My Sweet Surrender (COMPLETED...

By AleezaMireya

89.4K 2.6K 230

Love Bites Trilogy - Book 1 (Completed) "Hindi ako over-confident, Sweetheart, I am determined. Magkaiba iyo... More

AUTHOR'S NOTE
Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 7

4.4K 171 11
By AleezaMireya

Pagmulat pa lang ng mga mata ay may ngiti na kaagad sa mga labi ni Shaine. Magaan ang kanyang pakiramdam kaya bumangon na kaagad siya. She checked her phone and saw a message from Euan greeting her a good morning.

Matapos magtapat ng hangarin ang binata sa kanya ay ihinatid na siya nito sa bahay. Pagparada pa lang ng binata sa tapat ng bahay nila, hindi pa man lang siya nakakababa ng sasakyan, ay kaagad na bumukas na ang gate at lumabas ang pinsan niya. Seryoso ang mukha nito at nakatingin kay Euan.

"Kuya, may problema ba? Ang Tiya?" nag-alalang tanong niya matapos bumaba ng kotse.

"Walang problema. Pumasok ka na sa loob. Mag-uusap lang kaming dalawa," anito na nakatingin pa rin kay Euan.

Lumingon siya sa binata at ngumiti, "Thank you."

"Good night, Sweetheart. I will see you again tomorrow."

"Sige na, Shaine, pumasok ka na. Ako na ang bahala rito," seryosong sabi pa rin ni Marson.

"Ingat ka," aniya kay Euan bago tuluyang tumalikod at pumasok sa bahay.

Alas-nwebe kwarenta y singko na ng gabi kaya hindi na siya nagtaka na wala na sa sala ang mag-asawa. Maagang matulog ang mga ito. Dumiretso na siya sa kwarto at sumilip sa bintana. Mukhang matatagalan pa ang pag-uusap ng dalawa sa labas dahil nakita niyang sumandal pa si Euan sa pintuan ng kotse nito. Lumayo na siyang muli sa bintana at pumasok sa banyo para maglinis ng katawan at magbihis. Paglabas ng banyo ay nasilip niyang wala na ang binata sa labas ng bahay, ngunit may mensahe ito sa cellphone n'ya. He is wishing her good night.

Pagbukas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay narinig niya ang pamilyar na mga boses sa ibaba. Dali-dali siyang nanaog sa hagdanan. Nakita niya sina Nanay Celia at Tatay Andres sa lamesa at nagkakape kausap ang kanyang tiyo at tiya. Nagmano siya sa mga ito bago naupo sa tabi ng kanyang ina.

"Bakit hindi man lang po kayo nagpasabi na pupunta pala kayo rito ngayon?" tanong niya.

"Tumawag kami kagabi, sabi ng tiya mo nasa labas ka pa raw," sagot ng ina niya. Hindi nito itinago ang nanunudyong ngiti sa mga labi. "Dalaga na talaga ang bunso ko. Nakikipag-date na. Dati'y nagagalit ka pa kapag may nag-aayang lumabas."

Ngumiti siya sa ina, uminom sa kape na nakapatong sa harapan nito. "'Nay, twenty six na po ako, hindi naman po siguro masama na lumabas ako paminsan-minsan."

"Kumusta ang date, anak? Maayos naman ba?" tanong ng ina niya.

"Opo, 'Nay. Mabait po si Euan at maalalahanin. Dumaan po kami saglit sa bahay nila. Nakilala ko po ang nanay n'ya."

Tumikhim ang ama niya kaya napalingon silang lahat dito.

"At hindi pa man lang namin kilala ang lalaking iyon," seryosong sabi ng ama niya.

Tumayo si Shaine at lumapit sa ama para maglambing. Kilala niya ito, alam niyang hindi talaga ito galit, nag-aalala lang ito para sa kanya. "Ang tatay naman. Kilala siya ng Tiya Millie. Kaibigan siya ni Kuya Marson. Mabuti po siyang tao. Hindi naman po ako sasama sa kanya kung may pagdududa ako," tumayo siya sa likod ng bangkong inuupuan nito at humawak sa magkabilang balikat ng ama.

"Andres, hindi ko ipapahamak ang anak mo. Bunso ko na 'yan at sinisigurado ko sa'yo na mabuting tao at maayos ang pamilya ni Euan," sagot ng tiya n'ya.

"Nakilala mo na ang nanay n'ya? Mabait naman ba?" tanong naman ng ina n'ya.

"Opo, 'Nay. Hindi lang mabait, maasikaso rin po," nanatili siya sa likod ng ama at hinilot ang balikat nito para maibsan ang tensyon doon.

Tumingin siyang muli sa ama na nanatiling tahimik. "Tay, malaki na po ako. Alam ko na po ang tama at mali dahil napalaki n'yo po ako nang maayos, kami nila kuya. Wala po ba kayong tiwala sa akin?"

"Sa'yo, anak, meron. Pero sa kung sino mang lalaking 'yon, wala," seryosong sagot nito.

"'Tay naman. Siguro naman po sapat na ang pagtitiwala n'yo sa akin para makampante kayo," naglalambing pa ring sabi niya rito.

Hindi na ito umimik, sa halip ay himigop uli ito ng kape.

"Sino po ang kasama n'yo?" tanong niya sa ina.

"Ang Kuya Sherwin mo, s'ya ang nagdrive sa amin ngayon. Kabuwanan na ng Ate Mildred at pwede nang manganak ano mang araw ngayon kaya hindi na sumama ang Kuya Sandro mo. Mahirap nang kung kailan kami nasa biyahe ay saka naman kailanganing dalhin sa ospital ang hipag mo. Ang Kuya Samuel mo naman ang naiwan para mag-asikaso sa mga baka natin."

"Nasaan po si Kuya Sherwin?" aniya, hindi pa niya ito nakikita simula ng bumaba.

"Nabili lang ng pandesal kasama ang Kuya Marson mo," sagot ng Tiya Millie.

"Alam mo naman 'yon, kahit na may ibang tinapay, ang gusto pa din sa umaga ay bagong lutong pandesal," dagdag naman ng ina n'ya.

Lumalakad na siya pabalik sa tabi ng ina nang marinig ang doorbell. Siya na ang nagbukas ng gate at gayon na lang ang gulat niya nang makita na ang mga kaibigan pala niya ang nasa labas.

"Surprise!" sabi ni Aileen. "Baka hindi ka magjogging kaya naisip namin na sunduin ka na."

"Nakabihis na ako. Pero malamang hindi talaga ako makaalis. Narito sina Nanay at Tatay," sagot ni Shaine.

"Talaga, nad'yan sila! Free gulay!" dirediretsong pumasok sa bahay si Aileen. Naiwan sila ni Cheryl sa gate at sinundan ng tingin ang kaibigan.

"Tingnan mo 'yong babaing 'yon, hindi na talaga nahiya. Siguradong guguluhin na naman noon ang parents mo," naiiling na sabi ni Cheryl.

"Ano pa bang bago kay Aileen," natatawang sabi din niya. "Halika na muna sa loob."

"Mabuti pa nga dahil tiyak na hindi naman tayo makakaalis kaagad," anito na pumasok na rin sa loob ng bakuran.

Kilala ng mga kaibigan niya ang mga magulang. Naipakilala na ni Shaine ang mga ito sa isa't isa noon pa, at ilang beses na ring nagkita ang mga ito sa tuwing napunta doon ang mga magulang niya. Hindi siya madalas na pinapauwi ng mga magulang. Ang katuwiran ng mga ito ay nabiyahe naman lagi pa-Maynila para magdeliver ng mga gulay na inani nila. Sila na lang daw ang pupunta sa kanya sa bahay ng Tiya Millie. Pero alam niyang ang totoo ay ayaw lang ng mga magulang na parati siyang nabiyahe.

Pagpasok nila ni Cheryl sa may kusina ay inabutan niya ang kaibigan na kausap na ang nanay at tatay niya. Ang ama niya ay nakita niyang nakatawa na at nawala na ang kaseryosohan sa mukha.

"Tito, Tita, since dito naman po kayo maghapon, hihiramin po muna namin si Shaine. Magjojoging lang po kami saglit," nakangiting sabi nito.

"Sige, anak. Walang problema." sagot ng ina niya.

"Salamat po," lumingon sa kanya ang kaibigan at nginitian siya, parang sinasabing hindi siya makakatakas sa pangungulit nito. Binalingan ulit nito ang kanyang mga magulang. "Mamaya ko na po babalikan ang free gulay. Salamat po in advance."

Dahil sa sinabi nito ay natawang muli ang tatay n'ya. "Alam kong hihingi ka kaya ipinagbukod na kitang sadya. May sitaw, talong at young corn akong dala para sa inyo ni Cheryl. Daanan n'yo na lang mamaya."

"Wow, salamat po, Tito! Ang bait n'yo talaga. Pwede n'yo po ba ako ampunin, kahit mga isang linggo lang? Willing po akong mamitas ng gulay," biro ni Aileen.

"Wag na. Baka akala namin may paninda kami, yun pala iuuwi mo lang lahat ng pinitas mo," sansala ni Shaine sa kaibigan.

"Actually," tumatawang sagot ni Aileen. Lumakad ito palapit sa kanila ni Cheryl, pero biglang tumigil sa paghakbang at lumampas ang tingin sa kanila, nakatingin sa mga bagong dating.

"Ano nga ulit ang pangalan ng isang kuya mo?" pabulong na tanong ni Aileen.

Nilingon ni Shaine ang mga bagong dating, ang kuya at ang pinsan niya. "Sherwin."

Bigla siyang hinawi ng kaibigan at inilahad ang kamay sa kuya n'ya. "Hi, ako si Aileen. Kaibigan ni Shaine. You're single, right?"

Dirediretsong tanong nito sa kuya niya. Kumunot ang noo ng kapatid niya at tiningnan ang dalaga, pero inabot pa rin ang kamay ng kaibigan niya.

"My name is Sherwin, not single." seryosong sagot nito.

Tumawa ang kaibigan niya at nilingon siya. Hindi man lang binawi ang kamay sa kuya niya, "Ay, bet ko ang joke nito. I like him. Pakakasalan ko na 'to. Magiging ate mo ako," nakatawang sabi nito na ikinatawa ng ibang naroon pero ikinakunot lalo ng noo ng kuya niya.

Matapos tanawanan ang kaibigan ay binulungan niya si Cheryl, "Bantayan mo muna ang babaeng iyan. Titingnan ko lang kung sino yung nagdodoorbell," ani Shaine bago muling lumakad palabas ng bahay.

"Good morning, Sweetheart," ani Euan pagbukas niya ng gate.

"Good morning din. Pasok ka," ani Shaine, niluwagan ang pagkakabukas sa pinto. Kasabay ng pagngiti ni Shaine ang pagririgudon ng kanyang puso. "Ang aga mo yata. May lakad kayo ni Kuya Marson?"

"Wala naman. Actually, ikaw ang talagang ipinunta ko rito," ani Euan nang makalapit sa tabi niya, "Gusto kang imbitahan ni Mommy na magdinner sa bahay. Gusto ka ring makilala ng Daddy at ng mga kapatid ko."

Bigla siyang nakaramdam ng nerbiyos sa sinabi ng binata. "Sandali lang," aniya na itinaas pa ang dalawang kamay, "Gusto ko lang linawin. Alam ng pamilya mo na hindi mo ako girlfriend, 'di ba?"

"Alam nila na hindi pa kita girlfriend. Pero alam din nila na eventually, you will be," sagot nito.

Pinaningkitan niya ng mga mata ang binata at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang bewang, "Alam mo, ang over-confidence, imbes na makatulong, mas madalas nakakasira ng diskarte," aniya sa binata sa seryosong tinig. Pilit itinatago ang totoong epekto sa kanya ng sinabi nito.

Euan's eyes take a swift look on her body before he settles his gaze on her face. A corner of Euan's lips twitched, making Shaine's heart miss a couple of beats. Shaine can feel her cheecks burning. She's trying her best to keep her composure.

"Hindi ako over-confident, Sweetheart, I am determined. Magkaiba iyon. Gagawin ko ang lahat, mapasagot lang kita," seryosong sagot ni Euan. He then smile at her charmingly.

Kinagat ni Shaine ang dila para mapigilan ang ngiting gustong umalpas sa mga labi. The guy definitely knows all the right moves and all the right words to say. And his mesmerazing dimpled smile and twinkling eyes is a lethal combination. Idagdag pa ang amoy nito na unti-unti na namang nagpapalabo sa isip niya.

"Uuwi na kami. Baka kung ano na namang gawin ng babaing ito. Ipapa-lock ko muna ito kay Tita Maggie sa kwarto n'ya," ani Cheryl na bagong labas sa bahay. Sa isang kamay ay hawak ang basket ng gulay at sa kabila naman ay hatak-hatak si Aileen na may dala ring basket ng gulay. "Ibibilin ko na rin tuloy na wag papalabasin hangga't hindi natuturukan ng gamot n'ya."

"Teka! Sandali! Manliligaw pa ako," ani Aileen. "At saka magkukuwento pa itong bruhildang ito."

"Saka na! Kita mong may bisita!" ani Cheryl na hindi binitawan ang braso ni Aileen.

"Ligtas ka ngayon. Sa susunod, wala ka nang kawala. Alam ko na, mamayang hapon na lang kami pupunta. Makikihapunan ako ha!" pabahol na sigaw ni Aileen bago tuluyang lumabas sa gate.

"I like your friends," natatawang kumento ni Euan, nakatanaw rin sa gate na nilabasan ng mga kaibigan.

"Yeah. Sila ang dahilan kaya nalibang ako rito kahit na ba malayo ako sa pamilya ko," ani Shaine.

"Speaking of pamilya. Ano, pwede ba kitang maisama mamaya? " ani Euan. Sa mga mata nito ang pag-asam na sama ay makasama nga siya.

Hindi alam ni Shaine ang dapat isagot sa binata. Ang alam niya, ang meet the parents ay nangyayari kapag nasa relasyon na ang dalawang tao. Bakit sa kanila ni Euan, parang baliktad yata? But the thought that Euan wants her to meet his family as early as now makes her heart glow.

"Don't bite you lips, Sweetheart," Euan said in a tone just above whisper, even his eyes suddenly becomes hooded. His hands roll to a fist, as if fighting hard for self control.

Hindi namalayan ni Shaine na kagat pala niya ang labi. At lalong siyang namula dahil sa reaksyon ng binata. "Anong oras mo ba ako susunduin kung sakali?" pinipilit niyang balewalain ang init sa ilalim ng sikmura.

"Six, perhaps," ani Euan. Inilagay nito ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalog maong.

Ang pagtawa ng ina niya ang nakapigil sa kanya sa pagsagot sa binata. Naalala niya na naroon ang mga ito, "Halika muna dito sa may garden. Ipapakilala kita sa nanay ko."

"So, ako naman pala ngayon ang haharap sa nanay mo," ani Euan. Ni hindi man lang kinabakasan ng kahit konting kaba ang boses ng binata. At naisip niyang subukan ang tatag at tiwala nito sa sarili.

"Actually, hindi lang ang nanay ko ang narito. Pati ang tatay ko at ang isa sa mga kuya ko," aniya na inoobserbahan ang magiging reaksyon nito. Pero taliwas sa inaasahan niya, nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ng binata at ang determinasyon sa mga mata nito.

"Oras na pala para ipakita ko ang intensyon ko sa mga pinakamahahalagang taong sa buhay mo. "

Dahil sa nakitang reaksyon ng binata ay siya ang biglang nagkaroon ng alinlangan kung tama nga bang ipakilala n'ya ito sa pamilya. Ngunit naisip niya na para mawala ang pagdududa ng ama ay mas makabubuti kung ipapakilala na niya rito ang binata.

Inabutan niya ang nanay niya na nakaupo katabi ng ama niya. Inaayos ng ama niya ang pagkakatali ng puno ng kamatis sa patpat na itinayo nito katabi ng halaman. Hitik iyon sa bunga kaya naman halos lumaylay na ang mga sanga at tinatalian iyon ng ama niya para hindi sumayad ang mga bunga nito sa lupa.

"'Nay, 'Tay, si Euan po," aniya nang makalapit sila sa mga ito. Ang kanyang ina ay kaagad na tumayo at ngumiti nang makita sila. Ang kanyang ama naman ay biglang napalis ang ngiti sa mga labi. Tinapos muna nito ang ginagawa bago tumayo.

"Magandang umaga po, Ma'am, Sir," nakangiting bati ng binata sa mga magulang niya, "Nice to meet you po," inilahad nito ang kamay.

"Magandang umaga rin sa'yo," nakangiti ring sagot ng ina niya, ikinumpas nito ang kamay, "'Wag na, marumi ang kamay ko. Nagbungkal kami ng lupa."

Ngunit ang kanyang ama ay inabot ang kamay ng binata sa kabila ng puro putik na kamay, "Mag-lulupa tayo. Walang dapat ikahiya kung puro lupa ang kamay natin," sansala naman ng ama niya. Bakas sa mata ng ama ang paghamon at babala sa binatang kaharap.

Mahigpit na nagkamay si Euan at ang kanyang ama. Hindi naman ininda ng binata ang pasaring ng ama niya, bagkos ay nanatiling nakangiti ito.

"Totoo po iyon. Wala po talagang dapat ikahiya, lalo na at marangal naman po ang ginagawa," nakatingin nang diretso ang binata sa mata ng kanyang ama.

"Bakit? Naranasan mo na bang magbungkal ng lupa?" anang ama niya, nanatiling seryoso ang tinig nito.

Tumango ang binata bilang sagot sa tanong ng tatay niya, "Pati po ng paghalo ng semento at iba pang manual labor sa construction ay ipinaranas niya sa akin bago niya ako pinagkatiwalaang maghandle ng project. Gusto po ng ama ko na pahalagahan namin ang kung ano man ang tinatamasa amin. At naniniwala po akong mas iingatan at papahalagahan natin ang bagay na pinaghirapang makamtan."

Ang ina niya ay tumingin sa kanya at ngumiti bago hinawakan ang braso ng kanyang ama. Binitawan na ng ama niya ang kamay ng binata, ngunit seryoso pa rin ang mukha nito.

"Napasyal ka yata, hijo," sabi ng ina niya.

"Ang agang pamamasyal," pormal pa ring salita ng ama niya.

"'Tay," nilingon ito ng ina niya at binigyan ng nagbababalang tingin.

"May pupuntahan po ako. Dumaan lang po ako rito para sana imbitahan ang anak ninyo na sa bahay na namin maghapunan mamaya," lumingon sa kanya ang binata at ngumiti.

"Hindi pwede," ang mabilis na sagot ng ama niya.

"Nauunawaan ko po, Sir. Ipapaalam ko na lang po sa ina ko na hindi ko po maisasama si Shaine ngayon dahil narito po kayo," nanatili ang paggalang sa boses ng binata, pero ang determinasyon sa mga mata nito ay hindi nagbabago.

Nangingiti pero naiiling ang nanay niya. Nakita ni Shaine ang bahagyang pagdiin ng hawak ng ina niya sa braso ng kanyang ama. "Maupo kaya muna tayo," anang ina niya na hinayon ng tingin ang garden table.

"May pupuntahan nga s'ya, di ba. Paalis na rin kaagad 'yan," anang ama niya, halata sa boses nito ang pagtutol.

"'Tay," malambing na sabi niya sa ama niya, humakbang din siya palapit dito. Nagugulat si Shaine sa inaasal ng ama. Kilala niya itong madiplomasyang tao at magaling makipagkapwa kaya ipinagtataka niya ang mga kilos nito ngayon.

"Euan, tamang-tama, narito ka. Pumasok ka na muna sa loob at makakain ng agahan," ang sabi ng Tiya Millie niya na kalalabas lang sa tagiliran ng bahay. May suot pa itong apron. "Andres, sa loob mo na ituloy ang interogasyon mo sa binatang iyan," anito sa tatay niya.

Ang Kuya Sherwin at ang pinsan niya ay lumabas din sa pintuan kasunod ng tiya niya.

"Pare, ang aga mo na naman. Filipino ka bang talaga?" nakatawang puna ng pinsan niya sa binata.

Tinawanan lang ng binata ang biro ng pinsan niya, "Pupunta ako sa Los Banos, sa isang project namin doon na malapit nang i-turn-over sa kliyente namin. Tiyak na hapon na ako makakabalik kaya dumaan lang ako rito ngayong umaga, para sana imbitahan si Shaine na sa bahay na maghapunan."

Nakita niyang pasimpleng ipinunas ng binata ang kamay nito sa damit na suot, humarap sa kuya niya at iniabot ang kanang kamay, "Euan, pare."

"Sherwin," seryosong sagot ng kapatid, na hindi na pinagtakhan ni Shaine dahil madalas naman na itong ganoon.

"Hindi na rin po ako magtatagal. May kompromiso po akong oras sa Los Banos. Sa ibang pagkakataon ko po pauunlakan ang agahan na inaalok n'yo, Nanay Millie."

"Pero nakapag-agahan ka na ba? May kalayuan din ang Los Banos dito," ani Shaine.

"Kumain na ako sa bahay, Sweetheart. Laging maaga nag-uumpisa ang araw ko," ngumiti ito sa kanya bago muling tumingin sa mga magulang niya, "Salamat po. Tutuloy na po ako."

"Ihahatid na kita sa labas," aniya sa binata. Sabay silang humakbang papunta sa gate.

"Shaine, kakain na. Bilisan mo," anang ama niya.

*******************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

MY SAVORY LOVE (Book 2) - Marson and Cheryl Lei

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

You can also follow me on my Facebook Account:

DEANDRA PAIGE

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 32.8K 35
Book 3 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon is willing to do anything just to keep Mikel in her arms. If she has to runaway just to keep her s...
1M 33K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.2M 33.6K 35
Beatrix Hayle Ponce de Leon always gets what she wants pero sa tuwing nakukuha niya kung ano ang mga gusto niya ay kaagad lamang siyang nagsasawa. Es...