Diary ng Panget

By ThatBoyIsMine

2.4M 15.9K 5.5K

dear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akon... More

Diary ng Panget
1.The first Day
2.New friend?
3.WAFWAF
4.Disappointed
hello sayo :))
4.2 Disappointed part two!
5.The who?
6.new friend again :)
Chapter 7
8.OMG
9. OMG part 2
Chapter 10
Chapter 10.1
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
CHAPTER 15 (MAY EXTRA STORY)
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (UNTIL AN)
Chapter 21
Chapter 22
Lets Have a Game
Chapter 23
As promise (Merry Christmas)
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Author : if you love me you'll read this (you can hate me now)
Chapter 40
Broken
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44.1
Chapter 44.2
Chapter 44.3
Chapter 45
Game
The Reason
Chapter 46
Chapter 47
Diary Ng Panget?
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Please
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Reason
Update
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71

Chapter 48

17.5K 211 96
By ThatBoyIsMine

Hinatid nako ng mga kuya ko sa bahay ng lola ko , at dahil daw late na sabi ni mama eh pinilit na niyang dito narin matulog yung mga kuya ko , nung una ayaw nilang pumayag nakakahiya daw kasi pero syempre , close close na sila ni mama , inarte nalang nila yung nahihiya sila gusto lang papilit hahaha syempre joke lang naman yon , wag niyo ng tanungin kung saan sila matutulog dahil gaya ng dati , dating gawi kami samasama sa isang kwarto , buti nalang malaki ang kwarto ko dito .


"Oh kuya" sabay abot ko ng shorts na susuotin nila , pinanghiram ko pa sila ng shorts kay kuya Jake , medyo nahirapan pa nga ako , kasi tinatanong ni kuya Jake aanhin ko daw ang short niya sabi ko papahiram ko sa mga kuya ko , nabigla siya sinong kuya at gusto niyang makilala , buti nalang napilit ko na bukas nalang makulet panaman yon .yung tshirt ? Yung sakin yung ipapagamit ko , kasya ? Oo naman kasyang kasya dahil karamihan sa mga tshirt ko eh galing sa kanila pagkasi nagandahan ako sa tshirt ng mga kuya ko hinihingi ko m binibigay naman nila hindi naman madamot mga yan eh .


"Hoy OJ bilisan mo naman dyan" reklamo ni kuya Reid kay kuya OJ na tatlong oras na sa banyo , syempre joke lang mga 30 minutes palang siguro


"Baby dito nalang kasi ako magbibihis eh !" Ayan ngayon sakin naman siya nagrereklamo


"Ih kuya naman eh ! Kahit pa sabihin nating walang malisya di kaba nahihiya sakin?" Tanong ko pero sa totoo lang syempre nahihiya ako like hello , kahit araw araw na kasama ko ang mga yan iba parin pag nakikita ko silang topless ! oMG yung abs nila ! Hala ano ba tong iniisip ko bad CJ ! bad!


"Oo nga naman Reid dikaba nahihiya ? Papakita mo yang fats mo !" Joke ni kuya Neil tapos nagtawanan naman ang iba kong kuya , tapos na kasi silang lahat si kuya reid nalang talaga , ayan kasi ang daming arte nahuli tuloy hahahaha



"Samahan nalang kita sa baba kuya , may banyo pa don" offer ko


Ewan ko ba sa kanila kanina ko pa inooffer ang banyo sa baba ayaw naman nila , ako don ako naghilamos eh .




"Wag na baby hintayin ko nalang si OJ" sabi niya tapos tumahimik nalang siya nahurt ata sa sinabi ni kuya Neil hahahaha



"Salamat naman at natapos ka!" Sarkastikong sabi ni kuya reid kay kuya OJ



"Tssssk" yon lang ang sagot niya hay naku :/



Nakalatag na ang lahat sa sahig , hindi kasi kami kakasyang lahat kung sa kama kami kaya eto naglatang ako ng tatlong comforter sa sahig para magkasya kaming walo , paglabas na paglabas ni kuya Reid eh nagtanong agad ako .




"So ano na ? Pano niyo nalaman kung nasaan ako ?" Excited na tanong ko


"Bukas nalang matulog na tayo" sabi ng hari ng kasungitan sabay higa sa comforter nakahiga na ang lahat maliban sakin na upo sa kama ko


"Eh ngayon na kuya" sabi ko


"Oo nga baby bukas nalang , late nadin alam ko pagod ka kaya magpahinga kana" si kuya Neil buti pa siya sweet


"Eh hindi pa naman ako pagod eh" which is true kasi naman buhay na buhay yung diwa ko na malaman kung pano nila ako nakita


"Kung ikaw hindi pagod , kami pagod nag byahe kami all the way from pampanga upto here kaya pwede wag kang maingay!" Sino paba ? Edi si kuya OJ


Oo nga pala bumyahe sila tapos nagpunta pa sa event kaya pagod nga siguro sila
Di ko na ipagpipilitan may bukas pa naman eh, tumabi nako sa tabi ni kuya OJ tinulak tulak ko nga para magkasya ako eh


"Bat kaba nanunulak?" Reklamo niya

"Umusog ka kasi kuya di ako kasya oh" reklamo ko pabalik


"Baby dito ka nalang kasi" si kuya Reid


"Oo nga baby dito ka nalang " dagdag ni kuya Neil



"Hindi kuya dito nalang ako , okay na din goodnight na" sabi ko


Ganto kasi ang arrangement

K.Ivan,Paul,Ez,Kelvin,Reid,Neil,OJ,ako


"Goodnight baby" ginoodnight nako ng lahat si kuya OJ hindi pa


"Goodnight kuya OJ" pang-aasar ko

"...." No response

"Kuya OJ goodnight" pag-uulit ko

"...." Wala padin tulog na ata?

"Kuya sungit goodnight" subok ko ulit hihi

"....." Tulog na talaga siya ? Ulit last nalang

"Ku...." Di pako natatapos nagsalita na siya


"Matulog kana panget" sabi ko nga dapat talaga hindi nako nangungulit nasabihan nanaman tuloy ako ng panget :)

Wala paman hindi ko paman nahuhuli yung tulog ko natawa ako dahil may naghihilik sa mga kuya ko hahaha ganon ba talaga sila ka pagod ? Hahaha ang cute :)

Kinabukasan

Inagahan ko talaga ang gising ko today para mapagluto ko ang mga kuya ko , babawi ako sa kanila ngayon no :) pero teka bat andito ako ? Nagkapalit kasi kami ng pwesto ni kuya OJ.

Hayyyy makababa na nga ng makapagluto na :)

"Ma'am okay napo yung kanin" sabi ni ate sakin nagpatulong kasi ako eh


"Sige ate ako na dyan paki tignan naman tong bacon" sabi ko tapos niluto ko yung specialty ko favorite kasi ng mga kuya ko to eh :)

Wala namang ganong secret tong kanin ko , oyster sauce , butter , carrots at kung ano ano pa parang fried rice lang ganon .


"Ma'am okay napo"


"Sige ate patawag nalang ako kina mama" utos ko syempre no kung papakainin ko yung mga kuya ko dapat yung mga nakatira din dito di naman ganon kakapal mukha ko no



"Ate yung juice ba okay na ?" Tanong ko sa naiwang kasambahay


"Ano po bang juice ma'am marami po tayong juice , pero every morning po mas gusto nila sir at ma'am( pertaining to my grandparents) yung gatas at kape" sabi niya sakin


"Ganon po ba , sige ako nalang bahala sa juice , paki ready nalang yon"



Gusto kasi ng mga kuya ko yung fresh orange juice ! As in fresh kaya eto ako ngayon nag jujuice ng oranges , di naman sa maaarte ang mga kuya ko alam lang talaga nila kung ano ang gusto nila , actually ako din eh naadik na sa fresh juice nila , di lang naman kasi orange eh minsan may apple , strawberry , minsan nga pati vegetables eh , healthy food daw sabi nila pero if I know basta pagkain kakainin nila hahaha



After ko dito eh tumulong nako sa paghahanda sa mesa , nandun na pala yung first batch :) second batch na ang mga kuya ko .


"Goodmorning cous( cousin)" bati ni ate Krystal

"Goodmorning" bati ko


"So were are your so called kuyas?" Tanong ni kuya Jake



"Their still up stairs i'll call them after you eat" sabi ko



"Why dont you ask them to join us hija" si Lola



"Ah hindi napo siguro , mauna na kayo tsaka hindi po tayo kasya oh" palusot ko but totoo naman sakto lang kasi ang chairs sa table nila 14 seater tong mesa sa dinning area oo malaki ang mesa


"Thats not a problem , sana sinabi mo nagpahanda tayo ng mesa don sa labas ng garden" sabi ng lola ko



"Ay wag napo mauna napo kayo :) , tsaka nahihiya pa po ang mga yon" sabi ko


Di na nagpapilit din sina lola kumain na sila


"Wow this is really great , I didnt know that you can cooked" puri ni kuya Jake sa rice ko


"Thats because this is the first time she cooked for us idiot " si ate jayme


"Yeah shut up" sagot niya pabalik naku mga pinsan ko talaga


"Do you want some orange juice or coffee?" Tanong ko


"Anything will do , but can I have extra rice please ?" Si kuya Jake

Nagpaserve pako ng kanin at juice tapos pumanik muna ako sa kwarto para silipin ang mga kuya ko


"Goodmorning baby" bati ni kuya Ivan gising na siya tulog pa ang iba , cant blame them 7:30 palang at alam kong pagod talaga sila humilik banaman hahahaha


"Goodmorning din kuya ivan :)" bati ko pabalik


"Gisingin mo na sila , kung ako gigising sa mga yan papagalitan ako" sabi niya tapos bumangon na siya


"Uy kuya gising na " sabi ko ng malakas , walang bumabangon


"Gising na"sabi ko ulit

Poink

"Wag ka ngang maingay" reklamo ng bastos na nambato ng unan sakin , si kuya OJ

"Bahala nga kayo nagluto panaman ako!"

"Goodmorning baby!" Yan sigaw ni kuya Reid sabay bangon nakarinig ng pagkain eh

"Aray ang sakit ng ulo ko" sabi niya muntik na siyang matumba buti nalang nahawakan ko pano biglang bumangon malamang ganon talaga naku kuya ko talaga :(

"Dahan dahan kasi kuya tignan mo tuloy , ano okay kana?" Tanong ko bago bitawan

"Goodmorning baby" si kuya Neil bumangon nadin

"Goodmorning kuya" isa-isa ng bumangon ang lahat maliban kay kuya OJ


"Uy kuya bangon kana para makababa na tayo at makakain" sabi ko pero wala dedma padin siya


Nagsipaghilamos ulit yung mga kuya ko tapos sinuot ulit nila yung suot nila kagabi , tho yung pants lang ayaw nila pakita legs nila hahaha , joke para formal naman daw sus formal nka tshirt hahahaha

"Kuya OJ kakain na tayo" sabi ko ulit



"Tsssssk" yan lang sinabi niya tapos bumangon siya iba yung napapansin ko kay kuya OJ namumula siya



"Isa kapa eh dahan dahan kasi wag biglang babangon" sabi ko kasi na out of balance din siya sa bigla niyang pagtayo


"Teka bakit ang init mo?" Tanong ko sa kanya hawak hawak ko kasi siya


"Syempre ngayon mo lang ba nalaman na hot talaga ako" -.-" okay napano yung kuya OJ ko kailan pa siya natutong magjoke ?


"Hindi yon may lagnat ka" sabi ko tapos binawi niya yung braso niya na hawakhawak ko


"May lagnat ka tol!" Tanong ng mga kuya ko


"Akala ko talaga di na kita makikitang magkakasakit brad congrats" baliw na kuya Reid lumapit at yumakap pa


"Reid ano ba magtoothbrush ka nga muna" ayan nanaman kasungitan niya



Si kuya reid naman tinulak si kuya OJ


"Oy hininga mo yon nag toothbrush na kaming lahat ikaw nalang" depensa ni kuya Reid , hindi kaya mababaho hininga ng mga kuya ko every morning :( naiinggit nga ako sa kanila kasi kahit bagong gising sila ang babango ng hininga nila


Tok tok

"Ma'am tapos na po sila" sabi ni ate , sabi ko kasi tawagin kami pagtapos ng kumain ang first batch



"Sige ate baba na din kami" sagot ko



"Maligo kana OJ o iiwan ka namin" si kuya Reid basta pagkain


"......" Si kuya Oj sabay pasok ng banyo


"Paki bilis ah , ang tagal mo panaman maligo" reklamo nanaman ni kuya reid


"Baby ikaw ba talaga nagluto?" Tanong ni kuya Neil


Tapos tumango ako


"Namiss kita baby" sabi niya sakin tapos ngumiti din siya eto nanaman yung ngiti niya



"Wag ka nga Neil ang aga aga eh ! I miss you din baby" si kuya reid tapos may yakap pang nalalaman



"Eh na miss ko din naman kayo eh :)" sabi ko


Medyo matagal padin si kuya OJ sa pagligo but I cant blame him nakasanayan na niya eh mabilis na nga yung ligo niyang to eh .



Pagbaba naman syempre bumati muna ng goodmorning yung mga kuya ko sa kasama namin dito sa bahay , tho medyo diko nagustuhan yung tingin ng mga pinsan ko at tito sa mga kuya ko , like their killing them in their minds .

Pagupo namin syempre kwentuhan kami no katabi ko si kuya Neil kausap ko siya .


"Panget paabot ako nung pancake" si kuya OJ katabi ko kasi siya tapos malapit sakin yung pancake


"Ayaw mo ng rice ?" Tanong ko


"Gusto kaya lang wala na" sabi niya na wala paring emosyon


"Seryoso?" Nabigla ako syempre ang dami ng niluto ko tapos wala ng rice ? Pagkakita ko sa plato ng mga nauna kong kuya diko alam kung matutuwa ako oh ano eh , pano si kuya Reid pinuno na niya yung plate niya same with kuya kelvin and others pagdating tuloy samin wala ng natirang kanin


"Ate may kanin paba tayo ?" Tanong ko sa kasama namim sa bahay


"Meron pa po ma'am"


With that pumunta na agad ako sa kusina saglit lang naman lutuin yung kanin ko eh halo halo lang . Diko expect na magkukulang yon kasi ang alam ko talaga yung first batch mas gusto ang american breakfast syempre yon kinakain nila sa states eh pero wala nagustuhan nila yung kanin ko :)


"Baby wag kanang magluto , okay na nagshare na sila Reid alam mo naman mga PG yon" si kuya Neil sumunod pala sakin



"Naku kuya saglit lang naman to eh , balik kana don tsaka alam ko naman na kulang parin talaga" sabi ko habang busy sa paghiwa .



"Tulungan na kita" alok niya



"Kuya please bumalik kana don , tsaka andito naman si ate eh may tutulong na sakin" sabi ko tapos nginitian ko siya kuya Neil , sumunod naman siya bumalik na siya sa dinning area


Nung natapos ko na yung niluluto ko eh pumunta na agad ako sa kusina baka nagkagulo na sila



"Oh wag na kasi yan , eto nalang" sabi ko sabay agaw sa pancake na pinagchachagaan ni kuya OJ , di naman sa hindi masarap yung pancake ko , but knowing kuya OJ ? Mas gusto niya ang rice kesa sa bread or anything else .


"Your welcome" sabi ko kasi wala tahimik lang siya tinignan lang niya ako after kong lagyan ng kanin yung plato niya


"So paano niyo ko nahanap?" Tanong ko habang kumakain


"Baby kumakain mamaya nalang okay?" Si kuya reid na busy pading kumain , minsan napapaisip ako paano niya namamaintain yung fit na katawan niya samantalang halos kasama ko siya everyday di siya nag ggym laging kain lang ginagawa niya, buti pa sana kung kagaya siya ni kuya OJ na basketball player eh , tho naglalaro naman sila minsan ng basketball hayyy hayaan na nga lang .


"Sige na nga" sabi ko tapos kumain nadin ako



"Baby solid ang sarap mo talagang magluto pwede ng mag-asawa" puri ni kuya Reid na malinis ang pinggan


"Asawa agad ? Boyfriend nga wala pa eh" sabi ko naman


"Speaking of boyfriend ! Anong meron sa inyo ni Neil Fajardo ah?!" Si kuya Kelvin naman


"Anong meron samin?" Takang tanong ko ano ba namang tanong yon


"Bakit sumama ka sa kanya at date mo pa ? Matagal mo nabang kilala yon ? Gano na katagal ? Nanliligaw ba ? Gusto mo ba siya?" Nakatulala lang akong nakatingin ngayon kay kuya Neil pano ba naman sunod sunod yung tanong niya


"Ah...."


"Mamaya niyo na pag-usapan kumakain respeto naman oh" reklamo ng hari ng kasungitan makapagsalita about sa respeto eh siya tong hindi ako pinapatapos magsalita


Syempre no tumahimik nalang kami at kumain ng mataimtim , after naming kumain eh dinala ko sila sa likod bahay sa may pool area .



"So ano nga pano niyo ko nahanap?" Tanong ko


"Wag kang feeling" sagot ni kuya OJ


"Bakit nanaman kuya OJ ? Nagtatanong lang ako ah!" Ako


"Di ka namin nahanap pumunta kami don dahil pinapunta kami ng mama ni Neil , hindi dahil alam namin nandun ka nabigla kami andun ka at may kadate pa !" Naiinis na paliwanag niya


"Ganon ? Sorry naman , akala ko kasi pumunta kayo don para talaga sakin eh" sabi ko medyo nalungkot naman ako sa narinig ko


"Actually baby ikaw parin naman talaga ang real reason eh , pumayag lang kami na umattend don dahil balak talaga namin is hanapin ka " sagot ni Kuya Neil


"Talaga ?" Sabi ko syempre this time gusto ko munang siguraduhin ang lahat



"Oo nga. Balak talaga namin hanapin ka" pag assure naman ni kuya Reid



"Baby gusto ko sanang magpasorry sa mga nasabi ko sayo di muna kita binigyan ng chance na magpaliwanag masyado akong nagpadala sa galit ko " sabi ni kuya Neil



"Naku kuya ako nga dapat ang magsorry eh kasi kung una palang sinabi ko na yung totoo at hindi nako nagsinungaling hindi tayo aabot don diba?"sabi ko ako naman kasi talaga ang may kasalanan


"Hindi baby ako yung may kasalanan kaya ako dapat ang magsorry" si kuya Neil ulit


"Hindi kuya ako talaga eh , wag kang magsorry ako , ako may maykasalanan" sabi ko


"Tumigil nga kayo ! Pareho kayong maykasalan okay ? Ikaw panget nagsinungaling ka ! Ikaw naman Neil masyado kang seloso ! Parehas na kayong nagsorry diba ?! Okay na yon tapos na kalimutan na !" Si kuya OJ masyado atang napuno


"Oo nga naman kalimutan nalang natin ang mahalaga eh magkakasama na tayo ngayon" si kuya Reid


"Sabagay may point si kuya OJ kalimutan nalang natin" nakangiting sabi ko


"Basta baby promise mo ah di ka makikipagdate na hindi nagpapaalam" si kuya Neil


"Promise , tsaka kuya hindi nga date yon diba?" Eto nanaman kami sa date nayon eh


"Oo na hindi na date" sabi niya tapos ngumiti na din siya



"Oh group hug na tayo" sigaw ni kuya Reid syempre naggroup hug naman kami maliban sa isa , the one and only kuya OJ



"Grouphug daw oh" sigaw ko naman tapos pinuntahan si kuya OJ para yakapin tapos sumunod naman yung mga kuya ko nakiyakap din hay buti naman okay na kami :)



-------------

OJ's POV

Buti naman ayos na ulit balik na sa dati , ilang buwan palang namin nakasama si panget ang laki na ng epekto niya samin , nakakapanibago na hindi namin siya kasama parte na siya ng sistema namin .

Wag na kayong magtaka bakit ang sungit sungit ko kay panget ! Naiinis kasi ako sa kanya hindi na nga siya nagparamdam ng ilang araw tapos makikita pa namin may date siya ? Mukhang kaya naman pala niya na wala kami eh !

Oo nga pala pabalik na kami ngayon sa hotel para kunin ang mga gamit namin at dalhin kina panget don na kami until Christmas , inimbitahan kasi kami ng pamilya niya na doon na magpasko , syempre yung mga walang hiya umoo agad , hindi man nagpapilit , ako ? Sabi ko pag-iisipan ko muna , pero ang totoo eh wala naman talaga akong magagawa kung hindi umoo dahil una sa lahat ayokong lumipad pa ng Paris para lang makasama sa pasko ang family ko , oo si mama lumipad ng Paris para puntahan don ang papa at kapatid ko lagi naman ganon eh , kung nasaan si papa lilipad si mama , di ako sumasama dito nalang ako kasama ang mga kaibigan ko , tsaka isa pa pinalayas ako samin ng sarili kong mama , wag na wag daw akong babalik hanggat hindi ko nahahanap yung anak niya , nahiya naman ako don , naging sobrang close sila ni Panget , kaya ang laki ng galit niya sakin ng sabihin kong hindi namin alam nasaan si Panget at galit nga si Panget , para naman ako ang may kasalanan -.-"

-------

CJ's POv

"Kuya sama na kasi ako eh" ako yan nagpupumilit na sumama babalik kasi ng hotel ang mga kuya ko para kunin ang mga gamit nila dito na sila magpapasko


"Wag kana baby dito ka nalang hintayin mo na lang kami" si kuya Neil


"Eh ayoko maiinip ako dito sama niyo na kasi ako" pakiusap ko ulit


"Wag ka ng makulet baby maghintay ka nalang" si Kuya Reid


"Please?" Kanina pako nakikiusap na isama nila eh , isa nalang ang hindi ko natatanong


"Kuya pwede ..."

"Hindi , ayoko" bastusan talaga o hindi ko paman nasasabi na gusto kong sumama sinagot na agad ako at hindi lang yon , bigla banaman sumakay ng sasakyan si kuya OJ ang sama :(



---------

Neil's POV


"Oh ano tara na?" Tanong ko sa mga kasama ko andito na kasi kami sa hotel , tapos na kaming mag-ayos ng gamit , nagtataka siguro kayo bakit hindi namin sinama ang baby ko no ? Syempre babawi kami ngayon kami bibili ng regalo ng baby ko .



"Reid ikaw ng bahala sa grocery ah?" Paalala ko kasi nakakahiya naman na makikipasko lang kami basta basta don kina baby ko , kahit mayaman lola niya eh gusto parin naming magshare ng grocery , lalo na para sa pasko



"Bat ako nanaman ? Ikaw nakaisip ikaw nalang" sagot niya sakin


"Bibili pako ng regalo para kay baby ko eh" sagot ko


"Edi bumili ka pagtpkatapos mo eh mamili kana ng grocery , alam mo namang wala akong alam dyan" reklamo niya


"Para namang ako may-alam!" Sagot ko


"Kami nalang ni Ivan ang bahala sa grocery" prisinta ni Paul


"Salamat tol" sabi ko





---------
CJ's POV



This is it in a minute pasko na :) , its December 24 11:58 pm



"Baby Merry Christmas" bati ni kuya Reid

"Merry Christmas baby"Kuya Neil

"Maligayang pasko" kuya Kelvin , Paul , Ivan , Ez


"Merry Christmas" si kuya OJ mukhang napilitan lang


"Merry Christmas" bati ko din sa kanila , tapos binati namin yung iba naming kasama dito


"Merry Christmas nak , alam ko naman na masaya ka this Christmas" bati sakin ni mama tapos kiniss ako pati din si papa


"Merry Christmas din po" sabi ko taoos yinakap ko sila



Nagstart na ang party namin meron kaming games like Pinoy Henyo , Charades , at kung ano ano pa . In fairness walang KJ , believe it or not kuya OJ joined us .

After ng mga palaro eh kumain na tapos konting kwentuhan lang at yon na pumasok na kami sa loob para makapagpahinga .


Nakakatuwa lang na nung una , medyo hindi okay mga tito ko ,at pinsan kong lalaki na kasama kong natutulog yung pito kong kuya pero ngayon okay na okay na , nakita kasi nila kung anong klaseng tao yung mga kuya ko :)


"Dali game na palitan na tayo ng gift" excited na announce ni kuya Reid

Nagpalitan na kami ng gifts ang si kuya Paul pala yung nabunot ko and tama yung binigay ko sa kanyang gift yung gamit ng mga Archi :)
ito ?

" no matter how many problems you had , dont worry i've got your back"

Ganyan kasi daw nandun yung mga parang blueprints( drawings ) nila na siyang lagi nilang problema na laging nakasabit sa likod nila hahahaha .



"I can make your heart beat fast , I can be cold or hot"
Yan yung akin , tapos yung nakabunot si kuya OJ , guess what ?! Isang kahon lang naman ng Black Meiji as in literal na isang kahon !


After ng exchange gifts eh yung regalo na namin sa bawat isa yung akin kasi diba naiwan ko sa car ni kuya OJ nung nag-away away kami kaya nasakanila na agad hindi muna nila binuksan ngayon lang nila bubuksan


"Eto yung pabango mo diba baby?" Si kuya reid na kung makangiti parang wala ng bukas , tumango nalang ako


"Ang sweet mo talaga baby buksan mo yung akin dali" sabi niya sakin tapos binuksan ko yung regalo niya


"Asdfghjkl" sorry speechless ako isang black Baby-G na watch


"Nagustuhan mo ba baby? Baby kasi kita kaya Baby-G hahaha" explain niya sakin


"Oo naman kuya super thank you" sabi ko


"Oh yung akin naman" si kuya Paul


"Kuya Paul?!" Nagulat pako ng makita ko yung regalo niya OMG yung hindi ko makita sa Nike store na Janoski yung floral

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sakin


"Oo naman kuya , tagal ko ng hinahanap to eh" sabi ko pa


"Syempre wala pa naman dito niyan , fresh from U.S payan" sabi niya sakin with a smile


"Totoo? Ihhh thank you oh yung regalo ko nagustuhan mo ?" Tanong ko


"Yeah , nakakatuwa nga na naisip mo about sa gitara ko sakto kailangan na kailang ko to " sabi niya sakin medyo nahiya yung gift ko huhuhu


"This book is really amazing at alam mo ang taste ko" si kuya Ivan pinuri niya yung mga books nabigay ko


"Nagustuhan mo kuya?" Tanong ko


"Yep, ikaw nagustuhan mo regalo ko?" Tanong niya sakin

Tapos hinanap ko yung regalong may from Kuya Ivan


"Wow pareho tayo ng gift ?" Sabi ko kasi books din binigay niya sakin tho cook books nga lang hihi


"Galing no? Sana nagustuhan mo ,at sana lutuin mo lahat yan ah? Paborito naming pito yan" sabi niya , hala 4 na book to eh lulutuin ko talaga lahat?


"Oo naman kuya , promise aaralin ko to lahat" sabi ko


"Oh yung akin naman!" Si kuya Kelvin


"Kuya kelvin ? Buksan mo din yung gift ko dali" sabi ko tapos sabay naming nilabas yung sapatos


"Uy ang galing pareho kayo?" Si kuya Reid


"Oo na napag-usapan?" Si kuya Paul

Pano banaman parehong pareho kami ng regalo vans shoes same design different size lang



"Galing baby pinili ko yan kasi sabi ko ang porma tsaka gusto ko din siya kumukuha nga ako ng size ko wala pa daw out of stock tapos ayan meron kalapa hihi" excited na excited si kuya kelvin hahaha

"Yung sakin simple lang" sabi ni kuya Ez


"Yung akin din kuya sana suotin mo ah?" Sabi ko tapos binuksan ko yung regalo niya


"Seryoso ? Kuya simple to ?" Tanong ko sa kanya


"Eh wala akong maisip na regalo tinanong ko si mama yan ang binili sorry" sabi niya sakin


"Wag kang mag-alala hindi fake yan" pag-aassure niya sakin


"Ano kaba kuya kahit fake to okay lang , mas lalo tuloy akong nahiya sa regalo ko , yung sakin yung simple compare sa bag nato no!" Sabi ko nashock na nga ako sa shoes fresh from U.S tapos eto pang bag nato wag niyo ng itanong anong brand !


"Grabe this is sweet , I always wanted to have someone who will buy clothes for me" sabi niya ng naka ngiti


"Eh kuya ako mismong pumili ng damit tsaka nag match ng pants" sabi ko , nahihiya padin ako sa regalo niya ang alam ko kasi mahal talaga ang regalo niya


"I like , ah no I love your gift thanks" sabi niya tapos nginitian ako ng napaka sweet


"Kuya OJ buksan mo na regalo ko dali" sabi ko na excited


"Ayoko nga" yan ang sagot niya


"Eh dali na kuya, binili ko yan kasi nung nakita ko sumusigaw yan ng OJ masunget OJ masunget" pagbibiro ko

"Tsssk" yan ang sagot niya tapos binuksan regalo ko


"Ano na gustuhan mo ? Sukat mo dali tho sure naman ako sa size mo " excited na sabi ko yung kay kuya Kelvin kasi kasya niya


"Sure kanaman pala eh wag na tinatamad ako" sabi niya sakin ang bad talaga niya kahit pasko


"Ako magsusuot sayo ang dami pang arte" sabi ko sabay agaw ng sapatos


"Ako nalang ! " sabi naman niya sabay agaw ulit sa sapatos


"Oh kasya , ano masaya kana?" Tanong niya na napaka sungit !


"Oo thank you ah !" Sabi ko nalang di paba ako sanay sa kasungitan niya


"Oh asan regalo ko?" Tanong ko sa kanya pano yung kanya lang ata yung wala dito isa nalang ang hawak ko at Kuya neil ang nakalagay eh


Tapos tumayo siya sa harap ko may kinuha siya sa bulsa ng pants niya tapos tinapat niya sa mukha ko yung isang kwintas


"Anong pang hinihintay mo ? Kunin ko na" naiiritang sabi niya


"Dimo ba isusuot sakin?" Tanong ko kasi naman hindi na nga ibinalot ganyan pa niya ibibigay!


"Bakit di mo ba masuot mag-isa at kailang pang isuot ko sayo?" Reklamo niya sakin


"Dimo na nga ibinalot tapos ganyan kapa" akala niya papatalo ako ah!


"Bat kopa ibabalot sisirain mo rin naman yung balot !" Galit na siya niyan


"Hindi naman ikaw yung magbabalot eh ! Yung sales lady!" Reklamo ko pabalik sa kanya


"Tsssssk" sabi niya tapos pumunta sa likod ko


"Isusuot din pa,a ang dami pang arte" sabi ko kasi sinusuot na niya sakin yung kwintas


"Your welcome" naiinis na sabi niya sabay upo


"Oh ikaw na kuya Neil!" Excited ako na nahihiya diko alam pano ko sasabihing parehas kami ng watch

"Teka ? Diba partner ng watch nayan ang watch mo baby?" Si kuya Reid napansin ah
Gad ng ilabas ni kuya Neil yung regalo ko


"Oo nga partner yan ng watch" si kuya kelvin nakisali nadin


"Ah eh hahaha oo , pair talaga yung watch , pero wag kang mag-alala kuya wala namang malisya eh hahaha , nahirapan kasi akong pumili ng regalo mo , tapos gusto ko yung watch ayaw namang ibenta na isa lang eh sayang kinuha ko na sorry ah" nahihiyang paliwanag ko

"Ano kaba ayos nga eh gustong gusto yung regalo mo thank you" sabi niya ng nakangiti ng malapad


"Couple watch oh yiiiiiieeeeeh" ayan nanaman si kuya Reid


"Eh hindi naman kuya Reid eh" suway ko


"Oh yung kay Neil yung buksan mo dali" makautos naman si kuya Reid sakin oh



"Cellphone?!" Gulat na sabi ko pano banaman yung regalo niya sakin is isang Iphone 5s


"Andyan na ang simcard mo , yung isa mung phone tinapon ko na" simpleng sabi niya


"Tinapon mo ? Bakit naman ? Pwede pa naman yon eh" sabi ko


"Nakakainis kasi pagtinatawagan ka namin cannot be reach ka , tsaka luma nadin naman yon palitan mo na" paliwanag niya


"Sus hindi baby naibato kasi niya yung phone mo nung sobrang galit niya sa sarili niya , tawag kasi kami ng tawag non naiwan mo pala yung phone mo sa kotse ni OJ" sabi ni kuya Reid


"Bat mo naman binato kuya ?"tanong ko maiintindihan ko naman basta ipaliwanag lang ng maayos tho masakit loob ko matagal na sakin yung phone nayon eh


"Nainis kasi ako baby kung hindi nalowbat yung phone mo na yon hindi na sana tayo umabot sa ganon kayo ayon anibato ko , lagi kasi lowbat , pero promise sinubukan kong ioagawa yung phone mo pinilit kong ipasurvive pero wala na talaga sorry" paliwanag niya sakin na nalulungkot pa


"Oo na kuya okay na , salamat sa regalo mo ah" sabi ko tapos ayon ang group hug kaming walo syempre pinlit lang namin si kuya OJ .

Natulog na din naman kami kasi Bukas gagala kami ng bongga!






[an : im so sorry for being out too long , I have a lot of stuff to deal with sana maintindihan niyo Love you all xoxo]

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.1K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
28.5M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...