My Babies Daddy (Completed)

By holayagirl

201K 5.1K 274

What will you choose, love, or pride? Will you sacrifice your children's happiness just because you were hurt... More

MBD 1: Jelly Ace
MBD 2: Instagram
MBD 3: Email
MBD 4: Meeting
MBD 5: Unexpected Visitor
MBD 6: Bicol
MBD 7: Kamusta Ka?
MBD 8: Ang gulo!
MBD 9: Caramel
MBD 10: The reunion 1
MBD 11: The Reunion 2
MBD 12: Missing Twins
MBD 13: The Twinapper
MBD 14: Birthday Party
MBD 15: In-House Seminar
MBD 16: Bitch on the Beach
MBD 17: Sugar Coated Honey
MBD 18: Why
MBD 19: Beautiful Goodbye
MBD 20: Movie Date
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
MBD 21: My Sunshine
MBD 22: Tragedy
MBD 23: A Mother's Misery
MBD 24: The Call of Death
MBD 25: The Recovery
GIVEAWAY WINNERS
Available Headers!!

MBD 26: The Fashion Show (Last Chapter)

9K 152 23
By holayagirl

The Fashion Show

Sofia's POV


"Ma'am eto na po yung line up mamaya sa fashion show."



"Ma'am sabi po ni Ma'am Xei pumunta na raw po kayo sa venue."



Sobrang dami naming ginagawa ngayon. Today is the day!!! Ngayon na ang big event namin and I need to seize this!!



"Sige, Lisa mauna na kayo don para may mag asikaso na rin dun."



Tinawagan ko muna si Jin na bilisan nila. It's about to start in 2 hours.



"Jin, nakaalis na ba kayo?"



"Hindi pa, my sunshine."



"Ano pang hinihintay nyo?! Male-late kayo."



"Chill, babe. Yung puso mo naman eh. We're going na."



Nagbuntong hininga muna ako bago nagsalita.


"Okay. I'm sorry. Stress lang."



"You can do it. I love you. Yieeee ngiti na yan."


Asar din talaga tong si Jin eh. Napangiti na lang din ako.



"Oo na sige bye."



"Nuyon? Wala akong iloveyou too?"



"Wala!"



"At bakit? Pabebe ka pa dyan."



Sige na nga. Arte ko naman hihi.



"I love you too." bulong ko. At binaba ko agad yung tawag.



Nakakahiya pero para akong teenager na nalamang crush din ng crush niya. Okay na kami ni Jin as in okay na okay. Di lang halata. Medyo pabebe lang ako. Nakakainis din tong sarili ko eh.



*Gio Calling*


"I'm here na." bungad nito.



"Wow buti ka pa aga mo. On the way na rin yung mga bata."



"Galingan mo later!"



"Che!"



Inaasar nya rin ako nung nalaman nyang kasama ako sa mga rarampa mamaya.


Nagdrive na rin ako papuntang venue kasi aayusan pa ako. Daming kemerut pwede naman kasi taga monitor na lang ako ng flow. Last naman akong rarampa kasi ipapakilala nila ako as one of the designers kaya no worries. Makikita ko rin yung mga gowns na ginawa namin na suot ng mga magagandang babae.



"Thank God you're here! Bilis!" hinila ako ni Xei papuntang back stage at pinaupo.


"Carrie, unahin mo na to si Sofia. Gandahan mo ha!" sinimulan na akong make-upan ni Carrie at ayusan ng buhok.



"Light lang ha?"



"Ako bahala sayo girl! Leave it to me."



Medyo napapapikit ako sa pagod. Inaantok na rin ako pero buti na lang at nagkape ako kanina. Sana wag akong antukin.



Nakapikit ako pero naririnig ko ang mga usapan dito sa backstage.



"Nawawala si Ara!"



"Huh? Eh andito na yon kanina eh."



"Yun nga eh. Dapat sya na next na aayusan. Naku magsisimula na tayo eh."



"Wala na bang ibang replacement kay Ara? Tegi tayo nito kay Ma'am Xeira."



"Nakita ko si Ara! Umalis may emergency raw sa bahay nila. Hindi ko na nahabol eh." sabi nung bagong dating na staff.



"Patay tayo dyan!"



Nammroblema na yung mga staff dahil kulang sila ng models. Sakto naman dumating si Lisa.


"Ma'am, dumating na ho sina Sir Jin. Aayusan na rin po si Summer."



Sinenyasan ako ni Carrie na okay na. Ganda ko girl. Tumingin ako sa salamin at hindi ako mukhang pokpok. Bagay lang sa mukha ko.



"Lisa, tapos ka na ba sa mga gagawin mo?"



Nag isip muna ito bago nagsalita. "Yes po. Wala naman ng inuutos sakin dito."



"Okay." tinawag ko yung staff kanina. "Lisa can replace Ara. Right, Lisa?"



Gulat yung itsura ni Lisa. Hindi nya ata ineexpect yung sasabihin ko.



"Ayun! Thank you Ma'am. Maganda ka Lisa pwede ka na." sabi nung staff.



"Hala, Ma'am nahihiya po ako. Wag na lang po."



"Gusto mo bang masayang yung pagod nating lahat dito? Pag kulang ng models madedelay tayo at hindi to magiging successful gusto mo ba yon?"



Agad na umiling si Lisa. Napilitan na sya at hinila na nung staff. Inayusan na rin siya.



"Hi, mommy! You look gorgeous." nakasmile na sabi sakin ni Summer. Binuhat ko sya at pinaupo sa silya.



"Carrie, ito si Summer. Ayusan mo sya. Kasama sya sa models."



"Ang cute mo naman!" pinisil pa nito ang cheeks ni Sam. Buti na lang di suplada to si Sam kundi natapik na nya yung kamay ni Carrie.



After 15 mins, tapos na rin ayusan si Lisa. Nagpaalam muna itong lalabas saglit.



"Girls! Kunin nyo na mga damit nyo at magbihis! We'll start in 30 minutes!"



Ang bilis naman. Di ko pa nga nakikita si Xeira. Siguro busy rin yon sa pag organize ng lahat.



"Sofia!" napalingon ako. Speaking of the devil... Char



"Xei!" nagbeso beso kami.



Inabot nya sakin yung isang long dress na white. "This is your dress. Bagay na bagay yan sayo."



Shet ito yung limited edition kong dinesign. Akala ko hindi to isasama ni Xei sa collection kasi hindi raw mukhang pang wedding eh.



"Akala ko hindi to kasama?"



"You are an exemption girl. Tsaka bagay naman yan sayo. I'm sure of it."



"At ito naman ay ang kay Summer. Alam kong she loves pink kaya eto na."



Ang cute. Matutuwa nito si Summer. 


May mga flowers at sequins yung gown nya. May ribbon din sa likod at may zipper.

"Wow, Ma! I will look like a princess in that gown!" sabi ni Summer at agad nagbihis.


Nagbihis na rin ako kasi nagmamadali na ang lahat. Shet ang ganda ko. Ang ganda nung gown. Kita rin yung cleavage ko pero sabi nga nila, there's no harm in showing some skin.


Maaakit mo na naman si Jinray.



I smiled. Nakakatuwa siguro kung wedding dress ang suot ko tapos inaantay nya ako sa may altar.


Sigh.


What a concept.



Lumabas na ako ng dressing room pero may something fishy akong naririnig.


Nagtago ako sa isang pader at nakinig lang. Oo na, chismosa na ako.


"Ganda mo ngayon ah. Mukha ka ng tao." sabi ni Gio.



"Ano ka ba. Bakit di ba ako mukhang tao normally?"



"Hindi naman. I mean you look beautiful."



Namula si Lisa at yumuko.


"Bat ang hilig mong yumuko? Chin up. Ganda mo ngayon eh."



"Tigilan mo ko Gio. Baka kiligin ako lalo."



hahahahahahahaha nagbabanatan ba yung dalawa?



"Baka makita tayo ni Ma'am Sofia, naku di nya pa naman alam ba nililigawan mo ko. Patay na patay ka sakin eh."



Wooooah. Nililigawan na pala ni Gio si Lisa. Ayos lang as long as hindi sila magsasakitan at maglolokohan. I support you both.



"Ngayon alam ko na." seryoso kong sabi.



"Hala, Ma'am Pia sorry po." yumuko ito. Naka resting bitch face ako para kunwari galit ako kahit hindi.



"Hoy, honey! Wag mo nga tong tinatakot si Lisa ko!" inakbayan nya pa ito at niyakap.



"Hahahahahahhaahhaa. Okay lang para kayong mga teenager na nagtatago sa magulang nyo. Baka mahuli kayo."



Tinawanan ko lang sila at nakita kong nakahinga na ng malalim si Lisa.


"S-salamat, Ma'am!" nakasmile na sya.



"Sige di ko na sisirain ang pagloving loving nyo dyan. Pero Lisa let's go magsstart na."







"Good Evening, everyone!" panimula ng emcee. "Sit back and relax as we witness the success of The December Wedding Fashion Show!"



May mga special effects pa like smoke machines and sound effects.


"The first collection: Beauty in Black! Designed by MariCris Velarde!"



Rumampa na yung 12 models na may suot na black gowns. Every designer kasi may motif na sinunod. Halimbawa sakin white tapos kay MariCris black naman.



Lahat naman magaganda yung gowns and modernized talaga yung designs.



Sumunod naman na set ng collection ay yung pink themed.


"The Pretty in Pink Collection by Leondale Reyes! With our special model, Summer!"



Yieee ang cute ni Summer. Una syang rumampa sakanila. And I can say na ang ganda ng designs na to. I can cry. Huhuhu. Feel na feel din ni Sam ang pagrampa kumakaway kaway pa sya. Proud mommy. 💖




"Our third collection: Mystic Blue by Arnel Blasco!"



Ang soothing sa mata ng color blue pero i don't think nagugustuhin kong maging color blue yung wedding gown ko. No hate. Feeling ko hindi lang bagay sakin.



Siguro pwede rin naman kung blue rin yung motif ng wedding.



Eto yung pinakacatching para sakin. Ang cool lang kasi two-piece wedding gown.


Nagpunta na ako ng backstage kasi kami na ang susunod na set. Next and last set.


"And our last but not the least, The Innocence Pearl by Sofia Carbonel!"


Pumasok na sa catwalk stage ang 11 models ko suot nila ang mga designs ko. Muntik na ko maiyak pero no! Sayang yung make up girl.



I'm so proud of myself and to everyone na nakipag collaborate sa fashion show na to. Hindi ako iiyak. Final na yan kasi ako na next na papasok ng stage.



Dahan dahan akong naglakad papasok at ang daming tao. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Yung tipong gusto nya na yatang lumabas ng dibdib ko.



Ganto pala yung feeling. Kabado na ako. Sobra. Nanginginig pa.


Wish ko lang na sana wag ako madapa dahil hihilingin kong kainin ako ng lupa kung sakali.


Kahihiyan yon kung sakali.


Nakarating na ko sa dulo ng stage at nagposing at tumalikod na dahil pabalik na ng backstage.


Pero...


I was taken aback.


There is a guy standing on the other end of the catwalk stage.


Again, lumakas yung tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko.


Gosh, normal pa ba tong heart rate ko?



Parang nanigas yung katawan ko di ako makagalaw o makalakad. Nagsimula siyang maglakad papalapit sakin.


Tahimik lang ang lahat. Kahit sa audience, wala kang maririnig na ingay o nag uusap. Nakatitig lang sila samin.


Mga flash lang ng camera ang naririnig ko sa ngayon at itong bwisit na tibok ng puso ko.



Nagsimulang tumugtog ng Marry Me by Jason Derulo.


Tumatayo na yung mga buhok ko sa katawan. Sobrang goosebumps.



Nilalamig na rin ako. Bawat hakbang ng paa nya kinakabahan ako.



"My Sofia, My Sunshine. Alam kong nagkamali ako dati. Nagkamali tayo dati...



... but I want us to be together again. Not just for the kids. But for the two of us. I love you with all my heart, babe. I know you do too kaya wag ka ng pabebe dyan."


Nasa harap ko sya ngayon hawak hawak ang kamay ko. Hinampas ko sya kasi rinig ng lahat ng tao yung pabebe ako.



"Ano ba." bulong ko sakanya.



"Kung may pabebe award of 2018, ikaw na yon babe. Pero mas gusto ko kung ang title mo ay Misis Grande 2018 award."



Naghiyawan yung mga tao sa pangunguna ni Jigs, at sinundan ng tropahan nya, ni Gio, ni Xeira, ni Lisa at ng pamilya ko.



Yes, andon sina papa at mga kapatid ko. Di ko alam pano nangyari to pero andito silang lahat.


Naluluha na ako.


"Badtrip ka. Masisira mascara ko sayo. Huhuhu."



"Go dad!" sigaw ni Rain.



"Hindi na ako magsasalita ng kung ano ano basta mahal kita Sofia Carbonel. Please take my heart with you again." tumigil sya.



"No, rather. Please let me take your heart again. I will take care of it. Kasi yung puso ko matagal ng nasayo eh."



Di ako informed na kiligan episode pala to.



Lumuhod sya bigla sa harapan ko at lalong naglakasan ang hiyaw ng mga tao, pati na rin yung emcee.



Sinulyapan ko si papa at nakita kong tumango sya. Ganon din yung mga kapatid ko, si Ali, Gio at Art.



Sina Sam at Rain nakathumbs up pa. Naiiyak na ako.


"Will you marry me and be my wife for the rest of our lives, my sunshine?"



Nilabas nya na rin ang singsing na hawak niya.


Hindi ako makapag salita.




Magsasalita na sana ako pero...



"Y-ye-"



*Bang*


May putok ng baril kaming narinig at umagos ang dugo sa likod ko. Binaril ako sa likod. May lumalabas na rin na dugo sa bibig ko.


Agad na lumapit sakin si Jin at inalalayan ako dahil napaluhod na ako. Nagkagulo na rin ang mga tao.



Ang lovestory ko naging action. Pano to nangyari T__T


"Ano na? Sofia? Will you marry me?"



Nakabalik na ko sa reality. Naluhod si Jin sa harap ko at may hawak na singsing.


Nag overthink na naman ako sa mga nangyari eh. Puro action kasi yung nga pinagdaanan namin akala ko wala ng katapusan yon. Huhu.



Tumango agad ako at "Yes, I will marry you!" niyakap at hinalikan nya agad ako. Nakalimutan nya ng isuot sakin yung singsing.



"ay sorry sorry." nilagay nya agad yung singsing sakin at nagkagulo na ang tao sa saya.



"CONGRATS ANG HAHAROT NYO!!!" sigaw ni Xeira. Nagthumbs up pa ito kay Jin.



"Landi mo." bulong ko kay Jin.



"Mana sayo." bulong nya rin sakin habang nakayakap kami sa isa't isa.



With my babies' daddy, we are complete. I cannot ask for more. 






~~~

AN:

Hello, love! So ayon eto na ang ending ng kwentong to!!! Again, this is the end of the story. Maraming salamat sa sumuporta at nagmahal sa kambal, kay Sofia, kay Jin at sa'kin. Salamat sa lahat, sa mga nagcomment, vote at nagbasa! I appreciate you. I want to dedicate the chapters to you readers so please let me know whoever you are sa comment section! Sana andyan pa rin kayo sa next stories and other stories ko. 


Please check out my other stories. This is one of my on-going stories:

SEDUCING MY EX-BOYFRIEND

Link: https://my.w.tt/arx6cKrNZO


Continue Reading

You'll Also Like

946K 83.7K 38
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
1.2M 37.9K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
89K 2.8K 30
[ONGOING ๐Ÿ”ž] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...