A Love Untold (On Going)

By notyourdenny

136 22 0

A novelette of an ill fated life of two young lovers whose deaths ultimately made their two different worlds... More

Prologue
Chapter 1: Fallen hearts, ill fated life
Chapter 3: Fallen hearts, ill fated life
Chapter 4: Fallen hearts, ill fated life

Chapter 2: Fallen hearts, ill fated life

17 5 0
By notyourdenny

Chapter 2: Her first day: meeting the bully

Jillian


"Jillian!" Sigaw ni mommy nang makita kami sa gano'ng posisyon.

Nooooo!

Tinulak ko si Edmund ng bahagya!

"Mum, it's not what you think!"

Paano ba 'to!?

"ARAAAY!" Napahawak ako sa likuran kong tumama sa sahig dahil sa pagkakahulog. Ang sakit no'n! Inilibot ko ang tingin ko at nakita si mommy na nakatayo sa harapan ko.

Panaginip lang lahat!?

Nagtatakang naman akong tinignan ni mommy. "Kumilos ka na, Jillian at may pasok ka pa. Naayos ko na ang mga gamit na dadalhin mo sa dorm. Mag-iingat ka ro'n ha?" Tinignan ko naman ang.. Tatlong maleta!? Pinapalayas na ba ako ng nanay ko? "Ihahatid na lang namin ng daddy mo 'yan sa dorm niyo." Dali dali naman akong kumilos; naligo, nagbihis, kumain, naghanda at pumasok.

Nang makarating ako sa univ ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang naging panaginip ko kanina.

Kakikilala ko pa lang sa kaniya pero ganito na ang naging epekto niya sa'kin. Napabuntong hininga na lang ako.

Tinignan ko ang bulletin board ng college department at saka hinanap ang list ng new students ngayong second semester. Hmm, Room A3? Nang makita ang nasa list ay pumunta na ako sa nasabing palapag at silid.

Pagdating ko ro'n ay hindi nila napansin ang presensya ko dahil sabay kaming pumasok ng propesor.

"Good morning. Kumusta ang semestral break niyo?" Tanong niya sa lahat. Nagsimula namang magkaniya-kaniyang kwento ang mga estudyante. "By the way, mayro'n kayong bagong makakasama ngayong semestre. Hmm. Where is she?" Tumayo ako dahilan upang mabaling sa'kin ang atensyon ng lahat. "She's Jillian Villamora. Valedictorian 'yan noong high school kaya ikaw Ms. Alcantara, kabahan ka na." Pabirong banta niya sa malamang ay Valedictorian nila noong high school. Nagtawanan naman ang lahat maliban sa babaeng tinawag ng propesor na Alcantara. Pagkatapos ng ilang kudaan ay nagsimula na rin sa wakas ang klase.

Nasa'n kaya si Edmund? Kung 'di ako nagkakamali, Room A3 din siya. Nakita ko 'yon sa likod ng I.D niya no'ng nasa playground kami. .pero bakit wala siya rito?

Natapos ang dalawang subject at naglabasan na ang karamihan para bumili ng snacks. Ang ilan naman ay nilapitan ako upang usisain

"Saang school ka galing?" Bakit? Gusto mo ba ro'n?

"Bakit ka lumipat ng school? Mahirap ang mag-adjust lalo na at kalagitnaan ito ng school year." Ginusto ko?

"Lumipat lang pala kayo rito ng family mo?" Yeah.

"Ang galing, valedictorian ka pala?" Kaya mo rin maging valedictorian, kung mag-aaral kang mabuti.

"Ang cute mo, Jillian. Para kang bata. Hihi. Ang liit mo kasi." Sapok?

"Jillian. Tabi tayo, okay lang ba?" Sure.

"Jillian, add kita sa facebook ha?" Gorabels.

Matagal bago natapos ang mga tanong nila. Kaylangan kong pumunta sa Restroom

"Hi, Jillian." bati sa'kin no'ng babaeng inalok ako na maging seatmate niya. "Ako nga pala si Charmaine." Nginitian ko naman siya. "Napansin kong tahimik ka pala."

"K-Kanina ko pa kasi gustong pumunta sa Restroom. Alam mo na, girl thing. Saan pala ang Restroom dito?"

"Sa dulo lang 'yon ng floor na 'to. Tara, samahan na kita. May 5 minutes pa naman tayong natitira sa break time eh. Bilisan na lang natin." Aya niya sa'kin. Palabas na kami ng room nang makita ko sa 'di kalayuan si Edmund.

"S-Sandali lang." Pigil ko kay Charmaine.

"Huh? Bakit? May nakalimutan ka ba?"

"Si Ed-" hindi ko naituloy ang sasabihin nang maramdaman ang bagay na iyon. Bakit ngayon pa!? Wala akong extrang undies at napkin! "Wala. T-Tara na." Nagmadali kaming pumunta sa Restroom at nang marating namin 'yon ay saka ko lang naalala ulit na wala nga pala akong dalang pamalit. Sinabi ko agad iyon kay Charmaine.

"Gano'n ba? Bibigyan na lang kita, may bago pa naman ako e, nasa dorm nga lang. Medyo may kalayuan kaya matatagalan ako saka dadalhan na rin kita ng napkin." Nakakahiya!

"Nako, N-Nakakahiya sayo. Mukhang ma-le-late na kasi tayo." Totoo! Nahihiya talaga ako.

"Wala 'yon, ano ka ba? Alam ko namang gagawin mo rin ang ganito kung ikaw ang nasa sitwasyon ko." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko, pero sang-ayon ako sa kaniya. Hindi ko maaatim na pabayaan ang kapwa ko babae na naghihirap dahil sa buwanang sumpa. Nginitian ko siya.

"Salamat, Charmaine." Pagkatapos no'n ay umalis na siya para manguha ng mga kaylangan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan dahil wala nang tao sa labas ng mga classroom at loob ng Restroom

Walang tao, ibig sabihin nagsimula na ang klase. Late na kami!

Naghugas ako saglit ng kamay at kukuha na sana ng tissue ng bigla akong pigilan ng pamilyar na babae—teka, siya 'yong Alcantara na sinasabi ni Sir kanina. Hinawakan niya ang kamay ko na para bang nakikipag-kamay ako sa kaniya. Nagulat ako kaya hindi ko nagawang bawiin agad ang kamay ko. Baka sabihin pa niya na maarte ako mas'yado.

"Jillian Villamora. Wow, so valedictorian ka pala? Pfft. Wala sa itsura mo." natatawang saad niya.

"Eh ano naman sayo? Bitawan mo nga ako—" hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko nang akma ko itong hihigitin.

"Unang kita ko pa lang sayo, hindi na 'ko natuwa e." Sumeryoso naman bigla ang awra niya. "Kaya kung ako sayo, 'wag kang bibida-bida rito. Saka kilalanin mo ang mga taong aangasan mo huh?" Sinabi niya iyon sa malamig na paraan at saka idiniin ang pagkakahawak sa kamay ko.

"AAAHHHH!" Napadaing ako sa higpit ng pagkakahawak niya. "B-Bitawan m-mo 'ko!" Nakadagdag pa sa sakit ang singsing na suot ko. "AAAAHHHH!!" piniga niya pa iyon lalo. Pilit kong inaalis ang kamay niya gamit ang kaliwang kamay ko pero 'di ko magawa dahil sa panghihina dala ng pagkakapiga niya sa kabila.

"Ano? Gusto mo pa ba? Sa—" Bumukas ang isa sa mga cubicle ng Restroom at iniluwa no'n si Edmund na diretso namang nakatingin kay Alcantara.

"Bitawan mo siya."

"Ahhhh!" napasigaw naman siya nang makita si Edmund. Binitawan niya ang kamay ko at saka nagtatakbo palabas ng Restroom.

Nakangiwi kong tinignan ang sariling kamay.

Namumula na..

"Jill, Okay ka lang? Patingin ng kamay mo." Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at saka iyon tinignan. Nanlalambot ako dala ng sakit, lalo na sa daliring may nakasuot na singsing.

Edmund..

"H-Hoy, ikaw! Ba't ba nandito ka sa ladies' comfort room? Kaya siguro nagulat sayo 'yong babae kanina at nagsisigaw dahil akala niya mamboboso ka." Napatakip ako sa sariling bibig. "Siguro, namboboso ka kaya ka nandito sa ladies' comfort room!?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko at pwersahang pinatag ang palad kong nakabaluktot pa. Napadaing ako sa sakit. Nananadya ba siya!? Nilagyan niya ng benda na nakuha niya sa bulsa niya ang kamay ko.

"Wag mong aalisin 'yan sa maghapon. Lagyan mo rin ng yelo after ng klase para hindi lumala ang pamamaga." Habilin niya bago siya umalis.

"S-Sandali!" Hahabulin ko pa dapat siya kaso lang ay dumating na si Charmaine dala ang mga kinuha niya sa room nila.

"Jillian, matagal ba 'ko masyado? Pasensya ka na, nakabunggo ko pa kasi si Tanya, mukhang nagmamadali rin kasi siya. Galing ba siya rito?"

"H-Huh?" nagtataka kong tanong.

"Si Tanya? Tanya Alcantara." Saad niya. So, Tanya pala ang pangalan ng hinayupak na 'yon?

"Jill, anong nangyari sa kamay mo?" Nagugulat niyang tinignan ang kamay ko. "Si Tanya ba?" Makahulugan niyang tanong. Napayuko na lang ako. "Grabe! Wala talaga siyang pinapalampas!" Inis na saad pa niya.

"A-Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Mamaya ko na ikukwento. Heto, magpalit ka muna." Ibinigay niya sa'kin ang dala niyang gamit. Medyo natagalan naman ako dahil hindi ko magamit ng maayos ang kanang kamay ko.

Matapos kong magpalit ay bumalik na kami sa room. Pinayagan naman kaming pumasok ng subject teacher dahil sa sinabi naming dahilan.

Habang nagkaklase ay Kinuwento sa'kin ni Charmaine ang tungkol kay Tanya at sa mga pambubully nito sa mga katunggali sa acads.

"Siguro ay nakikita ka niyang banta sa puwesto niya kaya niya ginawa sayo 'yan kanina." Saad niya. "Nakikita mo ba 'yong katabi niya sa kaliwa? 'Yong nakasalamin?" Tumingin naman ako sa itinuro niya. "Si Kyla Mae iyon. Matalino siya, 'di hamak na mas matalino kaysa kay Tanya. Pero dahil sa pambubully ni Tanya, ibinabagsak niya ang written works niya at bumabawi na lang siya sa performance tasks. Kaya nasa average lang ang grado niya na kung tutuusin ay kaya niya pa ang mas matataas pa ro'n." Nagulat ako sa narinig.

"Eh bakit—"

"Bakit hindi siya magsumbong?" Inunahan niya na ako sa balak kong itanong sa kaniya. "Katulong nina Tanya ang nanay ni Kyla. Kaya siguro hanggang ngayon ay wala pa rin siyang magawa. At kapag nakakarating sa nakakataas ang issue na 'yan, itinatanggi niya lahat ng paratang kay Tanya. Sinasabi niya na nahihirapan siya sa ibang lesson kaya gano'n ang nakukuha niyang grado." Naawa naman ako bigla sa kalagayan ni Kyla.

Natapos ang pang-umagang klase at naglabasan na ang ilan para kumain ng lunch. Ang iba ay sa dorm na dumiretso. Habang ang iba naman ay naiwan sa room para gawin ang hindi natapos na project.

"Jill, saan mo gustong kumain? Sa dorm o sa cafeteria?" tanong ni Charmaine nang makasunod siya sa'kin sa paglalakad. Napagdesisyonan naming bumili  sa cafeteria ng lunch at sa dorm na lang kumain.

Hmm, dalawa kaya ang bilhin ko?

Nang makabili kami ay pumunta na kami sa dorm nila at nadatnan ro'n ang mga bagahe ko na inayos ni mommy kanina.

"Jillian, dinala na pala ng parents mo 'tong mga gamit mo kani-kanina lang. Sayang, 'di mo sila naabutan." Saad naman no'ng babaeng nakaupo sa isa sa mga kama ro'n. "Ako nga pala si Jae." Pakilala niya.

"Hello, Jillian! Ang galing mo kanina sa activity! Kahit si Sir, bumilib sayo. Nga pala, ako si Lindsay." singit naman ng isa pa.

"Thank you. I'm Jillian. Jill na lang itawag niyo sa'kin." Pakilala ko naman sa kanila.

"Jill, magbihis ka na. Half day lang ang klase natin every Tuesday kaya wala na tayong klase mamaya." Saad bigla ni Charmaine.

Apat pala kami sa isang kwarto. Nilibot ko kaagad ang kabuuan no'n. May apat na kama, sa loob ng banyo ay may isang cubicle at dalawang shower area, bukod sa mga 'yon ay may sari-sarili rin kaming study table.

Ang cute.

Nang matapos ang sandamakmak na tanungan ay kumain na kami ng lunch. Naligo naman si Charmaine at Liz pagkatapos nilang kumain.

"Sis, Labas muna ako. Magpapa-deliver lang ako ng tubig natin dito, paubos na kasi e." Paalam naman ni Jae.

"Sige."

Nang matapos silang maligo ay nagpaalam naman ako sa kanila na lalabas muna saglit. I need to see him. Naglakad-lakad ako dahil nagbabaka sakali akong makikita ko siya.

Pero teka, nasaan na ba 'ko?

*Prrrrt!!*

Nakarinig ako ng pito sa 'di kalayuan. Paglingon ko sa pinanggalingan no'n ay may dalawang guard na tumatakbo papalapit sa'kin.

"Boys' dormitory ang area na 'to, bakit nandito ka?" Tanong nila agad nang makalapit.

"Ah.. Eh.." Naligaw lang ako!

"Alam niyong bawal ang babae sa boys' dormitory 'di ba?" Tanong ng isang guard sa'kin. Hindi naman ako nakasagot. Malay ko ba! "Anong section ka? At ano ang buong pangalan mo?"

"B-Bakit po?" Kaylangan ko na bang gamitin ang 123 escape technique?

"Isa-submit ko sa—Hoy!" Sigaw niya nang magsimula akong tumakbo. Sorry, mas'yado pa 'kong bago rito para ma-detention o mabigyan ng warning! Nang matakasan ko sila ay huminto ako sa likod ng puno na ang nasa harap naman ay soccer field.

"Jill.." Lumingon ako nang may tumawag sa'kin. At hindi nga ako nagkamali sa pagtanto kung sino 'yon.

"Edmund?" Napangiti ako nang makita siya.

"Saan ang punta mo?" Tanong niya agad.

"Wala. Hinahanap kasi kita! Alam mo bang hinabol ako ng mga guard sa may boy's dormitory kanina? Psh." Ngumisi naman siya sa narinig. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Napapadalas yata ang paghahanap mo sa'kin, Jill. Baka mapanaginipan mo 'ko n'yan." Nag-init ang mukha ko sa narinig. Naalala ko bigla 'yong panaginip ko! "You're blushing." nakangising dagdag niya.

"Ang kapal mo! Ngayon lang kita hinanap, k-kasi wala ka k-kanina! H-Hinahanap ka k-kanina ni Sir!" Palusot ko.

"Really?" Tila naman hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Oo! Bakit ba wala ka kanina? Tapos umalis ka bigla after no'ng incident sa restroom."

"May inaasikaso lang." Seryoso niya saad. "Masakit pa ba 'yang kamay mo?"

"Oo, lalo na pag accidentally kong nasasagi. Hindi nga ako nakakain ng maayos kanina dahil dito e." Totoo! Ibinigay ko na lang 'yong halos kalahati ng pagkain ko sa pusa na pagala-gala dahil hindi ako makakain ng maayos.

"Gusto mong kumain ulit?" Tanong niya.

"Sige! May binili akong isa rito." Inilabas ko 'yong isang pagkain na binili ko kanina. "Ikaw? Nag-lunch ka na ba? Sabay na tayo kung hindi pa, dalawa naman 'yong dala kong kutsara e." Alok ko. Nag-aalangan naman niya akong tinignan.

"I'm not hungry. Ikaw na lang ang kumain, susubuan kita." A-Ano? Susubuan!?

"A-Ano ako, bata?" Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Kinda." Saad niya saka sinuri ang kabuuan ko. "Cute size." Komento niya.

"Hoy! Alam mo bang kayang magpabagsak ng sanggano 'tong cute size na sinasabi mo? Huh?" Pagyayabang ko na puro kasinungalingan lang naman.

Pagkatapos no'n ay pumuwesto kami sa ilalim ng puno. Ilang beses ko siyang kinulit na kumain din pero ayaw niya. Medyo nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil ako na nga lang 'yong kumakain saming dalawa tapos sinusubuan niya pa ako kapag hindi ko magamit ng maayos ang kaliwang kamay ko dahil injured 'yong kanan.

"Ang takaw mo." Pang-aasar niya nang matapos akong kumain.

"S-Sabi mo kanina ayaw mo, 'di ba?! Tapos ako pa ang matakaw ngayon?" Natawa naman siya sa sinabi ko. Pinanood ko siyang tumawa.

Ang cute niya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakaupo ro'n. Mukha nalibang kami sa ganda ng atmosphere, bukod sa tahimik na, malamig pa ang simoy ng hangin. Ginugol namin ang buong oras sa kwentuhan kaya hindi na namin namalayang dumidilim na pala at medyo lumalamig na rin.

Tinignan ko si Edmund at napatingin din siya sa'kin. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

It feels like home.

"Tara na? Hatid na kita sa room niyo." Aya niya.

"Bawal ka ro'n 'di ba? baka ma-report ka kapag—" hindi na niya ko pinatapos sa sinasabi.

"Don't worry, hindi nila tayo makikita. Tara." Gusto kong tumanggi kaya lang ay agad na niyang hinila ang kamay ko at nagmamadaling tinahak ang daan papuntang girls' dormitory. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa kaniya.

Ang lamig ng kamay niya. Giniginaw din ba siya gaya ko? Bumibilis din ba ang tibok ng puso niya gaya ng sa'kin?

Nang marating namin ang girls' dormitory ay huminto kami at saka niya ko hinarap. Lumapit siya sa'kin at marahan akong hinalikan sa noo.

"Pumunta ka na sa room niyo. Hihintayin kitang makapasok bago ako umalis. I wanna make sure you're safe."

"Edmund.."

"Take care, Jill."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Normal pa ba 'to!?

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 734 11
A story of four brothers whose life revolves around each other. Fate wasn't kind to them, but they were in it together, always have been and always w...
26.1K 5.8K 30
A Lawyer, Bold with a bit of anger issues, Smart, Not in good terms with his Father. A Girl, Sweet but Insecure about her weight, With Career tension...
109K 2.5K 51
Alissa Iris De León the daughter of both the Spanish and Italian Mafia. A week after she was born she was sent away from her 2 brothers to live with...
126K 5.2K 45
A fire incident at his(Kim Jae-soo) husband's home while he (Baek Ji-Hu )was away made Kim Jae-soo return to his third year of university (he was reb...