Making Love - Published by PHR

Per FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... Més

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Six

253K 5K 776
Per FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-SIX

Two weeks ago...

NAPAHUGOT ng hangin si Lana nang pagpasok niya ng opisina ay nakita niya si Bari na nakaupo mismo sa puwesto niya. Kumportableng-kumportable ito roon na parang ito ang may-ari ng opisina.

            "Finally, you're here," anito na may misteryosong ngiti sa mga labi.

            Sinara niya ang pintuan at kinakabahan siya sa paglapit rito. Parang siya pa ang bisista sa sarili niyang opisina. "W-What do you want to tell me?"

            Tumayo ito sa upuan niya. "I heard you're pregnant. Congratulations sa inyo ng pinsan ko," kahit papaano ay sincere ang pagbati nito.

            "S-Salamat..." Napaupo na lang siya upuan sa tapat ng lamesa niya. Para kasing nanginginig ang tuhod niya sa presensya ni Bari.

            Iniisip niya kung tama bang makikipag-usap siya rito na hindi alam ni Dylan. She does not know how to handle Bari's intimidating aura.

            "Alam ba ng pinsan ko na mag-uusap tayo?"

            Umiling siya. "Hindi ko na muna sinabi. Pero, sasabihin ko rin pagkatapos natin mag-usap."

            Umangat ang gilid ng mga labi nito. "Good."

            Itinuwid niya ang pagkakaupo at saka matapang na sinalubong ang tingin nito. "Ano bang gusto mong sabihin?What's the 'self-proclaim mission' all about?"

            Humalukipkip ito at bahagyang umupo sa gilid ng malaking lamesa niya.

            "Alam mo na siguro na first love ni Dylan si Agatha?"

            Napahinto siya saglit pero napatango maya-maya. "What about it?"

            "Okay lang sa'yo?"

            Nagkibit-balikat siya. "Matagal naman nang tapos iyon. Ako nga, first love ko si Reeve. Dylan and I made sure that they are all in the past now." At sa tingin naman ni Lana ay hindi na rin malaking issue pa kung nagkaroon man ng feelings si Dylan kay Agatha. Her husband made sure that it's her that he loves now. At nararamdaman niya iyon ng sobra.

            Tumangu-tango ito. "So, will it be still alright kung sabihin ko sa'yo na ang pagkakakilala niyo ni Dylan ay planado? Na kaya siya pumayag sa misyon namin ay para kay Agatha?"

            Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Hindi ko maintindihan."

            "You see, mula pagkabata, kaming pitong magpipinsan ay nangako sa isa't-isa na po-protektahan namin ang pinsan naming si Agatha. We vowed to always make sure she's happy. Katulad na lang ng pag-ako ni Dylan sa responsibilidad ni Agatha na mamahala dapat ng hotel ng mga Andersons. He did that because... sa aming pito, siya ang may pinakagustong makita si Agatha na masaya," anito na may kahalong pang-aasar sa tono.

            Nagsalubong ang mga kilay niya. "Alam ko na iyan. Nabanggit na sa'kin 'yan ni Dylan na kaya siya nga ang umako ng position dahil gusto niyang maabot ni Agatha ang pangarap na maging pianist or musician. But that's it. Isa pa, sa inyo namang magpipinsan, si Dylan lang ang walang pinamamahalaan na kompanya kaya niya rin tinanggap iyon."

            "So, what do you think came to his head to volunteer again for our 'mission'?"

            "What's your 'mission', anyway?" naiinis na na wika niya. Parang hindi magiging maganda ang mga susunod na pag-uusapan nila.

            He smirked. "Tutol kaming lahat sa arrange marriage nina Agatha at Reeve. Nasa isip naming lahat, baka hindi sumaya ang pinsan namin sa kasalang iyon dahil hindi niya pa ganoon kakilala ang lalaki. She likes him, yes. Pero mapapanatag ba kami na gugustuhin din siya ni Reeve? Paano kaming makakasigurado na hindi masasaktan ang pinsan namin sa bagong buhay na magkakaroon siya?

            "So, I did a little background check about the famous hotel magnate Reeve Monteverde. And pop! Your name appeared as his first love who broke his heart so bad," he emphasized. "Iyon daw siguro ng dahilan kung bakit walang naging stable relationship si Reeve at kung bakit pumayag na lang siyang makasal kay Agatha. It's all about business. Then, we investigated about you..."

            "Pinaimbestigahan niyo ko?"

            "Kaya nga namin nalaman na may plano pala kayo ng pamilya niyong umuwi na ulit dito sa Pilipinas for good. At aminin mo, gusto mong makipagbalikan kay Reeve."

            Napalunok siya. "Oo. Noon. Because I thought he's still single."

            "Pero segurista kaming magpipinsan. Uso na ang agawan ng asawa. Anong malay namin na hindi mo gagawin iyon sa pinsan namin?" anito at saka siya tinignan ng mas mataman. "Nag-usap-usap kami. Clearly, you're a threat to the marriage, Lana. Kailangan ka naming ilayo kay Reeve at Agatha. We need to distract your attention. And guessed who volunteered to do it for Agatha's happiness in love?"

            Nakuyom niya ang mga kamay."Get straight to the point!" she demanded, her teeth clenching. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang tapang niya para sabihan ito ng ganoon. Basta, ayaw lang niya ang dating nito na tila sinisira nito si Dylan sa kanya.

            "Oh, Lana, you already got my point," tuya pa nito at saka tumindig sa harap niya. Then, he lowered his head to face her. "Inako na ulit ni Dylan ang misyon namin. He will be the one to divert your attention. Ang usapan namin, makikipagkaibigan lang siya at saka siya magpapakilala ng mga matitino namang lalaki na puwede mong pag-ukulan ng pansin. Hindi namin sinabi na siya mismo ang trumabaho sa'yo."

            "A-Anong gusto mong palabasin?" Nagtatagis na ang mga bagang niya at nangangati na ang mga palad.

            "Bakit ka ba kasi papakakasalan ni Dylan habang wala ka sa tamang huwisyo? Naniwala kang kasi mahal ka niya, unang kita pa lang niya sa'yo? That's an ass, Lana. Kamukha mo si Agatha—his first and unrequited love. You're beautiful enough for a second choice in his heart, don't you think? If he cannot have Agatha, then he can just settle for a look-a-like.  Kumbaga, pupuwede na."

            Kusang umangat ang palad niya at sinampal ito ng malakas.

            "Mahal ako ni Dylan!" nanggigil na sabi niya. "Kahit planado pa ang pagkikita namin. Kahit ano pang rason niya nang pakasalan niya 'ko noon... kahit pa dahil kamukha ko si Agatha at kahit 'pupuwede na' lang ako, wala na 'kong pakialam!"

Tumayo siya at tinapatan ang tingin nito kahit nakatingala na siya rito. Biglang nawala ang intimidation na nararamdaman niya dahil galit na galit ang siya ngayon kay Bari.

"I may be a second choice at first, pero alam ko ngayon na mahal na 'ko ni Dylan! He has fallen along the way. I know, I felt it. I'm not assuming because everyday, I can feel how Dylan loves me, how he takes care of me, and how he's excited to let everyone know na kasal na kami at magkaka-baby na kami!" Dinuro-duro niya ito. "Kaya ikaw, sige, salamat kasi sinabi mo sa'kin 'to. Pero para ano? Para masaktan ako? Para magalit ako kay Dylan? Hell, no! Dylan assures me everyday, every hour, every minute, every love makings that I'm the only girl he loves come heaven or hell!" she shouted at him. "And I love him!"

"You love Dylan that much, huh?"

"Because he loves me, too. That much. And when we love, we must learn to trust." Marami na silang issues ni Dylan sa mga sarili na natutunan na nilang i-overcome. At kasama doon ay ang pagbi-build up nila ng trust para sa isa't isa. Dahil sabi ni Dylan, they must not feel insecure sa pag-ibig nila sa isa't isa. Dapat mas maging secure pa sila. And how can they feel the security?

Trust. They must trust each other that no matter what issues or problems they'll face, nothing will get between them. Kung totoo man ang mga sinasabi ngayon ni Bari, mas kailangan niyang marinig ang side ng asawa niya.

Hindi na siya magiging selfish pa. She promised that to herself and to Dylan.

Medyo kinalma ni Lana ang sarili. Baka matakot ang baby niya.

Awtomatikong napahawak siya sa puson. "Ano na, Bari?Bakit kailangan mo 'tong sabihin sa'kin?"

Umupo ito sa upuang katapat ng inuupuan niya kanina. Komportable pa itong nag-dekuwatro at isinandal ang likod sa sandalan. Then, he smiled triumphantly.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"mataray na tanong niya rito. Pagkatapos ng lahat ng sinabi nito at pagkatapos niya itong sampalin, ngingiti lang ito na parang masaya pa? Baliw ba ito?

"I want to test how much you love Dylan, Lana.  And I'm happy, because you do love him and trust him. Gusto ko ang sinagot mo sa'kin. Iyon ang gusto kong marinig mula sa'yo," seryosong sabi nito at saka humalukipkip. "But you're too brave. Nasampal mo pa 'ko."

"You deserved it!"

He lightly chuckled. "I think so, too. Mukhang lalaki ang baby mo. Sobrang tapang mo. No one dared to slap me."

Lumabi siya. "Uulitin ko ulit iyon sa oras na siraan mo sa'kin ulit ang asawa ko," sabay upo sa inuupuan niya kanina. "Pero, sandali nga lang. Naguguluhan ako sa'yo, so, kinausap mo 'ko para malaman mo kung gaano ko talaga kamahal si Dylan? Bakit?"

Tinitigan siya nito nang matagal. Hindi naman niya inurungan ang tingin nito at sinalubong iyon. Tama nga siguro ito. Baka lalaki ang baby niya at ang tapang tapang niya habang noon ay halos magtago na siya sa likod ni Dylan habang kaharap si Bari.

"You cannot intimidate me anymore," aniya rito.

Napailing-iling ito. "I witnessed Dylan grew up and hid all his insecurities. Nakita ko kung gaano siya nagmahal at nasaktan ng lihim para gawin ang tama. He played with a lot of women but deep inside, I know, he wanted to have his own happily ever after. But he's too damned insecure about being an orphan. Mabilis siyang sumuko kapag tingin niya, hindi para sa kanya ang isang bagay. Katulad nang hindi niya pinaglaban ang position niya sa Guevarra Minings kahit pa mas nararapat siyang mamahala roon. You know about the necklace and his gym, right? Sa dalawang bagay lang na iyon siya totoong masaya... but when you came, he changed.

"Totoo ang misyon namin na ilayo ka kay Reeve pero hindi ko na alam ang iba pang rason sa mga naging pagliko ng plano namin dahil sa ginawang pagpapakasal sa'yo ni Dylan. Pero habang tumatagal, nakikita namin kung paano ka ipaglaban ni Dylan, nang hinubad niya ang necklace, at kung paano niya tinanggap ang sarili niya para mahalin ka ng buo," mabagal na sabi nito. "At sa nakikita ko sa'yo ngayon, kayang-kaya mo ring ipaglaban ang pinsan ko. No wonder, you rightfully deserve each other."

Napakurap-kurap siya. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito. At parang natutunaw ang puso niya lalo na ng marinig niya ang mga sumunod pang sinabi nito.

"When we silently promised to protect Agatha and make her happy no matter what, palihim na ipinangako ko rin sa sarili ko, na magiging masaya ang mga nakababata kong pinsan. Kahit hindi ko kadugo si Dylan, he's already a brother by spirit." Nagkibit-balikat ito. "I think it's me being a big brother to all of them, kaya siguro masasabi mong 'pakialamero' ako ngayon. Masisisi mo ba 'ko kung gusto kong masigurado kung gaano mo kamahal si Dylan? Masisisi mo ba 'ko kung gusto kong makasigurado na sa'yo siya sasaya ng tunay?"

"P-Paano kung iba pala ang ginawa ko? Paano kung kabaliktaran ang naging reaksyon ko? Paghihiwalayin mo kami?"

"Hindi kita kinausap kung alam kong ganoon ang gagawin mo."

"Huh?" naguguluhang wika niya. "Akala ko ba, you're testing me? So, it's either you fail or pass."

"I don't do a test if I know I'm going to fail," makahulugang sabi nito. "Alam ko naman na mahal mo rin si Dylan. I'm just... double checking let's say."

Nagpakawala siya ng hangin. Maya-maya'y napangiti. Maling-mali siya ng hinala kay Bari. Pagkatapos ng mga nalaman niya, she can say that he's really a 'kuya'.

"Thank you, Bari," nasambit niya. She's just happy to know that Dylan is surrounded by people who really cared for him.

"No, Lana. Thank you," sabi naman nito at saka tumayo. "I heard you're going to tell everyone about your marriage?"

Tumango siya. "Yes. Sa birthday ko sana."

"Skip it."

"Ha? W-Why?"

Ikiniling nito ang ulo at seryoso na ulit ang mukha. "I have a better plan."

"Ano iyon?"

"Do you want to see Dylan cry in happiness?"

***

"WHAT?!"

            Napangiwi si Lana sa lakas ng naging reaksyon ng kapatid niyang si Prince at ng asawa nitong si Trisha. Halatang nagulat din ang mga magulang niya at ang Lolo Rex niya ngunit nanatiling kalmado ang mga ito at dina-digest pa siguro sa isip ang lahat ng isiniwalat niya tungkol sa tunay na relasyon nila ni Dylan at ang pagbubuntis niya

            "Nako! Kaya pala may singsing kayong dalawa!" ni Trisha. "Akala ko naman, couple ring lang nang makita ko. Wedding rings na pala iyon!"

            "That was insane, Lana!"ani Prince sa mataas na boses. "Tinago mo sa'ming lahat iyon nang ilang buwan?!"

            "Prince, huwag mong sigawan ang kapatid mo," saway ni Lolo Rex sa mahinahong tono. "Buntis siya, tandaan mo."

            Inabot niya ang kamay ng Lolo niya. "Thank you po, Lolo, for understanding."

            Tumango ito. "Nasa tamang edad na kayo. At masaya ako para sa'yo, apo."

            Nilapitan naman siya ng ina at niyakap siya. "Basta para sa'kin, kung mahal niyo na pala ni Dylan ang isa't isa ngayon at plano niya na talagang bumuo ng pamilya, masaya na rin ako. Nasa tamang edad ka naman na. Actually, sobra pa nga sa tamang edad."

            "Mom!"

            Ngumiti ito. "I'm just joking. I'm happy for you because everything worked out for you and Dylan. Sino pa ba'ko para tumutol pa? Saka, hindi ako nagagalit, eh. Masaya ako kasi masaya ka."

            Napayakap rin siya rito at napangiti. "Thank you, Mom! You're the best!" Pagkuwa'y napatingin siya sa ama niya. "Dad?"

            Napabuntong-hininga ito. "Ikaw, kinasal ka na pala ilang buwan na ang nakakaraan. Eto namang si Prince, nagpakasal na rin kahapon. Ama niyo 'ko, tapos hindi ako invited sa mga kasal niyo?! Ang babait niyong mga anak. Talaga naman!" sarkastikong wika nito.

            Ang tensyonadong kuwartong iyon ay biglang napuno ng tawanan.

            "Dad, biglaan kasi ang sa'min ni Dylan. Si Prince lang ang awayin niyo."

            Nakasimangot pa rin si Prince habang nakatingin sa kanya. "Ito ba iyong tinatanong mo sa'kin noon? Kung matatanggap ko ba kung sakaling may inilihim ka na napaka-importante?"

            Napakagat-labi siya at tumango. "Sorry, Prince... Dad... Ang gulo pa kasi ng mga bagay sa'min noon ni Dylan kaya hindi ko masabi-sabi."

            Tumayo ang Dad niya at inakbayan siya. "Ayos na 'ko, hija. Ang mahalaga nasabi mo na ngayon at masaya ka na. Susuportahan ka naming lahat."

Niyakap niya ito. "Thank you, Dad! Dapat nga sa birthday ko pa namin aaminin."

            "Ah! Iyon ba iyong announcement niyo dapat?" tanong ni Trisha.

            "Oo sana. Kaso..."

            "Kaso?"

            "Ngayon ko na sinabi dahil mag-aaway kami ni Dylan hanggang sa birthday niya, eh."

            "Ha?" ani Prince. "Planado na pala mga LQ ngayon?"

            Natawa siya. "Prince, Trisha... I think we need to refresh our acting skills, again."

            Nagkatinginan ang mag-asawa. Pati ang mga magulang at Lolo niya ay nagtataka.

            "We're going to have a role play. " A very big role play.

            Iyon ang plano nila ni Bari kasabwat ang iba pang mga pinsan nito. They'll surprise Dylan on his birthday. At sa mismong araw ding iyon ay magpapakasal sila ulit ng asawa. Pero para walang maging ideya si Dylan ay kailangan niyang gumawa ng napakalaking pagpapanggap—indeed, Dylan will experience the best roleplay in his life. Isang roleplay na tanging ito lang ang natural sa lahat.

            Masakit para sa kanya na makitang masaktan si Dylan ngunit kailangan niya itong awayin at mapaniwalang naniwala siya sa mga sinabi sa kanya ni Bari tungkol sa naging misyon ng mga ito.

            Hindi niya alam kung paano niyang kakayanin na hindi na naman sila magkikita at mag-uusap ni Dylan ng dalawang linggo. Pero, gusto niya ang ideya ni Bari na pasiyahin ang asawa niya sa pinakamahalagang araw sa buhay nito.

***

AND AT LAST! After all the careful planning with Dylan's cousins and their families, nandito na sila.

Naglalakad na ngayon si Lana sa gitna ng aisle. Umiyak na siya kanina dahil sa hindi niya inaasahang love confession ni Dylan. Well, alam niya lang na magsasalita ito but she didn't expect how full of emotions it is.

            Pero ngayon, habang naglalakad siya at nakita si Dylan na totoo ngang naiyak dahil sa gulat at kasiyahan, napangiti na lang siya. Everything was a success! Nagbunga ng matagumpay ang "acting" nila atang sobrang pagkasabik niya sa asawa.

            Nang nasa tapat na siya ni Dylan ay nakayuko ito at yumuyugyog ang mga balikat.

            "D-Dylan..." Nangilid ulit ang luha sa mga mata niya. Her hot and gorgeous Dylan was crying! "Happy Birthday..."

            Unti-unting umangat ang ulo nito at agad siyang kinabig payakap. She heard the dreamily sighs of the guests.

            "B-Ba't di niyo sinabi...?" he hoarsely whispered. Pinipigilan na nito ang pag-iyak.

            Napasinghot siya at niyakap na rin ito. "May 'surprise' bang sinasabi?"

            Mas humigpit ang yakap nito sa kanya. "Ang mga pinsan ko ba may pakulo nito?"

            "They just want to see you happy. " Humarap na siya rito. "Ikakasal na talaga tayo ng maayos. Hindi na 'ko lasing," biro niya pa.

            Kinabig ulit siya nito. "Damn, I missed you!"

            "Ssshh! Bawal ka magmura. Nasa loob tayo ng simbahan, okay?" Inangat niya ang kamay ay pinunasan ang mga luha nito sa pisngi. "So, will you take me to the altar now?"

            "I look ridiculous! I look funny on my wedding day! Hindi ako handa!"

            Kumapit na siya sa braso nito at marahang hinila na ito sa gitna ng aisle. "Ang guwapo mo kaya! Nakakainis nga, eh! Ikaw lang ata ang umiiyak na nga, ang guwapo guwapo pa rin."

            Nagpalakpakan ang mga tao nang maglakad na sila papunta ng altar.

            Sobrang higpit ng hawak ni Dylan sa kamay niya nang magsimula na ang seremonyas ng kasal. It's a true wedding kaya kumpleto ang ceremony. Si Dylan, na hindi pa ata maka-get over ay maka-ilang beses niya pang siniko para sumagot sa pastor na nagkakasal sa kanila.

            Nang magpapalitan na sila ng vows ay humarap sila sa isa't isa. Lumapit sa kanila si Heart. Imbes na lalaki ang ring bearer nila, ay si Heart ang ginawa nilang flower girl at ring bearer.

            Pagkakita ni Dylan sa dalawang singsing na dala ni Heart ay bigla itong napatingin sa kamay nito. "My ring! Suot ko yan kanina! Paanong natanggal iyan sa'kin?"

            "Kinuha ni Reynald," aniya. "Iyon ang alam ko. Hindi ko lang alam kung paano niya nakuha."

            Nangunot ang noo ni Dylan. "Parang alam ko na. Ilang beses pinagpag ni Reynald ang kamay ko para pakalmahin ako, iyon pala tinatanggal niya na..." Napalingon ito sa gawi ng pinsan na pabirong sumaludo sa kanila.

            Kinuha niya na ang singsing ni Dylan at ang kamay nito. "I want to say my vows."

            As if on cue, nagsimulang tumugtog ang isang kanta.

            Humugot ng malalim na hininga si Lana at saka sinalubong ang mga mata ni Dylan.

It's undeniable... that we should be together.

It's unbeliavable how I used to say that I'd fall never.

            "Dylan... I don't know where to start. But, I remember one morning, waking up and I'm married to you already. Ayaw mo ng annulment kasi gusto mong subukan natin ang relasyong 'to. You said, let's make... love, in other words, gusto mong ma-develop tayo sa isa't isa. Ayoko niyon. Natatakot ako. Kasi... ayoko pang magmahal ng iba."

The basis you need to know, if you don't know just how I feel.

Then let me show you now that I'm for real...

If all things in time, time will reveal.

            "But you never gave up. You did something to always make sure that I'll end up in your arms." Napangiti siya nang maalala kung paano siyang maakit rito... sa bawat tingin, sa bawat salita, at sa bawat galaw nito. "Sabi ko sa'yo, may mahal pa 'kong iba. Sabi mo, tatanggalin mo siya sa puso ko at bibigyan mo 'ko ng 'happily ever after'... Alam mo ba, ang saya ko ng marinig iyon... kasi may isang tao pala na gusto akong makasama sa 'happily ever after' niya."

One, you're like a dream come true.

Two, just wanna be with you.

Three, oh, it's plain to see that you're the only one for me.

            "Everyone has their own purpose in living this life. I thought, when I was given chances to live again and again, I must do the things I never experienced but I was wrong. Akala ko, kaya gumaling ako kasi, may kailangan akong balikan na tao at nang malaman ko na hindi na siya puwede, nagalit ako. Napatanong na naman ako nang, bakit pa 'ko nabuhay ulit kung ang kaisa-isang taong akala ko kailangan kong balikan, nakaalis na pala? Iyon pala, may bago nang naghihintay para sa'kin."

Four, repeat steps one through three...

Five, make you fall in love with me...

If ever I believe My work is done, then I start back at one.

            "Dylan Javier Anderson Guevarra, wear this ring as a sign of my found purpose in this second chance in life... With what we have, I fully understand kung bakit ko kailangang... mabuhay pa... Because... I'll learn to choose happiness..." bumabagal ang mga salita niya sapagkat mas dumadagsa ang libo-libong emosyon niya sa dibdib. "I learned to let go, move on, and love again... I'm here now because I chose my happiness and love. And when I say, 'my happiness and love', it only means you. I love you, Dylan." Tuluyan niya nang sinuot rito ang singsing.

"Thank you for not giving up. For always chasing me..."

"You're all worth it, Allana," he whispered.

She smiled. "We've been through a lot. We made through our fears, selfishness, and insecurities. We struggled with our ownselves and we overcome it. Thank you for choosing me, Dylan." Humigpit ang hawak niya sa kamay nito. And intensity of emotions, just overflows. "Thank you for bringing a happily ever after for me."

            Napangiti ito at saka kinuha ang wedding ring niya. Nanginginig ang mga kamay nito habang hawak na ang kamay niya.

So incredible, the way things work themselves out...

And all emotional, once you know what it's all about, babe...

And undesirable, for us to be apart.

Never would of made it very far.

Cause you know you've got the keys to my heart.

            Tumikhim ito. "Well, what more can I say that would describe how much you mean to me?"

            "You said it all earlier."

            "Then, wear this ring, Allana. And let's just continue making love... more, more, and more love. I'll be the best father for our children. I'll be the most loving and supportive husband for you. This is a promise and never it would be broken. I will love you beyond ends."

            At nang isuot na sa kanya ni Dylan ang singsing, it was like a seal—a promise of forever with him and their dream family.

Say farewell to the dark of night, I see the coming of the sun.

I feel like a little child whose life has just begun...

You came and breathed new life into this lonely heart of mine.

You threw out the life line just in the nick of time.

            "I now pronounce you, husband and wife," nakangiting sabi ng pastor sa harap nila. "Dylan, you may now kiss your bride."

            Marahang hinapit siya ni Dylan sa baywang. They looked at each other first and they were both teary-eyed. Tila may kakaibang pakiramdam na bumalot sa kanilang dalawa.

One, you're like a dream come true.

Two, just wanna be with you.

Three, it was plain to see, that you're the only one for me.

And four, repeat steps one through three.

Five, make you fall in love with me.

If ever I believe my work is done, then I start back at one.

            And when they closed their eyes as they kissed, Lana felt that this kiss they're sharing now was different.

            Tila pinupuno niyon ang isip niya. It's full of faith, hope, and love. It was sweet and tender.

It was blessed and sacred.

            For some of the books she read and the movies she watched, this is where everybody puts "and they lived happily ever after" or "The End",

            Pero sabi nga nila, simula pa lang ulit ito para sa kanilang dalawa ni Dylan.

            Indeed it was just the start for the true wave of challenge they need to face.

            Real marriage. Family Life. Being parents.

            At may isa pa silang kahaharapin na hindi nila inaasahang makakalaban at tunay na susubok sa kanilang dalawa.

***
Song: Back at One by Brian McKnight

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continua llegint

You'll Also Like

Meant To Be Per TwinkleBubblegum

Literatura romàntica

1K 122 17
Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng re...
7.5M 183K 45
"A woman who knows what she wants gets what she wants."
Complicated Per Pat

Novel·la juvenil

408K 2.6K 8
Prianne has always been in love with Pierre--her long-time friend, at matagal na ring alam ni Pierre ang nararamdaman ng kaibigan para sa kanya. Yet...
3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...