiyan mo. Saka nga pala, may mga pagkain din na pinadeliver si Wolf dito. Nandiyan lahat sa kusina, galawin mo naman kahit kaunti."

Wala pa rin akong kibo.

"Ginagawa na ni Wolf ang lahat para makita ang anak niyo, sikapin mo na ipahinga ang sarili mo. Hindi naman titigil si Wolf na—"

"Sana mamatay na siya!" mariing sambit ko. "Sana mamatay na siya at umuwi na sa akin si Aki."

"Ingrid, hindi naman niya ginusto ang nangyari e."

Umiwas ako ng tingin. "Iwan mo muna ako, Ate..."

"Sige. Pero babalik ako, ha? Ibinilin ni Wolf na icheck kita from time to time." Lumabas na ulit si Ate Helen.

Muli kong naamoy ang mga pagkain mula sa kusina. Kumakalam ang sikmura ko pero wala akong gana na kumain kahit na kaunti.

Sinilip ko ang labas, madilim na madilim ang langit. Wala kahit isang bituin.

Tulog na kaya si Aki?

Saan kaya siya natutulog? Hindi pa naman nakakatulog iyon kapag hindi muna pinapainom ng gatas. Saka magpapakamot pa iyon ng likod e. Saka baka matigas ang hihigaan niya, baka malamok, baka mainit.

Baka gutom na gutom na siya. Baka natatakot na iyon at gusto nang umuwi. Baka namimiss niya na ako.

"Aki, nasaan ka na ba, baby ko?" Tumulo na naman ang mga luha ko.

Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya itong parusang ito.

Nasaan na ba si Aki? Nasaan na siya? Ano ang ginagawa niya?

Bumukas muli ang screen door. Hindi sana ako lilingon kung hindi ko lang naamoy ang matapang na amoy ng mamahaling perfume na pangbabae. Nang tumingala ako ay hindi nga si Ate Helen ang dumating.

"Benilde?"

Maliit siyang ngumiti sa akin. Katulad noong una ko siyang nakita ay ganoon ulit ang suot niya. Hoody at jeans.

"Hi, Ingrid. How are you?" Naupo siya sa sofa na kaharap ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Visiting you. Sorry kung bigla akong pumunta rito. Sinundan ko nga pala si Wolfie kahapon kaya ko nalaman itong place mo."

"Kung si Alamid ang sadya mo, wala siya rito. At kahit bumalik pa siya, itataboy ko lang siya ulit. Iyong-iyo na siya, Benilde." Malaki ang problema ko. Wala akong panahon makipag-agawan sa kanya ng lalaki.

"Hindi siya ang sadya ko, dear."

Napatitig ako sa kanya.

"Nawawala raw iyong little brother mo?"

Kumibot-kibot ang mga labi ko. Nakakalat na sa buong Pilipinas ang pagkawala at paghahanap kay Aki. Kahit sa TV ay nagpa-announce na si Alamid. Hindi malabong alam na rin ni Benilde ang tungkol don.

Inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil. "I'm sorry about what happened."

"Hindi ko kailangan ang awa mo. Umalis ka na." Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya.

"I'm not here para makipag-away, okay? Nandito ako kasi gusto kitang kumustahin. Iisa lang tayo, Ingrid. Iisa lang ang gusto nating dalawa, at iyon ay mahalin si Wolfie sa kabila ng lahat. Kung may pagkakaiba man ako sa 'yo, ay iyon ang kahandaan ko pa rin na tanggapin siya kahit ano pa man ang nangyari at mga mangyayari pa."

"Hindi tayo nagkapareho sa kahit saan, Benilde. Umalis ka na please."

Umiling siya at saka ngumiti nang makahulugan. "Aki is such a nice kid."

Sa klase ng kislap ng mga mata ni Benilde ay alam kong may gusto siyang iparating sa akin. Parang magigiba sa kaba ang dibdib ko habang nakatingin ako sa maganda niyang mukha. Iba-ibang emosyon ang nakikita ko sa kanya, mga papalit-palit na emosyon.

"Kung hindi ako nakunan noon, baka kasing laki na rin ni Aki ang baby ko, Ingrid. Masaya ako nararamdaman mo na ngayon ang naramdaman ko noon."

Pumintig ang sentido ko. "Alam mo kung nasaan si Aki?!"

"I don't know where he is." Malungkot siyang ngumiti sa akin. "But I know what happened to him."

"A-anong nangyari sa kanya?" pigil hiningang tanong ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla na lamang siyang humagulhol. "I'm sorry, Ingrid."

"Anong nangyari sa kanya?!" Halos yugyugin ko ang balikat niya.

"I'm sorry... I know how it feels, Ingrid, believe me. I understand what you're going through..."

"Benilde, anong nangyari kay Aki?!"

Luhaan ang mga matang tumitig siya sa akin.

"Sumagot ka!"

"He's dead."

JF

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
818K 38.6K 28
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
36.7K 636 50
[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes h...