Catching The Brightest Star [...

By LivelyLeo

69.2K 1.9K 1.5K

Hechanova Series 2/4 Truth to be told, We all once like someone who doesn't like us back. We chase them, unti... More

CATCHING THE BRIGHTEST STAR
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
Chapter 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 10

1.6K 52 4
By LivelyLeo

"Long quiz tomorrow. Ang babagsak, i-drop niyo na lang ang subject ko, and see you next semester." Masungit na sabi ng Professor sa amin at nilisan ang room. So kailangan ko pa lang mag-review nang sobra sobra mamayang gabi, Nakakahiya naman kapag bumagsak ako.

Anyways, Naalala ko na naman ang mga nangyari kahapon. It's Wednesday, at hindi ko pa rin nakalimutan kung paano niya ako ngitian kahapon. It's one of the most memorable day of my life, at hinding hindi ko iyon makakalimutan. Sobrang bilis nga lang ng oras because after he bid goodbye, Hindi ko na siya nakita mag-hapon. And that's okay, At least... I saw him in the morning.

"Hello, Carina! Nakikinig ka ba?" Napatingin ako kay Camille, Inaayos niya na ang kanyang gamit at handa nang lumisan.

"Sorry? Ano ulit iyon?" I asked, at iniligpit ang aking mga gamit. I was in deep though with Aster, Hindi ko kasalanan. Para siyang  virus na kumapit sa sistema ko na kailan man ay hindi maalis.

"Sabi ko tara sa labas, Bili tayo milktea." Aniya, Napakagat ako sa aking labi nang marinig iyon. Naalala ko na naman ang kahapon, Itinago ko pa talaga sa ilalim ng aking kama ang pinag-basutan ng milktea. Lalo na ang straw, Samantalang ang kanyang panyo naman ay nalabahan ko na. At isasauli ko na lang kapag nakita ko siya.

"O-Okay." Maikling sabi ko at kinuha ang bag, Sabay naman kaming lumakad na dalawa habang si Liam ay nasa likod namin. Halata namang may ka-chat siya, Ngingiti ngit pa nga na parang aso kanina. Wala nga siyang pake sa sinabi ng Prof, Sobrang importante siguro talaga ng ka-fling niya kaya siya ganyan.

Katulad nga nang sinabi ni Camille, Sa cafe kami tumungo. Maaga pa naman, 10AM to be exact. Wala pang masyadong tao, dahil ang karamihan na customer dito at highschool. Mamaya pa ang awasan nila, Hindi katulad namin ba medyo mahahaba ang break.

"William is cute, and he likes me too much..." Tumingin ako kay Camille nang sabihin niya iyon habang siya ay nakatitig sa isang picture. Sumilip ako, at nakita ang mukha ng sinasabi niyang William. She is right, he is cute.

"You like him?" I asked, Agad naman siyang tumango tango at ibinaba na ang cellphone. Hindi siya sumagot at ngumisi lang, Napakunot naman ako dahil sa kanyang inasta. Ano kaya ang nasa isip nito?

As soon as we enter the cafe, Agad kaming namili nang magandang espasyo para mauupuan. At ang napili namin ay nasa tabi ng bintana, Ito na ata ang pinaka-paborito naming parte ng cafe. Um-order ako ng isang vegetable salad, at isang milktea. Habang sina Camille, ay um-order ng fingerfoods. Gusto ko rin sana, kaso baka agad na mag-react ang aking katawan dahil sa mantika ng mga ito. Mas mabuti nang safe, baka ikamatay ko pa 'yan.

"You know, I sometimes wonder, Sobrang clingy ni Riri." Biglang sabi ni Liam habang pabagsak na inilapag sa table ang kanyang cellphone. Ah, So Riri pala ang pangalan ng sinasabi ni Camille na "Kalandian" niya.

"What about her?" Tanong ko naman. Nakakunot ang kanyang noo, at halata ang iritasyon sa mukha.

"Sobrang clingy niya sa text, I mean, Laging may emoji na puso at kung umakto siya ay parang highschool. Hindi lang ako naka-reply sa loob ng dalawang minuto, nag-ooverthink na siya. And you know what? Tuwing nagsasama kami, Sobrang touchy niya." Pag-kekwento niya pa, Halata namang nag-pipigil lang ng tawa ang isa naming kaibigan habang ako ay seryosong nakatingin lang sa kanya.

"What exactly do you want? Serious relationship or just a fling?" Ani ko, Kasabay naman nang pag-dating ng aming order. Natigil kami sandali sa pag-uusap dahil dito, at nang makaalis ang waitress ay tsaka siya ulit nag-buka ng bibig.

"We, boys, We want everything to be slow. Ang mga babae, kakasagot niya palang kahapon, Planado niya na ang pangalan ng magiging anak nila ngayon. And that's not good, Kaya nga pumapasok sa relasyon para i-test kung mag-wowork. And Riri? If you don't meet her expectations, Away agad." He explained again, Naiintindihan ko ang punto niya. Ngunit walang pumapasok sa isip ko na magandang advice para sa kanyang sitwasyon. Ano ba ang maitutulong ko? I'm just a hopeless romantic.

"Alam mo, Gusto kasi namin ng pulido. At hindi naman lahat ng babae, katulad ng Riri mo. Kung ako sa iyo, i-break mo na." Tatango tangong sabi nito, at sumubo ng chicken skin. Really? Is that the best advice she can give? Feeling ko tuloy nag-seselos lang siya dahil nahahati na ang oras ni Liam sa amin at kay Riri.

"Manong sabihin mo sa kanya ang mga iyan. For maiintindihan ka naman niya." Singit ko sa kanilang dalawa, Sabay subo sa aking vegetable salad. Nakita ko kung paano umirap si Camille, at humigop sa kanyang frappe.

"Bakit kasi hindi mo pa aminin sa amin na nilalaro mo lang si Riri?" Natatawang sabi nito, Agad siyang sinimangutan ni Liam at umiling iling. "Really? Eh bakit hindi mo mapakilala sa amin?" Dagdag niya pa.

"Camille, Baka hindi ako ang nag-lalaro. Baka ang manliligaw mo ang nag-lalaro, st hindi mo napansin na laruan ka lang niya." He said, na may pagka-asar sa kanyang boses. Tinapat ni Camille ang kanyang daliri kay Liam at agad na gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Akala mo ba hindi ko alam? Isa lang ako sa tatlong nililigawan niya. Tourism ang isa, Educ naman ang isa. Tell me something, I don't know." Napatawa si Liam nang sabihin niya iyon, ako naman ay nakangiting umiling iling. Kaya naman pala ganoon ang reaksyon niya kanina noong tinanong ko kung gusto niya si William. Well, He's a jerk. A total jerk, to be exact.

Nawala ang mainit na sagutan nila dahil sa sinabi ni Camille, Tahimik kaming kumain habang sila ay todo focus sa cellphone. I didn't even bother to open mine. Sino ba ang mag-tetext sa akin? Kuya? The last time I check, Galit siya sa akin. As soon as we finished eating, agad na kaming nag-bayad at lumabas. Mabagal ang aming pag-lakad, dahil sinusulit na namin ang aming isang oras na break. Sana ay laging may absent na Professor para masaya lagi.

"That dumbass think he's fooling me, Hindi niya alam siya talaga ang nilalaro ko." Rinig kong sabi ni Camille, Akala ko naman ay tapos na ang usapan nila tungkol doon ngunit parang nag-sisimula na naman sila.

"Idiot, Hindi siya magaling." Wika naman ni Liam, Habang ako ay nakikinig lang sa kanilang dalawa. "Let's not talk about me and you, pansinin naman natin si Carina." Napatingin ako sa kanilang dalawa at agad na nag-kunot ang noom

"And what about me?" Tanong ko.

"How's Air?" Bulalas ni Camille habang may maliit na ngisi sa labi. Nakaramdam ako ng hiya sa kanilang dalawa nang tanungin niya iyon. Ano ba ang sasabihin ko? Nag-indirect kiss kami? Argh, Not good. Lalo lang nila akong aasarin.

"Hmm, Good? Hindi naman kami nag-uusap." Kibit balikat kong sagot, at nag-iwas ng mata. Hindi naman talaga kami nag-usap ngayon, Kahapon mano pa.

"Ayaw niya mag-share, Madaya!" Pang-aasar ni Liam, kaya agad kong siyang binatukan. Iniisip ko na sobrang kawawa niya talaga sa amin, at buti nga mas gusto niya kaming samahan kaysa sa iba niya pang kaibigan. Nanahimik kaming tatlo hanggang makarating sa room, We're just in time para sa susunod na subject dahil halos kasunod lang namin ang Prof.

Our day went like that, Discussing and Reciting. Lumalabas din kami tuwing may free time, at bumabalik din sa wastong oras. College is synonymous to freedom. Sabay kaming lumabas ni Camille, Dahil si Liam ay pupuntahan pa daw si Riri na sobrang ikinaasar naman nitong isa.

"Riri your face, Mga bobo." Inis na bulong nito na ikinatawa ko.

"Hayaan mo na, ngayon lang naman." Pagpapakalma ko sa kanya. Hindi siya nag-salita at umirap lang. We are silently walking when I saw Aster, He's getting something in his bag. Pasaliwa kaming dalawa, at ako ay sa daan lang nakatingin nang mapansin na malalagpasan niya na kami.

"Invisible." Bulong ni Camille, I was in the edge of being hurt that time when I heard Aster's voice calling out my name. Agad akong napatingin sa kanya, ngunit hindi ipinahalata ang pagkasabik.

"Hey," I said, Lumakad naman siya papunta sa akin. His lips doesn't formed any smile, pero nakikita ko naman ang itinatago niyang ngiti sa mata. At ayos na ako doon.

"Hi," He said, Napakunot ako nang iabot niya sa akin ang isang paperbag. Agad kong binuksan iyon at nakakita ng isang frappe, Buti nga at hindi natapon. May tela akong nakita, at hindi ko alam kung ano iyon, sandali akong napatingin kay Camille na namumula, at mas mapula pa siya kaysa sa akin. Habang nakatakip ang hawak na libro sa mukha at ang mata lang ang nakikita.

"Ahm, I'll go now. Bye Carina." Nag-mamadali niyang sabi nang mabasa ang nasa isip ko. Tumango naman ako at nang makaalis siya ay agad na ibinalik ang tingin kay Aster.

"You friend is shy, I know." He said, at lumakad papunta sa isang bench. Sinundan ko siya, at agad ding naupo.

"What's this?" I asked, at ibinaba ang frappe sa maliit na space na nasa gitna namin. Inilabas ko sa paperbag ang isang telang nakita at napag-tanto na isa iyong uniform. Laun tennis uniform ng university, Why on earth did he give me this?

"W-what's the meaning of this?" I asked, at takang tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin ng ilang segundo, ngunit agad akong nag-iwas dahil nararamdaman ko na ang pamumula ng aking pisngi.

"I assume half day lang ang class bukas, I'll fetch you at your room." Agad ko siyang tinalikuran nang marinig iyon, Narinig ko ang kanyang mahinang pag-tawa na sobrang ikinapula ko. Kagat labi, at dahan dahang nagpapakawala nang hininga, Iyon ang tangi kong ginagawa.

"Leave me, Aster." I asked, for good. Mas mabuti nang sa susunod na lang kami mag-usap dahil hindi ko na kaya ang kilig na nadarama.

"Oh, Carina. Anyways, Suotin mo 'yan bukas ah. I'll fetch you tomorrow at your room." Napapikit ako, at hindi siya nilingon. Naramdaman ko ang kanyang pag-lakad paalis, Habang ako ay dahan dahang tumayo. Dali dali kong inilagay ang frappe sa paperbag, at pati na rin ang damit. Binitbit ko iyon at agad na nilisan ang bench.

Hindi ko maitago ang ngiti sa mga labi dahil sa nararamdaman. Hindi matagal ang aminh pag-uusap ngunit gayon na lamang ang aking pagkakilig.  Natanaw ko ang aking sundo sa di kalayuan, kaya patakbo kong pinuntahan iyon. Agad akong pumasok sa passenger seat, at napasandal sa upuan.

"Ang bilin po ng Kuya niyo, Huwag daw po kayong hayaang tumakbo. Sana po ay ito na ang huli." Sambit ng Driver na ikinagulat ko, Hindi ko siya pinansin at umayos ng upo. Kuya na naman, As if mapipigilan pa ako ni Kuya. Surely, No. Why would I? Bakit ako mag-papapigil?

Tahimik ang byahe, at hindi ko maialis ang tingin sa paperbag. Maybe I should collect all the things Aster gave me, Feeling ko tuloy may 0.5 points na ako. Nakarating kami sa bahay, at pinag-buksan ako ni Mommy ng pinto. Agad na lumipad ang tingin niya sa aking hawak at agad na napakunot.

"What's that?" She asked.

"Hmm, I bought it. Wala akong meryenda for this night kaya naisip kong bumili." I said, Tumango tango naman siya na parang kumbinsido sa aking sinabi. Sabay kaming pumasok, at pabagsak akong naupo sa sofa. Habang siya ay tahimik lang na nakatingin sa kanyang cellphone. Hindi ako kumikibo, hanggang narinig ko siyang nag-sasalita.

"Your brother told me what happened, and I'm not very happy about it. I'm disappointed." Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya, Ibinaba niya ng cellphone sa lamesita at agad na seryosong nag-alay ng tingin sa akin. "Bakit mo siya sinagot ng ganoon?" She continued kaya napapikit na lang ako.

"Nakwento niya ba sa iyo ang buong pangyayari?" I asked, at nag-mulat.

"Yes, At para kaming sirang plakang paulit-ulit na sinasabi sa iyo that you brother just want to protect you from everything that will cause harm!" Medyo tumaas ang kanyang boses kaya hindi ako kaagad sumagot at tumahimik. "He's just checking on you, and you know what? You're just over reacting about this. Your Brother is right. Mas mabuti kung may koneksyon kami sa eskwelahan mo. Hindi namin alam ang nangyayari sa loob, and we want to make sure your safety." She continued. Huminga ako nang malalim, at sa wakas ay tumingin na rin sa kanya.

"I don't like it when people around me, treat me good dahil may sakit ako. I don't want the special treatment, I don't want their pity. And just for once, Gusto kong mabuhay na parang normal ako. If you can't give me that, I'm so sorry but so be it." Diretsong sabi ko, Pinipilit kong huwag manginig ang boses habang nilalabas sa bibig ang mga salita na iyon. Tumayo ako, at hindi na muling tumingin sa kanya.

Umakyat ako pataas, at nang masiguro kong hindi niya na ako tanaw ay agad akong napahawak sa aking dibdib, at sandaling huminto. Kagat labing napasandal ako sa pader, at halos dumausdos pababa hanggang mapaupo sa isang step ng hagdan.

"Come on, Carina. Breathe." Bulong ko sa sarili. You can do it, Star. You can.

"Carina?" Nag-mulat ako ng mata, at humarap sa likod, nakita ko si Kuya na kakalabas pa lang ng kanyang pinto at takang nakatingin sa akin. Agad siyang lumakad papunta sa aking pwesto, at inilagay ang kamay sa aking balikat. Akmang itatayo niya ako, ngunit agad kong tinaggal ang kanyang pagkakahawak.

Walang buhay kong nilabanan ang hulat niyang ngiti, Habang tumatayo.

"I don't need your help." Mariin kong sabi, At dahan dahang tinahak ang daan patungo sa aking kwarto. Hindi ko siya nilingon katulad ng ginawa ko kay Mama, Nang makapasok sa aking silid ay agad kong inilagay ang bag sa kama at naupo naman dito. Hindi pa oras para gumamit ng apparatus na nasa tabi ng aking kama, at hindi naman ako nahihirapang kumuha ng hangin. Paulit ulit ko na lang na tinantya ang sarili, kung kaya ko ba. Dahil paninikip lang naman ito ng dibdib.

"Told you, You can do it." Wika ko, at ipinikit ang mata. Gusto kong matulog, Kahit sandali lang.

As I woke up, Lumipad ang tingin ko sa aking wristwatch, at napansin na Alas otso na. Tinignan ko ang aking sarili, at iyon oa rin ang suot ko. Hindi ko na palang nagawang mag-palit dahil sa nangyari kanina. Agad akong tumayo, at pinakiramdaman ang sarili. Tumuloy ako sa banyo, para maligo.

It wasn't Aster who occupy my mind, But and Mom. And how she told me that I was just overreacting. But I wasn't, It's a big deal for me at hindi naman nila alam ang pakiramdam ko since they aren't in my position. Ipinulupot ko ang twalya sa aking katawan at lumabas. Nag-bihis ako nang pang-tulog, at biglang nakaramdam ng gutom. Nasa palabas na ako ng aking kwarto nang biglang umilaw ang aking cellphone. Kinuha ko muna iyon, at nakita na may nag-message sa akin sa twitter.

Kinuha ko ang cellphone, at nakatingin dito habang pababa. Binuksan ko ang aking twitter, at agad na nakita ang message. It was Camille, telling me that She saw everything.

CamilleCamille @KamilOlivia

I saw you, Akala mo siguro umalis ako no? Oh my, ano 'yang ibinigay niya sa iyo? Ikaw hah, Tell me nga, Nagkakamabutihan na ba kayo or what? Ang cute ngumiti ni Aster kanina.

Nakangiti akong nag-ttype dahil sa nabasa.

CarinaVela @Starrynight

I owned him, kahit hindi niya alam. Back off, He's mine.

Ilang sandali lang ay na-recieve kong muli ang reply niya.

CamilleCamille @KamilOlivia

So anooo nga? Nasa tamang daan ba ang tinatahak niyo? Baka gusto ka rin pala niya, hindi mo alam.

CarinaVela @StarryNight

He's a friend, I think? Wala naman sigurong masama doon? Hahaha. Lahat tayo dumadaan sa friendzone level.

CamilleCamille @KamilOlivia

And that's fine with you? Lol. I don't think so. Come on girl, Make a move. CarinaVela @StarryNight

CarinaVela @StarryNight

No, I'll make sure, this time, he'll make a move. Nakakasawa kayang ako na lang. It's been decades since I start courting him in my mind. Give and take dapat.

CamilleCamille @KamilOlivia

Bahala ka, Mukhang nanaginip ka ata. Hindi hindi gagawa ng first move ang Hechanova na iyon. Si Comet, mano pa.

CarinaVela @StarryNight

Hindi ka gusto ni Comet. Get lost.

CamilleCamille @KamilOlivia

At akala mo, gusto ka ni Aster? Dream on.

CarinaVela @StarryNight

Wew. Bye, I'll just eat.

Katulad nga ng aking sinabi ay agad akong tumuloy sa kusina, Ngunit nasa bukana pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang boses nina Mommy at Kuya. Bigla akong nag-curious sa kanilang pinag-uusapan dahil narinig ko ang aking pangalan. Nag-tago ako sa pader, ngunit rinig na rinig ko pa rin ang kanilang usapan.

"That's enough, Mom. I never said that you talk to her that way. Ayokong masktan ang kahit na ano sa kanya. Either physical, Emotional o kahit saan pa." Wika ni Kuya.

"Akala ko ba kami ang nag-totolerate sa kanya? Bakit mukhang ikaw ata?" Bulalas naman ni Mommy.

"Siya na mismo ang nag-sabi, She wants a life and she doesn't want me in it. Don't stress her, Don't raise you voice when talking to her. If ever that she is hurt, don't call me. Let her live her life, At kung ano ang kakalabasan, wala na tayo doon."

Agad akong napalunok, at napakagat sa labi. Dahan dahan akong lumakad palayo sa kusina, at sa garden nanatili. Naupo ako sa damo, at walang pakialam kung madumihan ang aking sapin. Napatingin ako sa itaas, at nakita kung gaano kaliwanag ang buwan, at kung paano kuminang ang munting mga bituin.

Gumuhit ang malungkot na ngiti sa aking mga labi, habang iniisip ang mga narinig sa aking mga kabahay.

"How could life be so unfair? You gave me everything, Lord. The face, The intelligence, The money and a happy family. Can I trade all of them for a happy healthy heart? Please?" I whispered, at naramdaman ang pag-iinit ng haligi ng aking mata. "Can I live peacefully before I die?"

And I feel tears rolling down to my cheeks, as I felt the loud tugsh in my heart. Painful. Too painful, Lord.

Continue Reading

You'll Also Like

87K 2.7K 53
Tantoco Series #1: For Chandrella Arquiluz, Hurricane Tantoco was nothing but a former competitor. The guy she solely hate from the day he started r...
44.1K 930 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
93.5K 3.6K 87
Caius Jeremiah Buenvenidez Fontana, the drummer of Chivalry, a male model and a celebrity, an outstanding student who is known to be an every-girl-in...
32.9K 1.7K 60
Born to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more complex. There was an accident. She was sure...