My Sweet Surrender (COMPLETED...

By AleezaMireya

89.1K 2.6K 230

Love Bites Trilogy - Book 1 (Completed) "Hindi ako over-confident, Sweetheart, I am determined. Magkaiba iyo... More

AUTHOR'S NOTE
Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 5

4.7K 171 11
By AleezaMireya

“Beshiewap.”

Napatingin si Shaine sa kaibigan na si Aileen. Pinagulong nito ang bangko palapit sa kanya bago bumulong, "Beshiewap, kung ice cream ka, tunaw ka na.”

“Ha? Puro ka talaga kalokohan,” napailing na lang si Shaine sa kaibigan. Hindi na bago sa kaya ang mga ganoong salita ni Aileen, ang pinakamasayahing taong nakilala niya.

“Hoy, Mamshie ang manhid mo po! Kanina ka pa tinititigan ni pogi, e. Kilala mo ba yung gwapong lalaking nasa pila? Kanina pa 'yan nandiyan, pero pinapauna yung mga nasa hulihan niya. Mukhang ikaw ang inaantay mabakante. At kanina ka pa rin pinagmamasdan. Hindi ka hinihiwalan ng tingin, ha," muling bulong ni Aileen, pasimpleng itinaas ang kamay at may itinurong kung sino. Nilingon ni Shaine ang itinuro nito.

Euan smiles at her when their eyes met. Shaine was so taken aback she did not return his smile. Hindi niya inaasahan na makikita ang binata ngayon. Matapos ang nagyari noong nakikain sa kanila ang binata ay wala siyang narinig na kahit na ano mula rito.

At imbes na matuwa sa bigla nitong pagkawala, hinanap pa niya ang presensya ng binata.

"Ay, award! Hindi mo na kailangang sumagot. Kilala ko ang ngiting iyon," wika nito bago muling pinagulong ang bangko pabalik sa tapat ng work station.

Huminga siya nang malalim para kalmahin ang pusong biglang lumakas ang pintig. Ipinaalala n'ya sa sarili na baka hindi naman siya ang talagang ipinunta ng binata sa bangko.

Nakatoka silang dalawa ni Aileen sa multiple transaction lane, kaya mas matagal ang pila sa lane nila, kumpara sa single transaction lane, kung saan nakatoka si Cheryl. Matapos ang transaction ng huling kliyente ay tumingin siya sa linya para tawagin ang kasunod.

"Next po," aniya with a ready smile on her lips.

Euan walked confidently towards her. Nakasafety shoes ito, ang abuhing polo shirt na may burda ng logo ng construction company ay nakapaloob sa pantalong maong. But even in his simple get-up, his presence is so commanding that even other clients can't help but look at him.

"Hi!" bati nito sa kanya, iniabot ang hawak na payment slip na may nakasingit na pera.

"Hi, Sir. Good morning po," pormal na tugon niya bago niyuko ang iniabot nito para iprocess.

"Please drop the po, Sweetheart. " 

Hindi niya pinansin ang sinabi ng binata at pinanatiling pormal ang boses at seryoso ang mukha, kahit lalong bumilis ang pintig ng kanyang puso nang marining ang tinig ng binata.

"Single transaction lang po pala kayo. Sana kanina pa po kayo natapos kung pumunta kayo sa kabilang linya," aniya nang makita na iisa lang ang payment slip na ipaprocess.

Nagkibit-balikat si Euan, "Okay lang sa aking mag-antay nang matagal, Sweetheart." A seductive smile appeared on his lips. And dear Lord, Shaine’s heart flutters.

"Let me correct you, Sir. I am not Sweetheart, my name is Shaine," iniharap niya rito ang suot na ID.

"Sabi ko naman sa'yo, you will be. I'll see to it," sagot naman nito.

Para pagtakpan ng totoong nararamdaman ay tinaasan niya ito ng kilay at hindi na rin siya nagkumento. Itinuloy na lang ang pagvalidate sa transaction nito.

"Anong oras ang uwi mo? Ihahatid na kita," wika nito.

"Hindi na kailangan. May kasabay ako pag-uwi mamaya," balewalang sagot ni Shaine.

"I insist. Pupunta lang ako sa site sa Binan, then babalik ako dito para sunduin ka. Kakain muna tayo bago kita ihatid."

"Are you asking me out or demanding me to go out with you?" aniya sa binata. Hindi niya napigilan ang muling pagtaas ng kilay.

A sheepish smile appeared on Euan's lips. He lean on the counter and looked directly in her eyes. "Please. Kung ayaw mong kumain sa labas, okay lang naman. Basta pumayag ka lang na sunduin kita dito mamaya," pamimilit na rin nito.

Shaine was momentarily dazzled by his dimpled smile. She blink twice to get out of the trace he weaves upon her.

Tumikhim si Aileen kaya napalingon s'ya sa kaibigan, "Nakalimutan ko nga pala, Shaine, may lakad ako mamaya. Pasensya na, pero, hindi kita maisasabay pauwi."

Shaine press her lips in a thin line. Sa pamamagitan ng tingin ay binalaan niya ang kaibigan, pero ngumiti lang ito nang makahulugan bago muling ibinalik ang atensyon sa kliyente na nasa harapan nito.

"So, wala ka na palang masasabayan mamaya. Anong oras kita dapat sunduin?"

"Hindi mo na kailangang pumunta pa rito, kaya kong umuwi mag-isa," tugon niya.

“Shaine will be out by six,” ani Aileen. Nilingong muli ni Shaine ang kaibigan at bibigyan sana nang nagbababalang tingin, ngunit hindi man lang siya nito nilingon.

“Thank you, Miss,” ani Euan.

“You owe me,” sagot naman ni Aileen.

"Thank you, Sir," ani Shaine, iniaabot dito ang validated payment slip.

"You are very much welcome, Sweetheart. And I will be here earlier than six," ani Euan. Pero bago tuluyang tumalikod ay may inabot sa likurang bulsa ng pantalon, ipinatong sa ibabaw ng transaction table ang isang pulang rosas. "For you." He then left with a lingering smile.

"Beshie, ang haba ng hair mo! ” impit na komento ni Aileen. “Saan mo nakuha 'yon? Hindi ako makapapayag na hindi ko malaman ang lahat. You will tell me everything later."

Inabot ni Shaine ang rose at ipinatong sa tabi ng kanyang monitor. Her heart somersaults inside her chest. The guy definitely knows how to win a girl's heart.

She heard a dreamy sigh and saw Cheryl looking at the rose with longing. "Kailan kaya gagawin ni Mike sa akin 'yan?" tanong naman nito.

With a genuine smile, Shaine calls out her next client.

*************

True to his words, she learned that Euan arrive earlier than six. Ibinilin nito sa guard na ipaalam sa kanya nasa labas na ito at aantayin na lang ang paglabas niya. Ang totoo, pakiramdam ni Shaine ay napakabagal ng oras kanina. Deep inside, kahit anong tanggi niya, inaanticipate din niya ang paglabas nila ng binata.

Bago lumabas ay tinawagan niya ang tiyahin at ipinaalam na si Euan ang maghahatid sa kanya pauwi. Ipinalam na rin na gagabihin siya dahil nag-imbita ang binata na maghahapunan muna bago sila bago siya nito ihahatid sa bahay.

Nang makita ni Euan na lumabas na siya sa bangko ay lumakad ito palapit. Ang kabang kanina pa nasa dibdib ni Shaine ay lalong lumakas nang makita ang binata. Iyon pa rin ang damit na suot nito, ang tanging naiba ay ang safety shoes na kakikitaan nang kaunting putik.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Shaine kahit alam naman niya ang sagot. Gusto lang niyang madistract sa nararamdaman.

"Kararating ko rin lang halos," sagot ng binata. Iniabot ni Euan ang isang punpon ng mga bulaklak sa kanya.

"Thank you. Pero hindi ka na sana nag-abala," aniya matapos tanggapin ang bulaklak.

They walk in silence, keeping a comfortable distance between them. Pero hindi sapat ang distansya sa pagitan nila, dahil ramdam na ramdam pa rin ni Shaine ang init na nagmumula rito. A shiver run down her spine. Pasimbleng itinaas ni Shaine ang bulaklak sa tapat ng dibdib. Paulit-ulit na umuusal sa isip nang panalangin para mabawasan ang mabilis na pagtibok ng puso.

Malapit na sila sa nakaparadang kotse ng binata nang marinig niya ang pagtawag ng mga kaibigan. Sadya niyang iwanan sina Aileen at Cheryl dahil alam niyang may kalokohang pinaplano ang dalawa.

"Your friends, right?" ani Euan na tumigil sa paglakad at nilingon ang mga natawag sa kanya.

"Yes."

Malapit na sa kanila ang dalawa at kitang-kita ni Shaine ang kislap sa mga mata ni Aileen. Ngayon na pa lang ay kinakabahan na siya sa pwedeng gawi ng kaibigan. Nang makalapit ito sa kanila ay kinuhit niya si Aileen para bigyan ng babala, pero hindi siya pinansin ng kaibigan.

Hindi na nga siya mapakali kanina, nakadagdag pa sa kaba niya ang pangungulit nito at ni Cheryl. Kanina pa siya tinatanong ng dalawa sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon. Nagpasalamat na nga lang din siya at hindi nawawalan ng transaction sa bangko.

"Hi! I'm Aileen. Shaine's friend. Nice to meet you," sabay abot ng kamay sa binata.

"Hi! I'm Cheryl, kaibigan din ni Shaine. You're Euan, right?"

"Yes, Ma'am. Euan Silva, at your service," nakingiting nakipagkamay ito sa dalawang babae.

"Taga saan ka at bakit ngayon lang yata kita nakita?" direktang tanong ni Aileen sa binata.

"Taga-Sta. Rosa ako. Matagal lang akong napabase sa Cebu. Kagagaling ko rin lang ng Palawan. Tatlong araw akong naroon. I have to oversee something," tugon nito sa pag-uusisa ng kaibigan.

"Ah, kaya pala matagal kitang hindi nakitang nagawi sa subdivision," ani Cheryl.

"So, saan ang date n'yo ngayon?" muling tanong ni Aileen.

"Gusto ko pa sanang kumain muna sa labas. Kaso gusto na yatang umuwi ng kaibigan n'yo. Sa akin nama'y walang kaso, basta ba kasama ko s'ya," sagot ni Euan bago bumaling sa kanya.

"Ah, ikaw naman pala ang tatanungin, Ate. O, e saan nga ba?" tanong ni Aileen sa kanya.

"Actually, nagpaalam na ako sa Tiya Millie na baka gabihin ako dahil……” napatigil si Shaine sa sinasabi nang mapansin ang panunudyo sa mukha ni Aileen. "Sige, uwi na lang pala tayo," aniya sabay kibit-balikat.

"Ang ganda mo 'te! Nag-iinarte?!" pabulong na comment ni Aileen sa kanya.

Imbes na mainis ay natawa pa siya sa kaibigan. Ganoon talaga ito magsalita. Noong una ay hindi siya sanay sa paraan nito ng pagpuna hanggang sa nasanay na siya na pabiro ang madalas na approach nito sa mga bagay-bagay. Kabaligtaran ni Cheryl na seryoso at maingat sa salitang ginagamit.

“Nagpaalam ka na sa Nanay Millie na gagabihin ka?” nakangiting tanong ni Euan.

“Nagsabi ako na baka gabihin ako,” ani Shaine, pilit ginagawang kaswal ang boses, taliwas sa totoong nararamdaman niya.

"Ibig sabihin, okay lang na lumabas tayo ngayon?” lalong naging maluwag ang pagkakangiti ng binata. Nangislap ng mga mata nito. “Saan mo gustong pumunta?”

“Ikaw, bahala ka. Kahit saan, okay lang sa akin. Ikaw na ang mamili, tutal, ikaw naman ang nagyaya," ani Shaine sa seryosong boses. Pilit itinatago ang excitement na nararamdaman.

“Kahit saan, ha. Sa biglang liko, sasama ka?” pabirong tanong ni Euan. Mas lalong naging pilyo ang pagkakangiti nito, kasabay ng pagtawa at pag-aapir ng dalawang kaibigan sa kanyang tabi.

"All the way 'te? Agad na?" nagtatawang sabi ni Aileen. Si Cheryl naman ay hindi magawang magsalita sa katatawa.

Nang maunawaan ang ibig sabihin ng mga kaibigan ay pinanamulahan siya ng mukha. Nakagat niya ang ibabang labi at napatingin sa binata.

"That came out wrong. I didn't mean that in a literal way. Hindi sa lahat ng lugar sasama ako sayo, 'no," inirapan niya si Euan para itago ang hiyang naramdaman.

Kaninang niyayaya siya nito ay tinatarayan niya ang binata, pero ang sinabi niya ngayon lang ay maaaring ma-mis-interpret nito. Muli niyang nakagat ang mga labi.

Bumaba ang mga mata ni Euan sa kanyang labi. Bigla ang pagpapalit ng emosyon sa mga mata ng binata. Kung kanina ay nasisilip niya ang pilyong ngiti sa mga labi nito, bigla naman itong naging seryoso.

"I know that you did not mean that literally, Sweetheart," ani Euan. Huminga ito nang malalim, umangat ang kamay at hinawakan ang kanyang baba. "And please, don't bite your lips," pabulong na dugtong nito.

"Aileen, parang ito na yata yung part na kailangan na nating umalis. Halika na," narinig niyang sabi ni Cheryl. Bakas pa rin sa boses ang pinipigil na tawa.

"Tama ka. Alis na tayo at masyado na tayong malaking abala," sagot naman nito.

Kahit binitawan na ni Euan ang kanyang baba, nararamdaman pa rin ni Shaine ang init na nagmula sa daliri nito. Sa lakas ng tibok ng puso niya, hindi siya magtataka kung naririnig man iyon ng mga kasama niya ngayon.

Nilingon ni Euan ang kanyang mga kaibigan bago pa man magawang makalayo ng mga ito. "Would you like to join us? Kumain muna tayo bago kayo umuwi," alok ng binata sa dalawa.

"Wag na," mabilis na sagot ni Cheryl. "Makakaistorbo lang kami sa inyo. Salamat pa rin sa pag-imbita."

"Sige na. Okay lang kami. Malaman lang namin na nag-enjoy at nasarapan si Shaine ay masaya na kami. First time n'yan, wag mong biglain," biro naman ni Aileen.

Lalong namula ang mukha ni Shaine, si Euan naman ay biglang tumawa.

"Puro ka talaga kalokohan!" pinalo ni Cheryl si Aileen sa braso.

“What? First time naman talagang makipagdate ng probinsyanang 'yan, ah? Ikaw lang ang nag-iisip ng malaswa d'yan!” dipensa ni Aileen.

"Sige tutuloy na kami. Ingat kayong dalawa," hinila na ni Cheryl si Aileen papunta sa kotse nito.

"Shaine, bukas ay pupunta kame ni Cheryl sa bahay n'yo. Maghanda ka ng San Mig Light, ha. May mahaba-habang kwentuhan tayo. Aalamin ko kung nag-enjoy ka," ani Aileen bago ito tuluyang nagpakaladkad kay Cheryl palayo.

*******************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

MY SAVORY LOVE (Book 2) - Marson and Cheryl Lei

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

You can also follow me on my Facebook Account:

DEANDRA PAIGE

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.6M 165K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.2M 247K 66
The Doctor is out. He's hiding something
148K 2.7K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...