Aquarius (PUBLISHED UNDER IMM...

Galing kay allileya

396K 16K 2.4K

✨PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE✨ - Genevieve Hutton's life is almost perfect. She couldn... Higit pa

Surprise! Surprise!
Update
Aquarius
Book Covers
Dedication
Prologue
Chapter 1: Preparation
Chapter 3: Signs
Chapter 4: The Booth and Stranger
Chapter 5: Crying in the Rain
Chapter 6: Binx Cristobal
Chapter 7: Discover and Save
Chapter 8: Fact-Finding
Chapter 9: Solicitude towards Eve
Chapter 10: Nemesis
Chapter 11: A Life-and-Death Correlation
Chapter 12: Drops of Fluid
Chapter 13: Colloquy on AU
Chapter 14: Therapy
Chapter 15: The Dawn
Chapter 16: Rainbows and Sunshine
Chapter 17: Happiness in Disguise
Chapter 18: Graduation Day
Chapter 19: Mixed Emotions
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: Nervous Breakdown
Chapter 22: Her Decision
Chapter 23: Home
Chapter 24: Bombarded by Crowd
Chapter 25: Difficulties
Chapter 26: Press Conference
Chapter 27: Emotionally Distress
Chapter 28: Reanna Aguillard
Chapter 29: Overheard
Chapter 30: A Beginning to an End
Epilogue
Note
Announcement

Chapter 2: Incipient

13.8K 694 110
Galing kay allileya

GENEVIEVE

Nang maramdaman ko na tumigil na ang sasakyan ay minulat ko na ang mga mata ko. Hindi ko na hinintay si Mang Ben na pagbuksan pa ako ng pinto. Agad na akong nagtungo sa loob. I badly want to talk to my Mom right now.

"Oh, hi sweetie!"

Pagbukas palang ng pinto ay bumungad na agad sa akin ang nakangiting mukha ni mommy. Ngumiti na lang din ako saka na bumeso sa kanya.

"How's your day, sweetie? Did you invite all of your classmates to come over here tonight?" Bumagsak agad ang balikat ko sa tanong ni mom.

"Mom, I don't even know that you're gonna throw a party for me tonight kaya paano ko po sila iimbitahan kung kanina ko lang po nalaman? At kay Reanna at Mang Ben pa talaga." I walked near the sofa.

"Oh, don't worry sweetie, we already invited them all. Tinulungan kami ni Reanna."

What?! Bakit hindi ko iyon alam? Iyong babae talagang iyon!

"But, Mom–"

"Sweetie, we talked about this, right? We planned to surprise you but we can't even do that because you're here. So please, let me do this for you. Hindi naman ako papayag na hindi i-celebrate ang eighteenth birthday mo. That's the most important part of your life, sweetie and I want it to be memorable and unforgettable because it's once in a blue moon," paliwanag niya sa akin habang nakatingin ng diretso ang pleasing eyes niya sa mga mata ko.

Ano pa nga bang magagawa ko? It's my mom kaya wala akong karapatang humindi o sumalungat sa kanya. I don't want to ruin her bubbles just to make me happy too.

"You call this a surprise? Well, I'm really surprised, Mom. But..." I sighed. "Fine, Mom. Ano po bang susuotin ko na gown mamaya?" Nakita ko ulit ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi ko kaya ngumiti na lang ako ng pilit. Magrereklamo pa sana ako pero for what reason? Mangyayari na naman and I somehow like it since it came from my parents.

"Oh, my! Really, sweetie? Pumapayag ka na? Well, wala ka nang magagawa pa. Geez, I'm so excited!"

See? Mas excited pa sila kaysa sa akin na may birthday. Medyo nakakainis lang. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap ng palihim.

"Our designer already picked a dress for you. Alam ko naman na kasya at babagay iyon sa 'yo. You're tall and sexy. Lahat ng sinusuot mo ay bumabagay sa 'yo."

"Is that a compliment, Mom? Then, thank you." Napatawa ako habang umiiling-iling dahil sa mga pinagsasabi ni Mommy na kalokohan.

"You're welcome, sweetie. Pero lagi mong tatandaan, like mother, like daughter. Sa akin mo namana lahat ng kagandahan ng katawan mo."

Oh, my God. Mommy ko ba talaga 'to? Lakas makabagets! Ibang-iba!

"Whatever, Mom!" I rolled my eyes while smiling like an idiot. Kinuha ko ang isang magazine na nasa lamesa saka binuksan para basahin pero bumungad sa 'kin ang iba't ibang klase na gowns. Wow! Ang ganda!

"Iyan palang sana ang sasabihin ko sa 'yo, eh. You can also pick kung may magandahan ka man. Puwede pa naman nating ipa-cancel 'yon. Or you can wear it if you feel uncomfortable to your debut dress. What do you think? You like another one?"

Napabuntong-hininga ako at sinara ko na lang ulit ang napagkamalan kong magazine.

"Okay na po 'yon. May tiwala naman po ako sa taste mo, Mom." Sabay kindat ko sa kanya kaya napatawa na lang ulit kami.

"Okay, then. I'll contact your make-up artist and hair stylist. Go fix yourself first. I'll see you later when you're done."

Tumango ako at nagsimula na akong maglakad papunta sa kuwarto ko. Hindi ko na yata mabilang kung pang-ilang beses na akong bumuntong-hininga nang makapasok na ako sa kuwarto at maging sa banyo. Hindi ko man lang kasi maramdaman ang pakiramdam ng mag-e-eighteenth birthday. Parang normal lang na gabi ito na lilipas lang din agad. Nakakainis naman.

Mayamaya lang ay may narinig na akong katok mula sa pinto. Agad ko naman itong binuksan at bumungad sa akin ang mukha ni mommy na may kasamang dalawang bakla na nakangiti ng malapad sa akin. Ito na siguro 'yong mag-aayos sa akin. I smiled as I opened the door widely for them.

"Sweetie, meet Aryana and Selene. Your make-up artists," pakilala sa akin ni mommy sa dalawa niyang kasama. Ngumiti naman agad ako at tinanggap ang mga kamay nila.

Lumabas na muna sa kuwarto si mommy at sinimulan na agad nila akong ayusan. It took them hours before they could finish fixing me. My god! Na-stiffed neck yata ako. Hindi ko na rin maramdaman ang puwet ko dahil sa tagal ng pagkakaupo ko.

Tumayo ako at pinagbihis na nila ako ng gown na susuotin ko. Malapit na raw kasi magsimula ang party.

"Perfect!"

"So gorgeous, bebe!"

Ilan lang iyan sa mga naging reaksiyon sa akin ng dalawang bakla habang pumapalakpak nang suotin ko na ang gown ko. Ngumiti na lang ako sa kanila at ni-retouch pa nila ako bago kami tuluyang bumaba.

I saw my mom and dad standing at the middle of the grand staircase. They're waiting for me, I guess. At nang maramdaman nila ang presensiya ko ay napatingin na sila sa akin.

"Hi, Mom. Hi, Dad." Ngumiti ako ng malapad sa kanila bago humalik sa pisngi nila. "So, how is it?" Humawak ako sa gown ko at ginalaw-galaw pa ito. Narinig ko naman ang bahagya nilang pagtawa.

"It suits you very well, sweetie," si dad.

"You're so beautiful, my baby. I mean, my lady daughter." I can see in my mom's eyes that she wants to cry but it can ruin her make-up.

"Thank you Mom, Dad..." I said. "Although, this is too much, I'm still so lucky and thankful to have the both of you as my parents. I couldn't ask for more."

Ano ba 'yan! Naiiyak na tuloy ako! Ganito ba talaga kaemosyonal ang mga tao pagdating sa mga ganitong okasyon?

"Sweetie, basta para sa 'yo, lahat gagawin namin, mapasaya ka lang namin."

I smiled on what my mom said even though they can't see me because we're still hugging each other. Gosh, what did I do to deserve them?

"Too much drama can kill you. Let's go. The party will start soon."

Napatawa kami ni mommy dahil sa sinabi ni daddy nang makakalas na kami sa yakap. Ang kill joy talaga ni daddy. Ganyan ba talaga ang mga lalaki?

Nagtungo kami sa garden pero hindi muna nila ako pinasunod sa kanila dahil saka na raw ako lumabas kapag na-introduce na ako ng MC. Naiwan akong mag-isa rito sa gilid na hindi kita ng mga tao. Sumilip ako sa labas at halos malula ako dahil sa dami ng mga bisita. Sigurado ako na hindi lang iyan classmates or schoolmates ko dahil may mga nakita akong kakilala rin nila daddy at mommy sa business industry.

Bumuntong-hininga ako at umayos ng tayo. This is a huge party and it suffocates me but I need to look gorgeous and confident. I need to act mature now. Ayokong mapahiya sila daddy at mommy. Pinaghirapan nila ito so I also need to play my role as their kind and respectful daughter.

Nang marinig ko ang tunog ng mikropono ay binalot agad ng kaba ang puso ko. Bigla akong nanlamig at para bang gusto ko na lang umatras. But no, I need to do this. Kaya ko ito. Ilang oras lang naman ito, eh.

"Let us welcome the debutant, Ms. Genevieve Hutton!"

As soon as I heard my name, I came out from where I am hiding earlier. Narinig ko agad ang palakpakan ng mga tao kaya bumalik na ulit ang kaba na namumutawi sa puso ko kanina. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa harap nila. Masyadong mahirap. Lalo na't lahat ng nandito ay puro elite. Wala akong ibang nararamdaman kundi kaba. Ngayon lang ako haharap sa madaming tao at mga highly-respected people pa.

Naglakad ako papunta sa gitna na may mini stage suot ang ngiti sa harap ng maraming taong pumapalakpak. Naupo agad ako sa upuang nakalaan sa 'kin at nakinig lang sa kung ano man ang mga sinasabi ng MC. May ilan ding nagbigay ng mensahe sa akin at hindi naman ako naiyak pero nang si Reanna na ang nagsalita ay hindi ko na talaga napigilan na mapaiyak. Darn that girl! She ruined my make-up! But that's okay. Her message for me is so sweet. Pero lalo lang akong naiyak nang si daddy at mommy na ang nagbigay ng mensahe sa akin. Napahagulhol na nga ako, eh. Masyado akong nadala sa mga pinagsasabi nila.

"Happy birthday, sweetie! I hope you're happy tonight because this... we made this all for you. Para mapasaya ka namin kahit na ayaw mo naman talaga sa mga ganitong bagay. But still, we pushed it. Simula nang dumating ka sa amin ng Daddy mo, wala na kaming ibang mahihiling pa. You are the most precious gift that God gave to us. You are our one and only princess..." Tumigil si Mommy sa pagsasalita para magpunas ng luha. "Kahit anong mangyari, gagawin namin lahat. Lahat, sweetie. Lahat. Basta para sa 'yo. Hinding-hindi ka namin papabayaan. Mamahalin ka namin hanggang dulo. Ngayon palang ay humihingi na kami ng tawad sa 'yo sa kung ano man ang mga malalaman mo pagdating ng panahon. But please, don't be mad. Don't be mad at us. What matters is that we love you, sweetie. Always remember that. We love you more than anything else in this world. You are my everything... our everything. Happy birthday again, sweetie. Please, enjoy your night."

Pagkatapos magsalita ni mommy ay ibibigay niya sana kay daddy iyong mikropono pero agad kaming nagtawanan dahil sa sinabi niya.

"Nasabi mo na lahat, ano pa ang sasabihin ko?"

Linapitan ko na lang sila pagkatapos saka yinakap ng mahigpit. Narinig ko rin ang palakpakan ng mga tao at ang iba't ibang reaksiyon nila dahil sa nasasaksihan nila ngayon. Although hindi ko masyadong nakuha kung ano man 'yong mga pinagsasabi ni mommy, naiyak pa rin ako at wala na akong pakialam kung ano na ang itsura ko ngayon.

Tumigil na ako pagkatapos ng ilang minuto. Nakisalamuha na sila daddy at mommy sa mga bisita kaya ako na lang ulit mag-isa ang nakaupo sa sofa na nakalaan lang para sa akin. Ang saya lang tingnan ng mga magulang ko na masayang nakikipag-usap sa mga bisita. Their smiles mean a lot to me. It's like my whole world flipped when I saw them smiled and I don't want that smile of them to disappear. Gusto ko palagi lang silang ganyan.

Bigla akong nagutom at sakto namang may nakita akong server sa gilid malapit sa kinauupuan ko ngayon. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Kuya, may desserts po kayo or something na panghimagas?" Nahihiyang saad ko kay kuya server. Naghahanap na agad ako ng panghimagas kahit na hindi pa ako nag-di-dinner. Well, I love sweets!

"Vegetable salad, Ma'am," tugon naman ni kuya.

OMG! I don't like the aroma of vegetable salad so never ko pa siyang natikman. Everytime that I smell the aroma of it, I feel like I'm going to vomit. Hindi sa pagiging maarte, baka ayaw lang talaga ng katawan ko sa salad na iyon.

"Uhm, wala po bang iba? How about sweets?"

"Wala po, Ma'am. Pasensiya na po. Ayaw po kasi ng mga magulang mo na may sweets. Dapat daw po ay puro healthy na pagkain, so we offered a lot of veggies and fruits."

Grabe. Ang OA naman yata, ah? Kapag ba healthy food ay veggies at fruits na agad? Well, can't blame my parents.

"Oh, okay. That's fine. How 'bout wine? Can I have one please?"

"Meron po, Ma'am. Ito po."

Salamat naman!

I smiled at him when he handed me a glass of wine. Legal age na ako ngayon kaya puwede na ako ng mga ganyan besides it's just a wine. Hindi siya nakakalasing.

Bumalik agad ako sa upuan ko nang makuha ko na ang wine. Nahagip ng mga mata ko ang best friend ko na masayang-masayang nakikipag-usap sa mga kaklase namin sa may bandang gitna. Napangiti na lang ulit ako at napailing-iling. Itong babaitang ito, nakalimutan na naman ako. Enjoy na enjoy, oh. Sarap na sarap. Malapitan nga at mabatukan ng matauhan na nag-eexist ako rito pero huwag na lang. Sayang ng effort ko kapag nagkataon. Ayoko naman sirain ang momentum niya kasama ang mga classmates namin.

Nang makaupo ay inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid as I sipped on my wine. We came up with the garden theme dahil may garden naman daw kami at konting ayos lang ay gaganda ang lahat and here it is. Sobra-sobra pa nga. I love the theme, the aura, the moments, the breezes and the people. I just love everything that I'm seeing right now. It's so overwhelming and heartwarming. Akala ko hindi ako makakaramdam ng saya o enjoy pero heto na nga't unti-unti ko na siyang na-a-appreciate. Masyado ko naman kasing pinapangunahan ang emosyon ko at ang mga pangyayari.

Lumipas pa ang ilang minuto nang bigla akong makaramdam ng pangangati sa may bandang leeg ko kaya pasimple ko itong kinamot pero parang wala namang nangyari dahil hindi pa rin matanggal ang pangangati. Parang tanga lang. As if naman na matatanggal agad siya sa simpleng kamot lang. Pero nang medyo sumakit na ay naisipan ko na lang na hayaan na muna dahil baka nakagat lang ako ng lamok o kung ano riyan. Kaya lang, nang mangalahati na ako sa wine na iniinom ko ay siya namang paglala ng kating nararamdaman ko sa leeg ko. Ano 'to coincidence?

Nilagok ko na lang ang natitirang wine sa baso at naisipan ko na munang maglibot-libot pero napadpad ako sa kusina. Ramdam ko na kumakalat na ang pangangati sa ibang parte ng katawan ko. Kahit ang mukha ko ay gusto kong kamutin pero masisira lang ang make-up. Pati ang suot kong gown ay nangangati na sa buong katawan ko. Ganyan talaga, tiis-ganda tayo but this feels so different.

Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref para mahimasmasan. Kahit na kakainom ko lang ng wine kanina ay nakaramdam agad ako ng pagkauhaw. Ininom ko ang tubig at ramdam ko ang lamig nito sa lalamunan ko pababa sa tiyan. Naghintay ako ng ilang minuto at kinalma ko muna ang sarili ko habang nakamasid sa mga kaganapan sa labas. Malapit lang ang garden sa kusina, tanaw-tanaw siya sa bintana. Baka nag-ha-hallucinate lang ako or what. Hindi kasi ako sanay sa ganitong suot at make-up, reason why my body is reacting a bit odd.

Bigla akong nanghina kaya napahawak agad ako sa sink bilang suporta. Nang mahagip ng paningin ko ang mga kamay at braso ko ay ganoon na lamang ang pagkagulat ko. Nanginig ako bigla at namimilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan ito.

What the hell is this? Hives? Pero saan naman ito galing? Sa lamok? Damn! What's happening to me? Oh, my God!

Nang hindi ko na mapigilan ang sobrang sakit at pangangati ay napaupo na ako sa sahig at gustong-gusto ko nang saktan ang sarili ko pero hindi ko magawa. Napahawak na lang ako sa mukha ko at namalayan ko na lang na lumuluha na pala ako.

Every minute passes, it's getting worse and I can't take it anymore. It's too itchy and painful. Ngayon ko lang ito naramdaman and it feels so unusual and strange. My heart is beating faster and I can't breath normally anymore. I don't know what to do. It's killing me. I feel like I'm losing my mind because of the pain and no one's here. They're enjoying the party samantalang ako ay nandito, nahihirapan at nasasaktan.

Please, somebody...

Napahawak ako sa gown na suot ko at buong lakas na sumigaw nang tumigil ang tugtog, asking for help dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit at kati. Tuluyan na akong napahagulhol. Mayamaya lang ay may narinig na akong mga yapak ng paa papunta sa direksiyon ko. And there they are... my parents. Napangiti ako sa loob-loob ko.

Thank God... they heard it.

"Sweetie! Oh, my God! What happened to you?"

Nagulantang si mommy. Inalalayan naman akong tumayo ni daddy pero bumagsak ulit ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina hanggang sa tuluyan ng nanlalabo ang paningin ko't nawalan na ako ng malay.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

2.9M 14.9K 72
Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong...
77.9K 3.2K 69
🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Casti...
2.4K 112 30
Luke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...
242K 7.1K 79
English and Tagalog Compilation | #3 IN POETRY | The Fiction Awards 2016 Winner © 2016 kyeriella all rights reserved book cover made by @OhWanderlust_