WERE MARRIED? (COMPLETED)

Oleh paujhoe

659K 10.6K 453

Isang hindi inaasahan na pangyayari sa buhay ni Girl na hindi niya alam kung paano at bakit nangyari sa kanya... Lebih Banyak

Synopsis
Prologue
one
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
a/n

22

11.6K 355 11
Oleh paujhoe

TATLONG ARAW mula ng umalis si Claude, naging matamlay siya. Ni hindi na nga niya naasikaso si Daniel, umalis na din ito sa bahay nila at magstay nalang daw muna sa isang hotel sa bayan nila. Paminsan-minsan nagpupunta siya doon para dalawin ang binata pero madalas hindi niya ito maabutan dahil naggagala itong mag-isa.

Kagaya ngayon nasa isang sulok lang siya ng bahay at nagmumukmok lang siya. Natapos na niya ang maglinis ng bahay nila, usapan kasi nila ni Daniel pupunta ito ngayong araw sa bahay nila para samahan siya na mag-ayos ng papel niya.

Tuloy pa din naman ang plano nilang pagpunta sa ibang bansa na kapag bumalik na si Daniel sa amerika isasama na siya nito.

"Anak, may naghahanap sayo"ani ng kanyang ina.

Nakakunot noo naman siyang lumabas sa lungga niya kung saan siya naglalagi para lang matulala sa buong maghapon.

"Sino naman po?"sigaw niya.

Imposible naman na hindi kilala ng nanay niya si Daniel, eh tatlong araw din namang nagstay doon ang binata.

Tapos si Daniel lang din naman ang hinihintay niyang darating na bisita niya ng araw na iyon.

"Ano na nga ang pangalan mo sir?"narinig niyang tanong ng kanyang ina ng makalapit na siya sa mga ito.

Mas lalong napakunot ang noo niya ng mapagsino ang bisita daw niya. kasi hindi talaga niya kilala ang lalaking nakaupo ngayon sa sala nila at hinihintay siya nito ngayon.

"Nay hindi ko siya kilala"bulong niya sa kanyang ina.

Gaya niya napatitig din ang kanyang ina sa lalaking bisita nila ngayon.

"Miss Rhiane"anito ng makita siya.

Tumayo pa ito para lang salubungin siya at makipagkamayan sa kanya.

Napataas pa ang kilay niya ng makita ang lalaki sa malapitan, ngayon lang niya napagtanto na nakapomal pala ito. nakaamerikana pa nga ito na kala mo isang abogado kung pumorma.

Mukhang halos hindi naman naglalayo ang edad niya dito, wala naman siyang matandaan na nakilalang ganitong lalaki. maging sa mga naging klasmayt niya noong nag-aaral siya.

"I'm Attoney Richard Bondok. I'm Mister Claude Altamera's legal council. I'm here in his behalf regarding to the annulment case you file against him."anito na tiningangaan lang niya.

Nakatitig lang din ang nanay niya pero ramdam niya ang higpit ng hawak ng kanyang ina sa kanyang braso.

"Nay, masakit"bulong niya dito.

"Miss Guinto"tawag na naman sa kanya ng lalaki.

"Ahm, ano kasi masyadong mabilis kang masalita. Pwede pakibagalan di ko naintindihan"sagot naman niya dito.

Napapakamot pa nga siya sa ulo niya habang nakatingin sa lalaki. ngumiti naman ito sa kanya bilang sagot sa sinabi niya. hindi naman mukhang masungit ang lalaki kaya wala naman siguro siyang problema dito.

"Sorry, nakalimutan ko. Ako nga pala si Attoney Richard Bondok, pinadala ako dito ni Claude para sa sinampa mong annulment case sa kanya. nandito ako para ipakita sayo ang mga dokumento na kailangan mong pirmahan para mapawalang bisa na ang inyong kasal na dalawa."malumanay na paliwanag nito.

Bagsak ang balikat niyang napatingin sa lalaking kaharap niya ngayon. Hindi maproseso ng utak niya ang mga sinabi nito sa kanya ng mga sandaling iyon.

Matagal siyang nakatulala lang sa harap ng lalaking nagpakilalang attorney daw ni Claude.

"Wala ka namang kailangan na abogado para sa kaso na ito, dahil ako na din ang bahala sa lahat. Ang kailangan mo nalang ay pirmahan ang annulment papers niyo at ako na ang mag-aayos ng lahat ng ito."paliwanag pa nito sa kanya.

Bukod sa mga sinabi nito ngayon lang madami pa itong sinabi na hindi na naman niya maintindihan dahil ang tumatakbo lang sa isip niya ay ang sinabi nitong pumapayag na si Claude na tuluyan na silang maghiwalay na dalawa na dati lang tinututulan lang ni Claude.

Ang nanay na niya ang humarap sa bisita nila at ito na ang nakipag-usap para sa sinasabi nitong annulment procedure. Nakatulala lang siya habang nakatitig sa kawalan habang nasa tabi niya ang ina at ang bisita na abala sa pag-uusap.

"Hey, Rhiane"tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.

Nang lingunin niya, nakilala niyang si Daniel pala ang tumawag sa kanya. Ni hindi man lang niya naramdaman ang pagdating nito, maging ang paglapit nito sa kanya.

"Are you okay?"tanong pa nito sa kanya.

Doon naman siya parang bumigay. Ewan niya bakit bigla nalang siyang umatungal na malakas sa tabi nito. niyakap pa nga siya nito ng mahigpit.

Maging ang nanay niya ay napalapit na din sa kanya ng wala sa oras at pinapatahan siya nito.

Hindi naman maampat ang mga luha niya sa mata, na wala na nga yatang katapusan sa pagtulo.

HINDI NA natuloy ang lakad nila ni Daniel, hindi na din kasi siya natigil sa pag-iyak mula pa kanina. Inakay nalang siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya para doon ipagpatuloy ang pag-iyak niya.

Maghapon siyang nakamukmok lang sa isang tabi habang patuloy pa din sa pag-iyak. Hindi na nga lang siya umaatungal tahimik nalang siyang umiiyak habang nakahiga sa kama niya.

Nang magsawa siya sa kakaiyak, bumangon lang siya para lang din magmukmok. Nakaupo siya na nakayakap sa mga binti niya habang nakatitig siya sa mga papel na binigay sa kanya ng lalaking bisita nila kanina.

Makikita nga doon ang pangalan nila ni Claude na may pirma na nga nito sa ibabaw ng pangalan ni Claude.

"Ayaw mo na talaga?"

Nakatitig lang siya sa papel habang nagsasalita na para bang si Claude ang kausap niya ng mga sandaling iyon.

Bigla niyang naalala ang mga panahon na nakasama niya si Claude. Kahit pa sabihin na sandali lang ang pagsasama nila, kahit papaano naman nakilala na niya si Claude.

Aaminin niya nasanay na nga siya na laging nandiyan si Claude, kahit pa palagi silang nagtatalo na dalawa sanay na siyang paggising niya sa umaga nandyan na si Claude mang-aasar na sa kanya.

Hindi malinaw ang lahat sa pagitan nila ni Claude. Dahil hanggang ngayon hindi niya pa din alam kung paano ba sila naging mag-asawa.

May pakiramdam siya na may alam si Claude.

Sa huling sinabi nito sa kanya noong nagtalo sila alam niya may hindi sinabi sa kanya si Claude.

Sinabi sa kanya ni Claude na mahal siya nito, pero bakit heto sila at nakaharap na sa annulment ang kasal nila.

"Ang gulo"umiiyak niyang bulong sa sarili niya.

"Anak, pwede ba tayong mag-usap?"tanong ng nanay niya mula sa labas ng kwarto niya.

Hindi naman siya sumagot pero pumasok pa din ang nanay niya sa loob at nilapitan siya.

Nakatitig pa din siya sa papel sa ibaba ng kama niya, ni hindi man lang niya tinapunan ng pansin ang kanyang ina na pumasok at ngayon nga ay nakaupo na din sa tabi niya.

"Anak"muling tawag ng kanyang ina sa kanyang atensiyon.

"Alam ko, hindi kita madidiktahan sa buhay mo. Kung ano man ang maging disisyon mo tungkol sa inyo ni Claude wala akong magagawa kundi ang tanggapin ng maluwag ang lahat. Kahit masakit sakin"anito.

Nang matapos itong magsalita doon lang niya tinignan ang kaniyang ina.

"Nay, may alam ka ba tungkol samin ni Claude?"hindi na niya naiwasan na itanong dito.

"Ang alam ko lang anak, mahal ka ni Claude. Sa mga simpleng ginagawa niya, alam ko pinaparamdam niya sayo kung gaano ka niya kamahal. Wala ako sa posisyon para sagutin ang mga tanong mo anak. Tanging si Claude lang ang makakasagot sayo"anito sa kanya.

"Pero may alam kayo?"pamimilit niya sa kanyang ina.

Nakatitig lang ang kanyang ina sa kanya, hindi naman ito tumangi o umamin na may alam ito sa lahat ng tungkol sa kanila ni Claude.

"Nay"pagmamakaawa niya dito.

"Mahal mo ba siya kaya ka nasasaktan?"pag-iiba naman nito ng pinag-uusapan nila.

Ngayon naman siya naman ang hindi nakasagot sa sinabi nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito.

Bakit nga ba siya nasasaktan?

Hindi ba ito naman ang gusto niyang mangyari, ang mahiwalay ng tuluyan kay Claude. Hindi ba't noong una pa lang, ang pagsasawalang bisa ng kasal nila ang palagi niyang inuungot sa lalaki.

Ngayon na binigay na nito ng tuluyan sa kanya ang gusto niya bakit hindi siya masaya? Bakit pakiramdam niya nasasaktan siya sa isiping tuluyan na silang magkakahiwalay na dalawa.

"Anak, maaaring nakalimot ang isip pero hindi ang puso. Kung ano ang idinidikta ng puso mo iyon ang sundin mo. Hindi ka naman maipapahamak ng puso mo anak, ako na ang nagsasabi sayo"ani ng kanyang ina bago siya nito iwanan.

Mas lalo yata siyang naguluhan sa sinabi ng kanyang ina. Para kasing may mali na ewan sa sinabi ng kanya ina.

Ano ang ibig sabihin nito na nakalimot ang isip pero ang puso hindi, par aba sa kanya ang sinabi ng nanay niya. may nakalimutan ba siya na gustong sabihin ang nanay niya.

"Ahhhh!"impit na sigaw niya.

Gulong gulo na siya ng mga sandaling iyon, hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.

DALAWANG araw ang mabilis na lumipas mula ng dumating ang annulment paper nila ni Claude. Pero hanggang ngayon hindi pa din siya nakakapagdisisyon hinggil dito. Nasa lamesa lang niya sa loob ng kwarto ang mga papel na iyon, hindi niya pa magawang buklatin o ang mismong pirmahan ang mga papel na iyon.

"Anak, nandito na naman si Attorney"tawag sa kanya ng kanyang ina.

Nasa likod bahay lang siya mula pa kaninang umaga, ayaw niyang magpakita sa kahit na sino, kahit pa kay Daniel pa mismo.

"Kayo nalang po ang makipag-usap sa kanya nay"sagot niya dito.

"Sorry miss Rhiane, pero kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa annulment niyo ni Claude"anito.

Hindi niya napansin na nasa likod bahay na din pala nila ito ngayon. Wala naman siyang nagawa kundi ang pakiharapan ito ngayon.

"Kailangan ko ng bumalik sa manila miss Rhiane, at kailangan ko na ding madala doon ang mga papel niyo para maifile na sa husgado"anito ng nasa sala na sila.

Ni hindi man lang siya hinintay na makaupo man lang, nagmamadali.

"Magmamadali ka attorney"hindi niya naiwasan maging sarcastic sa tono ng pananalita niya.

"Sorry, dalawang araw na kasi ako dito. Madami pa kasi akong kailangan na tapusing trabaho sa manila"anito.

Napatango naman siya bilang sagot sa sinabi nito sa kanya.

"Hindi ko pa napirmahan ang papel, kakausapin ko muna si Claude. Iwanan mo nalang ang address kung san ko pwedeng ipadala at kapag nagkausap na kami doon ko nalang ipapadala"sagot niya naman dito.

Nagkatinginan naman ang nanay niya at ang attorney sa naging sagot niya dito.

Maging siya din naman hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at nasabi niya ang mga bagay na iyon.

"Pupuntahan ko nalang siya, wag niyo nalang sabihin at ako nalang ang magsasabi sa kanya na hindi ko pa napirmahan ang annulment namin, pati na din ang pagpunta ko doon"iyon lang ang sinabi niya at iniwanan na ang mga ito.

Nagtuloy siya sa loob ng kwarto niya at doon nagkulong. Iniwasan lang niya ang nanay niya baka kasi kung ano pa itanong sa kanya hindi naman niya kayang sagutin.

Sa isiping makakaharap niya ulit si Claude, pakiramdam niya nakikipagkarera siya sa mga kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

"Naman oh, namiss ba kita Claude kaya ako kinakabahan ng ganito."parang sira niyang kinakausap ang sarili niya.

Pero magkaganoon man, iba pa din ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito.

Ibang iba, noong unang beses na malaman niyang kasal na pala siya.

"Mahal na nga yata kita, Claude."bulong niya.

...........................

a/n : bukas nalang iyong kasunod

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

235K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
149K 5.3K 34
The fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.
26.5K 128 6
Caught in the tangled web of love and betrayal, Celeste faced the harsh reality of Noah Arkanghel's betrayal. As she navigates the storm of emotions...
306K 6.3K 31
TEASER Player. Manyak. 'Yun ang unang tingin ni Faith Lanohan Salvez kay Clifford Buchebber. Nakita niya kung paano nito paiyakin at paglaruan ang mg...