Yes, we're MARRIED.

By suddensparkle

318 17 0

A poor high-school girl gets married with an arrogant young man. Will they fall for each other? Or they will... More

Prologue
Chapter 1 | Meet Her
Chapter 2 | His Parents
Chapter 3 | Meet Him
Chapter 4 | Wedding Day
Chapter 6
Chapter 7 | Si Manager Kim

Chapter 5 | Officially Married

35 2 0
By suddensparkle

KATHLYN

Natapos na ang wedding ceremony. Nandito na kami ngayon sa reception. Ang ganda dito kasi garden tapos may mga different color ng lights sa taas. Medyo tahimik nga lang kasi konti lang ang bisita. Pero grabe ha. Ang daming handa. Para namang dalawang buong barangay ang pupunta. WAHAHAHA. Nakaupo kami ni Terrence sa pinaka harap. Ine-entertain nya yung mga business partners ng dad nya. Hindi sila kasama sa ceremony at dumeretso nalang sa reception. Nako ah kain lang ata habol. HAHA De joke.   (.___.  )

GAAAH. Pinipilit ko lang libangin ang sarili ko para makalimutan ko yung bwisit na bridal kiss kanina! Kung pwede ko nga lang saksakin ngayon 'tong Terrence na'to baka kanina ko pa ginawa! Pinag-mukha niya akong ewan kanina! Akala ko ba naman eto na ang precious first kiss ko! TAE!

*Ang nangyari nung bridal kiss...

"You may now kiss the bride." sabi nung pari kay Terrence. OMAGAWD. Ito na ba? Sya na ba? Ang kauna-unahang lalaking lalapit ang mukha sakin at dadampi sa aking labi? TAE. Ang corny ng iniisip ko ah. Eto na for real, humarap siya sakin ng nakangiti. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata niya. It was jet black. His eye lashes are long and perfectly curled.

Napatingin ako sa labi niya. It was pinkish and it looked so soft. Tinalbugan pa ang labi ko na akala mong na El nino sa sobrang dry at bitak bitak. Nakakahiya! Inangat na nya ang veil ko. He held my hands. Feeling ko namumula ako. Feeling ko lang. Unti unti niya nilapit ang mukha niya sakin. Pumikit ako at hinanda ang lips ko. (    ^3^) Naramdaman kong iangat niya ang kamay ko. Then he kissed me. ON THE TOP OF MY HAND.

Humarap siya sa mga tao with a victory smile. I was left dumbfounded. Kinagat ko ang labi ko at yumuko. NAKAKAHIYA!

Kung pwede lang talaga pumatay! AARGH. Kanina pa niya ako iniinis. Ano bang problema niya sakin? Ede sana tumanggi siyang ikasal sakin kung ayaw niya. Tusukin ko siya ng heels ko eh. Makakaganti din ako sa kanya! Hmp.

"Huy, tahimik mo naman jan." sabi ni Kuya Kei na naka-upo malapit sakin. "Wala lang kuya, naa-amaze lang ako sa ganda nitong lugar."  sabi ko kay Kuya sabay smile. Ayokong sabihin sa kanya na gusto kong murder-in tong napangasawa ko. Maya-maya mag-start na yung party kaya nag-pay attention na ako. Dumating na yung host at nag-start na. Pumunta kami sa arch kasi dapat daw may grand entrance. Charot.

"A round of applause for our newly wedded couple! Mr. Terrence Valmonte and his wife, Mrs. Kathlyn Chloe Feliciano-Valmonte!" sabi nung host with energy reaching the sky. HAHAHA kaloka. Humawak ako sa braso ni Terrence at nag-simula kaming mag-lakad. Nag-smile lang ako hanggang sa makarating kami sa pwesto namin.

Humarap kami sa madlang people at kumaway at nag-smile ulit. Umupo na kami at nagsalita ulit yung host. "Ayan. They look so good together! Hhaha. I can't wait to know more about them.." sabi nung host habang papalapit samin. "Hoy, sakyan mo nalang mga sasabihin ko ah?" bulong ni Terrence. Tumango nalang ako. "Okay so, Mr. Valmonte. Can you tell us what you feel right now?" tanong nung host kay Terrence. Ngumiti naman si Terrence at sumagot ng "Ofcourse I'm happy. Actually I never imagined na ikakasal ako ng ganito kaaga but, Im happy because I'm married to her. Kahit na mukhang katulong siya HAHAHA." tapos tumingin siya sakin sabay ngiti. Bruho. Ang plastik. -____-

"Hm, woah. How about you Mrs. Valmonte?" tanong nung host sakit. Geez. Kinilabutan ako sa 'Mrs.' ah. NAramdaman ko namang siniko ako ni Terrence. "Uhm, masaya din ako. And I didn't expect na sa ganito ka-gwapong nilalang pala ako ikakasal. Sana pala nag-dala ako ng asido para maibuhos sa napaka-gwapo niyang mukha. HAHAHA." sabi ko. Nakakasulasok. Brrr. "Wow, they are so sweet!" sabi nung host. Nagtawanan naman silang lahat. "Okay so let's start the party!" sabi nung host.

Everything was going fine except kanina pa ako inaasar ng magaling kong asawa. Pero alam kong makakaganti din ako MUWAHAHAHAHA. Mag-cu-cut na kami ng cake. Kasing laki ng kamao ko ipapakain ko sa kanya MUWAHAHA. "Say 'ah'." sabi ko sa kanya na medyo pa-sweet pa. Ayaw niyang ibukas kaya tinapakan ko yung paa niya. HAHAHA! "Ara---hmm!" mutikan na siyang mabulunan. Parang sasabog yung mukha niya. HAHAHA.

Turn naman niya para pakainin ako. Maliit lang yung piece ng cake. Wow ah. Ayaw gumanti. Isusubo ko na yung kutsara pero dumeretso yun sa butas ilong ko. "Ahh! Bwisit! Ang lagkit nito!" sabi ko. Tawa naman siya ng tawa. Pati yung mga bisita tawa ng tawa. Gaganti na sana ako pero may naaninag akong pumasok. At papalapit siya sa front table. OH NO! MANAGER KIM?! Siya yung manager sa Jollibbe na pinag-tatrabahuhan ko! Anong ginagawa niya dito?

Hindi niya ako pwedeng makita! Nakita kong may hawak na slice ng cake si Terrence. Ito lang ang tanging paraan pa hindi ako makilala ni Manager Kim! Pinikit ko ang mata ko at kinuha yung cake sabay lagay sa mukha ko. Nung naramdaman kong hindi pa enough, humarap ako sa wedding cake at sinubsob ko yung mukha ko. AYAN SUCCESS! Puro icing na ang face ko mehehehe.

Napatingin ako sa kanila. Lahat sila gulat na gulat. Pati si Terrence. Parents ko at parents niya. AS IN LAHAT. Pati si Manager Kim gulat. Humagalpak bigla ng tawa si Kuya Kei at Terrence. Kaya ayun, natawa na silang lahat. Huhuhu, feeling ko para akong clown! Napayuko nalang ako. Nakakahiya pero atleast safe ako. Hindi alam ni Manager Kim.

"Oh--HAHAHA. Our bride is so funny HAHAHA." sabi nung host. Pakain ko sa kanya yung mic eh. Tuwang tuwa sa galak. "Pfft-- okay, Mrs. Valmonte. Do you want to proceed to the last activity or get a touch up first?" sabi nung host. Natatawa pa rin. "No, let's proceed. Last na naman." sabi ko then I smiled. Hindi pwedeng mawala ng icing na to sa mukha ko.

Boquet Toss pala ang last activity kaya mabilis natapos. Nandito na ako ngayon sa washroom ng kasama si Mama at Mommy. They we're talking with me about what happened earlier. WHAT A SHAME. "Iha, what happened?" sabi ni Mommy na medyo concerned. Pati si Mama ganun din. " Ah, wala lang po. Hehe. Trip ko lang. Masyado po kasing tahimik kayo kanina. I just wanted to make all of you laugh. Im sorry. Napahiya ko po ata kayo." pagsisinungaling ko. "Aww, anak, ano ba. Okay lang yun. Pasalamat ka, hindi na-video-han ng kuya mo. Nako." sabi ni Mama. Natawa nalang kaming tatlo. Then they hugged me.

"Anak, sa ibang bahay ka na mamaya uuwi. Hindi sa bahay natin, hindi sa bahay ni BFF.Sa bahay niyo nang dalawa ni Terrence." sabi ni Mama nung humiwalay sila ng yakap. "Don't be scared of my son okay? He's a nice man. At hiwalay naman kayo ng kwarto eh. Wag nyo muna kaming bibigyan ng apo ha? Tsaka nalang pag college graduate ka na." pabirong dagdag ni Mommy. Nanlaki naman ang mata ko dun. Natawa sila. "Anak, be careful okay? Iba na ang buhay mo ngayon. Be a nice wife." sabi ni Mama.

"Hey ladies, can I get my wife now? It's getting late." sabi ni Terrence. Wife daw. Bruho ka talaga. Natawa nama sila Mama at niyakap si Terrence. Nagulat naman ako nung pinalo ni Mama si Terrence. "Ingatan mo to ah! Nako." sabi ni Mama kay Terrence. "Yes, I will po." sabi ni Terrence kay Mama.

Maya maya nagpaalam na kami sa isa't isa. Buti nalang wala na si Manager Kim. Sino ba kasi pakay niya dito. Nakakasiindak ang bigla niyang paglitaw sa kasal ko. Whoo. Nakasakay na kami ngayon ni Terrence sa kotseng regalo samin ng parents nya. Wedding gift raw. Pagdating namin sa bahay namin, hindi ko mapigilang mapanganga. Labas pa lang ng bahay ang laki na. Yung loob pa kaya? Paano ko ba naman lilinisin to?!

"Oh, baka pasukan ng eroplano yang bibig mo." sabi niya sabay bukas ng gate. Epal talaga kahit kelan. "Tayong dalawa lang ba dito?" tanong ko sa kanya. Kanina ko pa dapat itatanong yan eh. Di lang ako maka-tyempo haha. "Bakit? Gusto mo ba?" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Nagulat naman ako. Namumula yata ako. Napatakip ako ng mukha at inunahan ko siyang pumasok sa loob. Kaso nasa kanya pala yung susi. Tanga lang.

"Sabihin mo kung gusto mo. Para pati sa kwarto mag-sama na tayo." sabi niya habang binubuksan naman yung pintuan. "AH BWISIT KA! AYOKO. TIGILAN MO NA NGA AKO!." sabi ko. Nung narinig kng bumukas yung pinto tumakbo agad ako papasok kaso bigla akong nadapa. Ang dilim. Nasabit pala yung gown ko sa side table malapit sa pinto. Natawa naman si asungot. ARGH!

"Mag-iingat ka kasi. Tsk. Tsk. Good night, baby. Tsaka na tayo mag-honeymoon pag nawala na yang ka-tangahan mo. Hahaha." sabi niya habang umaakyat sa hagdan. Di manalng ako tinulungan tumayo. Hmp. Bukas ko nalang siguro i-a-appreciate tong bahay pagod na ako! Umakyat na din ako. Pero, saan yung kwarto ko? May dalawang magka-tapat na room dito, binuksan ko yung bandang kaliwa tapos nakita ko si Terrence na naghuhubad!

"AH! ANO BA YAN USO LOCK NG PINTO AH!" sigaw ko tapos sinara ko yung pinto. "Hu, gusto mo lang akong silipan eh!" sigaw niya pabalik. Pumasok ako sa right room. Yun na nga kwarto ko. Ang girly eh. Hinubad ko ang heels ko. Aww, ang sakit ng paa ko. Sobrang pagod! humiga agad ako sa kama at tumitig sa ceiling. "Hay, mukhang iba na talaga ang takbo ng buhay mo Kath. Kaya mo 'to." sabi ko sa sarili ko. Hanggang nakaramdam na ako ng bigat sa mata ko at nakatulog.

TERRENCE

Crazy girl. Ang epic nung ginawa niyang scene kanina ah. Mukhang siyang tanga. But she still loks beautiful. Kahit wala siyang ka-poise poise. Anyway, I was glad kasi nakarating ang magaling kong bestfriend kanina. Late nga lang. Hay nako. He said congratulations. And said hinay hinay lang daw ako. I commanded him to keep an eye on Abbie. I won't give up on her just because of this forced marriage. Naisipan kong pakainin muna si Chloe. Yun name niya right?

"Hey dweeb do you wanna eat I'll--" sabi ko habang papasok sa kwarto niya. She was already asleep. Di manlang nag-palit. Feel na feel. Tinitigan ko siya. Mukhang sobrang pagod. Inayos ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya. She's beautiful. She looks innocent. Naaawa ako sa kanya. Getting married at a young age. Hindi pa niya mahal ang pinakasalan niya. Well. we're at the same shoes. I've decided not to make her life miserable.

Naawa naman kasi ako sa kanya. Nadamay siya sa isang bagay na wala naman siya kinalaman. Sa bagay na kasalanan ko. Eh mahal ko si Abbie eh. Anong magagawa ko? Then an idea came into my brilliant mind. "You'll be a great help to me." I whispered to her ears. Then I gave her a kiss on her forehead. WAIT, WHY THE HECK DID I KISSED HER FOREHEAD?

To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features