Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

donnionsxx04

87.9K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... Еще

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 20:

1.2K 56 7
donnionsxx04

Pagpapatuloy...

JOHNSER SY POV:)

Pumasok ng office ko si Ramon habang nasa bintana ako at nakatanaw sa labas. Nag-bow ito bilang pagkagalang.

"Papunta na po siya, Sir Johnser." Sabi nito.

"Sige."

Nag-bow ulit ito at lumabas ulit sa office ko. Tumungo na ako sa upuan ko para doon na hintayin ang Jannitress...

Si Elizabeth Villatorte.

DYLAN LORENZO POV:)

"Nakakasigurado akong sinadyang patayin ang alaga ko. Marunong magmaneho ng kotse si Clive. Hindi siya basta-basta maa-aksidente. Saka sira ang CCTV sa lugar na pinangyarihan. Paano ako makakasiguro na hindi iyon sinadya? Alam kong may matagal nang nag-plano patayin si Clive." Sabi ni Diego, ang tagapag-alaga ni Clive.

Nasa Rooftop kami ng Uphone building para mag-usap na dalawa.

Tiningnan ko si Kuya Diego na bahagyang nakatingin lang ito sa harapan. Pinag-aaralan ko at iniisip ko kung alam ba niya kung ano ang nakatago sa pagkatao ni Johnser.

"Kuya Diego, may alam ka ba?" Tanong ko dito.

Takang napatingin ito sakin pero agad bumaling ito sa unahan.

"Alam saan?" Tanong lang nito.

"Alam mo bang bakit ayaw ni Lola Valencia si Sir Johnser?" Tanong ko. Siguro alam niya iyon kaya siya na ang permanenteng tagapag-alaga ni Clive.

"Oo, alam ko." Sagot nito.

Nanlaki mata ako. So, marami pala nakakaalam ng sekreto ni...

"Kaya hindi paboritong anak ni Doña Valencia si Johnser dahil nung pitong gulang palang si Clive, tinulak sa bangin ni Johnser ang kapatid niya. Muntikan nang mamamatay si Clive sa kagagawan ni Johnser kaya mula noon doon na nagsimula ang lahat." Kwento nito.

Ang ibig sabihin hindi niya alam ang nalalaman ko? Hindi lang iyan ang dahilan dahil may mas dahilan pa bakit ayaw ni Lola Valencia si Johnser. Ang ibig sabihin, ako, si Papa, si Lola Valencia at si Tito Andrew lang nakakaalam ng katotohanan.

"Ganun? Ahh..." Sabi ko nalang.

Siguro hindi pwedeng sabihin kay Diego ang sekreto na ito. Baka ipagkalat niya ito at magkakaroon ng ingay sa media. Magiging number 1 topic nito ang kompanya ni Sir Cedric, maaaring bumagsak ito.

Natigil nalang ang pagmumuni ko nang magsalita si Diego.

"Alam mo bakit dinala sa US si Clive nung bata pa?" Panimulang topic nito. Nanatiling nakatanaw lang ito sa labas. Tumatama sa aming mga balat ang malamig na hangin.

Bahagyang napatingin naman ako dito.

"Dahil muntikan nang ma-ambush si Clive nung bata pa?" Pagsisigurado ko. Iyon kasi ang naririnig kong usapan kaya iyon na rin ang naiisip kong dahilan bakit doon na sa ibang bansa lumaki si Clive.

"Sa totoo, hindi ganun ang nangyari, Dylan. Hindi in-ambus ang sinasakyan noon ni Clive kasama ang nanay niya. Ang totoo, palihim dinala namin sa hospital si Clive dahil..." Bahagyang di tinuloy nito ang pagku-kwento.

"Dahil ano? Bakit nyo dinala si Clive noon sa hospital nang siya'y bata pa?" Atat na tanong ko.

"Nalason siya. Hindi. Nilason siya..." Pagtatama nito.

Dahil sa sinabi ni Diego, nanlaki mata ako habang nakatingin dito. Naka-cross arms na tiningnan niya ako na may seryosong ekspresyon.

"May nagtatangkang pumatay noon kay Clive. Di namin alam kung sino pero alam naming may traydor sa nakapalibot sa Pamilyang Sy. Mula nang binalita ni Sir Cedric na si Clive ang magmamana ng kompanya, doon lumabas ang pagtatangkang pagpatay kay Clive. Muntikan na itong ma-kidnap at patayin. Marami noon ang body guard na nakapalibot sa bahay. Akala ni Sir Cedric magiging ligtas na ang bunsong anak nila pero nagkakamali siya. May naglagay ng lason sa gatas nito. Palihim dinala namin sa hospital si Clive. Iyong binalita naman in-ambush, totoo rin iyon. Akala ng suspek nandodoon sa van si Clive pero si Ma'am Lourdes ang nandodoon. Nang mabalitaan ang nangyari sa asawa noon ni Sir Cedric, nakaligtas namang nakarating sa US si Clive. Dinala ka rin doon para ikaw ang tutulong at poprotekta kay Clive at doon rin nasawi ang mama ni Clive." Kwento niyo.

Lumapit ito sakin ng bahagya at hinawakan ng kaliwang kamay niya ang balikat ko.

"Malaki ang tiwala sayo ni Sir Cedric, Dylan. Para ka nang tunay na apo ni Lola Valencia. Tinuring ka nilang pamilya ng mga Sy. Ang swerte mo, Dylan." Pahayag at sabi nito sakin.

Nakatingin lang ako kay Diego. Di ko alam may nabubuong mga memorya ko na totoo ngang tinuring akong anak ni Sir Cedric. Pati si Lola Valencia, ginawa na nilabakong apo. Di ko alam napakahalaga rin pala ako sa kanila.

Ngumiti ng natural sakin si Diego. Pinagtaptap lang niya ang balikat ko saka umalis at naiwan akong nakatingin sa kanya paalis.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Kumatok ako ng tatlong beses sa office ni Sir Johnser. Pagkatapos saka ako pumasok sa loob.

Dahan-dahan naglakad ako at hinanap ang kinaroroonan nito. Nakita ko naman itong nakaupo sa swivel habang nakatalikod sakin.

"Pinapatawag nyo raw po ako."ahinahon na sabi ko.

Saka naman humarap ito nang marinig ang boses ko. Parang nag-slow motion na pinaikot nito ang swivel paharap sakin. Nakita ko naman itong parang bad boy look ang mukha nito. Nakataas ang kilay habang naka-dekuwarto pang paa.

Wala akong masabi kundi ang guwapo niya sa temang iyan.

"Oo, pinatawag kita." Swabeng boses na sabi nito.

Lumapit ako papunta sa harap nito. Mahinhin na huminto na ako ng hakbang na nasa harapan na ako ng table nito. Naiilang na tinitingnan ko siya. Di ako masyadong makatingin sa kanya kasi nakatingin rin siya sakin. Ang seryoso ng tingin niya sakin saka parang hinihigop ako ng bawat matatalim na tingin nito.

"Ano po ba kailangan nyo sakin?" Bahagyang nakayuko na tanong ko.

"Ano pangalan mo?" Tanong nito.

"Elizabeth Villatorte po." Sagot ko agad habang nakayuko.

"Taga saan?"

"Actually po, taga probinsya ako. Nandito ako ngayon sa manila para hanapin si----"

"Taga saan? Di ko kailangan ng buong istorya ng buhay mo." Supladong sabi ni Sir Johnser.

"Aba't! Ang sama nito." Sa loob-loob ko. Napakagat labi nalang ako. Umayos ako ng tayo."Nakatira na ako sa *******, Sir." Sagot ko dito.

"Ilan taon kana?" Tanong pa nito.

Aba! Interview ba ito?

"19 na po." Sagot ko.

"Your hired."akahulugang turan nito.

Nanlalaki mata na naiangat ko ang ulo ko at binalingan ito.

"Hire?! Po?"

"Be my personal slave." Seryosong turan nito.

"Ano?!" Gulat na gulat na tanong ko.

MANDY YU POV:)

Bumili ulit ako ng coffee dahil natapon ito kanina sa pagkabanggaan namin ng lalaking badoy magsuot ng damit. Di ko alam kung mayaman ba siya o mahirap kasi itura palang at kutis nito, pang-mayaman talaga. Aminin na nating may kaguwapuhan siyang tinataglay. Di ko na kailangan pang magsinungaling kasi kita naman na ang guwapo niya talaga.

Ang galing din niya mag-english saka di siya marunong masyado mag-tagalog. Ewan ko! Alien ata ito ee. May pagka-isip bata din.

Pumasok na ako sa boutique kung saan dito ko iniwan yung lalaking iyon. Ewan ko kung nakapili na ito ng damit. Masyado kasing maarte sa damit e bagay naman sa kanya yung napipili kong damit. Ee di ayun! Iniwan ko siya at pinagkatiwala ko muna sa saleslady dito.

"Excuse me. Did the guy done choosing his dress?" Tanong ko sa babaeng siya ang pinagkatiwala ko dito.

"Di pa po siya lumalabas, Ma'am. Mga 10 minutes na po siya sa fitting room." Nag-aalinlangang sabi ng babae sakin.

"Aba't!" Sambit ko. Naglakad ako papuntang fitting room kung nasaan siya."Hey! Still your not done? Come on!" Sabi ko.

Saka naman bumukas kurtina at dahan-dahang lumabas siya. Parang na-hipnotismo nang makita ko siya. Ang guwapo niya sa suot niyang damit. Kumikislap siya sa kaguwapuhan niya.

Maya-maya nahinto nalang ang ka-weirduhan na iyon nang magsalita siya.

"I may look like a kid in my outfit." Sabi nito.

"Anong bata? No! You don't look like a kid! You look like a real man." Supladang sagot ko agad sa kanya.

"Why? What I looked like before? An alien?" Tanong niya.

"Nope! You looked animal." Pabirong sagot ko.

May matalim ang tingin na tiningnan lang ako nito. Ako naman ay binelatan ko lang siya.

"Miss, how much?" Baling ko sa saleslady.

"3600 po yung damit at 5000 naman yung----"

Di ko na tinapos ang sasabihin pa nito nang binigyan ko nalang ito ng 10,000 na pera.

"Let's go." Yaya ko na sa lalaki at sumunod naman ito sakin habang nasa isang bag yung damit nitong luma.

Nag-aalinlangan pa ang saleslady kung pipigilan ako o hindi. Bago pa man makalabas ng tuluyan sa boutique saka naman sumigaw yung saleslady.

"Ma'am, may sukli pa kayo dito!"

"Keep the change." Sabi ko nalang dito at tuluyan nang makalabas.

Di na kami tinawag pa ng babae.

Habang naglalakad sa loob ng Mall, tumakbo itong badoy na 'to para makapantay ako sa paglalakad.

"Your walking too fast! It's look like someone chasing you even though no one's chasing you." Nahihingal nang sabi nito.

"What's your name?" Imbes tanong ko at naka-chin up lang ako maglakad.

"Me?" Sabay turo sa sarili. Tiningnan ko siya."I'm Ros." Ngumiti siya ng tama lang.

"I'm Mandy. Mandy Yu." Pagpapakilala ko rin sa sarili ko sabay baling sa daan.

"M-mandy...Yu?" Nautal pang tanong nito.

Tiningnan ko siya na may ngiting proud na proud sa sarili. Sino pa ba di makakakilala sakin. Kami lang naman ang nagmamay-ari ng lompanyang Sumex. Sure akong na-shock itong lalaki.

Napakunot-noo nalang ako nang biglang napahawak sa ulo ang lalaki. Napahinto ito sa paglalakad at pati rin ako. Nilapitan ko agad ito at alalang hinawakan ko ang balikat nito.

"What happen?" Alalang tanong ko dito.

"My.... My he-he-head i-is ouch! I-is aches argh!" Nahihirapang sambit niya habang hawak ng dalawang kamay ang ulo niyang sumasakit.

"Hey? Why are you experiencing headaches?" Tarantang tanong ko pa rin."Oh my!" Sambit ko. Natumba nalang siya at nawalan ng malay."Wake up! Hey! Wake up! Ros!"

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkalabas-labas ko ng building napahinto ako. Di ko pa rin maiwasang isipin yung inaalok sakin na trabaho ni Sir Johnser. Ewan. Ang weird niya kanina kasi.

**Flashbacks**

"Be my personal slave..." Sabi niya.

"Ah?!" Gulat na sambit ko."Personal...SLAVE?!!" Nanlalaking mata na bulalas ko. Slave? Alipin? Ako?

Tumikhim lang siya sabay tingin sa ibang direksyon. Pero maya-maya pa, bumaling ulit siya sakin ng tingin.

"Oo. Be my personal slave."

"Anong slave? Alipin?! Sorry! Di na uso sa panahon ngayon yang slave na yan. Sorry po. Mas mabuti pang maging jannitress kaysa maging alipin nyo po." Pagtanggi ko kaagad.

Umayos siya ng pagkakaupo. Hindi na nakasandig ang likod niya sa upuan.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin." Pagtatama niya.

"Ee ano po?" Napataas kilay tanong ko.

"Be my personal jannitress. Kumbaga, ikaw lang maglilinis ng office ko at ito lang trabaho mo dito sa company namin." Pagki-clear niya ng ibig niyang sabihin.

"Ah. Linawan mo kasi---ah?! Ako lang maglilinis sa office mo?! At ito lang ang trabaho ko dito at wala nang iba?!" Gulat na turan ko. So, ibig sabihin, sa office lang niya ako maglilinis at hindi na sa mga CR o sa ibang office ng iba.

"Yeah." Patango-tango na sabi nito.

"Cool!" Payag ko agad. Mabuti na yun para maaga rin ako umuwi. Di naman kasi lagi madumi sa office niya pero mahihirapan lang ako kung magwala na naman siya. Dami lilinisin ko.

"Okay. Cool."

"Ilan sweldo ko? Every months ba makukuha ang sweldo ko?" Tanong ko. Pagdating sa pera, matalino ako dyan at kailangan na kailangan ko.

"Hmm, 10,000 per 5 days."

"10,000 pero 5 days?!" Nanlalaki nalang mata ko sa sinabi nito halos naibuka ko na ng malaki ang bunganga ko sa sobrang laki ng sweldo."S-sure ka po, Sir? 10,000 p-er 5 days?!!" Paninigurado ko. Sayang! Money na 'to!

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" Nakataas-kilay na anang nito.

"Sige, sige! Cool. Wala nang bawian ah?" Tuwang-tuwa na sabi ko kaagad.

Suplado na namang mukha na tumango ito.

Palihim na napa-thumbs up ako sa sobrang tuwa. Makakabili na kami ng mga damit namin ni Ros. Saka makakabili na kami ng cp naming dalawa ni Ros. Tama! Bibilhan ko ng sapatos rin si Ros para pag lumabas kami sa day off ko, may maganda siyang sapatos.

Tama, tama...

"Kailan day off ko?" Tanong ko pa rin dito nang bumaling na pala ito sa mga papeles na nasa harapan niya.

Umangat ito ng ulo at tiningnan ako nito.

"Every Sunday." Tipid na sagot nito at bumaling sa binabasa.

"Ee kailan ako magsisimula?" Tanong ko pa rin.

Umangat ulit ito ng ulo para sagutin ako."Bukas na bukas rin." Sagot nito.

"Okay po. Bye, Sir Johnser. Maraming salamat mo. Maraming salamat talaga." Nag-bow-bow pa ko at di mawala sa labi ko ang malaking ngiti.

Tumango lang ito.

Tumalikod na nga ako at di ko mapigilang mapatalon sa saya. Halos naiikukuyom ko ang kamay ko sa sobrang saya.

"Sandali."

Napatigil naman ako sa paglalakad. Napalingon naman agad ako dito at lumapit sa mesa nito.

"Yes, Sir? May nalimutan pa ba kayo?" Magalang na tono na tanong ko.

"Kunin mo 'to." Sabi nito sabay binigay sakin ang cp.

Takang kinuha ko iyon at nakitang cp iyon niya----"

"Sir, bakit? Bakit mo binibigay yung cp mo?!" Takang tanong ko agad.

"Para tawagan kita kung magpapalinis ako ng office ko." Sagot nito.

"Ahh..." Patango-tango sambit ko ulit. "Pero wala kayong cp." Nag-aalinlangan pa rin sabi ko.

"Okay lang. Sige, makakaalis kana." Sabi nito lang nito.

Nag-bow ulit ako dito at tumalikod na para umalis. Tinitingnan ko ang bigay na cp niya at nakakaramdam ako ng hiya dahil parang umaabuso agad ako kahit di pa ko nagsisimula magtrabaho.

"Ang mahal nito e. Ito yung pinakamahal na CP dito ng U-phone." Mahinang turan ko habang tinitingnan ito.

Di pa ko nakakarating sa pintuan, tumigil ako sa paglalakad at tiningnan si Sir Johnser. Nahuli ko itong may ngiti sa mga labi habang nakatingin sakin at umiwas tingin agad nito. Bumaling ulit ito sa ginagawa.

"Ang weird niya." Sambit ko sa isip.

Lumabas na nga ako sa office niya na iniisip yung weird na ginawa niya kanina.

**End of Flashbacks**

"Ang weird talaga niya kanina." Sambit ko.

Kumibit-balikat nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Lumingon-lingon ako sa paligid at ni anino ni Ros, di ko siya nakita dito.

Kahit sa minsan niyang inuupuan, wala siya doon.

"Asan na yun?" Sambit ko habang hinahanap siya."Umuwi na kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko.

Hintayin ko muna siya dito ng mga 10 minutes baka nalibang ata siya sa kakapasyal sa manila.

*/////

Kanina pa ko naghahantay, wala pa rin si Ros. Sobrang sampung minuto na ako naghihintay sa kanya, wala pa rin siya.

"Baka naunang umuwi na siya?" Tanong ko sa isip.

Makauwi na nga baka ando'n na siya

*/////

Nandito na ako ngayon sa apartment. Sinusihan ko na ang pinto. Pagkapasok, sinarado ko agad ang pinto at nilagay sa sofa ang bag ko.

"Ros, I'm here!" Sigaw ko lang.

Pumunta agad ako sa kusina at nilapag sa lamesa ang binili kong gulay. Magluluto kasi ako ng adobong sitaw. Alam kong magugustuhan niya iyon.

Hinugasan ko na nga ang mga sitaw at panay tawag lang ako kay Ros.

"Ros, I'm here. Go out to your room and help me to cook our food." Sabi lang.

Wala pa rin. Ni sumagot, walang sumasagot. Tinigil ko ang paghuhugas ng sitaw at pinunasan ko ang kamay ko sa damit ko. Pumasok ako sa kuwarto at wala akong nakitang Ros doon. Dali-daling pumunta ako ng banyo at wala rin siya doon.

"Asan na sya?"

THIRD PERSON POV:)

Nagising agad si Ros nang mapaginipan niya si Elizabeth na hinahanap siya. Nakita rin niya sa panaginip kung paano umiyak at mag-alala ito sa kanya.

Bumangon agad siya sa pagkakahiga at nakita niya ang babaeng bumili ng damit niya.

"Are you alright?" Tanong nito sa kanya.

"Where am I?" Imbes tanong niya dito.

"You're in hospital. You lost consciousness so I take you here, I thought you're not alright." Paliwanag nito.

"What time is it?!" Panay lingon sa paligid na tanong niya. Naghahanap siya ng orasan at para makita niya kung anong oras na.

"It's already 8 pm---"

Di napatuloy pa sasabihin pa nito nang umalis na siya sa kama. Napatayo naman si Mandy sa kinauupuan. Sinuot na niya ang tsinelas niya na nasa ibaba lang.

"I need to go now. Lady beth is waiting for me, I know she worried about me." Tarantang sabi niya.

"Who's Lady Beth?" Takang tanong ni Mandy sa kanya.

Naglakad na siya palabas ng kuwarto kung saan siya naka-confine.

"The someone special to me." Sagot lamang niya habang naglalakad para makalabas na ng hospital.

"Sandali! Ihatid na kita." Prisinta nito.

Napatigil siya sa paglalakad sa sinabi nito. Tumango naman siya bilang pagpayag na ihahatid nga siya nito sa apartment na tinutuluyan nila ni Lady Beth.

"Okay, I'll call my driver." Sabi nito at nag-dial sa cp nito.

Nakalabas na nga sila sa hospital at di mapakali si Ros dahil baka naghihintay na sa kanya si Lady Beth.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nasa tapat lang siya ng bintana at hinihintay si Ros na naglalakad na papunta sa apartment na tinitirhan nila. Nakaluto na siya ng uulamin nila pati kanin, nagsaing na rin siya. Hanggang ngayon, wala pa rin siya.

"Asan kana, Ros." Malungkot kong sambit.

Nakita ko nalang si Ros na tumatakbo ito. Napatayo naman sa kinauupuan ko at dali-daling binuksan ang bintana. Tinawag ko siya agad.

"Ros!"

Napatingin naman ito. Nakangiting kumaway-kaway ako dito. Nakangiti rin ng malapad na kumaway ito.

"Lady Beth!" Sigaw rin nito sabay kaway-kaway ulit.

Tumakbo na ito papasok sa apartment. Ako naman taranta dumeretsyo ako sa kuwarto ko para magpalit ng damit. Ayaw ko makita niyang  shhirt lang ako. Gusto ko yung maganda ako pag makita ako ni Ros.

Nakita ko naman yung damit kong may drawing na Micky mouse at sinuot agad-agad ko iyon. Pagkasuot, dumeretsyo ako sa salamin at naglagay ng kaunting pulbos. Saka wala pa kong lipstick kaya okay na itong natural na lips lang kasi pink naman lips ko.

Ewan bakit ko ito ginagawa. Basta gusto ko maganda ako sa paningin niya. Excited na lumabas ako ng kuwarto. Bago pa man tumungo sa pintuan, bumukas na iyon. At tumambad sakin si...

"Ros." Sambit ko. Di ko magawang di mapangiti dahil masayang-masaya ako kasi nandito siya at kasama ko ulit siya.

Sinarado agad nito ang pinto at tumakbo papunta sakin. Niyakap agad ako nito. Niyakap ko rin siya sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. Di ko lang siya nakita, miss ko na agad siya. Akala ko, iniwan na niya ako.

"I miss you." Sabi ni Ros habang nakayakap sakin ng napakahigpit.

"I miss you too, Ros." Sabi ko rin.

Humiwalay na kami sa pagkakayakap at nakangiting nagtinginan lang kami.

May inabot nalang siya sakin na isang bag. Tiningnan ko muna iyon sabay tingin ulit sa kanya.

"What is this, Ros? Where I can use this?" Takang tanong ko sa kanya nang kunin ko iyon at tiningnan ang nasa loob. May box na para bang may naglalaman na isang bagay.

"For you." Nakangiting sabi niya."Open it!"

Kinuha ko naman iyon at nilapag sa ibaba ang lagayan nito. Nanlaki mata nalang ako nang makitang isang sapatos iyon.

"Seriously? Is this for me?" Di parin makapaniwala turan ko.

"If your first pair of shoes reminds of your mother, that shoes reminds of me. Every time you wear that shoes, I'm with you. Wherever you go, I am always on your side. You're not alone and I will never leave you. I give you that pair of shoes because I want to say thank you. I'm lucky because you adapt me and god sent you for me. Not only that, but I want to make you happy even in a simple gift, Lady Beth." Seryosong pahayag nito.

Di ko alam kung ano ire-react ko pero nakaramdam ako ng saya na di ko maipaliwanag. Ang sarap sa dibdib ng mga sinabi niya na akala mo lumilipad na ang puso ko sa sarap na nararamdaman ko. Nilapag ko sa sofa ang sapatos at tinitigan si Ros sa seryoso sa mga mata.

Maya-maya pa ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sakin.

Niyakap ko ulit siya sabay lumabas sa aking bibig ang katagang...

"I will never leave you. I'll promise." Seryosong damdamin na turan ko.

Ginantihan rin niya ako ng yakap halos humigpit pa iyon.

Wala ako masabi kundi...

"Thank you for coming to my life."

To be continued...

Di ko kailangan ng mga readers na di makapaghintay. I know ang tagal ko mag update pero mahirap din naman isingit ang oras ko dito lalo na kung nag-aaral kana ng kolehiyo. Oo na, wala akong kwentang manunulat dahil puro di tapos ang story ko. Pero pasensya na. Tao rin ako. Nahihirapan at napapagod rin.

Продолжить чтение

Вам также понравится

The Farmer's Daughter... Fatima Tejero

Любовные романы

15K 570 77
How will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to bur...
_ Instant mommy for hire _ primera_07

Художественная проза

467K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18
101K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...