Every Beast Needs A Beauty (G...

By jonaxx

151M 3.3M 1.7M

Bata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamily... More

Every Beast Needs A Beauty
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Notes

Kabanata 43

1.9M 45.4K 26.8K
By jonaxx

Kabanata 43

Goodbye

Niyayakap ko ang sarili ko habang tulala sa loob ng sasakyan. Hindi ako tumigil sa pagsuka kanina hanggang sa itinago ni Mia ang ibang pagkain sa drawer. Binigyan niya ako ng fries. Kumain ako ngunit nang nakita niyang gutom na gutom pa ako at inabutan niya ako ng cheese burger ay naduwal ulit ako kaya binigyan niya ako nong chicken meal.

Nakaharap siya sa akin. Tahimik kaming tatlo sa sasakyan ni Kid. Naririnig ko na lang ang mga bulong ni Kid sa kanya pero binabalewala niya iyon.

“Mia, ibigay mo kay Sunny ‘yong juice.” Ani Kid habang nag mamaneho.

Matalim ang titig ni Mia sa akin. Kinagatan ko ag isa pang fries at ayokong tumingin sa kanya. Hindi ko rin naman naiwasan dahil maingay siyang tumikhim at nagsalita.

“Sunny, may sakit ka ba?” Tanong niya.

Kumalabog ang puso ko. Wala akong sakit. Iyon ang totoo. At natatakot ako sa pinag dududahan niya ngayon. Inisip ko ‘yong iilang beses naming ginawa ni Rage at pare parehong walang proteksyon iyon. Hindi ko naman talaga inisip na kailangan mag karon ng ganon, e. Ngayon ko lang narealize ang kahalagahan nito.

“Oo. Masakit ang ulo ko.” Sambit ko nang matigil na siya.

Inilahad niya sa akin ang pineapple juice ngunit di niya parin ako tinitigilan sa kanyang mapanuring titig. Nangingilid ang luha sa aking mga mata ngunit hindi ako nagpahalata na maging ako ay nag aalala.

“Nahihilo ka?” Tanong ni Mia, nanunuri parin.

Nilingon ko siya. “Hindi. Gutom lang talaga.”

Kumalabog ang pintuan ng sasakyan ni Kid dahil sa sabay nilang paglabas na dalawa. Binuksan ni Kid ang pintuan ko. Lumabas naman agad ako at narinig ko ang mga utos ni Mia sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na sila na nga. Hindi ko alam kung paano nangyari o totohanan ba ito pero sa pagiging masyadong pamilyar ng dalawa ay tingin ko lumalalim na ang kanilang relasyon.

“Ihatid mo na siya sa taas. Ako na bahala sa gamit niya.” Ani Kid habang kinukuha ang mga maleta ko sa likod ng kanyang sasakyan.

Tumunganga pa ako doon para panoorin ang pagkuha niya. Hindi ako sanay na may ibang taong nag bubuhat nito pero hinigit ako ni Mia patungong elevator.

Mabilis niyang pinindot ang buton at alam ko na agad na wala siyang planong hintayin si Kid para mapag isa kaming dalawa. Humalukipkip siya at nilingon ako, seryoso ang mukha.

“May proteksyon ba kayong ginamit habang... you know... nasa kama?” Aniya.

“Mia naman.” Nag iwas ako ng tingin.

Bumuntong hininga siya. “Anong ‘Mia naman’? Mag pakatotoo tayo, Sunny. Naduduwal ka!” Aniya

“Hindi naman ibig sabihin na naduduwal ako ay buntis na agad ako! Mia, naka ilang babae na si Rage, ngayon lang ba siya magkakamali?”

“So... hindi talaga kayo gumamit ng proteksyon?”

Hindi ako makapagsalita. Nakailang mura siya bago kami lumabas ng elevator. Kalmado ako ngunit panay ang pabalik balik ng tingin niya sa akin. Tuliro at para bang iritado.

“Sunny naman... Ano na? Pano kung buntis ka? Hindi ko na alam. Ano ba ang plano mo?” Tanong niya.

“Lalayo ako kay Rage. ‘Yon na ‘yon. Wala na akong ibang magagawa kundi ang lumayo, Mia.”

“Ilang beses ko nang narinig ‘yan!” Aniya sabay patuloy sa paglalakad sa puting tiles ng condo ni Kid.

Tumigil siya sa kulay dark brown na pintuan at agad binuksan gamit ang susi. Parang naka ilang beses na rin siya dito. Pagkapasok namin ay iginala ko ang aking paningin sa malaking kwarto ni Kid. Inisip kong magiging sosyal at mamahalin ang mga muwebles na makikita ko sa loob ngunit ngayon lang ako dinapuan ng hiya.

“Mia, dapat kayo dito ni Kid ang manirahan. Dapat ako na lang ‘yong nasa apartment.” Sambit ko habang itinuturo niya sa akin ang kulay maroon na sofa sa tanggapan ng condo.

“Oo, tapos lalayo ka pala kay Rage pero nakikita ka naman niya don. Magaling!” Ani Mia at umupo sa tabi ko, inaabutan niya ako ng tubig.

Narinig kong bumukas ang pintuan at tumambad si Kid sa aming harapan kasama ang mga bagaheng dala dala ko.

“At kung buntis ka, sasabihin mo ba kay Rage ‘yan?” Dagdag ni Mia.

Tinapunan ko ng tingin si Mia. “Hindi ako buntis.” sabi ko.

“Paano nga kung buntis ka!” Ginulo niya ang kanyang buhok sa pagkakairita.

“Buntis ka, Sunny?” Tanong ng nakikisaling si Kid.

Isa pa ‘to. Ngayon ko lang napagtanto na bagay ang dalawang ito. Hindi ko alam na pareho silang malawak ang imahinasyon.

“Hindi ako buntis!” Giit ko.

“Ilang beses na hindi gumamit ng condom si Rage?” Seryosong tanong ni Mia.

“HIndi gumamit ng condom si Rage? But that’s a rule, Mia. Logan, Brandon, and Rage won’t screw anyone without it.” Nilingon ako ni Kid at itinaas niya ang kamay niya bilang paumanhin. “I’m sorry Sunny. Pero ‘yon ang lagi nilang sinasabi tuwing nag iinuman kami.”\

Nalaglag ang panga ko.

“And I think it’s necessary, too. Very necessary actually.”

Lumunok ako at nag iwas ng tingin sa kanila. “Hindi pa ako nakakita ng... nag suot siya.” Yumuko ako at sabay silang nag mura.

“PT, Kid.” Sabi ni Mia.

“Bibili ako?”

Pumikit ako at tiningnan silang dalawa. “Mia, please? Pagod lang ako. Gusto kong magpahinga!” Sabi ko.

Nilingon ako ng dalawa. Pareho silang mukhang dismayado at hindi alam ang gagawin. Gumalaw si Kid at siyang bumasag sa katahimikan.

“Kukuha ako ng ilang damit. Pwede ka na sa kwarto, Sunny.”

Uminit ulit ang pisngi ko. Hindi ako sanay na ganito pero sa ngayon ay wala akong magagawa. Naiwan ulit kami ni Mia sa sofa at panay ang titig niya sa akin.

“Bukas, ipapamili kita ng groceries. Pupunta ako dito at hahanapin kita kay Rage para di siya magduda kung nahanap na ba kita o hindi. Kung ayaw mong makita siya, wa’g ka munang pumasok sa Lunes.” Ani Mia.

Iniwan nila ako don at sinamantala ko na lang ang pagkakataon na iyon para makapag pahinga. Sa sumunod na araw ay dumalaw nga si Mia na may dalang groceries para sa akin. Nilapag niya sa mesa ang tatlong pregnancy test at binalewala ko ang mga iyon.

“Pagod lang ako kahapon. Hindi na ako naduwal ulit.” Sabi ko.

“Bahala ka nga. Basta kumain ka ng maayos. Pupuntahan ko si Rage ngayon at magkukunwaring mag alala. Unless gusto mong mahanap ka niya, ay buksan mo ‘yong cellphone mo at nang ma trace ka.” Sarkastiko niyang sinabi. “Magpalit ka ng number.” Ani Mia at inabot sa akin ang isa pang Sim card. “Di ko kayang di ka itext lalo na’t buntis ka.”

Umirap ako. “Hindi sabi ako buntis.”

Nilapit niya sa akin ang pregnancy test. “Prove it.”

Ilang araw akong nanatili doon sa bahay ni Kid. Nahihiya na ako at panay ang text ko kay Mia at Kid na nakahanap na ako ng malilipatang apartment. Gustong gusto ko nang bumalik ng school para ipagpatuloy ang nasimulan ko ngunit ang isiping nandoon si Rage ay nagpapasikip sa dibdib ko. Ang lungkot at panghihinayang ko sa aming dalawa noon ay napalitan na lang ng galit ngayon. Galit dahil sa mga kasinungalingan at sa lahat ng nagawa niya, ng kanyang pamilya, sa aming dalawa ni mama.

Inalala ko kung paano kami pinagtabuyan noon sa bahay namin ni mama kaya kami napunta kina Auntie. Ang sinabi ni mama sa akin ay pag aaari iyon ng kanyang kaibigan, ngunit nang pumunta si Mrs. Del Fierro doon at nagkasagutan sila ay pinalayas kami doon.

Linunok ko ang nagbabadyang luha. Kahit anong gawin ko, may bahid na ang relasyon namin ni Rage. Hinding hindi na kami pwede. Inisip ko din kung paano niya pinlano ‘yong pag hihiganti at ang relasyon nilang dalawa ni Ezra.

Sumakit ang ulo ko sa kakaisip at biglang pumilipit ang tiyan ko. Pagkatapos ng pitong araw ay ngayon ko lang naramdaman ulit ito. Naduwal ako kaya nagmadali ako sa CR. Sinuka ko lahat ng kinain ko hanggang sa wala na akong maisuka kundi tubig. Hindi ako natunawan?

Naghilamos ako at pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Tumulo ang luha ko. Nanginginig ang aking kamay na dumampot nong bigay ni Mia na pregnancy test. Dalawang linggo na akong hindi nakakapag trabaho sa Marlboro girls at nagigipit na siguro ako ngayon kung hindi lang ako tinutulungan ni Mia at Kid.

Sinunod ko ang instructions sa pregnancy test. Kabadong kabado ako habang ginagawa iyon. Namumutla ako habang nag hihintay sa resulta at nalaglag ang panga ko nang nakitang dalawang linya ang nandoon.

“Shit!”

Inulit ko pa ng dalawang beses at ganon nga ang naging resulta. Ginulo ko ang buhok ko at nanatili sa CR. God, buntis ako!?

Paano kita bubuhayin? Ni halos hindi ko nga mabuhay ang sarili ko! Magtatrabaho ba ako o mag aaral? Gusto kong mag aral para mas maging maganda ang kinabukasan mo dahil hindi natin pwedeng asahan ang... ang... ang daddy mo. Shit! Buntis ako!

Shit! Buntis ako!

Tinakpan ko ang bibig ko habang humihikbi ng marahan. Ngumiti ako. Hindi dapat ganito ‘yong reaksyon ko diba? Hindi dapat ako umiiyak? Dapat masaya ako dahil ilang taon akong mag isa at ngayon, nandito ka na. May kasama na ako. Nanginginig ang kamay ko, hindi parin ako makapaniwala. Natatakot akong isama ka dahil magulo ang buhay ko at gusto ko ng payapang buhay para sayo.

Hinawakan ko ang tiyan ko. Yumuko ako at ang mga luha ko ay bumuhos patungo doon.

“Kailangan kong kumain.” Iyon ang agad kong naisip. Dahil nitong nakaraang araw ay hindi ako masyadong kumakain. At ayokong magutom ang anak ko.

Anak ko.

May anak ako. May laman ang tiyan ko. May baby ako.

Tulala ako mag hapon. Hindi ako makapag isip ng maayos. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Lahat ng plano at pangarap ko ay nahadlangan ng gulong pinasok ko. Hinaplos ko ang tiyan ko. Hindi ko alam kung ilang linggo na akong buntis pero hindi pa naman ito halata. Matatapos ko kaya ang semester na ito nang hindi nahahalata?

Lunes, kinabukasan ay nag bihis ako para sa school. Mas pursigido akong mag aral. Tumawag ako kay Mia para mag paalam pero hindi siya sumang ayon doon. Sinabi ko rin sa kanyang babalik ako ng Marlboro Girls.

Pagkapasok ko sa unang period ay gulat agad ang mga kaklase ko sa pagpapakita ko. Syempre, isang linggo akong nawala. Sinabi ko sa kanila na nagkasakit ako. Bumenta naman ito sa kanila kaya wala akong naging problema.

“Want to catch up sa mga lessons?” Tanong ni Jason sa akin.

Nagsusulat ako ng notes sa aking notebook. Iniisip ko na kakailanganin ko itong offer niya. I needed all the help I can get so I said yes.

“Ayos ka na ba?” Tanong niya habang sinusuri ang mukha ko. Nakaupo kaming dalawa sa isang table sa cafeteria at panay ang kopya ko sa mga notes niya.

Maganda ang kanyang sulat kamay kaya hindi mahirap kopyahin ang bawat salita. Naiintindihan ko rin lahat ng mga lessons dahil sa mga ginagawa niyang diagrams.

“Oo naman.” Ngiti ko sabay patuloy sa pagkopya.

“Hindi ka naman mukhang nagkasakit.” Halakhak niya.

Napatingin ako sa kanya. “Nagkasakit ako.” Giit ko.

“Ang tingkad ng pagka mestiza mo ngayon, e. Pumupula pa ang pisngi mo.” Aniya sabay titig sa aking pisngi.

Ngumuso ako. “Guni guni mo lang ‘yan.”

Nagkibit balikat siya at tumingin sa librong inaaral. Ngunit nanatili ang tingin ko sa kanya at nilingon ko ang sarili ko sa salamin. Kitang kita ko doon ang pagtingkad ng aking balat. Hindi naman ako nag lagay ng kahit ano sa aking mukha.

Natapos ang pagkokopya ko. Nag paalam na rin si Jason dahil sa kanyang susunod na klase. Wala na akong pasok para sa araw na iyon kaya inaral ko na lang lahat ng mga hindi ko nababasa at ginawa ko rin lahat ng mga behind kong assignment. Madilim na nang tumayo ako sa cafeteria para umuwi. Sinabi ni Mia na pupunta sila doon ni Kid kaya kailangan ko nang umalis bago pa mag alala ang dalawa.

Papalabas ako ng campus at naglalakad ako sa madilim na parte ay may umilaw na sasakyan sa likod ko. Tumabi ako para makadaan siya ngunit narinig ko ang pagbaba ng driver nito. Nilingon ko iyon agad at nanlaki ang mga mata ko at kumalabog ang aking puso nang nakita ko ang naka puting v neck t shirt na si Rage!

“Sunny... where have you been?” Pambungad niya.

Umatras agad ako at umiling. Tumigil siya sa paghakbang. Iginala niya ang kanyang mga mata sa akin.

“Rage, tapos na tayo.” Paalala ko.

“Nag alala ako sayo. Binilhan kita ng mga damit.” Sabay turo niya sa sasakyan niya.

Ano?

“Para pag sa bahay ka tumuloy, di ka na mahihirapan sa mga pamalit-”

“Rage, ang sabi ko, wala na tayo!” Mariin at mas malakas kong sinabi.

“Sunny, pakinggan mo naman ako kahit saglit!”

Tumingin ako sa kawalan. Napagtanto kong hindi siya titig hanggat hindi ko naririnig ang mga paliwanag niya. Sige, makikinig ako. Dahil sa ngayon, alam ko sa sarili ko na hinding hindi niya na ako makukuha pa ulit. Dahil hindi lang ang sarili ko ang pinoprotektahan ko, pinoprotektahan ko rin ang aking anak.

“Oo, nagplano akong maghiganti dahil napabayaan ako dahil sa’yo at sa mama mo! Pero wala akong alam na naghirap ka rin pala! Na naghirap din ang mama mo! Nong nalaman ko ‘yon galing sayo, you earned my sympathy.”

Pumikit ako at bigo dahil alam kong kahit anong salita ang marinig ko sa kanya, wala na iyon. Hindi na talaga tatalab.

Ginulo niya ang kanyang buhok. Nilingon ko siya at hindi ako makapaniwala na sobrang frustrated siya ngayon sa harapan ko.

“Ezra’s just an old friend. I hated committments so my parents fixed that future for me but I never wanted her, Sunny. I want you. So much. So, so much, Sunny!” Aniya at marahang hinawakan ang siko ko.

Hinawi ko ang kamay niya. Napabitiw siya sa akin. Nanghihina ako habang tinitingnan siyang nanghihina. “Narinig ko na ang mga paliwanag mo, Rage.” Sabi ko. “Pero, hanggang doon na lang iyon.” Sinigurado kong may marakang katapusan ang bawat bigkas ko.

Nalaglag ang kanyang panga.

“Where are you staying? Are you alright? Wala ka sa apartment niyo ah? Hinahanap ka rin ni Mia...” Aniya, winawala ang usapan.

Hindi siya titigil kahit anong gawin ko. Pumikit ako. Hindi ko maatim na isipin na sa oras na sumama ako sa kanya at malaman niyang buntis ako, malaman ng pamilya niya ay kakamuhian lang nila ako lalo, kakamuhian nila ang anak ko. Dahil nagpabuntis ako. Dahil nagpabuntis ako para makuha ko ang yaman nila. They were now right, I’m a cheap whore, I’m the predator, the scavenger... iisipin nilang ganon ako. Hindi ko kayang masaktan ang anak ko sa kamay ng mga taong katulad nila.

“I’m staying with someone, Rage. Leave me alone.” Sambit ko at tinalikuran ko siya.

Mabilis niyang hinigit ang braso ko.

“Sunny, stay with me. Please...” Mas marahan niyang sinabi.

Pumikit ako at nagbabadya na ang mga luha sa aking mga mata. Tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking braso.

“Tama na.” Nanghihina kong sinabi. “Umalis ako nong una dahil sa mga takot ko, aalis ako ngayon kasi napatunayan kong tama ang mga kinatakutan ko. Rage, tama na.”

“But... I love you, Sunny. Completely.” Tumitig siya sa akin habang hinahawakan niya ang siko ko.

Napatitig ako sa mga mata niyang kumikinang sa ilaw ng buwan. He was the most handsome man I’ve ever known. Ang kanyang panga ay perpekto ang pagkakahubog, ang kanyang ilong ay tama ang pagkakatangos, ang kurba ng kanyang labi ay nang aakit mahalikan... Nag iwas ako ng tingin. He’s gorgeous and I think it shoul be illegal.

“Rage...” Marahan kong tinanggal ang bawat daliri niyang nakakapit sa siko ko. Mabilis ang hininga niya.

Bago ko pa siya matanggihan ulit ay may humigit na sa braso ko galing sa likod. Nilagay ako ni Jason sa kanyang likod bilang proteksyon laban kay Rage. Nanlaki ang mga mata ko.

“You heard her, ayaw niya na.” Mariing sinabi ni Jason.

“Give me my girl.” Mariin ding sinabi ni Rage. Kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga.

“She isn’t yours. She’s staying with me.” Ani Jason at hinawakan niya ang kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Bumagsak ang mga mata ni Rage sa mga kamay naming magkahawak at bumilis ang hininga niya.

“Sunny...” Tawag ni Rage sabay tingin sa akin.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Goodbye, Rage.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 40.7K 70
Ano ang gagawin mo kung isang gabi ay di mo sinadyang kunin ang virginity ng babaeng hindi mo maisip na patulan? "Walang hiya ka, leche ka!! Panaguta...
95.9M 2.3M 64
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably t...
2.9K 113 25
A COMPILATION OF POEMS All Right Reserved 2022 ©_sadistrin
119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...