Aquarius (PUBLISHED UNDER IMM...

By allileya

396K 16K 2.4K

✨PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE✨ - Genevieve Hutton's life is almost perfect. She couldn... More

Surprise! Surprise!
Update
Aquarius
Book Covers
Dedication
Prologue
Chapter 2: Incipient
Chapter 3: Signs
Chapter 4: The Booth and Stranger
Chapter 5: Crying in the Rain
Chapter 6: Binx Cristobal
Chapter 7: Discover and Save
Chapter 8: Fact-Finding
Chapter 9: Solicitude towards Eve
Chapter 10: Nemesis
Chapter 11: A Life-and-Death Correlation
Chapter 12: Drops of Fluid
Chapter 13: Colloquy on AU
Chapter 14: Therapy
Chapter 15: The Dawn
Chapter 16: Rainbows and Sunshine
Chapter 17: Happiness in Disguise
Chapter 18: Graduation Day
Chapter 19: Mixed Emotions
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: Nervous Breakdown
Chapter 22: Her Decision
Chapter 23: Home
Chapter 24: Bombarded by Crowd
Chapter 25: Difficulties
Chapter 26: Press Conference
Chapter 27: Emotionally Distress
Chapter 28: Reanna Aguillard
Chapter 29: Overheard
Chapter 30: A Beginning to an End
Epilogue
Note
Announcement

Chapter 1: Preparation

26.5K 872 281
By allileya

GENEVIEVE

"My dear students, do you believe in Aquagenic Urticaria?" our professor in Biology class asked out of the blue and it caught my attention.

Aquagenic Urticaria?

Sounds interesting. Ngayon ko lang siya narinig. And based on its name Aquagenic, "aqua" means "water" and urticaria means "hives". So, anong konek ng tubig sa mga pantal? Anong konek ng tanong ni ma'am sa subject namin? Kidding!

But, I don't get it.

Water... hives...

Hives means red and itchy. Obviously. Meaning sa skin siya. Tapos tubig and then, hives...

Then...

"Got it!" napasigaw ako bigla nang may mapagtanto ako. Pero, posible kaya iyon? Paano? At bakit? Oh, I'm seriously getting intrigue right now and I'm dying to know about it.

"Yes, Ms. Hutton?"

Napatingin ako kay ma'am at napansin kong halos lahat ng mga classmates ko ay nakatingin na sa akin.

"Bakit po, Ma'am?" I stuttered. Masyado namang nakakailang ang mga titig nila. Para namang nakagawa ako ng malaking kasalanan.

"You were raising your hand and you said 'got it!', so what's the meaning of that?"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni ma'am.

"Am I?" wala sa sarili kong tanong at narinig ko na lamang ang mga tawanan ng kaklase ko na bumalot sa buong room. Okay, this is so embarrassing.

"Care to share it in front of your classmates, Ms. Hutton?" ani ma'am na may pataas-taas pa ng kilay at ngiti ng pangungumbinsi.

Wait, what? Share? Ang ano?

"Your idea about our topic for today. About what I asked to the class earlier," sabi pa ni ma'am na parang nababasa niya kung ano man ang iniisip ko. Akala ko pa naman kung ano na. Ano bang meron sa kalutangan ko ngayon?

"Ay, opo. Opo, Ma'am!" Tumayo agad ako at tumikhim. Ideya ko lang naman ito, so meaning it's only my 'opinion'. Wala naman yatang masama kung ibahagi ko sa kanila ang kung ano man iyong nalaman ko kanina sa isip ko, hindi ba? At least I can earn points in recitation. "Uh, tinanong mo po kami kung naniniwala po ba kami sa Aquagene... Aqua... uh, Aquage–"

"Aquagenic Urticaria, Ms. Hutton," pagtama sa akin ni ma'am.

Ano ba iyan! Ang hirap naman kasing bigkasin ng salitang iyon kahit na dalawa lang.

"Ah, opo, opo. Iyon nga. Base po kasi sa pangalan niyang Aquagenic meaning po tungkol po ito sa tubig at iyong Urticaria is related naman po siya sa pantal. So, naisip ko po na imposible naman po yata na magkaroon tayo ng Water Allergy? Eh, water is what we need to live po and we need it in our everyday life. Iyon po ang isa sa pinaka-main reason kaya po tayo nabubuhay. Kaya po... No. I don't believe in Aquagenic Urticaria, Ma'am. It's impossible, Ma'am. Wala pa akong nababalitaan na may ganyang sakit sa mundo. Ngayon ko lang po siya nalaman."

Pagkatapos kong ipaliwanag sa kanila 'yong mga napagnilay-nilayan ko kanina ay naupo na ako habang may ngiti sa mga labi. Natahimik din sila kaya parang gusto kong sabihin na 'oh ano kayo ngayon? Nga-nga? Nakasagot ako, 'no!'. Pero siyempre sa isip ko na lang iyan baka magkagiyera pa, eh. Ayoko rin namang magyabang lalo na't alam ko naman sa sarili ko na lahat kami rito ay magagaling.

Tumingin na lang ulit ako kay ma'am at nakita ko ang bahagya niyang pag-iling at ang pagguhit ng kakaibang ngisi sa mga labi niya.

Hmm, I know that kind of smile. ma'am is getting more and more serious and fun to be with in our everyday lesson. Kay rami ko talagang nalalaman sa kanya and it amazes me. It gives me the energy to continue to listen to her no matter what. For me, walang araw na hindi niya kami binigo. We're learning and exploring so much from her.

"Thank you for that beautiful answer of yours, Ms. Hutton. You're right about Aquagenic Urticaria or Water Allergy to make it more convenient to you. But you're wrong about what you said that it's impossible for us to have it because it's possible, my dear. Aquagenic Urticaria exists and is possible for us to have it. It is a rare allergy in the world. Extremely rare that only about thirty to forty people worldwide has ever been diagnosed with the condition, yet for those who have it, the symptoms can be life-altering." Naglakad siya papunta sa pinakagitna. "Sino ba naman kasi ang mag-aakala na may ganyang klaseng sakit sa mundo? Allergic sa tubig? It really is impossible to believe, but I don't give you such lesson without the facts."

My jaw dropped. I feel so amazed, but at the same time, I feel so confused. My curiosity about the topic is rising and I can't help but to think critically. I want to know more. I want to know what Ma'am knows.

Magtataas na sana ako ng kamay nang maunahan na ako ng isa kong kaklase. Marami pa ang ibang nagtaas pero isa lang ang tinawag ni ma'am sa amin. I looked at Haden na siyang tinawag ni ma'am at nakinig sa magiging tanong niya.

"Ma'am, ngayon ko lang po iyan narinig at posible po pala iyon? Paano po iyon ma'am?"

Right. Isa rin iyan sa mga tanong na tumatakbo sa isipan ko ngayon, so thanks Haden. You just hit the jackpot. I mean, how in the earth can a person have that allergy? What's the origin and history of it? How can a person survive in such an allergy? Paano siya nakukuha? Paano siya magagamot?

"Yes, Mr. Powell. It's true and as what I've said earlier, it's possible. One of its causes is when a dissolved material in water reaches our skin and activates an immune response. A contact between water and a substance found in or on the skin creates a toxic material that causes the hives to grow. The hives associated are typically small, with clearly defined edges of about one to three millimetres, red or skin-colored welts, called wheals. This occurs most frequently on the back, upper trank and arms, although it may occur anywhere in the body especially when you have a sensitive type of skin."

Napanganga ako at napatango-tango dahil sa sinabi ni ma'am. Ang linaw na naman ng pagkaka-explain niya and with gestures pa 'yon. She really is a professional.

So, meaning, nag-eexist nga talaga siya. Totoo siya. Amazing but it's too dangerous. Mas lalo lang tuloy naging komplikado ang lahat ng mga nasa isip ko ngayon. Unti-unting nadadagdagan ang bawat katanungan sa utak ko at masyado na akong nalilito. Sumasakit na rin ang ulo ko. Too much information but I can handle it.

"Ma'am!"

Kasabay ng pagtaas ng kamay ni Crystal ay siya ring pagtunog ng bell hudyat na tapos na ang klase. Sari-saring reaksiyon at emosyon ang maririnig sa buong room dahil sa pagkabitin at isa na ako roon. Kainis naman! Gusto ko pa magtanong, eh! Hindi pa rin sa akin masyadong malinaw ang lahat at... ayoko pa ring maniwala. I want a strong fact that I could grasp.

Napanguso na lamang ako at pumangalumbaba. Anong feeling kapag mayroon kang Water Allergy? Paano ka makakainom ng tubig? Paano ka gagalaw na hindi involve ang tubig? Eh, sa loob palang ng katawan natin may tubig na. Kasali pa rin ba iyon? Hindi naman yata kasi kung oo, kung sino man ang meron nito ay sigurado akong hindi na siya magtatagal pa. I mean, alam niyo na iyon. Water in a person's body who is allergic to water? You've got to be kidding me. How's that even possible? I don't want to sound rude but I just want to be honest, okay? Anong mangyayari kapag umiyak ka? Kapag pinagpawisan ka? Kapag naligo ka sa ulan? Like seriously? Mabubuhay ka pa ba niyan ng matagal? I mean, kaya mo bang mabuhay sa ganoong sitwasyon? This is so frustrating! Si ma'am naman kasi, eh! Nag-iwan pa ng sakit sa ulo. Akala mo naman jowa. Kidding aside!

"Okay. Class dismissed." Nagsimula si ma'am mag-ayos ng mga gamit niya na nasa desk. "Next meeting ko na lang ulit kayo tatanungin tungkol doon. At iyong mga katanungan ninyo, sasagutan natin lahat ng iyan. I'll try my best to give you the right and clear details even though my knowledge about it is limited. So, bye for now class. Umuwi agad. Huwag nang lumandi." Tumawa si ma'am ganoon din ang mga kaklase ko kaya nakisabay na rin ako. Si ma'am talaga. Ang babata pa namin para riyan. Actually, ako lang pala. Ang iba kasi sa mga kaklase ko may mga boyfriend at girlfriend na, eh. Well, it's normal and I'm not against it naman. Huwag lang natin kalimutan ang mga limitasyon natin dahil ang babata pa natin.

Speaking of, paano na lang pala kapag na-inlove 'yong taong may Water Allergy? Siyempre involved lahat ng katawan natin. Paano iyon? I mean, ah, basta alam niyo na iyon. Kasama na roon ang masaktan at hindi natin maiiwasang umiyak, hindi ba? Alangan naman na grabe na ang sakit na nararamdaman mo tapos poker face ka lang o kaya tulala. Hindi naman yata puwede iyon. That's it. Kayo ha? Dudumi ng isip niyo. I'm innocent. Pero ito ang sigurado ako, mahihirapan ang mag-jowa kung ang isa sa kanila ay may sakit nito.

Dapat pala tinanong ko na agad kay ma'am ang tungkol doon. Kung pati ba ang tubig sa loob ng katawan natin ay kasali once na magkaroon na 'nong allergy. Nakakabahala kaya.

"My goodness..."

Napaayos ako ng upo at hinilot ko ang sentido ko dahil masyado na akong na-i-stress dahil sa mga iniisip ko. Pero natatawa ako dahil kung saan-saan na umaabot ang takbo ng isip ko baka mamaya nito... uhm, never mind. Sadyang makuryoso lang talaga akong tao at gusto ko na napapalawak ko ang imahinasyon ko.

Pati ba naman ito poproblemahin ko? Isa lang din naman siya sa mga interesting topics na nadaanan ko these past few years sa pagiging high school ko. So, it's nothing. And I'll say this one last time, I don't believe in Water Allergy. Never in my life that I imagine about the existence of that allergy. It's so impossible. Too impossible to believe kaya bahala na doon si ma'am. Problema niya na iyon.

"Hey!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang pagkagulat. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakaupo na pala sa katabi kong upuan. Nakita ko na naman ang nakakairita niyang panget na mukha. My ugly beast friend. Ugly na nga, beast pa. Oh, saan pa kayo? Pero love na love ko 'yan.

"Hey!" sabi ko naman sa pagalit na tono. Gulatin ba naman ako. Hindi iyon healthy.

"Iniisip mo pa rin 'yong mga sinabi ni ma'am, ano?" Tumaas-baba ang dalawa niyang kilay habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Napairap na lang ako.

"Of course! Ikaw lang naman yata ang walang pakialam sa mga lessons natin, eh. Tss. And, I'm not like you." Tumayo na ako at sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko para makauwi na.

"Okay. Okay. Masyado ka namang harsh sa akin, beast. Nagtatanong lang naman, eh. Ikaw na nga ang bright, maganda, maputi, sexy at... never mind." Saglit niya akong tinitigan bago tumayo ng padabog at nagsimulang mag-martsa palabas ng room. Anong nangyari 'don? Parang tanga lang.

"Tantrums pa more! Babaitang ito! Para 'yon lang! Wait up!" sigaw ko pero itinaas niya lang ang middle finger niya sa ere kaya napatawa na lang ako at napatakip sa bibig ko. Napalingon-lingon pa ako sa paligid kung may nakakita ba na guro. At siyempre bilang nag-iisa niyang beast friend, sinundan ko siya.

"OA mo ha!" Sabay hampas ko sa balikat niya.

"Talino mo, eh!"

Napatawa ulit ako dahil sa sinabi niya pero this time iyong halakhak na talaga. Nakisabay din ang bruha. Naku, naku, sanay na sanay na ako sa ganitong ugali niya that's why I really love her. I love her flaws and cracks. She's fun to be with and a nice friend to lean on.

"Tangina! Nadadala ako sa halakhak mo! Wagas!" dagdag niya pa saka ulit kami tumawa. Wala na, finish na. Talo ako sa bunganga nito, eh.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami natigil sa pagtawa. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang pinagtatawanan namin. Well, sadyang ganito lang kami mag-bonding. Puro tawa at halakhak lang ang maririnig pero may iilang mura galing sa magaling kong beast friend.

"By the way, you're gonna throw a big party tonight, right? It's your eighteenth birthday, anyway!" she said excitedly, reason for me to stop myself from laughing.

What's the big deal about it? Mag-e-eighteen lang naman ako. It's not that special and I don't want to throw a party but...

"It's my mom's idea. You know how much I hate partying. I mean, I hate parties. Mga ganito't ganiyan. So boring and plain and too much people," I said as I rolled my eyes in despair.

"My goodness! Puwede bang kahit ngayon lang ay maging masaya ka sa party na gaganapin sa bahay niyo?! It's your birthday! Damn it, Eve," she said in disbelief.

"Well, I don't care. Ang gusto ko lang namang mangyari ngayong birthday ko ay makasama ko kayong lahat na mahalaga sa akin. Kahit iyon lang, sapat na sapat na sa akin iyon. Kahit iyon lang, Reanna. Ayoko ng too much attention. It can kill me. Isa pa, ang mga ganyang bagay ay nawawala lang agad, kayong mga mahal ko sa buhay hindi."

"You're impossible! Come on, kahit may party ka, makakasama mo pa rin naman kami. Marami nga lang ang bisitang pupunta. So, mas masaya kapag marami. Get that?" Tinignan niya ako habang nakataas ang isa niyang kilay kaya napabuntong-hininga na lang ako. As if I have a choice.

"Okay. If that's what you want." Ayoko nang makipagtalo pa as if naman kasi na may mababago pa. Party at birthday ko lang naman ang pinag-uusapan namin and my parents want it to be grand like a royal princess debut.

"Whatever Eve! Hindi lang naman ako ang may gusto niyan. It's your parents', remember?"

Tumango-tango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nakarating na kami sa may gate at nakita ko na ang sundo ko.

"Sabay ka na," yaya ko sa kanya pero umiling lang siya at sinabing...

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hinding-hindi ako sasabay kahit ano pang pilit ang gawin mo. You know my reason."

I sighed then nodded.

"Fine. Bye, then. Ingat ka." Ngumiti ako at nag-beso na sa kanya bago tuluyang pumasok sa sasakyan.

Ayaw na ayaw ni Reanna na sumasabay sa akin dahil mas nagmumukha lang daw siyang pulubi. Reanna has always been independent. Ayaw niyang magkautang na loob kahit na best friend niya pa ako. Ayaw niyang makaabala sa ibang tao. I mean, it's a friendly gesture naman and it's okay for me. But I respect her decision and reasons kaya hinahayaan ko na lang siya. Even though she's my best friend, I still have a lot to learn about his experiences and personality.

"How's your day, Ma'am Genevieve?" tanong agad sa 'kin ng driver namin na si Mang Ben pagkapasok ko palang ng sasakyan. This is his routine every time she fetches me – ang tanungin kung kumusta ang araw ko. Nasanay na ako at napamahal na sa akin si Mang Ben. He's also a family. Ilang taon na rin siya sa amin.

"Okay lang naman po. Uh, nasa bahay na po ba sila mommy at daddy?" I'm thinking if they remember that today's my eighteenth birthday. Matagal na rin naman kasi naming napag-usapan 'yong tungkol sa party at baka nakalimutan na nila.

"Naku, Ma'am, hindi po sila pumasok sa trabaho ngayong araw."

Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi pumasok?

"What? Why?"

"Buong araw po nilang inasikaso ang tungkol po sa party niyo na magaganap mamayang gabi sa mansyon."

Nagulat ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin at mararamdaman ko. I just blinked my eyes several times. That's not what I expected to happen.

"Really?" I stammered.

"Opo, Ma'am!" huli niyang sabi bago niya tuluyang pinaandar ang sasakyan. Sumandal na lang ako sa likod ng upuan at pumikit. This day is really tiring and stressing, yet I'm still thankful because I experience another day like this.

I never thought na ganito nila pinaghahandaan ang birthday ko. I'm touched and flattered, pero bakit ganoon? Bakit hindi ako masaya? Bakit hindi ako nakakaramdam ng kahit konting excitement? Kung sa iba siguro, ngayon palang naghahanda na sila. Ngayon palang ngiting-ngiti at excited na sila na umuwi. Eh, samantalang ako? Wala. I don't know why, but my gut feeling says it all. Sa tingin ko, may mangyayaring hindi maganda mamayang gabi.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 6K 4
Saraya Kennedy Cruz was just a simple girl living her life peacefully. She has an undying love for a half-British guy named Chord Sebastian Harris. S...
224K 6.8K 32
[COMPLETED / UNEDITED] 1st Installment of The Infidus Duology --- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Blis...
1.1M 5K 9
Their game is already over. Now It's their turn to take over. Never ending LIES and CHALLENGES will test even the new generation. Just remember the...
11.6K 186 38
Every summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)