Author’s Message:
Dahil naguguluhan na rin ako... maglalagay na rin ako ng date katulad nung sa AHAW para naman hindi ako nalilito sa mga kaganapan. (Adik lang eh no... nalilito sa sariling gawa -_-) Basta ayun. May mali akong nagawa kaya naman... pabayaan niyo na. Hahahaha. Kung napansin niyo man, pasensya na. Namali ako ng tingin s asked nila. Wag niyo nalang pansinin. Sorry nalang.
Chapter 11: Most Normal Subject
Thursday, June 28
Risako’s POV
Hay. Isa nanamang nakakapagod na araw. Sigurado akong panibagong wirdong araw nanaman ito. Hayaan nalang. Siguro naman eh masasanay na rin ako. Sana. Eh kasi naman, mga teacher palang eh ang wirdo na tapos yung mga lesson pa... parang di ko ata kaya... nakita ko pa yung exhibition nung mga tiga-kabila... lalo tuloy akong nanliit. Nakakainis. Gusto ko na talagang bumalik sa normal yung buhay ko. Mas masaya pa siguro ako. Pwede ko rin namang magawa ang mga pangarap ako kahit nasa buhay ako sa labas... hindi ba? Kainis nalang talaga. Ano kaya mga subject ko ngayon? Normal kaya... o hindi nanaman.
Thursday:
8:00-11:30 Music
12:30-2:00 Speech
Tss. Mukhang normal naman. Music? Yun ba yung sa mga notes? Yung may do,re,mi pa? Sana yun nga yun kasi may lesson kaming ganun sa normal kong school. Ano naman kayang klaseng Music class ang meron dito? Baka mamaya eh pang-imba na iyon. Sa Speech naman.... hmmm. Sana normal.
Sabay na kami nila Saya na pumunta sa classroom. Hindi ko naman maasahan yung ka-roommate ko dahil hindi kami close nun. Ang sungit kaya niya sa akin. Ewan ko ba pero feeling ko nga may pinagdadaanan lang talaga yung si Koharu. Sana someday eh magkasundo rin kami... hello. Gara kaya ng feeling na yung kasama mo sa sarili mong tulugan ay hindi mo ka-close. Awkward. Kahiya. Ang resulta: hindi makatulog ng maayos. Kamusta naman iyon?
Ang unang dinatnan namin sa classroom ay isang malaking sulat sa blackboard na....
SELF-STUDY
Huwat? Nanaman. Wala nanamang klase? May matututunan pa ba ako dito? Ha? Pero hindi naman sa hindi ko gusto na walang klase. Syempre. Teenager din ako at syempre gusto ko rin ng parteh, parteh pero the thing is... SIMULA NUN NAPASOK AKO DITO?! WALA NANG KLASE! Ano ba naman iyan?! Magdedegrade na ang utak ko sa lagay na ito eh... naman eh.. YABANG ko! Sige ako na. Eh kasi honor student ako sa dati kong school.
Kaya ngayon, ang nangyari ay... nganga lang kami dito. Habang yung iba naman ay nagsilayas na. Bakit parang normal na sa kanila ang walang teacher? At mukhang wala naman silan pakielam. Matanong nga ulit si Nana kung sino ang teacher namin dito. Curious ako. Lagi naman eh.
“Nana, lagi bang wala yung teacher natin dito?” tanong ko. Napatigil tuloy siya sa pagbabasa ng book. Hindi ko nakita kung ano iyon. Aist. Istorbo naman ako. Eh sa gusto kong magtanong. “ngayon lang... may taping kasi siya.” TAPING?! The heck? Artista? Well. Sa bagay. Sabi nga nila eh... namumutiktik ng artista ang Zed Academy na ito. Ganun nga ang goal namin diba? Ang mag-debut. Tss. Asa naman... ang goal ko kaya ay ang makasama ang mommy ko. Ni hindi nga sumagi sa isipan ko dati na mag-artista tapos bigla nalang bumalandra sa buhay ko itong school na ito. Haha. Very funny.
Tiningnan ko lang kung ano ginagawa ni Saya sa mga oras na iyon at ayun siya... nakaupo doon sa may malapit sa bintana at tumatanaw-tanaw sa labas. Siguro boy spotting nanaman ito. Hay. Pati ba naman dito ay ganun pa rin siya. Hindi na talaga nagbago si Sayuri. Hay. Buti pa siya, may pinagkakaabalahan... samantalang ako. Bored na bored. Pwede naman sana akong mag-aral pero... nakow. Ano naman ang pag-aaralan ko? Teka. May naalala ako... Rescue. Ano kaya gagawin namin dun sa kantang iyon? Nako. Wala pa namang sinasabi yung wirdong teacher na iyon eh. Bahala muna siya. Araw-araw ata eh nadadagdagan ang inis ko sa buhay. Hay.
*sighs*
“ano nangyari sa iyo Risa? Para ka namang matanda dyan.” Napatingin ako. Si Saya pala yun... tapos na siya mag-spotting? “may nakita ka nanaman ba?” biglang siyang ngumiti ng pagkalaki-laki. Alam ko iyang ngiti na iyan. Lumapit siya sa amin at sumiksik sa tabi ko. Naman ito eh. Dami-daming upuang bakante... sumisiksik pa dito eh kaming tatlo lang naman ang nandito. Buti pa si Nana... hindi natitinag sa pagbabasa. Ang alam ko masaya iyan ngayon kasi wala yung humahabol sa kanya dahil nasa tour daw. Ano ba kasi problema nung lalaking yon? Kung makahabol naman.
“bakit ka ba sumisiksik?” ang sikip! Nakakainis naman oh. Bored ka na nga eh. Sisiksikin ka pa. Kung hindi lang siya ang bestfriend ko... nako. Hmmph. “kasi naman Risa, nag-eenjoy talaga ko dito. Kahit saan ata ako lumingon eh ang kikinang ng mga guys. Paradise. Ikemen paradise.” Ano ba pinagsasasabi nito? Kung makaikemen naman. Parang Hana Kimi lang ah. Napanood ko iyon dati eh... yan lang natandaan ko. At least may natandaan. Hindi ko nga alam kung sino bida dun eh? Sino ba? Nako bahala sila.
Mga ilang oras ba akong nakatanga at nag-bell na rin sa wakas. Eto nanaman. Kakain nanaman. Ni hindi ko nga nagamit sa pag-iisip itong utak ko dahil nga walang klase tapos kakain nanaman. Nandito pa rin yung nutrients nung kinain ko kaninang umaga. Nako naman. Regular lang. Hay nako.
Someone’s POV
Ghad! Wala akong makita! Sino ba kasi itong nakatakip sa mata ko? Kinapa ko yung kamay nung nagtakip sa mata ko. Napangiti ako. Mukhang kilala ko na siya.
The same soft hands...
Yeah! That’s him!
“Toma naman eh.” Nakakita na ako at bigla nalang akong nakarinig ng tawa. Nako. Hindi na talaga siya nagbago. Palagi nalang niya akong sinusorpresa sa pagdating niya. Wala man lang text o tawag. Pero sanay na rin naman ako... ganito naman siya palagi. Binatukan ko nalang siya.
“para saan iyon? Ha? Yuriko?” tanong niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Gaano ba karami ang naipon niyang tawa at hindi na ata maubos-ubos? Deprived siguro siya sa tawa sa pinagshootingan niya. Kawawa naman. “kailan ka pa dumating?” para naman magtigil na siya. Gusto ko siyang makausap. Tagal kaya naming hindi nagkita tapos tatawanan lang ako. Mainis ako nito eh.
“kanina lang.” Oh? “hindi mo in-attendan ang klase mo? Kawawa naman sila...” kawawa nga. Ilang weeks na ba silang self-study? Tapos magaling tong tao na ito. Hindi man lang nagbigay ng seatwork... pero masy okay na siya... kaysa naman nung dati. “mas importante muna na makita kita.” Badump. Kilig naman ako. Kainis naman oh. Inuna pa talaga ako kaysa sa mga estudyante niya. Dapat nga mainis ako pero hinde, kinilig talaga ako. Eh kase naman eh >_<
Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari... niyakap niya ako! Kyaah! Niyakap niya ako! Teka. We’re both teachers and we’re hugging in public. We’re setting a bad example to the students. This is bad. Pag nakita ito nung headmaster, we’re dead. Pero as if namang mapaparusahan niya si Toma... anak kaya niya itong taong ito. Legal siyang inampon nung headmaster mismo kaya iba siya. It’s like boss namin siyang lahat. Mas mataas siya sa aming lahat. Actually, dalawa silang inampon dito so magkapatid sila. Yeah. Something like that. Ang nakakatuwa pa, they’re very close. Magkamukha nga sila eh. Hindi kaya. Nako. Kung anu-ano iniisip ko. Kyaah. Kasi naman po nakayakap pa rin siya sa akin. May klase ako! Wah! Students ko. Wait for me!
“hey, may klase ako.” Pero di pa rin siya bumibitaw. Naman eh. After a minute, saka lang niya ako binitawan. Phew. Normal na ulit ang takbo ng dugo sa utak ko. Kanina kasi eh... abnormal. Tinitigan ko siya. Naman. Bat kasi ang gwapo niya kahit anong gawin niya? Bakit? Bakit? Eh ako naman tong si swerte na ako ang minamahal niya ngayon. Kyaah. Wah!
“may klase ka?” tanong niya habang nakangiti. Nako. Ang ngiting iyon! Nakakalusaw! Bakit ang ganda niya talaga ngumiti? Kasi naman oh. Ayaw ko na tuloy attendan ang klase ko. Kaya na nila yun. Joke. Matino akong teacher. Sumusunod ako. Hindi naman kasi kami iniwan nung mga teacher ko noon kaya dapat ay gayahin ko na rin sila. Simula noong grumaduate ako sa specials ay naging teacher na ako. By the way, if you graduated... automatic teacher ka na. Wow. Unusual rules. That’s Zed Academy but I love this school. At first, I hate it! It’s really different... weird but I have no idea why I soon love it here. Really.
“Yuriko, tinatanong ko. May klase ka ba?” ay. Ek ek. Naman oh. Tulala ba ako? Nakakahiya naman. “meron. Pahinga ka muna. Kita nalang tayo mamayang dinner.” Tumango siya pero bago siya maglakad papalayo.
HE KISSED ME ON THE CHEEKS.
Okay. Ako na ang bangag na pumunta sa klase ko. Buti nalang mga bata sila. Hindi nila mapapansin iyon. Pero nagkakamali ako...
“Yuriko-san, bakit namumula ka?” napatingin ako doon sa nagtanong. Nako. Hindi ko mabibiro itong batang ito. Advanced utak niya. Hindi ko alam kung ano ang tinuro nila Toma sa kanya parang maging ganyan. Shori naman eh.
You got me.
SHORI=VICTORY
YURIKO= BUKING
“ah, alam ko na. Kakarating lang ni kuya.” Simple niyang sagot na parang wala lang sa kanya. Batang to. Kung hindi ka lang cute, naupakan na kita. Ano nga ba ilelesson ko sa kanila? Nakalimutan ko T_T Kaawa-awang Yuriko. Kasalanan mo ito TOMA! Ano ba tinuro niyo sa kaniya?! Pero bakit nga ba ako naninisi.
Ehem.
CLASSES BEGIN.
Risako’s POV
Napatingin nalang ako doon sa guro namin. Mukha siyang normal. Yeah. Karespe-respeto ang itsura niya. Joke. Siya daw si Sho-san ng Arashi. Nako. Hindi ko nga alam yung Arashi na iyon eh. Ano ba iyon? Amedrops, ano ba iyon?
(a/n: wag mo akong tanungin, diskubrihin mo. Test niyo yan. Bahala ka.)
Ang epal ni amedrops. Asar siya. Bakit ba kasi ginulo niya buhay ko? Iba talaga mag-isip yun. Adik lang. Anyway... eto Speech class namin. At swear. Normal ang buhay ko dito. Ang galing nga niya magturo eh. Sana lahat nalang ng teacher ko ay kagaya niya. Favorite subject ko na siguro itong Speech. Sana ganito lahat ng subjects. Normal ang takbo ng klase. Hindi yung mga wirdong teacher ang mga nagtuturo sa akin. Nagtataka lang talaga ako, paano sila nakakakuha ng lisensya? At nag-aral ba talaga sila ng Education eh parang ang babata pa nga nila para magturo. Wirdo talaga ng school na ito.
Yuta’s POV
Incoming call....
***********
Roaming yung number. Kilala ko na kung sino ito. Bakit naman kaya tatawag itong taong to ng ganitong oras? Medyo istorbo pero hayaan nalang.
“napatawag ka ata?”
{papatingnan ko lang kung sino yung naka-assign sa akin.}
“ang alin? Yung para next week? Yung mentoring?”
{oo. Yun nga.}
Tae. Uutusan lang naman pala ako nito... lagi nalang akong inuutusan nitong lokong ito pero nasanay na ako. Para saan pa’t naging magkaibigan kami? Tss. Hirap naman. Pero inisin ko kaya ito ng konti? Masaya kasing inisin itong taong ito eh... di naapektuhan kaya mapipikon na rin ako. Tss. Magulo ako. Sige na.
“eh bakit hindi nalang dun sa girlfriend mo ipatingin?”
{wala akong girlfriend.}
“anong tawag mo kay Erina?”
{sumunod ka nalang.}
“oo na. Kailan balik niyo?”
{sabado}
“okay. Sige na.”
{mabuti naman.}
TOOT.TOOT.
Napakagaling talaga nun. Babaan naman daw ako? Pero sige na... susunod nalang ako. Mapapalakad pa tuloy ako papunta sa may labas. Tss. Pero sa bagay, madadaanan ko rin naman iyon pabalik sa unit ko.
Nakita ko yung listahan....
RISAKO SUGAYA
Sino yun? Kung sino pa yun... nako. Masabi na nga lang doon sa nag-uutos. Buti nalang walang naka-assign sa akin. Mas marami ang pahinga ko.
Hikaru’s POV
Nakakaasar. Walang magawa. Kakatapos lang ng show namin dito sa... anong bansa ba ito? Hindi ko alam. Nagulat ako nang bigla akong tinabihan ni Keito. Ano kailangan nitong bata na ito sa akin? “kuya, kausapin kita.” Ha? Ano daw? “bakit?”
“ano apelyido ni Pol?” tanong niya sa akin. Anong Pol? Sinong Pol? Sino ba yung taong iyon? Tiningnan ko lang siya. “hindi mo alam?” tanong niya sa akin. “malay ko. Wala akong kilalang ganun.”
“Voron.” Ano daw? Voron?
Loading.
Loading.
Ah okay. Yung pagkain na polvoron. Haha. Nakakatawa. Ako na sarkastiko.
“saang lugar ang maraming nakatayo na hip-hop?” tanong niya ulit. Ano? Kung sapakin ko na kaya ito nang magtigil na. “sirit na?”
“ano ba mga pinagsasasabi mo?”
“Tayu-men!”
Ano? Saan yun.
“umuwi ka na nga.”
“meron pa. Meron pa.” Arghh. Ayoko na. Eto talagang batang ito... may pinagmanahan. Kasing corny ni Junno-san. Bwiset ah.
“anong hayop ang sumasabog?” ano ba itong tinatanong nito? Nakakabadtrip na ah. “kung pasabugin kaya kita?”
“pa-GONG!”
Badtrip. Hindi na ako nakatiis. Hinila ko siya palabas ng dressing room ng Hey! Say! BEST. BADTREP. BADTREP.
“hikaru,anong ginagawa mo?” tanong sa akin nung iba. “pumapatay ng corny. Baket?”
BADTRIP.
To be continued~
Author’s Message: (ulit)
Sensya na. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bakit ko nasama yung last part. Sorry korni nga kasi talaga ako. Eh kasi naman... natawa ako dyan nung narinig k okay *****chan. Okay lang na batuhin niyo ako ng kamatis. Writer’s Block na ata ako. Hahahaha. Pero sa totoo lang hindi. Hahahaahaha. Kawawa naman si Keito.