In Prince's Heart

By _BeyondFabulous_

3.9K 1.1K 481

HAPPINESS. Is a choice. A choice I make when I'm with you. Why didn't you let me choose you? TRUST. Is an ess... More

In Prince's heart--Prologue
Disclaimer
Mission 1
Mission 2
Mission 3
Mission 4
Mission 5
Mission 6
Mission 7
Mission 8
Mission 9
Mission 10
Mission 11
Mission 12
Mission 13
Mission 14
Mission 15
A/N
Mission 16
Mission 17
Mission 18
Mission 19
Mission 20
Mission 21
Mission 22
Mission 23
Mission 24
Mission 26
Mission 27
Mission 28
Mission 29
Mission 30
Mission 31
Mission 32
Mission 33
Mission 34
Mission 35
Mission 36
Mission 37
Mission 38
Mission 39
Mission 40

Mission 25

51 15 6
By _BeyondFabulous_

thank you @MissWinterBreak

Laura's POV

"Anong pangalan mo hija?" tanong ni Martin kay Nia sabay subo ng kanin.  Kinailangan naming kumain ni Nia kasabay si Martin dahil nagpumilit ito.  Kahit labag ito sa aking kalooban ay ayaw ko naman na mahirapang magadjust si Nia sa pagtira dito.

"Nia po, Nia Jasmine Perez." nakangiting sabi nito sabay tingin sa mga pagkain na nasa lamesa.

"Hija wag kang mahiya samin. I want you to feel at home." sabi ni Martin na ikinagulat ko pero nanatili akong tahimik.  Si Luke ay kanina pa nakatingin kay Nia.  Seryoso ba siya sa sinabi niya?

Nagpatuloy kaming kumain ng muling nagsalita si Martin.

"Hindi ka naman siguro walang modo hija, ano?"

"P-po?" mahinang tanong ni Nia.  Tiningnan ko si Martin at bingyan ito ng makahulugang tingin.

"Hanggang kailan ka titira dito hija?Asan ang mga magulang mo?" muling tanong ni Martin.

"Naghahanap lang si--" sasagot na sana ako ng putulin ni Martin ang aking sasabihin.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko Lau--"

"Pwede naman po akong umalis kung ayaw niyo po akong tumira dito." putol ni Nia.

"No.  Dito ka titira, you're not going anywhere."si Luke.

"Bastos ka nga Nia.  Katulad mo rin si Laura na isang lapastangan." si Martin.

"Martin." medyo may banta kong sabi.

"Bakit Laura?  Nahihiya ka bang malaman ng kaibigan mo ang tunay mong ugali?"

"Tumigil ka na kung wala ka rin namang sasabing maganda."  pabalang na sabi ko.  Oo bastos na kung bastos pero mali rin na ganon ang naging pakikitungo ni Martin kay Nia.  Tumingin kami ng humalakhak si Martin habang pinupunasan ang kanyang bibig.

"Nakita mo iyan hija? Walang respeto ang batang iyan sa sarili niyang ama."

"Sinong nagsabi sayo na wala akong respeto sa aking ama? Ha Martin?!" may diing sabi ko sa kanya.

"Bakit ikaw ba ay may respeto sakin?!" sigaw nito sabay tayo.

"At kailan ka pa naging isang ama sakin?!"

*PAK!PAK!*

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Nia sa ginawang pagsampal sakin ni Martin.  Mabilis na tumayo si Luke at tiningnan ng matalim si Martin.

"Manang." tawag ko sa isa sa mga katulong. "Paki hatid na lang po ng pagkain ko sa taas."

"Masusunod señorita."

Hindi ko na pinansin si Martin ng akmang may sasabihin ito.  Pagakyat ko sa kwarto ko ay naabutan kong tumutunog ang aking telepono.  Pagsilip ko dito ay nakita kong si Reid ang tumatawag.

"Laura?" tanong nito ngunit hindi ako kumibo at tumingin lang sa kawalan. "Laura? What happened? Is everything fine?"

"Walang nangyari, okay lang ang lahat ano kaba.  I was just drinking water kaya hindi ako nakasagot."

"Okay, are you sure?"

"Yeah I'm sure."

"I miss you so much." Napangiti ako sa sinabi ni Reid.  Kahit wala siya sa tabi ko ay napapagaan parin niya ang loob ko.

"I miss you more, Reid.  Kamusta si mama pati yung misyon?"

"Everything's fine.  Nasa market si mama to buy some pasalubong."

"Ha? Sinabi mo kay mama tungkol sa pasalu--"

"Yah! Wala namang problema don. In fact, she voluntered to buy food for you!"

"Tss."

"Laura?"

"Hmm?" tanong ko.

"Kamusta sina JM? pati na rin yung grupo nila Prince?"

"Namiss mo sila noh? They're fine.  Hinanap ka nga sakin nung f4 eh sabi ko nag out of town kayo ng pamilya mo."

"Haha yah sige na aamin na ako! I miss them."

"Si Nia dito muna titira sa mansyon habang naghahanap ng bagong dorm."

"Si Nia? That's good pero si Sir Martin? Wala ba siyang sinabi tungkol dito?"

"Wala naman sinabi si Martin eh." pagsisinungaling ko.  "Maayos nga ang tanggap niya kay Nia eh."

"Hmm sige Laura.  I was just checking if your fine, good night sweet dreams!"

"I miss you.  Good night na rin." malambing kong sabi.  Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa dahilan para mapangiti ako.  Pagkababa ko ng telepono ay saktong pumasok si Nia sa kwarto na ngayon ay nakabihis na ng pangtulog na damit kasama si Manang na may mga pagkaing dala sa tray.

"Eto na po ang pagkain Señorita."

Hinintay ni Nia na makaalis si Manang saka umupo sa tabi ko sa aking kama at bumuntong hininga.  Nagsimula narin akong kumain habang siya ay nakatingin lang sakin at hindi malaman ang kanyang gagawin.

"L-Laura." mahina nitong sabi.  "Hayaan mo muna akong magsalita bago ka ha? Pakinggan mo lang ako."  Tumingin ako sa kanya at inayos ang upo ng makitang mukhang seryoso ang aming paguusapan.

"Laura, ako na lang ang hihingi ng tawad sa ginawa ng ama mo.  Siguro nga ganto na siya noon pero ng dahil sakin ay nagalit siya sa iyo kanina.  Laura nagpapasalamat ako sa kabutihang ipinapakita mo sakin pero kung ikaw lang rin naman ang apektado pwede na akong umalis dahil hindi mo naman ako responsibilidad."  Mabilis pinahid ni Nia ang mga luha sa kanyang mga mata bago bingyan ako ng isang pilit na ngiti.  Hindi ko alam kung bakit pero tila ba hinaplos ang aking puso sa mga sinabi ni Nia.

"Walang problema Nia.  Okay lang ang lahat, masasanay ka rin tulad ko." Nagulat ako ng mabilis niya akong yakapin saka humagulgol sa pagiyak.  At dahil sa biglaang pagyakap niya sakin ay muntik na kami mahulog sa kama samantalang ang pagkain na nasa tray ay tumilapon na.

"L-Laura hindi man kita masyado pang k-kilala andito l-lang ako kung g-gusto mo ng m-makakasama." ngumiti siya sakin saka tumungo sa pintuan ngunit bago pa man siya makaalis ay tinawag ko na siya.  Inaya ko siya pumunta sa terrace at magpahangin muna doon na ikinatuwa naman niya.

"Galing niyo noh? Akala ko hindi kayo mayaman eh kabaliktaran naman pala." she chuckled.  Matapos ang ilang minutong katahimikan ay napagdesisyunan kong magkwento.

"Hindi ko siya tunay na ama."

"A-Ano?"

"Hindi ko tunay na ama si Martin."

"A-Ano?"

"Hindi si--"

"Adopted ka lang?! Grabe ang gwapo ng anak nung Manong yung nasa kwarto mo kanina!" sabi niya habang kumikislap ang kanyang mga mata.

"Hindi ako adopted, tunay ko yung kapatid!"

"Bakla ka di mo man lang sinabi samin na hot ka pa lang kapatid!"

Napailing na lamang ako sa mga sinasabi ni Nia tungkol kay Luke.

"Laura, ano mo yung si Tito Martin?"

"Nung bata ako, namatay ang dad ko. Si Martin yung nandon para suportahan si mommy.  Nagpakasal sila after a few months and then my mother died.  Si Martin ay stepfather ko lang."

"S-sorry, hindi ko alam."

"Ano ka ba! Okay lang ako." nakangiting sabi ko.  Nagpalipas kami ng oras habang nagkekwentuhan at hindi namalayan ang bilis ng oras. Madami rin akong nakwento kay Nia tungkol sa pamilya ko na ikinagulat niya.  Si Nia rin ay may mga problema pero hindi ito dahil sa kanyang pamilya lalo na't ang kwento niya ay meron siyang isang masayahin na pamilya.

...ang bagay na hinihiling kong magkaroon rin ako ngunit hindi maaaring matupad.













  _BeyondFabulous_

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...