The REAL Him.ON-GOING.

Par RukataXia

1.2K 79 44

Takot siyang magmahal at takot siyang masaktan. Siya si Reine Jiane Castillo. Tagapagtanggol at tagapaghigant... Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 3

106 11 6
Par RukataXia

-Chapter 3-

 

The next day walang pasok kaya libre magbabad sa net. Facebook, tumblr,youtube, twitter, ask.fm, soundcloud at wattpad ang usual na tambayan ko.

Blake Asuncion:” Hi Reine! I’ve missed you,” with matching all out smile na emoticon pa.

Heto na naman ang makulit na ‘to. Hay naku! Hindi ko na lang siya pinansin at baka masira na naman ang araw ko.

Blake Asuncion: “Reine?”

In-ignore ko ulit ang message niya. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

Blake Asuncion: “oy Reine pansinin mo naman ako,“ sad face naman na emoticon ang kasunod nun.

Aisht! Ang kulit talaga ng lalaking ‘to!

Blake Asuncion:  “:’(((((“

 

Bahala siya sa buhay niya! May crying emoticon pa siyang nalalaman. Akala naman niya papatulan ko ang pagpapapansin niya?

 

Nakahinga ako ng maluwag ng ilang minuto pa ay hindi na siya nangulit. Mabuti naman at nahismasmasan na din ang lalaking ‘yun.

“Hay salamat,” nasabi ko sa sarili.

In-open ko ang wattpad account ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng isang on-going story na kinalilibangan ko talaga dahil ‘yung protagonist na girl ay sobrang tanga na kulang na lang ay patayin na siya nung guy sa sobrang inis sa kanya. Kaso hindi ko naman masisisi si girl kasi nagka-amnesia siya kaya wala siyang maalala. Natatawa na ako sa chapter na binabasa ko nang makita kong may notification ako sa facebook kaya naman sinilip ko muna.

Blake Asuncion posted in your Timeline: “Jiane. Sorry na. Na-miss lang naman kita eh. Bati na tayo, please? “

And I was like ---> O____O The heck?

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis sa lalaking ‘to. Eh kasi naman first time na may gumawa nito sa’kin! Lahat nga kasi ng mga lalaki takot sa’kin. Although may mga lalaking nagpapakita ng interes sa’kin sa school, lahat naman sila hanggang tingin at pasaring lang. Ilang seconds pa lang ang nakakalipas ay biglang dumami na agad ang likes. Tungnu!! Parang mga kabute na nagsulputan din ang mga comments:

Shaine Benliro: “ayiiieee! Ano ‘to paps?” *O*

Nique Bearnod: “ansabee?? bruha anong ibig sabihin nito? Ikaw ha..Haha..” 3:) <3

Tricia Corros: “uwaaaa! Ate Reine ang sweet ni kuya Blake oh! Kinikilig ako!”  *O*

Shit na malagkit! Pinagpawisan ako ng malagkit dahil sa mga comments. Anak ng tokwa naman!

Blake Asuncion : “Friends ba kayo ni Reine? Tulungan niyo naman ako oh. Galit yata siya sa’kin e” :(((

Waaa! Walanghiya kang anon asker na medyo bobo at tanga ka. Humingi ka pa talaga ng tulong sa mga bestfriends ko!

Shaine Benliro: “Sure ba!”  ^__^

Nique Bearnod: “Ano ang maitutulong namin sayo iho? Hahaha”

Tricia Corros: “sure kuya! ayieee! Ang sweet niyo naman po” *O*

Hindi to pwede! Ako nito ang mapagttripan ng mga dakila kong mga kaibigan eh! Nakakainis!

Jiane Castillo: “paps Shaine, Ate Nique, Bunso Tricia.. ‘wag niyong pansinin ‘tong bagong labas sa mental na lalaking ‘to please lang” :’(((

Napilitan akong mag-PM sa hinayupak na Blake na ‘yun!

Jiane Castillo: “hoy magaling na lalaki! Buseeet ka! Ba’t ka sumulat sa timeline ko?! ‘Yan tuloy nakita ng mga kaIbigan ko! At ikaw ha! Humingi ka pa ng tulong sa kanila! Eh kung ipatapon kaya kita sa north pole ha?! “

 

Halos masira na ang keyboard ng laptop ko dahil sa sobrang inis ko!

 

Blake Asuncion :  “Sorry na Reine. Kasi naman hindi mo ako pinapansin pagkatapos galit ka pa yata sa’kin. Bati na tayo please?” :((

Jiane Castillo: “aisshhhhttt!! E-delete mo ‘yung pinost mo na ‘yun, ngayon na!”

Baka mas marami pang makakita nang pinost niyang ‘yun mas dumami pa lalo ang mga kaaway ko!

Blake Asuncion:  “Basta bati na tayo ha? Hindi ko ‘yun ede-delete hangga’t hindi tayo bati. :(((“

Waaaa!!! Nakakainis talaga ang lalaking ‘to!

Blake Asuncion: “oy ano na?”

Do I have a choice? Bwisit!

Jiane Castillo: “Oo na! Bati na tayo! E-delete mo na!”

Blake Asuncion:  “Na-delete ko na” ^___^

Ang saya lang ng hinayupak na ‘to. Badtrip!

---

Since that day ang dami nang tanong ni Blake sa’kin. May plano nga yata siyang maging detective or reporter sa dami ng tanong niya eh.

Jiane Castillo: “alam mo ang chismoso mo. Ang dami mong tanong eh. Lahat na yata ng tungkol sakin alam mo na, samantalang ni isa yata sa’yo ay wala akong alam”

  

Blake Asuncion: “di ka naman kasi nagtatanong eh. Pero sige, I’ll tell something about myself.”

Jiane Castillo:  “Go.”

Blake Asuncion: “My real name is Duncan Blake Asuncion. 18 years old. Nag-iisa akong anak na lalaki. May kapatid akong babae. ‘Yung ate ko at bunso namin. Our parents are separated and we’re staying with our mom. I’m taking up Biochemistry and currently in 2nd year. I play the piano and guitar instruments at sumasali din ako sa banda as guitarist and sometimes as vocalist. I dance music like hiphop and sketching is one of my hobby. Mahilig akong mag-nature treking and along with this is photography. Actually I have my own gallery of pictures I have taken during my tours and adventure.”

Mayaman naman pala ‘tong chismosong ‘to eh. Rich kid.

Blake Asuncion: “So is it enough?”

 

Jiane Castillo: “Hmmm. Okay na din. Bakit biochemistry ang kinuha mong course?”

 

Curious ako lang kasi ako eh. Biology kasi ‘yung course ko. Bestfriends kasi kami ng biology since highschool pati ng history. Pero ‘yung chemistry, mortal enemies kami the same with Math. Sa kanilang dalawa talaga ako nahihirapan noon. Puro numbers kasi, although hindi ganun masyado sa chemistry. Buti nga sa Physics nakaraos pa ako kahit papano.

Nique Bearnod posted in your Timeline: “Reine Bruha, bakit online ka pa? ayy girl gabi na. May lagnat ka diba? Matulog ka na at magpahinga.”

Ni-like ko ‘yung pinost ni ate Niq. Siya kasi ang ate ko sa school. Mas matanda siya ng 1 year sa’kin pero close na close kami niyan. We’re like biological sisters you know.

Nag-comment ako.

Jiane Castillo: “ ayieee! Concerned si ate sa’kin”

Nique Bearnod: “syempre naman! Mawawalan ako ng kapatid na maldita kapag nagkataon eh”

Jiane Castillo: “ ‘di nga? sabihin mo wala nang magtuturo ng leksyon sa mga lalaking mananakit sa puso niyong apat”

Ako nga kasi ang tagapaghiganti diba?

Nique Bearnod: “isa pa yun..lolol..pero syempre ineng kelangan tumagal ka pa. Hahanapan ka pa namin ng papable mo diba? aba’t ikaw na lang ang di pa nagkaka-boyfriend sa’ting lima”

Lima kasi kaming magbabarkada. Si ate Nique, ako, si Meijei, si Tricia, at si Shaine. Kumpletos rekados kaya kami.

Si ate Nique, matalino na, vocalist pa ng school band namin.Si Meijei naman top sa academics. Topnotcher always ‘yan sa exams namin.Si Tricia naman sa dancing at pageant nahasa. Ganda kasi ng height niya, pang beauty queen talaga at ang katawan naman niya ay pang-model.Si Shaine naman sa arts expert. She’s really good in painting, and acting. Actually best actress siya palagi sa mga plays na ginagawa sa school namin.Ako naman? Halo-halo ako. Nagsswimming ako, nagta-taekwondo, nasa debate team din ako kasi nga sa pagiging hard at pagka-straightforward ko. Kasali din ako sa school journal namin. Cartoonist ako at photographer. Yun ‘yung pinakamadaling position eh. Pero minsan literary writer din ako lalo na kapag stories ang pinag-uusapan. Nagsusulat nga kasi ako sa wattpad, diba?

Jiane Castillo: “anong ako na lang? Si paps kaya hindi pa nagkakaboyfriend”

Si paps si Shaine. ‘Yun kasi ang tawagan namin. Ewan ko ba dun kung bakit ‘yun ang naisip.

Nique Bearnod: “ ayy oo nga noh? O sige, edi dalawa na lang kayo”

Jiane Castillo: “after 4 years pa ako magbo-boyfriend ate. Or pwedeng ‘wag na lang. Haha”

Nique Bearnod: “ay ‘wag ganun gurl! May plano kang mag-old maid gurl?”

Jiane Castillo: “pwede din. Masaya naman ‘yun. Walang problema. Hahaha”

Nique Bearnod: “ay lonely ‘yun gurl. Wala kang kasama sa malamig na gabi. Whahaha!”

Jiane Castillo: “sira ka ate!”

Nique Bearnod: “maganda naman. ‘O siya, matulog ka na ineng..ilan na lagnat mo?”

Last time pag-check ko nasa 38.6 pero hindi ko pwedeng sabihin kay ate. Papagalitan niya ako.

Jiane Castillo: “37.6 po”

Oh diba minus one? Haha.

Nique Bearnod: “wag mo akong pinagloloko Reine Jiane ha? Magpahinga ka na at uminom ng gamot. Alam ko na ‘yang style mo eh. Hindi 37.6 ‘yan kundi 38.6”

Hala! Pano nalaman ni ate? O___O

Nique Bearnod: “ginawa mo na ‘yan last time...all the time pala..matulog ka na at uminom ng gamot. Sa susunod mo na lang tapusin ‘yang comic story mo. Good night na ha? Kinatok na  kasi ako ni daddy eh. Yung bilin ko. ‘Wag matigas ang ulo Reine Jiane Castillo”

Grabe talaga si ate Nique.

Jiane Castillo: “opo ate”

Asa! Wahaha! Ang sama ko talaga. Pasensya talagang matigas lang ang ulo ko. Tsaka gumagata yung utak ko sa story ng comics ko eh, at in the mood akong mag-drawing. Minsan lang kaya magsabay sina kasipagan at imagination.

Blake Asuncion: “may lagnat ka pala. Magpahinga ka na Reine. :)”

Parang biglang tumalon ang puso. May daga ‘yata sa puso ko? Weird ha.

Jiane Castillo: “di pa nga ako naantok.”

Blake Asuncion: “pero 38.6 yung lagnat mo..uminom ka na ba ng gamot?”

Jiane Castillo: “di pa..”

Blake Asuncion: “bakit?”

Jiane Castillo: “water therapy ako”

Hindi naman kasi ako agad umiinom ng gamot kapag may lagnat at sipon. Nagwa-water theraphy muna ako kasi ayokong sanayin ang katawan ko sa gamot. Tsaka I really believe in the healing power of water. Tested and proven ko na ‘yan.

Blake Asuncion: “pero Reine....”

Jiane Castillo: “ano?”

Kulit talaga nito!

Blake Asuncion: “I’m worried about you..sana nandyan ako para alagaan ka..:(“

Eeeee? Ba’t parang kiniliti ‘yung puso ko sa sinabi niya? Epekto lang siguro ‘to ng lagnat.

Jiane Castillo: “di ako nagpapaalaga..anong akala mo sakin hindi kayang alagaan ang sarili?”

Blake Asuncion: “hindi naman sa ganun. Magpahinga ka na Reine..:/”

Jiane Castillo: “aishhhttt...ayoko pa nga..ba’t ba ang kulit mo?”

Blake Asuncion: “concerned lang naman ako sa’yo”

Jiane Castillo: “matagal mamatay ang masamang damo kaya chillax lang kayo, pwede?”

 

Totoo naman ah! Sabi nila ang masamang damo daw matagal mamatay.

Blake Asuncion: “hindi ka masamang damo para sakin. You’re just a wild flower lost with the wild grass but manage to survive. I know maraming naiinis sayo dahil sa pagiging matapang at prangka mong tao, but that’s the main reason also why I fell in love with you.”

Okay....Ahmmmm....’Eto ba yung tinatawag nilang speechless? Ngayon lang ako na-mental black ng ganito.Ewan pero parang biglang bumilis yata ang heartbeat ko..Aishhhhttt! Malala na yata ‘tong lagnat ko!

Jiane Castillo: “Kung ano-ano nang pinagsasabi mo. Sige matutulog na ako para tumigil ka na sa pangungulit mo”

Blake Asuncion: “ahmm..sige Reine..good night..:)”

Magpapa-good night din ba ako sa kanya?

‘Wag na lang.

I closed and shut down my laptop and went to sleep.

12:00mn

.

.

.

.

2:30am

.

.

.

.

.

3:00am

Shemayyyyy naman!!! Di ako makatulog! Nasan ka na ba antok??? Dalawin mo nga ako!! Ang aga pa ng pasok ko bukas!! I mean mamaya pala.Ginawa ko na lahat para makatulog ako. Gumulong-gulong na ako sa kama ko. Sinubukan ko na ding matulog ng pahaba, pahalang at patagilid. Sinubukan ko na ding matulog sa sahig pero wa epek!! Busettt talaga!

Bahala na si batman nito mamaya sa first class namin na 6:00 AM lang naman

Continuer la Lecture