WERE MARRIED? (COMPLETED)

By paujhoe

659K 10.6K 453

Isang hindi inaasahan na pangyayari sa buhay ni Girl na hindi niya alam kung paano at bakit nangyari sa kanya... More

Synopsis
Prologue
one
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
a/n

23

11.3K 329 20
By paujhoe

BUO NA ang pasya niya, kakausapin na niya si Daniel ngayon.

Nagpalipas pa siya ulit ng araw bago siya gumawa ng desisyon niya.

At iyon ang sabihin kay Daniel ang lahat, as in lahat ng tungkol sa kanila ni Claude. Maging ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito.

"Saan ka pupunta anak?"takang tanong ng nanay niya.

Mula kasi ng dumating ang annulment papers nila ni Claude hindi na siya lumabas pa ng bahay nila kahit na anong nangyari. Kahit pa nasa labas si Daniel at inaaya siyang mag-ayos ng papeles niya para makasama siya sa binata papuntang ibang bansa.

Kaya ngayon na makita siyang lalabas ng bahay ng kanyang ina alam niya na nagtataka talaga ito ng mga sandaling iyon. kailangan niyang makausap si Daniel, hindi na niya pwedeng patagalin pa itong mga sasabihin niya.

"Kay Daniel lang nay"paalam naman niya dito.

"Saan ang punta niyong dalawa?"nagtataka pa ding tanong ng kanyang ina.

"Wala po, mag-uusap lang po kami"hindi na niya hinintay pa ang sumagot ang nanay niya.

Nagderetso siya sa hotel kung saan tumutuloy si Daniel. Alam na naman niya ang room number nito kaya doon na siya tumuloy. Pagdating niya doon isang katok lang ginawa niya at agad na binuksan ni Daniel ang pinto.

"Rhiane!"nakangiti itong bumungad sa kanya.

Seryosong pumasok siya sa loob ng hotel room nito, nilagpasan nga lang niya ito.

Kailangan na niyang sabihin ang lahat ng dapat niyang sabihin dito ngayon habang may lakas pa siya ng loob.

Hindi pa man nakakaupo si Daniel nagsimula na siyang magsalita.

"Daniel, I'm sorry. But I must cancel our wedding. I know you got here because of me. That's why 'am here to ask for your forgiveness. I'm just confuse this past few days, but today I made up my mind. Now I'm telling you that I'm inlove with somebody else, and I'm already married. I'm sorry"tuloy tuloy siyang nagsalita kahit pa nga hindi na siya makatingin ng deretso kay Daniel.

Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan nila ni Daniel. Hindi niya alam kung ano ang reaction nito sa mga sinabi niya, nakayuko lang kasi siya.

"I'm sorry Daniel I lied to you"nahihiya niyang dagdag pa.

"I hide it, I knew it all along before you came here in the Philippines. I just want to fix thing with Claude, that's why I'm here. I'm sorry" aniya dito.

Nakayuko pa din siya habang nagsasalita siya.

"Ano, Daniel please don't get mad at me. I just felt that I really love Claude."patuloy niya.

Muling mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. gaya kanina hindi niya magawang tumingin sa binata. Matapos kasi ng pagsasalita niya ngayon nararamdaman na niya ang hiya at pagkawala ng lakas ng loob na harapin si Daniel.

Isang malalim na buntong hininga ang narinig niyang tugon naman ni Daniel sa lahat ng sinabi niya.

"Wow!"

Napaangat ang tingin niya sa binata sa naging reaksiyon nito. ngayon lang din niya nakita ang ganitong reaksiyon sa binata mula pa noong nakilala niya ito sa chat.

Para kasi itong hindi makapaniwala habang nakatingin sa kanya.

"This is the first time, that I finally understand you perfectly Rhiane."exaggerated pa nitong dagdag.

Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito sa kanya. napataas pa nga ang kilay niya habang nakatitig dito, anong gustong palabasin ng kano na ito.

Halla, bakit naintindihan ko siya kahit mabilis siyang magsalita.

"I understand you, the moment I've met Claude I knew there's something between the two of you."malumanay na sagot naman nito.

Napakurap-kurap naman siya habang nakatitig din siya sa binata, wala kasi siyang makitang sama ng loob dito habang nagsasalita ito.

"I'm going back to New York this weekend"dagdag pa nito.

Naiiyak na nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit. Kahit naman papaano sa ilang buwan nilang magkachat nito naging malapit na talaga ito sa kanya. at aaminin niya minahal din naman niya ito kahit pa hindi sila nagkakaintindihan na dalawa.

"I thank you bebe loves ko"naiiyak niyang turan dito.

Tumatawa naman itong gumanti ng yakap sa kanya.

"I really do love you Rhiane, but if Claude is the only person that can make you happy. I will let you go with him. But promise me, if Claude make you cry don't hesitate to call me and right away I will fly going back here to get you from him"anito sa kanya.

Napakamot naman siya sa ulo ng hindi na naman niya naintindihan ang sinabi nito ang bilis na naman kasi.

"Ahh basta salamat"aniya dito.

NAKAHINGA na siya ng maluwag nang makalabas na siya ng hotel kung saan tumutuloy si Daniel.

May naging usapan silang ihahatid niya ito sa airport bukas para naman kahit papaano makabawi naman siya sa pang-aabala niya dito.

"Hintayin mo ako Claude, pupuntahan kita bukas!"malakas niyang naituran ang mga iyon.

Pinagtitinginan na nga siya ng mga tao sa paligid niya pero wala siyang pakialam doon ang mahalaga masaya siya. Dahil sa wakas naamin din niya sa sarili niya ang tunay niyang nararamdaman.

Agad siyang umuwi sa kanila. Wala doon ang nanay niya, siguro nasa sugalan na naman ang nanay niya ng mga ganitong oras.

"Mag-iimpake na ako"kausap niya sa sarili niya.

Kinuha niya ang isang bag pack niyang malaki at nagsilid doon ng mga gamit niya. balak kasi niya pagkahatid niya kay Daniel bukas kay Claude na siya tutuloy.

Kakapalan na niya ang mukha niya kay Claude. Isa pa asawa naman niya iyon.

Handa na siyang gampanan ang pagiging asawa niya kay Claude kahit pa hindi niya alam o hindi malinaw sa kanya kung paano. Sabi nga ng nanay niya si Claude ang makakasagot kung paano sila nakasal.

At iyon ang aalalamin niya pagnagkaharap na sila ni Claude.

Gabi na ng dumating ang nanay niya, mukhang pagud na pagud ito sa maghapon nitong pagsusugal. Kita kasi sa mukha nito ang pagud kahit na hindi ito magsalita.

"Saan ka pupunta?"gulat na tanong ng nanay niya ng makita nito ang bag niya.

Nilingon din niya ang bag niya bago niya sagutin ang kanyang niya.

"Sa airport po"aniya.

Kita niya ang pagkunot ng noo ng kanyang ina sa naging sagot niya. bigla para siyang nahiyang aminin sa ina kung saan talaga siya pupunta.

Kasi naman hayagan ang pagtanggi niya noon kay Claude tapos ngayon heto at hahabol siya sa lalaki.

"Sinong kasama mo?"

"Si Daniel po"mahina niyang sagot sa ina.

Nakita niyang napapikit ng mariin ang kanyang ina, napasintido pa nga ito habang nakapikit. Umiling lang ito ng dalawang beses bago siya iwanan sa sala nila. Wala salita ito pumasok sa kwarto nito at hindi na muling lumabas pa.

Madaling araw nang umalis siya sa kanila para puntahan si Daniel sa hotel nito. sa buong biyahe nila panay lang ang kwento ni Daniel pero wala naman siyang maintidihan sa mga sinasabi nito.

"Daniel, me not good english, me not understand you"pag-amin niya.

Tumawa naman ng malakas si Daniel sa sinabi niya, napataas pa nga ang kilay niya kasi heto na naman si Daniel enjoy na enjoy na naman sa kanya.

"I thought you change, you speack good yesterday. So I thought you change"anito.

Sinimangutan naman niya ito sa bay irap na may ikinatawa naman nito.

"Bahala kang kano ka"bulong pa niya.

Pagdating sa airport hindi naman mahabang paalamanan ang nangyari sa kanilang dalawa. after nga ng ilang babye words niya iniwanan na niya si Daniel at hindi na hinintay na makasakay ng eroplano.

Pero bago iyon binigyan siya ni Daniel ng ilang libong piso para naman daw may sarili pa din siyang pera para panggastos niya o pamasahe pauwi.

Mabait talaga si Daniel, pero si Claude talaga ang sinisigaw ng puso niya.

Mabilis siyang kumilos, sumakay na nga siya ng taxi at nagpahatid sa terminal ng bus para mabalis. Pero nakakatawa lang usad pagong talaga sa Maynila. Ang lawak ng parking lot dito, buong Edsa.

Hapon na siya nakasakay sa bus, tiyak niya gabi na siya makakarating kila Claude dahil na din sa traffic pa din sa paglabas ng bus sa terminal. Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa labas ng makalabas sila ng Manila. Talagang gabi na siya makakarating sa bahay ni Claude.

"Kainis na traffic yan"bulong niya.

Naiinis siya kasi paano na siya nito ngayon kung malalim na ang gabi pagdumating siya sa bahay ni Claude.

"May pera pa naman ako, maghotel nalang muna ako"aniya.

Patangu-tango pa siya habang kinakausap ang sarili niya. mahaba pa naman ang biyahe niya kaya naman natulog na muna siya sa biyahe niya.

Hindi na nga siya nagkamali, ala-una nan g madaling araw siya dumating sa bayan ni Claude. Nahiya naman siyang mangbulabog kay Claude kaya naman hindi na siya doon tumuloy.

Naghanap nalang siya ng malapit na matutuluyan niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

201K 4.9K 37
Lion heart series no.2 Neville Stephen Hamilton de Mercedez a ruthless but hot barrister,he was one of Donya Mercedez grandson the most prominent De...
149K 5.3K 34
The fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
237K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...