A Love Untold (On Going)

By notyourdenny

136 22 0

A novelette of an ill fated life of two young lovers whose deaths ultimately made their two different worlds... More

Prologue
Chapter 1: Fallen hearts, ill fated life
Chapter 2: Fallen hearts, ill fated life
Chapter 3: Fallen hearts, ill fated life

Chapter 4: Fallen hearts, ill fated life

22 2 0
By notyourdenny

Chapter 4: Her first kiss; confused

Jillian


"S-Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Edmund nang mapagtantong sa girls' dormitory rin ang punta niya.

"Sasamahan ka." Sagot lang niya.

"H-Ha!? B-Bakit?! Bawal ka ro'n!" Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"Wala ang mga lady guard ngayon, nasa main gate sila at nagbabantay. Wala rin namang makakapansin na pupuslit ako sa girls' dormitory dahil nasa kaniya-kaniyang klase ang lahat."

M-May binabalak ba siyang masama!?

Teka! Tingin niya ba, madali lang niya akong makukuha!?

Katawan lang ba ang habol niya sa'kin!?

Huminto ako sa paglalakad.

"May problema ba?" Tanong niya at saka ko niyakap ang sariling katawan.

"B-Bata pa ako. . ." Bulong ko, sapat na para marinig niya. Tinitigan lang niya ako at.

3..

2..

1..

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"H-Hey! Ano ba? Seryoso ako!" Akma ko siyang hahampasin pero nakailag siya.

"Seriously? Naiisip mo talaga 'yan? I won't do that, Jillian. Malaki ang respeto ko sayo."

Edmund..

"Eh bakit ba kasi kaylangan mo pa akong samahan?" Nakasimangot kong tanong.

Nakakahiya ka, Jillian. Ang dumi ng isip mo!

"Wala ka namang klase ngayon 'di ba? So why not?"

Sa huli ay wala rin akong nagawa. Pinapasok ko siya sa room namin at hinayaang samahan ako.

"Masakit pa ba 'yang t'yan mo?" Nag-aalala niyang tanong.

"Hmm, hindi na mas'yado. Wala naman siyang kwenta sumuntok eh." Natawa naman siya sa sinabi ko. "Tingin mo ba pupuntahan pa ako rito nila Tanya para gantihan?"

"I don't think so. Sa ginawa mo kanina, baka nasa clinic pa rin sila hanggang ngayon." Natatawa niyang sagot.

"Pa'no mo pala nalaman 'yong nangyari kanina?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa taas lang ako kaya nakita ko kayo."

"E' bakit hindi mo 'ko pinuntahan?"

"That's why I'm sorry. Wala ako kanina para ipagtanggol ka sa kanila." Sinsero niyang sabi. "Tsaka dumating naman si Shaun, 'di ba?" Bahagya siyang ngumiti.

"Tss. That guy? Napakayabang niya!" Pagmamaktol ko.

"Pfft. Why?"

"Tch. Wala!"

"Jill, Mga libro mo 'to?" Tanong niya habang nakatingin sa patong patong na librong nakakalat sa higaan ko.

Well, ayan pala ang mga laman kaya naging tatlong maleta ang dala-dala nila mommy rito sa dorm.

Alam talaga ni mommy kung ano ang hilig ko. Napangiti ako sa naisip.

"Oo. Sa'kin lahat 'yan!"

"You're into books pala. So, ano'ng favorite novel mo?"

"Hmm, Wala. Lahat kasi favorite ko."

"Mahilig ka sa books pero wala kang favorite novel? I mean, 'yong pinaka-gusto mong book sa mga 'yan. Typical type."

"It's just that, napamahal na 'ko sa lahat ng librong nabasa ko kaya wala akong naging favorite sa kanila. Lahat, pantay-pantay. Para sa'kin kasi, pag mahal mo ang isang bagay, mag-iiwan 'yon ng malaking impact sayo. I mean, kahit 'yong pinaka-unang novel na nabasa ko, natatandaan ko pa ang ilang details sa story. Kahit 'yong book na hindi ko masyadong gusto ang genre, natatandaan ko pa hanggang ngayon ang ilang part, 'cause I enjoy ending, I love reading. And whenever I read, nag-iiwan ang mga librong nababasa ko ng impact sa'kin."

"Wow, lalim no'n. Ganyan ba ang nagagawa ng mga libro sa'yo?" Natatawa niyang tanong.

"Baliw! Maiintindihan mo rin ako kapag naging hobby mo ang pagbabasa."

"Pfft. I do love reading books."

"Wow, talaga? So, ikaw? Ano ang favorite novel mo?"

"Well, wala rin akong favorite novel pero unlike you, ako, after I read the book, dinodonate ko na 'yon at ipinamimigay sa iba."

Poor books..

Paano na lang kapag hindi sila inalagaan ng maayos?

"Huy, ba't nakasimangot ka d'yan?" Natatawang aniya.

"Naisip ko lang kasi, nakakapagbasa tayo ng kahit ano'ng libro na gustohin nating basahin, pero pa'no naman 'yong ibang tao na gustong-gusto magbasa ng libro na sulat pa ng paborito nilang manunulat pero hindi nila mabili?"

"W-Well, point taken."

"Kaya imbes na kolektahin sila, dinodonate ko na lang."

"Hmp! Kahit may point ka, hindi ko pa rin ipapamigay 'tong mga baby ko." Niyakap ko 'yong librong nahawakan ko.

"Hahaha. Para kang bata."

"Hoy, teka! Akala ko ba wala kang naaalala?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Oo nga." Sagot lang niya.

"P-Pero!-"

"Wala nga akong naaalala but I said I do remember na dito ako nag-aral. May naaalala ako tungkol sa'kin pero malabo."

"Kung i-untog na lang kaya kita para may maalala ka?" Seryoso kong suwesyon.

Nag-aalala kasi talaga ako sa kaniya.

"I-untog? Ang brutal mo ha?"

"Yon kasi ang napapanood at minsan ay nababasa ko. Kapag walang maalala ang isang tao tapos nauntog siya, after no'n babalik na ang ala-ala niya. So, why not? 'di ba? Try lang natin. Hihi." Lumapit ako sa kaniya.

"H-High ka ba?-Jilliaaaan!" Tumakbo siya nang akma kong hahawakan siya sa ulo para i-untog.

Pero mabilis ang mokong!

Ang ending, puro lang kami habulan.

Ang nababasa ko sa mga libro, babae ang hinahabol at lalaki ang humahabol. Tapos kapag na-corner na no'ng guy 'yong babae, magkakatitigan sila tapos i-kikiss ni guy 'yong female lead!

Pero ngayon ako ang humahabol kay Edmund, but not in a romantic way. Hinahabol ko lang naman siya para i-untog sa pader.

Natawa ako sa naisip.

Hinabol ko si Edmund hanggang sa ma-trap siya sa C.R.

"Hahaha! T-Tama na, Jill! Suko na 'kooo." Sabi niya habang nakataas ang parehong kamay.

"Nakakapagod!" Reklamo ko at pabagsak na humiga sa kama. "Ang bilis mo tumakbo, letse ka!"

"Hahaha. You're fault." Humiga siya sa tabi ko. Ipinatong niya ang ulo niya sa kamay niya at ginawang patungan 'yon. Nakahiga siya habang nakaharap sa'kin.

"Salbahe ka kasi." Pinisil niya ako sa ilong!

"Aray ha!"

"Sino'ng matino ba naman ang mag-iisip na gumawa ng ka-brutalan gaya ng naisip mo?"

"B-Biro lang e."

"You're blushing! Hahaha." Nagulat ako sa sinabi niya kaya dali dali akong umupo.

Umalis siya sa pagkakahiga at saka lumayo sa'kin na akala mo ay may balak akong masama sa kaniya.

"Baliw! M-Mainit kasi!" Umupo naman siya sa kama ko, na medyo malayo sa'kin.

"Wusus. Nabasa ko na 'yan. Ganyang ganyan kayong mga babae sa mga nababasa kong libro. Namumula kapag kinikilig, naiilang, nahihiya o kaya-"

"Naiinis!" Dagdag ko sa sinabi niya. "Tss, puro romance lang yata binabasa mo e."

"Hmm, hindi naman. Pero karamihan, romance nga." Natawa naman ako sa pag-amin niya.

"Sige nga, sample ng isang romance story plot dyan."

"Hmm, ganito. 'Yong male at female lead, unintentionally na magkakasama sa isang vacation trip somewhere in batanes. Tapos habang nando'n silang dalawa, magki-click agad sila sa isa't isa. Magiging close sila, mahuhulog ang loob sa isa't isa tapos-"

"Stop." Pigil ko sa kaniya. "Kung nagkataong nasa libro 'yan, baka hindi ko na itinuloy ang pagbabasa n'yan." Pagtataray ko.

"Bakit? Maganda naman ah."

"Well, nandon na kasi ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng romance stories"

"Ang alin?"

"Insta-love."

"Insta-love?"

"Yong love at first sight? Unang kita pa lang, nagka-spark na. O kaya naman ilang araw pa lang nagkasama, in love na agad sa isa't isa. Parang napakaimposible lang kasing maramdaman ang gano'n, duh"

"Well, believe me, it is."

"No, kahit nga ang instant noodles, kaylangan ng paghihintay para makain e. Love pa kaya?"

"Bakit? Hindi mo pa ba nararamdaman ang gano'n?" Nagulat ako sa tanong niya.

Hindi pa nga ba?

"E-Ewan. H-Hindi ko a-alam."

"Eh bakit nauutal ka?"

"Ha? G-Gutom na k-kasi ako! T-Teka, anong oras na ba!?-Gosh, 10:55 na pala?" Natataranta akong tumayo at paalis na sana nang masagi at matapakan ko ang mga librong nakakalat sa kama ko dahilan para mawalan ako ng balanse.

"AAHHH!"

"Jillian!" Iminulat ko ang mga mata ko at nakita si Edmund na hawak ako sa kamay para pigilan ako sa pagbagsak.

Tila bumagal naman ang paligid nang hilain niya ako pabalik dahilan para accidentally kaming mapahiga pareho sa kama.

Nagulat ako nang mapagtantong nasa ibabaw niya ako!

Take note!

NASA. IBABAW. NIYA. AKO!

"Jillian.."

He was staring at me. Ang lapit lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

Naramdaman ko 'yong pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita kong siyang gumalaw papalapit pa sa mukha ko.

Is he going to kiss me?

I closed my eyes and as if on cue, nagbilang ako sa isip ko.

One. Two. Three

Napasinghap ako sa sumunod na nangyari.

I don't know how but right in that very moment, a strange feeling rushed through my viens as his lips touches mine.

That made my heart skipped a beat.

He let go saka tumingin sa'kin ng deretso.

Limang segundo pero sapat na para yanigin ang buong mundo ko.

I was dumbfounded.

"Jillian.." Tawag niya sa pangalan ko kaya dali dali akong tumayo.

Napahawak ako sa labi ko.

"Are you o-okay? H-Hindi ka kasi nag-iingat e." Tumingin ako sa kaniya.

Parang naiilang siya na nag-aalala.

Pakiramdam ko sobrang pula na ngayon ng mukha ko.

His lips were soft but.. why did he kissed me?

Hindi ko alam kung paano mag-rereact!

Dapat pa ba naming pag-usapan 'yon?

Dapat bang mag-thank you ako? Ugh!

Dapat bang sampalin ko siya!?

O tawanan ko na lang kaya 'yong nangyari?

Pero baka magmukha naman akong tanga 'pag ginawa ko 'yon!

"H-Hinalikan mo 'ko-"

"A-About that, I'm s-sorry." Bakit siya nag-sosorry? "I shouldn't have done that."

H-Ha? Ano?!

Nabingi yata ako. Ayaw mag-sink in ng sinabi niya e!

"Jill, I'm sorry."

Tanga ba siya!? Magsosorry siya, matapos niya akong halikan?

Mukha ba'ng laro ang feelings ko? Tapos isa sa mga category ang halik?!

Tangina ha!

Lumabas ako ng room at iniwan siya ro'n.

"Jill, wait!" Pigil niya sa'kin pero hindi ko na siya nilingon pa.

Naiinis ako!

Naiinis ako sa kaniya pero mas naiinis ako sa sarili ko.

Ilang dipa pa lang ang layo ko sa room namin nang bigla kong makasalubong sina Liz, kasama 'yong dalawa.

"Sis? Saan ka pupunta?" Nagtataka niyang tanong. "Teka, umiiyak ka ba!?"

"H-Ha?" Hinawakan ko naman ang pisngi ko.

Ba't ako umiiyak!?

Gano'n na ba ako kaapektado sa nangyari kanina!?

Pinunasan ko kaagad 'yon.

"B-Baka pawis. Tinakbo ko lang kasi mula cafeteria hanggang dito e." Palusot ko. Magtatanong pa dapat siya kaya lang ay 'di na niya nagawa nang makalapit samin sina Jae at Charmaine. "Bakit pala kayo nandito?" Tanong ko.

"Tapos na kaming mag-ayos sa room. Maagang nagpalabas si ma'am kaya dumiretso na kami kaagad dito." Sagot ni Charmaine.

"Nakabili ka ng lunch natin, Jill?" Tanong naman ni Jae.

"Ah, Oo. Nasa room na, kani-" Si Edmund! Nasa room pa siya! Tumakbo ako pabalik ng room at iniwan sila.

Pero pagbukas ko ng room ay hindi ko na nadatnan pa ro'n si Edmund.

Umalis na rin ba siya agad?

Akala ko pa naman, hahabulin niya ako para alamin kung ano ba ang problema.

Napaka-assuming mo, Jillian!

Nang makahabol naman sa'kin 'yong tatlo ay tinanong agad nila kung bakit ako tumakbo pabalik ng room.

Sinabi ko na lang na may pusa na nakapasok at inisip kong baka kinain na niya lahat ng pagkain na binili ko kanina kaya kaagad kong pinuntahan 'yon.

-

Natapos kaming kumain at dahil pinayagan ang lahat ng freshmen students na makalabas ngayong araw na 'to para makapaghanda sa party ay umalis na sina Liz at Charmaine para bumili ng mga gamit o costume na gagamitin nila sa party.

"Gals, bilhan niyo na lang ako ng sa'kin ha! Kahit maskara na lang ng witch okaya white lady, okay na!" Bilin ni Jae sa dalawa habang kausap niya ang mga 'to sa call. "Ikaw, Jill? Wala kang ipapabili?"

"Wala. Mayro'n na kasi akong hat ng witch d'yan. Okay na 'yon."

Totoong may witch hat akong dala. At hindi ko alam kay mommy kung bakit isinama niya pa 'yon sa mga gamit ko.

"Oo, 'yon lang, wala raw ipapabili si Jill. Sige, Ingat kayo ha!" Pagkatapos no'n ay ibinaba na ni Jae ang tawag.

"Hmm, ano kaya ang big game para sa Halloween ngayon?" Napapaisip na tanong ni Jae sa sarili bago humarap sa'kin.

"Big game?"

"Hmm! Last year kasi, isang malaking maze ang ginawa nila."

Kinuwento niya ang Halloween party na naganap sa mga nakalipas na taon at kung paano nila isinasagaw 'yon.

Per year level ang Halloween party. Magsasama ang lahat ng section at hahatiin iyon para makabuo ng iba't ibang grupo.

Sa umpisa ay parang simpleng party lang ang mangyayari; may sayawan, may mga inumin at pagkain. Pero sa last hour ng Halloween party na eksaktong alas-dose ng gabi, doon magaganap ang Big game na sinasabi nila. Iba-iba ang Big game bawat taon, kaya ngayon ay napapaisip si Jae kung anong pakulo ang naisip ng SSG para rito.

"Yong maze last year ang pinaka-kakaibang game na naisip nila so far. Masasabi kong nag-effort talaga sila sa paggawa no'n. Ang oval ang ginawa nilang area ng game. Ang lawak 'di ba? Nahati ang 4th year level noon sa 15 groups, 7 members naman per group. Lahat ng faculty members pati maintenance staffs ay nasa loob naman ng maze, sila ang nananakot sa mga estudyante. Natatandaan ko pa nga noong nasa kalagitnaan na ang grupo namin ng maze, apat sa'min ang sumuko na dahil sa takot. At ang nanalo naman noon ay ang grupo nila Tanya." Namamangha niyang kwento.

Nakinig lang ako habang nagpatuloy naman si Jae sa pagkwento hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras.

Time check, 7:02 pm!?

Kahit papa'no pala ay nakatulong din ang pagiging madaldal ni Jae para makalimutan ko ang nangyari kanina..

"GIRLS!!!" Bungad sa'min ni Charmaine pagkadating nila.

"Grabe, napagod ako ro'n!" Reklamo naman ni Liz habang nag-aalis ng sapatos.

"Ba't ang tagal niyo? Tsaka ba't ang dami niyong binili!?" Nagulat kami ni Jae sa dami ng pinamili nila.

"Ano ba, guys? Minsan lang 'to. Saka sa Saturday na tayo makakalabas ng campus kaya sinulit na namin!" Sagot ni Charmaine habang isa isang inilalabas ang mga pinamili nilang gamit at pagkain.

"Bumili ako ng make up para sayo Jill, hindi ka kasi nagpabili ng mask e! Kaya naisip kong make up na lang ang bibilhin ko for you." Nakangiti niyang sabi.

"Thanks, Liz." Nag-abala ka pa.

"At saka itong prosthetic masks, para sa'tin 'to, Jae! Para magiging makatotohanan ang mga itsura natin! Hahaha." Sabi ni Liz habang pinapakita ang masks na binili nila.

"Ano'ng binili ni Charmaine para sa kaniya?" Tanong ko.

"Kapa tsaka dalawang foundation 'yong binili niya. Ewan ko ba d'yan! Vampire raw ang gusto niya, palibhasa patay na patay kay Edward Collins." Natawa naman kami ni Jae sa sinabi niya.

Talagang pinaghahandaan nila ang party.

"Guys, kain na tayo! Gutom na 'ko." Aya ni Charmaine nang makabihis sila.

"Max's for dinner!" Sabi ni Liz habang inilalabas niya ang mga tinake-out nilang pagkain.

-

Matapos naming kumain at maligo ay nag-ayos na kami para matulog.

"About that.. I'm sorry, I shouldn't have done that."

"About that.. I'm sorry, I shouldn't have done that."

"About that.. I'm sorry, I shouldn't have done that."

Bakit ba paulit ulit ko na lang naririnig 'yon?!

WAAAAAH!!! Mababaliw na 'ko!

Naiiyak ako pero hindi ko alam kung bakit.

He kissed me tapos mag-sosorry siya sa ginawa niyang 'yon!?

Nakakainis siya!

Napasinghap naman ako sa napagtanto. .

He stole my first kiss!

Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 886 21
YUH EX MAN BRUK YUH HEART ND YUH NUH SEE HIM FI YEARS! JUS LEAN PON ME SHOULDER, MI EASE YUH TEARSπŸ₯Ή. NEW TO THIS WRITING THING SO BARE WITH MEπŸ™πŸ½οΏ½...
13K 197 27
Some Chenford stories.
206K 3.6K 63
Alara Mortello would do anything for her family even if it means being thrust into a marriage with the most ruthless man from their rival gang. Came...