Laro Tayo (Completed)

By kuya_mark

155K 6.4K 1.3K

Highest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At... More

Laro tayo
Copyright
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Note #1
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Note #2
Kabanata 19
Kabanata 20
Note #3
Kabanata 21
Note #4
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Note #5
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Note #6
Kabanata 36
Kabanata 37
Note #7
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Note #8
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Epilogo
Final Note

Kabanata 50

947 36 2
By kuya_mark

Kabanata 50

Annabeth’s Point of View


“Jason!” gulat na sigaw ko nang makita ko ang pagbaon ng kutsilyo sa likod ni Jason.

Nandilat ang kanyang mata, umubo siya ng dugo.

“Tumakas ka na,” naghihina niyang sabi saka siya sumubsob sa lupa.

“Jason!” sigaw ko, hindi ko alam ang gagawin ko habang nakikita si Jason sa lagay na ito.

Nakatayo ngayon sa harap ko si Anne, hinawakan niya ang kutsilyo na nakabaon sa likod ni Jason at binunot ito.

“Hi Anna,” sa ilaw ng buwan ay aking nakita ang paglitaw ng ngiti sa kanyang mukha. Nakasuot parin siya ng kanyang salamin ngunit wala na ang dating kilala kong Anne.

Nanginginig ang aking kamay, maging aking mga tuhod ay nanlalambot.

‘Anna kumilos ka!’ Sigaw ko sa aking sarili.

Akmang hahakbang siya nang pinilit ko ang aking sarili na gumalaw. Sinipa ko ang kanyang binti saka ako umusog paatras. Nagmadali akong gumapang palayo sa kanya at tumayo.

Hindi pa ako nakakalayo nang may biglang sumabunot sa aking buhok. Nagmistulang tambol ang aking puso, agad akong umikot habang hawak niya parin ang aking buhok at hinarap siya.

Hindi ako nagdalawang isip na sipain siya sa tiyan. Napaungol siya sa pagtama ng aking paa. Lumuwag ang pagkakasabunot niya sa aking buhok, hinugot ko ang aking lakas at tinulak siya.

Nabitawan niya ako saka ako kumaripas ng takbo. Hindi ko magawang lumingon man lang. Rinig ko ang yapak ni Anne sa likuran ko, nakasunod sa akin.  Tumulo na lang ang aking luha nang maalala ko si Jason, nakahiga sa lupa, at iniwan ko lang.

“Anna!” rinig kong sigaw ni Anne. Saglit akong napalingon, malapit na niya akong maabutan. “Hindi ka makakatakas! Hindi ka makakawala sa kasalanan mo!”

Madilim ang kagubatan, sa tulong ng buwan ay may kaunti pa akong nakikita sa paligid. Hindi ko na pinansin ang mga sanga at matutulis na bagay na dumadaplis sa aking mga binti, bisig at braso.

Halos hindi ko na mapansin ang hapdi ng mga sugat at galos na aking natamo.

Sa aking pagtakbo ay bigla na lamang akong natumba. Malambot ang bagay kung saan ako bumagsak, napagtanto kong tao ang dinadaganan ko. Muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang duguang katawan ni Claire.

Tumayo ako at pilit na tinanggal ang imaheng nakita ko. Tatakbo na ulit sana ko nang masugatan ako ng kutsilyo sa kanang braso.

Napahiyaw ako at tumakbo. Hawak ko ang aking braso para pigilan ang pag-agos ng dugo mula rito.

Napaimpit ako sa hapdi ng sugat ko sa braso.

Rinig na rinig ko ang pagtawa ni Anne habang nakasunod ito sa akin. Habol ko na ang aking hininga, ang lagkit na nang malamig na pawis sa aking noo.

“Tumakbo ka lang, Anna. Hindi mo na ako matatakasan! Alam kong mahina ka na!”

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa wala na akong matakbuhan pa. Ngayon ay nakatayo na ako sa dulo ng cliff. Halos humiwalay ang aking kaluluwa noong nakita ko ang taas nito papuntang ibaba. Tanaw ko ang malawak na dagat.

Umikot ako at tatakbo na sana nang salubungin ako ni Anne, nakangiti habang dala-dala ang kutsilyo.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin, napaatras ako at nasipa ang maliit na bato. Nakita ng aking mata kung paano nahulog ang bato at nawala sa dilim. Napalunok ako sa aking nanunuyong lalamunan at hinarap si Anne. Nakakabingi ang lakas ng tibok ng aking puso.

“Anne! Itigil mo na ito!” sigaw ko ngunit wala lang ito sa kanya. “Bakit mo ito ginagawa? Bakit mo pinatay ang mga kaibigan natin?”

“Hindi ako ang pumatay sa kanila!” nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ito ng galit. “Ikaw! Ikaw ang pumatay sa kanila!”

Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan ang sinasabi nila ni Sammy, na ako ang pumatay.

“P-paanong ako? Anne, kailanman ay hindi ko magagawang pumatay ng tao. Lalo na ang mga kaibigan natin! Anne, tama na itigil mo na ‘to!”

“Itigil?!” huminto siya, ilang distansya na lang ang aming agwat. Itinutok niya sa akin ang patalim na hawak. “Pinatay mo silang lahat! Oo! Aaminin ko! Ako ang pumatay kay Lim at Andrew. Wala sa plano ko iyon ngunit kailangan ko iyong gawin para hindi ka nila matulungan! Iyon lang ang ginawa ko! Kaya huwag kang magpanggap na wala kang kasalanan! Ngayong nag-iisa ka na lang, magagawa ko na ang patayin ka! Dinamay mo pa si Dexter! Pati siya pinatay mo!”

Umiling ako sa sinabi ni Anne. “Hindi, Anne! Hindi ako ang pumatay kay Dexter!”

“Anong hindi?!” sigaw niya. “Kitang-kita ng dalawa kong mata! Pinatay mo sila! Pinatay mo si Dexter! Ang taong mahal ko!” nabasag ang boses ni Anne, at mangiyak-ngiyak siyang nagsalita. “Paano mo nagawa iyon? Bakit mo sila pinatay?”

“Anne, mali ang iniisip mo, kailanman ay wala akong pinatay!”

“Wala kang pinatay? Si Alfred? Si Coleen? Hindi mo sila pinatay?”

Naguguluhan akong umiling.

“Ikaw ang pumatay sa kanilang lahat! Si Alfred, nalunod siya sa ilog, nilunod mo siya hanggang siya ay mamatay! Nakita kita! Basa ang mga paa mo habang natutulog ka. Si Richard, ako mismo ang nakakita kung paano mo siya pinalo sa ulo at dinala sa kagubatan. Nagtago ako sa mga oras na iyon, rinig na rinig ko ang daing ni Richard habang sinusunog mo siya ng buhay!”

Hindi ko maintindihan ang aking sarili habang pinapakinggan si Anne, pakiramdam ko ay unti-unting lumilitaw ang mga pangyayaring iyon sa aking utak.

“Simula noong nakauwi na tayo, sinimulan kong bantayan ka Anna, at sundan ka saan ka man magpunta. Ang pagkamatay ni Adrian, kakadismiss pa lang iyon sa amin ni Adrian sa meeting nang bigla kang pumasok sa office. Paglabas n’yo, doon mo tinusok ang mata niya ng lapis. Kitang-kita ko kung paano mo siya inilibing nang buhay!” puro galit na ang nakarehistro sa kanyang mata.

Ako ay gulong gulo na, halos mabingi na ako sa mga naririnig kong boses sa aking ulo. Mga hiyaw at daing at iyak ng aking mga kaklase.

“Humingi ako ng tulong kay Sammy dahil natatakot na ako at baka ako na ang isunod mo, pero pati siya ay pinatay mo, Anna!”

“At nagtataka ka pa kung bakit ako lumayo sa’yo? Ha? Lumayo ako sa’yo dahil mamatay tao ka! Ni hindi ko alam kung ano ang dahilan mo sa pagpatay sa kanila.”

Unti-unting luminaw sa akin ang lahat.

Kung bakit napapanaginipan ko ang pagkamatay nilang lahat. Napanaginipan ko ang pagkamatay ni Alfred dahil iyon pala ang matagal nang plano ng utak ko. Hindi rin panaginip noong nakita ko kung paano namatay si Coleen, Richard, Adrian, Sammy, Christine at Diana dahil totoong nangyari ang lahat ng iyon. Nakita ko kung paano sila namatay dahil nandoon ako at ako mismo ang pumtay sa kanila. Hindi panaginip ang lahat.

At ang dahilan kung bakit ako sumusulat ng mga note, dahil sa akin din pala nanggaling ang lahat ng note na natanggap nila. Naalala ko kung paano ko binibigay ang mga note sa kanila, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ngayon ko lang ito naalala lahat.

Napaluhod ako sa lahat ng ito, hindi makapaniwalang napatingin ako sa aking kamay.

Bumalik sa aking alaala kung paano ko pinatay si Alfred, kung paano ko sinunog si Richard, umaalingawngaw sa aking utak ang kanyang palahaw habang sinusunog ko siya, si Adrian na inilibing ko sa lupa, naalala ko noong gumising ako at nakita na duguan ang aking mga kamay.

Si Christine na nilublob ko sa bathtub ng kanilang banyo, tandang-tanda ko kung paano ko siya sinabunutan at nilublob sa tubig. Si Sammy na ininject ko ng lason habang natutulog. Nanaginip ako at nakita ang aking sarili na ininject ang lason kay Sammy.

At si Diana na hinabol at tinulak ko sa bintana, tandang tanda ko kung paano ko inilagay ang manika sa kanyang tabi.

Hindi panaginip ang lahat ng iyon kundi alaala, mga alaala ng pagpatay ko sa kanila!

Biglang sumagi sa aking isipan ang pagkamatay ni Claire at Dexter. Nanginig ang aking kamay habang pinagmamasdan ko ito. Ang alaala kung paano ko sila paulit-ulit na sinaksak.

Noong nahimatay ako sa pagpalo ni Anne ay agad akong nakabangon at nakatakas. Kinuha ko pa ang kutsilyong nakabaon sa tiyan ni Andrew at tumakbo.

Sa aking pagtakbo ay napadpad ako sa sementeryo at nakita ko si Crystal. Nilapitan ko siya at pinagsasaksak, nakita ko si Aria kaya ako tumakbo.

Sa aking pagtakbo ay nakita ko rin si Jason at Dexter na naglalakad, agad akong nagtago.

Nakahanap ako ng timing at hinablot si Dexter at walang humpay na sinaksak. Saka ako biglang nahilo, nabitawan ko ang kutsilyo saka ako nawalan ng malay.

Labis na nanginginig ang aking kamay habang naglalaro ang mga alaalang iyon sa aking isipan.

Ngunit bakit ngayon ko lang naalala ang lahat?

“Ngayon, Anna,” lumapit si Anne sa akin. Wala akong siglang tumingin sa kanya. “Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo!"

“Patayin mo na ako,” mahina kong sabi at yumuko. “Hindi ko maitatanggi ang lahat ng ginawa ko sa kanila. Natatandaan ko na ang lahat ngayon. Wala na akong karapatang mabuhay pa.”

Mas lumapit pa si Anne sa akin at idinikit ang patalim sa aking leeg. Naramdaman ko agad ang kaunting hiwa nito sa aking leeg.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi at tiniis ang hapdi.

Pumikit ako hinintay ang aking katapusan.

“Anne! Itigil mo ‘yan!” rinig kong sigaw ni Aria. “Mali ang iniisip mo! Lumayo ka kay Anna!”

“Huwag kayong makikialam dito, Aria! Wala kayong alam!”

“Alam ko ang lahat, Anne! Alam ko na na si Anna ang pumatay sa mga kaibigan nating lahat!” tinignan ako ni Aria. Hindi ko siya matignan sa mata. “Sinabi sa akin lahat ni Maria Anne, maniwala ka nakausap ko siya. Naiintindihan ko na ngayon ang lahat.”

“Paano mo siya nakausap?” tanong ni Anne, medyo lumayo ang patalim sa aking leeg.

“Si Maria Anne, pinasok niya ang katawan ni Crystal at sinabi niya sa akin ang lahat. Matagal na niyang pinasok si Crystal at ginamit ito para balaan tayong lahat. Kaya nawala ang diary mula kay Sammy dahil kinuha ito ni Maria Anne at ibinigay sa mga kaklase natin. Binigay niya ito dahil nais niyang basahin natin ito at nais niyang ipaalam sa atin ang katotohanan ng pagkamatay ng kanyang kasintahan na si Jason. Ngunit ayaw ni Marga na malaman ng iba ang lihim niya kaya naman ang sino man ang makakahawak ng diary na iyon ay pinapatay niya.”

“Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo!” sigaw ni Anne.

“Maniwala ka, totoo ang sinasabi ko, si Marga na siyang pumapatay. Para mapatay niya tayo, pinasok niya ang katawan ni Anna nang hindi namamalayan ni Anna, malayang nakapasok si Marga sa katawan ni Anna dahil kagaya ni Crystal ay may kakayahan din si Anna na makakita ng mga kaluluwa. Dahil doon ay naging bukas ang daan patungo sa kanilang katawan kaya sila nakapasok. Maniwala ka man o hindi, hindi alam ni Anna ang lahat ng patayan na iyon, lumalabas lamang iyong parang panaginip sa utak ni Anna dahil ginagamit ni Marga ang katawan ni Anna sa tuwing natutulog siya.”

Napatingin si Anne sa akin, naikuyom niya ang kanyang kamay.

“Maniwala ka sa’kin, Anne! Totoo ang sinasabi ko. Walang kinalaman si Anna sa lahat ng patayan. Wala siyang kasalanan! Ginamit lang ni Marga ang katawan niya para pumatay! Si Marga ang may kasalanan ng lahat ng ito! Siya ang totoong pumapatay!” tinignan ako ni Anne at saka niya tinignan ulit si Aria. Nanginginig na ang kanyang kamay na nakahawak sa kutsilyo.

“Ibaba mo na ‘yan, Anne. Kilala mo si Anna! Hinding hindi niya magagawa ang pumatay ng tao. Si Marga ang dapat nating pagbayarin sa lahat ng ito!”

Nakita ko kung paano dahan-dahang ibinaba ni Anne ang kutsilyo.

“Huwag! Anne, patayin mo na ako,” nakayuko kong saad. Kahit hindi man ako tumingin sa kanya, alam kong ikinagulat niya iyon. “Pakiusap, patayin mo na ako Anne.”

Umalingawngaw sa akin ang sinabi ni aling Dolores.

‘May ibang paraan pa, kailangan niyo siyang patayin para matigil na ang lahat ng ito.”

“Anna, anong sinasabi mo?” tanong ni Aria, naguguluhan silang pareho ni Jetter.

“Kailangan nating patayin si Marga para matapos na ‘to. At kung totoo nga ang sinabi mo na nasa loob ng katawan ko si Marga, isa lang ang natitirang solusyon,” dahan-dahan akong tumayo. Tinignan ko sa mata si Anne. “Anne, nakikiusap ako, patayin mo na ako.”

Umiling-iling si Anne at saka napatras palayo sa akin. Tinapon niya rin ang hawak na patalim. Tinignan ko ang patalim na tinapon niya sa malayo.

“W-wala kang kasalanan, Anna. Patawad sa mga nagawa ko,” napayuko si Anne at patuloy na umagos ang luha. Umihip ang malamig na hangin.

Ngumiti lamang ako nang mapait at hinarap ang dagat. Madilim sa ibaba, at hindi ko alam kung gaano kahaba ito.

Nilingon ko sila.

“Jetter, Aria at Anne. Mahal na mahal ko kayo."

“A-anna anong ginagawa mo?” natatarantang lumapit si Aria. “Anna, lumayo ka dyan!”

“Masaya ako at naging kaibigan ko kayo,” tumakbo na si Aria palapit sa akin.

“Patawad.”

Pumikit ako at tumalon.

Habang ako ay bumabagsak ay pumikit na lamang ako at hinintay ang aking oras.

Umalingawngaw sa paligid ang pagsigaw nila sa aking pangalan.

Patawarin n’yo ako.

***


Continue Reading

You'll Also Like

41.2K 1.3K 200
The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree
2.7M 53.7K 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan...
322K 8.5K 27
Cheska has a Prince, a literal Prince that will save her from anything, do whatever she wants, and will stay with her FOREVER! If you think it's awe...
54.1K 1.8K 74
"On the first DEATH of Christmas my killer did to me--", mahin-hing pagkanta ng killer. "MARAMI NA ANG NAPAPATAY SA ATIN! MAUUBOS TALAGA TAYONG LABIN...