I was a Cannon Fodder in the...

By Shige_

414 40 3

"Tingin ko nagreincarnate ako sa isang laro." At yan na nga ang kabuuan ng istorya. May mga flags kahit saan... More

Prologue
Chapter 1: Me (present) vs Me (past)
Chapter 2: Project Emma Changeover
Chapter 3: Morning Class and Afternoon 'Crash Course'
Chapter 4: The Capital
Chapter 5: The Siblings
Chapter 6: Tsundere Da Ne?

Chapter 7: Yandere Desho?

27 5 0
By Shige_

AN: Hello! Sorry hindi ako nakapag-update agad. Hopefully maging maluwag na ang schedules ko. By the way, may editing akong ginagawa sa previous chapters. Nothing big, inaayos ko lang yung delivery ng mga lines. Same pa rin naman ang story and content. Thanks!

---------------------------------------------------------

Isang malakas na lagabog ang narinig ko at nang tumingala ako ay nakita ko si Emma na namumula ang buong mukha. Ano? Hanggang ngayon nagbu-blush ka pa din?

"Sabi mo papayag siya kapag ako ang nagyaya?!"

Pasinghal niyang sigaw sa akin at mabilis na umalis. Ramdam ko ang kanyang galit at pagkapahiya mula sa kaniyang salita. Kung ganoon hindi na pala blush ang pamumula ng kanyang mukha sa pagkakataong iyong.

Tsss. Anong drama na naman ito? Sa huli, kailangan ko pa din bang kausapin ang ugok na iyon??

Teka, ang pagkakatanda ko sa game, itong mokong na ito ay dakilang sakit ng ulo at puso ng mga magulang nila. Bakit? Dahil siya ay isang trash, o walang kwentang miyembro ng Lyndham; at may nagsabing isa din daw siyang debaucher. Kaya ba niya pinipilit pumasok sa kwarto ng mga katulong na babae kahapon?? Gawain niya na pala talaga iyon.

Luh. Pero ibig sabihin noon ay safe ako!

Nagbigay lang talaga ng matinding takot sakin ang ginawa niya. Well kung ganoon, susubukan kong kausapin siya ngayon.

"Tok. Tok."

"Kuya Liam, si Zhian ito."

Kumatok ako at pinihit ang pinto. Unang tumambad sa akin ang madilim na silid kaya hirap akong maaninag ang mga kasangkapan sa loob. Pero nang medyo na-adjust na ang paningin ko, madali ko na siyang nakita. Nasa sulok lamang ito, nakaupo sa isang silya at may hawak na baso na mukhang alak na naman ang laman.

"Kuya Liam, si Zhian ito."

Walang sumagot. Wala ding gumalaw sa loob ng silid. Nakatingin pa din siya sa basong hawak niya. Ganoon nalang ba ang pagmamahal niya sa alak?

"Papasok na ako."

Lumakad ako palapit sa bintana pero malayo pa din sakanya. Kung susukatin mga sobra dalawang cartwheel o tumbling ang pagitan namin. Ayos. Makaka-iwas ako kung bigla na naman siyang mandamba.

"Kuya Liam, tatakbo kami ni Emma bukas ng umaga para na din bilang exercise. Pwede ka bang sumama?"

"..."

"..."

"..."

"Sabi din nila Tito at Tita ay isama ka daw namin."

Tsing!

Mabilis ang naging reaksyon nito doon. Parang may kung anong mabilis na kumislap sa kanyang mga mata sa pagtitig niyang iyon sa akin. Pakiramdam ko ay bumagsak ang temperatura sa loob ng kwarto matapos nito. Kinikilabutan na talaga ako.

"Erm..."

"..." (Liam)

"..." (Zhian)

"..." (Liam)

"Sasama ka ba?"

"..." (Liam)

"..." (Zhian)

"..." (Liam)

"Tsk! Sumama ka nga daw!"

Sa sobrang inis ko ay nasigawan ko siya. Hindi naman siya pipi o tanga at mas lalong hindi siya cute pero pa-bebe masyado.

"Did you just click your tongue at me?"

Wew. Baritonong boses. Masasabi kong pupuntos sa kadalagahan at kahit na sa mga Madam ang ganoong boses. Natameme ako at di nakasagot.

"Gusto mo bang kagatin ko ang makasalanang dila na iyan?"

Zzht!

Pakiramdam ko nakuryente ako at mabilis na nagtayuan ang aking mga balahibo. Maging ang aking dugo ay mabilis na dumaloy at naramdam ko ang pag-iinit ng aking katawan lalo na ang aking mukha.

Napaatras ako dahil dito samantalang si Liam naman ay napakunot ang noo. Tinignan niya akong maigi na akala mo ay nakakita siya ng isang exotic na bagay at siya naman at isang siyentipikong nagkaroon ng bagong eksperimento. Mas lalo akong nanghilakbot sa takot.

Mabilis kong inilibot ang aking mga mata sa kwarto at naghanap ng kahit anong pwedeng magamit. Dito ko muling masusubok ang Baritsu ni Sherlock Holmes!

Nakakita ako ng poste na sabitan ng coat, mahabang feathered pen, platito ng prutas, bote na kung ano man ang laman at mga libro. Huh? Libro? Marunong magbasa ang kolokoy na ito?

Ang Baritsu ay gumagamit ng hand-to-hand combat, feint or tricks, at paggamit ng available resources sa paligid. Ito ang gentleman's fighting style. Tama ba? Sumasakit ang ulo ko sa sobrang paghuhukay sa memorya ng past life ko. Basta bibigyan ko kaagad siya ng upper-cut gamit ang pulsuhan ko tapos kukunin ko ang platito at ipapalo sa ulo niya, lalayo at ibabato ang mga libro sakanya tsaka kukunin ang poste para ihampas sa likod ng tuhod niya. Kung hindi sasapat yan e kukuhanin ko ang una ko nang itinagong feathered pen at isasaksak sa mata niya, tapos ihahampas ko ang bote sa―

Biglang tumayo si Liam sa upuan na siya namang ikinalundag ko. Na-imagine ko tuloy ang sarili ko na isang pusang ginulat gamit ang isang cucumber o pipino. Ah, hindi ko din alam kung bakit nagugulat doon ang mga pusa.

Dahan dahan siyang lumapit at halos malagot ang mga ugat ko sa sobrang tense. Naniningkit ang mga mata niyang nakatitig sa akin. At nang abot kamay na niya ako ay hinalbot niya ang pulsuhan ko at nakiramdam.

"Diba apoy ang elemento mo?"

"Ha?"

Yun lang? Waah! Wala akong ibang inaasahan! Itong kuyumad na 'to!

"Oy."

"Ah?"

"Tinatanong kita kung apoy ang elemento mo."

"Oo?"

"Bakit patanong?"

"Ha?"

"Problema mo?"

"Wala?"

"Buti ka pa. Pagkatapos mo kong kilitisan para kang maamong tupa diyan."

"..." (Zhian)

"Sige sasama ako bukas ng umaga."

Yun lang at tumalikod na siya at bumalik sa pag-inom ng alak niya. Ako naman na nag-iinit pa rin ang mukha sa kahihiyan ay nagpaalam na din. Mabilis akong lumabas at naglakad na akala mo ay may humahabol na multo.

"Masasabi ko na sigurong tagumpay ang pagpilit ko sakanya diba? Pinilit ko siya diba? Hindi ako natakot hanggang sa huli."

Muli akong tumawag sa lahat ng kilala kong diyos at mga santo.

"Iligtas ninyo po ako sa kapahamakan, lalong lalo na sa nagngangalang Liam."

Tahimik kong bulong upang hindi marinig ni Yaya Neliah na nasa likod ko lamang.

---

Ang inaabangan na kinabukasan ay dumating na. Bumaba naman mula sa kalangitan ang sugo ng lahat ng diyos at santong pinagtatawagan ko at hiningian ng tulong.

"Umuulan!"

Tuwang tuwa kong hiyaw sa aking kama. Naririnig ko ang sunod sunod na patak ng ulan sa labas ng aking bintana.

"Haha! 'Wag ka nang titigil!" malapad ang ngiti kong sambit.

Tok. Tok.

"Young master?" iyon naman ang pagbukas ng pinto.

"Gising ka na pala, akala ko nananaginip ka lamang. Nakakalungkot dahil umuulan, hindi tuloy kayo makakatakbo kasama sila Ms. Emma at Master Liam."

"Hehe. Oo nga."

Hindi ko magawang magkunwari. Sobrang saya ko sa mga pangyayari. Sa sobrang ligaya ko ay masigla akong nag-ayos upang makapag-umagahan na. May lundag din sa aking mga hakban habang hindi naman mawala ang ngiti ko sa aking mukha.

Naguguluhan man si Yaya Neliah ay hindi nalamang ito nagsalita. Marahil akala niya ay maganda ang aking naging panaginip.

"Magandang umaga po Tito, Tita. Saiyo din Emma at... Kuya Liam?"

"Mukang may maganda ang gising sa atin ngayon ah?"

"Kahit na biglang umulan, mabuti naman at hindi mo ito ikinalungkot, Zhian."

Magkasunod na sagot nila Tito at Tita sa akin. Si Emma naman ay muling bumalik sa pag-deadma sa akin.

"Di bale may bukas pa naman at mga susunod na mga araw."

Lahat nang nakarinig noon ay napanganga. Para itong isang gag comics na kung saan lahat ay bumagsak ang panga sa sahig dahil sa pagkabigla, pagtataka at pagkamangha.

Si Liam ang nagsalita at mukhang hindi siya lasing.

Nagkatinginan ang mag-asawa at sabay ngumiti na akala mo ay nabigyan ng award ng hari.

Pero ang pinakamalala ay si Emma. Siya ang may pinakamagandang reaksyon. Matapos niyang makabawi sakanyang pagkabigla ay agad siyang lumingon sa akin, hawak ang tinidor at kutsilyo sa magkabilang kamay, at mukhang balak na talagang niyang tapusin ang mga masasayang―hindi, nakakapagod na araw ko.

---

Note: Thanks for reading guys! At dahil sa chapter na 'to, I made up my mind to do other POVs but maybe around the 10th. I don't know why the 10th too so don't ask. Mwahehe! See you on the next chapters. Ciao!

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...