Catching The Brightest Star [...

By LivelyLeo

68K 1.8K 1.5K

Hechanova Series 2/4 Truth to be told, We all once like someone who doesn't like us back. We chase them, unti... More

CATCHING THE BRIGHTEST STAR
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
Chapter 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 12

1.4K 39 2
By LivelyLeo

Nakasimangot akong nag-lalakad sa hallway, Dahil hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi. Sobrang nakaabwiset at nakakainsulto para sa aking dignidad! Anong karapatan niyang i-seen ako? I mean, siya ang naunang nag-chat tapos sineen ako? How dare you, Hechanova?

Humigop ako sa aking shake, at hindi pinansin kung paano humagod ang malamig na likido pababa sa aking tiyan. It's 8:45AM, at mamaya pang nine ang pasok.

"Carina!" Nag-angat ako ng tingin at nakita si Liam na malapad ang ngiti, ngunit unti unting nawala iyon nang makita niya na nakasimangot ako. "May problema ba?" He asked, Tanong niya nang tuluyang makalapit. Huminto naman ako at umiling iling.

"Wala naman," Sambit ko, kaya nag-aalangan itong tumango.

"Ay may tatanungin pala ako," Aniya, Agad naman akong tumingin dito at nag-simulang nag-lakad, Sinabayan niya ako habang siya ay patuloy sa pagsasalita. "Anong magandang gift sa babae? Malapit na weeksary naman ni Riri." Malapad na ngiting tanong niya.

Hindi ko ipinahalata sa aking mukha na masyado akong nandidiri sa kanila. Nakaka-bitter, Sa akin pa talaga siya nag-tanong. Eh wala naman akong natatanggap na mga ganyan mula sa mga lalaki. Except from Aster.

"Hmm, Bouquet of roses. Sweet 'yon." Pilit ngiting sabi ko, Bahagya siyang nag-isip at umiling iling. "Eh ano? Ahm, Chocolates?" Dagdag ko pa. Actually, Lalaki kasi ang binibigyan ko ng ganyan kaya hindi ko alam ang mga galawang ano ba dapat ang ibigay sa mga babae.

"Iyong kakaiba, Gusto ko 'yung hindi niya makakalimutan." Sambit niya pa, Nanahimik ako sandali at inisip kung ano ba ang magugustuhan ni Riri. Tumingin ako kay Liam at agad na ngumisi, halata namang nag-tataka ito.

"Ibigay mo passwords mo sa lahat ng accounts. For sure, matutuwa iyon." Wika ko na ikinalaki niya ng mata.

"No! Privacy!" Bulalas niya.

"Privacy is not an excuse for cheating. Quit Riri, Cheater." I said, as I enter our room. Nakasimangot naman siyang tumingin sa akin. Umupo ako nang tahimik at hinigop ang aking shake, Nag-sasawa na kasi ako sa Frappe at Milktea. Marami namang ibang choice pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pilit na pinipili ang dalawa na iyon.

I was silently sipping, when Camille broke down to the door, Crying. Tumakbo siya sa akin at bigla akong niyakap, Nanginginig ang kanyang buong katawan kaya naman pati si Liam ay biglang napalapit sa amin.

"What happened?" Bulong ko, She was sobbing. Mahina lang iyon, Hinawakan ko ang kanyang kamay, at pilit siyang pinapakalma. Hinahagod ni Liam ang kanyang likod, At pinapaypayan gamit ang kanyang kamay.

"William—William!" Iyon lang ang nasabi niya kaya agad akong napakunot, Biglang nag-seryoso ang mukha ni Liam, at agad na tinanggal ang pag-kakayakap sa akin ni Camille, Hinarap niya ito sa kanya habang si Camille ay patuloy pa rin sa pag-iyak.

"What the fuck happened?" Tanong ni Liam, Tumayo na rin ako, at humarap sa kanila.

"H-He tried t-to, Oh God. He tried to harass me! In front of his friends! D-dumadaan lang ako then, b-bigla niya akong hinila. I-I tried to r-run, pero m-malakas siya. I'm with Tyron, Hechanova's friend saw it at b-binatas niya si William..." Pag-susumbong nito, Agad na nag-igting ang bagang ni Liam at tumingin sa labas. And from that moment, alam ko na ang mangyayari.

"Liam, No!" Sigaw ko, nang nag-mamadali itong lumabas sa room. Ako ang humabol sa kanya, dahil si Camille ay naiwan. Nakikita kong nakatiklop ang kanyang mga kamay, at halatang susugurin na si William. Maraming tumitingin sa kanya, ngunit wala ata itong pake.

"Please, Liam! We can talk about this!" Sigaw ko, Dahil sobrang layo niya na sa akin at nahihirapan na rin akong humabol pa. Masyado akong napapagod, at sobrang aga pa lang. Hindi siya nag-patinag sa aking sinabi, Hanggang makarating kami sa pinaka-likod ng building kung saan kami nag-memeeting lagi ni Tyron noon. Natanaw ko kaagad si Liam kasama ang nililigawan niya sa... Tourism? Ganoon kasi ang uniform eh.

"Liam, Please! Oh My God!" Sigaw ko nang bigla niyang haltakin ang kwelyo nito and he immediately pinned him to the wall. Madilim ang titig niya, at si William naman ay walang kaba sa mukha.

"Don't touch my boyfriend!" Sigaw ng kanyang panget na syota, syota niya na pala? At akmang kakalmutin ang mukha ni Liam ngunit agad ko siyang itinulak. Matalim akong tumingin sa kanya, at umiling iling. Nakita ko ang takot sa kanyang mata at nag-baba ng tingin.

"Wala kang utak, Bobo." Mariin kong wika. Muli akong tumingin kay Liam na ngayon ay parang kinakausap si William.

"Anong ginawa mo kay Camille, Brad? Nakakalalaki ka bang talaga ha?" Aniya, Natawa naman si William at tumingin sa ibang gawi.

"She's a slut, Dude. She's with Tyron? Tyron right? Nakita ko." Nanlalaking mata akong tumingin sa kanya, at akmang susugurin nang biglang may humila sa akin. Tumingin ako sa aking likod, At ngayon ay nakahawak siya sa aking kamay, Aster Hechanova. Para kang kabuting bigla bigla na lang na lalabas sa kung saan.

"Huwag mo akong pigilan," Wika ko, ngunit agad siyang umiling iling. Binitawan niya ang aking kamay, at lumakad papunta sa dalawa. Hinila niya palayo si Liam, At siya ang pumalit dito. Tinignan niya sa mata si William, at biglang ngumisi.

"Play with them, and I'll kill you. Don't mess up with a Hechanova, Fucker." Sambit nito, at binatukan si William. Wala itong nagawa kundi manahimik, samantalang ang isa naman ay lumakad papunta kay Liam.

"Come on, Bro. Let's leave these shits." Sambit nito, habang nakatingin kina William at sa kanyang girlfriend. Tumango naman si Liam, at naunang nag-lakad kaysa sa akin. Sinundan ko siya, ngunit mabilis ang kanyang mga lakad at sapat na iyon para maiwan akong tuluyan. Tumingin ako sa bandang likod, at nakita si Aster. Hinintay ko siyang mag-lakad, para mag-kasabay kami. I want to thank him, Buti na lang at andoon siya.

"Hey," Bati niya sa akin na hindi niya nagawa kanina.

"Hi," Nakangiting wika ko, Hindi ko alam pero nawala ang inis ko sa kanya kagabi dahil sa kanyang ginawa. Buti na lang at naging heroic siya, Pero kahit hindi niya at gawin iyon, Hindi ko pa rin siya matitiis.

"Ayos ka lang?" He asked, Agad naman akong tumango. "Really? I saw how mad you are a while ago." He continued.

"Yes, I was. Lahat naman siguro maiinis dahil sa sinabi niya. At nakakasira na siya ng puri, which is obviously not right." Bulalas ko, Bahagya akong napatingin ako aking wristwatch at nakita sampung minuto na akong late.

"And what you did was wrong, Dapat hindi ka sumasali sa ganoon." He said.

"May mga maling bagay na biglang nagiging tama, depende sa sitwasyon. What I did wasn't wrong, It's 50/50." Proud kong sagot, I'm just defending myself because he's trying to educate me. And I hate it. Narinig ko ang kanyang pag-tawa, at agad niyang ipinatong ang kamay sa aking ulo. "Don't do that, Bumabagal ang pag-lakad ko. Late na ako sa klase." Utos ko, ngunit hindi niya iyon tinanggal, at nanatiling naka-ganon habang kami ay nag-lalakad.

"Then don't come, Huwag ka nang um-attend sa first class mo. Because I won't, Parehas lang tayo ng sched, mag-kaiba lang ng room." He said, Napakunot ako nang marinig iyon ngunit may halong pagka-saya.

"How did you know my sched?" Tanong ko, agad siyang napatingin sa akin at ngumisi.

"I just know, Magaling na ba ako 'non?" He said, na ikinairap ko. "So, papasok ka pa?" He again, asked.

"Hmm, And what are we gonna do if we don't attend our class?" Tanong ko, Medyo nabibigatan na ang aking ulo at pakiwari ko ay ibang hallway na ang dinadaanan namin. Hindi ko napansin na hindi na ito ang daan papunta sa aking room, at maging sa kanya. "We'll play Laun tennis?" Medyo mahinang sabi ko ngunit umiling iling naman siya.

"I don't wanna play," He said.

"At hindi ko alam na mahilig ka pa lang mag-laro. As far as I know, Dinaig mo pa ang librarian sa pag-lalagi mo sa library." Nakangiti kong sabi, Iyon ang gusto kong tanungin sa kanya. Kaso dinaan ko na lang sa pasaring na ganito, para hindi halata na sobra ang interes ko sa kanya.

"Minsan lang akong nag-lalaro, And My siblings doesn't even know that I play tennis. It's not my hobby, pang-palipas oras lang." Kibit balikat niyang sagot.

"Really? Weird." Komento ko naman. Hindi na siya muling nag-salita at patuloy pa rin ang aming pag-lakad. Naiwan ko ang aking gamit sa room, habang siya ay may dalang bag. Na hindi ko alam kung may laman ba o wala. It was a long walk, dahil pakiramdam ko ay nalibot na namin ang buong campus dahil sa bagal niyang mag-lakad. Hanggang bumungad kami sa pinto ng library, Na kung lalakarin lang ay sobrang bilis. Ewan ko ba sa kanya, Kung saan sana pa ata kami nag-pasikot sikot.

"Dito lang pala, Hindi mo pa sinabi." Nakasimangot kong sabi, Tuluyan niyang ibinaba ang kamay habang ako ay inaayos ang nagulo kong buhok. Tuluyan kaming pumasok, at nag-tungo sa kanyang pwesto. Oo, Kanya nga ata nakapangalan ang pwesto na iyon dahil wala man lang nag-kukusang maupo. Talaga ngang kilalang kilala ang mga Hechanova. Naupo ako sa aking inupuan the last time, at siya naman sa kanyang pwesto.
  
Nag-labas siya ng dalawang libro, habang ako ay pinag-mamasdan lang ang kanyang ginagawa. Tumingin siya bigla sa akin na ikinagulat ko, bigla akong nag-iwas na ikinahalkhak niya.

"Don't laugh." Nakasimangot kong wika na ikinailing iling niya. Inabot niya sa akin ang isang libro, at tinanggap ko iyon. "Anong babasahin mo?" I said, At tinignan ang cover ng libro na hawak niya.

"An Abundance of Katherines by John Green." Aniya at ipinakita sa akin ang buong cover.

Tinignan ko naman ang akin at nabasang kay John Green ang libro na ito. "Paper Towns?" Patanong kong wika.

"Yes, Maganda iyan kaya gusto kong basahin mo. Try it, Pwede mong isauli kahit kailan." Kibit balikat niyang sabi, at nag-simulang mag-buklat. Kunot noong tinignan ko iyon, Parang narinig ko ng may movie ito. Bakit ba kasi hindi ako nanunuod ng TV?

"Fan of John Green?" I said, Agad naman siyang tumango, at hindi na nag-salita. Umupo ako nang maayos, at dumukdok. Itinapat ko ang libro sa aking mukha, at natakpan ang view ni Aster. Nag-simula akong mag-basa sa ganoong posisyon, at hindi man lang narinig na mag-salita si Aster.

Chapter one...

Chapter Three...

Chapter Six...

Chapter Eight...

Chapter Eleven...

Naramdaman ko ang pag-dalaw ng antok sa aking wisyo habang nag-babasa, Ilang segundo ay dahang dahan na pumikit ang aking mga mata at bumagsak ang kamay sa mula sa table. It's a nice sleep, Naririnig ko ang pagtagik-tik ng ulan, at nang imulat ko ang aking mata ay bumungad sa akin ang mukha ni Aster. Nakatanggal na ang libro na hindi ko naman tinanggal kanina para hindi niya mahalata na matutulog ako.

"Good Afternoon, Lady." Bati niya, Nakadukdok rin siya at nakatingin lang sa akin. Agad akong nag-iwas dahil naramdaman ko ang aking pamumula, Bumangon ako at inayos ang nagulong buhok at inihilamos ang kamay sa aking mukha.

"Good Afternoon?" I said, at tumingin sa aking wristwatch. The 2 and a half hours of my first class is over, At pakiramdam ko ay lunch time na. I'm doomed, baka nag-quiz sila at mamissed ko. Patay na.

"Hmm, Yes. I told you to read it, pero tinulugan mo." Nakangiti niyang sabi, na ikinasimangot ko.

"I read it, nakatulog lang ako dahil sobrang napuyat ako kagabi." At dahil sa iyo 'yon, Nag-hintay ako ng reply mo bukod sa nakaka-insulto mong seen pero wala.

"Why did you sleep late?" Muntik na akong matuwa dahil tinanong mo 'yan, pero seriously Aster? Buti na lang naalala ko na dahil talaga sayo.

"Wala naman, Hindi lang ako nakatulog." Kibit balikat kong sabi, at binuklat muli ang libro. Hindi ko na matandaan kung saan ako nag-tapos, Sa tingin ko ay kailangan ko ulit basahin mamayang gabi. "I'm hungry, Hindi ako nakapag-snack." Nakasimangot kong sabi at akmang tatayo nang bigla siyang mag-lapag ng dalawang lunch box sa harapan ko.

"What's that?" I asked, poker face siyang tumingin sa akin at binuksan iyon. May lamang mga pagkain, at inilagay niya sa aking harapan ang isa at ang isa naman ay  kanya. "Pero bawal kumain dito." Reklamo ko ngunit hindi niya ako pinansin at siya mismo ang nag-lagay ng kutsara at tinidor sa aking kamay.

"Just eat," Aniya at nag-simulang kumain. Tumingin muna ako sa paligid, at napansin na walang tao. Kagaya nga nang sinabi niya ay kumain na ako, Ni hindi ko nga alam kung bakit dalawa ang kanyang baunan. Ang lakas naman niyang kumain kung ganon, O baka naman kasi para kay Dale ang isang 'to. Pero dahil nasabi ko nang gutom ako, sa akin niya na lang ibinigay.

Option? Patawa.

Hindi ko pinansin ang gumugulong iyon sa aking isipan hanggang nasa kalagitnaan ako nang pag-susubo matapos akong kumain. Halos sabay lang kaming dalawa, Inayos ko ang aking pinag-kainan at inilagay ang kutsara't tinidor sa loob ng lunch box. Ibinigay ko iyon sa kanya, at inilagay niya naman sa paperpbag.

"Thank you," Nakangiting wika ko. Masarap ang ulam, at pakiramdam ko ay lutong bahay talaga siya. Hindi galing sa resto o sa labas, Kundi sa bahay.

"Always welcome," He said, at ngumiti. For me, his smiles are unique. Pakiramdam ko ay parang first time ko lagi siyang nakikitang ngumingiti kapag gumuguhit iyon sa kanyang mga labi. Tumayo siya, at ganoon din ako. Binitbit ko gamit ang aking kamay ang libro, Habang kami ngayon ay nag-lalakad palayo sa pwesto namin. Tuluyan na sana kaming palabas sa library nang bigla kaming batiin ng librarian.

"This is not a dating place," Aniya, habang nanliliit ang matang nakatingin sa amin. Napatingin ako kay Aster na walang reakyon ang mukha na nakatingin lang sa malayo.

"W-We aren't dating, We're just friends... And besides, may girlfriend siya." Napakagat ako sa aking labi nang sabihin iyon. I'm talking about Dale Gonzaga, Madalas ko talaga silang nakikitang dalawa. Matagal na, Matagal ko nang tanggap na nakatali na siya. But why do I keep on chasing hopes na baka, just for once, He'll notice me.

And he did, As a friend. But that's okay, It'll be okay... Eventually.

Nag-simula kaming mag-lakad muli na nahinto kanina. Nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa bulsa, habang ako ay nakatingin lang sa ibaba. Gusto kong tanungin sa kanya iyon nang diretso ngunit kinakain ako ng hiya. At pakiramdam ko ay kulang pa ang closeness namin ngayon para tanungin siya nang ganoon ka-private.

Or that's what I thought?

"Where did that news came from?" He asked, Alam kong iyon ang tinutukoy niya.

"Not a news. Nakikita ko naman." Sagot ko at unti unting nag-angat ng tingin. He was directly looking at my eyes, at ganoon din ako. Umiling iling ito na parang hindi makapaniwala sa lumabas sa aking bibig.

"I don't have a girlfriend." Laking gulat kong nag-iwas nang tingin at napalunok.

"But I saw it." I said. "I saw you two, Lagi kayong sabay mag-lunch noon. And you always smile when you're with her, and you always talk to her. You walk her, and that's it." Halata ang inis sa aking boses nang sabihin ko iyon, Hindi ako makapaniwalang dadating ang oras na masasabi ko ang mga bagay na ganito sa kanya. I sound so jealous, Because I am! Matagal na! Sobrang tagal na at hindi niya alam iyon!

"She isn't my girlfriend, Sa akin na mismo nanggaling kaya maniwala ka." Napakagat ako sa labi, at huminga nang malalim. Carina not now, No abnormal heartbeats now. Hindi pwedeng ngayon pa.

"Give me the assurance, and I will." Matigas kong sabi.

Huminto siya, sa kalagitnaan ng hallway. Napahinto rin ako, Humarap ako sa kanya, at ngayon lang napansin na malaki pala ang espasyo naming dalawa sa isa't isa. I remember once, He hates distance. Ngumit ngayon ay parang wala lang sa kanya. I look at him, and he can't even give me the assurance I want. So totoo nga?

"Come closer," Ma-awtoridad na sabi nito, Umiling iling ako dahil hindi ako sigurado sa kanyang gagawin. "Come closer, Carina. Because I don't want any space between us right now." Aniya ulit, Napakagat ako sa aking labi ay walang magawa kundi mag-pakawala nang malalim na buntong hininga. Unti unti ako lumapit sa kanya, habang siya ay nakatingin lang sa akin.

"What are you gonna do?" Tanong ko.

"I hate it when people doubt me, at sa iyo pa talaga nanggaling." Iyon lang ang sinabi niya sa akin at inilabas ang dalawang kamay mula sa bulsa. Kagat labi niyang kinuha ang akin at pinag-tiklop ang dalawa habang diretso ang tingin sa aking mata. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi, kasabay nang pagkabog ng aking dibdib. Bumilis ang aking pag-hinga, nang tuluyan niyang magawa iyon.

"Shall we go? Baka late na tayo." And for the first time I realize, I shouldn't doubt Aster Hechanova. Because he can do unexpected things, In the most public place.

And I love it.

Continue Reading

You'll Also Like

20.9K 1.2K 43
HUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting...
78.4K 2K 50
Growing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much...
25K 703 47
Hechanova Series 3/4 Dale Stella Hechanova is the keenest. She always believes that even a single strand of mistake will never escape the copyreader'...
32.5K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...