My Sweet Surrender (COMPLETED...

By AleezaMireya

89.4K 2.6K 230

Love Bites Trilogy - Book 1 (Completed) "Hindi ako over-confident, Sweetheart, I am determined. Magkaiba iyo... More

AUTHOR'S NOTE
Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 6

4.5K 174 18
By AleezaMireya

"Thank you for accepting my invitation, Sweetheart."

Pagsakay niya sa sasakyan nito kanina ay ramdam na ramdam ni Shaine ang tensyon sa pagitan nila. Mas lalo pa nga yata iyong lumala dahil sa biro ni Aileen. Nilibang na lang niya ang sarili sa pagtanaw sa labas ng kotse.

Kanina'y alam niya na handa ang binata na ihatid siya kung ipipilit niyang magpahatid sa bahay. But curiosity won. Gusto niyang makilala rin ang binata. At alam din naman niyang kung hindi niya pagbibigyan ang binata ngayon, natitiyak niya na uulitin pa rin nito ang pag-imbita ka kanya.

Isa pa, ayaw man niyang aminin sa sarili, gusto rin niyang makasama ito. Wala pang lalaking nakapagparamdam sa kanya ng kakaibang kabang dulot ng binata. Ito pa rin lang ang lalaking nakapagdulot ng gulo sa isip niya. Dati-rati'y wala siyang lalaking pinaglalaanan ng atensyon, na walang kahirap-hirap na nakuha ng lalaking ito.

"I have a feeling I will never win the sweerheart argument," sa halip na sagot ni Shaine.

His dimpled smile appears once again. "You're right, Sweetheart. Anyway, I hope it's okay with you if we drop-by somewhere first. May kukunin lang ako saglit," anito habang nagbibiyahe na sila.

"Kung kukunin mo ang wallet mo, don't bother. May dala ako rito. Sagot ko na," aniya sa binata matapos itong lingunin.

Tumawa ito, "It will not take longer than five minutes. Promise," ani Euan habang binabagtas nila ang kahabaan ng Sta. Rosa - Tagaytay Road.

Karaniwan nang matrapik sa lugar na iyon, lalo na kapag weekends dahil sa mga kainan at pasyalan sa area ng Nuvali, kaya ipinagpasalamat niya na mabilis pa rin ang naging biyabe nila. Maluwag ang kalsada at kakaunti ng mga sasakyan kumpara sa inaasahan niyang bilang ng mga sasakyang umaakyat sa Tagaytay kapag tag-init. Malamang ay bukas pa nang madaling-araw ang dagsa ng mga paakyat sa Tagaytay at sa karatig probinsya na Batangas kung saan maraming magagandang beach.

Lumiko ang binata sa isang private road. Maya-maya pa'y bumusina sa mataas na gate. Ipinasok ng binata ang kotse nito sa loob ng bakuran at ipinarada sa driveway.

Naunang bumaba ang binata at umikot sa sasakyan para pagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nito pababa ng sasakyan. Iniwan niya ang bulaklak na ibinigay ng binata sa loob ng kotse, tanging ang bag niya ang dinala, pero dinampot iyon ni Euan bago isinara ang pinto.

She can't help but admire the two-story neoclassical house in front of her, the tall columns that supported the portico that led to door of the house, the symmetrical and well-proportioned windows shows that the house was designed by a talented architect. The lights that illuminated the windows brings-out the elegance of the house.

Kahit agaw-dilim na, ang puting pintura ng bahay ay lutang na lutang pa rin.

Nilingon ni Euan ang lalaking nagbukas sa ng gate at iniabot dito ang susi ng kotse at ang bulaklak, "Hilux ang gagamitin namin. Pakilagay na nito sa loob ng SUV at iparada mo na lang dito sa driveway."

"Yes, boss."

"Pasok muna tayo saglit. I will introduce you to my mother," ani Euan sa kanya.

"What?!" gulat na napalingon siya sa binata. Kung kanina ay humahanga siya ganda ng bahay, ngayon ay napalitan iyon ng kaba. She dreaded the thought of entering the house. "Binigyan mo man lang sana ako ng babala na bahay n'yo pala ang pupuntahan natin. At makakaharap ko ang nanay mo!"

"Don't worry, nasisigurado kong magugustuhan ka niya. Besides, sabi mo pwede kitang dalhin kahit saan, di ba?" pabirong sagot nito.

"Not funny, Silva," aniya, pinaningkitan ng mata ang binata. Pinaghalo-halong inis at kaba ang nararamdaman ni Shaine.

"Sweetheat, just relax. Everything's gon'na be okay."

Hindi pa man tapos sabihin ng binata ang salitang iyon ay narinig na niya ang pagtawag ng isang babae sa pangalan nito.

"Hi, Mom," sagot nito sa babaeng nakatayo sa may pintuan ng bahay. Nakangiti ito, nakasuot ng asul na bestidang abot hanggang tuhod at nakapusod ang buhok.

"Anak, bring her in. I want to meet her," anito sa boses na halata ang pagkasabik.

Napatingin siya sa binata, hindi niya ang alam ang gagawin, "I could kill you for this," pabulong na banta niya rito.

"Sandali lang tayo, Sweetheart, I promise. Kukunin lang natin ang mga pagkain."

"Anong pagkain?" tanong niya sa binata habang inaalalayan siya nito paakyat sa ilang baitang ng hagdanan ng portico.

"Our dinner," sagot nito.

"Nagbago na ba ang isip mo, anak? Dito na ba kayo mag-didinner dalawa?" bakas sa mukha ng ina ni Euan ang saya. Bumaling ito sa kanya, ang ngiti sa mga labi ay naroon pa rin.

"You're very beautiful in person, hija," anito. Sa malapitan ay napagmasdan niya ang ina ng binata. Maaliwalas ang bukas ng mukha nito, bilugan ang mga mata at matangos ang ilong. At nalaman niyang ang maliliit na biloy ni Euan sa gilid ng mga labi ay namana nito sa ina.

"No, Mom. We will head-out as planned," sagot ng binata bago siya muling binalingan. "Shaine, meet my wonderful mother, Martina Silva. Mom, she is Shaine Condino."

"Nice meeting you po, Ma'am. Pasensya na po kung wala man lang po akong nadala para sa inyo. Hindi po nasabi ng anak n'yo na dadaan kami rito," aniya sa ginang na may alanganing ngiti sa mga labi.

Binigyan niya ang binata ng nag-aakusang tingin. Hindi siya handa sa pagkikitang iyon. Puno ng kaba ang kanyang dibdib.

"Drop the Ma'am, hija, just call me Tita Matty. Wag mo na ring intindihin ang pasalubong. Pasok ka. I'm sure my husband will be thrilled to meet you too," masayang sabi pa rin ng ginang.

"Mom, hindi na po namin maaantay si Dad. Hindi ko s'ya pwedeng ihatid ng late," sansala nito sa ina. "Ready na po ba ang pagkain?"

"Handa na. Ipinapack ko na kay Ising kanina. Baka nakaayos na iyon," anang ginang bago muling bumaling sa kanya. "Sayang at hindi mo makikilala ang asawa ko. Sabagay, pwede ka namang bumalik sa ibang araw. Sana'y magustuhan mo ang luto ko. I prepared lasagna. Paborito mo raw 'yon sabi ni Euan. Nang malaman kong susunduin ka ng anak ko'y naghanda na ako ng hapunan. Dangan nga lamang at may plano na pala kayo. Ipinilit ko na lang na kunin n'yo na lang dito ang mga niluto ko, kesa naman bumili pa kayo."

Hindi niya alam ang dapat sabihin sa ginang kaya ngumiti na lang siyang muli at nagpasalamat. Nakapasok na sila sa sala ng bahay, iniikot ni Shaine ang paningin doon. She can't help but notice the luxury and opulence of the house. From the high decorated ceilings, to the marbled floor with Persian rugs, and the expensive looking erns and paintings that hung on the wall. Sa design pa lang ng bahay ay mahahatala na ang eleganteng panlasa ng may-ari ng niyon.

"Excuse me po, I will just go to the lady's room," Shaine need to have control over her emotions.

Bago ang lahat ng ito sa kanya at hindi niya alam kung paano pakibagayan ng binata. Lalo na ang ina nito, dahil kung pagbabatayan ang mga sinasabi nito'y para bang matagal na siyang kilala. Kailangan niyang sumagap ng hangin para paglinawin ang isip at kontrolin ang mabilis na tibok ng puso.

"Sige. Sasamahan na kita, hija."

Matapos makalabas mula sa lady's room ay sinalubong  na siya ng binata. Nakangiti itong lumapit sa kanya. "Ready to go, Sweetheart?"

"Yes," sagot niya.

"Nadala ko na sa sasakyan ang mga pagkain," sagot nito sa tanong na bago pa lang sana niya isasatinig.

"Saan tayo pupunta?"

"Makikita mo mamaya. Let's go?"

Matapos magpaalam at magpasalamat sa ina ng binata ay sumakay na sila sa Hilux. Nagbiyahe sila paakyat ng Tagaytay. Ang tensiyon na naramdaman niya kanina ay nabawasan na. Maging ang mabirong personalidad ng binata, na nakita niya nang una silang nagkita, ay napansin niyang muli dito ngayon. Pangiti-ngiti pa ang binata habang nagmamaneho.

Pagsakay niya sa sasakyan kanina ay napansin niya ang guitar bag nito sa backseat. Napansin din niya ang isang may kalakihang bag at tatlong throw pillow.

Ibinaling niyang muli ang tingin sa labas ng sasakyan. Sa malayo ay natatanaw niya ang maliwanag na mga siyudad sa magkakaratig na mga lalawigan ng Laguna, Batangas at Cavite. Napakagandang pagmasdan ng liwanag na nagmumula roon.

"Hindi ko pa nararating ang lugar na ito ng ganitong oras," inaabangan niya ang pagsungaw nang maliwanag na siyudad sa pagitan ng mga siwang ng puno na nadaraanan nila.

"Mas mapagmamasdan mong mabuti ang tanawin na 'yan sa lugar na pupuntahan natin mamaya," ani Euan.

Matapos ang security check sa gate ng isang subdivision ay pumasok sila sa loob noon.

"Nasaan tayo?" ani Shaine, pero ngiti lang ang isinagot ng binata sa tanong niya.

Tinitingnan niya ang hilera ng mga bahay na nadaraanan nila. Karaniwan na'y dalawang palapag ang mga bahay dito. Dumeretso pa ang binata sa pagmamaneho, napansin niya ang unti-unting pagdalang ng mga bahay sa parteng iyon ng subdivision. At ang pumalit ay ang magandang tanawin. The twinkling city lights are so pretty in the distance. Nahigit niya ang kanyang hininga.

"Narito na tayo, Sweetheart," tumigil ng kotse sa isang bakanteng lote. Sa tapat ng lote ay may poste ng ilaw na nagbibigay nang malamlam na liwanag sa kanila. Minaniobra ng binata ang sasakyan, ipinihit patalikod ang SUV sa magandang tanawin.

"Bumaba muna tayo," ani Euan. Muli siyang inalalayan nito palabas ng kotse. "Give me a short while, Sweerheart. Aayusin ko lang ang uupuan at pagkain natin."

Tumango lang siya. Ang kaalamang solo nila ang lugar na ito ay nagdulot ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Sinusundan niya ng tingin ang mabilis na galaw ng binata. Nakuha na nito ang malaking bag, na naglalaman pala ng picnic rug at blanket, at ang tatlong throw pillow sa backseat ay iniayos din nito sa likuran ng Hilux. Ipinatong nito sa likutan ng sasakyan ang gitara, katabi ng mga pagkaing kinuha nila sa bahay ng mga ito kanina.

"Already set, Sweetheart," nakangiting sabi nito sa kanya.

"Paano ako makakaakyat d'yan?" alanganing tanong ni Shaine. Skirt ang uniform na suot niya, bukod doon ay nakaheels pa siya. At sa taas ng Hilux ay duda siyang kakayanin niyang sumampa roon.

"I will carry you, Sweetheart," wika nito. Lumapit si Euan at tumayo sa harapan niya.

Hinawakan nito ang kanyang bewang, maingat siyang itinaas at iniupo sa likurang bahagi ng sasakyan. Ang init na nagmula sa mga daliri nito ay nanuot sa kanyang damit. Nagtama ang kanilang mga mata. Sweet tension suddenly fills the air. Nag-iwas siya ng paningin sa binata, itinaas ang nakalawit na paa para alisin ang sapatos ngunit hinawakan ni Euan ang kanyang binti.

"Ako na," anito bago inalis ng sapatos na suot niya.

"Thank you."

Sumampa rin ang binata sa likuran ng sasakyan at tinanggal nito ang safety shoes na suot, ipinatong katabi ng sapatos niya. The sight of their shoes side by side brings unexplainable feelings to her. Ni sa hinagap ay hindi niya akalaing makapagdadala ng ganoong pakiramdam ang isang napakasimpleng bagay. Maaaring balewala nga lang iyon sa binata, pero nagdala iyon ng ibayong saya sa kanyang dibdib.

And right there and then, she openly admitted the feelings she is trying to suppress and deny. She is attracted to him. Ang kaba, ang kalituhan at ang masarap na pakiramdam na hatid ng binata sa kanya ay dahil sa gusto niya ito.

She likes him. A lot.

And she is letting it flow now. Trusting God and letting Him design the greatest love story Shaine could ever hoped for. And admitting that brings a certain kind of serenity. Kahit na ba parang may nagrarambulan sa dibdib niya sa sobrang lakas ng tibok ng puso ay napakapayapa naman ng isip niya.

Inabot ng binata ang kanyang kamay at inalalayan siya nito hanggang sa maayos na makaupo. Ipinatas nito sa likuran niya ang throw pillow para maayos siyang makasandal.

"I wanted to bring candles, para mas romantic sana. Pero alam kong imposibleng mabuhay ang kandila dahil sa lakas ng hangin dito," ani Euan. A sheepish smile on his lips.

May dala itong re-chargable lamp na siyang naging ilaw nila, "I hope the city lights compensate for the pathertic lamp I brought."

"Oh it does, don't worry," sagot ni Shaine. Inabutan siya ng binata ng pagkain.

They ate in a comfortable silence with the city lights in front of them. Kahit hindi sila nag-uusap, nararamdaman niya ang matamang pag-oobserba ng binata sa kanya. Pinagtakhan iyon ni Shaine. Alam niyang mabiro ang binata kaya nagtataka siya kung bakit pagsampa nila sa likod ng Hilux ay biglang naging seryoso ito.

Matapos kumain ay inilagay nitong muli ang mga food containers sa loob ng bag na pinaglagyan ng mga iyon kanina.

"I hope I'm not boring you," anito. Inabot ni Euan ang gitara at sinimulan ang banayad na pagtugtog.

"No. I actually like this. Hindi ko alam na may gan'to kagandang lugar sa gabi na malapit lang pala sa amin," ani Shaine, nakatanaw pa rin sa harapan. "Kanino ang lugar na ito? Hindi ba tayo paaalisin kung sakaling may makakita sa'tin?

"Kilala ako ng mga guards ng subdivision. Dito ako madalas magpalipas ng oras basta may pagkakataon. At sa akin ang lote na 'to."

"Nice view. Kung ako man ang may gan'to kagandang lugar, mas gugustuhin ko ring dito magpalipas ng oras."

Malamig ang simoy ng hangin. Nararamdaman na ni Shaine ang pagsigid noon sa kanyang balat. Bahagya niyang pinagkiskis ang mga palad.

Binitawan ni Euan ang gitara, inabot ang blanket at ibinalabal sa kanya. "Giniginaw ka pa ba?"

"Hindi na. Salamat," hinawakan niya ang laylayan ng blanket na inilagay ng binata sa kanyang mga balikat at pinagsalikop iyon sa kandungan.

Muli itong naupo sa tabi niya. Strumming his guitar once again. "Nabili ko ang loteng ito dalawang taon na ang nakakaraan. Bago pa lang namin dinedevelop ang subdivision na ito noon, kaya nakapili ako nang magandang location. I wanted to build my future home in this place."

"Tiyak na matutuwa ang sino mang titira sa lugar na ito. Bakit hindi mo pa simulan ang construction ng bahay?"

"I want my future wife's approval on the design of our home. Hindi lang ako ang titira dito. Pati siya. And her dream house will be my dream home. So, basically, I am waiting for her."

Ang titig ng binata ay parang nagsasabing siya ang tinutukoy nito, pero hindi n'ya ugaling mag-assume ng bagay-bagay. At wala siyang kasiguraduhan sa talagang intensyon ng binata. Bukod sa pag-aya nito ng dinner sa kanya ay wala na itong sinabi pang ibang intensiyon.

"Ahm, espesyal palang talaga sayo ang lugar na ito kung gayon." Shaine fill her lungs with the cool night air, trying to clear the fog that is clouding her mind. Euan’s stare is starting to affect her again. "I feel like I'm intruding a personal space here."

Hindi ito umimik, pero nanatiling nakatitig sa kanya. Sinalubong ni Shaine ang matiim na pagtitig ng binata. At kung kanina ay giniginaw siya, unti-unti niyang ibinaba ang blanket na ibinalabal sa kanya ng binata. She need the cool night air to extinguish the embers that starts to burn in the pit of her stomach.

Hindi pa rin ihinihiwalay ni Euan ang paningin sa kanya nang magsimula itong tumugtog ng panibagong awit.

"Paano ka, magiging akin? Anong kailangan kong gawin? Anong kanta, ang aking aawitin? Nang 'di lang ang unan ko ang aking yayakapin sa pagtulog, pasensiya ka na ako'y nahulog, para sa'yo hindi ko plinano ito, pag-ibig pa minsan ang hahanap sa'yo."

Maganda ang tinig ng binata, ang intensidad ng emosyon ay makikita sa mga mata nito. Hindi magawang humiwalay ng tingin ni Shaine. Napakapit siya nang mahigpit sa blanket na nakapatong sa kandungan.

"Paano ka, magiging akin? Ilang tula pa ba ang lilikhain, upang malaman mo, na di 'to biro, at sobra sa lakas ang aking tama sa'yo, walang katulad, pasensiya ka na ako'y lumabis, sa sabik at bilis 'wag ka sanang maiinis, pag-ibig na lang ang gagawa ng paraan.”

“Hindi ko nais na guluhin ang buhay mo, hangad ko lang sana'y intindihin mo ang pagkahibang ko, sinabi mo rin naman, magkakambal ang ating nararamdaman, kaya't ang hiling ko, wag ka sanang mag-paalam. Paano ka, magiging akin? Nang walang masasaktan. Anong aking gagawin?"

Tapos na ang awit pero nanatili ang tingin nila sa isa't isa. Namalayan na lang niya na naibaba na ni Euan ang girata at hawak na nito ang kanyang mga kamay. Ang init na nagmumula sa mga kamay ng binata ay sapat na para malimutan niya ang malamig na simoy ng hangin na dimadampi sa kanila.

"I hope I'm not overwhelming you, Sweetheart. I just want you to know my intensions. I want you to me mine."

Hindi niya alam ang dapat sabihin. Kanina'y inamin n'ya sa sarili na gusto niya ang binata. At ang kaalamang gusto din siya nito ay nagbigay sa kanya ng saya. Sayang may kasamang takot. Hindi pa niya naranasan ang pumasok sa isang relasyon. At hindi niya alam kung ano ay inaasahan ng binata sa kanya.

"Euan, I am..... I’m not…. I mean, I….."

"Hindi mo kailangang sumagot ngayon, Sweetheart. Alam kong kailangan mo ng oras. And I respect that. Handa akong maghintay."

*******************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

MY SAVORY LOVE (Book 2) - Marson and Cheryl Lei

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

You can also follow me on my Facebook Account:

DEANDRA PAIGE

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 76.4K 21
Ang Ikalawang Serye. A girl dying from Leukemia was given a chance to make a wish, and there she met a mysterious guy who would lead her as she enter...
1M 32.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]