I Fell Inlove with my Cassano...

By yeyel_15

2.3K 55 2

itong istoryang ito ay hango sa kantang Simula pa nung una ni Patch Quiwa 😊 dalawang magkaibigan na naging... More

Prologue
CHAPTER ¹
CHAPTER ²
CHAPTER ³
CHAPTER ⁴
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER ¹0
CHAPTER ¹¹
CHAPTER ¹²
CHAPTER ¹³
CHAPTER ¹⁴
CHAPTER ¹5
CHAPTER ¹6
CHAPTER ¹7
CHAPTER ¹8
CHAPTER ¹9
CHAPTER ²¹
CHAPTER ²²
CHAPTER ²³
MUST READ
CHAPTER ²⁴
CHAPTER ²5
CHAPTER 26
CHAPTER ²7
CHAPTER ²8
CHAPTER ²9
wala lang trip ko lang 😅
CHAPTER 30,
CHAPTER ³¹

CHAPTER ²0

61 3 0
By yeyel_15

Ivy's part

After namin mag simba may tinawagan na lang si papa na supplier daw ng mga laruan at school supplies para daw Hindi na daw kami mapagod sa pagbyahe byahe at mamili ipapadeliver na lang daw iyon .

Nasa iisang kotse lang kami si mama at papa sa harap samantalang kami ni kuya nasa likod nakaupo

"So saan tayo unang pupunta?" Tanong ni papa habang nagdadrive sya

"Ahmm I think dun muna tayo sa ospital na pinagtratrabahuhan mo dad kasi mainit pa kapag sa bahay ampunan tayo unang pumunta" sabi ko

"Yeah your right baby girl 11 na kaya Hindi na maganda sa balat natin ang sinag ng araw" pagsang ayon ni kuya

"Okey " sabi ni daddy at nag drive na papuntang hospital

🕑🕠🕟🕕🕔🕡🕧

Nakarating na kami ng hospital na pinag tratrabahuhan ni papa at dumiretso kaagad kami sa ward kung nasaan ang mga cancer patients  na mga bata

"Okey kids may bisita tayo ngayon and guess what nandito sila para magbigay ng mga mumunting regalo para sa inyo say hi to them " sabi kung babae na namamahala dito sa ward na sayang sinunod ng mga bata

"Hi po!" Sabi nila

"Hello" sabi ko naman at ngumiti sa kanila

Fastforward ⏩⏩

Pinakain muna namin sila dahil mga quarter to 12 na pagkatapos ay tinuruan namin sila magbasa mag gawa ng art

Habang nakikipaglaro ako dun sa dalawang batang lalaki at babae na magkaibigang Hindi mapaghiwalay may dumating na isa pang magchacharity dito sa may ward

Inintroduce sila nung babae nag introduce din sa amin kanina

Laking gulat ko ng si grupo ni kuya mio ang is a pang mag chacharity event dito

"Hey ivy " nakangiting bati sa amin ni kuya mio

"Hey" sabi ko naman

"So ahmm kamusta ?" Kuya mio

"Okey naman ikaw?" nakangiti Kong sabi

"Eto nililibang ang sarili. Balita ko may misunderstanding kayo ni migo kaya nagkukulong sya sa kwarto nya ngayon" sabi ni kuya mio

"Yeah " matamlay na ngumiti ako sa kanya

"Sorry mukhang napapalungkot ko pa aga yung araw mo ngayon" sabi ni kuya mio at nagkamot sya ng batok nya

"Hindi okey lang" ngumiti ako sa kanya

"Hmmm wag na lang natin pag usapan yan makipaglaro na lang tayo sa mga bata " sabi nya habang nakangiti

"Oh Anak kilala mo pala ang isa pang magchacharity work dito?" Tanong ni papa ng makalapit sila sa amin ni kuya mio

"Opo pa sya po yung kuya ni migo si kuya mio, kuya mio mga parents ko at kuya ko" pagpapakilala ko sa kanila

"Hi nice to meet you po" sabi ni kuya mio at nakipag shake hands kanila mama

"Nice to meet you din ijo" sabi ni papa.

"Ngayon ko lang nalaman na may gwapo pa palang kuya si migo" sabi ni mama

"Hahaha salamat po Pero mukhang di po ako naikwekwento ni migo sa inyo ha? Haha" sabi ni kuya mio

Totoo naman kasi Hindi namin naikwekwento si kuya mio kanila mama papa Pero Kay kuya ruscel naikwento ko na at first time din nilaakita si a mio dahil madalas sayang umalis ng banda para sa mga business nila abroad

May mga parlor games din na hinanda ang grupo ni kuya mio at nakisali naman kami yung iba nagpainting kasama ni Kuya ruscel mama at papa


Nakakatawa makita na may pagka childish din pala si kuya mio at ang swerte ko  nakita ko yun na si mio na palaging nakangiti matured at seryoso din minsan e parang bata na ngayon lang nakalabas ng bata at ayaw magpatalo haha


Magkapartner kami ngayon sa paper dance Ewan ko ba parang walang mapagod pagod si kuya mio at hinatak ako dito sa paper dance na ito




"Teka lang kuya mio di ko Alam tong lalong to" sabi ko sa kanya

"Basta sumayaw ka lang tapos kapag nag stop na yung music gagawin natin yung pose na sasabihin nila

Sa una wala pang pose na sinasabi yung host kaya tumapak lang kami sa paper  hanggang sa nakakatatlo nang tiklop yung news paper na tinatapakan namin kailangan iapak ng girl yung dalawa nyang paa Kay boy at dapat magkadikit ang mga ilong nila

Ng huminto yung tugtog Hindi ko Alam kung a-no ang gagawin ko kasi na aano ako e hay basta di ako kumilos hanggang si kuya mio na mismo ang humatak sa mga bewang ko para mapalapit sa kanya ng sobrang lapit dahilan para maiapak ko yung mga paa ko sa kanya at masubsob yung mukha ko sa dibdib nya aalis na sana ako ng hapitin nya pa ako ng sobra higpit at iniangqt nya yung mukha ko dun nya pinagdikit yung mga ilong namin


My heartbeat fast at naiilang ako sa pwesto namin dalawa Pero ng ngumiti sya sa akin parang nawala lahat ng pagkailang ko kaya ngumiti na rin ako sa kanya

Ng tumugtog na ulit naghiwalay na kami

<freaky Friday song>

" sorry "sabi ko habang nakangiti nadumihan ko kasi yung puti nyang rubber shoes

" Hindi okey lang haha its my honor " sabi nya at yumuko pa habang nakalahad yung isang kamay tapos yung is a NASA likod nya

"Hahaba baliw anong honor ka dyan ? Nadumihan ka na nga e haha"

"Haha bata it's my honor "

"Hahaha Ewan ko sayo haha"

We dance while laughing

Sabi ng host na kailangan buhatin ni boy ng pang bridal yung girl  habang nakataas yung isang paa ng boy

Nung huminto na yung kanta walang alinlangan akong binuhat ni kuya mio na pangbridal kaya nagtawanan na lang kami nung bigla sayang ma out of balance

Napahiga tuloy ako sa ibabaw nya

Yung Alam nyong parang nagslow motion ang lahat ng magkatitigan kami ganern

Tinulungan kaming tumayo ng mga tao dito at inannounce ng host na tanggalin na nga kami

Ng magkatitigan kami ni kuya mio nakangiti sya kaya napangiti na lang din ako

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya sa akin at chineck nya pa kung may sugat o galos ako

"Hindi okey lang ako ikaw nga itong bumagsak sa sahig e haha"

"Yeah sorry " sabi nya at ngumiti ulit

Hinampas ko sya ng pabiro sa braso nya

"Nukaba kuya mio okey lang yun " sabi ko

Magsasalita pa sana si kuya mio ng mag ring yung phone nya

"Excuse me sagutin ko lang to" sabi nya at tumango lang ako

Paalis na sana ako ng mahagip ng mata ko yung wallet na nasa paanan ko dinampot ko yun at tinignan kung kanino yun

Pagkabuklat ko ng wallet nakita ko yung driver's license ni kuya mio kaya susundan ko na sana sya ng hatakin na ako ni kuya paalis dun dahil naghihintay na daw yung mga bata sa ampunan

"Kanina pa kita hinahanap baby girl kailangan na natin umalis naghihintay na yung sa ampunan at baka di na tayo makaabot dun "

"Ah ganun ba kuya sige n  kukunin ko lang yung bag ko" sabi ko at tumalikod na para kunin yung bag ko

Alas kwatro na kasi ng hapon at balak pa namin makipaglaro din sa mga bata dun kaya nagmamadali na kaming umalis ni kuya at pumunta sa kotse

Habang nasa sasakyan saka ko lang naalala na hawak ko pa pala yung wallet ni kuya mio

Kaya tinext ko sya agad na nasa akin yung wallet nya matagal bago ko nakuha yung reply nya

From: kuya mio

Okey please don't open it

Yan yung nakalagay sa text nya at dahil na curious naman ako kung Bakit wag ko daw buksan e bigla ko binuksan yung wallet nya at tinignan yung loob

Sa una mga ID nya lang sa kabilang side family picture nilang tatlo at  may dalawa pang picture sa likod nun

Dahil sobrang curious na ako at di ko na napigilan mag usisa kinuha ko yung dalawang picture sa likod ng family picture nilang tatlo

Yung is a picture nya ng mommy nya at ng daddy nya yung isa naman dalawang batang babae at lalake, nakapiggy backride yung batang  babae sa batang lalaki they look happy





Ng titignan Kong mabuti yung ture saka ko lang narealize na ako yung batang babae at kapareho yun ng picture na meron ako sa bahay nakaframe yun sa kwarto ko at sa tuwing napapatingin ako dun Hindi ko Alam kung Bakit ako napapangiti sabi nila mama isa daw yun sa pinakamahalaga sa akin nung bata ako bago ako madisgrasya at nawala ang memorya kaya pinaframe ko iyon dahil gusto Kong maalala kung sino yung lalaking kasama ko dun

Ang sabi pa sa akin nila mama ang pagkakatanda nila noon na yung lalaking iyon e schoolmate ko at parati akong sinasamahan sa naghihintay ko ng school service pauwi at ang kwento daw sa kanila ng mga teachers pati ako nung bata ako ay supper friend ko daw yung boy lagi kaming magkasama ipinagtatanggol ako nung boy sa lahat ng nangaaway sa akin at yun lang daw ang halos kalaro ko dun sa school

Sa picture dun sa bahay may nakasulat na

I will always be your prince charming someday I will be back and ask you to be my bride vy ...wait for me

-M.A.K


Tinignan ko rin yung likod ng picture na meron si kuya mio na katulad ng sa akin

May nakasulat din dun

Please comeback to me and marry me when we grow up prince charming.. I'll wait for you

-I.DC

It's my initials

Anong meaning nito? Bakit????

Urghhh sumasakit yung ulo ko

--------------_-------------_--------------_---------------

Enjoy reading 😊

Love lots readers 😍😘

Continue Reading

You'll Also Like

80.5K 1.6K 46
Started: November 29,2021 Status: Completed Finished: January 17, 2022 Ps. This is unedited story and i don't have plan to edit kaya sorry kung may m...
5.2K 146 42
Are you ready to laugh? Go ahead and read my story.
3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.3M 19K 41
Dice and Madisson