My Sweet Surrender (COMPLETED...

By AleezaMireya

89.1K 2.6K 230

Love Bites Trilogy - Book 1 (Completed) "Hindi ako over-confident, Sweetheart, I am determined. Magkaiba iyo... More

AUTHOR'S NOTE
Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 9

4.1K 153 12
By AleezaMireya


"Lover boy alert," sabi ni Aileen.

Pauwi na sila at nakalabas na sa bangkong pinagtatrabahuhan nang makita ni Shaine ang binatang nakasandal sa kotse nito. May hawak itong boquet ng bulaklak. Hindi niya napigil ang ngiti sa mga labi.

"Oy, masaya na s'ya," ani Aileen sa kanya. "Isa na lang ang broken-hearted girl na aasikasuhin ko," tukoy nito kay Cheryl. May pinagdadaanan ngayon ang kaibigan nila.

Mahigit tatlong linggong nasa Palawan ang binata, ngunit kahit na malayo ito sa kanya, hindi ibig sabihin na nawalan sila ng komunikasyon. Mas lalo nga niyang nakilala ang binata. Those intellectual late night talks makes her see the depth of his personality. They talk anything and everything under the sun. Minsan nga ay nauuwi pa sa debate. Marahil ay mas nakatulong pa nga na sa telepono sila nag-uusap dahil hindi siya nagagambala sa mga titig at ngiti nito, na nangyayari sa tuwing magkaharap sila.

Magkausap sila kagabi at magpadala din ito ng text message kaninang umaga, pero walang nasabi ang binata na pauwi na ito, kaya isang malaking sorpresa ang makita ito ngayong hapon.

"Aileen, halika na," yaya ni Cheryl dito.

"Ano ka ba?! Sandali lang. Sweet scene ahead, o," protesta nito habang hinihigit ni Cheryl sa direksyon kung saan nakaparada ang kotse nito.

"Para na sa kanilang dalawa 'yan. Halika na," ani Cheryl, patuloy pa ring pilit na hinihigit si Aileen gamit ang isang kamay.

May ngiti sa mga labing maglakad ang binata palapit sa kanya. Ang puting polo shirt nito ay humahakab sa matipunong balikat at braso ng binata, nakasuot ito ng asul na pantalong maong at sneakers. Hawak nito sa isang kamay ang bulaklak, habang ang kabilang kamay naman ay may dalang dalawang ecobag na may tatak na Coron, Palawan.

"Hi," ani Euan, iniabot ang bulaklak na hawak sa kanya.

"Hi yourself," ani Shaine. Her hands are trembling and she felt giddies inside. She breath deeply to collect herself.

Iniabot ng binata ang ecobag sa mga kaibigan niya. Matapos magpasalamat sa pasalubong ng binata ay muling hinila ni Cheryl si Aileen, na nagpahigit na sa kaibigan. Kumaway muna ang dalawa bago lumulan sa kotse ni Aileen at umalis.

"Ipinagpaalam na kita kanina sa Nanay Millie," anito habang nagbibiyahe sila. "Pero, ipinangako kong uuwi rin tayo nang maaga dahil may pasok ka pa bukas."

"Salamat," tugon niya sa binata, nawala na sa loob niyang magpaalam sa tiyahin na hindi siya makauwi nang tama sa oras ngayon.

Matapos mag-dinner sa isang restaurant sa Nuvali ay muli silang nagbiyahe pa-Tagaytay. Comfortable silence is between them, but she is fidgeting on her seat. His nearness makes her nervous but excited at the same time.

Hindi na siya nagulat na sa loob ng subdivision sila pumunta ng binata. Nasabi na nitong minsan na sa lugar na ito maladas magpalipas ng oras ang binata, lalo na sa tuwing may matatapos na stressful na project. At hindi siya nagtataka kung bakit. Ang magandang tanawin sa harap nila ay sapat na para makalimutan kahit panandalian ang ano mang alalahanin. The beautiful contrast of darkness and bright city lights makes you realize how tiny your worry is, compared to the vastness in front of you.

Inalalayan siya ni Euan papunta sa isang nipa house. Ang itsura ay yaong katulad ng mga nasa resort, gawa ito sa kawayan at ang bubong ay cogon leaves.

"Comfortable?" tanong ng binata matapos niyang maupo sa bangko sa loob ng nipa house.

"Yes. Thank you,"  hinawakan niya ng mahigpit ang canister ng kape na binili nila kanina paakyat sa Tagaytay.

Nararamdan niya ang paunang lamig sa balat dulot ng malamig na klima sa lugar na ito. Maliwanag sa loob dahil may ilaw na binuhay ang binata pagpasok nila roon.

"Wala pa ito noong pumunta tayo rito noon, di ba?” ani Shaine, nilibot ang paningin sa loob ng kubo.

"Oo, kapapagawa ko lang nito noong isang linggo. Alam kong mapapadalas ang pagpasyal ko sa lugar na ito, eh," nataupo ito sa tabi niya, hawak na nito ang gitara at sinimulang patugtugin iyon.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pauwi ka na?"

"Gusto kitang sorpresahin," nakangiting sagot nito.

"At totoong nasorpresa mo ako," binitawan niya ang kapeng hawak. Ang lamig na nararamdaman kanina ay nawala na. Sapat na ang presensya ng binata sa kanyang tabi para maghatid ng kakaibang init sa pakiramdam niya.

"Kailan ka dumating?"

"Kanina lang."

"Hindi ba dapat nagpahiga ka muna? Hindi naman bakasyon ang ipinunta mo sa Palawan."

"Gusto na kitang makita, Sweetheart. Napakatagal nang mahigit tatlong linggo. Hindi ko na kayang magpalipas pa ng isang araw na hindi kita nakikita."

Naghatid ng ibayong kiliti sa kanyang puso ang sinabi nito, dahil siya man ay gan'on ang nararamdaman. Sa loob ng tatlong linggong wala ang binata ay lagi siyang pinupuna ng mga kaibigan na parang malungkot siya. Daig pa nga raw niya si Cheryl na may masaklap na natuklasan tungkol sa latest ex-boyfriend.

"Ilang kwarto ang gusto mo sa bahay?" tanong ni Euan.

"Gusto ko ng tatlong anak.  So, three rooms for them….”

“Tatlo lang? Hindi pwedeng lima?” ani Euan.

Nanlaki ang mga mata ni Shaine, “Mahirap manganak! Nakita ko ang hipag ko nung naglalabor s'ya. Hindi biro!”

“Okay. Three it is. Ano pa?” nangingiting sagot ni Euan.

“Then, master's bedroom at isang guest room," ani Shaine. "Why the sudden interest?"

"Gusto ko nang uumpisahan ang design ng bahay na gusto mo."

"Why! Matutuwa ang mapapangasawa ko n'yan kapag nalaman na hindi na kami gagastos sa pagpapadrawing ng plano ng bahay," biro niya sa binata.

Ngunit hindi man lang ngumiti si Euan. Bagkos ay nagsalubong ang kilay nito bago binitawan ang gitara. The seriousness in his eyes makes her heart beat even faster.

"I told you before, and I will tell you again, I will never stop until you are mine. At kung kinakailangan kong harangan ng sibat ang sino mang magtatangkang lumapit sa'yo, gagawin ko," ang mainit na hininga ng binata ay tumatama sa kanyang mukha.

Sinalubong niya ang tingin nito, ang salitang gusto niyang idugtong sa birong sinabi kanina ay tuluyan na niyang nalimutan. His nearness, his warm breath and his minty sweet smell thills her.

"Sweetheart, I told you numerous times before, don't bite your lips," anito na nakatingin sa kanyang mga labi. Hindi siya aware na kagat na pala niya ang labi dala nang labis na tensyon.

"Why?" Shaine asks innocently.

"Because I am losing my control. And it makes me what to kiss you senseless," he whispered just above her lips.

Imbes na sumagot ay sinalubong lang niya ang tingin ni Euan. Shaine becomes breathless. Euan is intensely looking at her lips that Shaine feels as if he is already kissing her. She can feel the sweet tingling sensation coursing through her veins.

Shaine deliberately bite her lips. And the next thing she knows, his warm and soft lips envelops her quivering lips. It sends electric shock through-out her body. He teasingly nips her lower lip, gently probing her. Shaine opened up her lips, granting him entrance. She complete surrenders to him. But Euan’s kisses remains gentle, delicately sipping her lips, tasting her mouth.

Kung gaano katagal ang masuyong paghalik sa kanya ng binata ay hindi niya alam. She gasps for air when their lips parted. Shaine felt like drowning. A contented sigh escape her lips. Kung paanong nakapaikot na sa leeg ng binata ang mga kamay niya ay hindi niya alam.

Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. And the hungry look in Euan's eyes makes her nervous and thrilled at the same time. Hindi niya alam ang dapat sabihin, nanatili lamang nag-uusap ang kanilang mga mata.

"You are officially mine now," a lopsided smile appeared on his lips. And she is once again enchanted by those beautiful eyes. She did not say a word. Wala naman siyang tutol, dahil inaamin na niya ngayon sa sarili na mahal niya ang binata. Ang tanging nagawa niya ay ang marahang pagtango.

A genuine smile appeared on his lips, "Now, let's seal that again with a kiss," anito bago muling lumapat ang mga labi nito sa kanya.

************

"You're glowing!" sabi ni Cheryl. Kapapasok pa lang niya sa bangko ay iyon agad ang isinalubong sa kanya ng kaibigan. Hindi siya nakasabay sa mga ito dahil si Euan ang naghatid sa kanya papasok.

"Sinagot mo na, ano?" tanong naman ni Aileen.

Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi, kaya tinagunan na lang niya ang mga kaibigan.

Matapos ideklara ng binata na sila na ay nagyaya na itong umuwi. Sa durasyon ng biyahe nila pauwi ay hawak nito ang kamay niya. Ocassionally kissing her hands whenever he sees an opportunity. Binibitawan lang nito sa tuwing kailangang magpalit ng gear. Si Euan na rin ang nagsabi sa Tiya Millie na sinagot na niya ito. Hindi naman itinago ng Tiya Millie ang saya nito para sa kanila. Ang pinsan naman niya ay tinapik si Euan sa balikat at sinabihan nito si Euan na tandaan ang pinag-usapan nila dati.

Ang tili ng dalawang kaibigan niya ang nakapagpalingon sa ibang kasamahan nila na naroroon na rin. Maaga pa kaya wala pa naman halos lahat ng kasamahan nila sa trabaho.

"Ano ba?! Keep you voices low," natatawang sita niya sa dalawa.

"Details! Every details!" ani Aileen.

"Every details talaga?" ani Cheryl, "'Yong important details na lang. You can keep the kissing part to yourself."

Halata ang protesta sa mukha ni Aileen. "Ano ka ba?! Yun ang babayaran!" bumaling ito sa kanya. "Spill it! All of it!"

Naiiling siya sa mga kaibigan at alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito. Ikinuwento niya ang pagkain nila sa labas hanggang sa pagpunta nila sa subdivision sa Tagaytay.

"And? Yun lang? Pa'no mo s'ya sinagot?" tanong ni Aileen.

"Sabi ni Cheryl, I keep the kissing part to myself," hindi niya napigilan ang ngiti sa mga labi.

Muling tumili ang dalawa kaya naitakip niya ang mga kamay sa bibig ng mga kaibigan.

*******************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

MY SAVORY LOVE (Book 2) - Marson and Cheryl Lei

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

You can also follow me on my Facebook Account:

DEANDRA PAIGE

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 123 6
(On-Going) "Choose... love me or die with me, Bea?" -Roque Zapanta Book cover is a fan made -ctto
2M 80.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
796K 27.1K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
356K 5.4K 23
Dice and Madisson