He Doesn't Share

By JFstories

21.6M 703K 179K

Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. Howev... More

Prologue
Alamid Wolfgang
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
THE LAST CHAPTER
EPILOGUE
AKI

Chapter 30

387K 13K 2.6K
By JFstories

Chapter 30

"MAHAL MO PA RIN BA SIYA?"

Importante pa ba iyon ngayon?

Napatingin ako kay Acid. Tatlong araw ng hindi nagpapakita si Alamid ng bigla siyang dumating. Bigla na lang siyang pumasok sa pinto ng apartment ko. Mabuti na lang at nasa kabilang bahay si Aki ngayon at busy sa paglalaro.

Palaging busy si Aki. Galit kasi sa akin ang bata dahil nakita niya ng halikan ako ni Abraham sa harapan ng pamangkin ni Manang Tess noong—

Alam na kaya ni Alamid ang nangyari?

Alam niya na ba na galing kami ni Abraham sa mayor ng Quezon City at alam niya na rin kaya na—

"Hi, Ingrid." Napakakaswal ng boses ni Acid na para bang may isang business lang siya na kinukumusta.

"Anong ginagawa mo rito?" He was wearing a business suit at hindi siya bagay sa maliit kong apartment. Para tuloy may dumalaw na diyos sa aming simpleng tirahan.

Naabutan niya akong tulala sa sofa. Pasimple kong pinunasan ang luha ko.

"You're crying because you love him." Sumandal si Acid sa pinto at nakahalukipkip na tumingin sa akin.

"Sino ka ba? Kaibigan ka niya, bakit kailangang sabihin mo ito sa akin?" Bakit kailangan mong sirain ang lahat?

Kung di dahil sa kanya, baka masaya pa rin kami ni Alamid. Baka hindi pa ako nababaliw ng ganito ngayon. Siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Dahil masyado siyang pakialamero!

Pero di ba dapat ay magpasalamat ako kay Acid? Dahil kung hindi siya pumapel ay baka nakatali na ako ngayon kay Alamid?

Pero kahit na. Kasalanan niya pa rin ito.

"Ang laki ng gulo na ginawa mo," mapait na sabi ko sa kanya.

"This is so cliché, you know that?" Umismid siya. "Can't you see? Kaya siguro hindi niya masabi sa 'yo, ito mismo iyong iniisip niyang mangyayari. You will end up hating him."

"Kaya ka nanghimasok?" mapaklang tanong ko.

Hindi ko siya maintindihan. Ka-frat siya ni Alamid, kaibigan, pero isiniwalat niya ang isang bagay na naging dahilan kaya wala na si Alamid sa tabi ko. And now he's acting like he wanted me to be with Alamid again. Parang gusto niyang maging okay ulit kami ng kaibigan niya.

And this is weird. Paanong ang isang bilyonaryong tulad niya, isang busy na tao, ay mag-aaksaya ng panahon para puntahan ako? Para ano?

"Mr. Thunderwood, I am flattered na pinag-aaksayahan mo ng panahon ang lovelife ko, pero pwede ka ng umalis. May gagawin pa kasi ako."

"You hate me because I told you the truth?" Natawa si Acid na lalong ikinapuyos ng loob ko.

Paano niya nagagawang maging masaya gayong may relasyon siyang nasira?

"You're looking at me like you want to strangle me to death, Miss."

"Umalis ka na please."

"Gusto mo talagang maging clueless habambuhay?" Natawa na naman si Acid. Tawang nakakaloko. "Kaya mong mabuhay na hindi mo alam ang totoo? Di bale ng 'wag mong malaman ang totoo, di bale ng habambuhay kayong maglokohan kaysa masaktan ka ng katotohanan?"

"Umalis ka na sabi." Habang nakakapagtimpi pa ako.

"I just want the best for Alamid."

"Best for him? Dalhin mo siya sa asylum, baka iyon, makatulong sa kanya." Tiningnan ko siya nang matalim. "No sane man will do this shit to the woman he loved!" Hinawi ko ang buhok ko para ipakita ko sa kanya ang bar code sa leeg ko.

Wala man lang reaksyon si Acid.

"Hindi mo ba nakikita ito? At meron pa sa pribadong parte ng katawan ko! Inilagay niya ito sa katawan ko ng walang pahintulot sa akin! And he raped me years ago! I was only sixteen that time!"

"Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan niya. Hindi mo alam kung ano ang epekto mo sa buhay at paniniwala niya. As his brod, I want to help him. Kung gaano siya katapang bilang tao, siya naman ang kaduwagan niya patungkol sa 'yo."

"He fooled me. Gusto ko na siyang kalimutan! Ang gusto kong maalala ay iyong lalaking minahal ko, hindi iyong lalaking nanloko sa akin!"

Parang wala siyang narinig. "You are his weakness. Like every man in this freakin' world, love is his weakness."

"Nagmahal ka na?" sarkastikang tanong ko sa kanya.

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "It doesn't matter kung nagmahal na ako. Ang issue rito, ang nakaraan niyo. Are you willing to give him up because of what you discovered about him? Sa tingin mo ba, lahat ng ipinakita sa 'yo ni Ala, puro kasinungalingan lang?"

"Hindi ko alam." Tumulo ang luha ko. "Hindi ko na siya kilala!"

"Pero mahal mo pa siya. Mahal mo siya."

"Please, umalis ka na, Mr. Thunderwood."

Iiling-iling si Acid sa akin. "Your worst battle is between you know, and how you feel."

Pigil ang emosyon na tiningnan ko siya nang masama. "Umalis ka na sabi..."

"Love must always be unconditional and it must be greater than anything."

Napalunok ako.

Namulsa siya saka tumingin sa suot kong wrist watch. "Ingrid, 'wag mong sayangin ang oras niyo, dahil hindi niyo alam kung hanggang kailan niyo lang pwedeng makasama ang isat-isa."

"Anong ibig mong sabihin?"

Malungkot na ngumiti ang mapula niyang mga labi. "Time is gold when it comes to love."

Umiling ako. "Please, umalis ka na. Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ko na babalikan pa ang kaibigan mo."

"All right." Namulsa siya at tumango.

"Ayokong kalakhan ng anak ko ang isang ama na sinungaling, siraulo at mamamatay tao."

...

"MERYENDA NA TAYO."

"Luto na ba 'yan, 'Te?" Alas-tres ng hapon ng magyaya si Ate Helen na magluto ng turon. Nag-ambagan kami at dito sa bahay naisipang magluto. Nasa labas naman ang dalawang makulit na bata, at nasa kanila ang mister niya.

Maigi na rin iyong ganito na may ginagawa ako, para naman malibang. Sumasakit na ang utak ko kakaisip, gusto ko na lang munang gumawa ng mga bagay na makakatulong sa akin makatakas sa pag-iisip tungkol kay Alamid... at kay Abraham.

Pinatay ni Ate Helen ang kalan. "Oo. Papalamigin na lang. Sakto, mayamaya, andito na rin si Meryl."

"Akala ko may practice pa siya sa school?"

"Ay, oo nga pala. Tirhan na lang siya." Sinimulan niya ng hanguin ang turon.

"Sige, 'Te."

"Uy, teka di mo pa pala naku-kwento sa akin kung bakit si Abraham ang naghatid sa inyo ni Aki nong nakaraan, ah? Kayo na ba?"

"Ahm, Ate, tawagin ko na muna ang mga bata." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Sabagay, tiba-tiba ka rin don kay Abraham. May kaya rin naman ang pamilya non. Pero ano na ba talaga ang score niyo ni Alamid?"

Hinubad ko ang suot kong apron. "Labasin ko muna ang mga bata."

"Sige, 'wag ka maghugas ng kamay ha, at baka mapasma ka. Keyboard pa naman ang buhay mo."

Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa kanya. Hindi pa pala alam ni Ate Helen na nag-stop na ako sa home based job ko dahil sa nalaman kong kaugnayan ni Alamid dito.

"Aki?" Kumunot agad ang noo ko ng makita ang nakakalat na lego sa semento paglabas ko ng pinto. At bukas ang gate pero wala sina Aki at Totoy.

Bumukas ang pinto ng kabilang apartment, pinto ng bahay nila Ate Helen, at lumabas ang batang si Totoy. Nakangiti agad sa akin ang batang lalaki habang inaayos ang garter ng suot na shorts.

"'Toy, si Aki?" Nilapitan ko siya.

"Luh!"

"Nasaan nga? Nasa inyo ba?"

Lumingon-lingon ito sa paligid saka tumingin sa akin. Kumunot ang noo ng bata. "Wala samin, baka senyo."

"Wala nga sa loob, kasama mo siya, di ba?" Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong binaha ng kaba. Hindi ko maipaliwanag. "'Toy, ano?"

Nagkamot ito ng pisngi. "Hindi po. Nagpoo-poo ako, iwan ko dito siya kanina e."

"Ha?" napatingin ako sa nakakalat na lego sa semento saka napatingin muli sa nakabukas na gate.

"Aki!" sigaw ni Totoy. "Baka nagtago!"

Napahawak ako sa dibdib ko. "B-baka nga... baka tinaguan ka lang..."

"Hanap ko siya, weyt!" Nanakbo siya sa bahay nila habang ako ay hindi makakilos sa kinatatayuan ko.

Hinihintay ko na lang ang paglabas ni Totoy sa pinto na kasama na si Aki. Baka mamaya-maya lang ay lalabas na ang mga 'yon habang nagtatawanan, naghaharutan at nagbabangayan. Tama, baka tinaguan lang talaga ni Aki si Totoy.

Pero lumipas na ang ilang minuto, wala pa ring lumalabas na Totoy at Aki mula sa pinto. Sa halip ay mag-isang lumabas si Totoy at kumaway sa akin. "La siya e!"

"H-hindi." Umiling ako. "Andiyan lang 'yon. Baka di mo lang nakita. H-hanapin mo ulit."

"La nga e!" Itinaas pa ni Totoy ang dalawang palad sa ere.

"Andiyan nga e!" Nang magkalakas ang mga binti ko ay mabilis ang mga hakbang na pinuntahan ko ang bahay nila Ate Helen. "Aki!"

Dire-diretso ako sa loob. Sa sala, lahat ng sulok, chineck ko. Tinatambol ng kaba ang dibdib ko, pero ayoko pa ring mag-isip nang hindi maganda.

"Aki, labas na! Halika na! Luto na ang turon."

"La nga, e! Kulit!" Nakabuntot sa akin si Totoy.

"Aki!"

Binuksan ko ang pinto ng banyo, wala si Aki.

"Aki, tama na ang laro. Wag ka na ngang magtago!"

Kahit saan ako lumingon, wala talaga si Aki. Pilit ko pa ring nilalabanan ang nerbiyos ko.

"Aki, nasaan ka ba sabi, e?!" Pati mga kuwarto, pinasok ko. ultimo cabinet, binuksan ko.

"Ano 'yan, Ingrid?" Naalimpungatan ang asawa ni Ate Helen na natutulog pala sa kama.

Hindi ko na ito nasagot dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Pati mga cabinet sa ilalim ng lababo ay hindi ko pinalampas.

"Aki, naman! Di ka na nakakatuwa!"

Nagtatakang lumabas ng kuwarto ang asawa ni Ate Helen. Agad naman itong nilapitan ni Totoy. "Wala si Aki, Papa!"

"Aki, please?" Lumuhod ako sa tabi ng sofa at tumuwad para silipin ang ilalim niyon, as if naman kakasya si Aki dito.

Nang makontento ako wala nga si Aki dito ay lumabas ako ng bahay nila Ate Helen at sa labas nagtatatawag. Napalabas na rin si Ate Helen sa apartment namin.

"Ano 'yan, Ingrid? Nasaan si Aki?" Dala pa niya ang siyanse.

Takot na nilingon ko siya. "Ate..."

Napaantanda siya ng makita ang reaksyon ko.

"Ate, wala siya..." Para akong papanawan ng ulirat.

"Aki!" Nagtawag na rin si Ate Helen.

"Aki!" Si Totoy ay nagsisigaw na rin. "San ka, Aki?!"

"Aki!" Pumasok ako sa loob ng apartment namin. Baka naman di ko lang napansin na pumasok si Aki kanina. Hinalughog ko ang buong bahay at halos itaob ko na sa paghahanap ko kay Aki. Pero wala talaga akong nakita maski dulo ng daliri ni Aki.

Humahangos na pumasok sa pinto si Ate Helen. "Ingrid, wala sa labas, e. Nagtanong-tanong na rin ako, wala talaga."

"Hindi basta-basta nalabas si Aki, Ate Helen." Napaiyak na ako sa mga palad ko. "Kahit anong tigas ng ulo non, never lumabas iyon ng gate! Takot masagasaan iyon!"

"Diyos ko! E nasaan ang batang 'yon?!"

"Ate, si Aki... kailangan kong makita si Aki!"

"Hahanapin natin siya, hindi tayo titigil, ha? Diyos ko, hahanapin natin siya."

Nanginginig ang kamay na hinagilap ko ang cell phone ko sa aking bulsa. "Magrereport na po ako sa pulis—"

"Atee!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa screen door. Natulala ako ng pumasok si Aki at patakbong lumapit sa akin. nagniningning ang kulay abong mga mata ng batang lalaki habang pawisan ang leeg at noo niya.

"Atee—ay, Mama— ay, Mommy pala! Hanap mo ko?!"

"Aki?!" Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya at ngiting-ngiti, na kitang-kita ko ang loob ng bibig niya na bungi-bungi.

"Hanap mo nga ko?!"

Bigla akong yumukod at niyakap siya nang mahigpit. Maluha-luha ako habang yakap-yakap ang maliit niyang katawan. Pinaghahalikan ko siya sa ulo at noo.

"Anu ba!" Itinulak niya ako. "Di ko makahinga e!"

"Sorry, baby." Napatitig ako sa guwapo at maliit niyang mukha. Nakalabi siya sa akin.

Saan ba siya nanggaling? Inosente ang pagkakangiti niya sa akin. Wala siyang kamalay-malay na halos masiraan na ako ng bait sa pag-aalala sa kanya.

Saka ko napansin ang bitbit niya sa kanang kamay niya, supot iyon na puno ng candies. Kumunot ang noo ko.

Muling bumukas ang screen door at mula ron ay pumasok ang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulat itim na t-shirt at faded jeans. Sa kanang kamay nito kung saan may suot itong mamahaling relo ay may bitbit itong supot ng lata ng ice cream.

Ilang araw.

Ilang araw siyang hindi nagpakita at pagkatapos ganito?

Pumintig agad ang sentido ko. Tumayo ako at sinugod ko siya. "Hayup ka!"

"Ingrid!" Bago pa ako mapigilan ni Ate Helen ay nakalapit na ako kay Alamid.

"Hayup!" Malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

Agad na yumakap sa bewang ni Alamid si Aki. Matalim ang mga matang tiningnan ako ng bata. "Bakit mo sapak si Daddy!"

Nang mahamig ko ang sarili ko ay hiniklas ko siya sa braso. "Aki, 'wag kang lalapit sa kanya!"

Tinabig ni Aki ang kamay ko na lalo kong ikinagalit. "Aki, pasok sa kuwarto!"

"Ayoko!"

"Wag matigas ang ulo, pumasok ka sabi sa kuwarto!"

"Daddy!" Todo yapos pa rin si Aki sa bewang ni Alamid.

Bakit ganito? Bakit hindi siya nakikinig sa akin?! Bakit mas gusto niya si Alamid?!

Nakamaang ako sa kanila habang naninikip ang dibdib ko. Nang magtama ang paningin namin ni Alamid ay nabasa ko ang lungkot sa mga mata niya. Pangungulila. Iyon ang nakikita ko sa kulay abo niyang mga mata.

Siya rin ang unang umiwas ng tingin sa akin.

Lumunok ako saka muling tinatagan ang aking sarili. "Aki, hindi ko na uulitin. Pumasok ka sa kuwarto."

"Do it," malumanay na utos ni Alamid kay Aki. "Follow her."

"Yoko! Don ako kina Totoy!" Nanakbo ang bata palabas ng pinto. Kasunod naman agad ni Aki si Totoy.

Hinarap ako ni Alamid. "Ingrid..."

Tiningnan ko siya nang masama. Hindi ako sinunod ni Aki. Sinuway niya ako at galit siya sa akin dahil kay Alamid. Ang sakit. Ang sakit-sakit lang!

"Kasalanan mo 'to," mariin kong sambit.

"I'm sorry."

"Hindi kayang bayaran ng sorry mo ang kaba at takot ko kanina! Ni hindi mo man lang naisip na mag-aalala ako! Ni hindi mo naisip na ikakamatay ko ang pag-aalala para kay Aki. Para sa anak ko!"

Natulala si Ate Helen sa tabi ko. "Anak mo?!"

"I'm sorry, Ingrid." Nakatungo si Alamid. "Pababa ako ng kotse ng lumabas siya at sumakay agad sa passenger's seat. Naisip ko na ibili muna siya ng candies sa Mighty Mart dahil hindi ako nakapagdala ng pasalubong sa kanya. Saglit lang naman dapat kami ang kaso nagtagal lang talaga sa pamimili. I'm sorry kung napag-alala kita, patawarin mo ako—" Sinampal ko ulit siya.

"Lumayas ka!" Itinuro ko kay Alamid ang pinto. "Alis! Layas!"

"He's my son, too." Nagtatagis ang mga ngiping saad niya.

"Ha? Anak mo rin?" Gulat na naman si Ate Helen sa tabi ko.

"Anak ko lang!" gigil na sigaw ko kay Alamid. "Lumayas ka!"

Tumango-tango siya saka tahimik na tinungo ang pinto. Pero bago siya umalis ay nilingon niya pa ako. "He is my son, too, Ingrid."

Hindi ako umimik. Pinanood ko siya sa paglabas niya ng pinto.

Pasalampak na umupo sa sofa si Ate Helen habang nanlalaki ang mga mata niya sa akin. "Naloloka ako, kailangan ko ng explanation."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Pakitawag na lang po muna si Aki, Ate..."

"Teka." Tumayo siya at lumabas ng pinto.

Nahilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. Bahagya akong nahimasmasan. Mahigit bente minutos nang bumalik si Ate Helen. Namumutla siya.

"Ingrid!"

"Si Aki, 'Te?"

Mangiyak-ngiyak siyang umiling. "Wala sa bahay si Aki, Ingrid—"

Hindi ko na siya pinatapos. Nanakbo ako palabas ng bahay. "Aki!"

"Wala nga, Ingrid."

"Nasaan si Aki, Ate?" Hinarap ko siya. "Sabi niya, sa inyo lang siya!"

"La siya samen!" Sumulpot si Totoy sa likod ng mama niya.

Uminit agad ang ulo ko. "Ang hayup na lalaking iyon! Sinasagad niya talaga ako!"

Nilapitan agad ako ni Ate Helen. "Ingrid, maghunus-dili ka."

Hinagilap ko ang cell phone ko at agad na idinial ang number ni Alamid. Agad namang sumagot ang lalaki sa unang ring. "Bumalik ka rito!"

Tinangka akong pakalmahin ni Ate Helen pero tinabig ko ang kamay niya.

"Bumalik ka rito, bilisan mo!" Pagkasabi'y in-off ko ang phone ko at lumabas ako ng pinto. "Hindi pa nakakalayo iyon."

Ilang sandali lang ay natanaw na namin ang paparating na itim na Jaguar ni Alamid. Agad akong lumabas ng gate para salubungin siya.

"Ingrid, kumalma ka." Sinundan ako ni Ate Helen.

"Hindi, Ate. Paano ako kakalma? Sinusubukan talaga ako ng lalaking iyon! Saan niya dadalhin si Aki? Hindi ako papayag na kunin niya sa akin si Aki!"

Salubong ang makakapal na kilay ni Alamid ng lumabas siya mula sa driver's seat.

Sinalubong ko siya. "Pababain mo si Aki!"

"What?" Lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

"Ang sabi ko pababain mo si Aki!" Nilampasan ko siya at binuksan ang pinto ng driver's seat na nilabasan niya para silipin ang loob niyon. "Aki?"

Dim ang ilaw sa loob, ngunit wala si Aki. Nanghihina akong napasandal sa gilid ng kotse. Namumutlang nilingon ko si Alamid.

"Ingrid, what are you saying?" Ang guwapong mukha ni Alamid ay puno ng pag-aalala. 

"Si... si Aki, nasaan siya?"

Seryoso ang mga mata niya ng sagutin niya ako. "He's not with me."

JF

Continue Reading

You'll Also Like

100K 6.8K 22
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...
13.6M 386K 41
Macario Karangalan Sandoval
1.5M 34.1K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...