Fools in Love [COMPLETED]

By mysehuniverse

316K 13.9K 3K

Ano na lang ang gagawin mo kapag ikaw at ang best friend mo ay parehas na may gusto sa iisang lalaki? Aaminin... More

P R O L O G U E
Mr. Geeky
BASTED
First Score
Plans
Avoiding Audrey
NEW LOOK
Misunderstandings
Do I Make You Nervous?
Besties
Like a Date?
Flirting Lessons
Doubts
Confrontations
Romeo and Juliet
Friends?
Change
Loving Boyfriend or Loyal Friend?
Key and Chace
STORM
Prism vs. STORM ; First round
Confusion
Cinderella and the Evil Stepsisters
Damn it Chace
Curse the Hiccups
Why Now?!
Admit It
Beach
Scared
Fireflies and A Sunrise
True or Not?
I'm Jealous
Bonfire
Mistakes
Torn
Sorry
Past is Past
I Wish
Key Puso Mo
I Can't Ask Her
Hopeless Romantic
Hulog
Get Well Soon
Selos Ka?
Wala Na
Heart
Too Late
My Hero
Till We Meet Again
Waiting
E P I L O G U E
AUTHOR'S NOTE + PLAYLIST

The Conclusion

5.6K 254 48
By mysehuniverse

Hero's POV

The day after na malaman namin na pasok kami sa finals, nag-start na kaagad kami ng practice. Key's orders of course, she's really determined to win. Doble yung practice namin since di nga gaanong sanay sumayaw si Chace so focused kaming turuan siya for his improvement.

"Alam niyo, okay lang naman sa akin kung di na ako magpe-perform. Mahihirapan kayong turuan ako, fast learner ako pero when it comes to dancing... ibang usapan na yun" sabi ni Chace. This guy... he's being too pessimistic, to make it all worse it has only been five minutes since we began at first three steps pa lang ang tinuturo ko.

"Chace, think positive lang. Magpeperform tayo ng sama-sama di ba? Kaya natin ito" sabi naman ni Key.

Nagbuntong-hininga lang si Chace, ever since yesterday mahahalata mo sa kanya na problemado siya. "Wag niyo ng isipin 'yung sinabi ng Prism tungkol sa akin, mas malaki ang pag-asa na manalo kung wala ako" well someone's thinking negatively.

"Pre, wag ka ngang nega. There is always a chance of winning, nasa sa atin lang yun kung paano mas mapapalaki yun. Kaya isipin mo na kaya mo, kaya mo naman eh. Ikaw lang mismo ang nag-iisip na di ka magaling" sabi ko sa kanya.

"Kaya please lang, umayos ka kasi gusto kong tulungan si Key na tapusin na yung away nila ni Audrey" dagdag ko pa.

Honestly, the whole Prism versus Key thing is getting tiring. Don't get me wrong, hindi ako nagsasawa na samahan at ipagtanggol si Key. Nakakainis lang kasi dahil hangga't di ito natatapos eh aapihin at aapihin nila Audrey si Key.

Hindi ko naman siya magawang maipagtanggol ng maayos dahil pangit tingnan kung may lalaking mangingialam sa away ng mga babae.

"Fine, pero walang sisihan kapag natalo ah" sabi naman ni Chace na para bang wala na siyang choice.

"Walang sisisihin kasi di tayo matatalo" ngumiti naman bigla si Key. "Kaya nga give it your all during practice para all out talaga sa performance" nakatingin lang siya sa aming dalawa ni Chace.

And I swear may kahulugan yung titig niya na yun. Yun yung tingin na nagsasabing 'umayos-na-kayo-dahil-pag-napahiya-tayo-ay-malalagot-kayo-sa-akin'. So I got to work, tinapos ko na yung paggawa ng choreo namin at agad ko ng tinuro sa kanila.

"Halimaw ka naman masyadong mag-choreo Hero, di ba pwedeng magsayaw na lang tayo ng madali. Take 'Boom Panes' as an example". Tumingin lang ako sa kanya gamit ang blankong ekspresyon and masasabi ko rin na ganung tingin rin ang binibigay ni Key sa kanya.

Lumapit sa kanya si Key saka niya kinurot yung magkabilang pisngi niya. "Sa tingin mo mananalo tayo kung ganun yung ipe-perform naten? Haaaaa?!!" Nakangiti man si Key pero gigil na gigil siya habang sinasabi niya yun.

"Aray aray aray! Oo na, kaya natin to, madali lang naman yung choreography eh, ala bang mas mahirap Hero?" sabi naman ni Chace habang pinilit niyang pumiglas kay Key.

Napangiti naman ako habang pinapanuod sila. Seriously, whenever I'm with these two I'm always entertained. Eenjoyin ko pa sana na panoorin si Key na kinukurot si Chace kaso naawa naman ako sa kanya, baka mamaga pa yung pisngi niya.

"Tama na yan Key, kawawa naman si Chace. Tara na mag-practice na tayo" sabi ko sa kanila. Automatic naman na bumitaw kaagad si Key kay Chace.

Tuloy tuloy lang kami sa pagpra-practice. Maikli lang naman yung dance routine namin pero kahit maikli ay hinirapan ko naman yung dance steps. Maya-maya ay napagdesisyunan na namin na magpahinga muna para makapag-lunch.

Sa bahay namin kami nagpra-practice since wala namang tao dito ngayon. Saturday is considered window shopping day ni mama kaya wala siya. Tapos nasa trabaho naman si dad. Si Gray... ewan, basta pagkakaalam ko wala siya during weekends.

"First time ko nga lang pala dito, ang ganda ng bahay niyo Hero" sabi ni Key habang pumasok kami.

Natawa naman ako ng mahina saka ako humarap sa kanya. "Kaninang umaga ka pa nandito tapos ngayon ka lang magco-comment ng ganyan?"

"In the zone kasi ako kanina, puro practice lang ang nasa isip ko kaya di ko naisip yung ibang nasa paligid ko. Ngayon lang nag-sink in na nandito ako sa bahay m-" nagtaka naman ako dahil nahinto siya bigla.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin, mukhang gulat na gulat siya. "Nasa bahay mo ako! Hala!" sabi niya tapos tinakpan niya yung mukha niya na nagsisimula ng mamula.

I smiled in amusement. "Ano naman? Napunta ka na sa bahay ng lalaki di ba? Nakitulog ka pa nga kila Chace di ba?" tanong ko naman sa kanya. Pero umiling lang siya.

"Eh iba ito, bahay mo ito" reklamo naman niya.

Nagkatinginan lang kami ni Chace tapos parehas kaming nagkibit balikat. It's probably a girl thing. Rule ba yun or something? Na hindi pwedeng magpunta ang isang babae sa bahay ng lalaki na gusto niya?

"Nevermind, umayos ka na nga Key. Masanay ka na lang kasi mapapadalas ka tiyak dito" I said just to tease her at lalo lang namula yung mukha niya.

"Ahem, baka nakakalimutan niyo ang existence ko" sabi naman ni Chace.

"Diyan na nga muna kayo, manuod muna kayo ng TV, ako na lang ang bahalang mag-prepare ng lunch" sabi ko sa kanila parehas. Di naman ako magaling magluto, nakakahiya lang kung magpapatulong ako sa kanila. They're the guests, might as well treat them properly.

Pupunta na sana ako sa kusina pero napahinto ako bigla dahil may narinig akong mga hakbang na pababa sa hagdan. "Yo! May bisita pala tayo Hero?" Ay lagot, nandito pala si Gray?!

"Gray? Di ba dapat wala ka dito?" tanong ko naman sa kanya.

"Bakit naman? Wala naman akong pasok ah, at tsaka di ko trip umalis" sagot naman niya sa akin. Tapos ay dere-derecho na siya sa sala. Hihilahin ko sana siya pabalik sa kusina pero nauna na siya sa akin. "Hello! Ako nga pala si Gray!" kapal talaga ng mukha ng lalaking ito.

"Ah, hello po kuya Gray" bati naman kaagad ni Key sa kanya. Tumayo rin si Chace at tinanguan niya rin si Gray.

Agad naman na lumapit si Gray kay Key saka niya siya inakbayan. The nerve. "Ah ikaw si Key di ba? Wag na kayong mag-kuya sa akin. Tatlong taon lang ang agwat natin eh"

"Ah okay, paano mo ko nakilala?" tanong ni Key.

"Eh kasi puro picture mo yung laman ng cellphone ni Hero eh, ikaw nga rin yung wallpaper eh" dere-derecho namang sabi ni Gray.

Lumapit ako sa kanya para paghiwalayin sila ni Key at saka ko naman binatukan si Gray. "Manahimik ka pa, alam mo ipagluto mo pa kami para may pakinabang ka no?" sabi ko naman sa kanya.

"Oo na oo na, parang inakbayan ko lang si Key ganyan ka na. OA di ba Chace?" humarap naman siya kay Chace. "Pero tingnan niyo talaga yung phone ni Hero, puro si Key ang laman" sabi niya bago siya pumunta sa kusina.

Huminga ako ng malalim saka ako naupo sa sofa. "Bwisit" sabi ko. Best friend ko man itong si Gray, halata naman na opposites kami di ba? Nakangisi naman parehas si Chace at Key sa akin. "Kung titingnan niyo yung phone ko, forget it" sabi ko sa kanila, pero nagtawanan lang sila.

Note to self, upakan si Gray pagkaalis nilang dalawa.

Pagkatapos naming kumain, courtesy of Gray, ay nagpahinga na muna kami at matapos nun ay nag-practice na ulit kami. The same thing lang with the next days, puro practice lang and thankfully mas okay na si Chace.

Hindi rin nagparamdam yung Prism sa amin, palibhasa kasi nag-aalala rin sila kaya nagpra-practice rin. Buti na lang rin, para kahit papaano ay kumalma yung pag-iisip ni Key. Natatakot ako na baka one of these days talagang mapaaway siya ng sobra to the point that she'll be in big trouble.

"'Yung costumes na gagamitin nga pala natin ay galing sa drama club" nagtaka naman ako bigla sa sinabi ni Key.

"Pero akala ko wala ka na dun?" tanong naman ni Chace sa kanya.

"Oo nga, pero member noon si Chen di ba? Nakapagpuslit daw siya ng costumes para sa atin, street lang naman ang theme di ba? Para less abala" sagot ni Key.

"Ang lupet mo rin, di kaya magwala si Audrey pag nalaman niya yun?" tanong ko naman.

"Di yan, masyado yung alala sa sarili niya kaya di niya pansin yung mga ganung bagay. Tara na practice na tayo" sabi ni Key. She really is determined.

Then came Friday a.k.a the day of the finals. Excited kami pero at the same time kabado rin. In order yung pag-perform base dun sa pagtawag sa amin. Nauna ng mag-perform ang Prism.

Maganda ulit ang performance nila. Pero as usual, si Audrey ulet ang nag-perform ng supposedly parts ni Key. "Magaling talaga sila no?" sabi ni Key habang pinapanuod niya sila. Tapos bigla na lang siyang ngumiti. "Pero mas magaling tayo"

Napangiti naman kami parehas ni Chace. To be honest parehas lang kami ng dahilan kung bakit kami sumali sa contest, to support Key. Fragile si Key pagdating sa friendship and relationship with people and parehas lang kami ni Chace na nagpapahalaga sa kung ano mang samahan ang meron kaming tatlo.

After two more performances ay kami na ang tinawag sa stage. "Good luck, you'll need it" again with these stereotype bitches in a cliché movie.

"Salamat na lang, pwede mo pa ring bawiin. Baka pagsisihan mo" this time si Chace naman ang sumagot. He's really over Audrey, that's good. Chace deserves someone better anyways.

Pumwesto na kami sa stage, kami muna ni Chace since after thirty seconds pa bago magpakita si Key. At iyon na nga, nag-play na ang music at nagtilian naman kaagad yung audience. Kung audience impact ang labanan baka panalo na kami, kaso hindi eh kaya kailangan all out talaga.

Then came the part where Key joins in, I can't help but admire her. Kita mo sa kanya na nag-eenjoy lang siya talaga na magsayaw. Pati yung ngiti niya talagang breathtaking nga naman.

Nung natapos ang performance we got the usual loud cheers and standing ovations. Nauna kaming nag-exit ni Chace at naiwan sa gitna si Key, halatang nginitian niya muna sila Audrey bago siya tumalikod at umexit rin. That's my Key.

Pagkatapos noon ay awarding na, runner-up and champion lang ang ia-announce. "Okay, runner up goes to... STORM!"

Pare-parehas kaming gulat. Runner up lang kami?! Shit, baka Prism ang manalo. Nakita kong namutla bigla si Key, obviously kakabahan rin siya.

"Please come to the stage for your award" sabi nung emcee.

Kahit kay Chace ay kita mo yung disappointment kahit na nakangiti siya. "Oo nga, go to the stage. Baka ma-delay pa yung pag-award samin" pang-iinis ni Marley.

Mukhang may sasabihin pa si Key pero hinila na namin siya ni Chace papunta sa stage. "Smile Key, panalo pa rin tayo oh" sabi ni Chace. Ngumiti naman si Key pagkatapos nun pero halata pa rin na disappointed siya. Pagkatapos naming awardan ay bumaba na kami sa stage at nandoon malapit samin yung Prism.

Nag-aayos na sila na para bang sure na talaga sila na sila na yung sunod na tatawagin. "And the moment you've all been waiting for... Our champion is... Star Angels Glee Club!"

Nganga.

Maririnig mo lang yung cheer ng mga nanalo at yung malakas na halakhak ni Key. "Eh mas malala pala kayo eh, wala kayong place" sabi niya.

I don't mean to offend Audrey and the others pero nakitawa na lang rin ako, tumawa na rin si Chace eh. "Sorry, sabi ko naman, pagsisisihan niyo yung good luck" sabi ni Chace.

"Thanks, and sorry that you lost. Maybe next time" sabi ko naman sa kanila.

Di bale na palang runner-up eh, nagawa naman namin yung goal. Natalo pa rin namin yung Prism. Naramdaman ko na lang na niyakap na pala ako ni Key, yakap rin niya si Chace.

"Thanks sa inyong dalawa! Di na pala ako dapat madisappoint eh, mas okay na eto kesa alang award!" tapos nun ay ngumiti siya and I swear she's just so frickin' cute.

Ngumiti lang ako saka ko ginulo yung buhok niya. After all the hard work, this is definitely my favorite part... Seeing Key happy.



Continue Reading

You'll Also Like

27.7K 1.2K 29
Sa ika-labimpitong kaarawan ni Thessa ay nakatanggap siya ng isang napaka-espesyal na regalo mula sa long time crush niya. Ang hindi niya lang alam a...
31.1K 1.2K 16
Maituturing niya itong napakalaking malas sa buhay simula nang maaksidente siya dahil roon unti-unti bumagsak ang kanyang career sa pagiging journali...
12.3K 407 15
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2 FICTION STORIES NI ALEX ASC. Gusto mo ba ng kuwentong tapusan? Inihahandog ko sa inyo itong mga kuwentong isin...
71.6K 2.8K 51
Maraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa naka...